You are on page 1of 12

Ang sakop ng panahong Paleolithic, na ang ibig sabihin ay Lumang Panahon ng Bato (Old Stone Age), ay nagmula noong

unang lumitaw ang tao hanggang magsimula silang magsaka noong 8000 B.K. Ang panahong ito ang pinakamahaba sa lahat ng pagkakahati-hati ng mga panahon sa kasaysayan ng mundo bago naimbento ang pagsusulat.Nagsimula at natapos ito nang kasabay ng epokang Pleistocene. Ang mga katangian ng Lumang Panahon ng Bato ay ang sumusunod: ang paggamit ng mga tao ng mga kasangkapang yari sa bato, buto, kahoy, o mga halamang nilala at ginawang mga sisidlang-basket,

ang paggamit nila ng apoy, ang pangangaso nila at pangunguha ng gulay bilang pagkain,

ang pagsusuot nila ng mga damit na gawa mula sa mga balat ng hayop, ang paminsan-minsan nilang pagtulog sa mga kuweba, samantalang nagtatayo rin sila ng magagaspang na kubong maaaring tulugan o gawing kanlungan mula sa hangin, at ang kawalan ng mga nagsasaka, agrikultura, o mga hayop na inaalagaan.

Ang Panahon ng Bato o Stone Age [ Ingles ] ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang nasusulat na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng mga bato para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato (Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko). Nagmula ang lithic o litiko mula sa salitang Griyego na nangangahulugang "ng bato" at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga mamamayang namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng "panahon ng bato". Ilan sa mga halimbawa ang mga aborihines (aborigene) ng Australya at ang mga Taong-Palumpong (Bushmen, mga "tao ng palumpong") ng Timog Aprika.

May natuklasang butu-buto ng 3 tao sa kuweba sa Tabon [Tabon cave], sa Palawan, na nabuhay 24,000 taon SN. Sabi ng mga nag-agham sa ninuno [anthropologists] na sila ay taong kasalukuyan [homo sapiens] at hindi mga unang tao. Maaari daw na kauri sila ng mga unang katutubo o aborigines ng Australia, ang Koorina dumayo mula Asia 60,000 taon nakaraan, at ng Japan, ang Ainu na dumating duon 3 o 4 na libong taon [may nagsasabing 10,000 taon] SN. Ang katunayan ay may tao na sa Pilipinas 24,000 taon SN, kung hindi man higit na maaga pa. Ang katotohanan ay walang nakaaalam kung ano sila, maliban sa hindi sila Negrito.

Ayon kay Robert Fox, isa sa mga nag-agham sa unang Pilipino, may tao na sa Pilipinas kalahating milyon taon SN. Ang mga natuklasang gamit at butu-buto sa Palawan, sabi niya, ay pahiwatig na ginamit ang pulo bilang landas mula sa timog ng mga unang tao, kahit na tantiyang 50,000 taon lamang ang tanda ng mga natuklasan. Hindi raw nagbago ang anyo ng mga gamit na bato mula pa nuong panahon ng bato[Paleolithic Age] na nagsimula 500,000 taon SN kaya, saliw sa pagkakaroon ng taong Java mahigit 1 milyon ang taon SN, maaaring namuhay ang mga ito sa Pilipinas nuong unang panahon.

Ang Homonisasyonat Sapiyentisasyon. Ang homonisasyon ay nagsasaad ng biyolohikal na ebolusyonng isangindibidwa l , samantal ang ang sapiyent isasyon ay n akatuon sa pagh ubog ng kasanayan sapam umuh ay ng t ao. Ayon s a teoryang ebolusyo n, ang isang indibidwal ay unang naging b akulaw o Ramapithecus, mala-bakulaw oAustralopithecus, Homo habilis,Homo erect, at Homo sapiensb a g o p a m a n n a g i n g g a n a p n a t a o o Homo sapien sapiens.

Sa mahabang panahong pag-unlad ng kaanyuan ng tao, unti unting nabuo ang natatanging kultura. Nagingmahalagang salik ang biyolohikal na ebolusyon ng tao sa pagbuo ng kanilang kultura sapagkatnatutuhan ng sinaunang tao ang pagkakaroon ng isang pamilya at mga kasanayan na maaarinilang kailanganin upang mabuhay. Isang halimbawa ang ebidensyang nakalap sa mga yungib o k u w e b a s a P i l i p i n a s n a n i l i k h a n g m g a Hom o sapiens.Isang mahal agang bagay ang pagkakatuklas ng Yungib Manunggul sapagkat kakikitaan ito ng mga pruwebang nagkaroon ngang maagang kultura ang sinaunang tao tulad ng palayok manunggul at mga kasangkapang gawasa jade, agate at kabibe.

