P. 1
El Filibusterismo Deciphered: Kabanata 26 - Ang Paskin

El Filibusterismo Deciphered: Kabanata 26 - Ang Paskin

|Views: 14,908|Likes:

More info:

Published by: Daniel Mendoza-Anciano on Jul 28, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/10/2014

pdf

text

UNCORRECTED PROOF Kabanata 26 Mga Paskin1

Maagang nagbangon si Basilio upang tumungo sa Ospital. Mayroon na siyang takdang gagawin, dalawin ang kanyang mga maysakit, paroroon pagkatapos sa unibersidad upang mabatid ang ilang bagay tungkol sa kanyang licenciatura, 2 at sa kahuli-hulihan ay makipagkita kay Makaraig dahil sa gugol na mangyayari sa kanyang pagkuha ng grado.3 Ang malaking bahagi ng

MGA PALIWANAG 1 (Paskin- isang limbag na palathalang tumutuligsa sa pamahalaan o sa taong maykapangyarihan at ito ay palihim na idinidikit sa mga lugar na maraming tao ang maaring makabasa) Ang kabanatang ito ay halos maaring hinalaw ang mga kaligiran sa nasaksihan at naging karanasan ni Rizal noong siya ay nag-aaral sa Madrid Nobyembre 1884. Ginamit ni Rizal ang pangyayari ito upang gumawa ng isang collage ng tunay na pangyayari at piktisyosong kaganapan kung ano ang magiging epekto ng katulad na pagkilos ng mga estudyante sa Maynila. 2 Ang licentura sa medisina ay nangangahulugan na tapos na sa kurso ng pagiging manggagamot at nagkakaloob sa nakapagtapos ng karapatan na mag-practice ng kaniyang propesyon bilang manggagamot. Ang katunayan ang nasabing kategoryang pang-akademiya ang natapos ni Jose Rizal sa Universidad Central de Madrid. Ang titulong doctor ay higit na naka-ukol sa mataas na aralin kung saan ang isang manggagamot ay maaring makapagturo sa faculty of medicine. Hindi natapos ni Rizal ang mataas na antas akademiko na doctor dahilan sa hindi na niya ito binalak na matamo dahilan sa kinamumuhian niya ang rector na si Creus at sinabi niyang kasusuklaman nito (Rizal) na ang kaniyang diploma ay pirmado ng isang taong kaniyang kinasusuklaman. Kung tinatawag si Rizal sa katawagang doctor sa panahon na iyon ay lumilitaw na isang generic na katawagan sa mga manggagamot. Katulad ng isang nagtuturo sa kolehiyo na magkakaiba ang academic rank subalit tinatawag na propesor ng kaniyang mga estudyante. I have already finished my medical studies. The doctorate is not of much usefulness to me now, because though that is needed to become a professor, I don‟t believe that they will ever appoint me as such at the College of Santo Tomás. 3 Pansinin na maging si Rizal bago magtapos ng licentura ay mayroon ding malaking kagipitan sa pera. Pansinin ang sulat ni Paciano kay Rizal.

kanyang naimpok ay iniukol niya sa itutubos kay Huli at upang madulutan ito ng isang dampa na mapamamahayang kasama ng lolo, at hindi siya makapangahas na lumapit kay Kapitan Tiyago, sa pangingilag na baka isipin na ang gayon ay isang pauna sa mamanahing sinasabi-sabi sa kanya. Libang sa mga gayong iniisip ay hindi napuna ang mga pulu-pulutong na mga nag-aaral na maagang nanggagaling sa loob ng Maynila na waring isinara ang mga paaralan; lalo pa manding hindi napuna ang anyong naluluha ng ilan, ang paanas na usapan, ang lihim nilang hudyatan.4 Kaya‟t nang dumating sa San Juan de Dios5 at tinanong siya ng kanyang mga kaibigan tungkol sa isang paghihimagsik ay napalundag si Basilio at naalaala ang binabalak ni Simoun na hindi natuloy dahil sa mahiwagang sakuna na nangyari sa maghihiyas. Lipos katakutan at nanginginig ang boses na nagtanong ng walang kamuwang-muwang:6 “Ah! Ang paghihimagsik?” “Napag-alaman!” ang sabi ng isa, “at tila marami ang nasasangkot.” Pinilit ni Basilio ang makapagpigil. “Marami ang nasasangkot,” ang ulit na tinangkang makabatid nang kahi‟t munting bagay sa mga mata ng iba, “at sinu-sino…?” “Mga nag-aaral, maraming nag-aaral!”

