You are on page 1of 16

KABANATA 12 TUNGGALIAN NG INTERES Nagbunga ng magkahalong buti at sama ang ikalawang yugto ng pananakop.

Sumigla ang kalakalan at umunlad ang kabuhan ng maraming bansang nanakop. Lumaganap sa maraming bansa ang demokrasya bunga ng Rebolusyong Pranses at Amerikano. Marami ring imbensyon sa larangan ng agham at industriya . Sa mga bansang sakop, nalinang ang edukasyon. Sining at kultura at napabuti maging ang kalusugan. Inakala ng marami na ito na marahil ang Ginintuang Panahon ng kaunlaran at kapayapaan. Sa pagsissimula ng ika-20 siglo, lumubha ang mga ssuliraning datiratiy hindi gaanong napupuna. Nagpasibol sa mithiing wakasan ang paninikil ng mga imperyalista ang unti-unting pagkamulat sa mga kaisipang pulitikal. Nagsimula namang maghanda ng puwersang militar ang mga mananakop upang pangalagaan ang kanya-kanyang imperyo. Nagtatag sila ng mga alyansa upang mapanatili ang balanse ng kapangyarihan. Lumaganap ang tensyon sa maraming bansa at maaring sa isang insidente, maging dan ito upang sumiklab ang digmaan. Sa tagpong ito magsisimula ang kabanatang ito. MGA SALIK SA PAGSIKLAB NG UNANG DIGMAAN PANDAIGDIG Marami pangyayari ang naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig. Sitema ng mga Alyansa. Nagdulot ng pag-igting ng lumulubhanag tensyon ang mga sistema na alyansang sinimulan ni Otto von Bismark ng Germany. Itinatag ang Triple Alliance na binubuo ng Austria, Hungary at Germany. Nabahala ang Britain at France at winakasan ang malaon nang sigalot at itinaatag ang Triple Entente. Sumama rito ang Russia dahil sa pangamba sa Germany. Higit na madali ang reaksyon kung alam ng bawat kasapi na handang makipagrtulungan sa kanila. Militarismo. Maraming militar ang may impluwensya sa mga patakaran ng bansa. Naniniwala sila na madaling malulutas ang mga sigalot hindi sa pammamagitan ng komperensya kundi sa labanan, hindi sa paggamit ng pluma kundi sas espada, hindi sa tinta kundi sa dugo. Dinagdagan ang badyet sa armas at pinalaki ang mga hukbo. Inihanda ang plano ng depensa at sa isang iglap, maari silang magdeklara ng digmaan. Pag-aagawan ng Kolonya. Ang pagnanais na manguna sa paligsahan at palakihan ng imperyo ang naging daan ng sigalutan sa pagitan ng France, Britain, Russia, Holand, Germany at iba pa. Nagbunga ang digmaang Franco-Prussia ng pagkawala ng Alsace-Lorraine sa France, ang Digmaang Boers sa pagkawala ng Cape Colony Sa Holland. Nasyonalismo. Samantalang patuloy ang pagunlad ng mga bansa, unti-unti ring kumalaki ang poisibilidad na sumiklab ang digmaan at maging sabungan ang buong daigdig. Ang pagmimithing lumaya ng mga bansang sakop at ang pagnanais na makapagsarili ang nagging tension sa pagitan ng mga Slav sa Serbia at Australia. Nais naman ng mga radikal na Aleman na palawakin ang imperyo , tulad ng mga Czech, Slovak, Bosnian At Slav ang nagnanais na pamahalaan ng sarili.

Simula ng Unang Digmaang Pandaigdig Nagsimula ang sigalot noong 1908 nang sakupin ng Austria ang Bosnia-Herzegovia, mga lalawigan ng Balkan. Mga Slay ang taguri sa mga mamamayanan nito. Tumutol ang Serbia sapagkat naniniwala ito na dapat mapasa kamay nito ang nasabing mga lalawigan. Lumulubha ang krisis nang patayin sa Sarajevo, Bosania ang tagapagmana ng trono ng Austria, si Archdake Francis Ferdinand at ang asawa nito noong ika-28 ng Hunyo 1914. Pinaslang sila ni Gavrilo Princip, isang rebeldeng Serbia. Nagalit ang pamahalaan ng Austria at binigyan ng ultimatum ang Serbia. Nakalista ang mga kahilingan ng Austria sa imbestigasyon ng asasinasyon. Nilusob Ng Austria ang Serbia nang hindi sumusunod ang huli sa ultimatum. Nakisangkot sa gulo ang mga bansang hindi nasiyan sa mga pangfyasyari tulad ng Russia na agad na pumanig sa Srbia at nagpahayag ng pakikidigma laban sa Austria-Hungary. Pumanig ang France sa Russia habang nagpasya ang Germany na Tumulong Sa Austria-Hungary. Nang lumaon sumapi na rin ang Japan, Romania at United States. Sa kabilang dako, pinanigan ng Turkey at Bulgaria at tinawag na Austria-Hungary. Sa kabuuan, kinasangkutan ng 32 bansa ang Unang Digmaang Pandaigdig. Talahanayan 1.2.1 MAHAHALAGANG LABANAN NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG Sentro ng Labanan Kanlurang Europe Paglalarawan Dito naganap ang pinamainit na labanan noong Unang Digmaang pandaigdig. Sa siuma, nasakop ng Central Powers ang hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland. Lumusob sa Belgium ang hukbo ng Germany at winalang-bahala ang pagiging neutral ng una upang malusob ang mga Belgian sa Leige. Binigo ni Heneral Joseph Joffre sa Unang Labanan ng Marne ang balak na magapi ang France sa loob lamang ng ilang lingo. Lumusob ang Russia sa Prussia sa pangunguna ni Grand Duke Nicolas, Pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit nang dumating ang saklolo ng Germany, natalo ang hukbong Ruso sa Digmaan ng Tannenberg. Sa Galicia, nagtagumpay ang Hukbong Ruso. Ngunit hindi nagtagal ang tagumapy nila sapagkat pinahirapan sila ng mga Aleman sa Poland. Dito tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia. Ang sunud-sunod nilang pagkatalo ang nagging dahilan ng pagbagsak ng Romanov noong Marso 1917 at ang pagsilang ng komunismo sa Russia. Upang matiwalag ang Russia sa digmaan, nakipagkasundo si Vladimir Lenin sa ilalaim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk noogn ika-3 ng Marso 1918. Napilitan ang Russia na iwanan ang Polanf, Ukraine at rehiyong Baltic. Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia. Ngunit nakabawi rin pagraan ng ilang buwan. Upang makaganti ang Bulgaria sa kanyang pagkatalo sa Digmaang Balkan, sumapi ito sa Central

