P. 1
Isang Reaksyon sa SONA 2012

Isang Reaksyon sa SONA 2012

4.5

|Views: 7,607|Likes:
Published by Frauline Tadle
A Reaction on PNoy' s SONA 2012
A Reaction on PNoy' s SONA 2012

More info:

Published by: Frauline Tadle on Jul 24, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
See more
See less

07/28/2015

Frauline C. Tadle 2011.

4813

Fil 40-THY2 Hulyo 23, 2012

Maunlad ng Pilipinas sa 2016 Hamon sa Gobyerno, Hamon sa Pilipino Itinuturing itong makasaysayan; maging siya man ay nakaukit sa tablea ng ating nakaraan. Ganap na ika- 4 ng hapon nang magsimula si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA na pinamagatan niyang ‘Report sa Boss Ko’. Bawat Pilipino, maliit man o malaki, may katungkulan man o wala ay nakatutok sa kanyang bawat sambitin-- ulat, mga pangako, pasasalamat. Marami man ang natuwa, nakulangan o nag-aagam-agam, iisa pa rin ang mensahe ng bawat SONA ng mga pangulo ng bansa. Ito ay ang hamon sa gobyerno at bawat Pilipino na paunlarin pa ang Pilipinas sa mga susunod na taon. Ika- 23 na Hulyo taong 2012 sa Batasan Complex, Lungsod ng Quezon, muling hinarap ni PNoy ang dalawang sangay ng Kongreso, ilang kilalang personalidad, mga dating pangulo at ang masang Pilipino. Humigi’t kumulang isa’ t kalahating oras at tinatayang 252 na mga salitang Ingles sa loob ng 8,815 na mga salita na bumbuo sa kanyang talumpati at sa kabila ng ilang ulit niyang pagkabulol, apat ng beses na idyolek ang SONA. Sa pamamagitan nito nailahad ni Pangulong Aquino ang mga nagawa ng kanyang pamumuno sa loob ng dalawang taon mula nang maupo siya noong 2010. Binigyang-pansin ng pangulo ang mga proyekto ng kanyang pamahalaan para sa mga sektor ng kalusugan, edukasyon, dagdag na trabaho, turismo, transportasyon, enerhiya, pangkapayapaan at iba pa. Buong pagmamalaki niyang iniulat sa bayan na 85% ng kabuuan ng populasyon ang nakatatanggap na ng benepisyo ng PhilHealth; ang unti-unti ngunit patuloy na pagtugon sa mga kakulangan ng mga libro, upuan, silid-aralan at higit pang pagtaas ng badyet na laan para sa mga SUC’s; pagtaas ng porsyento ng mga kabahayan na mayroon nang kuryente, pagtaas ng bilang ng mga turistang dumadayo sa bansa at iba pa. Kaliwa’t kanan rin ang mga pangakong binitiwan ni Aquino tulad ng pagkamit sa Universal Health Care at pagkakaroon ng kumpletong pasilidad sa mga health care units; ang pagnanais na magkaroon ng 1:1 ratio sa pagitan ng libro at estudyante bago matapos ang kanyang termino; dagdag na mga paliparan at istasyon ng bus maging pagpapaunlad ng NAIA 3; LRT Line1 at NLEX at SLEX Connector para maibsan ang bigat ng trapiko sa Las Pinas, Paranauqe at Cavite at ang pagdaragdag ng higit na armas at mga kagamitan para sa ating sandatahang lakas. Kung pakikinggan, pawang magaganda ang mga proyektong ng pamahalaang Aquino para sa bansa. Ngunit kung muli nating babalikan at kikilatisin ay tila marami pa ring katanungan ang

