P. 1
Ano Ang Dula

Ano Ang Dula

|Views: 5,127|Likes:
Published by Mikki Eugenio
Dula Masasabing ang dula sa Pilipinas ay kasingyaman ng mga impluwensya na nakaapekto sa pag-unlad nito, mula sa panahon ng mga ninuno hanggang sa mga modernong dulang nagagawa sa ating panahon. Ang mga dula sa panahon ng ating mga ninuno ay ginawa para sa iba't ibang gawaing pangkomunidad - kapanganakan, kamatayan, kasal, pangangaso, pagtatanim ng palay, digmaan at iba pa. Marami sa mga dulang ito ay kinatatampukan ng mga pang-relihiyong aspeto. Marami sa mga dulang katutubo ay kinatatapukan ng
Dula Masasabing ang dula sa Pilipinas ay kasingyaman ng mga impluwensya na nakaapekto sa pag-unlad nito, mula sa panahon ng mga ninuno hanggang sa mga modernong dulang nagagawa sa ating panahon. Ang mga dula sa panahon ng ating mga ninuno ay ginawa para sa iba't ibang gawaing pangkomunidad - kapanganakan, kamatayan, kasal, pangangaso, pagtatanim ng palay, digmaan at iba pa. Marami sa mga dulang ito ay kinatatampukan ng mga pang-relihiyong aspeto. Marami sa mga dulang katutubo ay kinatatapukan ng

More info:

Published by: Mikki Eugenio on Jul 25, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

09/06/2014

pdf

text

original

Dula Masasabing ang dula sa Pilipinas ay kasingyaman ng mga impluwensya na nakaapekto sa pag-unlad nito, mula sa panahon ng mga

ninuno hanggang sa mga modernong dulang nagagawa sa ating panahon. Ang mga dula sa panahon ng ating mga ninuno ay ginawa para sa iba't ibang gawaing pangkomunidad - kapanganakan, kamatayan, kasal, pangangaso, pagtatanim ng palay, digmaan at iba pa. Marami sa mga dulang ito ay kinatatampukan ng mga pang-relihiyong aspeto. Marami sa mga dulang katutubo ay kinatatapukan ng mga babaylan - ang siyang namumuno sa mga pag-aalay na sentro ng maraming dula ng panahon na ito. Sa mga dula, maaring tinatawag ang mga diyos at diyosa upang magpasalamat o kaya nama'y hilingin ang pagpapala nito. Bukod sa mga ritwal, maraming dulang katutubo ang kinatatampukan ng sayaw o musika gamit ang iba't ibang katutubong instrumento. Marami sa mga sayaw ang gumagaya sa mga galaw ng mga bagay sa kalikasan, tulad ng mga halaman o hayop, gaya ng unggoy. Ang iba namang nakikitaan ng sayaw ay ginagamit sa panliligaw, kung saan maaring magdebate ang lalaki at babae habang nagsasayaw. Ilang uri ng dula na nakitaan nito ay ang panonoroon ng mga Maranao at balitaw ng mga Cebuano. Sa pagdating ng mga mananakop na Espanyol, napagtanto ng mga ito, lalo na ng mga prayle, na mahalaga ang dula upang makuha ang loob ng mga katutubo at maakit sila sa relihiyong Kristiyanismo. Dahil dito, maraming uri ng pang-relihiyon at sekular na dula ang ikinalat ng mga ito sa kanilang pananatili sa Pilipinas, marami ay itinatanghal sa mga piyesta. Isa sa mga kilalang uri ng dulang Espanyol ay ang moro-moro o arayko. Ang kwento nito'y umiinog sa mga labanan ng mga Kristiyanong prinsipe at prinsesa at mga kalaban nitong Moorish. Parehong sekular at relihiyoson ang pokus ng mga moro-moro; na puno ng pag-ibig, paghihiganti, at isang banda'y pagpapakilala sa buhay ng mga santo. Ang senakulo, isang uri ng dulang pangrelihiyon ay nakilala rin noong ika-18 siglo. Madalas itong itinatanghal sa panahon ng Mahal na Araw kung saan isinasalaysay nito ang buhay at paghihirap ni Hesukristo.