Among the things that you tell us in your letters the first to which I should reply is that concerning your doctorate. What amount do you assign to that? I need to know it by return mail so that I can send you the amount on time. Paciano to Rizal 10 February, 1884 4 Ang ganitong kaayusan na inilalarawan ni Rizal sa kaniyang nobela ay hinango niya sa kaniyang nasaksihang pagsasara ng Unibersidad Central de Madrid noong 1884 dahilan sa demonstrasyon ng mga mag-aaral laban sa pagkakalis ni Morayta bilang rector ng Universidad Central de Madrid. 5 Ang Hospital ng San Juan de Dios na sa ating panahon ay nasa Roxas Boulevard ay orihinal na nakatayo sa loob ng Intramuros sa lugar na kinalalagyan ng Lyceum of the Philippines. Pansinin ang reaksiyon ni Basilio ukol sa magaganap na paghihimagsik ay ikinagulat nito. Isang pagbibiro ng kapalaran na halos nangyari kay Rizal ang katulad na reaksiyon ng ipaalam ni Dr. Pio Valenzuela noong 1896 sa Dapitan kay Rizal ang ukol sa magaganap na himagsikan ng mga Pilipino..

Inakala ni Basilio na hindi nararapat na magtanong pa sa pagaalalang baka siya mahalata,7 at lumayo sa pulutong, na ang dinahilan ay ang pagdalaw sa kanyang mga maysakit. Isang guro sa klinika ang sumalubong sa kanya at matapos na mapigilan siya sa balikat na lubhang mahiwaga (ang guro ay kaibigan niya) ay marahan siyang tinanong: “Nagpunta ba kayo sa hapunan kagabi?” Sa kalagayang lito ni Basilio nang mga sandaling iyon ay nagkariringgang kamakalawa sa gabi ang sinabi sa kanya. Nang kinamakalawahan sa gabi nangyari ang pakikipag-usap kay Simoun. Nagtangkang magpaliwanag. “Sasabihin ko sa inyo,” ang bulong halos, “sa dahilang masama ang lagay ni Kapitan Tiyago at saka kailangan kong matapos ang Mata…”8 “Mabuti nga ang ginawa ninyong hindi nagpunta,” ang sabi ng guro, “nguni‟t kasama ba kayo sa kapisanan ng mga nag-aaral?” “Nagbigay ako ang aking ambag…” “Kung gayon ay isang payo: umuwi kayo ngayon din at pawiin ninyo ang lahat ng papel na makasasama sa inyo.” Ikinibit ni Basilio ang kanyang mga balikat. Wala siyang anumang papel, mayroong siyang mga tala tungkol sa klinika at wala nang iba.9

7 Pansinin sana na kabanatang ito ay walang alam si Basilio sa kilusan ng mga magaaral na nagtataguyod ng pagkakaroon ng isang akademiya ng wikang Espanyol na sa pagkakatong ito sa nobela ay siyang pinagbibintangan na naglagay ng mga paskin sa Intramuros. Subalit si Basilio ay direkta naman na kaalaman sa pagkilos ng mga manghihimagsik sa pangunguna ni Simoun. Pansinin na binalak ni Basilio na maging mapagmaa-maangan sa mga usapan ito ay dahilan sa hindi niya nalalaman sa sandaling iyon kung ang paskin at ang napapabalitang usap-usapan ng himagsikan ay mula sa mga estudyante o mula mismo kay Simoun. 8 Inuulit na sa bahaging ito na ang tinutukoy na “dapat na matapos ang Mata” – ang Mata ay awtor ng libro sa medisina na kaniyang pinag-aaralan noong gabing maganap ang pagdiriwang ng mga estudyante. 9 Ang tala sa Klinika ay kinasusulatan ng mga kasong nasumpungan ng mga estudyante ng medisina na kanilang nakatagpo sa proseso ng kanilang panggagamot sa mga pinagsasanayan nilang hospital. Sa kaso ni Basilio ay sa San Juan de Letran na noon ay nasa loob ng Intramuros (ngayon ay kinatatayuan ng Lyceum of the Philippines).

