You are on page 1of 7

ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili,

ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon diy nagdesisyong Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang sa pagkain na paminsan-minsay inuuwi ng ama malaking supot ng mainit na munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya napaiyak at kinailangang muling libangin. nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng Ngayoy naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang kaniya-kaniyang parte ang lahat kahit itoy sansubo lang ng masarap na malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit. wagas na pagmamahal sa patay na bata, kayat madalamhati siyang nagtatawag, Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak! Nakita niya Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang ito sa libingan sa tabi ng gulod payat, maputla, at napakaliit at ang mga alon lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang ibay lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, Maaring na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata.

ANG AMA

Salin ni Mauro R. Avena

sa mga pinag-aagawan.

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nilay masayang nakiupo sa kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya kanilat kumain ng kaunti. ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayoy hindi nagang mga bote ng beer. uuwi ng pagkain ang ama; ang katunayay ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking kabila niyoy umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon bay kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang tiyak na walang pagkain, at ang mga batay magsisiksikan, takot na anumang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito Sabi ng pinakamatandang lalakiy biskwit; nakakita na siyang maraming kahon upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa pinakamatandang babae ay kendi, yong katulad ng minsay ibinigay nila ni Lau mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang mamamaga, kayat mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga ano man ang laman niyon. Kayat nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at silay hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto. magtatanong kung ano ang ginagawa nito. Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahilay si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na dimakatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at itoy nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, itoy tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig. Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wariy kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. Tingnan natin kung saan siya pupunta. Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayoy nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna. Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sanay tanggapin mo. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.

AANHIN NINO YAN?


Vilas Manwat Salin ni Luwalhati Bautista Si Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paay singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng pulitika o panitikan. Marahil, ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng sinangag ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangi-tangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa niyang pahintulutan ang kanyang mga parokayano sa walang limitasyong pangungutang. Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari pang dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: Ang dalawampung satang na halaga ng matamis ay hindi ipinahihirap ng pamilya. Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng baka para doon! Sa iskinita ding iyon naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kaninan at tumula ng mga berso mula sa kwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang atensyon. Matapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang may yelo, na malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pang doughnut para kumpleto. Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: Mga binibini, nahihirapan na kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, pwede nyong bitbitin ang inyong mga sapatos hanggang sa aking tindahan at doon nyo isuot. Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig para panghugas ng paa. Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya, Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; dyan maganda ang negosyo, mas madali kang yayaman. Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis. Ang sagot na itoy may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang magpundar ng mas malaki pang kayamanan. Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili, Ang saya-saya nilang tingnan, malayo sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin. Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisia si Nai Phan. Papadilim na at naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki. Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir? Tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadaman niya na hindi maganda ang mga pangyayari. Iabot mo ang salapi mo, marahas na sabi ng kabataang lalaki. Lahat! Kung anuman meron ka. Mukhang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao sa ibat ibang dako araw-araw. Pag pinatay kita, wala nang ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi na rin masyadong nakapagtataka, kaya bilisan mo na. pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala. Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinig na parang nakikipag-usap lang; Ibibigay ko sayo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sayo dahil mukhang kailangang-kailangan mo iyon. Baka nakasalalay ditoy buhay at kamatayan. Eto. . . lahat ng perang meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam? Siguroy may sakit ang iyong ina; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o hindi. Maraming buhay ang maaaring mnakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi ko sasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin mo na. Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi nagkalakas-loob na hipuin iyon. Bakit hindi mo kunin? tanong ni Nai Phan. Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong hirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong ama at kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa gamot. Maniwalak ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahan. Sapat na ang makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay!at itabi mo ang iyong barilgiginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isang lalaking may dalang baril ay hindi nakakakilala nbg kapayapaan, ang puso niyay naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng panganib. Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata. Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata. Itinaas niya ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at pagbubukas-palad. Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka, sabi ng kabataang lalaki. Huwag kang magsalita na parang baliw, sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabot ang pera sa binata. Ito na lahat iyon. Dalhin mo at iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko, tulad ng ibang lalaki; kahit sinong

lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din ang gagawin ko kung desperado. Naupo ang kabataang holdaper. Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita kailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril. Ngayoy uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo, umubo siya ng ilang ulit bago nagpatuloy. Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking inay inubos ko sa karera ng kabayo; yong kakaunting natiray inubos ko sa pag-iinom. Lahat ng taoy nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkahalong eksperimento, pagkakamalit mga kabiguan? sabi ni Nai Phan. Hindi, malakas ang katawan ko, alam mo, pagpapatuloy ngkabataang lalaki. Narinig mo ba ang ubo ko? Natatakot ako na mayroon na akong T.B. iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron akong mga ginawang masasamadapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat mabuhay, pasanin lang ako sa mundo. Salamat, at paalam. Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang makilala. Saan ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo? Walang pag-asang umiling ang kabataang lalaki. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Saan ako maaaring pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang walag anupaman sa mundong ito na karapat-dapat na paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha na ako mula nang araw na akoy ipinanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga kapwa-tao. Minsan, ang tingin koy pananagutan ng lahat ang mga kasamaan ko. Ayokong makisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala sa kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ng pakikipag-usap ng tao sa isat isa, kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila mahalin at purihin ang isat isa, kung paano sila tumawa at ngumiti. Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. Lahat ng taoy ganon ang pakiramdam kung minsan. Kaya mo ba akong paniwalaan?. Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako sa lahat. Ang buong mundo ay parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na mapangangapitan o maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay ko ay maaari akong humanap ng gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Mananatili ako nang isang linggo sa isang trabaho, dalawang linggo, sa isa pahindi ako nagtatagal kahit saan. Nagbabasa ka ba ng libro? Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ako nagbabasa ng dyaryo ngayon. Bakit pa? alam na alam ko kung anong laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga lugar at mga pangalan, pero ganun at ganon din ang mga istorya. Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai Phan. Suwerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyak na papatayin kita. Ang daigdig na itoy punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit, mga lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na raw ang sibilisasyon at moralidad. Hindi ako naniniwala na dahil lang daan-daan o libo-libo ang napasama, ganun na rin ang dapat gawin ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon na hindi ako naparito dahil sa pera kundi para patunayan sa sarili ko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko palagi kahit pa nawawalan na ng pag-asa ang mundo at lumulubog na sa kalaliman, pinarumi at dinungisan ng kasalanan ng tao, may natitira pa rin kahit isang tao na hindi tao dahil lang ganun ang itsura niya, kundi isang tunay na taong nilalang. Alam niya kung paaanong magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalang ng ibang tao. Pero hindi ko ganap na pinanaligan iyon dahil wala pa akong nakitang ganun. Sa loob ng maraming taon ay iniisip ko: Sanay makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng kabuktutan ng mundo, para mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, para magkaroon ako ng lakas para patuloy na mabuhay. Ngayoy nakatagpo ako ng isang taong ganun. Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong tuntunin. Mukhang naging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis at pagkaraan, naalala niya, inilabas niya ang baril. Iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan. Sanay kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang lalaki na magdadala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril. Ang mga bandidoy maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nilay laging gagambalain ng katotohanan na ang mga kaaway nilay maaaring sumalakay sa kanila nang wala silang kahandaan. Wala silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit. Pag ang taoy walang panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah. Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idinugtong nito: Babalik ako para makita ka uli, pero huwag mo nang ipakita uli sa akin ang aking baril. Yan ang kaaway ng isang malinis na buhay. Paalam. Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin ang pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan niya ng bagong pansala ng kape.