Bukod pa rito, madami pang iba-ibang Kristiyanong dula ang sumikat sa panahon ng Espanyol hanggang sa ngayon, tulad ng panunuluyan, isang dulang nagsasalaysay ng pagpunta ni Maria at Jose sa Bethlehem, ang ninos inocentes tungkol sa pagpapaapatay ni Herodes sa mga batang dalawang taong gulang pababa, ang via crucis, kung saan iniikot ang imahe ni Hesus sa 14 na estasyon na kumakatawan sa mga mahahahalagang pangyayari bago siya namatay, at ang siete palabras. Ang mga tanging sekular na dulang nakilala noon ay ang sarswela, isang romantikong dula tungkol sa banggaan ng mga uri o kaya'y mga mahahalagang isyu sa lipunan, tulad ng mga tiwaling pulitiko o mga tamad na asawa. Sumikat ito sa mga akda nina Severino Reyes, Hermogenes Ilagan, Servando de los Angeles at iba pa. Naipakilala din ang drama, na gaya ng sarswela ay kinatatampukan ng tula o prosa ngunit mas nagbibigay pansin sa mga aspeto ng buhay Pilipino, tulad ng sugal. Marami sa mga dramang ito ay di na nakikita sa teatro kundi sa telebisyon at pelikula, marami sa mga soap opera. Nang dumating ang mga Amerikano, sinikap nilang ipakilala ang kanilang mga uri ng dula, marami ay hango sa mga kwento ng Kanluran. Isa sa mga naipakilala nila ay ang bodabil, na hindi maituturing na pormal na dula kundi palabas na puno ng halohalong kantahan, sayawan at pagpapatawa. Ngunit marami sa mga bodabil ng panahon ay gaya-gaya lamang sa mga Amerikano at di makikitaan ng bakas ng lipunan at kulturang Pilipino. Noong panahon ng Hapon lamang nagkaroon ng malaking pagbabago sa dulang ito, na napasukan na ng mga drama upang pagbigyan ang mga artistang nawalan ng trabaho dahil sa giyera. Dahil sa bagong uri ng edukasyong ipinakilala ng mga Amerikano, naipakilala sa mga Pilipino ang mga dulang kanluranin, tulad ng mga sinulat nina Shakespeare, mga dulang Broadway tulad ng "Annie" at "Evita", o mga klasiko tulad ng mga gawa nina Chekov, Goldoni, Moliere, Bretch at iba pa. Dahil dito, napilitan ang mga Pilipino na gayahin ang pananalita at gawi ng mga Amerikano, mula sa pangkanta hanggang sa pananamit, anupat pinapakilala ang Amerika bilang isang paraiso. Sa modernong panahon ngayon, nadagdagan pa ang mga uri ng dula na makikita sa mga tanghalan ngayon. Ang mga dulang Asyano, tulad ng noh at kyogen, ay naging regular na sa mga tanghalan. Sumikat din ang iba't ibang mga akda ng mga

Pilipinong mandudula, tulad nina Lamberto Avellana, Rolando Tinio, Zenaida Amador at iba pa. Sa kanilang mga akda, nakikita ang paggamit ng emosyon, pagkilala sa mga problema ng lipunan at laban ng mga api at minoridad. Dahil na rin sa sistema ng lipunang Pilipino, nagpopokus ang mga manunulat ng mga dula ngayon sa realidad. Marami sa mga ito ang nagnanais na pagusapan ang iba't ibang isyu, ideya at kunsepto, mula sa giyera sa Mindanao hanggang sa nuclear plants. Naniniwala sila na ang dula ay sikat pa rin sa masa at maari nila itong gamitin para sa paghahangad ng pagbabago. Uri ng Dula  Bodabil (Vaudeville) - isang pagtatanghal ng iba't-ibang uri ng kantahan o pagpapatawa. May mga maiikling skit at monologo, sikat na kanta, acrobats o koro.  Carillo - dulang tinatanghal na kinatatampukan ng mga karakter na gamit ang anino.  Dulang Pambata (Children's Theatre) - mga dulang kinatatampukan ng mga bata o kaya'y mga dulang ginawa para sa mga bata.  Drama - mga dulang na nagtatampok ng mga Pilipinong karakter at situwasyon  Monologo (Monologue) - isang modernong dula kung saan isang karakter ang nagsasalaysay ng kanyang mga iniisip at nararamdaman  Komedya (Comedy) - dulang kinatatampukan ng mga kwento ng katapatan ng mga Kristiyano sa panahong medieval sa Europa, Asya at Gitnang Silangan  Moro-moro - isang maikling dula tungkol sa labanan ng mga Kristiyano at Moro.  Dulang Pangmusika (Musical Theater) - mga dulang kinatampukan ng awitan at musika.  Dulang Pampulitika (Political Theater) - mga dulang nagsasalawan sa mga pulitiko at mga isyung pulitikal ng bansa.  Papet (Puppet) - uri ng dula kung saan ang mga karakter ay mga papet na pinapagalaw  Realismo (Realism) - mga dulang nagtatampok ng kunsepto ng realidad; may mga karakter na detalyado ang personalidad at ang dula'y sumasalamin sa

