P. 1
Pssst Aug 10 2012 Issue

Pssst Aug 10 2012 Issue

|Views: 311|Likes:
Published by Tru Brew Media Inc
P.S.S.S.T. Politics Showbiz Sports Schools Trends FRIDAY. August 10, 2012. Visit the website at: http://pssst.com.ph/ and join us at Facebook http://www.facebook.com/Politics.Showbiz.Sports.Schools.Trends
P.S.S.S.T. Politics Showbiz Sports Schools Trends FRIDAY. August 10, 2012. Visit the website at: http://pssst.com.ph/ and join us at Facebook http://www.facebook.com/Politics.Showbiz.Sports.Schools.Trends

More info:

Published by: Tru Brew Media Inc on Aug 09, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/12/2012

pdf

text

original

“Hindi namin kayo pababayaan”

PULITIKA • SHOWBIZ • SPORTS • SCANDAL • TSISMIS

PULITIKA PAHINA 2
TSISMIS
PAHINA 4

P10
ISSN-2244-0593

Vol. 1 No. 156

Nahuling nambababae, naging maamong tupa
KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO!
TSISMIS PAHINA 4

Nagmumurang kamatis si tito
No.1
TODAY’S WEATHER Variable clouds with Scattered thunderstorm 24-30°C
www.pssst.com.ph

BIYERNES • AGOSTO 10, 2012

Veteran solon grabeng makapagmura
TSISMIS
PAHINA 4

PNOY AT SHALANI NAGTAGPO! ng Senado Disaster preparedness ng gobyerno bubusisiin
NEWS PAHINA 3
NEWS
PAHINA 3

Lotto Results • 6/49 SUPERLOTTO

49 11 09 17 05 20

6/42 LOTTO 42 14

41 22 25 33

1$ = P41.796

Sabi ni Heart, hindi raw sila ‘on’ ni Sen. Chiz

SHOWBIZ PAHINA 8

JM, may bisyo kaya binasted ni Jessy

SHOWBIZ PAHINA 8

Heart Evangelista

Jericho, happy sa half-British half-Filipino GF
SHOWBIZ PAHINA 7

PAGHINGI NG SAKLOLO NI ARASHOWBIZ MINA, IDINAAN SA TWITTER PAHINA 7

SHOWBIZ PAHINA 6

HOLLYWOOD BITZ RIHANNA, HINDI TYPE NG BAGONG CEO NG NIVEA SKINCARE+ZAC EFRON•JAY-Z AT BEYONCE
SHOWBIZ PAHINA 9

Jericho Rosales

Gerald, magbabakasyon muna para makalimutan SHOWBIZ PAHINA 6 si Sarah?

TULONG SA BINAHA

Inilalatag ni Pangulong Benigno Aquino III ang plano ng gobyerno sa mga binahang residente ng Barangay Silangan sa Quezon City nang mag-ikot sa limang apektadong lungsod kahapon. Rappler Website

PULITIKA

TULUYAN nang inalis ang color coded warning na naunang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa Metro Manila sa kabila ng nananatiling tubig-baha sa ilang bahagi ng Kalakhang Maynila.
Paliwanag ni Fernando Cada ng Pagasa forecasting center, wala na silang natukoy na pagbuhos ng ulan sa nakalipas na dalawang oras kaya inalis ang nasabing babala. Gayunman, mananatili naman ang posibleng light to moderate rainfall sa ilang mga lugar sa pagsapit ng hapon at gabi. Sa pagtaya ng Pagasa, gaganda na ang panahon sa mga susunod na araw sa Metro Manila dahil wala nang namataang makapal na kaulapang papalapit sa naturang lugar. Nauna dito ay itinaas kahapon ng umaga ng Pagasa sa ‘orange rainfall warning signal’ ang ilang bahagi ng Metro Manila na nakararanas pa rin ng hagupit ng hanging habagat na may kasamang pagkulog at pagkidlat. Kaalinsabay ng deklarasyon ng orange warning ay pinaghahanda ang publiko sa pagbaha na maaaring maging delikado sa ilang residente lalo’t hindi pa normal ang sitwasyon sa maraming lugar sa Metro Manila at ilang karating-probinsya. Kasabay ng nasabing anunsyo ay pinalitan na rin ng Pagasa ang mga rainfall warning system nito, mula sa dating green ay ginawang orange. Kaya epektibo ngayon, ang classification ay magiging yellow, orange at red mula sa dating yellow, green at red. Ayon pa sa Pagasa ang mga kasalukuyang kulay ay may kaugnayan sa awareness (yellow), preparedness (orange) at emergency (red). Sa ilalaim ng code yellow ang mga residente sa target areas ay inaabisuhang mag-monitor ng balita para sa mga susunod pang mga updates. Ang “yellow warning,” naman na nangangahulugan ng “caution,” ay kumakatawan sa 7.5-15 mm rain kada oras na maaari ring maghatid ng pagbaha. Ang orange na pumalit sa dating green ay may tumutukoy sa paghahanda para sa posibleng paglikas. Ang warning stand ay mula 15-30 mm rain kada oras na inaasahang magpatuloy sa susunod na dalawang oras. Habang ang red ay mahigit sa 30 mm ng ulan na maoobserbahan sa loob ng isa hanggang dalawang oras kasabay ang paghahanda ng paglikas o evacuation. Ira Corvera

Color coded warning binawi

www.pssst.com.ph

2

BIYERNES • AGOSTO 10, 2012

PSSST NEWS BITS

Oratio Imperata sama-samang dasalin
UMAPELA kahapon si Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa lahat ng miyembro ng Archdiocese of Manila, gayundin sa publiko na ipagdasal ang paghinto ng ulan at paghupa ng matinding baha sa maraming lugar. Ayon sa ng arsobispo, sama-samang dasalin ang Oratio Imperata upang matigil na ang walang habas na pagbaha at pag-ulan. Naniniwala ang arsobispo na sa pamamagitan ng sama-samang panalangin ng bawat Kristiyano ay kalulugdan ang lahat ng Panginoon. “Lingapin mo ang aming mga kapatid na ngayo’y giniginaw, nagugutom at lubog sa baha. Pawiin mo ang lahat ng aming mga takot at pangamba. Imulat mo ang aming mga mata at buksan ang aming mga puso upang makatugon kami sa pangangailangan ng bawa’t isa. Amen,” pagtatapos ng ‘oratio imperata’. Patricia Oamil

Pondo sa kalamidad hihimayin
NANGAKO ang isang senador na tututukan ang panukalang budget ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa kalamidad kabilang ang pondong inilaan upang maiwasan, maayos at mabawasan ang panganib sa panahon ng anumang klase ng pambansang kagipitan. Ayon kay Senador Edgardo Angara, dapat matukoy ng Senado kung nakaangkla ang badyet ni Aquino sa kalamidad sa risk reduction, mitigation at adaptation sa harap ng malawakang pagbaha sa Kamaynilaan at ibang bahagi ng Luzon. Nagdududa ang senador kung mahusay na nagamit ang badyet ng pamahalaan hinggil sa risk reduction sa anumang kalamidad dapat aniya ay nabawasan ang pananalasa ng matinding pag-ulan sa buhay at ari-arian katulad nang nangyari ngayon. Dahil dito, nanawagan si Angara sa pambansa at lokal na pamahalaan na tugunan ang katatagan ng ating mamamayan ng katulad ng katatagan ng ating mga lungsod. Julie Santiago

ITO ang bahagi ng talumpati kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III nang mag-ikot sa ilang siyudad sa Metro Manila at tingnan ang kalagayan ng mga kababayang labis na naapektuhan ng pagbaha dulot ng habagat.
“Di namin kayo pababayaan. Wala sa inyo maiiwan sa alanganin,” pahayag ni PNoy sa mga binahang kababayan sa Marikina City. Partikular na pinuntahang lugar sa Marikina City ng Pangulo at ilang miyembro ng kanyang gabinete kahapon

