Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Hiwaga ng Pagibig
Hiwaga ng Pagibig
Hiwaga ng Pagibig
Ebook232 pages2 hours

Hiwaga ng Pagibig

Rating: 4 out of 5 stars

4/5

()

Read preview
LanguageTagalog
Release dateNov 27, 2013
Hiwaga ng Pagibig

Related to Hiwaga ng Pagibig

Related ebooks

Reviews for Hiwaga ng Pagibig

Rating: 4 out of 5 stars
4/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Hiwaga ng Pagibig - Balbino B. Nanong

    The Project Gutenberg EBook of Hiwaga ng Pagibig, by Balbino B. Nanong

    This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with

    almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or

    re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included

    with this eBook or online at www.gutenberg.org

    Title: Hiwaga ng Pagibig

    Author: Balbino B. Nanong

    Release Date: July 31, 2006 [EBook #18955]

    Language: Tagalog

    *** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK HIWAGA NG PAGIBIG ***

    Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online

    Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net (This

    file was made using scans of public domain works from the

    University of Michigan Digital Libraries.) Handog ng

    Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga

    ng panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)


    HIWAGA

    ng

    PAG-IBIG

    B.B.Nanong.

    PUSONG MINATAMIS ANG MAMATAY NG DAHIL SA PAGSUSUKAB NG ASAWA



    NOBELANG TAGALOG

    HIWAGA NG PAGIBIG

    KATHA NI

    Balbino B. Nanong

    (Kasapi sa PANULAT BANAHAW)

    LUKBAN, TAYABAS

    KAUNAUNAHANG AKLAT NG

    Panulat Banahaw

    UNANG PAGKALIMBAG

    Maynila, K.P.

    Limbag sa

    ORIENTAL PRiNTING

    408 Ronquillo, Sta. Kruz

    MAYNILA, K. P.

    1922


    TALAAN NG NILALAMAN

    I- II- III- IV- V- VI- VII- VIII- IX- X- XI- XII- XIII- XV- XVI- XVIII-

    ARAW NG KAMUSMUSAN-Ursula O. Maderal

    ¡BAYANG PILIPINAS...!-CRISPULO O. SALVATIERRA

    ANG BAGIN-ELIAS G. NAÑOLA

    BUHAY...-ZÓSIMO G. RESURRECCION

    MGA IMBI...-RICARDO E. PALACIO

    INANG WIKA-VENANCIO SALIENDRA

    MY ANGEL—WORLD-Zósimo O. Maderal

    MY SACRED FLOWER...-SANCHO A. SALIVIA


    Ang sino mang may nais magkaroon ng sipi ng aklat na ito maaaring makipagusap o makipagalam kay Gg. P. C. Palines, katiwala ng may katha. Tel. 8601, 1030 Azcarraga, Maynila.

    Gayon din, ipinagbibili sa mga libreria.



    SA MADLA:

    Ang aklat na ito, sakaling sa pagkatunghay ninyo sa mga dahon, ay di kakitaan ng mga matatamis na pangungusap, ng matatayog na pagkukuro ng kaisipan, at gayon din, sakaling di maging masarap sa inyong panglasa ang nalalaman dito, ay hinihiling ko ang paumanhin ng madla sa abang kathang ito; pagka't ako ay hindi isang tanyag na manunulat at mangangatha.

    Sinulat ko ang aklat na ito, sa maalab na nasang makapaglingkod ang abang kaliitan sa bayang may sariling wika, nguni't alanganing lagi ang katatayuan—maraming nagtatakwil sa Inang Wika....

    Sinulat ko rin ito, sa maalab na nasang mailarawan ang tinawid ng dalawang magkasintahan nguni't kapag nagkaminsan ang matamis na pagiibigan ay nagkakaroon ng mapait na wakas para sa dalawang puso.

    Ngayon, ay ipinababatid ko sa madla, na, sakaling maraming mali sa pagkakasulat nito, marahil, sanhi na lamang ng kabataan ng aking panitik—hindi pantas na mangangatha.

    Kaya aking inuulit, na, sa pagbasa ng aklat na ito at hindi kapulhan ng bagay sa inyong panglasa, ay hingi ko ang paumanhin sa lahat, dala ng hindi ko pa kabihasnan. Gayon man ay hangad ko rin at inaasahang ito ay isa man lamang mabilang sa mga punpon ng aklat na nasusulat sa ating wika.

    BALBINO B. NANONG.


