You are on page 1of 250

LET 2008

PATROCINIO V. VILLAFUERTE
Puno, Kagawaran ng Filipino
Kolehiyo ng mga Wika,
Linggwistika at Literatura
Philippine Normal University,
Manila
Bahagi I. – Komunikasyon sa
Akademikong Filipino
A. Komunikasyon
1. Kahulugan ng komunikasyon:
1.1 Ito’y itinuturing na sining
at paraan ng paghahatid o
paglilipat ng informasyon,
ideya at kaalaman ng isang tao sa
kanyang kapwa.
1.2 Ito’y proseso ng
paghahatid
ng mensahe o pagpapalitan ng
ideya, informasyon,
karanasan at mga saloobin.
1.3 Ito’y isang prosesong
daynamiko, tuluy-tuloy at
nagbabago.
1.4 Ito’y isang mabisang
paraan ng pakikipag-ugnayan /
pakikipag-unawaan.
1.5 Ito’y pasalita o pasulat na
pagpapahayag o pagpapabatid
ng iniisip o dinarama sa isang
paraang mabisa at kalugud-
lugod.
1.6 Ito’y isang prosesong
transaksyunal na
kumakatawan sa apat na
katangian:
1.6.1 akto, kaganapan, at
kilos
1.6.2 integral na elemento
1.6.3 nagbabago
1.6.4 kumikilos ang taong
kasangkot
2. Anim (6) na komponent ng
komunikasyon:
2.1 konteksto. Ito ang kalagayan
kung saan magaganap ang
komunikasyon: pisikal,
sosyal, historikal, sikolohikal,
at kultural
2.2 partisipant. Ito’y tumutukoy
sa mga taong nag-uusap.
2.3 mensahe. Nagaganap ang
komunikasyon sa pamamagitan
ng paghahatid at pagtanggap ng
mensahe.
2.4 tsanel. Ito ang rutang
dinaraanan ng mensahe.
2.5 pagkakaroon o kawalan ng
ingay. Ito ang nakakasagabal sa
pagbabahagi ng pakahulugan.
2.6 fidbak. Ito ang tugon sa
isang mensahe
3. Mga tungkulin ng
komunikasyon:
3.1 Matugunan ang pang-araw-
araw na pangangailangan.
3.2 Mapataas at mapanatili ang
pagkilala sa sarili.
3.3 Matugunan ang obligasyong
panlipunan.
3.4 Malinang ang pakikipag-
ugnayan.
3.5 Makipagpalitan ng
informasyon.
3.6 Makaimpluwensya ng ibang
tao.
4. Mga simulaing sinusunod ng
komunikasyon:
4.1 Ang komunikasyon ay may
layunin.
4.2 Ang komunikasyon ay
patuloy na nagaganap.
4.3 Ang mga mensahe sa isang
transaksyon ay nag-iiba-iba.
4.4 Ang komunikasyon ay isang
pakikipag-ugnay.
4.5 Ang komunikasyon ay
natututuhan.
5. Mga pangangailangan ng
komunikasyon:
5.1 Ang gamit ng wika
5.2 Ang anyo ng wika
5.3 Ang kagyat na pagtugon
5.4 Ang kaangkupan ng
sasabihin
5.5 Ang paksa
6. Dalawang uri ang
komunikasyon:
6.1 Berbal. Ito’y pasalita o
pabigkas na pagpapahayag.
6.2 Di-berbal. Ito’y mga kilos
ng katawan at kalidad ng tinig sa
mga mensaheng berbal sa
pakikipagtalastasan.
B. Gramatika / Linggwistika
1. Pangungusap
1.1 May dalawang bahagi ang
pangungusap: simuno / paksa
at panaguri
Simuno / Paksa: Ang calibrated
preemptive response (cpr) policy
ni GMA ay hindi naaayon sa
batas.
Panaguri: Ilegal ang
pagbabawal sa pagdaraos ng
rali.
1.2 May apat na uri ayon sa
gamit: paturol o pasalaysay,
pautos, patanong at
padamdam.
Paturol: Sang-ayon ako na
magkaroon ng National ID.
Pautos: Sumama ka sa rali sa
Mayo 1, pakakainin ka na.
Babayaran ka pa.
Patanong: Makatarungan ba ang
ginawang pambabastos kay
GMA sa Araw ng Pagtatapos na
ginanap sa Cavite State
University?
Padamdam: Aba, kilala na ang
mga nagtataksil sa bayan!
1.3 May iba’t ibang kayarian
ang pangungusap: payak,
tambalan at hugnayan
Payak: Isang ideya lamang ang
ipinahahayag. May paksa at
panaguri.
Hal.: Ang patatas ay mayaman sa
Bitamina C, B at iron.
Tambalan: May dalawang diwa
o ideya ang ipinahahayag na
maaaring magkatulad,
magkasalungat o may
pagpipilian.
Hal.: Halos walang taba ito at
mababa lamang ang taglay
nitong calorie.
Masustansya ang patatas ngunit
bihira ang nagkakagusto rito.

Sasama ka ba o maiiwan?
Hugnayan: Binubuo ng isang
malayang sugnay at isang di-
malayang sugnay:
Hal.: Tag-init at tag-ulan lamang
ang mga panahon sa Pilipinas
samantalang apat sa mga
bansang kanluranin tulad ng
Estados Unidos at Europa.
Tandaan: Ang di-malayang
sugnay ay sinisimulan sa mga
pangatnig na na, nang. Kung,
samantala, kapag, kaya, dahil sa,
kahit, sapagkat atb.
2. Pangngalan: Ngalan ng tao,
bagay, lugar, gawa o
pangyayari
Tao Lugar Bagay Gawa Pangyayari
Pauleen kagubatan eroplano paglalaba pagdurugo

bangkero kalangitan rambutan paglangoy pagdarayuhan

sanggol bantayan simbahan pagliham panganganak

tindera kabayanan bayong pag-awit pagtatawanan


2.1 Batay sa kayarian: payak,
maylapi, inuulit at tambalan
Payak Maylapi Inuulit Tambalan

gubat kagubatan gubat-gubatan tsaang-gubat

langit kalangitan langit-langitan hulog-langit

bantay bantayan bantay-bantayan bantay-salakay

bayan kabayanan bayan-bayan anak-bayan


3. Panghalip: Panghalili sa
pangngalan
Panauhan Palagyo Paukol Paari
Isahan
Una ako ko akin
Ikalawa ikaw, ka mo iyo
Ikatlo siya niya kanya