“Hindi namin kayo pababayaan”
ay ang Nangka Elementary School kung saan inilikas at pansamantalang nanunuluyan ang mahigit sa 7,000 residente. Namahagi ang Pangulo ng relief goods at iba pang pangangailangan ng mga pamilyang apektado. Bukod sa Marikina City ay inikutan din ni PNoy ang Quezon City, Caloocan City, Malabon City at Valenzuela City. Sa pagbisita ni PNoy sa Bagong Silangan evacuation center sa Quezon City ay hiningi ng Pangulo ang kooperasyon ng mga evacuees at nangakong kikilos ang gobyerno para matulungan sila sa lalong madaling-panahon upang

makabangon. “Mas importante ‘yung pagkatapos... ‘yung rehabilitation. Ang pinakaimportante ang manigurado tayo na kung hindi matatanggal ang baha na kumpleto, malaki dapat ang bawas.” Nauna dito ay bumisita kamakalawa si PNoy sa Muntinlupa City at sinilip ang kalagayan ng iba pang naapektuhang mga kababayan. Ayon naman sa Department of Social Welfare and Development nasa kabuuang 260,000 evacuees na ang nakakalat sa evacuation centers sa buong bansa. PSSSTnewswires

Barangay at presidential election, pagsabayin
NANAWAGAN si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na ipagpaliban muna ang 2013 barangay elections upang maisabay na ito sa 2016 presidential elections at gawin ng anim na taon ang termino ng naturang mga opisyal. Sa panukala ng senador na Senate Bill No. 3242 walang magaganap na halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa darating na buwan ng Oktubre 2013 at isasabay na ito sa presidential elections sa taong 2016. “There shall be no Barangay and Sangguniang Kabataan elections on October 2013. In lieu of this, the next synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan elections shall be held on the second Monday of May 2016, synchronized with the national elections, and every six years thereafter,” , ani Revilla. Ang naturang panukala ng senador ay nag-aamyenda sa Republic Act Nos. 9340 and 9164 na nagtatakda ng barangay elections sa Oktubre 2013 at sa ilalim ng Section 2 gagawin nang anim na taon ang termino ng mga lokal na opisyal kung ito ay maisasabatas. Dinagdag pa ni Revilla na kung sakaling maisabatas ang panukala, magsisimula ang termino ng opisyal ng barangay at SK sa tanghali ng ika-13 ng Hunyo sa mga susunod na gaganaping na halalan. Honey Rodriguez

NAPUTOL ang kalsada sa bahaging ito ng Barangay Fortune, Antipolo City kahapon dahil sa nangyaring pagguho ng lupa dala ng patuloy na pag-ulan na ikinadamay ng ilang kabahayan. Masuwerteng walang iniulat na nasawi sa nasabing insidente. Dingdong Riviera

BIYERNES • AGOSTO 10, 2012

TILA muling pinagtagpo ng hanging habagat kahapon sina Pangulong Benigno Aquino III at dating kasintahan nitong si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad na naghiwalay ng landas noong 2010 matapos ang dalawang taong pagtitinginan.
Naganap ang pagkikita ng dalawa sa gitna ng relief operation sa isang evacuation center sa Valenzuela para sa mga pamilyang nasalanta ng pagbaha sa lungsod. Si Soledad, na ngayo’y maybahay na ni Pasig City Representative Roman Romulo, ay isa sa mga mainit na bumati at sumalubong sa Pangulo, sampu ng kanyang mga gabinete, upang pangunahan ang paghahatid ng tulong ng pamahalaan. Pagdating pa lamang ni Aquino sa evacuation center ay nagkamayan na ang dalawa. Sa talumpati ng Pangulo ay pinasalamatan nito ang pamahalaang lokal at hindi nakalimutang banggitin ang pangalan ni Soledad. “Alam n’yo, hindi ako naiimbitahang bumisita dito sa Valenzuela, pero siguro okay lang na bisitahin kita ngayon. Nais kong batiin si Mayor Sherwin (Gatchalian), Vice Eric (Martinez), at siyempre, ang ating konsehala, Shalani,” pahayag ng Pangulo. Kasunod nito ang hiyawan ng mga tao na nanunukso pa sa dalawa na sinuklian na lamang ng ngiti ng Pangulo. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkita ang dalawa matapos ang kanilang paghihiwalay. Noong nakaraang taon ay nagkrus na rin ang landas ng dating magkarelasyon sa departure area ng Dumaguete airport habang kapwa pabalik na ng Maynila matapos ang kani-kanilang official engagements. Hinintay umano ni Soledad noon na matapos ang briefing ni Aquino bago pa nagpakita rito. Samantala, pagkatapos ng tuksuhan ay nagpatuloy na ang Pangulo sa pagtalakay sa flood control plans ng gobyerno kabilang ang planong konstruksyon ng isang malaking dike sa palibot ng Meycauayan River. Ang Valenzuela City ay kabilang sa limang lungsod na labis na naapektuhan ng nagdaang pagbaha na binisita ng Pangulo bukod pa sa Marikina, Quezon, Caloocan at Malabon. Binanggit din ng Pangulo na ang gobyerno ay gugugol ng P2.2 billion para magtayo ng malaking dike na poprotekta sa mga mababang lungsod tulad ng Valenzuela sa tuwing bumabaha. Tatagal umano ang konstruksyon ng nasabing dike ng dalawa hanggang tatlong taon. “Don’t surrender. Your government is prepared to help you recover,” pahayag pa ni Aquino. Matapos ang pag-iiikot sa Metro Manila ay pinaplano ng Pangulo na bumisita rin sa mga biktima ng kalamidad sa Pampanga at Tarlac ngayong araw. PSSSTnewswires

PNoy at Shalani nagtagpo!

3

www.pssst.com.ph

PINATUTUTOK na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang local government units sa `Project Noah’ upang maging mabisang gabay sa panahon ng bagyo at pag-ulan.

LGUs pinatututok sa ‘Project Noah’

NEWS

Partikular na hinikayat ng Pagasa ang LGUs) lalo na malalapit sa dam at daanan ng tubig. Ang Project Noah ay pagpapakita ng walang tigil na impormasyon, mga alerto at babala ng Pagasa para makakilos ng maagap. Matatandaang umakyat ng higit pa sa critical level ang Marikina River bandang

2:30 kamakalawa ng madaling araw habang kasarapan ng tulog ang mga residente. Sinabi ni Weather specialist Mario Raymundo na makukuha ng mga awtoridad ang mga update lalo ang water levels sa www. pagasa.dost.gov.ph at i-klik ang blue icon “Project Noah” sa kaliwang bahagi ng webpage. Ayon kay Raymundo, kung walang Internet connection o kuryente ay maari namang tumawag ang mga awtoridad sa Pagasa. “Dapat po kasi po warning agents lang ang PAGASA. Sila po ang apektado, dapat po sila ang tumawag sa amin,” sabi ni Raymundo. JM Castro

PNoy nagbabala sa nagtaas-presyo ng leptospirosis drugs
NAGBABALA si Pangulong Benigno Aquino III sa isang drug company na nagtaas umano ng presyo ng gamot sa leptospirosis ng 750% bilang pagsasamantala kaugnay ng naging malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Sinabi ng Pangulo na mananagot ang kumpanyang ito sa batas kung hindi nito ibabalik sa dating presyo ang gamot. “I felt bad when I got a report this morning that there’s this company that is taking advantage of the situation,” pahayag ni Aquino sa pagsasalita nito sa evacuees sa Bagong Silang, Coloocan City. “I’d like to take this opportunity, since the media are here, `What you’re doing is anti-people, anti-Filipino.’” “We’re reminding them that in a period of calamity, there is price control. If this company continues to do what it does, the government has many powers to straighten it out. You can’t take advantage of the Filipinos. If it’s necessary to import the drug to set the price right, and make it lose its market, we’ll do that,” dagdag pa ng Pangulo. Hindi pa pinangalanan ng Pangulo at health officials ng gobyerno ang sinasabing kumpanya habang isinasailalim pa umano sa imbestigasyon. “I’m appealing to you. We know who you are, and you’re being investigated. Before we start the process, set things right,” dagdag pa nito. JM Castro

