P. 1
Wikang Filipino 2

Wikang Filipino 2

|Views: 86|Likes:

More info:

Published by: Maria Lourdes Pobeda on Jul 29, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/29/2012

pdf

text

original

Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo.

Bawat isa sa mga grupong ito ay may kani-kaniyang sariling wika. Ayon kay Dr. Ernesto Constantino (Magracia at Santos, 1988:1) mahigit sa limandaang (500) mga wika at wikain ang ginagamit ng mga Pilipino. Sa ganitong uri ng kaligiran, isang imperatibong pangangailangan para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng isang wikang pambansang magagamit bilang instrumento ng bumibigkis at simbolo ng ating kabansaan o nasyonalidad. Sa panahon ng Kastila, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga dayuhan ang mga katutubo. Napanatili nila sa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino nang humigit-kumulang sa tatlongdaang taon. Hindi nila itinamin sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng kanilang mga damdamin. Sa halip, ang mga prayleng Kastila ang mga nag-aral ng katutubong wika ng iba’t ibang etnikong grupo. Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon sa panahong yaon; ang naturang wika ang siyang ginamit ng mga prayleng Kastila sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga katutubong Pilipino. Hindi rin itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika, ang wikang Kastila, sa mga katutubo na takot na magkabuklud-buklod ang mga damdamin ng mga mamamayan at mamulat sa tunay na mga pangyayaring nagaganap sa kanilang lipunan at tuloy matutong maghimagsik laban sa kanilang pamamahala. Sa panahon ng Propaganda (1872), Tagalog ang wikang ginamit sa mga pahayagan. Pinagtibay ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899 ang wikang Tagalog bilang wikang opisyal. Sa panahon ng Amerikano, Ingles ang wikang ginamit na midyum ng pagt5uturo sa mga paaralang-pampubliko. Bukod sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo, ang mga paksang pinag-aralan sa loob ng klase ay tungkol sa mga Amerikano, ang kanilang kasaysayan, literatura, kultura, ekonomiya at pulitika. Sa panahong ito, ipinagbawal ang pag-aaral sa ano mang bagay na Pilipino kaya interesado ang mga estudyante sa mga bagay na may kaugnayan sa Pilipino. Higit nilang tinangkilik ang mga bagay na Amerikano. Ito ang simula ng pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad ng mga katutubong mamamayan na naman at itinaguyod ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Noong 1925, sa pamamagitan ng sarbey ng Komisyong Monroe, napatunayang may kakulangan sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan, subalit wala namang pagbabagong ginawa.

ang bise gobernador-heneral na siya ring kalihim ng pambayangt pagtuturo ay nagpanukalang gawing bernakular ang pagtuturo sa primarya.Noong 1931. Tagalog ang wikang ipinanlaban sa wikang Ingles. nobela. ekonomiko at pulitikal na sistema ng buhay ng mga Pilipino. Ikalawa. 1988). Nakalimutan ng mga maka-Ingles ang naibibigay na kahalagahan ng isang bernakular na wika sa pagpapaunlad at pagpapasulong ng kultural. makakamit mo ang mataas na posisyon sa gobyerno. maraming sumulat tungkol sa gramar ng Tagalog. Ang mga nasabing manunulat ay gumawa ng librong panggramar sa Tagalog upang mapalaganap ang wika (Rubin at Silapin. bilang wikang pambansa (Rubin at Silapan. Sumasang-ayon ang maraming delegado sa iba’t ibang panig ng kapuluan na dapat wikang bernakular ang maging wikang pambansa ngunit matatag na sinalungat ito ng mga tumataguyod sa wikang Ingles. Sa mga panahong pinagtatalunan ang problema tungkol sa wika. watak-watak din sila dahil bawat isa’y sariling literatura at kani-kaniyang wika ang binibigyangpansin. Kung komersiyo naman ang pag-uusapan. naniniwala pa rin silang ang mahuhusay lamang magsalita ng Ingles ang maaaring makipagnegosasyon. at higit na lahat. Noong 1934.sumulat sila tungkol sa iba’t ibang sangay ng panitikan tulad ng: sanaysay. Wala pa ring naging kalutasan sa problema tungkol sa wika dahil ipinaglaban at pinangatawanan ng Kawanihan ng Pampublikong Paaralan ang paggamit ng wikang Ingles. si Butte. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wikain sa Pilipinas. Hindi kayang labanan ng mga tumatangkilik at nagmamahal sa wikang katutubo ang puwersang tumataguyod sa wikang Ingles sa dahilang walang pagkakaisa ang mga nasabing grupo. Quezon . kasama na nag paggawa ng diksyunaryo. tula at dula. Ngunit nabanaagan ng tagumpay ang mga nagmalasakit sa sariling wika nang magmungkahi ang grupo ni Lope K. 1989:7). Para sa mga maka-Ingles. Ang manunulat ay gumawa ng mga hakbang upang punahin ang wikang Ingles (Magracia at Santos. Ang mungkahing ito ay sinusugan naman ni G. maikling kuwento. Nais nilang ipakitang ang wikang Tagalog ay isang mayamang wika na maaaring gamitin bilang wikang panturo. Matatag namang sinalungat ito nina Rafael Palma at Cecilio Lopez. Kung tutuusin. 1989:6). Ikatlo – nahati ang mga manunulat sa dalawang grupo. lubusang pinag-usapan sa Kumbensyong Konstitusyunal ang hinggil sa wika. ang nasabing wika ang magsisilbing – daan sa paghahanap ng trabaho. manunulat sa panitikan at manunulat sa wika. Naniniwala ang maka-Ingles na kapag marunong kang magsalita ng banyagang wikang ito. Una – bumuo sila ng mga samahang pupuna sa wikang Ingles. Manuel L.