Paalam sa Pagkabata
Salin ni Nazareno D. Bas

Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang ginaw, katahimikan, dilim iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko. Sa kabilang silid, sa kwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil ng paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunod-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya. Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin koy tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan. Maliwanag na ang silangan nang akoy bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyang pagbubuntonghininga. Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang itoy ginagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong itoy tinapon ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit si Tatay sa ginawa ni Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. Pagkatapos ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan. "Hanggang ngayon bay hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo pa malilimutan ang nangyari?" Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang matang tumingin sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon. Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buong-buo pa rin sa aking paningin. Buong-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na iyon? Alam kong alam ni Nanay ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito. May karapatan akong malaman. Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. May ibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nauntol ang ibig kong sabihin nang magpatuloy ang kanyang pagluha. "Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo." Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit. Langit? May gumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi sa aking guro sa ikaapat na baitang ng primarya. Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi nahihipo. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni Nanay ang langit? "Ano pa ang hinihintay mo, Celso?" Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Mayamayay tumakbo na ako ng matulin. Nasa dalampasigan ang mamamili ng isang dala ng mga bangkang galing sa laot. Masasaya silang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin, malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin at pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan. Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gutara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. At sabay kong narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At mula na namang naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na kundiman umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko. "Naririyan na naman siya." "Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy ang kanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang kanyang pag-asa. Kung kailan natutupad ang kanyang pangarap Diyos lamang ang nakakaalam." Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang naging bahagi na ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa ilalim ng kaniyugan. Patuloy ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawang lalaking may katandaan na. Naalala ko ang sabi ni Tatay. Bawal pumunta sa bahay-pawid na iyon. Mahigpit ang utos ni Tatay. Nagbabanta ng parusa. Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda. Bumaling ako sa pinanggalingan ng awit na ngayoy gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila. Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni Tatay.

Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha ang kanyang mga mata. Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawal sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako. Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha. Hinimas ang aking ulo. Unti-unting lumuwag ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin ako sa kanya. Muli niya akong niyapos. "Dalawin mo ako palagi, ha?" Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi lahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aming bahay. Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan. Nagdatingan na pala ang mga bangka at nag-uunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmadali akong tumakbo upang salubungin ang Tatay. Malayo pa ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng kanyang bangka. Natanawan niya ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako. "Lapit rito, Celso!" Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. At bigla akong sinampal. "Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin." Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirap intindihin si Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di naman dapat katakutan ang kanyang mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay? Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa sampayan ng lambat. Nakatabako at nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bago matapos ang kanyang gawain. Matapos makapananghalian siyay matutulog. Pagkagising maghahapunan. At di pa man ganap ang gabi balik na naman sa dagat. Iyan ang buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng aking buhay. Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko sa Nanay na nakaupo sa may hagdanan. Tahimik at nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata. At naalala ko ang pangyayari noong itinapon ni Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At naalala ko ang nangyari kanina sa dalampasigan. Naalala ko iyong tao. Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking isipan ang mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin. Nadama kong inihahanap ko ang katarungan ang aking kalagayan. Nagpunta ako sa kusinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit ko ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat. "Huwag, Celso!" saway ni Nanay na nanginginig ang boses. "Huwag!" Naiiba sa aking pandinig ang pagsigaw ni Nanay. Pati si Tatay ay natigilan at nabigla sa aking ginawa ay hindi ko pinansin. Hinalibas ko ng itak ang lambat at saka lang ako tumigil nang itoy magkagutay-gutay na at nagkalat sa aking paanan. "Celso!" Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi lamang ng pang-unawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng malakas na suntok at napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat. Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin. Parang may nakita akong anino si Tatay na sumusurot kay Nanay. "Ngunit, Tomas," nagmamakaawa si Nanay. "Wala siyang kasalanan. Maawa ka sa kaniya." "Pumanhik ka, Isidra!" singhal ni Tatay. "Pumanhik ka na habang akoy nakapagpipigil pa." Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay Tatay. Ngunit isang tadyak ang sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit tinangka kong makatayo. Mabigat ang pakiramdam ko sa aking katawan at akoy gumagapang. Ngunit sinabunutan ako ni Tatay at iningudngod sa lupa ang aking mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak. Nasasalat ko ang magkahalong dugo at pawis sa aking pisngi. Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihinay umusad ako nang umusad. Hanggang sa nangangatog kong mga bisig ay yumapos sa mga binti ni Tatay. Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan at ako ay napahandusay sa kanyang paanan. Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang may maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Matagal.

Mabangis na lungsod
Efren R. Abueg Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang kinakaya-kaya. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan. "Mama... Ale, palimos na po." Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas. "Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!" Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas. "May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka. "Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!" Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan. Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan. "Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino

mang pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas. "Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan. "Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa matanda. "Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!" Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing. "Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan. "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.