“Si Ginoong Simoun po kaya‟y…?” “Walang pakialam si Simoun sa pangyayari, salamat sa Diyos!” ang dagdag ng manggagamot, “sinugatan ng isang taong hindi kilala, at ngayo‟y nahihiga. Hindi, dito‟y ibang kamay ang kumikilos, nguni‟t kakila-kilabot din.”10 Si Basilio ay huminga. Si Simoun ang tanging makapaghuhulog sa kanya. Gayunman ay naaalaala si Kabesang Tales.11 “May mga tulisan?” “Wala, tao kayo, wala kundi mga nag-aaral lamang.” Natiwasay na si Basilio. “Ano kung gayon ang nangyari?” ang naipangahas na itanong. “Nakatagpo ng mga paskin na masasama ang sinasabi, hindi baga ninyo batid?” “Saan?” “C… sa Unibersidad.” “Wala na kundi iyon?” “P…! Hindi pa ba sapat sa inyo ang gayon?” ang tanong na halos galit ng tagapagturo, “hinihinalang gawa ng mga nagsasaping nag-aaral ang mga paskin nguni‟t huwag kayong umimik!” Dumarating ang guro sa Patologia, isang ginoong higit pang anyong sakristan kaysa anyong manggagamot. Nahalal sa tulong ng lakas ng ViceRector, na hindi na hinilingan ng anumang karapatan liban sa lubos na pag-

10 Mananatiling isang misteryo sa bahaging ito ng nobela, kung sino ang may pakana ng paglalagay ng mga paskin sa pintuan ng unibersidad. Wala kayang kinalaman si Simoun sa mga paskin na ito? Subalit pansinin na nagsara ang nakalipas na kabanata na nakita ng mga mag-aaral ang karwahe ni Simoun, na malapit sa panciteria. 11 Ang pagkatakot ni Basilio ukol sa maaring pagkilos ni Kabesang Tales ay mayroong mabigat na katwiran, ito ay dahilan sa kasintahan nito ang anak na dalaga nito na si Huli.

alinsunod sa corporacion, at inaring isang tiktik at manunumbong ng ibang guro sa Facultad.12 Ginanti siya ng bating pasumala ng unang guro, na kinindatan si Basilio at malakas na sinabing: “Batid ko nang nag-aamoy-bangkay si Kapitan Tiyago; dinalaw na ng mga uwak at buwitre.”13 At pumasok sa salas ng mga propesor. Tiwa-tiwasay na si Basilio ay nangahas na magsiyasat ng iba pang bagay. Ang tanging nabatid niya ay ang pagkakatagpo ng mga paskin sa mga pinto ng Unibersidad, mga pasking ipinabakbak ng Vice-Rector upang ipadala sa Gobyerno Sibil. Sinasabing puno ng pagbabala, pagputol ng mga leeg, pagsalakay at iba pang mga pagmamatapang. Sa bagay na ito‟y nangagkukuru-kuro at nagpapala-palagay ang mga nag-aaral. Ang mga unang balita ay tinanggap nila sa bantay-pintuan, na tumanggap ng balita sa isang alila sa Sto. Tomas, at ito‟y sa isang capista naman nakabalita. Sinasapantaha na nilang magkakaroon ng mga suspenso, mga pagkapiit, atbp., at itinuturo na ang mga mapaparusahan, na dili iba‟t ang mga nasa kapisanan. Noon naalaala ni Basilio ang mga pangungusap ni Simoun: “Sa araw na magagawang kayo’y pawiin… Hindi ninyo matatapos ang inyong pagaaral…”14 “Mayroon kaya siyang nalalamang bagay?” ang tanong sa sarili, “tingnan natin kung sino ang lalong makapangyayari.”

12 Kailangang pag-aralan ito, maaring may katotohanan ang parunggit na ito ni Rizal, ukol sa pagkakaroon ng mga guro ng Medisina na ang isa sa Gawain kaya napalagay sa facultad ng medisina sa UST sa kapanahunang iyon ay maging tiktik sa makabagong kaisipan ng mga nagtuturo ng medisina. 13 Malapit ng mamatay at ang tinutukoy ng guro ay ang pagdalaw ng mga prayle upang makuhanan ng mana bago si Kapitan Tiyago. 14 Dito ay matitiyak na ang nasa likuran ng paskin ay si Simoun.