    HANDOG:

    Sa mahal kong kapatid: kay Consolacion Elento at sa madlang kasapi sa Panulat Banahaw lalong lalo na sa mga magagandang tala: Ursula Maderal, Atilana Abrilla, Guadalupe Abad, Pining Ravida, V. Abutal at Roming Dator; at sa masisiglang kasaping Z. O. Maderal, B. E. Palacio, E. Nañola at Ben. Racelis. At, gayon din inihahandog ko ito sa mga kapisanang naglilinang ng sariling wika sa lalawigang Tayabas, lalong lalo na sa Pagasa ng Lucena, Panitik Atimonan at Hilaga ng Tayabas.

    ANG SUMULAT.


    I

    SA LILIM NG ISANG MANGGA.

    ung madadama lamang natin ang dibdib ni Leonora, ay ating mararamdaman na para bang lalong lumalakas ang pagkaba. Malakas at masasal na parang tinatahip ang dibdib sa lakas ng tibok ng puso. Parang may sindak, nguni't sa harap pa ba kaya naman ng isang kasintahan masisindak at waring matatakot? Isang hiwaga ang ganito!

    Sila'y magkapiling ni Eduardo. Ang kanilang mga puso ay parang nangapiping ilang sandali sa dahilang tila tumagos sa puso ng binibini ang pangungusap na binigkas ng binata. Ang huling katagang binigkas ni Eduardo ay parang nagdulot sa puso ni Leoning ng isang pagkaawa. Nguni't ang pagkaawa niyang yaon ay nangahulugan ng kanyang pagkapipi sa dahilang hindi mabigkas ng bibig ang isasagot, samantalang, sa katotohanan ay di natin nababatid ang mga lihim ng kanilang puso.

    At upang matalos naman natin kung bakit ang binibini ay parang sumisikdo ang puso at parang tinatahip ang dibdib ay narito ang dahilan. Siya ay di natin dapat pagkamalang natatakot. Ang nasa harap niya ay si Eduardo, isang uliran, mabait at matimtimang binata. Walang kilos na magaspang at marungis na paguugali.

    Nang mga sandaling yaon ay idinadaing niya sa harap ni Leoning ang dalisay na tibukin ng kanyang puso sa dahilang sinisinta niya nang tapat si Leonora.

    —Leoning, malaon nang ang palad ko ay nasa kandungan ng dusa. Nguni't kailan ko pa kaya matatamo ang pagasang maituturing kong ligaya ng aking buhay? Katulad ko Leoning ay isang bulaklak na nalalanta at ang tanging makapagpapasariwa, lamang ay ang hamog ng iyong kaawaan.

    Datapwa't ang binibini ay patuloy sa kanyang pagkapipi; hindi pa rin sumasagot, kaya si Eduardo ay muling nangusap.

    —Leoning, kailan pa? Maanong sa ngayon ay idulot mo na at kung hihintayin mo pa ang bukas, oh! Leoning, sa aba ko ay wala na! Tila isang libingang napakapanglaw ang kahihinatnan ng palad ko. Kaya, kung may paglingap ka ay igawad mo na ngayon sa akin.

    Ang ganitong mga pangungusap na binigkas ni Eduardo ay parang lubos na tumagos sa kaibuturan ng puso ni Leoning. Sa gayon, si Leoning ay nagkaroon ng awa at tila ganap na nahabag sa anyong kanyang namalas kay Eduardo. Naawa siya. Nguni't ang kasagutang bibigkasin ay parang nabitin sa kanyang labi. Pinagaalinlanganan niya ang pagbigkas sa matamis na salitang OO para sa isang Eduardo, kaya't pinigil pa rin niya at di binitawan.

    Ang mga sandaling yaon ay siyang huling gabi ng kanilang paguusap, at kung maulit man ay maluluwatan na pagka't sa kinabukasan ng araw na yaon ay patungo ng Maynila, si Eduardo, sa dahilang panahon na naman ng pagbubukas ng mga paaralan. Hindi na niya maaaring magawa pa ang dating pagdalaw kay Leoning na walang liban tuwing hapon.

    Kaya't boong pagsusumikap ang ginawa ni Eduardo, upang kung maaari lamang tamuhin niya ang kanyang mithing makamtan; ang pagibig ni Leoning bago lisanin ang sariling bayan. Kaya't sa gitna ng paghaharing yaon ng katahimikan ay pamuli siyang nangusap:

    —Leoning, ano ang kahulugan ng di mo pagsagot na ito sa akin? Niwawalang bahala mo kaya pagka't akong kaharap mo ay isang abang maralitang Eduardo lamang na di dapat pansinin?

    —Eduardo, bakit ka nagsalita ng ganyan?

    —Leoning, hindi ba katotohanan ang aking sinabi?

    —Eduardo, huwag mong pasakitan ang aking puso. Oo, iniibig kita. Ikaw lamang ang buhay ko.

    —Leoning, salamat, diyata ...?

    —Eduardo, asahan mong boong puso kitang iniibig.

    —Leoning!!!