interaksyon ng mga tauhan  Sarswela - isang uri ng dulang pangmusika na pinakilala ng mga Espanyol  Senakulo - dulang nagsasalysay ng kasaysayan ng pagliligtas mula kay Adan hanggang kay Hesukristo Elemento ng Dula  Pag-arte (Acting) - ang sining ng pagsasabuhay ng isang karakter.  Manunuod (Audience) - ang mga nakakakita ng dula, ang mga hindi kasali sa mga nagtatanghal.  Pananamit (Costume) - pangunahing kasuotan ng aktor upang maisabuhay ang kanyang karakter sa isang pagtatanghal.  Direksyon (Directing) - pangkalahatang pag-gabay ng mga elemento ng dula.  Ilaw (Lighting) - ang paggamit ng ilaw at ibang kagamitan upang mailawan ang entablado, isabuhay ang isang pakiramdam o bigyang-pansin ang isang karakter o eksena  Musika (Music) - panggamit ng awit o tunog sa pagitan ng dayalogo o kaya naman ginagamit na pamalit dito.  Dayalogo (Script) - ang teksto gn dula, naglalaman ng mga sasabihin ng mga aktor sa entablado, detalye ng mga karakter, and direktor, listahan ng mga gaganap o mga tagubilin. Mga Kilalang Manunulat ng Dula  Lamberto Abellana  Henry Lee Irvin SJ  Wilfrido Ma. Guerrero  Onofre Pagsanghan  Behn Cervantes  Soxy Topacio  Joel Lamangan  Antonio Mabesa  Zenaida Amador

 Nonon Padilla Talambuhay ni Rolando Tinio Si Rolando Santos Tinio ay isang Pilipinong manunulat, direktor, kritiko at guro. Siya ay napabilang sa mga Pambansang Alagad ng Sining noong 1997 para sa Dula at Pelikula. Isinilang si Tinio sa Tondo, Maynila noong Marso 5, 1937. Nagtapos siya sa elementarya sa Mababang Paaralan ng Lakandula noong 1948, at sekundarya sa Mataas na Paaralang Letran noong 1951. Nagtapos siya ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1955 at Malikhaing Pagsusulat sa Pamantasang Estado ng Iowa noong 1958. Nagturo siya ng Ingles, Filipino, at dula sa Ateneo de Manila, 19581975, kung saan pinamunuan niya ang Departamento ng Inggles, at sumunod ang Departamento ng Filipino. Siya ay ikinasal kay Ella Luansing, isa ring aktor at direktor. Si Tinio ay isa ring aktor, direktor, at tagapagdisenyo ng entablado at kasuotan. Hinawakan niya ang mga tungkuling ito sa kanyang pamumuno sa Dulaang Pangeksperimento ng Ateneo. Naisalin din niya sa Filipino ang mga dula nina William Shakespeare, Anton Chekhov, Albert Camus, Oscar Wilde, Eugene at marami pang iba. Siya ay nalagutan ng hininga nang dahil sa atake sa puso noong 1997. Mga Sanggunian:  CCP Encyclopedia of Philippine Art

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->