P. 1
Dula

Dula

|Views: 2,270|Likes:
Published by Namu R. Erche

More info:

Published by: Namu R. Erche on Jul 21, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

05/06/2015

pdf

text

original

Katuturan ng Dula

“Ang mundo ay isang teatro..” ayon na nga kay Shakespeare. Ang dula, maging iisahin o tatluhang yugto ay isang genre ng panitikang kinagigiliwan ng marami, ito man ay binabasa lamang o itinatanghal. Ang kaugnayan ng dulang iisahing yugto sa dulang may tatlong yugto ay maihahalintulad marahil sa kaugnayan ng maikling kuwento sa nobela. Katulad ng maikling kuwento, ang dulang ito ay matipid, matiim at nag-iiwan ng isang bisang puno ng buhay o drama. Dinarakip ng manunulat ang isang madulang bahagi ng buhay ng isang tao, sa isang pook, sa isang panahon at sa tulong ng iba pang sangkap na itinatanghal ngayon. Hindi ang manunulat ang magkukuwento kundi ang mismong dula; ito ay palaging nagaganap nagyon. Palaging ngayon ay nangyayari, palaging panahunang pangkasalukuyan, mula sa guniguni ng mambabasa o sa paningin at pandinig ng manonood. Ang mga nakaraan, gayundin ang mga hinaharap at dinaraan lamang sa mga pahiwatig. Upang matamo ang iisang impresyon, kailangang iisang nangingibabaw ba paksa o tema ang namamayani. Ang krisis ay maaaring manggaling sa paglalaban ng tauhan o ng tauhan na magpapanatili sa kawilihan ng mga mambabasa o manonood sa loobng itatagal ng dula, na karaniwa’y mula sa kalahati hanggang isang oras humigit-kumulang. Ang mga makatuturang dula mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling buhay; mula sa dula ng mga Griyego hanggang kina Shakespeare, hanggang kina Julian Cruz Balmaceda. Ang mga iyon ay higit pa sa kanilang ginamit na banghay, paksa, tauhan; ang mga iyo’y nag-iwan ng gayuma sa isipan at damdamin ng mga bumasa at nanood. Ang mga iyon ay lumikha ng maliwanag na pagkilala ng tao sa kanyang sarili. Sinasabing kung ang isang manunulat ay nasa mood (sumpong, kondisyon, wastong kalooban), tuluy-tuloy ang daloy ng mabubuong dula. Sinasabi ring may tatlumpu’t anim na madudulang sitwasyon lamang, kaya anumang banghay ang mahubog, ito’y mapapabilang din sa isa sa naturang tatlumpu’t anim na madudulang sitwasyon. Maaaring manggaling halimbawa sa mitolohiya, sa Bibliya, sa pabula, sa kuwentong bayan, sa buhay ng kapwa manunulat, sa alinmang madulang bahagi ng pangyayari. Sapagkat ang dulang iisahing yugto, katulad ng maikling kuwento, ay mabilis at hindi maaaring mapaliguy-ligoy, ang banghay nito ay dapat maging payak at ang mga pangyayari at usapan o diyalogo ay dapat makiisa sa paglutas sa suliraning hahangga sa kasukdulang susundan ng wakes. Ang denouement (pagkakalas ng buhol) ang kadalasang nananatili sa isipan at damdamin ng bumabasa o nanonood ng dula, at tumutulong sa pagbuo ng panloob na liwanag upang higit niyang makilala ang kanyang sarili.