Silangang Europe

Balkan

Digmaan sa Karagatan

Powers ang karamihan sa mga bansa ng Balkan. Pinalaya sila ng League of Nations nang duamting ang malakas na hukbo nito mula sa Salonika, Greece. Tumiwalag naman ang Italy sa Triple Alliance at nanatiling neutral hanggang 1915 nang sumali ito sa Leaque of Nations. Hinangad nitong maangkin ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austrai at ang mga kolonya nito sa Africa. Kumampi ang Turkey sa Germany upang mapigilan ang Russia sa apg-angkin sa Dardanelles. Sa unang bahagi ng digmaan, nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at England. Nagtaboy sa mga barkoing pandigma ng Germany mula sa Seven Seas ang lakas-pandagat ng England. Kumanlong ang plota ng Germany sa Kanal Kiev. Naging mainit ang labanan. Makapangyarihan ang hukbo ng mga Alyado sa dagat. Sa kabilang dako, nakagawa ng malalaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga Alyado ang mabibilis na mananalakay at mga submarinong U-Boat ng kanilang mga kalaban. AMDEN ang pinakamagsik sa mga mananalakay na UBoat ng Germany. Sa dakong huli, napalubog ito ng Sydney, isang Australyanong cruiser. Sa karagatan, pinakamahalagang labanan ang labanan sa Jutland sa bayabayin ng Denmark mula ika-31 ng Mayo hanggang unang araw ng Hunyo 1961. Si admiral Sir John Jellicoe ang nanguna sa plota ng Ingles na binubuo ng 15 barkong pandigma. Sinagupa ng mga ito ang 99 barkong pandigma ng Germany sa pamumuno ni Admiral Reindard Scheer. Bagaman higit na maraming barko at buhay ang nawala sa puwersang Ingles, nakuha nitong pabalikin ang puwersang Aleman at muling maghari sa karagatan.

Pagpasok ng United States sa Digmaan Sa pagsisimula ng 1917, nagnhina na ang magkabilang panig sa walang humpay na paglalaban sa loob ng apat na taon. Nagbago ang takbo ng mga pangyayari nang pumasok ang United States sa digmaan. Sa simula, walang pinapanigan ang United States at nagpalabas pa ng Proclamation of Neutrality si Pangulong Woodrow Wilson. Ngunit noong ika-2 ng Abril 1917, napilitang maghayag ng pakikidigma ang United States sa Germany dahil sa sumusunod 1. Pagkamatay ng maraming Amerikano dahil sa walang humpay na pagtorpedo sa mga barkogn nasa karagatan. 2. Pagpapalubog sa Lusitania isang barkong Ingles noong ika-7 ng Mayo 1915. Sa 1,198 pasaherong nasawi, 128 ang mga Amerikano.

Umigting ang tension sa pagitan ng United States at Germany nang maharang ng British Intellegence Service ang mensahe ng Arthur Zimmerman, kalihim ng usaping panlabas ng Germany, sa sugong Aleman nito sa Mexico. Nabunyag sa Zimmerman Note ang balak ng Germany na hikayatin ang Mexico na makidigma laban sa United States. Ibinigay ng mga Ingles ang mensahe kay Pangulong Wilson at ipinahayag ito sa US noong Marso 1917. Higit pang nagpagalit sa mga Amerikano ang pagpapalubog ng mga U-boat sa mga barkong Amerikano. Nangangahulugan ng pagbayad ng malaking pagkakautang ng mga ito sa United States ang pananalo ng ALyado. Nakabili ang mga Alyado ng mga kagamitan sa digmaan at pagkain sa United States samantalang hindi nagkaroon ng pagkakataon ang kanilang mga kalaban dahil sa blockade. Nang maubusan ng pondo ang mga magkakaanib na bansa, pina-utang sila ng United States ng malaking halaga. Lubos na naniniwala ang mga demokratikong bansa sa sinabi ni Pangulong Wilson na kailangang maging ligtas ang mundo para sa demokrasya at ang isang digmaan ang magpapatigil ba o magbibigay ng katapusan sa digmaan ang paglalaban. Gayundin, magbibigaybuhay sa awtokrasya ang tagumpay ng Germany. Nagging matimbang sa tagumpay ng magkaanib na bansa ang pagsali ng United States sa digmaan. Nagpalakas sa kapangyarihan at moralidad ng mga Alyado ang mga pagkain, mga armas at iba pang mga kagamitan. Nagpadala rin ang United States ng American Expeditionary Forces na may lakas na dalawang milyong sundalo sa pangunguna ni Heneral John J. Pershing. Nakatulong nang malaki ito sa pagkatalo ng Germany noong 1918 sa Digmaan sa Chateau-Thierry at sa Balkan Woods. ZTumulong din sila nang malaki sa digmaan sa Argonne Forest na nagbigay daan sa tuluyang pagkatalo at pagsuko ng Germany. Humingi ang Germany ng armistice. Nilagdaan ito sa loob ng tren sa kagubatan ng Compiegnr sa ganap na ikalima ng umaga noong ika-11 ng Nobyembre 1918. Sa ilalim ng armistice, titigil ang lahat ng labanan o paglalaban sa ganap na ika11 ng umaga sa warw na iyon. Nagtagumapy ang mga Alyado at biglang nagging matahimik at mapayapa ang daigdig nang matigil ang putukan. Mga Epekto ng Unang Digmaan Nagpinid ang Unang Digmaang Pandaigdig sa isang dahon ng kasaysayan ng daigdig. Ngunit pagwawakas din ito na nagpunla ng binhi ng isa, kung hindi man, katulad ng pangamba na maari naming laalong magulo at masalimuot sa kasaysayan ng mundo. Tulad ng maraming digmaan, lumikha ito ng maraming suliranining lalaong mahirap lutasin kaysa mga dahilan ng digmaan. Ilan sa mga epekto ng digmaan ang mga sumusunod: 1. Pinsala sa digmaan 2. Pagbabago ng mapa ng mundo 3. Mga lihim na kasunduan 4. Pagkabuo ng mga samahan ng bansa

