P. 1
Ano Ang Sanaysay

Ano Ang Sanaysay

|Views: 15,374|Likes:
Published by Mikki Eugenio
Sanaysay Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng pantikan na hindi mauubusan ng gamit. Iba-iba ang maaring maging porma nito. Maaring personal, na parang nakikipagusap, o kaya naman analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ng pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa upang magpahayag ng katotohan o kaya mga karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli o mahaba, at walang hadlang sa dami ng mga maaring isulat bilang isang sanaysay. Iba-iba rin ang maaring paraan ng pagsusulat ayon sa perso
Sanaysay Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng pantikan na hindi mauubusan ng gamit. Iba-iba ang maaring maging porma nito. Maaring personal, na parang nakikipagusap, o kaya naman analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ng pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa upang magpahayag ng katotohan o kaya mga karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli o mahaba, at walang hadlang sa dami ng mga maaring isulat bilang isang sanaysay. Iba-iba rin ang maaring paraan ng pagsusulat ayon sa perso

More info:

Published by: Mikki Eugenio on Aug 01, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/23/2015

pdf

text

original

Sanaysay Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng pantikan na hindi mauubusan ng gamit.

Iba-iba ang maaring maging porma nito. Maaring personal, na parang nakikipagusap, o kaya naman analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ng pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa upang magpahayag ng katotohan o kaya mga karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli o mahaba, at walang hadlang sa dami ng mga maaring isulat bilang isang sanaysay. Iba-iba rin ang maaring paraan ng pagsusulat ayon sa personalidad ng may-akda. Nagmula ang salitang sanaysay sa makatang si Alejandro Abadilla, na nangangahulugang " pagsasanay sa pagsusulat ng isang sanay o nakasulat na karanasan." Nahahati ito sa dalawang uri ayon kay Genoveva Edroza Matute:  palagayan / impormal - malikhaung paghahayag ng saloobin mula sa mga personal na karanasan o obserbasyon sa mga bagay sa paligid.  maanyo / pormal - diskusyon ng mga seryosong paksa batay sa pagsasaliksik at pag-aaral ng mga impormasyon. Maari ring igrupo ang sanaysay bilang satirikal, pulitikal, panlipunan pangkasaysayan, pilosopikal, ispiritwal, inspirasyonal, pampanitikan o patawa, ayon kay Abadilla. Ngunit madalas na naghahalo ang mga anyong ito. Kasaysayan ng Sanaysay Nang nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, nagsikap ang mga mananakop, sa tulong ng mga pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon at wika na maaring ituro sa mga katutubo. Ilan sa mga ito ay ang Declaracion de los mandamientos de la ley de dios, isang paliwanag ukol sa Sampung Utos at ang Arte y reglas de las lengua tagala na nagsaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ng wikang Tagalog. Maitututing na unang sanaysay na sinulat ng isang Pilipino ay ang Librong PagAaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila ni Tomas Pinpin. Dito ay sunodsunod nang natuto ang mga tao ng mga prosa, tulad ng apuntes (memoirs) at informes (accounts). Kahit na pangpersonal lang ang mga ito kadalasan, mababasa din dito ang ilang mga isyu sa pulitika, relihiyon at ekonomiya.

Sa pagsisimula ng Samahang Repormista, nagsimula ang mga manunulat na magsulat ng mga sanaysay na naglalabas ng mga pang-aabuso ng mga mananakop, at humihiling sa mga Pilipino na kumilos laban dito. Ilan sa mga nakilalang manunulat noon ay si Fr. Jose Burgos, Pedro Paterno at Marcelo H. del Pilar. Si Jose Rizal ay nagsulat din ng mga sanaysay na naging batayan sa kanyang mga pampubikong pananalita. Sa panahon ding ito lumabas ang La Solidaridad na naglilimbag ng mga sanaysay at artikulo ng mga repormista. Nang nagsimula ang rebolusyon, naiba ang hangarin ng mga manunulat patungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban sa mga Kastila. Nagsimulang isulat ang mga salaysay gamit ang mga katutubong wika. Una sa mga ito si Andres Bonifacio, ang lider ng Katipunan, tulad ng kanyang mga akdang Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog at Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan. Sila Emilio Jacinto at Apolinario Mabini ay nagsulat rin ng mga kahalintulad na akda, tulad ng Liwanag at Dilim at Kartilya ng Katipunan. Sa pagdating ng mga Amerikano, nauso ang paggamit ng wikang Ingles bilang wika sa pagsusulat ng mga sanaysay. Madalas itong impormal at sentimental, ngunit ang iba'y nanatili sa pagsusulat tungkol sa kalayaan ng bansa. Nakilala sina Carlos Romulo, Fernando Marang, Maria Paz Mendoza Guanzon at Vicente Hilario. Nabuo din sa panahong ito ang Kapisanang Panitikan na nagnanais umali sa mga lumang pamantayan ng pagsusulat ng panahon. Pagkatapos ng digmaan, marami sa mga naisulat na sanaysay ay ginagamit sa pagsulat ng balita o artikulo sa dyaryo. Nakilala noong panahon na ito sila Francisco Icasiano, Nick Joaquin, Kerima Polotan, Gilda Fernando at Renato Constantino. Ang mga sanaysay noon ay mailalarawan sa kanilang kritisismo sa Amerika at ang nasyonalismo na laganap bago ang pagdating ng Martial Law. pagsusulat o mga sanaysay na personal ang tema. Sa modernong panahon, naging iba-iba na ang tema ng mga sanaysay na lumabas. May mga nakilala sa mga sanaysay na pambalitaan, tulad ng kay Barbara Gonzalez, Ceres Doyo at Jo-Ann Maglipon. Si Cristina Pantoja-Hidalgo naman ay nakilala sa mga sanaysay ukol sa kanyang mga paglalakbay, at sina Doreen Fernandez Sa panahon ng Pangulong Marcos, nasikil ang mga sanaysay na ito at nauso ang mga satirikong

