P. 1
Ano Ang Kwento

Ano Ang Kwento

|Views: 788|Likes:
Published by Mikki Eugenio
Maikling Kwento May mga kilalang uri ng pantikang naratibo sa bansa tulad ng mga kwentongbayan at epiko. Ngunit ang maikiling kwento o short story ay bago pa lamang sa ating bansa, moderno at Kanluranin ang anyo. Ito ay kilala sa pagiging maikli at sekular na uri ng prosa. Nagsimula lamang tumubo ito sa ating bansa sa huling mga taon ng ika-19 na siglo, sa lahat ng mga pangunahing wika sa bansa. Sa Cebuano, kilala ito sa tawag na sugilanon, salita sa Kapampangan at sarita sa Ilocano. Noong panah
Maikling Kwento May mga kilalang uri ng pantikang naratibo sa bansa tulad ng mga kwentongbayan at epiko. Ngunit ang maikiling kwento o short story ay bago pa lamang sa ating bansa, moderno at Kanluranin ang anyo. Ito ay kilala sa pagiging maikli at sekular na uri ng prosa. Nagsimula lamang tumubo ito sa ating bansa sa huling mga taon ng ika-19 na siglo, sa lahat ng mga pangunahing wika sa bansa. Sa Cebuano, kilala ito sa tawag na sugilanon, salita sa Kapampangan at sarita sa Ilocano. Noong panah

More info:

Published by: Mikki Eugenio on Aug 01, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/19/2012

pdf

text

original

Maikling Kwento May mga kilalang uri ng pantikang naratibo sa bansa tulad ng mga kwentongbayan at epiko.

Ngunit ang maikiling kwento o short story ay bago pa lamang sa ating bansa, moderno at Kanluranin ang anyo. Ito ay kilala sa pagiging maikli at sekular na uri ng prosa. Nagsimula lamang tumubo ito sa ating bansa sa huling mga taon ng ika-19 na siglo, sa lahat ng mga pangunahing wika sa bansa. Sa Cebuano, kilala ito sa tawag na sugilanon, salita sa Kapampangan at sarita sa Ilocano. Noong panahon ng mga Espanyol, may mga umusbong na maikling kwento sa anyo ng mga ejemplo o halimbawa na makikita sa mga novena, sermon at ibang uri ng babasahing pangrelihiyon. Madalas nagbibida ito ng mga buhay ng mga santo kagaya ng Cassayoran sa Quinabuhi at Ang Suga. Sa pagdating ng mga huling taon ng ika-19 na siglo, nagsimula nang umusbong ang mga cuadros, mga kwentong naglalaman ng mga sekular na tema at mga kuntemporaryong usapin na hiwalay sa mga babasahin ng simbahan. Ngunit dahil sa kawalan ng mga imprenta, hindi kumalat ang mga ito hanggang noong taon 1900. Noong pagdating lamang ng ika-20 siglo nagsimulang umusbong ang maikling kwento bilang isang hiwalay na uring panitikan, gaya ng dagli, pinadalagan at instantanea. Sa pagdaan ng panahon, ang temang romatiko nito ay napalitan ng protesta laban sa mga Amerikano at mga prayle. Lumitaw ang mga dagli sa mga pahayagan tulad ng Muling Pagsilang at Taliba, at sa magasin na Liwayway na nagsimulang nailathala noong 1922. Sa mga babasahing ito nakilala sina Lope K. Santos, Amado V. Hernandez at iba pa. Nagsimula ding magsulat ang ibang manunulat sa Ingles, gaya nina Vicente M. Hilario at Paz Marquez - Benitez. Ilang taon ang lumipas ay pinanganak ang ibang mga magasin na nagtatampok ng mga maikling kwento tulad ng Bisaya, Hiligaynon at Bannawag. Kung noon ay naglalaman lang ito ng mga salin mula sa Tagalog, kinalaunan ay naglathala na ito ng mga maikling kwento na naisulat sa katutubong wika. Sa pagdating ng 1930 ay nagsimulang magbago ang mga naisusulat na akda, marami sa mga ito ay nagbibigay pansin sa mga isyung panlipunan, di tulad ng mga sentimental at madramang mga akda ng nakaraang dekada. Nakilala sa mga manunulat ng maikling kwento sila Genoveva Edroza Matute, Juan C. Laya, Jose

