Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

The Story of God: Tagalog
The Story of God: Tagalog
The Story of God: Tagalog
Ebook207 pages2 hours

The Story of God: Tagalog

Rating: 4.5 out of 5 stars

4.5/5

()

Read preview

About this ebook

This Bible lesson series is unique in that it takes a brand new believer through the Bible while explaining how the individual stories fit together to create the one BIG macro story of the Bible, God's Story. After completing these lessons, you will have more Bible knowledge than most Christians who attend church every week.

LanguageTagalog
Release dateApr 2, 2014
ISBN9781311014177
The Story of God: Tagalog

Related to The Story of God

Related ebooks

Reviews for The Story of God

Rating: 4.285714285714286 out of 5 stars
4.5/5

7 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    bible

    1 person found this helpful

Book preview

The Story of God - James McCreary

PAUNANG SALITA TUNGKOL SA BIBLIA

Ang Biblia ay Salita ng Dios para sa tao. Gumamit ang Dios ng humigit kumulang 40 na tao sa loob ng 1,600 na taon upang isulat ang Kanyang kwento. Karamihan sa mga kwentong ito ay nangyari sa bansang Israel na matatagpuan sa Asia.

Marami sa mga taong sumulat ng kwento ng Dios ay hindi magkakakilala, nagsasalita ng iba't ibang wika, nabuhay sa magkakaibang panahon, at ang iba sa kanila ay nanirahan sa magkakaibang lugar. Ang bawat isa sa kanila ay sumulat ng magkakaibang bahagi ng kwento ng Dios sa mga aklat katulad ng Genesis, Exodus, Mateo, Marcos, at iba pa. Ang lahat ng mga aklat na ito ay pinagsama-sama at isinalin sa ating wika upang maunawaan natin kung sino ang Dios, saan nagmula ang tao, bakit tayo nagsasalita ng iba't ibang wika, bakit may kasamaan sa mundo, at kung papaano natin makikilala ang Dios. Kung bubuksan mo ang iyong Biblia, sa harapan nito ay makikita mo ang Talaan ng mga Nilalaman. Ito ay nagpapakita ng mga listahan ng iba't ibang aklat na naglalaman ng kwento ng Dios. Mayroong 66 na mga aklat sa Kwento ng Dios. Ang unang aklat ay ang Genesis. Buksan mo ang iyong Biblia sa unang pahina sa aklat ng Genesis. Sa pahinang ito makikita mo ang MALAKING numero. Ang malaking numero ay ang bilang ng kabanata. Sa kasunod na mga pangungusap ay makikita mo ang isang maliit na numero. Ang maliit na numerong ito ay ang bilang ng talata. Sa unang pahina ng Genesis makikita mo ang isang katulad nito...

1 ¹Nang simulang likhain ng Dios ang lupa at langit, ²ang lupa ay wala pang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at umiihip ang malakas na hangin sa ibabaw ng tubig…

O maaaring ganito ang sinasabi ng iyong Biblia...

1 ¹Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa; ²Ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Dios sa ibabaw ng tubig.

Kung ang mga salita sa iyong Biblia ay hindi katulad sa mga naipakitang halimbawa, alalahanin mo na isinalin ito sa ating wika mula sa orihinal na wikang Hebreo, Griego, at Aramaic. Ang mahalaga ay naisalin ito ng tama ng tagapagsaling-wika. Magsanay tayong maghanap ng iba pang talata sa Biblia. Balikan ang Talaan ng mga Nilalaman, at hanapin ang aklat ng Roma. Ito ay nasa bandang hulihan ng Talaan. Ngayon naman tingnan ang bilang ng pahina. Hanapin ang malaking Numero, kabanata 3, at hanapin ang maliit na numero, talata 23. Dapat itong halos kagaya nito...

²³ Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinuman ang karapat-dapat sa paningin ng Dios.