DULA
mbagon-faeldan

april

1

walang-malay. Sa isang dula. Ang usapan o dayalogo sa dula ay hindi lamang nagpapasulong sa kuwentong napapaloob dito. (Pinapatay na ngayon ang tawag na kristo sa sabungan. Ito’y kailangang maging tuwiran at mabilis. ito ay mayayamang batis na titghaw sa uhaw ng bumabasa o nanonood ng dula sa iba’t ibang uri ng katauhang mabubunyag. Ang paglinang ng katauhan sa dula ang nagbibigay-halaga rito. Katulad ng sa maikling kuwento. at di dapat magpabagu-bago. Ang uri ng pakikibaka ng tauhan sa iba’t ibang tauhan sa dula ay magbubunyag ng kanyang buong katauhan..katauhan o karaterisasyon ay tiyak na lulutang sapagkat sadyang iba’t iba. Sa simula pa. May mga katauhang kulang sa lalim. DULA mbagon-faeldan april 2 . ang katauhan ay maaaring ilarawan sa iba’t ibang paraan. ha.Ang paglalarawan ng katauhan ay dapat magsimula sa simula pa lamang ng dula.e. malisyoso. Ang mime (pantomime)niya ang pantulong sa paglalarawan. kasama na ang pag-aayos sa sarili. pang-ibabaw man at pang-ilalim din. artipisyal. gaya ng: ee. magiging kapansinpansin ito sa bumabasa o nanonood na paraan lamang ng manunulat upang makamtan ang pagwawakas na kanyang ninanais. mapagkunwari at iba pa. maaaring ang banghay ng kuwento at ang paksa o tema ay di-gaanong mangingibabaw sa bumabasa o manonood. mapalilitaw ng mahusay na manunulat ang lalim ng katauhan. este at iba pa. Ang pagbabago nang walang sapat na dahilan ay ex-machina. naku.. ang positibong paraan ng pagbabasa ang kanais-nais. May mga katauhang hindi nagbabago hanggang magwakas ang dula. ang mananatili nang matagal sa kalooban ng mambabasa o manonood..e.. Anuman ang uri ng pagsasalita ng isang tauhan sa dula. ang mga speeh mannerisms o pinagkaugaliang gamitin sa pagsasalita. sapat na ito sa mga taong pansamantala lamang nilang makakaugnay. Ngunit sa panghabangbuhay na kasama. ang talasalitaang ginagamit. dib a. ngunit ang paglalarawang. ngunit ito’y dapat maging kapanipaniwala bunga ng mga pangyayari. dapat naman!). Maliwanag na isang paraan ng paglalarawan ng katauhan ay ang pagsasalita. Ang tono ng tinig. ay mga bahaging lahat ng usapan o dayalogo. May nagbabago sa negatibong paraan. Ang talasalitaang ginagamit ng isang batang-lansangan ay aasahan nating naiiba sa gagamitin ng isang propesor. ito’y dapat maging kapani-paniwala sa bumabasa o nanonood. May mga tauhang may speech mannerisms o pinagkaugaliang ibudbod sa kanilang pakikipag-usap. ngunit ang pinakamabisa ay ang mismong mga kilos. kuwan. ang tauhan ay dapat langkapan ng motibo o pagnanasa o dahilan na magpapakilos at magpapasalita sa kanya nang gayon. pagsasalita at reaksyon na rin ng tauhan. Ang tono ng tinig ng isang madreng mula sa pagkabata’y lumaki sa kumbento ay inaasahang maiiba ang tono ng tinig isang kristo sa sabungan.

ang gumagawa ng aksyon at resolusyon sa buhay. Ang magulong tagpuan sa tanghalan ay maaring sumagisag sa kaguluhang gumagapi sa mga tauhan.ang mga gumaganap ng mahahalagang papel sa dula. ayon na rink ay Aristotle. sa damdamin. ay isang sining ng panggagaya o pagiimita ng kalikasan ng buhay. sa sining upang makaaliw. ang teatro o tanghalan. makapagturo o makapagbigay-mensahe o basta makaantig ng damdamin at makapukaw ng isip. Ang isang larawan ng bagyo sa mayamang salas ng isang mansion ay maaaring sumasagisag sa lihim na suliraning nagbabalang magwasak sa pagsasama ng magasawa. Pangalawa. Una. ang mga tauhan.ang pinaglalabasan o kung saan ipinakikita sa mga tao o pinanonood na tao ang dula. at pwede rin sa loob ng bahay. Ang dula ay kinakatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay-sa wika. Pang-apat ang dretor o tagadrehe. Pangatlo. Ito’y hindi lamang nagpapayaman sa panoorin kundi tumitinag pa rin at lumilinang ng guniguni o imahinasyon ng bumabasa o nanonood. Ito’y maaaring sa bakuran lamang. Ang katuturan at kaganapan sa pagtatanghal ng isang ng dula ay magiging buo sapagkat iniuungkat na rito ang mga mahahalagang kakailanganin sa isang dula.ang nag-uutos o nagpapasunod ng mga dapat na gawin ng mga tauhan na naaayon sa kanyang ginagampanang papel. ang iskrip – ang mga nakasulat na magkakasunod na mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan na may simula. samakatuwid. maaari ring sa lansangan. Sophocles at Euripedes. sa kilos. patungo sa kanais-nais na paglutas sa suliranin at sa maayos na tanghalan. Ang dula kung ibabase sa pinagtatanghalan ay mauuri sa panlansangan. sa masining at maagham nitong katuturan na sa Gresya pa pinasisimulan ng mga batikan at klasikong dramaturgong dina Aeschylus. ang dinadaluyan ng mga suliranin at mga pangyayari. pambakuran at pantahanan. Ang dula. gitna at wakas. Ang isang tauhan o kahit ang buong dula ay maaaring gamiting sagisag.May mga mandudulang gumagamit ng sagisag o simbolismo sa kanilang akda. DULA mbagon-faeldan april 3 . na unit-unting mahahawan.

