You are on page 1of 20

Pamela C. Constantino, Ph.D.

Unibersidad ng Pilipinas
Ikatlong Pandaigdig Na Kumperensiya Sa Filipino Bilang Wikang Global Wika at Kulturang Filipino Mga Usapin at Hamon sa Ika-21 Siglo Itinaguyod ng GLOCAFIL, PSSLF,NCCA CSB International Conference Center Manila Agosto 3-5, 2012

Kinakatawan ng puno ng oliba ang lahat ng pinag-ugatan natin, ng nagpapatibay sa atin, ng pinagkakakilanlan natin, ng tumutunton sa atin sa mundong ito bahagi man ito ng pamilya, ng pamayanan, ng tribu, ng bayan, ng relihiyon, o higit sa lahat, ng ating pamumuhay. Hindi mawawala ang estado kahit pa humina ito, dahil ito ang tunay na puno ng oliba ang tunay na tagapagpahayag ng ating kinabibilangan ang ating wika, bayan, at kasaysayan.

-- Thomas L. Friedman The Lexus and the Olive Tree, Understanding Globalization (2000)

Globalisasyon
Anthony Giddens (1990) pagpapaigting ng relasyong panlipunan sa mundo na nag-uugnay sa magkakalayong lokalidad sa paraang ang mga gawain sa isang bansa ay hinuhubog ng mga pangyayari sa ibang bansa gaano man ang layo ng mga ito sa isat-isa. Thomas Friedman (2000) Dalawang pakikipagtunggali ang kinakaharap ngayon ng mundo ang pagnanasang maging mayaman at maunlad (na sinasagisag ng Lexus), at ang pagnanais na mapanatili ang kakanyahan at mga tradisyon, (na sinasagisag naman ng puno ng oliba).

Panganib sa Kultura Dahil sa Globalisasyon


Monokultura McDonaldisasyon/Coca-kolonisasyon Iisa ang panlasa, pagkain, gawi, gawain ng mga tao saan mang panig ng mundo. Hamburger, coke/pepsi, mall, cellphone, kompyuter, rtw, fastfood Glokalisasyon Lokalisasyon ng global/de-lokasyon, at/o relokasyon ng global. Ang mga korporasyong transnasyunal ay kailangang may koneksyong lokal para sa kanilang negosyo (Roland Robertson, 1995).


Panganib sa sariling kultura at di-maiiwasang pagkawala ng etniko at kultural na identidad at dibersidad Pangangailangang mabigyan ng kaalaman at magkaroon ng kamulatan ukol sa sariling kultura, wika, bayan, at kasaysayan ang mga mamamayan

UNESCO 2001 UNIVERSAL DECLARATION ON CULTURAL DIVERSITY (Paris)

(Art. 5) Ang mga karapatang pangkultura ay integral na bahagi ng karapatang pantao, na unibersal, di nahahati, at magkakaugnay. Ang paglago ng malikhaing dibersidad ay nangangailangan ng buong implementasyon ng karapatang pangkultura ayon sa Article 27 ng Universal Declaration of Human Rights at Article 13 at 15 ng The International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights. Lahat ng tao kung gayon ay may karapatang magpahayag ng sarili at lumikha at ipalaganap ang kanilang mga gawa sa pinili nilang wika, partikular sa kanilang katutubong wika; lahat ng tao ay may karapatang mabigyan ng may kalidad na edukasyon at pagsasanay na may paggalang sa kanilang kultural na identidad; at lahat ng tao ay may karapatang maging bahagi ng kultural na gawain ayon sa kanilang kagustuhan at magsagawa ng mga ito nang may paggalang sa karapatang pantao at pundamental na kalayaan.


UN General Assembly proklamasyon sa Mayo 21 bilang World Day for Cultural Diversity for Dialogue and Development UNESCO 2005 Convention on the Protection and Promotion of the Diversity of Cultural Expression (Paris) Reaksyon sa mga panggigipit sa mga bansa na isuko ang kanilang karapatan na ipatupad ang mga patakarang pangkultura sa mga pandaigdigang negosasyong pangkalakalan.

Pagkilala sa mga karapatan ng mga kalahok na bansa na magsagawa ng mga hakbang para pangalagaan at ipalaganap ang dibersidad ng mga paraang pagpapahayag na kultural at bumuo ng mga patakaran na magbibigay-suporta sa mga industriyang pangkultura


Naniniwala na ang dibersidad ng mga pagpapahayag na kultural ay kayamanan na poproktekta sa mga tao at lipunan at magpapanatili sa kultural na dibersidad bilang mahalagang kailanganin sa patuloy na pag-unlad na pakikinabangan ng kasalukuyan at hinaharap na henerasyon.

Philippine Cultural Education Program (PCEP)

2002 Programa ng National Commission For Culture and Arts (NCCA) Komprehensibong medium-term plan na nagbabalangkas sa layunin, patakaran, programa at proyekto para sa edukasyong pangkultura sa pamamagitan ng pormal, impormal, di-pormal at alternatibong sistema. Pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng sektor ng lipunan na mabigyan ng kultural na edukasyon Pagsisiguro na ang kultura ang ubod at pundasyon ng edukasyon, pamamahala, at pagpapanatili ng kaunlaran. Kultural na Oryentasyon Unibersal na layunin ng Edukasyon Para sa Lahat ng UN Pangangailangan para malutas ang problema ng kahirapan, literasi, at kawalang-kapangyarihan ng mga mamamayan.

