P. 1
Kaligirang Kasaysayan Ng Florante at Laura

Kaligirang Kasaysayan Ng Florante at Laura

4.0

|Views: 62,718|Likes:

More info:

Published by: Gywneth Kyra E. Sanchez on Aug 05, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/16/2015

pdf

text

original

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian), nalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng ‘Florante’” ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.

Unang Paglimbag
Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875.[5] Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay

Paglalarawan
Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria, at ang nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang nakikinig naman ang muslim na si Aladdin. Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling karanasan at kasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni Selya) at kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa piitan.

ANG TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALTAZAR
Si Francisco Baltazar (Abril 2, 1788—Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunula. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.[1]

Unang mga taon
Si Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Tinatawag rin siyang Kikong at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Sunod, naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Mariano Pilapil.

Buhay bilang manunulat
Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay isa ring nagsilbing hamon kay Kikong para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kikong sa larangan na panulaan. Taong 1835 nang manirahan si Kikong sa Pandakan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa pagligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Celia, ipinakulong siya ni Nanong Capule para hindi na siya muling makita si Celia. Habang nasa kulungan siya, ipinakasal ni Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng 11 anak kay Juana Tiambeng.

Huling mga araw
Nabilanggong muli si Kikong sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang 4 niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74.

Ang kanyang mga sinulat
1. Ang Orosman at Zafira 2. Mahomet at Constanza 3. Almanzor y Rosalina 4. Clara Belmori 5. Abdol y Miserena 6. Auredato y Astrone 7. Bayaseto at Dorsalica 8. Rodolfo at Rosamunda 9. Florante at Laura 10. Nudo Gordiano 11. La India Elegante y El Negrito Amante

Kaibahan ng Awit at Kurido
Korido- ay binubuo ng 8 pantig sa bawat taludtod Awit-ay binubuo ng 12 pantig sa bawat taludtod

Mga tauhan ng florante at laura
• • • • • • • • • • • • • • • • •

Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura Sultan Ali-Adab - sultan ng Persya, ama ni Aladin Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante Konde Sileno - ama ni Adolfo Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang buwitre Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo. Antenor - guro ni Florante sa Atenas Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura Heneral Osmalik - heneral ng Persya na lumaban sa Crotona Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->