Shalani Soledad at Pangulong Noynoy Aquino

Disaster preparedness ng gobyerno bubusisiin ng Senado
BUBUSISIIN na rin umano ng Senado ang kahandaang ng pamahalaan sa kalamidad kasunod ng matinding pagbaha na sumalanta sa may dalawang milyong katao sa Kalakhang Maynila at mga lalawigan.
vironment and Natural Resources at Interior and Local Government na ipatupad nang mahigpit ang mga umiiral na environmental laws upang masolusyunan ang mga disgrasya. “If both national government agencies and LGUs work more closely, the garbage problem in urban centers around the country would be adequately addressed. In doing so, we can address the flood problem as well,” giit ni Escudero. Binatikos naman ni Sen. Francis Pangilinan ang mga negosyanteng nagsasamantala sa mataas na presyo ng mga bilihin sa gitna ng kalamidad. “Ni hindi pa nga nakakabangon ang taumbayan mula sa grabeng pagbaha, ito na naman at may dagdag na naman tayong pasanin dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Para yatang walang kaluluwa itong mga sakim at ganid na negosyanteng mga ito,” sabi ni Pangilinan. Ayon naman kay Sen. Loren Legarda, dapat umanong magsilbing aral ang nangyaring pagbaha sa Luzon na nagpasariwa sa alaala ng nagdaang bagyong Ondoy tatlong na ang nakalilipas. “Soon the heavy rains will cease and the floods will subside. The victims will have to rebuild their lives from the tragedy and devastation. This flood is worse than Ondoy. I hope serious government and private sector efforts to build back better the affected communities would start immediately. We must learn the lessons of Ondoy which this recent widespread flooding brings to fore once again,” pagbibigay diin ni Legarda. JM Castro

Sinabi ni Sen. Edgardo Angara na ang hakbang na ito ay kasabay ng kanilang pagdinig sa 2013 national budget. “When we deliberate on the national budget for next year, we will scrutinize the government’s disaster management plan. We expect it--and will require it--to be anchored on risk reduction, mitigation, and adaption,” pahayag ni Angara. Nanita naman si Sen. Chiz Escudero sa Departments of En-

PUTOL NA DAAN

Sinisikap kuhanin ng mga rescuer ang pampasaherong jeep na ito matapos mahulog sa gumuhong bahagi ng Marcos highway sa Sitio Calumpang, Barangay San Jose, Antipolo City sa kasagsagan ng ulan kahapon. Dingdong Riviera

TSISMIS

www.pssst.com.ph

Veteran solon grabeng makapagmura
UMAATIKABONG mura umano ang pinakawalan ng isang beteranong mambabatas nang minsang itong mainip habang hinihintay ang mga kasamahan sa isang committee hearing.
Sa tsikang nakalap ni Bugzie, ibang klase daw magmura ang beteranong solon kapag naiinip sa paghihintay. Nang minsan umanong maispatan ng tropa ni Bugzie ang beteranong senador na ito ay naobserbahan ang walang patid na pagmumura nito dahil sa late na pagdating ng kanyang kasama. Ang siste raw kasi ay naka-set ang dadaluhan nitong hearing ala-una ng hapon kung saan una itong dumating. Ready na rin umano ang mga guest sa pagdinig as in kumpleto na ang lahat. Dahil nag-iisa ang veteran solon ay hindi muna nito sinimulan ang pagdinig sa halip ay hinintay ang mga kasamahang mambabatas na nangakong sasamahan siya sa nasabing committee hearing. Subalit umabot na ng 10 minuto sa paghihintay ay hindi pa rin dumadating ang mga co-lawmakers nito kaya nagkunot-noo ito at napamura na sa sobrang pagkainis. Nagbago lamang ng timpla ang solon nang biglang sumulpot ang isang mambabatas kaya agad nitong sinimulan ang pagdinig. Sino siya? Laging mainitin ang ulo ng mambabatas na ito dahil sa sakit raw niyang diabetes. May letrang I ito sa pangalan as in ‘inip’ na ‘inip’ na si senator. Para sa iba pang blind items bumisita sa aming website sa www.pssst.com.ph Candido C.

4

BIYERNES • AGOSTO 10, 2012

HI sa mga tagasubaybay MAULANG umaga po sa lahat ng nag- sigaw ng misis ni Kelvin! ng nakakaaliw na column na babasa ng PSSST! Sana po ay safe kayong ‘Pag tingin namin sa labas, ayun ang ito ng PSSST Ako po si Elise lahat! Ako po si Bryan, taga Antipolo. Sa mayabang na si Kelvin tinataboy ng misis from Bacoor, Cavite. Ang gitna ng pagbaha sa Metro Manila, gusto ko niya palabas ng bahay habang binabato siya ikukuwento ko ay ‘yung tito lang i-kuwento itong kapit-bahay naming si ng mga damit niya. Parang sa pelikula, pero kong pasaway! Itago natin Kelvin, para maaliw lang ang mga mamba- nangyayari talaga sa totoong buhay. siya sa pangalang Tirso. basa ng PSSST. Ang sinisigaw ng misis, walanghiya nga May pamilya na ito eh Si Kelvin ang kapit-bahay naming raw si Kelvin at makapal ang mukha dapero nung tumanda saka napamilyado, mayabang at feeling macho. hil dalawa pa daw ang kinakalantare nito! gloko. 67 years old na ‘yan Minsan nakaka-inuman ‘yan ng kuya ko. Kaya daw pala kulang ang ibinibigay na pero ang lakas pa at ‘di halaKuwento sa akin ni Kuya, sweldo dahil may iba pang ta sa age niya. Kung titignan mayabang nga daw ‘yan pinag-gagastusan! Naku mo mukha talagang DOM lalo na pag lasing. Ang rinig ng rinig ng buong ang dating niyan hehe. bukam-bibig nyan madakalye dahil lahat ‘ata kami Palibhasa po maraming mi daw nagkakagusto sa e kung wala sa labas, mga pera dahil malaki po ang kanyang mga babae pero nakasilip sa bintana! hardware niyan at bukod iniiwasan niya. Tawa ng tawa yung diyan pensionado pa, kaya Pero meron daw sikuya ko, pati kami namalakas ang loob mambayang dalawang babae na tawa na rin. Kase di maipbae. pinili niya para lang may inta ang mukha ni Kelvin. Na-discover ko ‘yan excitement daw ‘yung buWala daw maisagot, kaya isang beses sa hardware hay niya. ayun sumakay ng tricycle nung nagpunta ako, may Sa yabang daw kinuhabang ‘yung asawa nagbago siyang assistant si kwento pa kung magkano sisigaw pa. Carla. Isang Cebuana ang binibigay niyang sustento doon sa dalaNgayon nandiyan na ulit si Kelvin sa kaya maganda at maputi. wang kabit niya. Hindi daw siya nahuhuli kanila pero akala mo Take note, ng misis niya dahil magaling siyang mag- maamong tupa. Ni Kung kayo ay may kakaiba, na- 24 lang si tago at magdala ng sitwasyon. Nilalayasan hindi lumalabas ng kakagulat at nakakaawang kwento Carla. Ayun, daw yan ng tropa ng kuya ko pag sobrang bahay para makipag- ng inyong kapit-bahay i-share dito kuwento ng PROTESTA SA K+12 lang din daw. inuman. Ngayon ang sa Kapit-bahay Mo, I-Blind Item mayabang, para iwas away na isang emNagprotesta ang Kilusang linggoUno sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynilasa Mo at i-email sa pssst.blind@yahoo. pleyado sa Noong nakaraang Mayo lang, habang sipag, nagwawalis para tutulan ang K+12ng hapunan, naglabasan labas ng bahay araw- com at manalo ng mga sorpresang lahat ay kumakain education program na sinimulan ang implementaakin, nagkasyon ngayong taon dahil dagdag- pahirap lamang umano ito sa mga mangkaming lahat ng bahay dahil ang lakas ng araw. papremyo. kamabutihan

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO! Nagmumurang Nahuling nambabae, kamatis si tito naging maamong tupa
na yung dalawa. Kunwari daw may nagpapadeliver ng bulaklak araw-araw pero galing naman kay Tito Tirso! Ang tsika pa, si Tito Tirso ang nagbabayad ng renta ng apartment ni Carla. At pati ilaw at tubig inako na rin ng nagsusumixteen kong tiyo! Pwera ba diyan ang mga pabaon at allowance ng babae. Kaswerte e! Ngayon pag pumapasok yan sa hardware naka shorts, polo shirt at rubber shoes at todo pabango pa! Hindi na maitago ang relasyon ng dalawa base sa kuwento ng mga empleyado. Walang kaalam-alam yung asawa ni Tito Tirso na may extra curricular activ-

ity na ang asawa niya dahil ang laki ng tiwalang hindi magloloko dahil nga majonda eh. Yun ang akala niya, humahataw pa lovelife ni Tito Tirso! Tila fountain of youth niya si Carla dahil tuwing makikita ko e mukhang pabata ng pabata! Pinagsabihan din daw ni Tito Tirso ang mga empleyado niya na walang maglalabas sa sekreto niya sa asawa niya dahil kung hindi lahat sila tsugi sa trabaho kaya lahat iwas sa asawa ni Tito Tirso. Kaya ko lang nasagap ang balita dahil ka-tsikahan ko ang mga empleyado doon. Ang gawain daw ni Tito Tirso at Carla araw araw e lalabas tuwing lunch at laging maagang umuuwi dahil hinahatid pa si Carla sa apartment nito at doon nagbababad ang tiyo kong nag-uumapaw ang kabataan ngayon. Hindi na rin ako nagugulat, dahil pangilan na niya yang babae. Tapos pag nagsawa siya naku maghahanap ulit ng iba. Lupet!