Ang Tapayan sa Manunggul ay isang banga na ginamit sa paglilibing ng mga sinaunang tao sa Palawan noong 890710 BK. Ang banga ay ukol sa sekondaryang paglilibing kaya mga buto lamang ng yumao ang laman nito. Itinuturing itong Pambansang Kayamanan ng Pilipinas at makikita rin sa likod ng 1000 libo na salapi.Nahukay sa yungib ng Manunggul, Lipuun Point, Palawan ang nasabing banga, at nitong Pebrero 2008 ay sinusubok muling halukayin ng mga dayong mananaliksik na Pranses sa mga baybayin ng Lipuun.

Sa simula, ang kalakalan ng ating mga ninuno ay sa mga tagaibangbarangay lamang. Nakararating ang mga taga-Luzon sa iba't ibang lugarng bansa para ipagpalit ang kanilang mga produkto. Ang mga barangayna nasa baybay-dagat ang naging lugar ng kalakalan.Sa katagalan, ang mga dayuhang Tsino at Arabo ay nakipagkalakalan narin. Unang nakipagkalakalan ang mga Arabo sa mga ninuno natin saJolo. Pinapalitan nila ng tela, metal, at iba pang bagay ang bigas, bungang-kahoy at pampalasa na produkto ng ating mga ninuno.Masasabi natin na nakikipagpalitan ng kalakal (barter trade) ang atingmga ninuno. Ito ay ginaganap sa mga barangay sa baybayin.

Bago dumating ang mga Kastila, gumagamit ang sinaunang Pilipino ng gintong palamuti para sa mga sa namatay. Ang mukha ng namatay ay tinatakpan ng pirasong ginto. Tinatakpan ang mga mata, ang ilong at ang bibig ng pirasong ginto. Dalawang pirasong ginto ang hinihiwa ng manggagawa. Ang unang piraso ay pinapatong niya sa isang malambot na bagay tulad ng putik o waks. Idinidiin niya ang dulo ng matulis na kasangkapan sa ginto upang ito ay magkaroon ng disenyo. Sa bawat mata ay iba-ibang disenyo ang inilalagay. Hinuhulma rin niya ang pangalawang pirasong panakip sa ilong.

Sa arkeolohiya, ang Panahon ng Bakal ay ang yugto ng kaunlaran ng sinumang tao na namamayani angbakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata. Kadalasang sumasabay ang mga ganitongpaghiram sa mga ibang pagbabago sa lipunan, kabilang ang mga magkakaibang pagsasanay sapagsasaka, mga paniniwalang pang-relihiyon at mga malasining mga istilo. Ito ang panahon matapos angPanahon ng Neolitiko o Panahon ng Bagong Bato. Ito'y tumagal hanggang 1,000 taon pagkasilang niKristo (A.D.). Ang mga ninuno ay natuto nang gumamit ng mga kasangkapan at kagamitang yari sa tanso,bakal at ginto

Ang sinaunang bangka ay isang uri ng sasakyang pandagat na yari sa makapal na tabla at talasukan ang anyo ng gilid. Ang makakapal na tabla ay yari sa matitigas na kahoy katulad ng doongon (Heriteriera littoralis). Ang bangka ay maaring mag-upo ng 25 katao at kaya nitong maglakbay sa malalayong lugar. Ang pamamaraan ng paggawa ng bangka ay kilala mula sa Scandinavia hanggang sa Timog Pasipiko noong ikatlong siglo. Sa kasalukuyan, ang pamamaraang ito ay ginagamit pa rin sa isla ng Sibutu sa timog na bahagi ng Pilipinas.

Ang kaunaunahan sinaunang guhit sa bato na masusing pinagaralan ay yaong mga natagpuan sa pag-itan ng Angono at Binangonan, Rizal. Ang pook ay isang kanlungang bato o mababaw na kweba na may 63 metro ang lapad, 8 metro ang lalim at 5 metro ang pinakamataas na sukat. Isang daang dalawamput-pitong guhit ng tao ang nakakalat sa pader. Ang mga ito ay inukit sa mukha ng kanlungang bato sa pamamagitan ng pirasong bato. Ang mga ukit ay may lalim na 10 centimetro hanggang sa malabong guhit. Binubuo ang mga larawan ng bilugang ulo na mayroon o walang leeg at nakapatong sa rektanggulo o korting V na katawan. Ang linya o guhit ng braso at binti ay kadalasang nakabaluktot. Ibat-iba ang nakaukit sa bato, may trayanggulo, may rektanggulo at may bilog. Ang sining sa bato ay iniugnay sa paniniwala ng isang tanging grupo ng tao. Ito ay simbolo at hindi dekorasyon. Bihira ang sining na ito sa Pilipinas.

You might also like