Mga pinsala ng Unang Digmaan Umabot sa 8,500,00 ang namatay sa Unang Digmaang Pandaigdig. Tinatayang 22,000,00 ang nasugatan at ang mga namatay na sibilyan dahil sa gutom habang 18,000,000 ang namatay na sibilyan dahil sa gutom, sakit at pagpapahirap. Napakaraming ari-arian ang napinsala at naantala ang kalakalan, pagsasaka ar iba pang mga gawaing pangkabuhayan. Maraming bayan at lungsod ang nawasak. Tinatayang umabot sa $ 200 bilyon ang nagastos sa digmaan. Pagababago ng Mapa ng Mundo Ang Unang Digmaang Pandaigdig ang nagging dahilan kung bakit nabago ang mapa ng Europe sa takbo ng kasaysayan. Nagkahiwalay ang Austrai at Hungary habang nagging Malaya ang Latvia, Estonia, Lithunia, FInalnd, Czechoslovakia, Yugoslavia at Albania. Apat na dinastiya sa Europe ang nagwakas ang Hohenzollern ng Germany; Hapsburg ng Austria-Hungary; Romanov ng Russia; at ang Osmanlis ng Turkey. Nabigo ang binalak na pangmatagalang kapayapaan sa daigdig. Nagbinhi ng hinanakit at poot ang pagkalupig ng Germany sa Kasunduan sa Versailles upang muling magplakas ito at maghiganti. Mga Kasunduang Pangkapayapaan Umisip ng paraan ang mga nanalong bansa upang maiwasan ang muling pagsiklab ng digmaan na siyang nagiging salot sa kapayapaan ng mundo. Bumalangkas sila ng mga kasunduang pangkapayapaan sa ibat-ibang pagpupulong sa Paris noong 1919-1920. Pinangunahan ang mga pagpupulong na ito ng tinatawag na Big Four na kinabibilangan ng United States, Punong Ministro Lloyd George ng England, Punong Ministro Georges Clemenceau ng France at Punong Ministro Vittorio Orlando ng Italy. Ibinatay ang mga pangunahing nilalaman ng ksunduan sa Fourteen Points ni Pangulong Wilson at sa mga lihim na kasunduang ginawa ng mga Alyado noong kasalukuyang naglalabanan. Ang Labing-apat na Puntos ni Pangulong Wilson Sampung buwan bago natapos ang digmaan, ipinalabas ni Pangulong Wilson ang Labingapat na Punotos noong Enero 1998. Dito napapaloob ang mga layunin ng United States sa pakikidigma. Naglalaman din ito ng kanyang mga mungkahi ukol sa isang kapayapaang walang pagkatalo na maaring pinakamahalagang probisyon sa mga Labing apat na Puntos ang mga sumusunod. 1. Bukas na kasunduan para sa katahimikan 2. Kalayaan sa karagatan at pag-aalis ng mga hadlang sa pangkabuhayan 3. Pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at ang paglutas sa suliranin ng mga kolonya ayon sa kasagutan ng mga mamamayan.

4. Pagbabawas ng mga armas. 5. Pagbabawas ng mga taripa 6. Pagbuo ng Liga ng mga Bansa Lingid sa kaalaman ni Pangulong Wilson, ang mga bansang Alyado ay gumawa ng mga lihim na kasunduan. Naghati-hati sila sa mga kolonya at teritoryo ng Central Powers ayon sa kanilang mga sariling pangangailangan at ambisyon. Pinangakuan ang Italy ng mga teritoryo hindi naman Italyano at pinaghati-hati ang mga ng Turkey sa ilalim ng ibat-ibang impluwensya. Ang Kasunduan sa Versailles Nagkaroon ng magkakahiwalay na kasunduang pangkapayapaan sa Germany, AustriaHungary, Bulgaria at Turkey. Pinakamahalaga sa mga ito ang Kasunduan sa Versailles noong ika-28 ng Hunyo 1919 na nagpahayag sa mga sumusunod. 1. Paghati-hati sa lahat ang mga kolonya ng Germany. Napunta sa Poland ang Posen, Kanlurang Prussia at ang Silesia. Naging malayang lungsod ang danzig sa pangangasiwa ng League of Nations. Pinaghati-hatian ang iba ng mga Alyado bilang Mandated Territory. 2. Pagbabalik sa France ng Alsace-Lorraine at pagsailalim ng Saar Basin na mayaman sa karbon sa pamamahala ng League of Nations sa llob ng 15 taon. Nakuhang muli ng Denmark ang hilagang Schleswig. 3. Binawasan at pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany sa pula at dagat at pinagbawalan din na gumawa ng mga sandatahang pandigma. 4. Ginawang pandaigdigang ang Kiev Canal at lahat ng mga pinaglakbayang ilog ng Germany. 5. Noong 1921, pinilit ang Germany na magbayad ng $ 33 bilyon bilang reparasyon upang mahirapan itong makabangong muli at maiwasan ang pagtangkang mukling magsimula ng digmaang pandaigdig. Ang League of Nations Matagal nang pangarap ni Pangulong Wilson ang pagkakaroon ng isang pandaigidg na samahan ng mga bansa. Nagtagumpay naman siya sa paghikayat sa mga pinuno ng mga bansang Alyado upang sumapi rito ngunit hindi niya napilit ang mga sariling bansa upang sumali. Napaloloob sa Kasunduan sa Versailles ang probisyong ito na ngalalayon ng sumusunod. 1. Maiwasan ang digmaan 2. Ipagtanggol ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba 3. Lumutas sa mga usapin at n\hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi

4. Palaganapin ang pandaigdig na pagtutulungan. 5. Ipaganap ang mga probisyon ng mga ksaunduang pangkapayapaan.

Bagaman nagtagumpay ang Liga sa mga unang taon ng pagkakatatag, nabigo ito sa layuning pangalagaan ang kapayapaan. Nakapigil ito sa ilang maliit na digmaan tulad sa Finland at Sweden noong 1920, sa Bulgaria at Greece noong 1925 at sa Colombia at Peru noong 1934. Pinamahalaan din ng Liga ang mga rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan at ang mga Mandated Territory. Hindi lubhang nagtagal at isa-isang lumabag sa mga kasunduan ang maraming bansa. Nasira ang tiwala ng mga kasapi ng Liga sa Japan nang lumusob at agawin ang Manchuria, isang teritoryong Tsino. Ang pagbatikos ng Lytton Commission ng Liga sa Japan ay nagbunga ng pagtiwalag nito sa Liga. Ipinalagay ng marami na ito na ang huling pagkakataon ng Liga. Pinagkasunduan ng mga kasapi na prusahan ang Italy sa pamamagitan ng pag-aklas sa mga kalakalan nito. Hindi rin naman tumigil ang Italy sa pag-angkat ng langis. Nagtagumpay ito sa pakikipagkalakalan sa Ethiopia. Walang naibigay na proteksyon ang Liga sa mga kasapi nito. Nabigo ito sapagkat hindi kasapi ang lahat ng makapangyarihan at malalaking bansa tulad ng United States. Hindi pinayagang sumapi noong una ang Germany. Sumali lamang ang Russia noong 1934, nang nakatiwalag na ang Germany at Japan. Ang kawalan ng kapangyarihang ipatupad ang deisyon ang isa sa dahilan ng pagkabigo ng Liga. IKALAWANG DIGMAANG PANDAGIDIG: KARUGTONG NG UNANG DIGMAAN Nagbunga ng pagkawasak ng mga bansang demokrasya ang nakaraang digmaan. Samantala, abalang-abala naman ang mga natalong bansa sa pagbangon at pagtatayo ng mga diktadurya. Winalang-bahala nila ang hamon ng lumalakas na Nazismo at komunismo. Nagbunsod sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pagsisikap ng hindi nagkakaisang mga demokrasya na payapain ang mga pasista. Gayundin ang pagkakaroon ng mga tinatawag na ultranationalist sa mga bansang dating kasapi sa Central Powers. Nagging daan din ang kahinaan ng League of Nations upang labagin ang mga kasunduan. Isa sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang paglitaw ni Adolf Hitler sa eksena. Ang pagdating ni Hitler sa Germany ang nagging simula ng panandaliang kapayapaan. Naniniwala siya na hindi kasunduan ang naganap sa Versailles subalit isang pagkakanulo sa kapayapaan. Idinidiin niya sa mga Aleman ang paghihiganti sa mga arkitekto ng Versailles at iyon lamang ang paraan upang magkaroon ng digmaan.

Nagbigay-daan din sa digmaan ang suliranin sa teritoryo. Samantalang ipinagbadya sa mundo ang pagnanais ng kapayapaan. Unti-unti naming inuusad ang mga hangganan. Isang araw noong 1938, nagisnan na lamang ng mga Austriano ang mga tangkeng Aleman. Wala silang nagwa nang isanib ang Austrai sa imperyon Aleman. Sumunod na sinakop ang Czechoslovakia dahil sa mga Alemang Sudeten, bagaman palno ng Maginot Line ng France ang tunay na layunin. Nagkusa si Punong Ministrong Neville Chamberlain na payapain si Hitler sa komperensya ng france. Ang pagpapatahimik sa Munich ang itinuturing na pinakamalaking tagumpay ni Hitler at pinakamalubhang pagkakamali ng demoksrasya. Nakalikha ito ng hidwaan sa Russia at mga Alyado na hindi na nalunasan hanggang nagayon. Nagging simbolo ng kapayapaan ang Munich kahit gaano kalaki ang kabayaran. Pangunahing dahilan ng Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigidig Nagdeklara ng pakikidigma sa Germany ang Britain at France noong ika-3 ng Setyembre 1939, dalawang araw pagkatapos sakupin ni Hitler ang Poland. Walang nagawa ang Britain at France sa pagbagsak ng Poland sa kamay ng mga Aleman kundi ang bantayan ang kanilang mga depenssa. Naglagay ang France ng mga sundalo sa Maginot Line, isang bakal at konkretong moog na itinayo pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig sa pagitan ng Germany at France. Nagpadala rin ng hukbo sa hilagang France ang Britain. Naglagay rin ng Hukbo sa hilagang France ang Britain. Naglagay rin ng hukbo ang Germany sa Siegfried Line, ang depensang Aleman na itinayo noong dekada 1930 sa tapat ng Maginot Line. Kapwa umiwas ang mga hukbo sa linyang ito na magsagupa noong huking bahagi ng 1940. Dahil ditto, tinawag na Phoney War ang pagiiringang ito. Noong Abril 1940, biglang nagwakas ang Phoney War sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg o lightning wat. Gumamit siya ng mga bomba at ilang yunit ng tangke sa pagsalakay, inalis ang mga puwersa ng Alyado sa kanluran at ipinadala sa Belgium. Parang isang pag-uulit ito sa pangyayari sa Schlieffen Plan ng 1914 kung saan tumawid ang mga tangke at eroplanao ng Aleman mula sa hindi madaaanang Ardennes para putulin ang pagsalakay na magkakaanib sa likuran. Sa kabiglaan, umurong ang mga Ingles sa Dunkirk. Sa pagitan ng ika-26 ng Mayo at ika-4 ng Hunyo, may 33,000 tropa ng sundalo ang tumawid ng English Channel. Walang pagkatakot sa mga mangyayari. Sa huling bahagi ng Hunyo, nasakop ng Germany ang France, Belgium, Netherlands at Luxembourg. Pagkatapos sumuko ng France , napasailalaim ng pananakop ng Germany ang ibang bahagi nitoat nailagay sa Germany-France na itinatag sa bayan ng Vichy. Digmaan sa Britain Naniniwala si Hitler na makikipag-ayos ang Britain sa Germany pagkatapos ng pagbagsak ng France. Ngunit mag-isang nakipaglaban ang Britain sa Germany. Naghanda si Hitler na tawirin ang English Channel upang salakayin ang England mula sa Timog. Ngunit bago makatuntong ang