Dalawahan
Una kita, kata natin atin
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila
Panauhan Palagyo Paukol Paari
Maramihan
Una kami namin amin
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila
4. Pandiwa

4.1 Pokus ng pandiwa: tagaganap,


layon, ganapan, tagatanggap,
gamit, sanhi at direksyon.
Tagaganap: Sino ang sumulat ng
Himno ng Pateros?
Layon: Ipamili mo ang
natitirang pera ko.
Ganapan: Pinagtapunan nila ang
basurahan.
Tagatanggap: Ipagluto ninyo ang
may-kaarawan ng pansit at puto.
Gamit: Ipinanghalo ko ang
kutsara sa ulam kasi
walang sandok.
Sanhi: Ikinalungkot niya ang
pagkawala ng kanyang
aso.
Direksyon: Pinuntahan nila ang
bagong gusali.
4.2 Aspekto ng pandiwa:
perpektibo, imperpektibo at
kontemplatibo
Perpektibo: Ang kilos ay
nasimulan na at natapos na.
Imperpektibo: Ang kilos ay
napasimulan na ngunit hindi
pa natapos.
Kontemplatibo: Ang kilos ay hindi
pa nasisimulan.
5. Pang-uri: Nagsasaad ng
katangian o uri ng tao,
bagay, lunan atb.
5.1 Uri ayon sa kayarian:
Payak: Sariwa ang hangin sa
lalawigan.
Maylapi: Masigasig si Brienz gaya ng
pinsan niyang si Aegan.
Inuulit: Gandang-ganda ako sa
mukha ng batang iyan.
Tambalan: Lakad-pagong ang
paglalakad ni Mark Terry.
5.2 Uri ayon sa kaantasan:
lantay, katamtaman at masidhi

Lantay: Tahimik ang lugar


na kanyang napiling puntahan.
Katamtaman: Hindi gaanong
matulin tumakbo ang bus hindi
tulad ng LRT at MRT.
Masidhi: Pinakamayaman sa
bayan namin ang matandang
iyon.
C. Linggwistika

1. Ponolohiya. Ito’y pag-aaral ng


makabuluhang tunog. Ponetiks
naman ang tawag sa sangay na
ito ng linggwistika.
2. Tatlong salik sa paglikha ng
tunog:
(1) pinanggagalingan ng lakas o
enerhiya,
(2) artikulador, at
(3) resonador
2.1 Pinanggagalingang lakas o
enerhiya: Ito’y gumagawa ng
pwersa o presyon na
nagpapalabas ng hangin na
galing sa baga.
2.2 Artikulador: Ito’y
nagpapagalaw sa hangin na
lumilikha ng mga tunog.
2.3 Resonador: Ito’y
sumasala at nagmomodipika
ng mag tunog patungong
bibig.
3. Ponema ang tawag sa
pinakamaliit na makabuluhang
tunog ng isang wika. May 21
ponema ang Filipino (16 katinig
at 5 patinig).
4. Ang diptonggo ay
magkasamang patinig at
malapatinig sa loob ng isang
pantig. Halimbawa: aliw,
bahay, atb.
5. Ang pares-minimal ay pares ng
salitang magkaiba ang
kahulugan ngunit magkatulad
ng bigkas maliban sa isang
ponema. Halimbawa: mesa /
misa
6. Ang pagbabago ng morpema sanhi
ng kaligiran nito ay tinatawag na
pagbabagong morpoponemiko.
Ang mga uri ng pagbabagong
morpoponemiko ay ang mga
sumusunod:
6.1 Asimilasyon - May
pagbabagong morpoponemiko sa
paraang asimilasyon kapag ang
tunog ng isang morpema ay
naaasim naaasimila ng isa pang
morpema. Ang mga uri ng
asilimasyon at halimbawa:
6.1.1. Asimilasyong di-
ganap:
pang + bahay = pangbahay =
pambahay
pang + hukay = panghukay
6.1.2 Asimilasyong ganap
pang + turo = pangturo =
panturo = panuro
pang + silip = pangsilip =
pansilip = panilip
6.2 Pagpapalit ng ponema -
Sa pagbubuo ng salita ay may
mga pagkakataong ang
ponemang nasa posisyong inisyal
ng salitang nilalapian ay
nagbabago o nagpapalitan.
Halimbawa:
ma + dapat = madapat =
marapat
tawa + han = tawahan =
tawanan
6.3 Pagkaltas ng ponema -
Ito’y nagaganap kapag ang
huling ponema ng salitang-ugat
na hinuhulapian ay nawawala.
Halimbawa:
bukas + -an = bukasan =
buksan
dakip + -in = dakipin =
dakpin
6.4 Metatesis - Ito’y paglilipat
ng titik sa loob ng isang
binuong salita. Halimbawa:
talab + -an = talaban =
tablan
bukas + -an = bukasan =
buksan
6.5 Paglilipat-diin - Sa
paggamit ng panlapi ay
nakapagpapabago ng diin ng
salita. Halimbawa:
bukas = kinabukasan
dakila = dakilain
D. Retorika

1. Kahulugan ng retorika
1.1 Ito’y kakayahan sa
pagwawari o paglilirip sa bawat
pagkakataon ng anumang
paraan ng paghimok (Aristotle).
1.2. Ito’y sining ng
argumentatibong komposisyon
(Whatley).
1.3 Ito’y isang mahalagang
kaalaman sa pagpapahayag na
tumutukoy sa kaakit-akit at
magandang pagsasalita at
pagsulat (Tumangan, 1997).
1.4 Ito’y sining ng maganda at
kaakit-akit na pagpapahayag
maging ito ma’y pasalita o
pasulat (Rubin, 1987).
2. Mga salik sa pagbuo ng isang
sulatin / komposisyon
2.1 Tapik Kailangan ang sapat na
kaalaman o informasyon sa paksang
susulatin.
2.2 Layunin. Ang kaibhan sa anyo
o forma ng ng isang sulatin ay
nakasalalay nang malaki sa layunin.
2.3 Interaksyon at isang
kamalayan ng awdyens. May
nagaganap na interaksyon sa
pagsulat.
E. Ang Pagbasa