sa pamamagitan ng kilos at galaw. Ang Kombensyon ng Pagsasalita sa Sarili. 4. ay tinatanggap ng manonood na kailangan o mahalaga upang malaman niya ang iniisip ng isang gumaganap sa tanghalan at upang maunawaan niya ang ilang pangyayaring hindi maaaring ipakita o itanghal. DULA mbagon-faeldan april 4 .naniniwala o kunwa’y ang manonood sa loob ng ilang oras ay nabubuhay siya sa loob ng isang araw. higit na magiging kasiya-siya at makabuluhan ang panonood niya ng dula.Apat na Kombensyon ng Dula Ang dula ay isang kathang ang layunin ay ilarawan sa isang tanghalan. May kasangkapang gingamit ang isang manunulat ng dula bilang pamalit sa realidad at upang tanggap 1. Dapat malaman at maunawaan ng manonood ng dula na hindi dapat manaig ang kanyang mga ekspektasyon sapagkat may mga kombensyon o kasunduan sa pagtatanghal ng isang dula. ang isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng isang kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. lingo o buwan o taon. sa totoong buhay ay may tatlong dingding lamang ang isang bahay. Dahil sa ang bawat manonood ng dula ay may mga ekspektasyon sa dulang kanyang pinanonood. Litinuturing ng manonood na normal lamang sa totoong buhay ang kausapin ng isang tao ang kanyang sarili o kaya nama’y nagsasalita siya sa harap ng ibang tao nang wala naming tuwirang kinakausap o pinagtutungkulan sa kanyang sinasabi. Ang ikaapat na dingding ay bukas kayat namamalas at naririnig niya ang lahat ng sinasabi at ikinikilos ng mga nasa loob ng bahay na nasa kanyang harapan. 3. Bagamat sinasabing ang dula ay “imitasyon ng buhay” hindi pa rin maikakailang mahirap talagang mailarawan ang imitasyong ito sa isang dulang nasusulat o isang dulang itinatanghal. Ang Kombensyon sa Panahon.ang pagsasalita na parang sa sarili lamang ng tauhan. Kung may sapat na kabatiran ang isang manonood sa kombensyong ito. 2. madalas na nabibigo siya pagkatapos ng pagtatanghal kung hindi naabot ng dula ang mga ekswpektasyong ito. na kasa-kasama ng mga tauhang kanyang pinanonood sa tanghalan. Ang Kombensyon sa Ikaapat na Dingding.tinatanggap ng manonood na tulad sa isang tanghalan. Ang Kombensyon ng Pananalita o Wika.tinatanggap ng manonood na kung ano ang pananalitang binibigkas ng mga tauhan sa dula ay gayon ding pananalita ang kanilang binibigkas at ginagamit sa tunay na buhay. Dito pumapasok ang kahalagahan ng kumbensyon ng dula.

kaya nagwawakas na malungkot. 2. pagkat ang layunin ay magpatawa sa pamamagitan ng katawa-tawang kilos o pananalita ng mga tauhan. 2. Paglalahad Sa paglalahad ng dula. nakalulunos ang mga tauhan. gitna at wakas. Komedya – ito’y katawa-tawa. Subalit maaari ding magsimula sa gitna o wakas muna bago simulan ang dula. Parsa – Ang dulang ito ay kaiba sa sa nabanggit na. Balangkas o Banghay Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa dula. Ang kumbenyunal na kwento sa dula ay may simula. karaniwan silang nasasadlak sa kamalasan. 4. magaan sa loob dalhin ang tema at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas. Melodrama o Soap Opera – ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala nng masayang bahagi sa buhay ng tauhan kundi pawing problema na lamang ang nagyayari sa araw-araw. Saynete – Ito’y katawatawang dula na karaniwang pinapaksa ang katawa-tawang ugali ng tauhan. nililinaw na ng may-akda o ng direktor ang ilang mahahalagang impormasyon sa kwento ng dula: • Ang mga tauhan. ang kaugnayan nila sa isa’t isa • Ang lugar na pinagyayarihan ng kuwento • Ang panahon . Tragikomedya – kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa. kabiguan. at iba pa na makatutulong nang malaki upang higit na maakit ang manonood sa dula DULA mbagon-faeldan april 5 . 5. kawalan at maging sa kamatayan. 3. Trahedya – ang tema nito’y mabigat o nakakapagpasama ng loob kaya nakakaiyak. subalit sa banding huli ay magiging malungkot na dahil masasawi o namamatay ang bida o mag bida.Mga Uri ng Dula 1. Mga Sangkap ng Dula 1. Ito’y depende sa estilo ng direktor. 6.