mga Aleman sa Britain, kinailangan muna nilang talunin ang Royal Air Force (RAF). Nagsimula ang labanan noong Hulyo 1940, ang unang labanan sa pagkontrol ng himpapawid. Noong Agosto, 1940, sinimulan ng Luftwaffe, ang hukbong himpapawid ng Germany, ang pag-atake sa mga base ng RAF. Bagaman higit na marami ang mga eroplano ng Luftwaffe, nakuhang maharang at mapabagsak ng RAF ang mga ito dahil sa mga himpilan ng radar na nasa bayabayin nito. Kaowa sumibra ang estimasyon ng dalawang eroplanong kanilang napabagsak. Noong Setyembre 1940, nagkakamali ang Luftwaffe sa paniniwalang natalo nito ang RAF. Itinigil nito ang pagbomba sa mga base ng RAF at ibinaling ang atensyon sa mga sibilyang lungsod tulad ng London, Glasgow, Liverpool, Coventry at Belfast. Bagaman halos gabi-gabing isinagawa ang blitz o pagsalakay mula sa himpapawid, hindi napabagsak ng Germany ang Britain. Noong Mayo 1941, sumuko ang Germany na magapi ang Britain mulsa sa himpapawid kaya ibinaling ang atensyon nito sa Soviet Union. Paglaganap ng Digmaan Sa panahonh ito, lumaganap na nag digmaan sa Africa, Meditiranean at Balkan. Nang ideklara ng Italy ang kanyang pakikidigma sa mga Alyado, ginamit ni Benito Mussolini ang kanilang kahinaan para masakop ang British Somaliland at sakupin ang Egypt. Ngunit natalo siya sa dalawang sagupaang ito. Pinalaya ng British-Indian ang Somaliland nooong Marso 1941 at noong Agosto pinabagsak ang mga Italyano sa Abyssinia (Ethiopia) sa hilagang Africa. At noong Disyembre 1940, anging tagumpay ang kontrang pagsalakay ng mga Ingles dahil sa pagsakop nila sa Cyrenaica o silangang Libya. Sa unang tingin, parang matatalo ang mga Italyano sa Africa. Ito ang nagpaigting sa mga Aleman upang sumagot para maiwasan ang kahihiyan sa mga Italyano. Noong Pebrero 1941, ipinadala ni Hitler si Lt. Gen. Erwin Rommel at ang kanyang Afrikan Korps sa Libya kung saan madali nilang napurong ang mga Ingles pabalik sa hangganan ng Egypt. Samantala, nakaiwas sa pagbobomba sa Mediterranean, ang pinakasusing pulo ng Malta. Sa Balkan, bigo ang pananakop ng mga Italyano sa Greece noong Oktubre 1940. Puminsala ang puwersa ng mga Aleman sa Yugoslavia at Greece noong Abril-Mayo 1941 bgo nila nakuha ang Crete sa pamamagitan ng labanan sa himpapawid. Nasa kalagayan ang Britain na halos mawala ang daaanan sa silangang Mediterranean at ang pinakamahalagang ruta sa Malayong Silangan sa pamamagitaqn ng Suez Kanal. Sa panahong ito, naghanda na ang Japan sa pagsalakay. Halos bumagsak na noon ang mga puwersang Ingles dahil sa kakapusan ng pondo para sa pangangailangan nito sa digmaan. Ditto nakatulong nang malaki ang Land-Lease Program ng United States sa mga Alyadong bansa. Sa ilalim nito, pinahiram ng $ 50 bilyong halaga ng kagamitan at armas ang mga Alyadong Bansa. Digmaan sa Pacific (1941-1942)

Nang nanalakay sa Europe ang hukbong Nazi, naghahanda ang Hukbong Hapones sa Pacific. Upang masugpo ang pagsalakay ng mga Japones, ipinagbawal ng Kongreso ng United States ang pagpapadal ng langis at pinigil ang lahat ng ari-arian ng Japan sa United States. Noong Oktubre 1941, mipinadala ni Heneral Hideki Tojo si Embahador Saburo Kuruso sa Washington upang tulungan si Admiral Kichisakuro Nomura na makipagtalastasan upang mabawasan ang krisis sa pagitan gn United States at Japan. Pinatunayan ng kasaysayan na hindi tapat si Tojo sapagkat habang pinag-uusapan ang kapayapaan, naghahanda na sa digmaan ang mga Hapones. Nooong ika-6 ng Disyembre 1941, habang nag-uusap sina Kalihim-Heneral Cordell Hull at ang mga sugo ng Hapones sa Washington, biglang sumalakay ang Japan noong ika-7 ng Disyembre 1941 (ika-8 ng Disyembre sa Pilipinas) sa Pearl Harbor, isang himpilan ng Hukbong Pandagat ng United States sa Hawaii. Dahil binigla ang United States, napinsala ng mga eroplanaong Hapones ang US Pacific Fleet. Limang bapor pandigma ang lumubog at halos 200 Amerikanong eroplanao ang nawasak. Nasawi ang 2,043 at 1,178 ang sugatan. Dahil ditto, nagpahayag ang United States gayundin ang Britain ng pakikidigma sa Japan. Sumugod sa panig ng Japan ang Germany at Italy at kapwa nagpahayag ng pakikidigma sa United States noong ika11 ng Disyembre 1941. Lumaganap ang Digmaan sa daigdig. Ilang oras matapos salakayin ang Pearl Harbor, biglang sumalakay sa Pilipinas ang Japan. Winasak ang hukbong panghimpapawdi ng mga Amerikano sa Clark Field, Pampanga. Pagkatapos ng dalawang araw, lumunsad sa hilagang Luzon ang mga Hapones. Magiting na lumaban ang mga Pilipino sa pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon at Heneral Douglas MacArthur. Sa araw ding ito, pinalubog ang dalawang makabagong pabor pandigma ang Prince of Wales at Repulse mula sa baybayin ng Malaya. Habang nakikidigma ang mga Pilipino sa mga Hapones, kumalat at naminsala ang huli sa Thailand at nanalakay sa British Malaya. Bago matapos ang Disyembre, napasakamay ng kaaway ang Hong Kong, Guam at Wake Islands. Noong ika-2 ng Enero 1942, kinuha nila ang Maynila bagaman ideneklarang open city ito. Nagkuta sa Bataan at Corregidor at iba pang lugar sa Pilipinas ang mga kawal na Pilipino at Amerikano. Noong ika-15 ng Pebrero 1942, bumagsak ang Singapore. Nakuha ang Bataan ng mga Hapones noong ika-9 ng Abril ngunit ipinagpatuloy ang labanan sa Corregidor. Noong ika-2 ng Mayo, bumagsak ang Netherlands East Indies. Corregidro ang pinakahuling pananggalang ng demokrasya sa Asia na sumuko sa mga Hapones noong ika-6 ng Mayo 1942. Ito ang tanggulang nagbigay ng pinakamahigpit na laban sa mga Hapones sa Bataan at Corregidor. Sanhi nito, nabigo ang Japan sa Australia na lubos n nakapaghanda. Nagtagumpay ang Japan sa pananakop sa Pacific noong 1942. Sa loob ng halos isang taon, nasakop nila ang may 500,000,000 katao sa Timog-Silangang Asia at nagtatag ng Greater East asie Co-Prosperity Sphere. Umabot ang nasakupang lupain nito sa Aluetian Islands sa Hilaga hanggang

New Guinea sa timog, buhat sa Wake Islands sa silangan hanggang sa Burma sa Kanluran. Naging dagt-dagatang Hapones ang Karagatang Indian at Kanluraning Karagatang Pacific.