Ayon kina Prop.IIT (1988. at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino. Fonacier – Ilokano Filemon Sotto – Cebu Felix S. Sa pag-aaral na isinagawa ng mga kagawad ng Surian. Angelina Santos ng MSU.” Nagkaroon ng maraming talakayan hinggil sa isyung kung sa anong wika ibabatay ang pagpili ng wikang pambansa na hindi magkakaroon ng negatibong saloobin ang ibang etnikong grupo. pumasa at umayon sa pamantayang kanilang binuo. Solas Rodriguez – Hiligaynon Hadji Butu – Muslim Casimiro F. kanilang napagkasunduan na Tagalog ang gawing batayan ng wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma. Veyra – tagapangulo. Hangga’t hindi itinatakda ng batas. ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na wika. Ang ilang pamantayang nabuo ng lupon na nasasabing . mekanismo. Ang pagsusog na ginawa ng pangulo sa nasabing mungkahi ay nakasaad sa probisyon sa Artikulo XIV ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1935: “ Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na bata sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.na sa panahong yaon ay president ng Komonwelt ng Pilipinas. pinagtibay ng Asemblea ng Komonwelt ng Pilipinas ang Batas Komonwelt Bilang 184 na nagtatag ng isang Surian ng Wikang Pambansa na ang tanging gawain ay ang pag-aaral ng mga wikang pangunahing ginagamit sa Pilipinas at pumili ng isang panlahat na wikang pambansa batay sa isa sa pinakamaunlad na umiiral na katutubong wika ayon sa balangkas . Emma Magracia at Prop.7) batay nga sa probisyon ng 1935 Konstitusyon. Perfecto – Bicol Maoobserbahan na ang mga miyembro ng Surian ay mula sa iba-ibang rehiyon at kumakatawan sa ilang pangunahing wika sa Pilipinas. kumakatawan sa Samar Cecilio Lopez – kalihim. Ang mga miyembrong naatasan ng Surian upang magsagawa ng pag-aaral ay binubuo nina: Jaime C. kumakatawan sa rehiyong Tagalog Santiago A.

Higit na binigyang-halaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa panahong ito. Araw ng Pagsasarili. Romero. Pinili ang linggong ito para sa pagdiriwang bilang parangal kay Francisco Balagtas dahil Abril 2 ang kaarawan ng makata. Naging popular na wika ito. ginawang mga opisyal na wika ang Tagalog at Niponggo. sinimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paarang pampubliko at pribado. Lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 noong Disyembre 30. Noong Hulyo 4. Masasabing naging maningning. sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na ipinalabas ni G. Pinalitan ang dating katawagang Wikang Tagalog sa Wikang Pilipino Bilang wikang pambansa noong Agosto 13. sentro ng kalakalan at wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan. wikang Tagalog ang ginamit na midyum ng pagtuturo. 1940. binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramar ng wikang pambansa. Itinuro rin ang wikang NIponngo o Hapon sa lahat ng antas. isinubmite ng miyembro ng Surian ang anilang rekomendasyon kay Presidente Quezon na Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang pambansa. Itinaon ang nasabing pagdiriwang sa araw ng kapanganakan niya. Ipinagbawal din ang paggamit ng lahat ng mga libro at peryodikal nauukol sa Amerika. ang mga dokumentong panggobyerno tulad ng panunumpa sa trabaho. nagkabisa ang kautusang ito. Ang wikang pambansa sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay nagkaroon ng pagsulong dahil ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa ano mang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Noong Nobyembre 9. Noong Abril 1. wika ng sentro ng edukasyon. 1951. Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 12 na nilagdaan ni Presidente Ramon Magsaysay noong Marso 26. ipinahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog batay sa Batas Komonwelt Bilang 570. makaraan ang dalawang taon. 1959. Nagsimula ang pagdiriwang mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon. 1989:9 ) ay wika ng sentro ng pamahalaan. Jose E. Lahat ngtanggapan at gusali ng gobyerno ay pinangalanan sa Pilipino. namulaklak at umunlad ang wikang pambansa sa panahon ng mga Hapones. pasaporte at visa ay nakasaad sa . Quezon na siyang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa. 1946. ang pagdiiwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay inilipat mula Agosto 13 hanggang Agosto 19 taun-taon bilang parangal sa dating Presidente Manuel L. Sa panahong ito nabalam na naman ang pagpapaunlad sa wikang pambansa dahil muling namayagpag ang wikang Ingles bilang midyum ng komunikasyon sa mga pahayagan at pamahalaan. 1937. sa bisa ng Proklamasyon Bilang 186 na ipinalabas ni Presidente Ramon Magsaysay rin. Sa sumunod na taon. Noong Hunyo 19. ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa. ang dating kalihim ng Edukasyon. 1939.maihahanay ang Tagalog sa istandard nito ay tulad ng : ang wikang pipiliin ( Rubin at Silapan. 1940. Sa bisa ng Ordinansa Bilang 13. Nang magbukas ng paaralang pampubliko ang mga Hapones.