At nang makapagbalik-loob na, upang mabatid ang nararapat niyang gawin at mapakialaman din naman ang kanyang licenciatura, ay tinungo ni Basilio ang Unibersidad. Dumaan sa daang Legaspi, tumuloy sa daang Beaterio, at nang dumating sa liko ng daang ito at ng Solana ay namatyagan nga niya na tila may isang malaking bagay na nangyari. Bilang kapalit ng mga dating pulu-pulutong na masasaya at maiingay, ay dala-dalawang Guardia Veterana ang kanyang nakita sa mga bangketa na itinataboy ang mga nag-aaral na lumalabas sa Unibersidad, na ang ilan ay walang kakibu-kibo, malamlam ang mukha; ang iba‟y galit na nangagsisitayo sa dakong malayu-layo o nangagsisi-uwi sa kani-kanilang mga bahay.15 Ang kauna-unahan niyang nasagupa ay si Sandoval. Hindi pinuna ang katatawag ni Basilio; waring naging bingi. “Gawa ng takot sa katas ng bituka!” ang sinapantaha ni Basilio.16 Pagkatapos ay si Tadeo naman ang natagpuan, masaya. Tila mangyayari rin ang walang katapusang cuacha. “Ano ang nangyari, Tadeo?” “Wala tayong pasok nang hindi bababa sa isang linggo „bigan, mainam, mabuti!” At pinagkiskis ang mga kamay sa katuwaan. “Datapwa‟t ano ang nangyari?” “Ibibilanggo tayong mga kaanib sa kapisanan!” “At masaya ka?”
15 Halos ang mga kuwento ni Rizal sa piktisyosong kuwento na ito ay totoong naganap at nasaksihan niya hindi sa Maynila, kundi sa Unibersidad Central de Madrid. This occurred on 20 November at 12 noon. After more or less tumultuous scenes, we were allowed to go out one by one between two rows of soldiers. The University was closed and in the afternoon all the streets were already guarded by a multitude of policemen and civil guards; there were at least seven or eight on every street corner. 16 Ang totoo ay nagpapatawa rito si Rizal, binibigyan ni Rizal ng halos anyong naïve si Basilio sa ginawa nitong pagbibigay dahilan sa pag-iwas sa kaniya ni Sandoval. Ang hindi pagpansin ni Sandoval kay Basilio, lalo na marahil sa kaniyang mga nakasama sa panciteria ay pagpapakita ng kaduwagan ng isang Espanyol.

na

masayang-

“Walang pasukan, walang pasukan!” at lumayong hindi magkasya sa kagalakan.17 Nakitang dumarating si Juanito Pelaez na namumutla at nanganganib; ang kanyang kakubaan noon ay umabot sa lalong katambukan, nagtutumulin siya sa pag-alis. Siya‟y naging isa sa mga lalong masigasig na nagsisikap na matayo ang kapisanan samantalang mabuti ang lakad. “Eh, Pelaez, ano ang nangyari?” “Wala, wala akong nalalaman! Ako‟y walang pakialam,” ang nangingilabot na sagot, “sinasabi ko na sa kanila; iyan ay kaululan… Hindi ba gayon ang sabi ko?”

Hindi alam ni Basilio kung sinabi niya o hindi, nguni‟t sa pagbibigayloob sa kanya ay sumagot: “Oo! Nguni‟t ano ang nangyayari?” “Tunay nga ano? Tingnan mo, ikaw ay saksi; kailan man ay hadlang ako… Ikaw ang saksi, tingnan mo, huwag mong limutin!” “Oo, oo, nguni‟t ano ang nangyari?”

17 Si Tadeo na yata ang pinakamahusay na tauhan sa literatura ng Pilipinas na nagpakita ng kahalagahan ng kawalan ng pasok sa eskuwelahan.