Pagbabago ng Takbo ng Digmaan Nagpasimula na ng pagbabago ng takbo ng digmaan sa Malayong Silangan. Nagkaroon ng maraming ulit na pagpupulong sin Punong Ministro Winston Churchill at Pangulong Franklin D. Roosevelt upang makasunod sa Grand Strategy na prayoridad ang pagkatalo ng Germany. Sa mga Amerikano, minimithi nila ang medaling pagtawid sa English Channel upang mapalaya ang mga Ingles. Ngunit mahigpit na tinutulan ito ni Churchill. Sa pagsisimula ng 1942, kinakailangang malinis ang North Africa kahit pa napalubog na ang barkong Bismarck ng Germany noong Mayo 1941. Patuloy na sinasalakay ng U-boat sa Atlantic ang mga barko ng mga Alyadong Bansa. Sinikap ni Churhill na hikayatin ang mga Amerikano na bigayn na lamang nito ng pansin ang South Africa at ipinagpatuloy ang kampanya laban sa mga lungsod ng Germany. Napatunayan na kulang ang kaalaman ng mga Alyado sa labanang pandagat sa isang pagsalakay sa Dieppe noong ika-19 ng Agosto 1942. Natalo rito ang tropa ng Canada. Ngunit pagsapit ng 1943, isang makabagong aramas at taktika ang nagpatalo sa U-Boat ng Germany, ang radar. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng malaking kahigtan ang tropa ng United States; nagsimula na rin na mag-ipon ng suplay ang Britain. Sa hilagang Africa, sumalakay si Heneral Erwin Rommel ng Germany sa Gazalla noong Mayo 1942 upang itulak pabalik sa Egypt ang mga Alyado. Ngunit bigla ang naging pagbabago sa El Alamien noong huling bahagi ng Oktubre nang matalo ng Afrikan Korps ang pwersa ni Heneral Bernard Montgomery. Naging balakid kay Rommel ang paglapag ng mga Anglo-Amerikano sa French North Africa noong ika-8 ng Nobyembre. Nasakop ang mga ATunis at inalis ang North Africa sa Axis Power. Muling sumalakay sa English Channel ang mga Amerikano nguint prayoridad pa rin na masakop ang Mediterranean. Pagwawagi ng Alyado Mula Agosto 1944, nakipaglaban ang bahagi ng mga Alyado sa hilagang-kanluran ng Europe upang makuha ang mga lupain sa paligid ng Aachen sa Hurtgen Forest at Alsaceorraine. Nais nitong udyukan ang mga Aleman para makagawa ng kontra-laban sa Ardennes. Umabot ito hanggang magwagi sa Battle of the Bulge kung ssan halos matalo na sa digman ang Germany. Pinalakas ang kanilang pagsagupa ng mallaslking Bapor ng Britain at United States. Napabagsak nila ang Dresdwen, samantalanga sa sagupaang panlupa, nagpatuloy sa Rhine upang

paghandaan ang pagsalakay sa hilaga at timog. Naiwan ang Berlin sa Soviet na nagbigay kay Heneral Dwigth Eisenchower ng tiwala sa kanyang puwersa sa sentral at katimugang Germany. Umurong sa Alps ang magkasanib na sandatahan sa Italy at sa unang lingo ng Mayo 1945, isinagawa sa Elbe ang kasunduan sa pagitan ng mga Alyado at Soviet. Sa pagkamatay ni Hitler, namatay na rin ang kanyang mga kasapi at napasakamay ng Soviet ang Berlin. Sumuko ang mga Aleman noong ika-8 ng Mayo1945. Pagbabalik ng mag Amerikano. Bagaman naghari ang Japan sa Pacific noong 1942, hindi nawalan ng pag-asa ang United States. Pinalakas ang mga base sa timog-kanlurang Pacific, Australia, Samoa, New Caledonia, New Hebrides at iba pang pulo. Tinipon ang puwersa ng Alyado sa Australia at inilagay sa ilalim ng pamamahala ni Heneral Mac Arthur na tumakas sa Pilipinas. Nagsimula ang tagumpay ng Alyado nang matalo ang mga Hapones sa Labanan ng Dagat Coral noong ika-4 hanggang ika-5 ng Mayo 1942. Ito ang unang pagkatalo ng Hapones sa kasaysayan. Naulit ang kanilang pagkatalo sa Labanan ng Midway noong ika-3 hanggang ika-6 ng Hunyo 1942. Noong Agosto 1942, lumunsad ang mga Amerikanong marino sa Guadalcanal at Tulagi sa Solomons at nagsimula ang madugong labanan sa paghahari sa timog kanlurang-pacific. Bago matapos ng 1942, napaalis na ang mga Hapones. Nabigo ang pananalakay ng mga Hapones sa Port Moresby habang naghahanda na sa pagsalakay si Heneral Mc Arthur upang mabawi ang mga nawalang teritoryo. Ang V-E Day sa Africa at Europe (1943-1945). Nang magsimula ang 1941, pinalayas si Heneral Erwin Rommel, ng Desert Fox ng GErmang, ang mga Alyado mula sa Libya hanggang S Egypt. Noong Mayo1942, nanalakay siya tungo sa kansal Suez na umaboat hanggang sa El Alamein, 112.7 km mula sa Alexandria. Tinqalo si Heneral Rommel sa labanan ng mga Alyado sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Bernard Montgomery hanggang sa umurong ang puwersang Nazi sa Libya. Lumusob sa Morocco at Algeria ang hukbong Amerikano at Ingles sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Dwight Eisenhower. Tinulungan ang Nazi ng Hukbong Vichy para lumaban sa pagsalakay ng mga Alyado, Noong ika-13 ng Mayo, matapos ang maraming buwan ng mashigpit na labanan, nagwagi ang mga Alyado sa hilagang Africa. Noong ika-10 ng Hulyo 19434, sumalakay ang Alyado sa Sicily. Lumaban ang mga hukbong pasista ngunit natalo sila. Noong ika-17 ng Agosto, nagtagumpay ang Alyado. Nakuha ang pulo sa kamay na mga Italyano. Nagbigay-daan sa pagbagsak ni Benito Mussolini noong ika-25 ng Hulyo 1943 ang pagkatalo ng hukbong Italyano sa hilagang Africa at Sicily. Nagtatag sila ng bagong pamahalaang pasista ngunit hindi ito itinaguyod ng mga Italyano. Noong ika-4 ng Hulyo 1944, nakuha ng Alyado ang Rome. Tumakas sa Burol si Benito Mussolini nang Makita niyang wala ng pagasa. Ngunit nahuli siya ng mga gerilyang Italyano at

