You are on page 1of 15

Mga Bahagi ng Pananalita

Pangngalan
Pangngalan
Ang pangngalan ay isang bahagi ng pananalitang nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay , hayop, lunan, pangyayari at okasyon. Ito ay tinatawag na noun sa wikang Ingles.Ang pangngalan ay may dalawang uri ng pangngalan, ito ang pambalana at pantangi. Halimbawa:
1. Siya ay isa sa mga estudyante ng Ashford Academy. 2. Saang parke ang ba kayo pupunta?

Pangngalang Pambalana
Ang pangngalang pambalana ay isinusulat o nagsisimula sa maliliit na titik. Ito ay isang uri ng pangngalan na tumutukoy sa karaniwang o hindi tiyak na pangngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar. Halimbawa, hindi tiyak kung sinong guro, kung sinong bata, kung anong distrito o kung anong bansa. Ito ay tinatawag na improper noun sa wikang Ingles. Halimbawa:
1. Sino ang kauna-unahang bayani ng Pilipinas? 2. Maari mo ba akong hiramanan ng isang aklat.

Pangngalang Pantangi Ang pangngalang pantangi ay isinusulat o nagsisimula sa malalaking titik. Ito ay ginagamit na ginagamit pantukoy o pantawag sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay, hayop,at lugar. Iti ay tinatawag na proper noun sa wikang Ingles. Halimbawa:
1. Si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay bise-presidente noon ni dating pangulong Estrada.
1|Page

2. Sa Japan nakatira ang kanyang pamilya.

Uri ng Pangngalan
Uri ng Pangngalan
Bukod sa katuturan ng pangngalan ay, mayroon din tayong itinututuring na uri ng pangngalan. Katuturan ng Uri ng Pangngalan 1. Kongkreto o Tahas Ang kongkreto o tahas ay isa sa katuturan ng uri ng pangngalan na kapag ang pangngalang tinutukoy ay nakikita, nahihipo, nahahawakan, o nailalarawan. Halimbawa: damit, trak, kamatis, pizza, mata 1) Ang dumi naman ng damit mo. 2) Gamitin niyo na lang ang trak para mas mabilis ang pag-uwi niyo. 3) Bata pa lang ay mahilig ng kumain si Claudia ng pizza. 2. Di-kongkreto o Basal Ang di-kongreto o basal ay halos kabaligtaran ng kongkreto o tahas. Dahil ang di-kongkreto o basal ay katuturan ng uri ng pangngalan na kapag ang pangngalang tinutukoy ay hindi materyal na mga bagay kundi diwa o kaisipan; hindi man ito aktwal na nakikita, nararamdaman naman. Halimbawa: lambing, poot, galit, pagod, bait 1) Tanging lambing lang nakakapawi sa kanya pagkauwi niya mula sa trabaho. 2) Poot ang laging sumisira ng isang pagkakaibigan.
2|Page

3) Ang kanyang galit sa iyo ay walang kapantay kung ipagkukumpara mo sa ibang mga tao. 3. Lansak Ang lansak ay isa rin sa katuturan ng pangngalan na kung katuturan ay karamihan, kabubuan o katipunan ng maramihang pangngalang. Ito rin ay tinatawag na pangngalang lansakan o palansak. Sa diksyunaryo, sinasabing ang kahulugan ng lansak ay palansak, maramihan, o pangkat-pangkat. Kaiba sa isahan o paisa-isa. Ang ibig sabihin ay maraming tao, bagay, hayop, o pook ang tinutukoy na salita. Halimbawa: 1. 2. 3. 4. Langkay-langkay (pangkat-pangkat o marami) Pamilya o angkan (binubuo ng ilang kasapi) Grupo (singkahulugan ng pangkat) Tribo o lipi (binubuo ng mga angkan)

Ang Pangngalan bilang Ibat Ibang Bahagi ng Pangungusap


Ang Pangngalan bilang Ibat ibang Bahagi ng Pangungusap
Ang mga pangngalanay maaring gamitin bilang simuno, kaganapang pansimuno, tuwirang layon, o di-tuwirang layon. Bilang simuno 1. Natutuwa si Dwaine. 2. Naliligo sa ilog ang kabayo. 3. Nagtaka si Nina. Bilang kaganapang pansimuno o panaguri 1. Si Arianne ang amo ng kabayo. 2. Ang kalabaw ay mabait. 3. Ang handa sa kasal ay litson. Bilang tuwirang-layon 1. Nagbibigay ng gatas ang kalabaw. 2. Pinakakain ng pagkaing pampataba ang mga baboy.
3|Page

3. Pinadalhan ng sulat si Frances. Bilang di-tuwirang layon 1. Nagpadala ng sulat kay Dwaine ang kanyang Tito Jerry at Tita Lisa. 2. Laging may sorpresa para kay Dwaine ang magpinsan. 3. Ikinwento ng bata sa ina ang tungkol sa baboy na lilitsunin.