1. Kahulugan ng Pagbasa
1.1 Ito’y interpretasyon ng mga
nakalimbag na simbolo na
kaisipan.
1.2 Ito’y isang paghuhulang
siko-linggwistik kung saan ang
nagbabasa ay nagbubuong muli
ng isang mensahe o kaisipang
hango sa tekstong binabasa.
(Goodman)
1.3 Ito’y isang gawaing pangkaisipan
na nagaganap sa tulong ng mabuting
paningin, pandinig, pagsusuri,
pagbigkas at pag-unawa sa kahulugan
ng mga salita, parirala, pangungusap
at talata. (Villamin, 1988)
2. Iba’t ibang Teorya ng Pagbasa:
2.1 Ang teoryang “bottom-up” –
Ang pagbasa ay pagkilala ng
mga serye ng mga nakasulat
na simbolo (stimulus) upang
maibigay ng katumbas nitong
tunog ( response).
2.2 Ang teoryang “top-down” –
Ang pagbasa ay nagsisimula sa
isipan ng tagabasa dahil ang
dating kaalaman niya ang
nagpapasimula ng pagkilala
niya sa teksto at kung wala ito,
hindi niya mabibigyang-
kahulugan ang anumang
babasahin.
2.3 Ang teoryang interaktibo -
Ang teksto ay kumakatawan sa
wika at kaisipan ng awtor at sa
pag-unawa nito, ginagamit ng
mambabasa ang kanyang
kaalaman sa wika.
2.4 Ang teoryang iskema - Ang
teksto ay nagbibigay lamang
ng direksyon sa nakikinig o
mambabasa kung paano nila
gagamitin o paano bubuo ng
pagpapakahulugan mula sa
kanilang dating kaalaman.
3. Iba’t ibang Batayang
Kasanayan ng Pagbasa
3.1 Pagtukoy sa paksa o tapik
3.2 Pagtukoy sa pangunahing
idea o kaisipan
3.3 Pagbuo ng mga pangunahing
ideya na di-tuwirang inilahad
sa teksto
3.4 Pagtukoy sa mahahalagang
detalye at mga pantulong na
kaisipan
3.5 Pagkilala sa hulwaran o
istilo ng awtor gaya ng:
3.5.1 Pagtatala o Paglilista
3.5.2 Pagsusunud-sunod
3.5.3 Depinisyon
3.5.4 Paghahambing at Pag-
uuri-uri
3.5.5 Sanhi at Bunga
3.5.6 Pagtukoy at pag-unawa
sa ugnayan ng kaisipang
nakapaloob sa teksto
3.5.7 Paghihinuha sa
damdamin, tono, layunin at
pananaw
3.5.8 Pagtukoy at nauunawaan
ang mga tayutay
3.5.8.1 Simili o Patulad –
Isang tuwirang
paghahambing ng
dalawang bagay na
magkaiaba ang uri.
3.5.8.2 Metapora o Pawangis –
Naglilipat ng mga salitang na
ngangahulugan ng isang bagay sa
pagpapahayagng ibang bagay.
3.5.8.3 Personipikasyon o
Pagtutulad - Ito’y
pagbibigay – katauhan sa
isang bagay na walang
buhay
3.5.8.4 Hiperbole o
Eksaherasyon - Ito’y
pagpapahayag ng bayong
matindi kaysa katotohanan o
lagpas sa maaaring mangyari
F. Pagsulat
1. Kahulugan ng Pagsulat
3.1 Ang pagsulat ay isang
sistema para sa isang
komunikasyon interpersonal na
gumagamit ng simbolo at
isinusulat.
3.2 Ang pagsulat ay binubuo ng
iba’t ibang sulatin:
3.2.1 Personal na sulatin -
Ito’y impormal at walang tiyak
na balangkas.
3.2.2 Transaksyunal na
sulatin - Ito’y pormal at
maayos ang pagkakabuo at
binibigyang pokus ang
informasyon.
3.2.3 Malikhaing sulatin -
Ito’y may masining na
paglalahad ng iniisip at
nadarama ng sumulat.
2. Iba’t ibang anyo ang pagsulat:
2.1 Pasalaysay (Narrative) - May
layuning pagsunud-sunurin mga
pangyayari.
2.2 Palarawan (Descriptive) -
May layuning magsaad ng
kabuuan ng tao, bagay, pook o
pangyayari.
2.3 Panghikayat (Persuasive) -
May layuning hikayatin ang
mambabasa na tanggapin ang
iminumungkahi ng manunulat.
2.3.4 Eksposisyon
(Exposition) - May layuning
ipaliwanag ang pangyayari,
opinyon at kaisipan.
2.3.5 Pangangatuwiran
(Argumentation) -
Naglalayong makapagbigay
ng katwiran sa kausap/
G. Panitikan
1. Kahulugan ng panitikan
1.1 Ito’y pagpapahayag na
kinapapalooban ng
katotohanan at pagpapahayag
sa paraang nagpaparanas sa
bumabasa ng kaisipan at
damdamin ng manunulat.
1.2 Ito’y lakas na nagpapakilos
ng alinmang uri ng lipunan.
1.3 Ito’y katipunan ng mga
akdang nasusulat na
makikilala sa pamamagitan
ng malikhaing pagpapahayag,
aestetikong anyo,
pandaigdigang kaisipan at
kawalang-maliw.
2. Panahon ng panitikan at mga akdang
nanaluktok sa bawat panahon
2.1 Panitikan Bago Dumating ang
mga Kastila
2.1.1 awiting bayan at tula – Ito’y
inaawit sa iba’t ibang
pagkakataon at sinasaliwan ng
sayaw. Halimbawa:
2.1.1.1 oyayi – awit sa
pagpapatulog
2.1.1.2 umbay – awit sa
pagkaulila
2.1.1.3 soliranin – awit sa
pamamangka
2.1.1.4 kundiman – awit
sa pag-ibig
2.1.1.5 tikam / kumintang /
hiliman / tagumpay – awit sa
pakikidigma
2.1.1.6 diona – awit sa kasalan
2.1.1.7 kutangkutang /
rawitdawit –awit ng mga
lasing / awit sa lansangan
pagdadalamhati
2.1.1.8 ditso – awit sa
paglalaro ng mga bata
2.1.1.9 dung-ao – awit sa
patay o sa
pagdadalamhati
2.1.2 epiko – Ito’y mahabang
tulang psalaysay tungkol sa
pakikibaka,
pakikipagsapalaran at
kabayanihan ng isang
tauhang may kakaibang
lakas. Halimbawa:
2.1.2.1 Biag ni Lam Ang
– epiko ng Iloko
2.1.2.2 Kumintang -