Pagsasalungatan ng mga tauhan. Nakapokus dito ang lahat ng kilos at usapan sa kabuuan ng dula. Ang ikinaiba nito sa tunay na dula ay ang pagkakaroon ng bahaging DULA mbagon-faeldan april 6 . Kilos Dahil sa ang dula ay salamin ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. kilos o galaw. Pagsulat ng Isang Dulang May Isang Yugto o Pagsasadula ng Isang Kuwento Kakaunti na marahil ang mag-aaral sa isang klase na mapapabilang sa pangkat na ito. 4. Mangangailangan din ang baguhan ng tagapayo na may malawak na karanasan sa genre ng dulang may iisang yugto. pagsasalita at reaksyon ng mga tauahn sa mga pangyayari. lalo na ng maikling kwento. ay lalong nakikilala ng mga manonood ang mga tauhan. o kaya’y suliranin ng tauhan na sarili niyang likha o gawa bilang tauhan sa dula. Salitaan Kailangang maging natural at makatotohanan ang salitaan. Suliranin o Pagtutunggali Tungkol saan? Sa madaling sabi ito ay tema. 7. Ito ay mangangailangan ng may kakayahang hindi lamang sa wastong pamamaraan o technique ng dula kundi ng kakayahan din sa masining na pagsulat ng may-uring panitikan. Paglalarawan ng Tauhan Sa tulong ng kilos. Dito nakatuon ang paningin ng mga manonood.3. 5. dapat ang kilos ng mga artista sa tanghalan ay maging natural at makatotohanan din. 6. Paksa Pumili ng paksang napapanahon at mga problemang panlipunan kung saan ang mga manonood ay maaaring makareleyt. Ang ekspresyon ng mukha ay dapat umaayon kung ano ang ikinikilos ng artista sa tanghalan. Iwasan ang mga paksang nakakabagot o wala sa interes ng mga manonood. Ang Dulang Pasalaysay (Chamber Theater) Ito ay tulad ng isang tunay na dula na binibigyang-buhay ng mga tauhan sa pamamagitan ng mga usapan. Pagpapahiwatig Makatwirang paglalahad ng mga pangyayari na dapat maging kasiya-siya. 8.

Paghahanda ng Isang Dulang Pasalaysay 1. Pagbasang Pandulaan Ito ay isang pangkatang pagbasa ng pyesang pandulaan. sapagkat maaaring ilarawan na lamang ng aktor o tagapagsalaysay ang iba pang kagamitan. May mga kasapi sa pangkat na gumaganap sa papel ng mga tauhan sa kuwento. panahon at mahahalagang pangyayari para sa kapakanan ng manonood. alamat. Ang mga kasapi sa pangkat na may ginagampanang papel ay kailangang may anyo at kilos na hinihingi ng sitwasyon. Ang dami o bilang ng mga magbabasa pangangailangan ng pyesa. bahagi ng nobela o dula) na angkop sa layunin ng pagtatanghal. 4. 3. tagpo. Ang pangkat na nagbabasa ay maaaringmagsalaysay ng mga pangyayari sa paraang isahan o pangkatan. Sa dulang pasalaysay. hindi gaanong marami ang mga props na dapat gamitin. Magsagawa ng puspusang pagsasanay upang maging mabisa at makatotohanan ang pagganap at pagsasalaysay ng mga detalye at pangyayari sa dula. Kung may mga tauhan sa pyesa na kailangang maghabulan. Tandaan na ang mga actor ay tuwirang nakikipag-usap sa mga manonood. Maliban sa mga aktor/tagapagsalaysay ay mayroon ding tagapagsalaysay ng kuwento na nasa isang panig ng tanghalan. ito ay iaarte sa tanghalan habang patuloy ang pagsasalaysay ng iba pang kasali sa pangkat. Pumili ng mga tauhang nababagay sa papel na kanilang gagampanan. Ikinukuwento ng bawat tauhan sa mga manonood ang kanilang ginagawa at gagawin. Ihanda ang mga bagay at iba pang kagamitang kakailanganin sa pagtatanghal. halimbawa ay isang bruha at prinsesa. kilos at kaanyuan sa karakter na gagampanan. kaya’t maging masigla at kawili-wili dapat ang pagtatanghal. Tungkulin niyang simulan at ipagpatuloy ang paglalahad ng kuwento. Igawa ng iskrip ang pyesa at tiyaking ang mga dayalog at pagsasalaysay ng bawat aktor ay madula. ipakikita ang kilos na ito sa mga manonood. pabula.pagsasalaysay . 5. Ito ay dapat maikli lamang. sitwasyon at manonood. parabola. Ang mga actor ay hindi lamang tagaganap kundi tagapagsalaysay din. Kailangang angkop ang kanilang tinig. Kung ang tauhan ay kailangang maglarawan ng isang tagpo. ay depende sa DULA mbagon-faeldan april 7 . Pumili ng pyesa (maaaring kwento. Mga Dapat Tandaan sa Pagbasang Pandulaan 1. 2. 6.