Ang Panghalip
Panghalip
Ang panghalip ay bahagi rin ng pananalita. Ito ay ginagamit panghalili o pampalit sa mga pangngalan sa isang pangungsap o talata. Halimbawa: 1. Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan. Sa gayon, kinilala si Andres Bonifacio bilang Ama ng Katipunan. Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan. Sa gayon, kinilala siya bilang Ama ng Katipunan. 2. Tinawag na Dakilang Dukha si Andres Bonifacio dahil sa paglilingkod ni Andres Bonifacio sa kabila ng kahirapan ng pamilya ni Andres Bonifacio. Tinawag siyang Dakilang Dukha dahil sa paglilingkod niya sa kabila ng kahirapan ng kanyang pamilya.

Mga Uri ng Panghalip


Panghalip Panao
Ang panghalip panao ay panghalip na ginagamit na kapalit o panghalili ng pangngalan ng tao. Halimbawa: 1. Si Gloria ay nahihiya dahil sa hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang. 2. Siya ay nahihiya dahil sa hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang.

4|Page

Ang panghalip panao ay maaring mapangkat sa tatlo: panghalip panao sa anyong ang, panghalip panao sa anyong ng, at panghalipsa anyong sa. Ang unang pangkat ay tinatawag ding palagyo,samantalangang ikalawa ay tinatawag namang kakulang paari, at ang ikatlong pangkat ay palayon.

TSART NG MGA PANGHALIP PANAO

Kailanan o Panauhan
Isahan
Una Ikalawa Ikatlo ako

Anyong ang (palagyo)


ko mo niya

Anyong ng (paukol)
akin iyo

Anyong sa (paari)

ikaw,ka siya

kanya

Dalawahan
Una Ikalawa Ikatlo kita, tayo kayo sila natin ninyo nila Atin Inyo kanila

Maramiha n
Una Ikalawa Ikatlo kami kayo sila namin ninyo nila amin inyo kanila

Panghalip Panananong
Ang panghalip panananong ay isang uri ng panghalip na nagtatanong.
5|Page

Halimbawa: 1. 2. 3. 4. 5. Ilan ba ang naiwan na chalk doon sa kahon? Alin ba ang ating unang paaralan? Gaano ba kahalaga ang magtiwala sa ating sarili? Bakit mahalaga ang bahagi ng aklat? Sino ba ang bago mong kaibigan?

Dalawa ang bilang ng panghalip panananong: isahan at maramihan.

Panghalip Pamatlig
Ang panghalip pamatlig ay isang uri ng panghalip nanagtuturo ng kinaroroonan ng tao, bagay, hayop, at lugar. Malapit sa nagsasalita ang tinutukoy ng mga panghalip na pamatlig na dito, rito, at dine. Malayo naman sa nagsasalita ang tinutukoy ng doon, roon, diyan at riyan. Halimbawa: 1. 2. 3. 4. 5. 6. Dito ko kayo hihintayin. Anak, huwag kayo riyan maglaro. Hinde ako aalis dine. Doon kayo sa loob ng bakuran. Uupo lang ako rito. Maraming sasakyan diyan.

Panghalip Patulad
Ang panghalip patulad ay isang uri ng panghalip na ginagamit sa paghahambing o pagtutuladng mga tao, bagay, hayop at lugar. Halimbawa: 1. Ganito ang buhay namin noon,ang sabi ng lolo sa kanyang apong sa Nicole. 2. Marahil presko sa ganyang bahay, ano lolo? 3. Ganyan ang mga sasakyan, mga kalesa, at karetela, dugtong pa ni lolo. 4. Ganire ang aming mga bahay, lalo nansa mga baryo,sabay turo sa bahay yari sa nipa at sawali.
6|Page

5. Pero lolo, palagay koy mabagal ang ganyang kalesa at karetela, wika ni Ramon, kaysa sa mga kotse, bus at traysikel. 6. Ganoon ang mga gamit sa bukirin. 7. Ganoon ang pangbayo ng palay.

Panghalip Panaklaw
Ang panghalip panaklaw ay isang uri ng panghalip na sumasaklaw sa bilang, dami, o kaisahan ng tao, bagay, o lugar. Halimbawa: 1. Natuwa ang marami nanag pirmahan ng dating pangulong Ramos ang batas na lumikha sa Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care noong 1997. 2. Natuwa ang balana. 3. Gagamitan ang kapangyarihan ng batas kaninuman. 4. Panay ang papuri at pasasalamat. 5. Lahat ay nagdiwang para sa natanggap na parangal ng institutusyon.