Nakita mo ba? Sumubok tayo ng isa pa. Balikang muli ang unahan ng Biblia at hanapin ang Talaan ng Nilalaman. Hanapin ang (Roma 6:23) na ang ibig sabihin ay, aklat ng Roma kabanata 6 (malaking numero), at talatang 23 (maliit na numero). Ganito dapat ang sinasabi nito…

²³ Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Hanapin ang aklat ng Juan at basahin (Juan 3:16) na ang ibig sabihin ay kabanata 3 talata 16. Makikita mo ang mga katagang gaya nito . . .

¹⁶ Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Dios sa sanglibutan, kaya’t ibinigay Niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan

Balik Aral:

* Saan nangyari ang halos lahat ng kuwento ng Dios?

* Ano ang malaking numero?

* Ano ang maliit na numero?

* Ano ang ibig sabihin nito? (Roma 3:23)

* Ano ang pangalan ng unang aklat sa Biblia?

Ngayon ay alam mo na kung papaano hanapin ang talata sa Biblia. Ang susunod na aralin ay magtuturo sa atin ng tungkol sa pinagmulan ng sanglibutan.

Aralin # 2

ANG PAGLIKHA

Ang pinaka unang aklat sa Biblia ay tinawag na ''Genesis'' na ang ibig sabihin ay ''Ang Pasimula''. Ito ay isinulat ng taong ang pangalan ay Moises, may 3,500 taon na ang nakaraan. Isang araw, ipinaliwanag ng Dios kay Moises kung paano nagsimula ang sanglibutan. Buksan ang Biblia sa pinaka-unang aklat, Genesis kabanata isa talata isa. (Genesis 1:1). Basahin ang (Genesis 1:1-26) Kabanata isa, talata isa hanggang 26.

Unang araw - Ginawa ng Dios ang liwanag

Ikalawang araw - Ginawa ng Dios ang langit

Ikatlong araw - Ginawa ng Dios ang lupa at ang mga halamang nagkakabinhi at mga punong namumunga.

Ikaapat na araw - Ginawa ng Dios ang araw, buwan at mga bituin

Ikalimang araw - Ginawa ng Dios ang mga hayop sa dagat at sa himpapawid

Ikaanim na araw - Ginawa ng Dios ang mga hayop sa lupa at ang tao

Ang Dios ay makapangyarihan, ginawa Niya ang buong daigdig sa loob ng anim na araw sa pamamagitan lamang ng salita! Ginawa rin Niya na mabuti ang lahat. Lahat ay perpekto. Ang pinakamahalagang nilikha ng Dios ay ang tao. Ginawa ng Dios ang tao na katulad Niya at binigyan ng kapangyarihang pamahalaan ang lahat ng mga nilikha ng Dios sa loob ng anim na araw.

Basahin (Genesis 2:1-3) Kabanata 2, talata 1-3. Nang ikapitong araw tumigil ang Dios sa paggawa.

Ikapitong araw - Ang Dios ay tumigil sa paggawa

Basahin (Genesis 2:7-9) Kabanata 2, talata 7-9. Nilikha nga ng Dios ang tao mula sa alabok at binigyan ng buhay. Inilagay Niya ang tao sa halamanan upang doon mamuhay. Ang pangalan ng halamanan ay Eden. Sa loob ng halamanan ay may magagandang punong namumunga. May dalawang punong espesyal na nasa gitna ng halamanan. Ang isa ay tinawag na, ''puno ng buhay'' at ang isa ay tinawag na ''puno na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama.''

Basahin (Genesis 2:15-17) Kabanata 2, talata 15-17. Ibinigay ng Dios ang halamanan sa tao upang doon manirahan at upang ito ay alagaan. Ang tao ay maaaring kumain ng bunga mula sa lahat ng puno sa halamanan kabilang ang puno ng buhay. Subalit, binalaan ng Dios ang tao na kung kakain siya ng bunga mula sa puno na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama siya ay mamamatay.

Basahin (Genesis 2:21-25) Ang aklat ng Genesis Kabanata 2, talata 21- 25. Nilikha ng Dios ang unang babae mula sa katawan ni Adan. Ibinigay ng Dios ang babae kay Adan upang maging asawa. Parehong hubad ang lalake at babae, subalit hindi sila nakaramdam ng pagkahiya o malisya dahil malinis ang kanilang mga puso. Lahat ng nilikha ng Dios ay perpekto at maganda.