Impyerno Sa Lupa
By E.L. Minell Abril taong 2034. Maynila. Tanghaling tapat. Ang init ng araw ang gumising sa akin. Halos di na rin makaihip ng malamig na hangin ang aking Electric Fan. Masakit ang ulo ko dahil sa puyat na inabot sa overtime. Wala akong magawa kaya't binuksan ko na lang ang radyo sa tabi ng aking kama. Naalala ko na sira pala ang aking radyo. Sa sobrang inis, ibabato ko na lang ang radyo ng may marinig akong ingay galing sa dingding ng aking maliit na kwarto. Ang ingay ay di maiihalintulad sa ingay ng dalawang taong nagtatalo ngunit ito'y ingay na parang may batang nagmamakaawa. Inilapit ko ang aking tenga sa dingding upang marinig ng mabuti ang nangyayaring gulo sa tabi ng bahay. Narinig kong may munting tinig ng isang bata ang tila'y hinahalay ng matandang Lalaki! Narinig ko ring may isa pang batang lalaki ang umiiyak at nagmamakaawang pakawalan ang kanyang kapatid. "Tumahimik ka! Tumahimik Sabi!" yan ang sinisigaw ng Lalaki. "Wag po... maawa kayo sa akin. Mama! Papa! Huhuhu," ang iyak ng batang kawawa. Agad akong pumunta sa pintuan para lumabas at humingi ng tulong sa mga kapit bahay. Wala akong telepono. Nang nabuksan ko ang pintong kahoy, ang pintong bakal ay naka-kadena na't naka-padlock. Ang rehas sa pintong bakal na kumukulong sa akin ay napakatibay. Natatakot naman akong sumigaw ng tulong sa labas baka bigla na lang patayin ng Lalaki ang dalawang bata sa kabilang bahay. Maaari ring maisipan na rin niya akong patayin sa dahilang siya ang pinakamalapit na makakarinig kung ako'y sisigaw at sapagkat kung gagawin niya ito'y napakadali lang dahil nasa sulok ang aking apartment at hindi mapapansin ng sino mang gustong magtangkang tumingin. Hindi rin ako pwedeng maghintay na lamang ng kasama dahil ako'y nagiisa lamang sa inuupahang apartment. Sa boses pa lang niya'y mukhang mamamatay tao siya. Hindi ko hahayaan ang mga hayop na tulad ng lalaki sa kabilang bahay na makagawa muli ng kanyang kahayupan. Naisipan kong pumunta sa banyo kung saan naroon ang fire exit. Ang pinto ng fire exit ay may kalumaan na't kinakalawang. Sinubukan kong lumabas sa fire exit, kumapit patungo sa kabila at sumilip sa kanilang bintana. Wala akong maaninag anuman sa labo ng salamin ng bintana, ngunit napansin kong plywood lamang ang tumatakip sa dating pinaglagyan ng Air Conditioner. Tinanggal ko ito at pumasok sa kanilang banyo ng dahan dahan. Narinig kong muli ang iyak ng mga bata nang ako'y nasa banyo nila. Wala akong dalang ano mang armas sa aking kamay. Ang alam ko lang ay kailangang magawa ko ang aking makakaya upang matulungan ang mga batang biktima ng isang taong walang kaluluwa! Kinuha ko ang salamin sa itaas ng lababo para gamitin sanang armas kung sakaling aatakihin ko ang mamang ito. Inisip ko rin na nangangailangan ng kaunting pasensya at tamang oras ang pag-atake upang magawa ko ito ng tama. Napansin kong bukas ng kaunti ang pintuan ng banyo kaya't ang salamin ay nagsilbing gamit upang makita ko ang nangyayari sa sala. Kasalukuyang tinatali at pinipiringan ng lalaki ang dalawang bata. Nakahubad at pawis na pawis ang lalaking ito at pinagpatuloy ang kanyang kahayupan sa batang babae. Hindi ko na mapigilan ang galit sa loob ngunit nangingibabaw ang aking takot. Lalabas na sana ako't lulusob nang may bigla akong narinig na ugong ng isang sigaw galing sa labas! "Rico! Rico! Nandidiyan ka ba? Hello!" Boses iyon ng aking nobyang bihira lang kung bumisita na si Ella sa labas ng bahay at hinahanap niya ako sa aking apartment. Natakot ako na baka pati siya'y madamay sa nangyayari! Narinig rin ng Lalaki ang kanyang boses kaya't dumampot ito ng patalim. Malaki ang kanyang patalim at simula na akong nataranta sa loob ng banyo. Nararamdaman ko ang lamig ng sahig sa aking hubad na paa. Nanginginig ang aking mga laman sa pinagsamang takot at galit. Nang palapit na sa pinto ang lalaki upang buksan ito, nagmadali na akong lumabas at nakadampot ako ng bakal na tubo! Inihampas ko ito sa ulo ng lalaki at siya'y natumba sa sahig. Hinampas ko pa siya ng paulit ulit hanggang magdugo't mawasak ang kanyang mukha. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ako'y biglang nahagip sa aking binti ng kanyang patalim. Nagdugo ang binti ko at duguaan ang aking pantalon. Hinampas kong paulit-ulit ang kanyang kamay na may hawak na patalim. Nagdilim ang aking paningin na para akong masamang tao. Dinampot ko ito't hiniwa ang ari ng lalaking nakahubad. Pakiramdam ko'y sadista na rin akong tulad niya. Siya'y duguan at di na makakilos. Siya na ngayon ang umiiyak at nagmamakaawa. Sumigaw ako, "Ella, tumawag ka ng pulis dali!!! May rapist dito!!! Ella si Rico ito dalian mo tumawag ka na ng pulis!" Si Ella nama'y hindi sumasagot sa labas ng pinto. Pinilit kong tumayo at binuksan ang front door. Tumambad sa aking harapan ang .38 caliber na baril ng isang pulis at nakatakip ang isang kamay niya sa bibig ni Ella. "Bitawan mo ang kutsilyo kung ayaw mong paputukin ko ito," ang sabi ng Pulis sa akin. Siya'y naka uniporme, naka-jacket na itim at naka baseball cap na itim. Ako nama'y duguan at basang basa sa pawis. Wala akong nagawa kundi bitawan agad ang kutsilyong hawak ko. Binulungan niya si Ella na wag sumigaw dahil kung siya'y sisigaw, papatayin kaming dalawa. Ipinasok si Ella ng Pulis sa loob ng apartment at nagulat sa nakitang duguang mukha ng lalaki sa sahig malapit sa pinto. "Anong nangyari dito?" ang sabi ng pulis. "Parang awa mo na paalisin mo na lang kami," ang pagmamakaawa kong sinabi sa pulis. "Tumahimiiiik kaaa.." ang sabi ng pulis sa akin. Pumunta sa gawing kwarto ang pulis at inalis ang kumot ng kamang puti. Lumantad ang bangkay ng isang babae na walang saplot sa katawan. Gulat na gulat naman si Ella sa itsura ng lalaking duguang nakahalindusay sa sahig. Basag ang ilong ng lalaki at tapyas ang ibabang labi nito. Nagawa ko yatang basagin ang kanyang bungo. Ibinulong ko kay Ella na ang lalaking iyon ang rapist ng batang nakapiring. Naghahalungkay ang pulis sa ilalim ng kama. May nakuhang makakapal na pera ang Gago. Inilagay sa bag ito at napatingin sa amin. Inilagay naman niya sa kanyang mga bulsa ang nakakalat na 50 peso coins. Nagpatuloy siya sa paghahalungkat at nang buksan ang closet, naroon naman ang bangkay ng isang lalaking teenager. Maliban sa bangkay ng teenager, may mga kilo-kilo ng bawal na gamot ang closet. Nilagay din ng pulis ito sa kanyang itim na bag. Pumunta sa refrigerator ang pulis at kumuha ng beer in can. Kinausap niya kami. "Ikaw ba yung nakatira sa kabila," ang sabi niya. "Oo ako" "Ako yung naglock ng pintuan mo, babala para hindi ka na manghimasok pa sa hindi mo buhay! Bakit ginawa mo pa ring pumasok sa apartment na 'to ha? Matapang ka rin ha! Nagawa mong labanan ang mamang ito. Ahhhh Halika nga dito". Lumapit ako. Iniharap ang kanyang rebolber sa akin at sinabing, "Papatayin ko itong bebot mo kapag sumunod ka! Tigas kasi ng ulo mo eh!" Hinawakan niya ng mahigpit sa kamay si Ella. nagmakaawa naman akong wag niyang tangayin ang aking nobya. "Pakiusap wag mo siyang sasaktan, pakawalan mo siya." Si Ella nama'y iyak ng iyak sa akin at nakakapit ng mahigpit at sinabing, "Rico, don't let him take me! Pleaasee!! Parang awa niyo na.. Oh God Please.... Please..." Samantala, tila'y may napansin sa labas ang tiwaling pulis kaya't binitawan niya ang kamay ng aking nobya. Si Ella nama'y napaluhod at umiiyak. Niyakap ko siya't sinabing "God is with us sweetheart. God is with us." Nagsasalita ang lalaki sa lapag kaya't laking gulat namin nang makitang pinaputukan sa ulo ng pulis ang lalaking nasa sahig. Lalong dumanak ang dugo sa sahig ng apartment. Laking gulat ko nang binaril din niya sa ulo ang dalawang bata! Nang itututok na sa amin ang baril, akala ko'y katapusan na namin ngunit bigla siyang napaisip at tumingin sa labas. Nagmasid masid siya habang panay ang inom sa beer na hawak. Tinignan nito ang kaniyang baril. Maaaring siya'y