“Tingnan mo, saksi ka! Hindi ako nakikilahok kailan man sa kapisanan kundi upang pagpaliwanagan ko kayo…baka mo ipagkaila pagkatapos! Huwag mong lilimutin, ha?” “Hindi, hindi ko itatakwil, nguni‟t ano ang nangyari, anak ka ng Diyos?” Si Juanito ay malayo na; nakitang lumalapit ang isang guwardiya at natakot na baka siya hulihin. 18 Nang magkagayon ay tumungo si Basilio sa Unibersidad upang tingnan kung bukas ang kalihiman at upang makatanggap ng balita. Nakasara ang pintuan ng Kalihiman at sa bahay na iyon ay may di-karaniwang kilusan. Akyat-manaog sa mga hagdanan ang mga prayle, militar, pulistas, matatandang abugado at mediko, upang ihandog marahil ang kanilang tulong sa may kapanganiban. Natanaw sa malayo ang kaibigan niyang si Isagani, na namumutla at bago ang anyo, taglay ang buong gilas-kabataan, na nag-uulat sa ilang kasama sa pag-aaral at inilalakas ang pagsasalita na waring walang kabuluhan sa kanya ang madinig man ng lahat.19 “Kahalay-halay mga ginoo, kahalay-halay na ang isang pangyayaring gangganiyan lamang ay makapagpatakbo sa atin at mapaalis tayong wari‟y mga langay-langayan dahil lamang sa ang panakot-upo ay gumalaw!20 Ngayon lamang ba mangyayaring ang mga binata’y mabilanggo nang dahil sa pagtatanggol ng kalayaan? Nasaan ang mga patay, nasaan ang mga nabaril? Bakit tataliwakas ngayon?”21

Sa Nagawa ni Rizal na ipakita sa pamamagitan ni Juanito Pelaez, ang mukha ng isang tao na handing iwanan ang kaniyang mga kasamahan sa ere ng kapahamakan sa paglalayon na iligtas ang kaniyang sarili.
18

Sa bahaging ito ng nobela ay ganap na pinaningning ni Rizal ang kaniyang tunay na pinakamahalagang tauhan sa nobela – si Isagani.
19

Mapapansin ang ipinahiram ni Rizal na pananalita kay Isagani ay isang sedisyosong pahayag.
20

Ipinapaalam ni Rizal na sa lahat ng henerasyon ay palaging mayroong sumusulpot na mga kabinataan na handing lumaban para sa kalayaan. Sa pamamagitan ng pananalita ni Isagani ay binibigyan niya ng lakas ng loo bang mga kabataan sa kaniyang panahon na kumilos para sa kalayaan ng bayan. Mapapansin swa bahaging ito ang transpormasyon ni Isagani mula sa pagiging isang pro-Espanyol tungo sa pagiging higit na makabayan.
21

“Nguni‟t sino kaya ang hangal na sumulat ng mga gayong paskin?” ang tanong na pagalit ng isa. “Ano ang mayroon sa atin?” ang sagot ni Isagani, “hindi natin katungkulan ang magsiyasat, siyasatin nila! Bago matanto ang ayos ng pagkakasulat ay hindi natin kailangan ang magpakita ng pagkampi sa mga ganitong sandali. Doon sa may panganib, doon tayo dapat pumaroon, sapagka’t doon naroon ang karangalan!22 Kung ang sinasabi ng mga paskin ay kasang-ayon ng ating karangalan at mga damdamin, sinuman ang sumulat ay mabuti ang ginawa, nararapat nating pasalamatan at agarin nating isama sa kanya ang ating mga lagda.23 Kung alangan naman sa atin ang ating mga budhi ay sadya nang tumututol sa anumang sumbong…” Nang madinig ni Basilio ang gayong pagsasalita, kahi’t na mahal sa kanya si Isagani ay pumihit at umalis.24 Paparoon siya sa bahay ni Makaraig upang sabihin ang tungkol sa kuwaltang hinihiram.