BIYERNES • AGOSTO 10, 2012

5

www.pssst.com.ph

WALANG SABLAY
MARLO DALISAY
Siya ay napapakinggan din sa DZRB Radyo ng Bayan 738khz AM band alas 8-9 ng umaga Martes at Huwebes sa programang 738 KALYE ESCALERA.

‘Di sagot ang condo!
idinulot ni Ondoy halos tatlong taon pa lamang ang nakalilipas. Dahil sa walang habas na pagulan nitong mga nakaraang araw, marami na sa mga nabiktima at nabaha ang ngayon ay naghahanap ng malilipatang mga tirahan at karamihan sa mga ito ay pawang iisa ang nasa isipan, ang lumipat sa mga condominium units. Sa unang tingin ay ang condominium units nga ang sagot sa mga problemang ito ng mga nabibiktima ng pagbaha dahil ang siste naman ngayon dito sa Kamaynilaan ay patayugan ng mga condominium buildings na ang tila kulang na lamang ay ang abutin ang mga cumulus clouds na karaniwang nakikita lamang sa panahon ng tag-araw. Ito ay kung gagamitin ang pilosopiyang mas mataas na palapag ang kinaroroonan mo, mas ligtas ka sa baha na nagtataglay ng kung anu-anong elemento kagaya ng ihi ng daga, dumi galing sa mga ospital, bukod pa sa mga karaniwang dumi na dulot na rin ng pagiging iresponsable ng mga taong nakatira sa mga lugar na pinagbabawalang tirahan. Kaya ang resulta nito, siguradong lalo pang tutumal ang negosyo ng mga real estate developer sa mga lugar na tinamaan ng baha na bunga ng kung ilang araw na pagragasa ng habagat sa NCR lalo pa nga sa mga lugar na una nang pinatihaya ni Ondoy. Kahit pa siguro mistulang pamigay na lamang ang presyo ng mga ibinebentang lote, house and lot at mga townhouse units sa mga lugar na binaha ay hindi na ito gaanong bibigyan ng atensyon ng mga naghahanap ng ligtas na tirahan. Patsambahan na lamang ‘ika nga kung makahahanap ang mga ito sa mga lugar na hindi naabot

OPINYON
nagbibenta ng mga tinatawag na ready for occupancy units (RFO). At dito na makikita ang pagkaagrabyado ng mga makakabili ng mga units lalo na yaong madadala lamang sa pambobola ng mga ahente. Karaniwan na lamang kasi na sa mga ganitong klase ng tirahan ay nagiging problema ang sampayan, espasyo para sa mga kaibigan at kamag-anak na dadalaw at makikituloy at ang higit sa lahat ay ang mga bayaring hindi naman kasama sa mga ipinaliwanag ng mga nag-aalok sa mga nakabili. Sana magkaroon na ng kongkretong alituntunin ang gobyerno sa mga ganitong uri ng negosyo dahil kung masasawata nila ang pananamantala ng mga ito ay masasabi sigurong puwede nang malunasan ang problema ng mga mamamayan sa tuwing babaha sa kanilang mga lugar.

TILA ang kalikasan na mismo ang nagsasabi at nagrerekomenda sa mga taga-Metro Manila at mga kalapit na lugar kung saan ligtas magtayo o maghanap ng mga matitirahan, permanente man o upahan lamang. Sa nakalipas kasi na halos ilang araw nang walang humpay na pagulan na dulot ng hindi ganap na maipaliwanag na pag-uugali ng panahon ay napatunayang mali ang sinasabi at inaasahan ng ilang mga eksperto (at mga pulitikong nagmamagaling) na hindi na mauulit ang pananalanta at perhuwisyong

ng baha katulad ng mga matataas na bahagi ng Quezon City at sa Masinag area pataas sa bahagi ng Antipolo. Maliban kasi sa mga lugar na ito ay pawang nahagip na ng pagbaha ang malaking bahagi ng Metro Manila at kahit na sinong naghahanap ng bahay na ang ipambibili ay salaping kinita at inipon sa pamamagitan ng pawis at dugo ay magdadalawang isip na bumili. Ang mga pangyayari at sitwasyong ito ay naghahatid ng napakagandang pabor para sa mga condominium developers kaya hindi malayong galawin nila pataas ang mga umiiral na presyo sa kasalukuyan. Kaya ang lalabas, lalong hahandusay ang mga nadale ni Ondoy at ng umiiral na habagat habang matinding tubo ang kinukuwenta ng mga condominium developers lalung lalo na yaong mga

Climate change
KAPAG ang pinag-uusapan ay climate change at disaster risk reduction o kaya ay disaster preparedness, karaniwang maraming hindi intresado dahil boring para sa kanila ang usaping ito. Sa Senado nagmimistulang sirang plaka na si Senate committee on climate change chairman Senator Loren Legarda sa paulitulit niyang pagtalakay sa banta o epekto ng climate change at kung ano ang mga dapat gawin ng gobyerno ng mga lokal na pamahalaan at ng publiko para maiwasan ang matinding epekto ng climate change sa bansa. Pero manatili pa rin kayang bingi at hindi intresado ang nakararami sa usapin ng climate change ngayong sunod-sunod at matitindi na ang ating nararanasang kalamidad sa bansa? Kung dati ay tuwing may pumapasok lang na bagyo sa bansa tayo nakararanas ng walang humpay na pagbuhos ng ulan, ngayon ay kahit walang bagyo at kahit walang low pressure area na namomonitor ang Pagasa pero halos isang linggo nang walang patid ang pagbuhos ng malakas na ulan na dulot ng hanging habagat na nagbunga na ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan. Maraming lugar na dati ay hindi binabaha ang ngayon ay nalubog na rin sa tubig-baha, marami na namang bahay at kagamitan ang nasira matapos malubog sa baha. Daang libo na naman na mga residente ang kinailangang irescue at ilikas sa mga evacuation center. Bukod pa dito ay may mga dike ang bumigay, mga dam ang umapaw at nagbukas ng gate para magpakawala ng tubig dahil nasa critical level na ang tubig at may mga pananim at imprastraktura ang nasira at nawasak. Naapektuhan rin ng husto ang pasok sa mga eskwelahan, dahil sa halos mag-iisang linggo ng laging dinideklarang walang pa-

ISYU

CELY BUENO

sok ang mga mag-aaral gayong mayroon pa namang mga eskwela na naka-iskedyul para sa periodical exam. Dahil sa lawak ng pinsala at dahil sa dami ng mga naapektuhan, may mga nangangamba na baka magkulang na ang gobyerno ng calamity fund.

STRAIGHT TO THE POINT
ELY SALUDAR
MULING naranasan ng mga taga Metro Manila ang lupit ng tubigbaha kasama ang mga kalapit na probinsya dahil sa ilang araw ng pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng habagat. Iba’t iba ang naranasan ng ating mga kababayan na ang pakiramdam ng ilan ay mas matindi pa sa dinanas na kalamidad noong bagyong Ondoy tatlong taon na ang nakalilipas na ang Metro Manila din ang naging sentro ng bagyo at nagdulot ng malawakang pagbaha.