nagtitipid ng bala at may natunugan siyang kaaway sa labas. Lumabas ang pulis bitbit ang kanyang itim na bag at rebolber. Madali ko namang dinala si Ella sa Banyo kung saan ako pumasok. Bumaba kami sa hagdanan ng fire exit at tumakbo sa kanto. Sa may di kalayuan, nasaksihan namin ang pulis na sumasakay ng sasakyan nang siya'y paputukan ng apat na kalalakihan. Dinampot ang dala niyang bag at sinipa pa ito sa ulo. Kinapkapan ang jacket ng pulis at may nakuha silang pitaka. "Wallet ko yun!" ang pabulong na sinabi sa akin ni Ella. Lumipat kami ni Ella sa ibang direksyon. Habang nasa gawi kaming kanluran, tila'y umiinit ang sinag ng araw. Nalaman kong napakapanganib ng buhay sa mundo at ang kaunting oras kong kasama ang aking mga mahal sa buhay ay napakahalaga. Bawat kanto'y tila ang layo ng agwat. Mabagal ang aming takbo dahil sa duguan kong binti. Nanghihina na rin ako at nahihilo. Umupo ako sa isang bangko sa hindi kalayuan at si Ella ay pumunta sa phone booth upang tumawag ng tulong. Ngunit hindi pa siya nakakarating, hinarang na agad siya ng apat na kalalakihang pumatay sa pulis. Hindi ko alam kung paano nila kami natagpuan. Hindi na ako makakilos sapagkat namamaga na ang aking binti. Lumapit ang dalawang lalaki, pinosasan ako't piniringan. Tinangay kami sa isang van. Sa van ako'y nagmamakaawang wag kaming sasaktan ngunit tuwing ako'y nagsasalita'y hinahambalusan ako sa tiyan. Nasubukan ko ring sapakin sa mukha. Nanlalamig ang aking paa't nanginginig ang aking kalamnan. Taimtim na lang akong nagdasal na matapos na ito. Hindi ko inaakalang ganito na kasama ang mga tao sa paligid. Iniisip kong maraming sanhi ang mga kademonyuhan. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito at mas lumalala pa. Iniisip ko ring minsan binabaliwala ko lamang ang mga nakikitang karahasan sa tv at walang pakialam sa mga nangyayari sa ibang tao. Ngayon ako na ang nasa kalagayan ng mga minamalas. Nagsisisi akong inubos ang oras ng aking buhay na walang kabutihang idinudulot sa kapwa tao. Malamang patuloy na magwawagi ang kasamaan kung hindi kikilos ang bawat isa para matugunan ang pangangailangan ng lahat, ang kapayapaan. Maraming tao ang naghihintay lamang na mangyari sa kanila ang ganitong sitwasyon bago nila seseryosohin ang kanilang paligid. Inisip ko ang dalawang batang pinatay ng isang tiwaling pulis. Nagpaluha naman sa akin ang boses ni Ella na nasa kabilang dulo ng van; siya'y umiiyak. Huminto ang van at lumakas lalo ang kanyang iyak. May narinig akong boses na nagsabing, "Kahit sumigaw ka ng malakas walang makakarinig sa iyo dito! Umiyak ka kung gusto mo!" Naguusap usap sila at pinaupo ako sa bangkong kahoy na walang sandalan. Tinanggal ang piring sa aking mga mata at ako'y nasilaw sa liwanag ng bumbilya sa aking itaas. Madilim ang paligid at ang ilaw sa aking itaas ay ang nag-iisang ilaw ng kwarto. Umiiyak na ako sa takot. May nakita akong dalawang lalaki sa aking harapan. Isang nakatayo at isang nakaupo at lima pang iba sa aking kanan. Wala si Ella sa paligid. Simula nang bumilis ang pintig ng aking puso sa takot. Isang lalaking tinatawag nilang Sarge ang nagsalita, kausap ang lalaking naka salamin na medyo may katandaan. "Sir, Nakita namin ang picture niya sa bahay. Nasangkot siguro dahil ang sugat sa binti't paa niya'y parang gawa ng kutsilyong hawak ni Ipong. Nakatira yan sa tabi ng apartment. Hawak din namin ang laman ng wallet ng babaeng kasama niya. Siya iyon dahil may picture. Ella ang nakalagay sa kanyang I.D. Nakuha namin iyan sa bulsa ni Danny boy. Traydor sa atin yung gago sinolo niya ang mga nakuha ni Ipong. Balak din niyang solohin..." Bigla siyang pinatid ng lalaking nakasalamin at sinabing, "Nasaan ang babae? Anong ginawa ninyo sa kanya?" "Nasa interrogation room din po Sir." ang sagot sa kanya. "Narinig mo ba yun bata? Nasa maayos na kalagayan ang girlfriend mo. Nasa interrogation room. Tinatanong lang din siya at kinakausap. Mga pulis kami. Makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko." Ang sinabing madiin ng lalaking nakasalamin sa akin. Mahirap paniwalaang lahat silang naroon sa kwartong madilim ay mga pulis dahil dalawa lamang silang naka-uniporme at mga di mukhang pulis ang iba. Nilapag ni Sarge ang pitaka ni Ella, ang mga pictures na nakita sa aking apartment, ang baril ng patay na pulis na tinatawag nilang Danny boy, at mga baryang 50 pesos sa mesa sa aking harapan. "Makinig kang mabuti. Wala kang magagawa kung ayaw ka na naming mabuhay pa. Wala kang magagawa kung ano man ang gusto naming gawin sa iyong girlfriend. Kung mabubuhay ka lang, kakasuhan ka namin ng murder at rape. Kami ang mga pulis at nasa kapangyarihan." ang sabi ng nakasalamin. Binunot nito ang kanyang automatic pistol, tinganggal ang safe upang ipakita sa aking gagamitin niya ito. Siya'y nagpatuloy magsalita. "Ang bangkay ng tatay ng mga bata ay nasa kwarto mo na. Hindi ka makakalusot sa amin kung mabubuhay ka man. Dahil sa iyo, lumaki ang problema namin! Dahil sa iyo, malaki ang butas na tatakpan namin! Kung ayaw mong walang mangyaring masama kay Ella, may ipag-uutos kami sa iyo na dapat mong sundin. Ipapadala namin sa iyo ang isang kilo ng shabu sa Boss ni Ipong at humingi ka ng tawad sa pagpatay mo sa kanya. Kapag nagawa mo ito, papakawalan namin si Ella. Tanggalin ang posas niya!" May nagtangal ng posas sa aking mga kamay. Biglang may kumatok sa pintuan at sila'y napatingin dito. Binuksan ang pinto ng isang lalaki sa tabi. Si Ella, buhat buhat siya ng isang lalaking tauhan ng nakasalamin. Siya'y wala nang malay at walang pang-itaas na suot!. Sa isang kisap mata, bigla ko na lamang dimanpot ang rebolber ni Danny boy at binaril sa ulo ang lalaking nakasalamin! Mabilis ko ring isinunod si Sarge at ang dalawang nasa pintuan. Bumubunot ng baril ang isa sa aking kanan ngunit huli na siya sapagkat binunot ko naman sa kaliwang kamay ang baril sa lalaking nakasalamin na nasa aking harapan at binaril silang isa-isa. Binaril ko sa ulo ang nagbubuhat kay Ella. Hinayaan ko lang siya sa tabi. Kinuha ko ang baril ng dalawa sa mga patay sa sahig. Mabilis akong lumabas ng interrogation room. Nasa police station ako at lahat ng pulis ay nagulat sa aking paglabas. May anim na katao sa loob ng police station at ang isa sa kanila'y sibilyan. Isang babaeng pulis ang unang bumunot ng baril sa akin. Nakita ang hawak kong baril kaya't silay nagbunutan ng baril. Sa labis kong pagkagulat, binaril ko silang isa-isa na di ko nalalaman kung paano ko ito nagawa. Walang natirang buhay sa kanila. Hindi ko na alam kung sino ang masama sa kanila at ang hindi. Ang alam ko lang ay hindi na ako mabubuhay pa kung hindi ko gagawin iyon. Binalikan ko agad si Ella at niyakap siya ng mahigpit. Dinala ko siya sa labas ng interrogation room. Umiiyak ako't takot na takot. Napansin ko rin na ang isang binatang sibilyang nagtatago sa mesa ay tumakbo palabas at maaaring tumawag siya ng tulong sa malayong lugar. Tulong mula sa masasamang pulis o mabubuting pulis. Wala na akong pakialam doon. Ang tanging alam ko ay nasira ang buhay ko ng isang iglap lang. Yakap ko pa rin si Ella at di ko na man lang namalayan na nawala na ako sa aking kamalayan. Pagkagising ko, ako'y nasa ospital na at nakaposas. Malamig ang hanging galing sa air con ng ospital. Payapa na akong nakahiga. Doon ko na lang rin nalaman na ako ay may tama ng bala sa kaliwang balikat. Nakita raw nila akong yakap yakap ng mahigpit ang aking Ella. Buhay pa raw siya at nasa rehabilitation. Hindi ko alam kung ako ay may nagawang kasalanan o wala. Bahala na kayo sa akin. Ang alam ko lang sa ngayon ay ang aking kapalaran ay nasa inyong mga kamay.