Batay sa Pagganap (Acting) • Kapani-paniwala ba ang bawat pagganap ng tauhan? • Nababagay bas a tauhan ang mga katangian ng interpretasyon at pagsasalita (projection)? Natatamo bas a pagpapahayag ng linya at “cue pick-up” ang tamang tempo at ritmo? DULA mbagon-faeldan april 8 .2. Pamumuna sa Dula Isa sa pinakakinagigiliwang uri ng panitikan ay dulang pantanghalan o stage play. 3. at ng angkop na himig at musika. Batay sa mga Katangian • Matatagpuan ba ditto ang mga kinakailangang elemento ng uri o estilo nito? • May kaganyakang universal kaya rito? • May kakanyahan ba at makabagong estilo? • Malinaw ba ang pagkakabuo ng mga pangyayari tungo sa kasukdulan? • Makatotohanan at malinaw ba ang paglalarawang-tauhan na gumigising sa damdamin ng mga manonood? • Mahusay at makatotohanan ba ang diyalogo o usapan? • May kaisahang bisa ba na nagbibigay ng interes sa pamamagitan ng pag-iiba-iba? • Nagpapahiwatig ban g katimpian? • May pagkakatimbang-timbang ba ng bugso ng damdamin? 2. maaring tumalikod sa madla ang mga nagbabasa o ang tauhang gumaganap kung tapos na ang bahaging kanilang isinasalaysay at muling humarap at bumasa kapag kailangan nang ituloy ang pagsasalaysay. kagamitan sa tanghalan at limitado at simple lamang. Sa panunuri ng ganitong panitikan ay isinasaalang-alang natin ang mga sumusunod na pamantayan. Maaaring ihinto ang pagsasalaysay kung may bahaging ginagampanan ang ilang tauyhan. Higit nating nakikita nang malinaw ang istorya. Bukod ditto. 4. Ang pyesa ay kailangang hawak ng pangkat at nakikita ng mga manonood ang kanilang pagbabasa. Ang pagkilos. pagkat buhay na kumikilos at nagsasalita ang mga tauhan. Ang ikagaganda ng pagtatanghal ay nasa sabay-sabay . 5. kasuotan. Pumili ng mga kuwentong maraming usapan at igawa ng iskrip na angkop sa pagbabasang pandulaan. malinaw at madulang pagbasa ng pyesa. 1. pinatitingkad ng isang dula ang mga pagpapahayag ng mensahe sa manonood sa pamamagitan ng ilang kagamitan o props. 7. 6.

panahon. empasis at himig? • Angkop ba ang tagpuan o tanawin? • Ang costume o make-up ba ay may pagkakaayon sa tauhan. Ayon sa Pagtatanghal (Staging) • Ang mga ilaw ba ay nakapagtatag ng tamang panoorin. at galaw ba ay nakagaganyak. mapagtimpi. Batay sa Awtor • Ang lahat ba ng aspekto ng pagkakaisa ay tunay sa nagging layunin ng awtor? • Ang kabuuan ban g tanghalan ay naging epektibo sa emfasis. pagkakatugma at pagkakaiba-iba? • Ang ritmo at tempo ba ay nagdulot ng tamang himig na angkop sa kasukdulan at tamang eksena at yugto? • May tama bang pagkakatimbang ang damdamin at panlasa sa kagandahan o sining? 4. senyas. tunog. kurtina atb.? Naging mabilis at matahimik ba ang pagpapalit ng eksena? 5. Ayon sa Reaksyon ng mga Manonood • May reaksyon ba mula sa mga manonood? • Patuloy bang nagpapakita ng damdamin sa layunin ng dula ang mga manonood-tumatawa at umiiyak ba sa tamang oras? • Nagging mabisa ba ang mga dramatikong eksena dahil sa magagandang salitaan o pahayag? • Taos ba sa puso ng mga manonood ang patuloy na palakpak? • Pinag-uusapan o tinatalakay ba ang dula sa intermisyon at pagkatapos ng dula? DULA mbagon-faeldan april 9 . may pagkakaiba-iba at naaangkop? • Kasiya-siya ba ang masining na pamamaraan ng pagganap? • Ang kapangyarihan at damdamin ng tauhan ay kapwa ba magkatugma? Makatotohanan ba ang reaksyon o pagtugon? Ang himig (mood) ba ay napanatili? Ang kasukdulan ba ay natamo? • Ang mga tauhan ba ay nakapagpahayag sa pamamagitan ng oral at biswal sa mga manonood? Sila ba ay malinaw. himig at estilo? • Naging epektibo ba ang musika. nakakaganyak at matipid sa pagpapahayag? 3.• Ang kilos. malinaw.

binyag. at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan. ito'y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan. ibat-ibang kasuotan.ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo. Bago dumating DULA mbagon-faeldan april 10 . ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. ayon sa mga librong kinunsulta ko. sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula. kamatayan. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. pananagumpay. ligawan. ang mga pangarap ng bansa. at pangingisda. Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. at "internal conflict. Sa kabilang dako. Ang mga katututbo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita'y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano.DULANG PILIPINO KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino. pagtatanim. sayaw. pag-aani. Samakatuwid. pakikipagdigmaa. Ito ay nag. ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula. kasawian. makabubuti sigurong alamin muna natin ang kahulugan ng dula o drama. Higit sa lahat. ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. ang ibig sabihin ay pampanitikang komposition na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. atbp. Ayon sa mga mananalaysay. Ayon kay Casanova. skripto. at tradisyon. Memises ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pangaraw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Sa isang dako. pagtutuli." Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Ayon pa rin kay Tiongson. kasalan. Ang mga awit. Dito rin mamamalas ang ibatibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. "characterisation". Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura. ang mga katutubo'y likas na mahiligin sa mga awit. paniniwala.

ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga unang taon ng panankop ng mga Amerikano. MGA URI NG DULANG PILIPINO Mga Katutubong Dula Bikal at Balak Karilyo Bayok at Embayoka Kasayatan Dallot Pamanhikan Dung-aw Hugas Kalawang Dalling-Daling Mga Dula sa Panahon ng Kastila Moro-Moro Senakulo Karagatan Duplo Salubong Paglakad ng Estrella at ng Birhen Pinetencia Carillo Puteje Juego de Prenda Bulaklakan Pananapatan Moriones Dalit Alay (Flores de Mayo) Pangangaluluwa Panunuluyan Tibag Santacrusan Papuri/Putong PAGUSUSURI Ayon sa mga manunulat. Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito. Mga tradisyong nagbibigay ng identidad sa mga Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat. Bahagi na ito ng ating tradision. ay wala noon. naglalarawan ng sariling kaugalian. nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay. ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino. DULA mbagon-faeldan Dula sa Panahon ng mga Amerikano Sarsuwela april 11 . KONKLUSYON Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa paglipas ng mga taon. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolikismo sa kapuluan.ang mga dayuhang mamnanakop. Ang Pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas bagbigay panibagong sangkap sa mga katutubong dula. bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino. ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa.

Philippines: 1983 Ang Pagtuturo ng Panitikan sa Batayang Edukasyon February 13th. Consolacion P. Manila:1987. Samantala. Kung nagbabasa man sila ay sapagkat ipinababasa sa kanila ng guro. Queson City: 1951. Sa pag-aaral ng isang akdang pampanitikan. Tiongson. Hinayaan nating magdaos ng paligsahan ang mga mag-aaral sa pagsasaulo ng nilalaman ng panitikan. Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Tinanong ko ang aking mga mag-aaral kung sino sa kanila ang may hilig sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan. Hindi na ako nagulat nang ilan-ilan lamang ang nagtaas ng kamay. malimit nang sinasabi ng guro kung ano ang makikita at madarama sa akda. ngunit ang pinakapalasak ay ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan. Tinanong ko ulit ang mga hindi nagtaas ng kamay kung bakit. sinimulan ko ang aking panayam sa tanong na: Anu-ano ang inyong problema sa pagtuturo ng panitikan sa inyong mga klase? Napakarami at iba-iba ang nakuha kong sagot mula sa mga partisipant ng nasabing seminar. maging ang maraming dalubhasa ay sang-ayon sa mga guro dapat isisi ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng tunay na panitikan. iba-iba ang aking nakuhang sagot. Sebastian. at Salazar. "Ang Dulang Tagalog". "Sulyap sa Dulang Tagalog". 2011 Author: rolandotaguan Sa isang pambansang seminar na dinaluhan ng mga guro sa Filipino mula sa mga paaralang pribado at publiko sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Kailan. Alin. Philippines: 1989. Sa isang panayam ay ganito ang sinabi ni Badayos (1998): … May malaking bagay na nagagawa ang paraan ng pag-aaral at pagtuturo ng panitikan sa ating mga paaralan. Arthur P. Ano. 5. National Bookstores. Sa tanong na iyon. sunud-sunod na pamumuna at paninisi sa kanilang mga naging guro ang natanggap ko! Kung tutuusin. 4. Casanova. Idinagdag pa ni Badayos ang mga sumusunod na oberbasyon: Hindi tumutugon sa tunay na kalikasan ng panitikan ang karaniwang pag-aaral nito. "Dulaan". Ngunit nang tanungin ko sila kung bakit hindi ba sila namotibeyt sa elementarya at hayskul upang makagiliwan ang pagbabasa ng mga akdang pampanitikan. "Kasaysayan at Pagunlad ng Dulaang Pilipino". Tiongson. Saan tungkol sa itinakdang aralin sa panitikan. Nicanor G. Ang tungkulin niya na iparanas sa mga mag-aaral ang kabuuan ng akda ay tuluyan nang kinalilimutan. DULA mbagon-faeldan april 12 . Bede's Publishing House. Sauco. Nicanor G. sa isang klase ko sa Filipino sa kolehiyo. Naging maluwag tayo sa pagsasabing “magaling” sa sinumang makasasagot ng mga tanong na ang simula ay Sino. "What is Drama?" PETA. isang mabilisang sarbey ang aking ginawa. 3.SANGGUNIAN 1. Rex Printing Co. Dionisio S. Maynila: 1984. lalo na kung panitikang Filipino ang pag-uusapan. 2. Federico B.

