You are on page 1of 1

TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS

Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bigaa (ngayo’s Balagtas),


Bulacan noong Abril 12, 1788. Ang mga magulang niya ay sina Juan
Balagtas at Juana de la Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco Baltazar
o Kikong Balagtas. Ang kanyang asawa ay si Juana Tiambeng taga Orion,
Bataan at nagkaroon ng pitong anak.

Bata pa si Kikong Balagtas as mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng


pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng mga
dahon ang awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara and mga
bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kanyang
ama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kanya ay inihambing
niya sa musika.

Sa murang idad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mga
Espanyol sa mga kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sa
nararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kanyang bayan
ngunit di niya ito lubos na maunawaan. Hanggang sa nasubukan niyang
umibig sa pamamagitan ni Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito ang nagbigay
ng gulo sa kanyang buhay. Siya ay ipinakulong ng walang kasalanan at
katarungan ng kanyang karibal na Espanyol at may mataas na katuangkulan
sa bayan noong panahon ng kastila. At isa itong cacique, doon niya
naunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng kanyang mga
kababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kanyang tula na “Florante at
Laura”. Ito ang kanyang obra maestro, na nagbubulgar sa mga pang-aabuso
at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito ay
naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kanyang bayan, at mga
aral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, pag galang
sa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa kabayanihan. At
dahil sa tanyag na tula, pinangalanan siyang “Hari ng Makatang Pilipino.” Si
Francisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20, 1862.

You might also like