Balik Aral:

* Ano ang ibig sabihin ng Genesis?

* Ilang araw gumawa ang Dios para likhain ang daigdig?

* Ano ang pinakamahalagang nilikha ng Dios?

* Ano ang ginawa ng Dios sa ikapitong araw?

* Saan tumira/nanirahan ang tao?

* Ano ang pangalan ng 2 espesyal na puno sa loob ng halamanan?

* Ano ang nangyari nang ang tao ay sumuway sa Dios at kumain mula sa bunga ng puno na nagbibigay-kaalaman sa mabuti at masama?

* Bakit hindi nahiya ang lalake at ang asawa nito na sila ay mga hubad?

Sa susunod na aralin, malalaman natin kung ano ang naging dahilan ng pagiging masama ng mundo at kung bakit nagsusuot ng damit ang mga tao.

Aralin # 3

ANG PAGSUWAY

Mayroong iisang Dios lamang. Siya ay makapangyarihan sa lahat, nalalaman Niya ang lahat, Siya ay nasa lahat ng dako. Nilikha Niya ang daigdig sa loob lamang ng anim na araw at nilikha rin Niya ang lahat ng makapangyarihang banal na mensahero na tinatawag nating mga anghel upang paglingkuran Siya sa kalangitan. Ang pinakamakapangyarihang anghel ng Dios ay nag rebelde sa Kanya at naging masama. Maging ang ibang mga anghel ay sumama sa kanya at naging masama rin. At dahil sila ay masasama hindi na sila tinatawag na mga anghel, kundi mga demonyo. Ang pinaka-makapangyarihang anghel na nag rebelde sa Dios ay may pangalang Satanas o Lucifer. Galit si Satanas sa Dios at gusto niyang wasakin ang lahat ng mga mahal ng Dios. Isang araw, pumasok si Satanas sa halamanan ng Eden kung saan nakatira ang lalaki at babae. Ginamit ni Satanas ang ahas upang tuksuhin sila na kainin ang bunga ng punong ipinagbabawal at upang makasama niya sila sa pag rebelde sa Dios.

Basahin ang (Genesis 3:1-10). Ginamit ni Satanas ang ahas upang tuksuhin ang babae na kumain ng bunga ng punong ipinagbabawal kainin. Pagkatapos ay hinikayat ng babae ang kanyang asawa na sumuway rin sa Dios. Pagkatapos nilang kainin ang bunga ng punong nakapagbibigay kaalaman sa mabuti at masama, naunawaan na nila ang masama. Ngayon sila ay masama na rin dahil sa pag rebelde nila sa Dios tulad ni Satanas. Sa unang pagkakataon, nakaramdam sila ng pagsisisi, at pagkahiya, kaya sinubukan nilang gumawa ng damit na yari sa dahon upang takpan ang kanilang kahubaran. Ito ang ibig sabihin ng Dios ng sila ay binigyang babala na...kung sila ay kakain nito, sila ay siguradong mamamatay. [1]

Basahin ang (Gen.3:11-19). Pinarusahan ng Dios si Adan at ang kanyang asawa, gayon din ang ahas dahil sa kanilang kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga babae sa panganganak; at ang mga babae ay magpapasakop sa mga lalaki; ang mga lalaki ay kailangang dumanas ng hirap sa paghahanapbuhay para sa pamilya; at kung bakit ang mga tao ay namamatay.

Basahin ang (Gen.3:10-24). Pinangalanan ni Adan ang kanyang asawa na Eva. Kahit na pinarusahan ng Dios sina Adan at Eva dahil sa kanilang kasalanan, patuloy silang kinalinga ng Dios. Gumawa ang Dios ng kanilang damit na maisusuot. Hindi na pinayagan ng Dios na patuloy na manirahan sina Adan at Eva sa halamanan, sapagkat kung sila ay makakakain rin ng bunga mula sa espesyal na puno ng buhay, sila ay mabubuhay ng walang hanggang nagrerebelde sa Dios. Ipinadala ng Dios ang isa sa kanyang mga anghel, upang bantayan ang halamanan at upang hindi na makabalik doon sina Adan at Eva.