Problema sa baha, unahin sa PPP projects
Isa ang Marikina at Quezon City sa tinamaan ng matinding tubig-baha kaya naman halos dito nakasentro ang tulong na ibinubuhos ng gobyerno mula local at nasyunal maging sa pribadong sektor. Sa pangyayaring ito ay panahon na siguro upang ang mga flood control project sa Metro Manila ang siyang pagtuunan ng pansin ng gobyerno sa inilunsad nilang Public-Private Partnerships (PPP) program. Dito siguro magandang ibuhos din ng pribadong sektor ang kanilang pondo na mas malaking tulong upang makaiwas sa mga kalamidad tulad ng pagbaha na nakaaapekto sa napakaraming mga residente. Kaugnay nito, nakikiusap din ang ilang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan na sana ay huwag din lang matuon sa mga lugar na mas grabeng pininsala ng tubig baha dahil marami ding biktima tulad sa lungsod ng Maynila. . Likas na rin sa mga Pilipino ang matulungin kung kaya’t asahan na natin na maraming tutulong sa mga nasalanta ng nasabing baha. Ang Akbayan partylist sa pangunguna ni chairperson at dating congresswoman Risa Hontiveros ay nagtayo ng isang Akbayanihan relief center na naglalayong tumulong sa mga kababayan natin na naging biktima ng pagbaha. Nanawagan din si Hontiveros ely_saludar@yahoo.com at laging sa nais na magbigay ng donasyon makinig sa radio station DZXL na ang kanilang ibigay ay mga RMN 558 Khz sa ating programready to eat na pagkain tulad ng ang TAUMBAYAN NAMAN nilagang itlog, noodles, kanin at 8:30-10:00 ng umaga Lunes hangiba pa upang maibigay sa mga gang Biyernes at laging manood biktima lalo na ang mga nasa sa TV station NET 25 sa ating evacuation centers at ang iba newscast na MATA NG AGILA pang mga residente na nakulong 6:00-7:00 ng gabi Lunes hangsa kani-kanilang mga bahay at gang Biyernes. hindi makaATTY. TRIXIE CRUZ-ANGELES labas dahil Publisher sa mataas na MANUEL TRIA AUN Managing Editor tubig-baha. Tru-Brew Media, Inc. Sa inyong 259 15th Avenue, Cubao, Q.C. reaksiyon Tel: 7107416 e-mail: pssstreact@gmail.com o imporDisclaimer: Ang mga opinyon o artikulo sa pahayagang ito ay personal na pananaw o ginawa ng masyon ay mga may akda at hindi inaaako ng PSSST editorial team, publisher o managers. Hindi kinakatawan ng PSSST board ang mga nakasulat at hindi gumagarantiya sa pinagmulan ng mga balita at maaaring kawastuhan nito kabilang ang mga pahayag, balita, pitak, komentaryo, litrato, cartoons, payo, at mag-email sa iba pang impormasyon.

www.pssst.com.ph

6

BIYERNES • AGOSTO 10, 2012

Jericho, happy sa half-British half-Filipino GF
NOONG December last year nang aminin ni Jericho Rosales na isang half-British half-Filipino ang kanyang bagong girlfriend na hindi pa niya pinangalanan noon. Nitong February, unti-unti na siyang nagbigay ng clue tungkol sa identity nito. “I’ll give you a little clue. She’s in the business din, but not an artista. She’s 24 years old, host siya sa ETC, ng isang fashion lifestyle show called Etcetera,” paglalahad ni Echo noon. Kahit masyado ng giveaway ang mga binigay na clue ni Echo, hindi nya pa rin binabanggit ang name ng girlfriend hanggang noong March. Dito niya opisyal na ipinakilala si Kim Jones, isang Half-British Pinay na lumaki sa Australia. Spotted sila in public noong March 14 sa MYX Music Awards na ginanap sa Music Museum. Nakita rin sila sa lamay para kay Dolphy, ang yumaong King of Comedy. Ayon sa actor, natutuwa siya dahil tahimik ang kanyang lovelife at going strong daw ang kanilang relasyon ni Kim. Aniya, matagal na raw silang magkakilala at noong Oktubre 2011 nga raw naging sila na officially.

BENJO LEDESMA

SHOWBIZ Gerald, magbabakasyon Jodi at Richard, PSSSTmisan GaKa muna para makalimutan nagpasalamat sa fans
MAGBABAKASYON muna ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson para magbawas ng kalungkutan sa gitna ng mga usap-usapan na tumigil na siya sa panliligaw kay Sarah Geronimo. Unang pupuntahan ni Gerald ang amang nasa Egypt para makipag-bonding naman. “It’s just the time for my family. Medyo naging busy din ako kaya kailangan ko ring magbigay ng oras para sa pamilya ko,” ani Gerald. Hindi man aminin, masyadong nalungkot si Gerald dahil kahit na anong pagpipilit nyang ma-please ang ina ni Sarah na si Mommy Divine, hindi pa rin pala siya pumasa sa standard nito. Pormal niyang niligawan si Sarah sa tahanan nito na siyang number one rule sa ina ng singeractress. Pero nung nahahalata siguro ni Mother na in-love na ang anak sa guwapong actor, pumasok na naman ito sa eksena at pinagbawalan ang anak na ma-in love na naman. Siyempre pa hurt si Gerald dahil ano pa naman ang gusto ni Mommy Divine, sinunod niya ang mga gusto nito tapos pagbabawalan lang pala ang anak na sagutin siya. Ang masakit pa, naramdaman ni Gerald na hindi siya kayang ipag-

BIYERNES • AGOSTO 10, 2012

7

www.pssst.com.ph

ARRIBA
CELEEN LEMON

si Sarah?

LARA ISAGANI

Jericho Rosales Kim Jones

Sarah Geronimo

Gerald Anderson

laban ni Sarah at pikit-mata pa rin itong sumusunod sa mga magulang kahit pwede na naman siyang magdesisyon at the age of 24 para sa buhay niya. So, nagdecide si Gerald na tumigil na at magpa-alam na kay Sarah. Halatang hurt si Sarah dahil super iyak daw ito habang nagpapaalam sa kanya ang actor. Nang tanungin naman si Gerald tungkol kay Sarah, nag beg-off ito at ayaw daw muna niya ng interview kung tungkol ito sa kanyang Babe. “There’s always another time for that. Today’s not the right time,” nakangiting pakiusap ni Gerald. Nang tanungin kung maayos naman ba ang relasyon nila ngayon ni Sarah — na nakasama niya sa dalawang pelikula noong nakaraang taon — sumagot si Gerald ng: “Basta. Sasagutin ko lahat ‘yan.

ABUT-ABOT ang pasasalamat ng tambalang Jodi Sta Maria at Richard Yap sa patuloy na pagtaas ng rating sa kanilang programang “Be carefull with my heart.’ Sa ngayon ay talaga namang todo -tutok ang publiko kapag oras na ng kanilang programa. Bata, matanda ay talaga namang kinagigiliwan ang tamabalan nina Richard at Jodi. Patok ang papel ni Richard bilang isang istriko at masungit na amo, habang si Jodi naman ay bagay na bagay ang role na isang maurirat at matanong na baby sitter. Ayon kina Jodi at Richard, nagpapasalamat siya sa ABS-CBN sa tiwalang ibinigay sa kanila. Pinasalamantan din ng dalawang star ng “Be carefull with my heart” ang fans na hindi nagsasawang panoorin sila mula Lunes hanggang Biyernes. Kwento ni Aling Teresing, isa sa masuRichard Yap at Jodi Sta. Maria gid na tagasubaybay ng nasabing programa, naiinis siya dahil hindi nito napanood ang teleserye noong Lunes dahil wala silang kuryente ng sumandaling iyon bunsod ng masungit na panahon. Kaya naman ngayon pa lang ay sabik na ang mga fans ng dalawa sa mga susunod pang episode at lalo na sa ending ng bagong kinagigiliwang teleserye ng dos.

ADULT drama ang pelikulang pagtatambalan nina Dingdong Dantes, Angel Locsin at Angelica Panganiban sa Star Cinema na ‘One More Try’ na entry sa Metro Manila Film Festival ngayong 2012. Kaya naman paniguradong sasabak sa umaatikabong love scenes si Dingdong sa dalawa niyang seksing mga kapareha. Hanggang sa ngayon ay hindi pa kinukunan ang maseselang mga eksena ng tatlo pero ayon kay Dingdong hindi pa niya iniisip ang nasabing mga eksena pero sigurado aniya siyang kailangan ito sa kanilang pelikula upang lalong maging maganda ang kalalabasan. “Adult drama kasi siya, eh. I wouldn’t

Dingdong ‘di excited sa love scene kina Angel at Angelica
say daring because… Pinakamahirap, yes. May maturity na dini-demand ng character. It deals with real situation in life, eh. Very now ‘yung mga problema ng characters doon. “Hindi ko pa naiisip ‘yung gagawin naming love scene. Ang importante, maexecute ko nang maayos. Kagaya ng Segunda Mano, kailangang ma-execute nang maayos. Bonus na lang kung ano ang meron,” pahayag ni Dingdong. Mula ito sa direksiyon ni Ruel Bayani na nagdirek ng blockbuster movie na No Other Woman.