Mga Gamit ng Panghalip


Bilang simuno- Ang panghalip ay maaring gamitin bilang simuno ng pangungusap. Halimbawa: 1. Darating sila upang humingi ng tulong para sa mga nabiktima ng bagyong Ondoy. 2. Kumusta ka? Bilang Panaguri- Ang panghalip ay maaring gamitin bilang kaganapang pansimuno o panaguri. Halimbawa: 1. Siya ang aking pinsan. 2. Kayo ang nanalo sa paligsahan.
7|Page

Bilang layon- Ang panghalip ay maaring gamitin bilang layon ng pang-ukol at tuwirang layon. Halimbawa: 1. Sa inyo sila magtatanghalian. 2. Tinawag siya ng kanyang magulang. Bilang pinaglalaanan- Ang panghalip ay maaring gamitin bilang dituwirang layon o pinag-uukulan. Halimbawa: 1. Para sa kanya ang regalong ito. 2. Gagawin ko ang lahat para sa iyo.

Ang Pandiwa
Pandiwa
Ang pandiwa ay isang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ang pandiwa ay ang nagbibigay-buhay sa pangungusap. Nagagamit din ang pandiwa sa pagsasalaysay at pagsusulat. Ginagamitan ito ng mga panlapi at salitang-ugat upang mabuo at maipakita ang ibat ibang ng askpeto. Halimbawa: 1. 2. 3. 4. 5. Maraming nangangarap na umunlad sa pamumuhay. Inani ng mga magsasaka ang kanilang panananim na palay. Mapipilitan silang lumusong sa tubig. Pinamumunuan ni Magellan sa Cebu ang ekspedisyon. Hindi ako papayag.

Ang Tatlong Askpeto ng Pandiwa


Aspetong Pangnakaraan o Perpektibo
Nagpapahayag ang aspetong pangnakaraan o perpektibo ng kilos o galaw na nasimulan na at natapos na. Ginagamit ang mga panlaping na-, nag-, nakapag-,um-, at in- sa pagbuo ng pandiwang nagawa na.
8|Page

Halimbawa: 1. Naunawaan ng mga estudyante ang leksyon dahil maayos itong naipaliwanag ng titser. 2. Umunlad ang bansang Japan dahil sa makabagong teknolohiya. Aspetong Pangkasalukuyan o Imperpektibo Ang aspetong pangkasalukuyan o imperpektibo ay nagsasaad ng kilos na nasimulan na ngunit hindi pa natatapos at kasalkuyang pang ipinagpapatuloy. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unangpantig ng salitang-ugat. Ginagamit ang mga panlaping na-, nag-, nakapag-, um-, at in-, din ngunit inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat sa pagbuo ng pandiwang may aspektong ginagawa.
Halimbawa:

1. Maraming nangangarap na umunlad sa pamumuhay. 2. Ang kanilang mga pana, palaso at kampilan ay kumikinang sa bawat tama ng liwanag.

Aspetong Panghinaharap o Kontemplatibo


Ang aspetong panghinaharap o kontemplatibo ay naglalarawan ng likos na hindi pa nasisimulan. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat. Ginagamit ang mga panlaping ma-, mag-, makapag-, um-, at in-, at inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat sa pagbuo ng pandiwang may aspektong gagawin pa. Halimbawa: 1. Hindi ako papayag. 2. Mapipilitan silang lumusong sa tubig.

Ang Pang-uri
Pang-uri

9|Page

Ang pang-uri Ay isang bahagi ng pananalita nanagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan o pangyayari ng tinutukoy ng pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap. Sinasabi ang uri, bilang, hugis, laki, ayos, o kulay ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: 1. 2. 3. 4. 5. Malubhang suliranin ng makabagong daigdig ang labis na populasyon. Kulang ang pagkain sa mahihirap na bansa. Dumarami ang nakakalat na basura. Ang dating malinaw at asul na dagat ay mababaw at maitim na ngayon. Ang dating luntiang paligid ay madilim na.

Mga Ibat Ibang Gamit ng Pang-uri


Panuring ng pangngalan o panghalip
Halimbawa: 1. Marangal na tao ang pinagpapala. 2. Masaya siya sa kanyang kalagayan ngayon.

Pang-uring ginagamit bilang pangngalan


Halimbawa: 1. Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo. 2. Ang matulungin ay binibiyayaan ng Panginoon.

Pang-uring kaganapang pansimuno


Halimbawa: 1. Ang mga Pilipino ay madalasin. 2. Masayahin ang batang iyan.

Ang Pagpapangkat o Pag-uuri ng Pang-uri


Panlarawan
Ito nag pang-uring naglalarawan ng hugia , kulay, laki, anyo, bilang, sukat, lasa, o lagay ng salitang pangngalan o panghalip.

Pamilang
10 | P a g e

Ito ang pang-uring nasasabi ng bilang, halaga, o dami ng inilalarawang pangngalang o panghalip. Pantangi Ito ang mga pang-uring hango sa mga pangngalang pantangi.