Balik-Aral:

* Ilang Dios mayroon? (Ilan ang Dios)

* Ano ang pangalan ng pinaka-makapangyarihang anghel na nagrebelde laban sa Dios at naging masama?

* Ano ang ginawa nina Adan at Eva upang maging masama?

* Bakit nagsimulang magsuot ng damit ang mga tao?

* Ano ang pangalan ng asawa ni Adan?

* Bakit pinalayas ng Dios sina Adan at Eva sa halamanan?

Sa ating susunod na aralin ay malalaman natin ang tungkol sa pinakamalaking baha na nagwasak at gumunaw sa sanglibutan.

Ang mga footnotes ay nasa loob ng saklong o brackets [ ] Halimbawa, ang [1] ay tumutukoy sa unang tala note na nauna nang nabanggit. Tingnan sa itaas ng araling ito at makikita mo ang [1]. Ang mga talang ito ay mga tulong pangkaalaman lamang. Hindi mo ito kailangang basahin upang maunawaan ang mga aralin.

[1] Kapag kumain ka ikaw ay mamamatay. (Gen.2:17) tingnan ang Magandang Balita.

Aralin # 4

ANG BAHA

Sina Adan at Eva ay nabuhay ng mahabang panahon at nagkaroon ng maraming anak. Napangasawa ng kanilang mga anak ang isa't isa na nagkaroon ng maraming pang mga anak. Maraming tao ang nanirahan sa daigdig, subalit lahat sila ay apektado ng kasalanang nagawa nina Adan at Eva. Wala ni isa man sa kanila ang may malinis na kalooban.

Basahin ang (Genesis 6:5-8). Nalungkot ang Dios na nilikha Niya ang tao. Ninais Niyang wasakin ang lahat ng kanyang nilikha, dahil ang lahat ng mga ito ay sinira ng kasalanan. Subalit, may isang tao na nagngangalang Noe, ang nanatiling nagmamahal sa Dios

Basahin ang (Gen. 6:9-22). Sinabi ng Dios kay Noe na wawasakin Niya ang daigdig sa pamamagitan ng baha. Inutusan Niya si Noe na gumawa ng malaking arko upang siya at ang kanyang pamilya ay makaligtas sa baha. Dinala ng Dios kay Noe ang mga hayop, upang hindi lahat ng mga hayop ay mamatay.

Basahin ang (Gen. 7:1). Sinabi ng Dios na si Noe ay matuwid. Matuwid si Noe sapagkat naniwala at nagtiwala siya na ililigtas siya ng Dios. Naunawaan ni Noe na walang sinuman ang maaaring makapagliligtas sa kanilang sarili. Ang bawat isa ay dapat magtiwala sa Dios para sa kanilang kaligtasan o sila ay mamamatay dahil sa kanilang mga kasalanan.

Basahin ang (Gen. 7:2-24). Lahat ng bagay sa mundo ay nasira na. Lahat ng tao at hayop ay namatay na rin. Ang mga nakaligtas lamang ay ang mga nasa arko na kasama ni Noe.

Basahin ang (Gen. 8:13-22). Pagkatapos na humupa ang tubig at ang lupa ay natuyo na, sinabi ng Dios kay Noe na lumabas sa arko kasama ang lahat ng kanyang pamilya at mga hayop. Nagpasalamat si Noe sa Dios sa pamamagitan ng paghahandog ng ilang hayop sa altar na kanyang ginawa. Ang paghahandog ng isang hayop ay paraan ng mga naunang tao upang ipakita sa Dios ang kanilang pasasalamat sa Kanya o paghingi ng tawad sa mga kasalanang kanilang nagawa.

Basahin ang (Gen. 9:8-17). Nangako ang Dios kay Noe at sa kanyang mga anak na

Enjoying the preview?
Page 1 of 1