epiko ng Tagalog
2.1.2.3 Hudhud at Alim
– epiko ng mga Ifugao
2.1.2.6 Tuwaang – epiko
ng mga Bagobo
2.1.2.7 Bantugan –
epiko ng mga Maranaw
2.1.3 alamat – Ito’y kuwento
tiungkol sa pinagmulan ng
tao, bagay, lugar, atb.
Halimbawa:
2.1.3.1 Pinagmulan ng
Sansinukob - Tagalog
2.1.3.2 Alamat ng Bulkang
Mayon - Bicol
2.1.3.3 Alamat ng Bundok
Kanlaon – Bisaya
2.1.3.4 Bakit Maliwanag
ang Araw kaysa sa
Buwan? -Kapampangan
2.1.4 kuwentong-bayan – Ito’y
mga kuwentong nagpasalin-
salin sa bibig ng mga taong-
bayan. Halimbawa:
2.1.4.1 Mariang Sinukuan
2.1.4.2 Juan Tamad
2.1.4.3 Mariang Makiling
2.2 Panitikan sa Panahon ng
Kastila
2.2.1 Pangrelihiyon at
pangkagandahang-asal
2.2.1.1Pinalitan ng mga
Kastila ang katutubong
Abakadang Pilipino.
2.2.1.2 Ginagamit ang
katutubong wika sa
pagpapalaganap ng
relihiyon.
2.2.1.3 Napalitan ng
pamahalaang relihiyoso
ang pamahalaang
politiko.
2.2.1.4 Nahalinhan ng
palatuntunang
pangrelihiyon ang
palatuntunang pang-
estado.
2.2.1.5 Nailimbag ang mga
akdang pangrelihiyon at
pangkagandahang-asal
gaya ng:
2.2.1.5.1 Doctrina Christiana
nina Pari Domingo Nieva
at Pari Juan de Plasencia
2.2.1.5.2 Nuestra Señora del
Rosario ni Pari Blancas de
San Jose
2.2.1.5.3 Urbana at Felisa ni
Pari Modesto de Castro
2.2.2 Pampropaganda at
Panghimagsikan
2.2.2.1 Tumindi ang
damdaming makabayan.
2.2.2.2 Naging kasangkapan
sa pagpapahayag ng mga
propagandista ang tula,
sanaysay at talumpati
2.2.2.3 Lumaganap ang mga
akdang may masining na
paglalarawan ng
marangal na damdamin,
at matayog na kaisipan
gaya ng:
2.2.2.3.1 Noli Me Tangere,
El Filibusterismo, Mi
Ultimo Adios ni Jose
Rizal (Dimasalang,
Laong Laan)
2.2.2.3.2 Dasalan at
Tocsohan, Kaiingat
Kayo ni Marcelo H. del
Pilar (Plaridel, Dolores
Manapat, Piping-Dilat,
Pupdoh)
2.2.2.3.3 Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa,
Kartilya ng Katipunan ni
Andres Bonifacio
(Agapito Bagumbayan,
May Pag-asa)
2.2.2.3.4 Liwanag at Dilim, A
Mi Madre ni Emilio
Jacinto (Pingkian, Dimas-
Ilaw)
2.2.2.3.5 Verdadero Decalogo
ni Apolinario Mabini
(Katabay, El Paralitico)
2.2.2.3.6 Fray Botod ni
Graciano Lopez
Jaena
2.2.3 Panahon ng Amerikano
2.2.3.1 Pinasok ng mga
manunulat ang dula bilang
sangay ng panitikan.
2.2.3.2 Mapaghimagsik at
makabayan ang mga akda
tulad ng:
2.2.3.2.1 Walang Sugat ni
Severino Reyes (Lola
Basiang)
2.2.3.2.2 Dalagang Bukid
ni Hermogenes Ilagan
2.2.3.2.3 Veronidia ni
Cirio H. Panganib
2.2.3.3 Nagsimula ang
panulaang Tagalog gaya ng
mga sumusunod:
2.2.3.3.1 Mga Hamak na
Dakila ni Lope K. Santos
(Verdugo)
2.2.3.3.2 Sa Tabi ng Dagat
ni Ildefonso Santos
2.2.3.3.3 Isang Dipang
Langit ni Amado V.
Hernandez (Julio Abril)
2.2.3.3.4 Sa Lumang
Simbahan ni Florentino
Collantes (Kuntil-Butil)
2.2.3.3.5 Punongkahoy ni
Jose Corazon de Jesus
(Hyseng Batute)
2.2.3.3.6 Damdamin ni
Iñigp Ed. Regalado
(Odalager)
2.2.3.4 Kinilala ang
mahuhusay na nobela gaya
ng:
2.2.3.4.1 Nena at Neneng
ni Valeriano Hernandez
Pena
2.2.3.4.2 Banaag at Sikat
ni Lope K Santos
2.2.3.4.3 Lihim ng Isang
Pulo ni Faustino Aguilar
2.2.3.4.3 Lihim ng Isang
Pulo ni Faustino Aguilar
2.2.3.4.4 Sampaguitang
Walang Bango ni Iñigo
Ed. Regalado
2.2.4 Panahon ng Hapon
2.2.4.1 Itinuring na Gintong
Panahon ng Panitikan
2.2.4.2 Ipinag-utos ng
Pamahalaang Hapon na
sumulat ang mga manunulat
na Pilipino ng mga akdang
pampanitikan sa Tagalog.
2.2.4.3 Ipinagbawal ng
pamahalaang Hapon na
sumulat ng mga akdang
nasusulat sa Ingles ang mga
manunulat na Pilipino.
2.2.4.4 Lumaganap ang
pagsulat ng mga haiku at
tanaga.
2.2.4.5 Naging masigla ang
pagsulat ng maikling
kuwento gaya ng:
2.2.4.5.1 Lupang
Tinubuan ni Narciso
Reyes
2.2.4.5.2 Uhaw ang Tigang na
Lupa ni Liwayway Arceo
2.2.4.5.3 Lungsod, Nayon at
Dagat-dagatan ni N.V.M.
Gonzales
2.2.4.6 Nangibabaw ang mga
dulang ay init ng damdamin,
pagmamahal sa bayan at
pamilya gaya ng:
2.2.4.6.1 Sino Ba Kayo?,
Dahil sa Anak ni Julian
Cruz Balmaceda
2.2.4.6.2 Sa Pula, Sa Puti ni
Francisco Soc Rodrigo
2.2.4.6.3 Tatlong Maria ni
Jose Esperanza Cruz
2.2.5 Panahon ng Pagpapalaya
2.2.5.1 Naging malaya sa
pagsulat ang mga manunulat.
2.2.5.2 Nag-unahan sa
pagpapalathala ng mga
akdang pampanitikang mga
magasing Liwayway, Sinagtala,
Kayumanggi at iba pa.
2.2.5.3 Kinilala ang mga
kritiko ng Panitikang Tagalog
gaya nina Alejandro G.
Abadilla at Clodualdo del
Mundo
2.2.5.4 Nakilala ang mga
akdang nagwagi sa Carlos
Palanca Memorial Awards for
Literature gaya ng:
2.2.5.4.1 Kuwento ni
Mabuti ni Genoveva
Edroza Matute
2.2.5.4.2 Kapangyarihan
ni B.S. Medina Jr.
2.2.6 Panahon ng Bagong
Lipunan
2.2.6.1 Nilinang ang kaisipang