TAHANAN NG ISANG SUGAROL


Salin ni Rustica Carpio Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan,parang bahaghari. Mabilis na papunta sa kanluran ang lumulubog na araw.Dahil tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandalisiyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustongmawala ang mga bituing nakahihilo. Si Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taonggulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig.Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay. Si Ah Yue iyon namas matanda kay Siao-lan ng mga tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim sa kabilang gilid. Nang makitang tapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbopara kunin ang mga labada at isampay sa alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob ngkubong walang dingding.Hindi sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayo pa rin atnakapikitnagpipilit na mabawi ang lakas. Payat siya at maliit, mga biente-singko anyos, atnakasuot ng kupas na asul na sam-fu. Medyo nakangiwi ang kanyang mga labi. May pangit atnangingitim na bukol sa kanyang noo. Halatang napalo siya ng isang matigas na bagaykamakailan lamang. Malaki ang kanyang tiyan. Madaling mapansing nagdadalantao siya atmalapit nang manganak.Nang dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at isa-isangisinampay ang mga damit sa alambre. Dahil mataas ang alambre, kailangang tumingkayadsiya at tumingala. Habang minamasdan ang maliit na katawan niyon at ang alanganing paraanng pagsasmpay ng mga damit sa alambre, biglang nahabag si Lian-chiao. Mahina niyangsinabi, Ah Yue, mag-ingat ka. Baka ka mahulog!Opo!, sagot ni Ah Yue. Bigla iyong pumihit, nangangambang tumingin at nagtanong,Inay, luto nab a ang hapunan? Kung hindi, kagagalitan at bubugbugin na naman tayo ni itay!Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahitmayroon pang kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapagwalang nakain, pag-uwi ang asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari. Hindisinasadyay nahipo niya ang namamagang bahagi ng noo. Tuamahip ang kanyang puso.Nagmamadali siyang naligo sa tabi ng balon at pagkatapos ay tinulungansi Siao-lan sapaglilinis ng katawan nito. Pinuno niya ang dalawang bald eng tubig at kinarga ang mga ito sapingga pauwi.Ang nakahilis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa kanyang katawan, samalaki at bilog na tiyan, sa dalawang umuugang balde ng tubig sa pingga, sa umiika niyangpaa, at sa hubad na si Siao-lan na naglalakad sa kanyang likuran, palinga-linga.Pagod na si Lian-chiao sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya puwedengmagbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga gulay,pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa kusina. Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa ibat ibang bahagi. Sa tabi ngpugon ay may maliit na lalagyan ng panggatong. Wala na iyong laman. Kinakailangangisan mun n Lian iaoan sipitn tabi a i -ch g g kalan para man guha ng panggaton Tu lon siSiao-lan at may dalang isa o dalawang piraso tuwing papasok, g. mu g ikinakalat sa lahat ng lugar.Abala sa gawain si Lian-chiao.Tinanglawan ng liwanag na namumula sa apoy ang mgaguhit ng pagod at puyat sa kanyang mukha. Walang makasisisi sa kanya. Mula alas-sais ngumaga,nan buman siyaparamagh n almu ,hn nasiyan igilsapaggawahanggang ngayon maliban sa g gon anda g sal i di at sandaling pahinga noong tanghalian. Noong umagay nanguhasiya ng mga punla ng palay at itinanim sa bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng kahoy napanggatong at namitas ng tafeng-ho isang damong panggamot nagagamitin niyangpampaligo pagkapanganak. Malapit nang isilang ang sanggol at hindi maaaring hindi siyahanda. Kung hindi niya ihahanda agad ang mga kailanga, anong mangyayari sa bahay kungbigla na lang siya ipasok sa ospital? Walang alam ang sugarol niyang asawa kundi humilata sakama sa kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kung hindi niyaaasikasuhin ang mga bagay-bagay ngayon, sino ang tutulong sa kanya? Bukod sa gawain sabahay, kailangan niyang lagyan ng pataba ang mga gulay at pipino na nakatanim sa gilid ngkanyang bahay, at bunutin ang ligaw na damo. Kung hindi ay bubugbugin siya ng kangyangasawa kapag nagging masama ang ani. Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nitodalawang araw na ang nakararaan dahil nagkamali siyang sagutin iyon.Sssst Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong bahay aynapuno ng bango ng nilulutong gulay.Nakaupo si Siao-lan sa loobg ng bahay, dinidilaan ang mga labi at tinitignan angnakatatandang kapatid na nakatyao pa rin sa kuwadradong bangko sa labas.Di kaginsa-ginsay isang tinig na tila tunog ng basag na kampana na nagbuhat sa labasng pinto. Ah Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan? Ang taas ng naaakyat mo, ha? Gustomo nab a dalawin ang hari ng kadiliman?Itay Nagsasampay lang ako, kiming sagot ni Ah Yue.Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang-kawayang lalaki ang pumasok sa bahay atsandaling tumayo, galit. Lintik! Gabi nay hindi pa luto ang hapunan. Umalis ka ba parahanapin ang kalaguyo mo?Sandali na langmaluluto na Ipiprito ko na lang ang inasinang isda. Pagkatapospagkatapos ay puwede na tayong maghapunan. Walang lakas ng loob si Lianchiao natumingala man lamang. Inilagay niya sa isang plato ang pinipritong talbos ng kamote atnaglagay pa ng ilang patak ng langis sa kawali. Bahagyang nanginginig ang kanyang mgakamay habang hinuhugasan ang inasinang isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingayn kan gasawa.Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na manghihithit g yan ngopyo:payat at matangkad, may maiitim na ngipin at namumulang mga mata. Mataposnakapamaywang na sinigawan ang bawat isa, nagsimula siyang maghubad, at marahas nanagtanong, Handan a ba ang tubig na pampaligo?Ihahanda ko na ang tubig,ihahanda ko naMabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ng kumukulong tubig saisang balde na kauuwi lamang niya. Pagkatapos ay binuhat iyon nang dalawang kamay saluma at sirasirang banyo. Yukung-yuko siya dahil sa bigat ng tubig. Umaalog ang malaki niyang tiyan, at nakangiwi ang maputlang mukha, nagpapakita ng hirap at marahil ay kawang-pag-sa.Sumagitsit sa kawali ang inasinang isda dahil sa init ng mantika.Masusunog na ang inasinang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos.Wala kanga lam kundi kumain! Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang angbabaey papunta sa banyo.Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot. Hindi silanagkalakas-loob na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka natalo na naman sasu si Li Hu Pagkatapos kumain at habang gal a. pinupunasan ang nagmamantikang nguso, kinuha ni LiHua ang lalagyan ng tsa. Humigop siya ng kaunting tsa at pagkatapos ay, Pwe!, lumura salupa. Niligis ng kanan niyang paa ang malapot na laway sa sahig.Inaakalang aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na kumakain pa,ang mangkok at chopsticks, at nagkakandautal na, Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman?AkoyAno? Hindi ako aalis! Napakalakas ng boses ni Li hua. Natalo ako ng biente dolyarngayong hapon sa Hsiang Chi Coffee Shop. Bakit hindi ako babalik para makabawi ang natalosa akin? Pag hindi ako nanalo ngayong gabi hindi ko na tatawagin ang sarili kong eksperto samadyon g!Puwede bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng dalawampung itlog kay Ying Malapit na akong manganak. Kailangang bumili ako ng ilang itlog para lutuin sa luya atalak. Minasdan ni Lian-chiao ang malaki niyang tiyan. Masyadong mahina at mababa angkanyang boses.Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua. Lalongpumula ang mga mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niya ang bibig, ipinakikita angdalawang hanay ng bungi-bungi at maiitim na ngipin. Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyongbumili ka ng masarap ba pagkain kung wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakithn mo kayan magbayad?Lumu n naman sa sahg an lalak at dinlaan an ngu Hu i di g ra a i g i i d so. makban ang mah g ahabaniyang binti at lumabas ang tila-kawayan niyang katawan.Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig,natitigilan at hindi makakilos.Mahangin at maginaw nang gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigasna higaang kahoy, hindi makatulog si Lianchiao. Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pago napagod siya at mabigat na ang mga mata pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising nagisin pa rin ang kan g isip.Ang mga lumipas na g yan pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal napumapailanglang sa lambak, naaanod, naaanodkasinggaan ng usok. Sa lahat ng mga taongpatay na o buhay pa, ang larawan ng