dapat na sagutin. Una na rito ay ang isyu ng sigalot sa pagitan ng bansa at Tsina sa Panatag Shoal. Walang konkretong plano na inihayag ang pangulo upang matigil na ang naturang alitan sa pagitan ng dalawang bansa. Ikalawa ay ang Freedom of Information Bill na hindi man lamang nabanggit kahit minsan sa kanyang talumpati. Ani Leonor Briones, dating national treasurer "Kung tayo nga ang boss nya, kailangan natin ang mga impormasyon, sila ang ating alipin." Isa ito sa mga pangunahing bunga ng Impeachment Trial kay dating Chief Justice Renato Corona. Magbibigay sana ito ng higit na kapangyarihan sa mga mamamayan para sa pangako at isinusulong na transparency ng pamahalaan ngunit hanggang ngayon ay tila wala pa rin itong matibay na sandalan. Ikatlo ay ang ukol sa kanyang Executive Order na kailan lamang ibinaba. Matagal nang isyu ang talamak na pagsira ng mga mining industries sa ating mga natural resources ngunit maliit lamang ang kinikita ng pamahalaan mula dito. Bilang sagot, ibinaba niya ang Executive Order 79 na nagbibigay ng pansamantala at maliitang sakop na solusyon sa lumalalang problema na ito. Wala rin siyang ibinigay na solidong batas hinggil sa pagprotekta sa ating mga likas yaman. "I hope that the targets are realized because I didn't hear a coherent strategy with regard to let's say poverty reduction.” Ito ang pahayag ni Pulse Asia President Ronnie Holmes sa artikulong “PNoy's 2012 SONA comes up short, analysts say (Pascual n.p.) na pawang katotohanan lamang. Maging ang lumalalang kondisyon ng buhay ng mga mamamayan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado ay tila nawaglitan ng SONA ng pangulo. Batay sa arktikulo ni Nick Raquel noong Abril 21, 2012, tinatayang 26.5 porsyento ng kabuuan ng populasyon noong 2006 ang itinuturing na mahihirap. Ito ay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng ekonomiya ng bansa. Ang isyung ito pa naman ang pinakiahinihintay ng karamihan sa mga mamamayan ngunit nangabigo lamang. Gumaganda raw ang lagay ng ating ekonomiya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan. Sunod ay ang kakulangan ng hakbangin upang madami pa ang oportunidad ng trabaho. Patuloy ang pagtatapos ng mga mag-aaral sa kolehiyo at sa mga bokasyunal na kurso ngunit hindi pa rin nagbabago ang maliit na bilang ng trabaho na maaaring pasukan ng mga bagong gradweyt na mga mag-aaral. Ayon sa mga datos na inilabas ng ‘The World Factbook’ ng Central Intelligence Agency, 7% na kabuuan ng populasyon ang wala pa ring trabaho. Kung hindi masusulusyunan ito, patuloy pa rin ang paghihirap ng marami. Marami pang butas na dapat bigyang pansin sa kanyang SONA. Ngunit mula sa personal na opinyon, pinakaayaw ko ang mga bahagi na kung saan pinasasaringan niya ang nakaraang administrasyon. Sa tuwing nagbabanggit siya ng mga ‘napagtagumpayan ng kanyang administrasyon’ ay lagi niya na lamang itong inihahambing sa nakalipas na panunugkulan. Ang tanong ko: “Bakit pa?” Hindi ba nakakasawa nang pakinggan sa mga balita na lagi na lamang niyang pinariringgan ang mga kaalyado ng dating pangulo. Bagaman ang pangunahing adyenda ng

kanyang pamumuno ay ang pagsupil sa korapsyon, tila ba ang dating administrasyon lamang ang may sala na katulad nito. Hindi ba ang korapsyon at problema na ating nararanasan sa kasalukyan ay bunga na matagal na proseso na nakatala sa ating kasaysayan at hindi lamang likha sa loob ng halos isang dekada? Bakit hindi na lang ituon ang mga oras na ito sa pagsugpo sa kahirapan at pagbibigay ng higit na atensyon sa mga suliranin ng bansa sa halip na patuloy na apihin at sirain ang imahe ng nakaraang administrayon? Kung tutuusin, bata pa ang demokratikong pamamahala sa bansa ngunit pawang papuri ang natatanggap natin mula dito. Sa takbo ng kasaysayan na aking napag-aralan hinggil sa bawat hamong ating hinarap bilang bansa, isa lang ang konklusyon na aking nakuha. Maraming problema ang kinahaharap ng bawat pangulo o pinuno ng ating bayan ngunit hindi ito malaking pasanin kung maging ang mga Pilipino ay makikiisa at tutulong rin. Ang bawat hamon sa atin ng kapalaran ay nararapat na pasanin ng bawat isa at bigyang solusyon ng sama-sama.

Sanggunian: Admin. “SONA 2012 Transcript, Full Text (English, Filipino).” Coolbuster. Coolbuster.com., 23 Hulyo 2012. Web. Mula sa http://www.coolbuster.net/2012/07/transcript-pnoy-sona -2012-full-text-english-filipino.html. Pascual, Jekki. “PNoy's 2012 SONA comes up short, analysts say.” Abs-cbn. Abs-cbn.com, 23 Hulyo 2012. Web. Mula sa http://www.abs-cbnnews.com/nation/07/23/12/ pnoys-2012 -sona-comes-short-analysts-say. Raquel, Nikki. “ADB urges Philippines to push industrialization in cutting poverty.” Mutual Fund PH. Mutualfunsphilippines.com. 21 Abril 2012. Web. Mula sa http://mutualfundphilippines.com/2012/04/economic-updates/adb-urges-philippines-topush-industrialization-in-cutting-poverty/. Central Intelligence Agency. The World Factbook. N.d. Mula sa https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/fields/2129.html

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->