“Isang Bansa, Isang Diwa”
2.2.6.2 Maraming akdang
pampanitikan ang naisulat
tungkol sa populasyon,
pagpaplano ng pamilya,
wastong pagkain, atb.
2.2.7 Panahon ng Bagong
Republika
2.2.7.1 Naging sensitibo ang
mga paksa ng mga
manunulat na kadalasan ay
tumatalakay sa mga isyung
sosyo-pulitikal.
2.2.7.2 Dumami ang mga
kabataang makata at
manunulat.
2.2.7.3 Sumigla ang mga
akdang pambata.
2.2.7.4 Dumami ang iba’t
ibang patimpalak sa
pagsulat ng mga akdang
pampanitikan bukod sa
Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature gaya
ng:
2.2.7.4.1 Gawad Surian
Gantimpalang Collantes
2.2.7.4.2 Gawad Komisyon
Gantimpalang Collantes
2.2.7.4.3 Gawad CCP
2.2.7.4.4 Gawad Carlos
Palanca
2.2.7.4.5 Gawad Amado V.
Hernandez
H. Mga Estratehiya sa
Pagtuturo ng Filipino
1. Kahulugan ng mga Katawagan
sa Pagtuturo ng Filipino
1.1 Dulog - Ito’y set ng mga
pagpapalagay hinggil sa
1.2 Estratehiya - Ito’y isang
panlahat na pagpaplano para
sa isang sistematikong
paglalahad ng wika at batay sa
isang dulog (Anthony, 1963)
1.3 Kognitibo - Ito’y isang
estratehiyang nagbibigay ng
istruktura na humihikayat sa
pag-unawa at pagsasaulo ng
mga kaalamang pangkaisipan
sa pamamagitan ng paggamit
ng mga estratehiyang
nagtutulak upang mabatid
ang hangganan ng isip.
1.4 Sosyo-apektibo - Ito’y isang
estratehiyang ang pokus ay
ang Pakikipag-ugnayan sa
ibang tao at ang mga
pagpapahalagang
natutuhan.
1.5 Teknik - Ito’y mga tiyak na
gawain na malinaw na
makikita sa pagtuturo at
konsistent sa isang pamaraan
at katugong dulog
1.6 Metakognitibo - Ito’y
teoryang tumutukoy sa
proseso ng pagkatuto, gamit
ang estratehiyang tutugon sa
sa pangangailangan ng iba’t
ibang uri ng mag-aaral.
1.7 Pagdulog Interaktibo -
Tumutukoy sa pagsasangkot
sa mga mag-aaral sa
makabuluhang interaksyon.
1.8 Pagdulog Integratibo - Sa
pagdulog na ito, malawak na
sinisiyasat mga mag-aaral
ang mga kaalaman sa iba’t
ibang asignatura.
1.9 Pagdulog Kolaboratibo -
Ito’y nakasentro sa mga mag-
aaral na sama-samang
gumagawa ng mga gawain.
2. Mga Katangian ng Isang
Mabuting Estratehiya
2.1 Ang mabuting estratehiya ng
pagtuturo ay payak at
madaling maisakatuparan.
2.2 Ito’y dapat magsangkot ng
mga mag-aaral sa lahat ng mga
gawain.
2.3 Ito’y nagbibigay ng
mabuting bunga ng
kahihinatnan.
2.4 Ito’y humuhubog sa
mabuting pag-uugali at
kaasalan ng mga mag-aaral.
2.5 Ito’y humahamon sa
kakayahan ng mga mag-aaral.
2.6 Ito’y dapat magtaglay ng
maraming gawaing pangguro
kaysa gawaing pang-mag-
aaral.
2.7 Ito’y umaayon sa
makabuluhang kahulugan
mga simulain ng pagkatuto at
sa pilosopiya ng pagtuturo.
3. Mga Estratehiya sa Pagtuturo
ng Filipino
3.1 Batay sa Pagdulog
Integratibo
3.1.1 Pagtuturong Tematik -
Ito’y pagsasanib ng iba’t
ibang asignatura upang
lalong mapaunlad at maging
higit na makatotohanan ang
pagkatuto ng mga mag-aaral.
3.1.2 Pagtuturong Batay sa
Nilalaman - Ito’y pagpili ng
nilalaman na gagamitin sa
makabuluhang pagtuturo ng
wika.
3.2 Batay sa Pagdulog
Kolaboratibo
3.2.1 Brain Storming - Ito’y
teknik na gumagamit ng
imahinasyon at / kritikal na
pag-iisip upang malutas ng
isang problema.
3.2.2 Simposyum - Inilalahad
dito ang paksa at nagsasagawa
ng malayang talakayan
pagkatapos makapaglahad ng
impormasyon at saloobin ang
mga tagapagsalita
3.2.3 Paggamit ng
Awtentikong Materyales -
Ginagamit sa pagtuturo ang
mga babasahin mula sa mga
polyeto, magasin, dyaryo
bilang lunsaran o
inilalaman ng araling
ituturo.
3.3 Batay sa Pagtuturo ng
Komprehensyon
3.3.1 Ugnayang Tanong-Sagot
- Ito’y estratehiyang
sumasanay sa mga mag-
aaral upang magsuri ng
mga tanong ungkol sa
binasa.
3.3.2 Estratehiyang
Pinatnubayang Pagbasa at
Pag-iisip - Ito’y pagbibigay
ng pagkakataon sa mga
bata na magbigay ng
sariling hula o palagay na
ginagamit ang dating
kaalaman buhat sa teksto.
3.3.3 Estratehiyang Biswal -
Sa pamamagitan nito, ang
mga mag-aaral ay
nakapagbibigay ng malinaw
na pag-uugnay sa mga
kaisipan o pangyayari mula
sa binasa.
Pagsusulit
I. Bilugan ang titik ng tamang
sagot na bubuo sa pangungusap
sa bawat bilang.
1. Ang komunikasyon ay
paglilipat ng _________.
A. sining
B. kasanayan
C. kaangkupan
D. informasyon
2. Ang komunikasyon ay isang
prosesong dinamiko, tuluy-tuloy
at ________.
A. nagpapalit
B. naglilipat
C. nanghihikayat
D. nagbabago
3. Ang kalagayan kung saan
nagaganap ang komunikasyon ay
tinatawag na _____.
A. tsanel
B. mensahe
C. tagpuan
D. konteksto
4. Ang kalagayang emosyonal at
damdaming nasasaloob ay
mauuri sa kalagayang
___________.
A. sosyal
B. sikolohikal
C. kultural
D. historikal
5. Ang tugon ng tagatanggap ng
