P. 1
Diskurso

Diskurso

5.0

|Views: 22,869|Likes:
Published by Ms. 37o?sA

More info:

Categories:Types, School Work
Published by: Ms. 37o?sA on Jul 20, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/30/2015

pdf

text

original

DISKURSO

ANO ANG DISKURSO?

Ito ay berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon

 

Ang kumbersasyon ay isang klase ng paguusap o komunikasyon na kadalasang nauuwi sa walang saysay na usapan.

Maaari rin itong isang pormal o sistematikong eksaminsayon ng isang paksa pasalita man o pasulat.
 Isang

halimbawa ng pasulat ay ang disertasyon o “Thesis”

KONTEKSTO NG DISKURSO
Ang kontesksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pangorganisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian. hal. 1. Kontekstong Interpersonal – usapan ng magkaibigan 2. Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmagaaral

3. Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado (o pag nagpopromote) 4. Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante

5. Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN

6. Kontekstong Pangkasarian – usapan ng mag-asawa.

Ngunit ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang isang paraan ng pagpokus sa isang tiyak na proseso at epektong pangkomunikasyon. Pansinin na laging may kontekstong interpersonal kahit sa loob ng panggrupo at organisasyunal. Ang kontekstong pangkasarian naman ay lagi ring umiiral sa tuwing ang mga taong may magkaibang kasarian ay nagtatalastasan sa loob man ng iba pang konteksto. Samantala, kapag ang isang teksto ay ipinnararaanan sa mga midyang pangmasa at nakararating sa mga taong may iba-ibang kultura, nagkakaroon ng diskuro sa kontekstong interkultural. (sa kahit anong kontekstong gamitin, laging magagamit ang interpersonal)

2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko. Sa komunikasyon, ang minsang nangyari na ay hindi na mauulit pa. Ulitin man nating muli ang mga salitang una nating tinuran, nag-iiba na ang komunikasyon dahil iba na ang panahon. Kung gayon, ano mang komunikasyon ay naiimpluwensyahan ng oras, lugar, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso,. Kung kaya’t ang komunikasyon ay nagbabago o dinamiko dahil sa impluwensya ng pagbabago ng mga ito.

3. Ang komunikasyon ay komplikado. Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil sa paraan ng pagtingin ng mga sangkot sa komunikasyon sa isa’t isa. Ito ang tinatawag na persepsyon na hindi laging pare-pareho. Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap, halimbawa, ang kanilang komunikasyon ay naiimpluwensyahan ng: a) persepsyon ng isa sa kanyang sarili, b) persepsyon niya sa kanyang kausap, c) iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya at d) ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya. Ang kanyang kausap ay mayroon ding: a) persepsyon sa kanyang sarili, b) iniisip niyang persespyon ng kanyang kausap sa kanya, c) iniisip niyang persepsyon niya sa kanyang kausap at d) tunay na persepsyon niya sa kanyang kausap. Bunga ng komplikasyong dulot ng mga persepsyong ito, may mga komunikasyong hindi nagiging mabisa at humahantong sa hindi pagkakaunawaan.

4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala/natatanggap sa komunikasyon. Pansinin muli ang kahulugan ng komunikasyon. Ito ay proseso ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe, hindi kahulugan. Kapag nagpapadala ang isang tao ng mensahe sa pamamagitan ng salita, halimbawa, maaari itong magkaroon ng iba’t ibang pakahulugan. Paano’y ang pagpapakahulugan sa mga mensahe ay nakasalalay sa tumatanggap nito. Kapag narinig mo ang salitang baboy, ano kaya ang kahulugan ng mensaheng iyon sa iyo? Gayon din kaya ang pagpapakahulugan ng iba? Paanong nangyari iyon gayong parehong mensahe naman ang sa inyo’y naipadala at inyong natanggap? Sapagkat hindi naman aktwal na kahulugan ang ipinadala at natanggap, mensahe pa lamang. Ang pagpapakahulugan ay depende na sa tumatanggap nito. Halimbawa, sinabi ng lalake na “gusto kita” sa isang babae, subalit ang pakahulugan ng babae sa salitang “gusto” ay “pag-ibig”. Magugulat na ang lalake kung bakit dikit na nang dikit ang babae sa kanya na tila nobya niya.

5. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon. Ang mensaheng ito ay maaaring mauuri sa a) mensaheng pangnilalaman o mensaheng panlinggwistika at b) mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal na nagpapahiwatig ng iyong damdamin o pagtingin sa kausap. Halimbawa, habang ang isang tao’y nakikipag-usap sa kaibigan, ang mga sinasabi niya ang mga mensaheng pangnilalaman. Samantala, ang kanyang relaks na pangngatawan, madalas na pagtingin sa kaibigan at lapit o agwat naman ang mga mensaheng relasyunal na nagpapahiwatig nas komportable siya sa kausap. Kung gayon, sa proseso ng komunikasyon, dalawang uri ng mensahe ang naipapadala at natatanggap at kadalasan, ang pagpapakahulugan sa mensaheng iyon ay bunga ng impluwensya ng isa sa isa.

6. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon. Kahit pa tayo’y hindi magsalita, nakikipagtalastasan tayo sa ating kapwa. Pansinin ang dalawang taong nasa loob ng eleveytor, halimbawa. Hindi sila naguusap. Nag-iiwasan pa nga sila ng mata. Malinaw nilang naipadadala ang mensahe ng kawalan ng interes sa isa’t isa. Sa hindi pag-imik at pag-iwas ng tingin, kapwa nila natanggap ang mensaheng Huwag mo akong kausapin! Nagkaroon sila ng komunikasyon, hindi ba? At hindi nila iyon naiwasan! Kung tutuusin, kahit tayo’y nag-iisa, hindi natin maiiwasan ang mag-isip. Anong uri ito ng komunikasyon? Intrapersonal, hindi ba? Lalo na kapag may mga tao sa ating paligid. Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo ng mensahe sa iba.