Ito na ang katunayan na ang mga pananalita ni Isagani ay direktang personal kaisipan ni Rizal. Ito rin ang kaniyang isinulat sa kaniyang mga kasamahan sa Kilusang Propaganda noong lisanin ni Rizal noong 1892 ang kaligtasan ng kaniyang pansamantalang paninirahan sa Hong Kong para magbalik sa Pilipinas.
22

Dito ay makikita ang kahusayan ni Rizal – tandaan na sa kabanatang ito ay sinabi niya ang mga mapagbantang nilalaman ng paskin. Sa pananalita ni Isagani ay pinasang-ayunan ito sa binata. Sino man na matalas na mambabasa ay mararamdaman ang transpormasyon ni Isagani bilang isang Elias. Nilikha ni Rizal si Isagani maging sa pasimula pa lamang ng nobela na nagtataglay ng kakaibang karisma, sa kilos, pananalitang binibitiwan at mga kaisipang ipinapahayag. Maging ang pagiging tapat na mangingibig niya ay maaring ginamit ni Rizal sa isang programadong paglikha ng isang kabataan na aangkop sa romantisismo ng pag-ibig sa bayan.
23

PANSININ: Ang isa sa mga materyales propaganda ng Katipunan na aking isinama sa pag-aaral ng kabanatang ito. May inpluwensiya kaya ang El Filibusterismo sa antiEspanyol na material na ito. Mapansin sana ang pakakalikha ni Rizal sa bahagi ng paghihiwalay nina Isagani at Basilio – Ang ina ay alagad ng literature at ang ikalawa ay alagad ng siyensiya. Dalawang katauhan na taglay ng pareho ng may-akda.
24

Sa kalapit ng bahay ng mayamang nag-aaral ay nakapuna ng mga bulung-bulungan at mahiwagang hudyatan ng mga kapitbahay. Sa dahilang hindi talos ng binata ang sanhi ng pinag-uusapan ay palagay na ipinatuloy ang kanyang lakad at pumasok sa pintuan. Dalawang bantay na beterana ang sumalubong sa kanya‟t siya‟y tinanong kung ano ang ibig. Nahalata ni Basilio na siya‟y nagbigla-bigla nguni‟t hindi na makaurong. “Hinahanap ko ang aking kaibigang si Makaraig,” ang patuloy na sagot. Ang mga tanod ay nagtinginan. “Mag-antay kayo rito,” ang sabi sa kanya ng isa, “hintayin ninyo ang kabo.” Si Basilio ay napakagat-labi, at ang mga pangungusap ni Simoun ay muling umugong sa kanyang tainga. “Hinuhuli kaya si Makaraig?” nakapangahas na magtanong. ang inisip niya, nguni‟t hindi

Hindi nag-antay nang matagal; nang sandaling yaon ay pumapanaog si Makaraig na masayang nakikipag-usap sa kabo, na kapwa pinangungunahan ng isang alguacil. “Bakit? Pati ba kayo, Basilio?” ang tanong. “Titingnan ko kayo…” “Marangal na asal!” ang sabing tumatawa ni Makaraig, “noong araw na payapa ay lumalayo kayo sa amin…” Itinanong ng kabo kay Basilio ang kanyang pangalan at tiningnan ang isang talaan. “Nag-aaral sa panggagamot, daang Anloague?” ang tanong ng kabo. Kinagat ni Basilio ang kanyang labi. “Napagtipid ninyo kami ng isang paglalakbay,” ang dugtong ng kabo, at ipinatong ang kanyang kamay sa balikat ni Basilio, “kayo‟y aming dinarakip!” “Bakit, pati ba ako?” Si Makaraig ay humalakhak. “Huwag kayong manganib, kaibigan; magkarwahe tayo, at sa gayon ay isasalaysay ko sa inyo ang hapunan kagabi.”

At sa isang mainam na kilos, na waring nasa kanyang bahay, ay inanyayahan ang auxilio at ang kabo na sumakay sa sasakyang nag-aantay sa kanila sa pinto. “Sa Gobierno Civil!” ang sabi sa kutsero. Isinalaysay ni Basilio, na nakapagbalik-loob na, kay Makaraig ang sanhi ng kanyang pagdalaw. Hindi siya binayaang matapos ng mayamang nag-aaral at siya‟y kinamayan. “Maaasahan ninyo ako, kaibigan, maaasahan ninyo ako, at sa pista ng ating investidura ay aanyayahan natin ang mga ginoong ito,” ang sabing itinuro ang kabo at ang alguwasil.25

Si Makaraig ay isang Pilipinong mayaman at may inpluwensiya sa lipunan – ito ang dahilan ng kaniyang pagiging kampante na makakaligtas sa panganib.
25

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->