Ang mga ganitong guro ay hindi nagtuturo ng panitikan kundi ng kasaysayan. Pagsusuring Pangnilalaman DULA mbagon-faeldan april 13 . and/or provide insights into the history of the people and other lands. Binigyang-diin sa bagong kurikulum na ang deskripsyon ng pag-aaral na ito ay Panunuring Pampanitikan o Maunawang Pagbasa. it has been a servant in the classroom to teach reading skills. iyon kasi ang turo ng kanilang cooperative teacher o iyon ang nakagawian nila sa elementarya at hayskul. napansin kong bagama’t iba-iba ang kanilang paksa. Ang paggamit ng salitang panunuri at maunawa ay tila nagpapaalala na ang pag-aaral ng panitikan sa bagong kurikulum ay higit na mataas sa dating kurikulum at kung gayo’y lumilinang hindi lamang sa literal comprehension kundi lalo’t higit sa higher order thinking skills ng mga mag-aaral. Everything else associated with its study is of secondary consideration. it is true that literature is useful in doing all of these things and more. samantalang pagsusuri ng iba’t ibang genre ng panitikang bernakular at panitikang Asyano naman sa ikaapat na taon. ang napapanahong tanong ay ito: Paano ba dapat ituro ang panitikan sa batayang edukasyon? Pagtuturo ng Panitikan sa Batayang Edukasyon: Mga Implikasyon Ang panitikan sa lebel sekundarya ay itinuturo sa ikatlo at ikaapat na taon. Ang pagtuturo ng bawat akda ay nahahati sa limang sesyon na kinapapalooban ng mga sumusunod na hakbang (BEC Patnubay ng Operalisasyon): Unang Sesyon: Paglalapit sa Akda sa mga Mag-aaral 1.Sa aking pagmamasid sa mga pakitang-turo ng mga meydyor sa Filipino. Nakalilimutan yata ng marami na ang panitikan ay hindi kasaysayan. tila bagang “Urbana at Feliza” ang akdang kanilang tinatalakay. But literature is first of all an art and should be taught as literature for its own sake and for its inherent values. Mga Panimulang Gawain 2. Ganito naman ang sinabi ni Sloan (1975) hinggil sa bagay na ito: Literature must cast off its Cinderella rags. Marahil. For too long now. Ginugugol nila ang kanilang panahon sa pagtalakay ng pinagmulan ng isang naisulat na akda o ng mga detalye sa buhay ng isang manunulat. Ito ang dahilan kung bakit ipinayo ni Badayos (1998) na panitikan ang dapat ituro at hindi ang kung ano pa man. Kung kaya nga sa ngayon. Karaniwan na rin ang pilit na pag-ukilkil ng maraming guro sa kaligirang pangkasaysayan ng isang akda at sa talambuhay ng may-akda. Ito ang dahilan kung bakit kinailangang baguhin ang kurikulum ng panitikan sa batayang edukasyon. Kaya naman ang mga akda ay binabasa para lamang alamin ang mga aral na mapupulot dito. Pagsusuring Panlinggwistika 3. inculcate more values. Pagbasa 3. Ang Filipino sa ikatlong taon ay nakatuon sa pagsusuri ng iba’t ibang genre ng pambansang panitikan. Of course. Mga Panimulang Gawain a) Malikhaing Pagganyak b) Malikhaing Paglalahad 2. develop positive concepts. Malikhaing Pagbubuod Ikalawang Sesyon: Pagsusuri sa Akda 1.