at Edilberto Alegre ay nagsulat tungkol sa pagkain. Sina Paz Latorena, N.V.M Gonzalez at Ildefonso Santos ay lumipat sa pagsulat sa wikang Filipino. Nauso din ang mga akdang pang-talambuhay at mga sanaysay ukol sa mga kuntemporaryong isyu, tulad ng HIV-AIDS. Elemento ng Sanaysay  Pamagat (Title) - nagsasaad kung ano ang nilalaman ng sanaysay, at nakakatulong ito sa mga mambabasa upang makuha ang kanilang atensyon.  Thesis - ito ang masasabing "punto" ng sanaysay; kung ano ba ang nais na ipahayag ng manunulat. Sa mga sanaysay, hinihingi na dapat maikli ngunit malaman ito. Maari itong maglaman ng argumento upang maging epektibo ang sanaysay. Maari itong makita sa umpisa, gitna o dulo ng sanaysay.  Organisasyon - Kung paano ba naka-ayos ang mga laman ng sanaysay. Sa pagsulat nito, dapat na may magandang pagkakaayos ang laman mula sa umpisa hanggang sa dulo ng sanaysay, at dapat madaling maiintindihan ng mambabasa kung anong nais mong sabihin.  Pasimula (Introduksyon) - Unang talata ng sanaysay na nagpapakilala sa laman nito o mga impormasyong mahalaga upang maintindihan ang thesis.  Katawan (Body) - Mga sumusoportang talata sa thesis. Naglalaman ito ng mga punto na nagbibigay-diin sa mensahe ng sanaysay.  Kongklusyon (Conclusion) - Dito ibinubuod ang lahat ng laman ng sanaysay. Hindi katulad ng pasimula kung saan sinasaad ang punto ng sanaysay, dito nais isaad ng manunulat na tama ang kanyang mga sinasabi. Mga Kilalang Manunulat ng Sanaysay  Fr. Jose Burgos  Pedro Paterno  Jose Rizal  Marcelo H. Del Pilar  Graciano Lopez - Jaena

 Antonio Luna  Andres Bonifacio  Emilio Jacinto  Apolinario Mbaini  Trinidad Pardo de Tavera  Teodoro M. Kalaw  Claro M. Recto  Fernando Maramag  Maria Paz Mendoza Guanzon  Teodoro A. Agoncillo  Nick Joaquin  Renato Constantino  Carmen Guerrero-Nakpil  Kerima Polotan  Genoveva Edroza - Matute  Alejandro Abadilla  Rogelio Sicat  Virgilo S. Almario  Lamberto E. Antonio Talambuhay ni Bienvenido Lumbera Si Bienvenido Lumbera ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas at nakatanggap ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag. Isinilang si Lumbera sa Lipa noong Abril 1, 1932. Sa kanyang pagkabata, siya ay agad naulila. Siya, kasama ang kanyang kapatid na babae, ay inampon ng kanilang lola, Eusebia Teru. Pagkatapos ng digmaan, bumalik sina Lumbera sa Lipa pagkatapos ng pagpanaw ng kanilang lola. Sa huli ay inampon siya ng kanyang ninong at ninang dahil handa silang siyang pag-aralin. Nagtapos si Lumbera sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1950 para sa kursong Komunikasyon. Nagkaroon din siya ng Ph.D Comparative Literature mula sa

Indiana University noong 1967. Pagkatapos nito ay nagturo si Lumbera ng Panitikan, Araling Pilipino at Malikhaing Pagsusulat sa Ateneo de ManilaUniversity, De La Salle University, Unibersidad ng Pilipinas, at Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkatapos ng kanyang pagkakulong noong Martial Law, nakapaghawak si Lumbera sa mga malikhaing proyekto, kabilang ang pagsusulat ng mga dula para sa (PETA). Nakapag-akda si Lumbera ng mga aklat at antolohiya na ginagamit sa mga paaralan tulad ng mga Muling Pagsusuri; Paghahanda sa Pagtuturo at Panitikan ng Pilipinas: Isang Kasaysayan at Antolohiya. Nagtatag din si Lumbera ng iba't ibang samahan ng mga manunulat, tulad ng Kalipunan para sa Literatura ng Pilipinas, Philippine Studies Association at Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Miyembro din siya ng Kodao Productions at ng Bagong Alyansang Makabayan. Noong 2006, naiproklama siya bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->