kanyang ina ang namumukod na lumalantad. Sakagustuhang magkaapo kaagad, pinag-asawa nito ang tila bulaklak na anak niyasi Lian-Chiao na kinse anyos pa lamang noon. At ang masama pa, sa kasabikang magkaroon ngmainam na buhay pagtanda niya, at laban sa payo ng mga kamag-anak at kaibigan nila, piniliniya para maging manugang si Li Hua, na anak ng nooy isang mayamang negosyante. Lahatng kanyang pag-asa ay nabigo. Isang taon pagkaraang makasal si Lian-chiao at lumipat ngbahay, ang inay namatay sa kanser sa dibdib. Paano niya malalaman na dahil saipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyang anak ang katahimikan at kaligayahan sa buongbuhay nito?Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang mga mata dahilsa luhang napigil ang pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw sa isip niya ay ang kanyangasawa, ang walang silbi at tila kawayang siLi Hua. Winaldas niyang lahat ang manang iniwanng ama niya. Marami siyang bisyo: pagsusugal, paglalasing, paghithit ng opyo, pagpunta sabahay-aliwaneksperto siya sa lahat ng ito. Ang pinakamalakas na dagok kay Lianchiao ayang pagkamapamahiin ni Li Hua. Naniniwala ito sa manghuhulang nagsabi na pulos babae angisisilang ni Lian-chiao at hindi ito kailanman maghahatid sa kanya ng yaman o suwerte. Samadaling sabi, si Lian-chiao ang pinanggagalingan ng kasawiang-palad. Dahil dito,napakasama ng pakikitungo niya kay Lian-chiao.Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatwiran at kungminsan ay malupit na pakikitungo nito sa kanya. Kung nagkaroon siya ng lakas ng loob namagmaktol at mangatwiran, mandidilat agad iyon, at luluraan sa mukha mismo, humihiyaw,Ikaw ang sumpa ng pamilya! Sinong may sabi sa iyong magpakasal ka sa akin? Luka-luka!Kung gusto mong lumayaw, puwede ka nang lumayaw ngayon din. Alis! Alis! Sinong pumipigilsa iyo?... Tumulo sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan dahan siyang bumaling.Nasipa na nina Ah Yue at Siao-lan ang kumot. Mahimbing na natutulog ang dalawa,magkayakap. Kinuha ni Lianchiao ang kumot at itinakip sa kanila. Pumikit siya ngunit hindi parin makatulog. Nag-aalala siya. Malapit na siyang manganak. Makukunan kaya siya? Mahirapsabihin. Sa kabila ng kanyang pagbubuntis, kailangan niyang magbuhat ng mabibigat nabagaykasimbigat ng animnapu o pitumpung katies araw-araw. Mga ilang araw pa lang angnakararaan ay bumagsak siya habang nagsisibak ng kahoy na panggatong. Sino anggagarantiyang hindi naapektuhan ang bata sa loob ng kanyang tiyan? Halimbawang malaglagang bata, at mamatay siya, sino ang humahalinghing, Ang tiyan komasakitdalhin agaddalhin ninyo ako sa ospitalAno? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang galing! Ang gandangpitsa ito. Ito talaga ang kailangan ko. Ha, ha! Quadruple! Unang apat, pangalawang aptisanglibo dalawang daan at walumpu at dalawang libo limang daan at animnapu!Malaki and panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang ngunit ngayon ay isangbunton na ang nasa harap niya. Tuwang tuwa si Li Hua at hindi niya mapigil ang kakatawa,maluwang na maluwang ang nangingitim na bibig. Habang sinasamsam at inaayos ang mgachips, ngumiti siya sa taong nakaupo sa harap niya. Ha, ha, Lumpong Chun! Napakagalingnitong siyamnapung libong galing sa iyo! Napakagaling! Ha, haAi-yoyoHoy lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo!, may humimok kay Li Hua.Walang magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro para sa kanya. Galitna tinignan niya si Lian-chiao at nag-aatubiling tumayo. Pumayag ang maybahay ng towkay naipaarkila sa kanya and Morris Minor nito sa dalawang dolyar bawat oras, at dodoblehin sa gabi. Tinulungan ng maybahay si Lian-chiao na makasakay sa kotse. Si Li Hua, na umuungolpa ay nagpunta sa kasilyas sa likod ng kapihan. Bagamat hindi na gaanong humihilab ang tiyan niya,balisa si Lian-chiao. Bigla siyangnakakita ng ilaw ma mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang munting ilaw,dahil marahil sa hangin. Habang papalapit iyon ay nakita niya si Ah Yueng pangku-pangko angnakababatang kapatid. Kapwa sila umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata.Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo! Lumabas sakotse si Lian-chiao, nilapitan ang maliliit na batang babae, hindi malaman kung ano anggagawin.Humagulgol ng iyak si Siao-lan Kaagad siyang inaliw ni Lianchiao.Habang pinapahiran ang luha a ilong, marahang nagssaita si Ah Yue, Nagising ako saiyak ni Siao-lan. Hinahanap niya ang nanay. Hindi ko Makita si nanay sa bahay. Naisip kongbaka narito kayo, kaya dinala ko siya ditoNang malaman ni Ah Yuen a papunta sa ospital ang kanyang ina, kumbot ng kaunti angilong nya at ang bibig niya ay lumaylay sa mga sulok. Luhaan ang mga mata niya.Kokak,kokakUmiiyak ang mga palaka sa mga pilapil sa gawing kaliwa ng maliit nakalsada. Binasag ng malungkot nilang pagkokak ang katahimikan ng gabi.Muling bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera. Si Lian-chiao atang lahat ng bagay sa kanyang paligid ay dagling nakulong sa kadiliman. Hindi siyamakasulong at hindi din siya makaurong ilang sandal siya tumayo roon, walang tinag at hindimalaman ang gagawin. Parang hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang tiyan niya.Natutuliro siya at nahihilo. Kras. Nalaglag ang gasera mula sa nanginginig niyang mgadaliri,nagkapira-piraso. Hindi na maisip ni Lian-chiao kung ano ang nangyayari. Sinapo niya ngdalawang kamay ang kanyang ulo, nagpupumilit na manatili siyang nakatayo.Pagkalipas ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao at untiuntingnasanay ang mga mata niya sa dilim. Lumakad siyang muli, mabagal, hindi matatag. Kungilang beses na halos madapa siya dahil sa madulas na kalsada. Madalas siyang huminto dahilsa sumusumpong na sakit. Tatayo siya, yuyuko ng mababa hanggang ang sakit ay humupangunit ilang sandal lamang.Narating din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop. Napakaliwanag s loobat maingay: ang kalantog ng mga pitsa ng madyong sa mesa, ang maingay na boses ng mgasugarol, umuungol o tumatawaNanghihinang itinaas ni Lian-chiao ang kaliwang kamay at kumatok sa pinto.Marahil ay buhos na buhos ang mga isip ng tao sa pagsusugal, o baka namannapakahina ng katok niya. Walang lumapit para buksan ang pinto. Hindi na matiis ni Lianchiao ang sakit, at kumatok uli siya ng buong lakas.Isang matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang maybahay ng may-ari ngkapihan. Si Lian-chiao na nakasandal ng mabuti sa pinto ay bumagsak sa loob.Noon una ay nagulat ang matabang babae sa pagpasok niya. Ngunit nang matanto niyakung sino ang babae, maliksi niya itong tinulungan at inakay papasok.Si Li Hua, na dadampot na lamang ng pitsa ay namangha rin s pagdating ni Lian-chiao.Ngunit nakapagpigil siya at mabagsik na nagtanong, Anong nangyari? Bakit gabing-gabi naay narito ka pa? Pung! Teka, teka! Red Center ba yon? Ha! Maganda! Magaganda ang pitsaniya at medyo ninenerbyos siya, matamang nakatingin sa mesa. Tinulungan ng maybahay ng towkay si Lian-chiao na maupo sa silyang rattan. Sapo ngdalawang kamay ni Lian-chiao ang kanyang tiyan, Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka diba? Alagaan mong mabuti and kapatid mo. Uuwi ang nanay pagkaraan ng dalawa o tatlongaraw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang tatay ninyo Habang inaaliw si Ah Yue,napaiyak na rin si Lian-chiao. Hindi niyang makayang isipin na aalis siya ng mga ilang araw,iiwan ang dalawang munting bata sa bahay na walang mag-aalaga sa kanila.Ibinaba ni Ah Yue ang nakababatang kapatid at sa pagitan ng mga hikbi, Inay,dadalawin ko kayo bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na isama kami roon.May isa pang dolyar sa aking lata ng sigarilyo. Dadalhin ko iyon para magamit mo munaMagiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siya makapagsalitadahil sa pag-aalala.Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati. Pagkatapos aypumasok sa kotse, binuhay ang makina at pinatakbo.Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa, Khe-ta khe-ta at paminsan minsan ng malakas na pung!Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang ihip ng hangin. Isangmunting ilaw ang mabagal na kumikilos sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak atinaantok na kapatid, mabagal at atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag nabahay