piata siya kasama ang kanyang pangalawang asawa na si Clara Petacci noong ika-25 ng Abril 1945. Sinundan ng Germany ang pagbak ng Italy. Noong ika-6 ng Hunyo 1944, lumusob sa Normandy, France ang napakalakas na Hukbong Alyado sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Eisen Hower. Matapos ang ilsang linggong mahigpit na labanan. Napasok ang kalaban at noong ika-25 ng Agosto, napalaya ang Paris. Noong ika-16 ng Disyembre 1944, sinalakay ng mga Aleman ang mga sundalong Amerikano sa kagubatan ng Ardennes. Subalit kulang ang hukbo at petrolyo ng mga Aleman upang mapagwagihan ang labanang ito. Sa lob ng dalawang lingo, napigil ng mga Amerikano ang pagsulong ng mga Aleman malapit sa ilog Meuse sa Belgium. Kilalsa ang pananalakay na ito sa Ardennes bilang Battle of the Bulge dahil sa maumbok na hugis sa mapa ng pinagdausan ng labanan. Biglang napahinto ang pagsulong ng mga Alyado subalit nagpahina sa lakas ng mga Nazi ang mga pagtutulungan ng Alyado. Matapos itaboy ang mga Aleman sa kanlurang hangganan, tumawid sila sa Siegfried liner at habang kinukuha ng hukbong Ruso Baltic, Romania, Bulgaria at Poland, nilusob ng Alyado ang silangang hagganan ng Germany. Sa huling araw ng Abril 1945, gumuho ang Germany sa ilalim ng sama-samang pagddurog ng mga Alyado mula sa kanluran at ng mga Ruso mula sa silangan. Nakarting ang mga Ruso sa labas ng bayan ng Berlin noong ika-23 ng Abril. Habang mawawsak ang Berlin, naghahandas naman si Hitler sa kanyang pagpapakamatay ssa isang selda sa ilalim ng lupa. Noong umuga bg ika-30 ng Abril 1945, hinirang niya si Admiral Karl Doenitz bilang kahalili at sa tanghali ng araw ding ito, nagpakamatay si Hitler at ang kanyang asawang si Eva Braun. Noong ika-2 ng Mayo, nabihag ng mga Ruso ang Berlin. Humingi ng kalayaan sa Admiral Doenitz noong ika-7 ng Mayo 1945 at tinanggap ang kanyang kinatawan nang walang pasubaling tadhana ng pagsuko sa Rheims mula sa America at Britain. Matapos ang anim na taong mapaminsalang digman, dumasting ang V-E Day (Victory in Europe) noong ika-8 ng Mayo 1945. Huling Yugto ng Digmaan. Nakatulong kay Heneral Mc Arthur sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ang pagwawagi ng mga Alyado sa Africa at Europe. Noong 1943, nagtamo siya ng maraming tagumpay nang padalhan siya ng maraming sundalo, barko, eroplano at kagamitang pandigma ng galling sa Europe. Lumusob ang hukbong Alyado sa pulo ng Marshall noong unang lingo ng Pebrero. Noong Hunyo, sinalakay ang Marianas at muling nakuha ang Guam. Sumunod na nabawi ang Carolines. Noong Oktobre 1944, lumunsad si Heneral Mac Arthur sa Leyte at buonmg karangalang nagpahayag samga Pilipino na siya ay nagbalik. Nabigo ang tangka ng mga Hapones na paigilin siya sa leyte sapagkat natalo ang hukbong dfagat ng Japan sa Second Battle of the Philippine Sea noong ika-23 hanggang ika-26 ng Oktobre 1944.

Isinunod ng hukbo ni Mac Arthur ang ibat- ibang pulo sa Pilipinas at noong gabi ng ika-3 ng Pebrero 1945, pumasok ito sa Maynila at sinalubong ng mga mamamayanan. Nalupig ang mga Hapones matapos ang maraming buwan ng labanan. Noong ika-5 ng Hulyo 1945, ipinahayag ni Mac Arthur ang paglaya ng mga Hapones. Sinumulang pasabugin ang mga baybaying lingsod ng Japan at inuulan ng bomba ang mga lungsod at paliparan. Iwinagayway ang bandilang Amerikano sa Iwo Jima noong ika-16 ng Marso 1945 at noong ika-21 ng Hulyo, isinuko ang mga kutang pulo ng Okinawa na nagbabantasy sa Japan. Noong ika-26 ng Hulyo, nagpalabas ang Britain, China, At united states ng ultimatum na hinihingi ang sdapilitan at walang pasubaling pagsuko ng Japan. Noong ika-6 ng Agosto, pinasabog sa Hiroshima ang unang bomba atomika. Winasak nito ang 60 bahagdan ng lungsod at 200,000 katao ang namatay. Pagkatapos ng dalawang araw ng pahayag ang Russia ng pakikidigma sa Japan. Mga hukbong Ruso ang sumalakay sa Mancuria, Korea at timog Sakalin. Noong ika-9 ng Agosto, inihulog ang ikalawang bomba atomika sa Nakasagi. Nawasak ang 40 bahagdan ng lungsod at 100,000 katao ang namatay. Dahil sa takot sa mabagsik na sandatang nakamamatay , tinanggap ng Japan ang walang pasubaling pagsuko sa mga Alyado noong ika-15 ng Agosto. Noong ika-2 ng Setyembre 1945, lumagda ang Japan sa tadhana ng walang pasubaling pagsuko na ginanap sa USSmissouri sa Tokyo Bay. Naglaho ang pangarap ng Japan na magkaroon ng imperyo sa Asia. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, natalo ang Japan sa digman . Sa V-J Day na ideklara ng Alyado sa petsang ito (Victory of Japan), nagsaya ang daigdig sapagkat naghudyat ito ng wakas ng ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mga Pinsalang Dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Lubhang mahirap halagahan ang napinsala ng digmaan lalo na kung buhay ang paguusapan. Marami ang nasawi ngunit higit na marami ang napinsala sa mga ari-arian. Hinding-hindi mababayaran ng salapi ang sakit na ibinunga sa puso at isipanj ng mga mamamayan. Nagdulot ang digmaan ng kasindak-sindak na pagkitil ng maraming buhay at pagkasira ng mga ari-arian kaysa unang digmaan pandaigdig. Umabot ang kabuuang bilang ng naswi sa mahigit na 50,000,000 (20,000,000) kawal at 30,000,000 mamamayanan). Umaaabot sa $1,384,000,000 ang kabuuuang halaga ng digmaan. Panandaling natigil na ekonimiya dahil sa pinsala ng digmaan sa agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi sa Asia, Africa at Europe. Tatlong mapanakop na imperyo asng nawasak- ang imperyong Aleman ni Hitler, imperyong Italyano ni Mussolini at impoeryong Hapones ni Hirohito, bagaman lumakas ang bagong diktatura ng partido komunista. Itinatag ang United Nations upang mapangalagaaan ang kapayapaan, kalayaan at katarungan sa daigdig. Ito ang nakapigil sa lumalawak na hidwaan sa pagitan ng demokrasya at komunistang digmaaan ng ideolohiysa.