KOMUNIKASYON
ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.  Isang interaksyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o anumang uri ng simbolo na makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.  Proseso ng pagpapadala at pagtanggap nag mga mensahe

MGA URI NG DISKURSO
Komunikasyong Intrapersonal – tumutukoy sa komunikasyong pansarili.  Komunikasyong interpersonal – tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, o sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat.  Komunikasyong pampubliko – tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao.

SALAYSAYANG KATANGIAN:
   

Ang Komunikasyon ay isang proseso (may sinusundan) Ang proseso ng komunikasyon ay daynamiko (nagbabago) Ang komunikasyon ay komplikado Mensahe, hindi kahulugan, ang naipapadala/natatanggap sa komunikasyon (ang tumatanggap ang nagbibigay ng kahulugan sa pinapadalang mensahe) Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon (Berbal o di-berbal)
 Mensaheng

pangnilalaman o mensaheng panlinggwistika  Mensaheng rasyunal o mensaheng di-berbal ng iyong damdamin o pagtingin sa kausap

MGA TEORYA NG DISKURSO: PAHAPYAW NA PAGTALAKAY

Speech act theory
nakabatay sa isang premis na ang wika ay isang mode of action  isang paraan ng pag-convey(pagdala) ng impormasyon  Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.

 May

tatlong komponent ang mga aktong linggwistik
Aktong

ilokyusyonari o akto ng pagsasabi ng isang bagay. (May kahulugan) Aktong ilukyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi ng bagay.(May pwersa) Aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto. (May Konsikwens)

2. ETHNOGRAPHY OF COMMUNICATION
nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita. Ito ay pamamaraang partisipantobserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad.

IBA’T-IBANG TEKNIK NA MAAARING MAGAMIT SA PARTISIPANT-OBSERBASYON:
     

Introspection o paggamit ng intuition Detached Observation o ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa komunidad Interviewing o ang isatraktyurd na interaksyon berbal sa mga myembro ng komunidad Philology o paggamit ng mga pasulat ng amteryales Ethnosemantics o ang pag-aaral ng kahulugang kultural. Ethomethodology o detalyadong analisis ng mga kumbersasyon, tinatawag ding diskors analisis ng mga linggwistika Phenomenology o pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang penomenolohikal.

3.COMMUNICATION ACCOMODATION THEORY
 Sinusuri

ang motibasyon at konsikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng istilo ng komunikasyon  Ang mga gumagamit sa teoryang ito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba.

May dalawang paraan ang akomodasyon:
 Divergence
 Ang

madala na gumagamit nito ay ang grupong may malakas ng pagmamalaking etniko upang ihaylayt ang kanilang identidad
kung saan mayroong matinding pangangailangan para sa social approval. Ang gumagawa nito ay madalas ang mga indibidwal na walang kapangyarihan.

 Convergence
 Nagaganap

4. NARRATIVE PARADIGM(NARATIBONG LOHIKA O LOHIKA NG MABUTING KATUWIRAN)
Naglalarawan

sa mga tao bilang mga storytelling animals. Nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal na lohika argumento Nagmumungkahi na husgahan ang kredibilidad ng isang ispiker batay sa kohirens at pideliti ng kanilang istorya.

PROSESO
1.

2.

Nagpapadala ng Mensahe -tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe. Sila ang nag-eenkowd ng mensahe. Ang Mensahe
1.

2.

Mensaheng pangnilalaman o panglinggwistika Mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal kategorya

3.

Daluyan/Tsanel ng Mensahe
 Dalawang
 

Daluyang Sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama Daluyang institusyunal –pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat, telegrama, mga kagamitang elektroniko

4. Tagatanggap ng mensahe
1.

Nagbibigay-pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap. Siya ang nag dedekowd.

5.Ang Tugon o Pidbak – ang kumokontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.
1. 2. 3.

Tuwirang Tugon Di-tuwirang tugon Naantalang Tugon

Mga Potensyal na Sagabal sa komunikasyon – ang mga bagay-bagay na maaaring makasagabal sa mabisang komunikasyon. Matatagpuan sa tagapagdala ng mensahe, sa mensahe mismo, sa daluyan ng mensahe o di kaya’y sa tagatanggap nito.


Semantikong Sagabal – matatagpuan sa salita o pangugusap mismo Pisikal na Sagabal – mga ingay sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning taknikal na kaugnay ng sound system Pisyolohikal na Sagabal – mga matatagpuan sa katawan ng nagpapadala o tagatanggap ng mensahe tulad ng kapansanan sa panigin, pandinig, o pagsasalita. Sikolohikal na Sagabal – pagkakaiba-iba ng mga kinalakihang paligid at pagkakaiba-iba ng nakagawiang kultura na maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe

IBA’T IBANG MODELO 1. MODELO NI BERLO

2. MODELO NI ARISTOTLE NG PAG-EENKOWD NG MENSAHE

3. INTERAKTIB NG MODELO NG KOMUNIKASYON

4. MODELO NG TRANSAKSYONG KOMUNIKASYON

THE SHANNON WEAVER MATHEMATICAL MODEL, 1949

A HELICAL MODEL OF COMMUNICATION FROM DANCE, 1967

REUSCH AND BATESON FUNCTIONL MODEL, 1951

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->