Ai-Ai, happy sa pagka-abswelto ng anak
Ai-Ai Delas Alas
AFTER at least five years, nagdesisyon na ang korte tungkol sa kasong kinasangkutan ng anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho Vito. It can be recalled na minor pa lang ang panganay ni Ai-Ai nang napagbintangang nag-shoplift ng candy na Mentos sa Ministop, Sampaloc, noong December 2007. Itinanggi ng binata ang bintang, at inakusahan ang empleyado ng convenience store na si Melvin Buceta ng pana-nakit at pagkulong sa kanya sa stock room. Siyempre pa, hindi ito palalagpasin ng Tanging Ina at noong Mayo 30, 2008, nagsampa siya ng kasong violation of Republic Act 7610 (Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination) laban kay Buceta at ang security guard na si Florentino Ermitano. Na-dismiss ang reklamo nila laban sa security guard. Pero ang mahalaga, na-dismiss ang kasong pagnanakaw na inihain sa Prosecutor’s Office ng Maynila laban kay Sancho dahil sa kakulangan ng ebidensiya at pinaboran din ng korte ang kaso ni Ai-Ai laban kay Buceta. Dahil dito, nagpahayag ang legal counsel ng mga Delas Alas na si Atty. Rowena Guanzon na nakamit na ni Sancho ang hustisya. Sa interview ng mag-ina sa The Buzz, nagpasalamat si Ai-Ai at nalinis na ang pangalan ng anak. Inamin ni Ai-Ai na masakit sa kanyang pagbintangang magnanakaw si Sacho dahil nagpapakahirap siya para maitaguyod ang kanyang mga anak. “Yun lang ang maipagmamalaki ko sa Pilipinas at sa buong mundo, na pinalaki ko nang maayos ang mga anak ko,” sabi nito. Inamin niyang galit na galit siya nang makita sa YouTube ang mga akusasyon sa anak. “Doon sinasabi na, ‘Ay, tarantado naman talaga ang anak ni Ai-Ai na ‘yan... kasi, anak ng artista ‘yan...’” Ipinagdasal daw nyang matapos na ang lahat para malinis ang pangalan ni Sacho. “Kilala ko ang anak ko. Alam ko kung paano siya pinalaki. Alam ko kung anong klaseng tao siya. So, doon sa naninira o ano, hindi ko naman maiaalis sa kanila na magjudge sila. Hindi naman nila kilala si Sancho.” Pero bilang isang ina, masakit daw talaga na tawaging magnanakaw ang kanyang anak. Para gumaan ang kanyang nararamdaman, dinaan na lamang daw ng Kapamilya star ang lahat sa dasal. Ang panalangin daw niya: “Sana mavindicate ang anak ko, kasi masyado siyang na-trauma.”

H I N D I man kasama ang kanyang mga magulang ay Ara Mina humingi ng tulong sa pamamagitan ng social networking site na Twitter na i-rescue ang kanyang mga magulang na binaha sa Provident Village, Marikina City. Nakasaad sa twitter ng aktres na umaapePapa Chen la sa city government na kung maari ay mapuntahan ang kanyang mga mahal sa buhay na binaha dahil sa malakas na ulan kahapon. Nagpasya si Ara na idaan sa twitter ang paghingi ng tulong matapos na mabiktima rin ng baha ang kapatid niyang si Cristine Reyes ng bagyong “Ondoy” noong September 26, 2009. Mapalad na na-rescue si Cristine ni Richard Gutierrez sa bubong ng bahay ng aktres. Kaugnay nito nanawagan din ng tulong si Marikina Rep. Miro Quimbo para sa mga

Paghingi ng saklolo ni Ara Mina, idinaan sa Twitter

sinalantang kababayan. Noong bagyong Ondoy ay labis na naapektuhan ang lungsod ng Marikina lalong lalo na ang Provident Village kung saan marami ang binawian ng buhay. Umabot naman sa halos 27,000 evacuees ang nailikas sa Marikina City dulot ng maghapong pag-uulan dahil sa pag-apaw ng ilog sa nasabing lugar. Ani Marikina City Vice Mayor Dr. Fabian Cadiz, acting mayor ng lungsod, lahat ng 24 evacuation centers ay puno na ng mga evacuees. Sinabi ni Cadiz na mayroon silang 28 public schools sa lugar kung saan 24 sa mga ito ay may nailikas doon ang mga residente. Dagdag pa ng opisyal, karamihan sa mga apektadong lugar ay ang mga nakatira sa Nangka River, Concepcion Uno at Dos, Provident Village, at Barangay Tumana. Una rito, puspusan ang ginagawang pag-rescue sa mga residenteng nasa bubungan ng kanilang bahay na nagpalipas ng magdamag.

Zanjoe Marudo, Angel Locsin, Angelica Panganiban at Dingdong Dantes (L-R)

Apl. De.Ap, humingi ng dasal, tulong
NAGPAABOT ng panalangin at umapela ng tulong ang mga celebreties dahil sa malawakang pagbaha sa halos lahat ng lugar sa National Capital Region (NCR). Isa si Black Eyed Peas (BEP) member ng Apl. De.Ap o Allan Pineda Jr Lindo Jr. sa totoong buhay ang nagpaabot ng dasal at tulong sa pamamagitan ng Twitter, Nanlumo ang international rapper nang mapanood sa telebisyon ang mga binahang lugar sa Pilipinas gaya ng Metro Manila. Si Apl. De. Ap ay tubong Pampanga, na isa sa mga malubhang silanta ng pagbaha. Sa Tweet naman ng tv host na si Bianca Gonzales, humingi ito ng dasal sa kalagayan ng Pilipinas. Hinikayat din ng actress/model na si Anne Curtis na mag-donate ang iba para sa mga biktima ng baha. Maging si international you tube sensation Marie Digby ay ipinaabot din ang panalangin para sa kaligtasan ng mga Filipino.

Apl. De.Ap

SHOWBIZ
DEADLINE
JANINE BARRIOS
Ang mga bisyo raw ni JM De Guzman ang dahilan kung kaya’t kahit na halatang may feelings na eh binasted pa rin ito ng magandang si Jessy Mendiola . Si JM mismo ang nagbuko na pinayuhan na siya ni Jessy na

www.pssst.com.ph

JM, may bisyo kaya binasted ni Jessy
my ni Jessy dahil sa mga malisyosong kwento na si Jessy pa ang dumadayo sa condo niya para magkasama sila. Sabi ng actor, nakakahiya raw talaga ito kay Jessy at sa ina ng aktres na maganda pa naman ang pakikitungo sa kanya. Aniya, siya ang pumupunta sa condo ng aktres para manligaw, gusto raw niya kasing patunayan sa pamilya nito na sincere siya sa intention kay Jessy. Samantala, sa isang interview, sinabi ni Jessy na espesyal sa kanya si JM pero hindi pa time para maging seryoso sila sa love. Nang tanungin kung may pagasa ba naman sa kanya ang binata, ngumiti lang ito at makahulugang naglitanya ng “no for now.” So, ibig sabihin lang nito ay may pag-asa talaga ang bida ng

8

BIYERNES • AGOSTO 10, 2012

iwasan ang mga bisyong kinaayawan nito sa kanya pero yun nga, mukhang hindi nya siniryoso ang mga payo ng aktres kaya’t basted tuloy siya. Sisikapin daw nya talagang sundin ngayon ang mga advice sa kanya ni Jessy para makita nitong nakahanda siyang magbago para sa aktres. “Hoping pa rin ako, hindi ako nawawalan ng pagasang magiging kami in the future kasi talagang mahal na mahal ko siya,” ani JM. Gusto nga rin palang mag-apoloJessy Mendiola gize ni JM sa mom-

JM De Guzman
Angelito, ang Batang Ama, sa puso ng magandang aktres. O hayan JM, magtino ka na kasi para masungkit mo na ang matamis na OO ni Jessy your love.