Tatlong antas ng Pang-uri


Tatlong antas ng Pang-uri
Lantay

Ito ang antas ng pang-uri kapag pangngalan.Walang paghahambing na ginagawa. Halimbawa :

inilalarawan

ang

isang

1. Si Beth ay isang masunurin na bata sa kanyang mga magulang. 2. Isang magandang bata si Eliza dahil isa siyang mabait na bata.
Pahambing

Ito ang antas ng pang-uri na kapag dalawang pangngalan pinaghahambing. Sinasabi amg kahigitan o kakulangan ng isa sa isa. Halimbawa: 1. Si Gerald ay mas matangkad kay Ivan ng kaunti. 2. Sa tingin ko, mas makulit si Karl kaysa kay Jhonwel.

amg

Pasukdol
Ito ang antas ng pang-uri na kapag inihahambing ang isa sa marami. Sinasabi ang kahigitan o kakulangan ng isa sa marami. Halimbawa: 1. Ang kabayo ni Lisa ay ang pinakamabilis na kabayo sa lahat. 2. Ang pinakamatangkad na lalaki sa ika-anim na baitang ay si Jayron.

Uri ng Pang-uri
11 | P a g e

Payak
Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang. Halimbawa: 1. Pwede bang paki palitan ang basa mong damit. 2. Ang sapatos at damit ni Analisa ay bago. Maylapi Ito ay isang uri ng pang-uri kung saan ang pang-uri ay binubuo ng salitanggat at panlapi. Halimbawa: 1. Isang ulirang na ina si alvina sa kanyang mga anak. 2. Ang mabuting bata ay laging sumusunod sa mga magulang.

Inuulit
Dito ang pang-uri ay binubuo ng pag-uulit sa salitang-ugat o sa pang-uring maylapi. Halimbawa: 1. Magandang-maganda ang suot na korona ng nahirang na bagong nahirang na Bb. Pilipinas. 2. Laging mabiling-mabili ang ang mga produktong galing Baguio.

Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salita. Halimbawa: 1. Walang natatapos na gawain ang isang isip-dukha na tao. 2. Ang anak ni Aling Luisa ay nagdilang-anghel yata dahil sa nagkatotoo ang kanyang sinabi.

Ang Pang-abay
Pang-abay
Ang pang-abay ay isang bahagi ng pananalitang naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, at kapwa pang-abay. Halimbawa:
12 | P a g e

1. Patakbo siyang sumugod sa ospital para sa inang may sakit. 2. Marahang binuksan ni Shirley ang pinto saka dahan-dahang lumapit kay Milly.

Ang Mga Uri ng Pang-abay


Pang-abay na pamanahon
Ito ay sumasagot sa tanong na kailan. Halimbawa: 1. Maya-maya n lang tayo maglaro doon sa parke. 2. Noon lagi kaming pumupunta dito para kumain at magkwentuhan.

Pang-abay na Panlunan
Ito ay sumasagot sa tanong na saan. Halimbawa: 1. Baka nagpunta lang po sila sa gubat para hanapin ang kwintas ni Cornelia. 2. Sanay nang gumamit ng kompyuter ang mga mag-aaral sa Colegio de San Pedro
Pang-abay na pamamaraan

Ito ay sumasagot sa tanong na paano. Halimbawa: 1. Madali siyang tumakbo para mahabol ang pusa ni Suzaku. 2. Kaylakas ng binatuhan ni Winry si Edward ng isang aklat .

Sanhi at Bunga
Sanhi
Ang sanhi ang sinasabing dahilan o ang sanhi ng isang pangyayari . Bunga Ang bunga ang epekto ng kung ano ang nangyari. Halimbawa:

Sanhi

Bunga

Natulog sa klase si Kallen Napagalitan siya ng kanyang guro habang nagbibigay ng pagsusulit ang at ibinagsak sa pagsusulit. kanyang guro.
13 | P a g e

Laging abala at walang oras ang Kaya naging pasaway at rebeldeng mga magulang ni Mia. bata si Mia. Nanonood palagi si Cecille ng mga Kaya lagi siyang nahuhuli sa gabing-gabing mga palabas sa telebisyon. trabaho niya at laging napapagalitan ng kanyang amo.

14 | P a g e

Talasalitaan
Pikit-mata bulag Imbitasyon paanyaya Nakatakda nakatadhana Kinalakhang kinagisnan Set-apnakatakdang kaayusan Pangunahing- kilala Trend maker- pagapauso Sarbey- nagtanong-tanong Pulso-pintig Naglunsa-nagsimula Pumukaw-gumising Pinarangalan-pinurihan Humalina-umakit Pinag-ukulan pinaglaanan Umuukilkil- gumugulo Gabay-gayd Proseso- paraan Pasulong- paabante Tigib- puspos Imbensyon-likha

15 | P a g e

You might also like