ay nagsasaad: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo. Seksyon 7. Ang nasabing Artikulo IV. Ginamit na rin ang wikang Pilipino sa iba’t ibang lebel ng edukasyon pati na rin sa mass media tulad ng telebisyon. Marami pa ring sumasalungat sda pagkakapili sa naturang wika bilang simbolo n gating kabansaan. komiks. naging mainit na isyu ang probisyong pangwika hanggang sa ang naging resulta ng maraming pagtatalo at pag-aartal ay ang probisyong Seksyon 3 (2) ng Artikulo XV sa kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas: Samantalang ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na kikilalaning Filipino. Matutunghayan sa Artikulo XIV. ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Masasabing isinilang na ang Filipino. magasin at dyaryo.” . 1986.Pilipino. Noong Oktubre 12. binuo niya ang Komisyong Konstitusyunal ng 1986. pinagtibay ng Komisyon ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. ang probisyon tungkol sa wika na nagsasaad: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa dapat pagpasiyahan ng Kongreso. Samantalang nililinang. Sa kabila ng mga pagbabagong-ito. radio. Seksyon 6. hindi pa rin matanggap ng ibang sector ang Pilipino bilang wikang pambansa. dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang pagggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa 1972 Kumbensyong Konstitusyunal. ang bagong katawagan sa wikang pambansa ng Pilipinas simula pa noong 1972 sa Kumbensyong Konstitusyunal at pormal na pinagtibay noong 1973 Konstitusyon ngunit hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay at pambansang pag-iimplementa nito. Ang nasabing komisyon ay may 48 miyembro. ang pamuhatan ng mga korespondensya opisyal ay nakasulat sa Pilipino o d kaya ay katumbas sa Pilipino. ang mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon. Sa panahon ni Presidente Aquino.

serye ng 1987. serye ng 1987. ang dating Sekretarya ng Edukasyon. 1987. niratipika ng mga mamamayang Pilipino ang probisyon ng 1986 Konstitusyon at tinawag itong 1987 Konstitusyon. na pinamagatang “Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987. lumabas ang kasunod na Kautusang Pangkagawaran Bilang 54. Ofelia J. 1987.” Noong Mayo 27. 1987.” May utos din si Gng. nagpalabas si Dr. at naglalahad ng mga dapat isagawa ng iba-ibang ahensyang pang-edukasyon sa Pilipinas para sa implementasyon ng Patakaran sa edukasong bilinggwal ng bansa. sa mga korte. sa mga eskwelahan. Wika nga ng dating Presidente. ang malaking katanungang nangangailangan ng kasagutan ay: Saan nakasalalay ang tagumpay ng pagkakasabatas ng Wikang Filipino? Ayon kina Prop.“Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic. Ang nasabing patakaran ay may nakalaang mga insentibo at mga karagdagang sahod. Lourdes Quisumbing. sa Kongreso. Nagpalabas siya ng suporta sa pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Aquino ay nagpakita ng suporta sa pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. at ahesya ng Pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kinakailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon. mga gusali at mga karatula sa mga opisina ay dapat na isalin sa Filipino. serye ng 1988. upang magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo ng anumang asignatura. Corazon C. Aquino noon na ang mga opisinang pampubliko. May pangangailangan ding matuto ang mga guro ng Filipino sa lahat ng lebel ng edukasyon sa buong bansa. Rubin at Dr.” . Ang dating Presidente ng Pilipinas. “Ang pagpupunyaging gamitin ang Filipino sa pamahalaan ay makakatulong sa sambayanan na maintindihan at lalong pahalagahan ang mga programa ng gobyerno kasama na ang mga proyekto. at sa iba pang mga ahensya o institusyon. Ligaya T. kawanihan.” Noong Pebrero. Kultura at Isports ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 32.” Ang nasabing patakaran ay nagsasaad ng “pagpapalaganap ng Filipino bilang wika ng literasi” at ang paggamit ng Ingles bilang “di-eklusibong wika ng siyensya at teknolohiya. Noong Mayo 21. na pinamagatang “Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa Edukasong Bilinggwal ng 1987” . Silapan ng Unibersidad ng Pilipinas . departamento. Nagpalabas siya ng Atas Tagapagpaganap Bilang 333.” Bilang pangwakas. si Gng. komunikasyon at korespondensya. na “nag-aatas sa lahat ng kagawaran. opisina. “Ang tagumpay ng Wikang Pambansa ay nakasalalay sa kamay ng mga namamahala ng bansa.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->