Sabi ni Heart, hindi raw sila on ni Sen. Chiz
Chiz Escudero Heart Evangelista
SABI nga, pag may usok, may apoy di po ba? Pero mukhang hindi naniniwala rito si Heart Evangelista dahil patuloy pa rin itong nagde-deny sa pagkaka-link niya kay Sen. Chiz Escudero. Nananawagan si Heart na lubayan na siya ng mga tsismis samantalang patuloy naman silang nakikitang magkasama ng simpatikong senador sa kanilang mga dinner dates. Ano ba ang problema ni Heart at ayaw nyang umamin sa totoong relasyon nila ni Chiz eh di ba dati very open naman siya sa kanyang lovelife? May nagbabawal ba o may gag order lang siya mula sa senador na quiet lang siya pagdating sa totoong estado ng kanilang relasyon? Hindi mapipigil ni Heart na kumalat ang mga sighting ng pagdi-date nila ni Chiz dahil pareho silang sikat. Natural lang na magsasalin-salin ang mga kwento rito hanggang makarating sa press di ba? Meanwhile, naghihinakit si

Heart sa tsikang siya raw ang may diperensya kung kaya’t nag split sila ng boyfriend na si Daniel Matsunaga. “Oh my, hindi nila alam ang kwento kaya sana ay ‘wag nila akong akusahan. Mutual decision namin ito ni Daniel at wala kaming grudge sa isa’t-isa, malaki ang natutunan namin from each other dahil it helped both of us to become more mature. We have moved on kaya sana mag move on na rin ang mga taong umaasa na magkakabalikan kami,” paliwanag pa ni Heart. Hindi masyadong busy si Heart at ang huling pelikulang ginawa niya ay ang Temptation Island (2011), na pinagsamahan nila nina Lovi Poe, Rufa Mae Quinto, Solenn Heussaff, at Marian Rivera. Nagkaroon pa nga sila ng feud ni Marian habang ginagawa ito. Pero ngayon ay gagawa na ulit ng pelikula si Heart under Viva Films na ayaw pang ipabanggit ang magiging title ng movie.

BIYERNES • AGOSTO 10, 2012

Hollywood Bitz
Jay-Z at Beyonce
VERY much in love talaga ang rapper na si Kanye West sa kanyang girlfriend na si Kim Kardashian dahil ayon sa Us Weekly news, sumulat pa ito ng kanta para kay Kim. “I wrote the song Perfect Bitch about Kim,” ang tweet ni West sa kanyang 8.2 million followers. Ipinarinig pa ito ng “Watch The Throne” rapper sa crowd ng isang club kung saan kasama niya ang aktor na si Leonardo DiCarpio habang gumigimick. Nagtake over si West sa DJ booth at ipinarinig niya ang ilang tracks sa kanyang album kasama ang “My Perfect Bitch” na kanta para kay Kim. “He raps verses about his search for the perfect woman and how he has now found the ‘perfect bitch,’” ang kuwento ng isang source. Dagdag pa ng source na maraming descriptions sa kanta patungkol sa famous curves ni Kim. Hindi ito ang unang pagkakataon na may ginawang kanta ang 35-year-old rapper sa kanyang reality tv star girlfriend na si Kim. Ang “Way Too Cold” (formerly titled Theraflu) na nirelease last April ay dedicated din kay Kim. Sa lyrics na nirarap ni West ay in love na siya kay Kim noon pa man ngunit karelasyon pa niya si Kris Humphries. Ang “My Perfect Bitch” ay kasama sa upcoming album ni West na “Cruel Summer.”

9

www.pssst.com.ph

SHOWBIZ
Nina MARA at CLARA

Kanye West, sumulat ng kanta para kay Kim Kardashian

Jay-Z at Beyonce highest paid couple
NAKUHA ng mag-asawang Jay-Z at Beyonce Knowles ang titulo ng World’s Highest Paid Celebrity Couple ng 2012 ayon sa Gossip Center report. Base sa Forbes Magazine latest lists, kumita ang power couple ng estimated $78 million hanggang nitong May 1. Kahit nagpahinga ang “Single Ladies” singer na si Beyonce nang mabuntis at matapos manganak sa kanilang daughter na si Blue Ivy ay kumita pa rin ito ng $40 million sa kanyang sponsorship deals, album sales at royalties. Ang 42-year-old rapper naman na si Jay-Z ay tumabo ng $38 million sa kanyang “Watch The Throne” album at concert tours kasama ang kaibigang si Kanye West. Kasama rin diyan ang tuloy tuloy na benta na kanyang libro na “Decoded” at mga income pa galing sa ilang business tulad ng nightclub, Roc Nation label, management at music publishing company. Samantala, nasa top 2 spot ng highest paid celebrity couple ng Forbes Magazine ang supermodel na si Gisele Bundchen at ang asawang NFL player na si Tom Brady na may earnings na $72 million. Ang football player na si David Beckham at ang asawang fashion designer na si Victoria Beckham ay kumita ng $54 million. Hindi naman nagpahuli ang couple na sina Brad Pitt at Angelina Jolie na may $45 million earnings. Fifth place sina Will at Jada Pinkett Smith na may $40 million earnings.

Kim Kardashian at Kanye West

Zac Efron

Zac Efron may guesting sa ‘Sesame Street’
SA new season premiere ng Sesame Street sa September 24 sa PBS ay guest star ang “Highschool Musical” actor na si Zac Efron ayon sa report ng Just Jared. Sa 43rd season ng children’s show na ito ay lalabas ang 24-yearold actor sa isang episode na pinamagatang “Patience” na ituturo niya sa mga bata. Bukod kay Efron ay may iba pang guest star na naka line-up para sa bagong chapter ng long-running children’s series na Sesame Street. Kabilang diyan ang football player na si David Beckham, ang aktres na si Halle Berry, Melissa McCarthy, Steve Carell, Jon Hamm, Eric Stonestreet, Joseph Gordon-Levitt, Maya Rudolph, Dax Shepard, Ed Helms, Kristen Bell, Wendy Williams at si Common. Samantala, lumabas na ang campaign ad ng fashion line na John John Denim kung saan si Efron ang bagong image model nito.

Rihanna, hindi type ng bagong CEO ng Nivea skincare
ng nakahubad bilang bahagi ng 100th anniversary ng Nivea. Ang kanta niyang “California King Bed” ay ginamit rin sa nasabing commercial. At ginastusan din ng kumpanya ng Nivea ang concert tour ng singer. Lahat ito ay maayos na nangyari noong wala pa si Heidenreich sa kumpanya. Pero ayon sa bagong CEO ngayon ng Nivea Skincare Company, hindi raw positive role model si Rihanna para sa kanilang

Rihanna

MUKHANG magkakaproblema ngayon ang R&B singer na si Rihanna bilang image model ng Nivea Skincare. Ayon sa report ng Huffington Post, negative ang comments ng bagong CEO ng Nivea na si Stefan Heidenreich kay Rihanna. Matatandaang 2011 nang pumirma ng kontrata sa Nivea ang singer bilang image model. Ilang advertisements din ang nagawa ng “Good Girl Gone Bad” star sa Nivea at kasama diyan nang mag-pose siya

brand. Dahil kilala ang singer bilang party animal at provocative kung manamit. “Rihanna is a no go... I do not understand how to bring the core brand of Nivea in conjunction with Rihanna. Nivea is a company which stands for trust, family and reliability,” ang pahayag ni Heidenreich. Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung pormal ng inalis sa Nivea si Rihanna bilang image model.