Ang mga Taon Pagkatapos ng Digmaan. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaan Pandaaigdig. Nawala ang dating makapangyasrihang imperyo ng Germany, Italy at Japan. Isinilang ang maraming malalayang bansa tulad ng Pilipinas, India, Pakistan, Indonesia, Burma, Syria, Sri lanka at iba. Maraming bansa ang nahati tulad ng East Germany, West Germany, South Korea, North Korea at Red china at Noth at South Vietnam. Humina ang impluwensya sa daigdig ng England at France at Soviet union. Nawala ang nazismo at pasismo at umusbong ang panibagong ideolohiya, ang komunismo. Matapos ang digmaan, itinatag ang United Nations noong 1945 bilang kasangkapan ng kapayapaan. Hindi magkasundo sa mga tadhana ng kapayapaan ang mga nagsipagwaging bansa at kung paano lulutasin ang mga suliranin at kaguluhan ng daigdig. Isang bagong uri ng labanan ang umusbong sa mundo: ang labanan ng ideolohiya o Cold War. Labanan ito ng diplomasya, propaganda at pagbabagsak ng pamahalaan at pangkabuhayan. Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagpangkat-pangkat asng mga bansa sa mundo sanhi ng magkakaiba at magkakasalungat na paniniwala. Binibuo ng mga bansang demokratiko ang isang pangkat na tinatawa na Free World sa pamumuno ng United States. Nagtasngka ang United States at ang mga kasamahan nito na pigilin ang paglaganap ng komunismo. Tinatawag na Soviet Union ang ikalawang pangkat at nagmimithing palaganapin ang lomunismo sa buong daigidig sa pamamagitan ng rebolusyon. Naging magkaribal ang dalawang pinakamalakas na bansa sa mundo. PAGTATATAG NG UNITED NATIONS Nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945. Sa lupaypay na sangkatauhan, iisa lamang ang nais mangyari ng mga bansa, ang bumangong muli at maiwasan ang digmaan. Binubuo lamang ang daigdig noon ng mahigit na 170 estado. May sari-sariling teritoryo, mamamayan at pamahalaan ang mga estadong ito, na nag populasyon ay kinakatawan ng ibatibang pamahalaan. Ngunit mayroon naman itong isang pandaigdig na organisayon kung saan ang lahat ng estado ay maaring magpulong sa iisang conference table ang United Nations. Nabuo ang United Nations sa pamamagitan ng dalawang kapulungan ng mga bansang magkakaalyado noong matapos na ang digmaang pandaigdig. Noong 1943, nagpulong ang Moscow, ang mga kinatawan ng United States, Great Britain, Soviet Union at China. Nagkasundo sila na bumuo ng isang pandaigdigang samahan na magtataguyod ng kapayapaan para sa buong mundo. Muling nagpulong ang apat mula Agosto hanggang Oktubre 1944 sa Dumbarton Oaks sa Washington D.C. Dito nagpasyang tawaging United Nations ang Bagong samahan. Noong Abril 1945, nagpulong ang mga kinatawan ng 50 bansa sa San Francisco, California upang bumalangkas ng isang Saligang Batas na papatnubay sa samahan. Nagkaroon ng sampung pangkalahatang sesyon at 400 pagpupulong ng mga luon ang mga kinatawan. Natapos ang karta ng United Nations noong ika-25 ng Hunyo 1945. Noong umaga ng

ika-26 ng Hunyo, nagsilagda sa UN Charte ang mga kinatawan ng 50 ng bansa sa pangunguna ng Chian. Poland ang ika-51 na bansa na lumagda noong ika-15 ng Oktubre 1945. Nagkabisa ang karta noong ika-24 ng Oktubre 1945. Noong iak 30 ng Oktubre 1947 nagpatibay ang General Assembly ng isang resolusyon o panukala na nagpapahayag ng Araw ng mga Bansang Nagkakaisa ang ika-24 ng Oktubre bawat Taon. Mga Layunin ng United Nations May apat na mahahalagang layunin ang United Nations. Una, panatilihin ang pandaigdig na kapayapaan at katiwasayan. Ikalawa, pagyamanin ang maayos na pagsasamahan ng mga bansa batay sa pagkilala sa pantay-pantay na mga karapatan at kasarinlan ng mga ito. Ikatlo, makipagtulungan sa paglutas ng mga pandaigdig na suliraning pangkabuhayan, panlipunan, pangkalinangan at sa pagtataguyod sa mga karapatang pantao at sa mga pangunahing kalayaan para sa lahat. Ikaapat, magsilbing isang sentro para sa pagsasaayos ng mga gawain ng mga bansa upang makamit ang mga layuning ito.

You might also like