mensahe sa komunikasyon ay
tinatawag na _____.
A. fidbak
B. tsanel
C. midyum
D. saloobin
6. Ang ingay ay matatawag na
isang ________.
A. inspirasyon
B. midyum
C. istimulus
D. transaksyonal
7. Kasama sa komunikasyong
di-berbal ang __________.
A. kilos ng katawan
B. pagtatalo
C. pagkukuwento
D. deklamasyon
8. Ang paggawa ng parol ay
magiging malinaw kung
gagamitan ng _______.
A. paglalarawan
B. pangangatuwiran
C. paglalahad
D. pagtatalo
9. Ang “Para kang pagong, ang
bagal maglakad” ay isang uri ng
_____.
A. metapora o pawangis
B. simili o patulad
C. personipikasyon o pagtutulad
D. hiperbole o eksaherasyon
10. Sa salitang panakot, ang
naganap na pagbabagong
morpoponemiko ay _______.
A. asimilasyong ganap
B. asimilasyong di-ganap
C. metatesis
D. paglilipat-diin
11. Ang din, pala, yata ay
tinatawag na _________.
A. pananda
B. pangatnig
C. panuring
D. ingklitik
12. Sa pangungusap na “Huwag
kang maglakad nang mabilis”,
ang salitang may salungguhit ay
tinatawag na ________.
A. pangngalan
B. pang-uri
C. pandiwa
D. pang-abay
13. Ang samakatuwid, alalaong
baga, kung gayon ay tinatawag
na _________.
A. pang-angkop
B. panghalip
C. pangatnig
D. pantukoy
14. Ang pagsulat ng maikling
kuwento ay isang magandang
halimbawa ng ______.
A. personal na sulatin
B. kolaboratibong sulatin
C. malikhaing sulatin
D. transaksyonal na sulatin
15. Ang kauna-unahang aklat na
naipalimbag sa Pilipinas ay ang
__________.
A. Doctrina Christiana
B. Urbana at Felisa
C. Nena at Neneng
D. Barlaan at Josaphat
16. Ang aklat na naglalarawan ng
buhay at pagpapakasakit ni
Hesukristo ay __________
A. karagatan
B. duplo
C. pasyon
D. senakulo
17. Ang panunuluyan, salubong at
tibag ay ilan lamang sa mga
dulang ________.
A. pantahanan
B. panlansangan
C. pangsimbahan
D. pantanghalan
18. Ang nagsasalaysay sa tula ay
tinatawag na ________.
A. tauhan
B. kwentista
C. mananalaysay
D. persona
19. Ang “Krakkk! Krakkk!
Krakkk!” sa tula ay
tinatawag na ________.
A. aliterasyon
B. asonansya
C. onomatopeya
D. tayutay
20. Ang maikling kuwento ay
nagtataglay ng isang
________.
A. kakintalan
B. tugma
C. sukat
D. onomatopeya
21. Ang tinaguriang Batobalani
ng panulaang Tagalog ay si
_________.
A. Amado V. Hernandez
B. Lope K. Santos
C. Teodoro Gener
D. Fernando Monleon
22. Ang kauna-unahang nagsalin
sa Tagalog ng “Mi Ultimo
Adios” ni Rizal ay si
______________.
A. Rafael Palma
B. Epifanio de los Santos
C. Mariano Ponce
D. Andres Bonifacio
23. Ang obra maestra ni Aurelio
Tolentino ay ang ____________.
A. Igorota sa Baguio
B. Pinaglahuan
C. Sinag sa Karimlan
D. Kahapon, Ngayon at Bukas
24. Ang katipunan ng mga tula ni
Iñigo Ed. Regalado ay nasa
aklat niyang _____________.
A. Damdamin
B. Puso at Diwa
C. Isang Dipang Langit
D. Sino Ka? Ako’y Si .. . .
25. Ang sagisag-panulat ni
Amado V. Hernandez ay
________.
A. Pingkian
B. Dimas-Ilaw
C. Piping Dilat
D. Julio Abril
26. Ang tulang may bilang 5-7-5
na saknong ay tinatawag na
________.
A. duplo
B. tanaga
C. haiku
D. malaya
27. Nakilala si Alejandro G.
Abadilla sa kanyang tulang
_______.
A. Isang Dipang langit
B. Ako ang Daigdig
C. Kung Tuyo na ang Luha Mo
Aking Bayan
D. Peregrinasyon
28. Kapag inugnay ang
kahulugan ng bagong salita sa
pamilyar na konsepto at
karanasan gayundin ang mga
salitang alam na ng mga mag-
aaral, ito’y tinatawag na
_________.
A. integrasyon
B. pakikisangkot
C. interpretasyon
D. holistic
29. Ang mga salitang nakalimbag
ay tinatawag sa Ingles na
word ________.
A. analysis
B. desription
C. knowledge
D. recognition
30. Ang biswal na representasyon
ng ugnayan ng mga salita at
konsepto ng isang paksa ay
makikita sa paggamit ng
__________________.
A. habing semantika
B. etimolohiya
C. salitang laro
D. komprehensyon
31. Ang pagpapalawak sa
kapasidad ng kaisipan na
lumilikha ng mga ideya ay
tinatawag na __________.
A. mapanuring pag-iisip
B. malikhaing pag-iisip
C. sensitibong pag-iisip
D. lubusang pag-iisip
32. Ginagamit sa pagtalakay ng
mga isyu at naoorganisa ang
mga argumento sa
pamamagitan ng __________.
A. discussion web
B. pamaraang sitwasyunal
C. pamaraang pasaklaw
D. argumentasyon
33. Ang representasyong biswal ng
mga kaalaman na
nagbabalangkas sa mga
impormasyon sa pamamagitan
ng pagsasaayos ng
mahahalagang aspeto ng
mga konsepto o paksa sa isang
hulwaran o disenyo ay t
inatawag na __________.
A. text frames
B. brain storming
C. concept map
D. graphic organizer
34. Ang isang kolaboratibong
estratehiya na nagiging eksperto
tungkol sa isang bahagi ng teksto
ay tinatawag na __________.
A. panel discussion
B. round table discussion
C. Jigsaw