NCCA PCEP Graduate Diploma In Cultural Education (GDCE)


2008, credit earning, post-baccalaureate Teacher Enhancement Program Ladderized Diploma tungo sa MA in Cultural Education/MA Education major in Cultural Education Diploma 24 units (432 oras), level I at level II (2 summer) MA Diploma + 18 units 40-50 region-based iskolar na mga guro sa elementarya at hayskul sa bawat HEI. 10 Conduit HEI 400 iskolar sa buong Pilipinas 2012 mahigit nang 200 gurong iskolar ang nakapagtapos ng Diploma 20 iskolar nakagradweyt na sa MA (Southwestern university, Cebu)

Mga Gurong Iskolar


Diploma

Masters

Edad 23-50 BA, GWA 85% 2-taong karanasan sa pagtuturo LET, Graduate Admission Test ng HEI Endorsement ng principal/supervisor/ superintendent Permanente

Edad 25-55 GDCE 24 yunit 4-taong karanasan sa pagtuturo LET, Grad. Admission Test ng HEI, NCCA Aptitude Test Endorsement ng principal/supervisor/supe rintendent Permanente

Inaasahang Matatamo:

Integrasyon ng pag-unawa at kaalaman sa kasaysayang lokal at pambansa, kultura, namanang yaman ng lahi, at sining, sa 5 core subjects sa elementarya at hayskul: Science, Language (Filipino, Ingles) Social Science, Math, at MAPEH (Music, Arts, PE, Health). Makabuo ng mga pananaliksik sa kasaysayang local, ng mga reflection paper, at mga panggrupo at indibidwal na lesson exemplar batay sa kultura.

Ladder-Type Kurikulum Graduate Diploma in Cultural Education

24 yunit

level I (unang summer) level II (pangalawang summer)

Cul.Ed 200 Pedagogy of Cultural Education 203 Cultural Diversity and Languages of the Philippines 204 Review of Philippine History and Heritage 205 Philippine Arts 206 Local Cultural Mapping 207 Media-Based Cultural Documentation
208 Issues in Cultural Education

209 Development of Culture-Based Exemplars

Master of Arts in Cultural Education/ Master of Arts in Education, major in Cultural Education (dagdag na 18 yunit)

Cul Ed 201 Culture-Based Teaching of the Basic Education Curriculum 202 Advanced Educational Theories and Pedagogy 210 Problem-Based Statistical Methods 211 Culture and Governance 212 Thesis I Research In Cultural Education 213 Thesis II Writing of Masteral Thesis

Pagtuturong Tumutugon sa Pangangailangang Pangkultura (Gay, G. Culturally Responsive Teaching Theory, Research and Practice, 2000)

Paggamit sa Kaalamang Pangkultura, mga Karanasan, at Pamamaraan tungo sa Angkop at Epektibong Pagtuturo Mga Karakteristiko Napapatunayan Nagmumula sa mga lehitimo at awtentikong yaman ng lahi Komprehensibo Napapaunlad ang intelektwal, sosyal, emosyonal, at politikal na pagkatuto sa pamamagitan ng mga batayang kaalamang pangkultura Makikita ng mga guro di lamang ang kahalagahan ng kahusayang akademiko kundi pati ang pagpreserba sa identidad at yamang kultural

Multi-dimensyonal

Sangkot sa pagtuturo ang kaalaman sa maraming bagay: kaalaman sa kurikulum, sa konteksto ng pagkatuto, kultura sa klasrum, relasyong guro-mag-aaral, paraan ng pagtutuuro, at pagtatasa sa kahusayan ng mag-aaral. Nagbibigay-kapangyarihan Nabibigyan ng kakayahan ang guro na gawing mabuting tao at matagumpay ang mag-aaral sa pamamagitan ng pagdedebelop sa kanilang kakayahang akademiko, inisyatibo, at tiwala sa sariling kakayahan

Nagpapabago

Nakakatulong ang guro para magkaroon ang mag-aaral ng respeto sa mga kultura at karanasan ng ibat-ibang grupo sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kanilang kaalaman, kakayahan, at pagpapahalaga na kailangan para sila maging mga kritikong panlipunan na makagagawa ng matalinong desisyon at maisasakatuparan ang mga desisyong ito upang tumulong sa sarili, pamilya, komunidad, lipunan, at bayan. Nakapagpapalaya Napapalawak nito ang kaisipan ng guro at mag-aaral sa pamamagitan ng mga makatotohanan at awtentikong kaalaman ukol sa ibat-ibang grupong etniko. Dahil dito, silay nagiging mas mapagkalinga, may malasakit, makatao, at mapagbahagi ng kaalaman sa ibang tao.

Kultura at Wika sa GDCE


Sa Nilalaman Cul Ed 201 Culture-Based Teaching of the Basic Education Curriculum Mother tongue-based multilingual education Cul Ed 203 Cultural Diversity and Languages of the Philippines Ibat-ibang etnolinggwistikong grupo pagpapahalaga, paniniwala, wika Wika, kultura, pag-iisip Cul Ed 204 Review of Philippine History and Heritage Kasaysayang lokal at oral sa ibat-ibang wika at sa wikang pambansa Cul Ed 209 Development of Culture-Based Exemplars Cultural icons Cul Ed 212, 213 Tesis Bilang Wikang Panturo Mother Tongue o Filipino ang maaaring gamitin (maliban sa Ingles) sa pagtuturo ng mga asignatura lalo na ang nakalista sa itaas.

Ang isang Pilipinong malalim at malawak ang sa sariling kultura ay makapagbibigay-interpretasyon, balidasyon, at partisipasyon sa mga diskurso kung paanong ang bansa at lipunan ay dapat hubugin at paunlarin sa perspektibang sosyal, pulitikal, at ekonomiko. Ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa ating kultura ay magbibigay sa atin ng angkop na kakayahan at kaalaman upang mas mahusay nating masuri, matalakay, at mabigyangsolusyon ang ating mga problemang pambansa. Elmar Ingles PCEP Direktor

Maraming Salamat Po!

You might also like