Garcia Villa, Brigido Batumbakal at Nick Joaquin. Sa pagdating ng giyera, sumikat naman ang mga akda nina Narciso Reyes, N.V.M. Gonzales at Liwayway Arceo. Makikita sa kanilang mga akda ang pagsunod sa mga nakasanayan, na may pokus sa mga tunggalian sa pagitan ng tradisyon at pagunlad, at ang konsepto ng pag-ibig, kawalan ng hustisya at materyalismo. Sa pagdating ng dekada sisenta, nagsimulang magsulat ang mga kwentista ng mga akdang repleksyon ng mga problemang panlipunan at ekonomiko ng Pilipinas, tulad ng kay Manuel Ocampo, Eduardo Reyes, Ponciano P. B. Pineda, Andres Cristobal Cruz at Rogelio Sicat. Iba-iba ang dating ng mga akdang naisulat: marami ay may liberal na pagtingin habang ang iba ang naturalistiko at negatibo ang pagkakasulat. Ngunit habang palapit ang Martial Law, nagbago ang ideolohiya patungo sa Marksismo at Maoismo, repleksyon ng tumitinding paglakas ng mga maka-Kaliwa. Marami sa mga akda ay nagnanais na ipakita ang tunggalian sa pagitan ng mga uri, mga isyu ng lipunan, paglaban sa neo-kolonyalismo at hiling ng isang lipunang walang uri. Naniniwala ang mga manunulat noon na ang mga manunulat ay may tungkulin na palayain ang lipunan sa pamamagitan ng kanilang mga akda. Ngunit naputol ang lahat nang dineklara ang Martial Law noong 1972, kung saan marami sa mga manunulat ang dinukot, pinatay o nawala na lamang bigla. Tanging mga pahayagan at akdang pasado at may magandang imahe ng pamahalaaang Marcos ang pinayagang mailathala, tulad ng nasa magasing Focus Philippines. Nalimitahan ang mga manunulat sa mga paksa tulad ng Bagong Lipunan at Green Revolution, o kaya namang mga akdang may temang sekswal. Bagamat bawal, lumabas ang mga peryodikong tulad ng Ulos at Kamao na naglalathala ng mga akda patungkol sa mga abuso ng rehimen at mga tunggalian sa lipunan. Sa pagkakatalsik ng rehimeng Marcos at pagbabalik ng demokrasya sa bansa, muling lumabas ang mga iba't ibang pahayagan at peryodiko na naghimok sa mga kwentista na magsulat muli. Lumabas din ang iba't ibang parangal para sa kanila, tulad ng Gawad Ka Amado Hernandez at Gantimpalang Ani, bukod pa sa ibinibigay ng Cultural Center of the Philippines at Gawad Carlos Palanca. Ang mga kwento pagkatapos ng rehimeng Marcos at makikitaan ng pokus sa mga bagong isyung panlipunan na may personal na tono, tulad ng pangingibang-bayan,

giyera sa Mindanao at laban sa NPA, peminismo, at ang pagsasapulitikal ng simbahan. Lumabas din ang mga akdang nagpapakita ng tunggalian sa pagitan ng buhay sa lungsod at sa nayon. Nakilala sa panahong ito ang mga akda nina Bienvenido Santos, Conrado de Quiros, Lualhati Bautista, Fanny Garcia, Rolando Tolentino, Ely RuedaGuieb at marami pang iba. Mga Uri ng Maikling Kwento 1. Kababalaghan - mga kwentong ginawa upang manakot ng mambabasa at kinakasangkapan ito ng mga madalas na kinakatakutan tulad ng halimaw, multo at mga kababaliwan. 2. Misteryo - umiinog sa paglutas ng espiya o mga palaisipan tulad ng kamatayan o aksidente. 3. Krimen - tinatalakay ang misteryo, imbestigasyon at paglutas sa mga karimarimarin na krimeng nararanasan ng isa o grupo ng tao. 4. Thriller - kathang makapigil-hininga dahil gumagamit ng panggulat at pambitin 5. Kathang Siyensya - katha tungkol sa bentahe ng teknolohiya at epekto ng siyensiya sa ibang lipunan. 6. Romansa - kinatha bilang aliwan ng babae ukol sa pakikipagsapalaran sa pakikipagkaibigan, pakikipagkasintahan at maging buhay mag-asawa. 7. Kathang Pambabae - mga kwentong hitik sa katatawanan tungkol sa buhay pag-ibig ng mga modernong babae sa kasalukuyan. Mga Elemento ng Maikling Kwento 1. Banghay - burador o buod ng kwento. Ito ang gabay na sinusundan ng isang kwentista sa kanyang pagsisimula. 2. Tunggalian - labanan, salpukan at banggan ng mga lakas ng mga tao o kaya puwersa ng kapangyarihan. Dito nakabatay ang aksyon ng mga tauhan sa akda. 3. Tema - mga inspirasyon o motibasyon ng manunulat upang magkwento 4. Tauhan - tumutukoy sa mga personalidad ng mga tauhan na inilalarawan o kinakatawan sa kwento. 5. Tagpo - ang lunan kung saan nagaganap at ang panahon kung kailan

nagaganap ang pinangyayarihan ng narartibo o galaw sa akda. 6. Diyalogo - kumbersasyon, pag-uusap o pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa o higit pang tao sa isang naratibo. 7. Panauhan - perspektibo, posisyon, o pagtinging pinagmumulan ng kwentong isasalaysay o susulatin para sa mambabasa Mga Kilalang Kwentista  Eugene Y. Evasco  Rosario de Guzman - Lingat  Liwayway A. Arceo  Eli Rueda Guieb III  Rogelio Sicat  Edgardo M. Reyes  Ponciano Pineda  Conrad de Quiros  Rolando Tolentino  Bienvenido Santos  Luwalhati Bautista Talambuhay ni Amado V. Hernandez Si Amado V. Hernandez ay isang makata at manunulat sa wikang Filipino. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa" dahil sa kanyang pamumuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang pagsusuri sa mga kawalan ng katarungan para sa kanila. Ipinanganak siya sa Hagonoy, Bulacan, ngunit siya'y lumaki sa Tondo, Maynila kung saan siya nakapag-aral. Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Nagsimula siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa pahayagang Watawat na nasundan ng kanyang pagsulat sa ibang pahayagan. Noong 1922, napabilang siya sa

Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus. Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang nakulong, at habang nasa kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula. Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang aklat na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Noong 1973, ginawaran siya ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Mga Sanggunian:  Evasco, Eugene at Ortiz, Will. Palihan: Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. (C & E Publishing, 2008)  "Amado V. Hernandez", Wikipilipinas. (http://fil.wikipilipinas.org/index.php? title=Amado_V._Hernandez)

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->