P. 1
Tatag ng Wikang Filipino, Lakas nga Pagka-Pilipino - Jennifor Aguilar

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas nga Pagka-Pilipino - Jennifor Aguilar

5.0

|Views: 27,543|Likes:
Published by Jennifor L. Aguilar
Sabayang Pagbigkas, Tula
Sabayang Pagbigkas, Tula

More info:

Categories:Types, Speeches
Published by: Jennifor L. Aguilar on Jul 21, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/01/2015

pdf

text

original

TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA-PILIPINO

Poy Aguilar Wikang Pambansa, Wikang Filipino, Wika ng magigiting na lahing Pilipino, Wika baga ito ng matatapang na tao Wikang matatag, lakas ng pagkalahi ko! Pundasyon mo’y dugo’t pawis ng mga ninuno na tanging iniisip, kapakanan ng inapo di-alintanang kamatayan, pag-aglahi sa pagkatao maitawid, maihatid, wikang angkin sa panahong ito Sinubok kang itatag sa Biak na Bato Pinaglaban, isinulong ng mga Katipunero Sa pagnanasang pag-isahin ang bayang ito Nang tuluyang makalaya sa mga Ilustrado! Ngunit nang magpalit ng bagong gobyerno, Ibinenta’t ibinilin sa mga Amerikano Wika’y binansot ibinaon sa limot Pilit nag-iingles nang pabalu-baluktot Muli tayong nangarap, Kasarinla’y makamtan Kay Pangulong Quezon, maisasakatuparan Binalangkas ang konstitusyon ng sambayanan Wika’y kaagapay, kapatid ng tagumpay Mula sa katutubong wika ng mga Pilipino Hahanguin, pipiliin, pambansang Wika Ko, Mayamang balangkas, gamit ng nakararaming tao, Suportado sa panulat ng mga bayaning Pilipino! Palibhasa’y wikang Tagalog nagtatamo nito Ipinasya ng batas na gamitin at ituro Nang lumao’y nagpalit ng katawagang bago Pambansang wika’y naging Wikang Pilipino Unti-unting umunlad ang bayang Pilipinas Gamit ang wikang pinatatatag, pinatatalas Nang demokrasya’y ikinubli’t naghari ang dahas Wika’y sa kaakibat ng mga nag-aaklas

Nang muling bumangon, napatalsik ang diktador Nagbunga ang buhay na ibinuwis ng Senador hinabi, binuo bagong konstitusyon Wikang Filipino na ang gamit ng buong Nasyon Bicolano, Maranao, Hiligaynon, Cebuano, Waray-waray, Kapampangan, Maguindanaoan, Chavacano Pangasinense, Tagalog, Tausug, Ilocano, Mga Wikang matatatatag saligan ng Filipino Pinanday ng panahon, tatag ng Wikang Filipino Hinubog ng kasaysayan, lakas ng pagka-Pilipino Wikang Filipino, wika ng bayan ko Lahing Pilipino, taas noo sa buong mundo!

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->