D. silent way
35. Karaniwang ginagamit ang
unang wika ng mag-aaral sa
pamaraang
_______________.
A. silent way
B. pananaw cognitive code
C. kakayahang komunikatibo
D. grammar translation
36. Ang paraan upang makakuha
ng impormasyon na
magagamit sa ebalwasyon ay
ang ____________.
A. pagsasalin
B. pagspagsusulit
C. pagbabalangkas
D. portfolio
37. Mithiin ng 2002 Kurikulum
na ang proseso ng pagtuturo at
pag-aaral ay
_______________.
A. integratibo
B. interaktibo
C. kolaboratibo
D. komunikatibo
38. Ang pamaraang nagsisimula
sa paglalahad ng tuntunin
patungo sa pagbibigay ng
halimbawa bilang paglalapat
ng tuntunin ay ang
pamaraang _______________.
A. pasaklaw
B. pabuod
C. pabalak
D. konseptwal
39. Sa pamaraang pabuod, hindi
kabilang ang hakbang na
________.
A. paghahanda
B. paglalahad
C. paglalahat
D. pagpapaliwanag ng tuntunin
40. Ang isang kagamitang
nagpapakita ng isang
sistematimatikong pamamaraan
ng pagtatakda ng lawak ng
paksang sasaklawin ay ang
_________.
A. talahanayan ng
Ispesipikasyon
B. individualized instruction
C. long range plan
D. pagsasalin
MAHABANG
PAGSUSULIT
I. Bilugan ang titik ng tamang
sagot
1. Ang wika ay balangkas ng
masistemang _____.
A. letra
B. tunog
C. simbolo
D. salita
2. Ang unang paraan ng pagsulat
ay tinatawag na ______.
A. alibata
B. abakada
C. alfabeto
D. ortograpya
3. Ang salitang banyuhay ay
maihahanay bilang _______.
A. likha
B. kolokyal
C. balbal
D. salin
4. Ang apat na makrong
kasanayan sa Filipino ay ang
pakikinig, pagsasalita,
pagbasa at ______.
A. pangangatuwiran
B. pagtatalo
C. pagsasalaysay
D. pagsulat
5. Ang wikang Pilipino ay ibinatay
sa _________.
A. Tagalog
B. Cebuano
C. Kastila
D. Ingles
6. Ang wikang Filipino ay ibinatay
sa iba’t ibang _________.
A. salita
B. wikain
C. tunog
D. sintaks
7. Ang /p/, /b/ at /m/ ay ______.
A. palabi
B. pangngipin
C. pangngalangala
D. pang-glotal
8. Ang bana ay salitang ______.
A. Tagalog
B. Bikol
C. Hiligaynon
D. Cebuano
9. Ang ispeling o palabaybayan ay
lalong kilala sa tawag na
______.
A. gramatika
B. ortograpya
C. cognates
D. sintaks
10. Kung ang unang wikang
natutuhan ay Tagalog, at
Ilokano ang pangalawang wika,
ang Ingles ay tinatawag na
______ wika.
A. unang
B. pangalawang
C. pangatlong
D. katulong na
11. Sa alin mang uri ng
pakikipagtalastasan ay
nangangailangan ng mabuti at
mabisang _________.
A. pagpapahayag
B. pangungumustahan
C. pangungusap
D. pakikipag-kapwa
12. Para makabuo ng isang
mabisang pangungusap ay
kakailanganin ang
________.
A. kaisahan
B. kakipilan
C. pagbibigay-diin
D. lahat ng sagot
13. Ang pangungusap na “Pinatay
ko ang puno” ay isang uri ng
pangungusap na __________.
A. naglalarawan
B. matalinghaga
C. may masidhing damdamin
D. may dalawang kahulugan
14. Ang komunikasyon ay
prosesong _________.
A. transaksyunal
B. imahinatibo
C. panliteratura
D. korespondensya
15. Ang taong maraming alam na
wika ay tinatawag na
________.
A. linggwista
B. polyglot
C. informant
D. tagasaling-wika
16.Sa pangungusap na “Ang mga
guro ay maituturing na mga
bayani”, ang simuno o paksa
ay _________.
A. Ang mga
B. Ang mga guro
C. ay maituturing na mga
bayani
D. mga bayani
17.Ang namin ay pang-uring
_______.
A. paari
B. paukol
C. pamatlig
D. palagyo
18.Sumali ako sa timpalak sa
pag-awit ngunit hindi ako
nagwagi dahil nagkamali ako.
Ang pandiwang sumali ay
nasa aspektong _______.
A. peropektibo
B. inperpektibo
C. kontemplatibo
D. pangnakaraan
19.Sa pangungusap na
“Ikinahihiya ko ang
pagkakadulas ko kanina”,
ang pokus ay nasa ______.
A. tagaganap
B. tagatanggap
C. layon
D. sanhi
20. Sa pagbabaybay, hinihiran
nang walang pagbabago ang
mga simbolong _____.
A. panteknikal
B. pampanitikan
C. pang-agham
D. pampalakasan
21. Sa Konstitusyon 1935, ang
wikang pambansa ng Pilipinas
ay ibinatay sa ____.
A. Ingles
B. Cebuano
C. Kastila
D. Tagalog
22. Ang taong maraming alam na
wika ay tinatawag na
_______________.
A. linggwista
B. polyglot
C. informant
D. purista
23. Ang mnorpolohiya ay
makaagham na pag-aaral ng
________.
A. tunog
B. yunit ng salita
C. pagbaybay
D. pangungusap
24. Sa pangungusap na “Ikaw rin
ang maaawa kapag iniwan ka
ng kuya,” ang diptonggo ay
____________.
A. Ikaw
B. maaawa
C. iniwan
D. kuya
25. Sa pangungusap na “Si Big Boss
ang gumawa ng transaksyon kaya
narito tayo ngayon,” ang klaster
ay _________.
A. gumawa
B. transaksyon
C. narito
D. ngayon
PAGSUSULIT SA
PANITIKAN
Dungawin mo hirang
Ang nananambitan
Kahit sulyap mo man lamang
Iyong idampulay.
1. Ang awit sa itaas ay isang
halimbawa ng awit ng
__________.
A. pag-ibig
B. pakikidigma
C. pagpapatulog ng sanggol