    —Eduardo!!!

    Walang naitugon ang binata sa dalaga kundi isang halik sa mapulang labi at isang mahigpit na yakap. Kay papalad na mga puso! Salamat at walang nakasaksi sa kanila kundi ang mga bituin at ang kabilugang buwang sa kaliwanagan ay parang nakabitin sa langit.

    —Eduardo, baka pagkatapos ng lahat ng ito ay pabayaan mo ang aking palad?

    —Leoning, alalahanin mong libingan ang kasasadlakan ko kapag nagmaliw ang aking pag-ibig.

    —Eduardo, baka....

    —Leoning, maniwala ka.

    —Baka sabi mo lamang ang lahat ng iyan.

    —Leoning, malasin mo ang mga bituin, malasin mo ang buwang iyang nagsasabog ng kaliwanagan—iyan, iyan ang mga tangi kong saksi.

    —Masasaksi mo nga iyan; nguni't hindi mo ba naaalaala na ang buwang iyan ay naglalaho kung sinasaputan ng ulap? Ganyan din naman ang iyong pagibig na mangyayaring maglaho pagdating ng panahon.

    —Huwag mong pahirapan ang aking puso. Alalahanin mong ang puso ko ay katulad ng isang bulaklak na kapag hindi nadilig na isang umaga ay nalalanta; kaya't kung malanta nga ang paglingap mo, ay! sa aba ko ay wala nang pagasa kundi ang tunguhin ang huling hantungan ng lahat.

    —Eduardo, ang lahat ng iyan ay masasabi mo; nguni't pagdating mo marahil sa Maynila, ay pawi nang lahat sa iyong alaala ang mga pangungusap mong iyan sa harap ko.

    —Leoning, balintuna ang iyong hinagap. Alalahanin mong sa kaibuturan ng puso ko ay isa kang bulaklak na pinakakaingatan at laging dinidilig ng aking pagmamahal.

    —Eduardo, marahil ay malilimot mo rin ang lahat ng iyong mga pangungusap. Kung nasa piling mo na marahil ang magagandang bulaklak sa Maynila, na, pugad ng mga pusong uhaw sa hamog ng ligaya ay lilimutin mo na ang lahat ng ito.

    —Leoning, huwag mong pangarapin ang ganyang mong hinala; alalahanin mong ang paglisan ko bukas ay nangangahulugan ng mapait na gunitain.

    —At marahil, sa paglisan mong iyan ay limot mo na ako sa alaala.

    —Leoning, alamin mo na mula sa mga sandaling ito ay nakatitik na sa kaibuturan ng aking puso ang iyong pangalan.

    —Oo, nguni't pagdating sa Maynila, ay pawi na.

    —Leoning, namamali ka; ang sabihin mo'y hanggang libingan.

    —Hanggang libingan na di mo na maaalaala ang iyong pangako? Marahil nga....

    —Leoning, saan man mahantong ang aba kong palad ay di maaaring mawalay sa gunita ko't alaala ang larawan mo.

    —Isinusumpa mo kaya ang lahat mong mga pangungusap na iyan?

    —Leoning, sumpa ko.

    —Hanggang....

    —Hanggang hukay Leoning ko!

    —¡...............!

    —Leoning!

    —Eduardo!

    —Habang buhay!!!

    —Hanggang libingan naman!

    —Hindi ka kaya makalimot?

    —Habang tumitibok ang puso ko.

    Saksi nila ang mabituing langit. Ang liwanag ng buwan ay parang nalulugod na bumabati sa kanilang pagkamapalad. Ang simoy ng hangin ay parang nagbabalita sa madla ng pagkamapalad ng dalawang puso: ni Eduardo at ni Leoning. Ang halimuyak ng mga bulaklak na nasa bakurang mahalaman ay tila naghahatid ng samyo at kabanguhan sa kahilang paguulayaw.

    Kay papalad!

    Dalawang pusong nagkakaisa ng tibukin. Si Eduardo ay naliligaya sa piling ni Leoning. Si Leoning ay nalulugod sa harap ni Eduardo. Si Leoning ay isang mabangong bulaklak na humahalimuyak kung nagbubukang liwayway. Si Eduardo naman ay isang paruparung nagkapakpak na uhaw sa katamisan ng nektar at bango ng pag-ibig.

    Ang gabing yaon ay parang isang langit na mabituin at puno ng mga pangarap at pagasa kay Eduardo. Kung pagkuruin niya ay tila siya na lamang ang pinakamapalad at pinakamaligaya sa sangdaigdig. Laging sariwa ang ngiti. Naging masigla siya buhat ng mga sandaling bitiwan ni Leoning ang oong kanyang malaon nang ninanais makamtan. Kay palad nga

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1