SPORTS

BAGAMA’T naging mailap ang medalya para sa Pilipinas ay naging masaya at proud ang buong delegasyon ng Team Pilipinas sa kanilang pagsabak sa world Olympics sa London. Kaya naman ang pagsabak ng pinakahuling alas ng Pilipinas sa Olympics na si Filipino-American BMX rider Danny Caluag ay inaantabayanan ng buong bansa. Humingi ng panalangin ang buong de-legasyon para sa tagumpay ng natitira na lamang pambato ng bansa na si Caluag. Si Caluag na binansagang ‘last man standing’ang sinasabing may pag-asang

Huling hirit!

www.pssst.com.ph

10

BIYERNES • AGOSTO 10, 2012

World ranking ng Askals umakyat
MAGANDANG balita para sa milyong tagasuporta ng Philippine football team Azkals. Ito ay dahil nag-umento at bahagyang gumanda ang kanilang world ranking. Base sa ipinalabas na ranking ng Fédération Internationale de Football Association (FIFA) mula sa pagiging ika152 sa buong mundo, umakyat ng dalawang baitang ang puwesto ng Azkals at naging 150. Kung maalala, narating ng Azkals ang pinakamataas na ranking na 148th place noong Abril matapos manalong third place sa AFC Challenge Cup. Gayunman, nananatili ang Azkals na third highest sa South East Asian country kung saan halos kalahati sa mga bansang kasapi ay nagbagsakan ang puwesto. Ang Thailand ay nasa pinakamataas na posisyon matapos na bumagsak ang Vietnam sa ika-26 na puwesto. Kasabay ng nalalapit na friendly match sa US Virgin Islands na pang-178 sa buong mundo ang serye ng laban sa South East Asian competition bilang kapalit sa Nehru Cup, ang Team Azkals ay maaaring lagpasan ang Vietnam sa ranking kung magpapakitan gilas ang mga Pinoy players well. Matapos ang US training camp kabilang ang friendly game sa Premier Development League side Chicago Inferno sa Agosto 12, umaasa ang Team Azkals na harapin ang Cambodia sa Setyembre 5 kasunod ang Singapore sa Setyembre 7 at Laos sa Setyembre 10. Ella C. Linde

makakuha ng medalya para sa Pilipinas matapos na mabigo sa huling mga laban sina Rene Herrera sa 5,000 meter race at Southeast Asian Games (SEAG) long jump queen Marestella Torres. Sa pagsalang ni Caluag ngayong araw sa kumpetisyon ay masusubukan ang kalibre ng kanyang kalidad. Lalaban si Caluag sa BMX quarterfinal round kung saan makakalaban nito ang iba pang 32-elite BMX riders sa mundo. Nauna dito sa seeding phase ay tumapos ang Bulacan native na si Caluag ng 31st place sa performance time nitong 40.9 seconds. Ella Linde

Team USA, dinurog ang Australia

O L Y M P I C BITZ
Mara at Clara
Nina:

BUHAY na buhay ang pangarap na gold medal nina Kobe Bryant, LeBron James at ang iba pang player ng US men’s Olympic basketball team. Pinatahimik ni Bryant ang kanyang mga kritiko sa kanyang 20 points, kabilang ang anim na 3-pointers, para talunin ng Team USA ang Australia. Pasok ang US basketball team sa semifinals ng London games matapos ang 119-86 victory laban sa Australia. “Just kind of searching for something to get me going, for

something that would activate the Black Mamba, as Coach calls it,” sinabi ni Bryant. Tumulong din si James para tambakan ang Australia sa kanyang 11 points, 14 rebounds at 11 assists. Nagdagdag din ng 18 points si Deron Williams, 17 mula kay Anthony habang 14 points naman mula kay Kevin Durant. Makakalaban ng Team USA ang Argentina sa semifinals. Tinalo na kamakailan ng American basketball team ang Argentines sa score na 126-97.

Team USA vs Australia

Gumawa ng world record si Cameron van der Burgh ng South Africa sa 100-meter breaststroke pero nandaya umano para manalo ng gold medal sa London Olympics. Inamin ng swimmer na gumawa siya ng tatlong dolphin kicks sa simula ng karera kahit isa lamang ang pwede dito. Hindi gumagamit ng underwater replay review ang swimming committee

South African swimmer umamin na nandaya siya

Cameron van der Burgh

kaya walang basehan ang ibang swimmers na umapela sa isang desisyon. “If you’re not doing it, you’re falling behind,” sinabi ni Van der Burgh. “It’s not obviously -- shall we say -- the moral thing to do, but I’m not willing to sacrifice my personal performance and four years of hard work for someone that is willing to do it and get away with it. Ayon sa South African swimmer, ginagawa din ng ilang swimmers ang extra dolphin kicks bilang technique para manalo sa mga kompetisyon. Inirekomenda pa niya sa Olympics committee na gumamit na ng underwater replay sa susunod na games. ‘’It’s got to the sort of point where if you’re not doing it you’re falling behind or you’re giving yourself a disadvantage so everyone’s pushing the rules and pushing the boundaries, so if you’re not doing it, you’re not trying hard enough,” sinabi ng swimmer.

INAMIN ni Usain Bolt na kumain siya ng McDonald’s meal bago siya sumali sa 100-meter race kung saan nanalo siya ng gold medal sa loob ng 9.63 seconds. Ayon sa Metro report, mahilig sa fast food at hindi special drinks ang fastest man sa London Olympics para makakuha ng enerhiya. Ang huling paborito ni Bolt ang McDon-

Usain Bolt, mahilig sa fastfood
ald’s wrap. “It had vegetables in it, so don’t judge me!” ang biro ni Bolt. “I had some plaintains, some hash browns, fruit, then a wrap from McDonald’s. For lunch I had rice and pork and some apple juice.” Ibinunyag din ni Bolt na kumakain din siya ng McDonald’s nuggets habang nakatira sa Olympic village.

Usain Bolt

BIYERNES • AGOSTO 10, 2012

Mara at Clara

Nina:

S P O Bolt, interesadong maglaro ng football R T S
UMURONG si tennis superstar Maria Sharapova mula sa Rogers Cup tennis tournament sa Montreal, Canada dahil sa sakit ng tiyan. Dumating ang world’s no.2 female tennis player para magpraktis ngunit nagpaalam sa event matapos ang workout. Nakuha umano ni Sharapova ang stomach virus sa London Olympics kung saan tinalo siya ni Serena Williams. “It’s disappointing for our fans and for all of us, but it’s part of the game unfortunately,” sinabi ni Eugene Lapierre, ang tournament director. “Maria showed exceptional professionalism making the trip to Montreal, coming on site and try to practice, despite the face she had not been feeling well.” Pinalitan si Sharapova ni Galina Voskoboeva sa isang draw sa Montreal tennis tournament.

Maria Sharapova, umalis sa Rogers Cup dahil may sakit

11

www.pssst.com.ph

SPORTS
Maria Sharapova

Usain Bolt

B I T Z

NAKATAKDANG bumalik sa on-court workouts si Miami Heat guard Dwyane Wade sa September dahil maayos ang kanyang rehabilitasyon sa knee surgery. “Rehab is going well,” wika ni Wade habang nagpo-promote ng NBA House of Gatorade sa London. Nagkaroon ng surgery si Wade sa kan-

Wade, gumagaling sa knee rehab

KAHIT matagumpay ang kanyang career bilang fastest man in the world, hindi palalampasin ni Usain Bolt na maglaro para sa Manchester United. Ayon kay Bolt, interesado siyang maglaro ng football at handang sumali sa trials ng kilalang British football club. “People think I am joking. But if Alex Ferguson called me up and said, ‘OK let’s do this, come and have a trial’, it would be impossible for me to say No,” sinabi ni Bolt. “I would not take up the challenge if I didn’t think I was good enough. I am a very

accomplished player and know I could make a difference. I would be the fastest player in the team — but I can play as well,” dagdag pa ng Jamaican runner. Natuwa naman si Rio Ferdinand ng Manchester United sa plano ni Bolt na maglaro ng football. “If you want that trial at Man Utd shout me, I’ll speak to the boss!! Well done in 100m,” sinulat ni Ferdinand sa kanyang Twitter account. Sumagot si Bolt kay Ferdinand at sinabing “After the Olympics we work on that... lol..thanks man.”

Dwayne Wade

yang kaliwang tuhod noong July 9 matapos tulungan ang Heat na manalo ng NBA championship. Bubuksan ng Heat ang kanilang training camp sa susunod na buwan. Umaasa si Wade na “ready to go” siya sa muling paghaharap ng Heat laban sa Boston Celtics sa October 30.

Foto-zisero
SAGASA SA DELUBYO
Kanya-kanyang diskarte ang mga tao upang isalba ang buhay sa mga bahaging apektado ng pagbaha sa Metro Manila at mga karatig lalawigan dulot ng matinding habagat sa mga nakalipas na araw. Sa kabila ng lahat, namayani pa rin ang bayanihan na nagbibigkis sa lahat bilang Filipino. Jhay Chavez Dingdong Riviera

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->