D. tagumpay
2. Ang Atin Cu Pung Singsing ay
isang halimbawa ng ______.
A. laro
B. bugtong
C. awiting-bayan
D. sawikain
3. Ang Ibalon ay mahabang epiko
ng Bicol na isinalin sa Kastila ni
______.
A. P. Jose Cayetano
B. P. Arsenio Manuel
C. P. Dr. Otley Beyer

D. P. Pedro Bukaneg
4. Ang Urbana at Felisa ay
isinulat ni ___________.
A. P. Modesto de Castro
B. B. P. Mariano Pilapil
C. P. Gaspar Aquino de Belen
D. P. Antonio de Borja
5. Ang isang paligsahan sa tula na ginaganap
sa bakuran ng namatayan ay tinatawag
__________.
A. duplo
B. balagtasan
C. karagatan
D. karilyo
6. Ang Akademya ng Wikang
Tagalog ay naganap noong
Panahon ng ________.
A. Kastila
B. Hapon
C. Amerikano
D. Aktibismo / Bagong Lipunan
7. Ang Lola Basiang ng Panitikang
Tagalog ay si ____________.
A. Jose Corazon de Jesus
B. Valeriano Hernandez Pena
C. Inigo Ed. Regalado
D. Severino Reyes
8. Ang La India Elegante Y El
Negrito Amante ni Balagtas ay
isang uri ng ____.
A. sainete
B. kurido
C. duplo
D. awit
9. Ang Makata ng Manggagawa
ay si _____________.
A. Jose Corazon de Jesus
B. Amado V. Hernandez
C. Julian Cruz Balmaceda
D. Lope K. Santos
10. Ang Gintong Panahon ng Panitikan
ay ang Panahon ng __________.
A. Bago Dumating ang mga Kastila
B. Hapon
C. Batas Militar
D. Kasalukuyan
11. Ang “Ang Lumang
Aparador” ay isang halimbawa
ng ______________.
A. Maikling Kuwentong
Pambata
B. Maikling Kuwento
C. Sanaysay
D. Tula
12. “Krakkk! Krakkk!
Krakkik!” ay isang
halimbawa ng __________.
A. asonansya
B. aliterasyon
C. alusyon
D. onomatopeya
13. Ang sagisag ni Amado V.
Herandez ay ____________.
A. Odalager
B. Julio Abril
C. Kuntil-Butil
D. Dimas-Ilaw
14. Ang tulang “Panata sa
Kalayaan” ay isa sa mga tula
sa librong ___________.
A. Puso’t Diwa
B. Parnasong Tagalog
C. Damdamin
D. Isang Dipang Langit
15. Ang “Bataan” ay isang
mahabang ___________.
A. tula
B. nobela
C. maikling kuwento
D. dula
16. Ang kapana-panabik na
bahagi ng maikling kuwento
ay ang ____________.
A. tunggalian
B. simbolo
C. pahiwatig
D. kasukdulan
17. Naiiba ang maikling kuwento
dahil sa taglay nitong
____________.
A. diyalogo
B. simbolo
C. kakintalan
D. tunggalian
18. Ang salin sa Filipino ng dulang
“Portrait of a Filipino Artist” ay
_________.
A. Larawan
B. Larawang Buhay
C. Larawan ng Artista
D. Artistang Buhay
19. Ang tinawag na “Reyna ng
Bodabil” ay si
___________________.
A. Rustica Carpio
B. Zenaida Amador
C. Atang dela Rama
D. Katy dela Cruz
20. Ang “L’Enfant Terrible of
Philippine Theatre” ay si
__________.
A. Hermogenes Ilagan
B. Rolando Tinio
C. Severino Montano
D. Naty Crame-Rogers
21. Ang maikling kuwentong nagwagi
ng unang gantimpala noong Panahon
ng Hapon ay ang _________________.
A. Lupang Tinubuan
B. Uhaw ang Tigang na Lupa
C. Lungsod, Nayon at Dagat- dagatan
D. Kuwento ni Mabuti
22. Ang kauna-unahang
Pambansang Alagad ng Sining
sa Panitikan ay si _______.
A. Gerry de Leon
B. Bienvenido Lumbera
C. Virgilio Almario
D. Amado V. Hernandez
22. Ang manunulat na nabilanggo dahil
sa kanyang makabayang dulang “Ang
Tanikalang Ginto” ay si ____________.
A. Amado V. Hernandez
B. Aurelio Tolentino
C. Juan Abad
D. Julian Cruz Balmaceda
23. Ang “Napabayaan ang
pagsasaka dahil sa sapilitang
paggawa” ay matutunghayan
sa __________________.
A. Hinggil sa Katamaran ng
mga Pilipino
B. Noli Me Tangere
C. El Filibusterismo
D. Ang Kapulungan ng mga
Bathala
24. Ang nagtatag ng “Iglesia
Filipina Independencia”
ay si ______________.
A. Fernando Canon
B. Isabelo delos Reyes
C. Epifanio delos Santos
D. Pedro Paterno
25. Ang “Ama ng Pahayagan” ay
si ______________.
A. Graciano Lopez Jaena
B. Pedro Paterno
C. Pascual Poblete
D. Jose Maria Panganiban
26. Ang “Katabay” ay sagisag-
panulat ni _______________.
A. Apolinario Mabini
B. Julian Felipe
C. Jose Maria Panganiban
D. Jose Palma
27. Ang “Miss Phatuphats” ay
maikling kuwentong
__________.
A. Ilokano
B. Kapampangan
C. Tagalog
D. Cebuano
28. Kung may Balagatsan sa
tagalong at Crissotan sa
Kapampangan, sa Ilokano ay
may ______________.
A. Yawyawenan
B. Lam-Angan
C. Bukanegan
D. Benguetan
29. Ang Liwayway noong
panahon ng Hapon ay nasa
pangangasiwa ng ________.
A. Manila Simbun-sya
B. Japanese Imperial Army
C. Japanese Committee
D. Philippines-Japan Treaty
30. Ang isang akdang nanaluktok sa
buong daigdig ay ang __________.
A. Mahabharata
B. Hamlet
C. Me Ultimo Adios
D. The Old Man and the Sea
MARAMING
MARAMING
SALAMAT PO!

You might also like