Pansariling Ebalwasyon 3. Paghahanda sa Paglikha a) Pagtukoy sa mga Tiyak na Kraytirya/Pamantayan 3. Batid kong isa ito sa mga sabdyek natin sa kolehiyo noong tayo’y nag- DULA mbagon-faeldan april 14 . 1. Wika nga ni Garcia (2003). Ang prinsipyong ito. Mga Panimulang Gawain 2. Mga Pang-ugnay na Gawain 2. Panghuling Input (Guro) Ano ang implikasyon ng prosesong ito? Ibig sabihin lamang nito na ang pagtuturo ng panitikan sa mataas na paaralan ay kailangan maging interaktib at kolaboratib. Hindi monopolisado ng guro ang karunungan at kaalaman. Ang estudyante ay isang nilikhang nag-iisip at nagsasaliksik. Pagsusuring Pampanitikan (Paglalapat ng Tiyak na Teorya) Ikatlong Sesyon: Pagpapahalaga 1. Pinalalawak nito ang interaksyong pangklase sa pagitan ng guro at mga mag-aaral. Ang proseso ng pagtuturo-pagkatuto ay hindi na rin monopolisado ng guro. Kaya nga. Pagpapakita ng Pakikisangkot 3. Paglilinaw (Guro) Ikalimang Sesyon: Ebalwasyon 1. Paglikha 4. ito ang payo ni Garcia (2003): Tulad ng isang tunay na artista. Ano kung gayon ang implikasyon nito? Ibig sabihin lamang nito na kailangan maging ganap na pamilyar ang bawat guro sa panitikan sa bawat teoryang ilalapat sa klase. nararapat lamang na gumanap tayo ng iba’t ibang papel sa loob ng klasrum upang bigyang-hamon hindi lamang ang ating mga sarili kundi (upang) mabigyan din ng ibang perspektib ang ating mga estudyante. 2. ang mga mag-aaral sa teksto at maging ang mag-aaral sa komunidad. Pangklaseng Ebalwasyon 4. Paano ito isasagawa sa klasrum? Matalinong pagpili ng estratehiya ang sagot dito. Isa pang kapansin-pansing katangian ng inilahad na proseso ay ang paglalapat ng tiyak na teoryang pampanitikan sa bawat akdang tatalakayin sa klase. May malaking bagay na nawawala kung aariin nating ganap ang mga kaalamang lagpas sa ating pinag-aralan o espesyalisasyon. Panggurong Ebalwasyon 5. kung kaya’t may nalalamang hindi natin alam. Ang kailangan lamang ay pagpili ng angkop na mga estratehiya sa isang partikular na akda at paggamit ng barayti ng mga ito upang ang klase sa panitikan ay hindi maging kabagut-bagot at labis na prediktabol sa mga mag-aaral. Pagpapahalaga sa Ilang Pagsisimula 5. Pagpapakita ng Pagtataya Ikaapat na Sesyon: Paglikha 1. ngayo’y kailangang magkaroon din ng malawak at makabuluhang interaksyon ang mag-aaral sa kapwa mag-aaral. Mga Panimulang Gawain 2. ayon pa rin kay Garcia.4. nalipasan ka na ng panahon kung laging ikaw ang bida sa iyong klase. Pagpapakita ng Paghahambing 4. ay nakabatay sa mga sumusunod na paniniwala. 3.

makatutulong marahil kung ating babalikan ang taksonomi ni Benjamin Bloom (1984) sa pagkakategorya ng lebel ng abstraksyon ng mga tanong na karaniwang ginagamit sa anumang edukasyunal na setting. pagbabagu-bago). pag-uulit ng mga salitang pantig. Balik-aralan natin ito kung kinakailangan. pahiwatig ng kapangyarihan ng salita. Ang aking paniwala kasi ay ito: Kung madedetermina ng guro ang mga tanong na nakapaloob sa bawat partikular na lebel kaugnay ng isang leksyong pampanitikan. Kaugnay nito. binigyang-diin ang paglinang sa higher-order thinking skills (HOTS). Sa bahagi ring ito maaaring suriin ang akda batay sa pagkakabuo ng mga pangungusap (haba. Sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Sa pagtalakay naman ng akda sa aspektong pagsusuring pangnilalaman. babasahin at artikulong nailathala tungkol sa paksang ito.aaral pa lamang. Makatutulong sa atin kung babasahin natin ang mga iyon nang sa gayo’y magkaroon ng direksyon ang pagsusuri sa bawat paksa. ikli. hindi na magiging mahirap para sa kanya ang pagpili ng angkop na estratehiyang kanyang gagamitin. sa mga tiyak na tradisyunal na elemento. etimolodyi ng salita). pagtukoy sa bisa ng akda sa lipunan (kamalayang panlipunan). pag-uulit. hindi iyong parang padamput-dampot lamang tayo ng mga tanong sa hangin. onomatopeya. pag-aagawan ng kahulugan ng salita. Kaugnay nito. DULA mbagon-faeldan april 15 . Sa bahaging ito. pansinin natin ang paglalarawan ng Manwal na Operalisasyon ng BEC sa tatlong antas na pagsusuri: … [Ang] pagsusuring panlinggwistika…ay ibabatay sa mga tiyak na elementong ponemiko tulad ng sukat/tugma. mahalaga ang taksonomi ni Bloom at maging ang sining ng pagtatanong ng guro. masusuri ang akda batay sa mga ibig sabihin ng salita (pamimili ng salita. Marami nang mga aklat. Ang taksonomi ni Bloom ay nagbibigay ng kapaki-pakinabang na istruktura kung paano makakategorya ang mga tanong pantalakayan at pampagsusulit. susuriin ang akda batay sa mga nais sabihin nito. Pokus sa Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan Sa kurikulum sa batayang edukasyon. letra.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->