ISANG MATANDANG KUBA SA TABI NG CANAO ni. Simplicio Bisa


Dumating ang matatandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang kubang papilay-pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Walang makapagsasabi kung siya at wala namang nag-aksaya pa ng panahong mag-usisa. Ang totooy hindi siya gaanong napag-ukulan ng pansin kung hindi lamang siya nadagil ng mga katutubong nagkakatuwaan pa sa paghabol sa iaalay na baboy kaugnay ng idinaraos nilang canao. Isang tanging piging iyon upang mag-alay kay Kabunian, ang pinakadakilang bathala. Kanina, sa pagtungo ni Lifu-o sa kaingin, ay nakakita siya ng isang uwak sa gitna ng daan. Iyon ay isang masamang pangitain. Bumalik na siya sa kanilang ato. Ipinasiya ni Lifu-ong tawagin ang mga intugtukon. Ibig niyang magdaos ng canao. Ibig niyang ganapin iyon sa kanilang af-fong. Ang pagdiriwang na tugging ito na nagliliklik sa mga labis, sa mga burol, at sa mga bundok ay tibok ng buhay sa pook na iyon ; sa idinaraos na canao nakatuon ang pansin ng nakakaunawa sa kahulugan niyon: pagkakasal kaya pagsilang, pagtatanim, pag-aari kaya, pakikipagdimaan, paghinging biyaya, paghingingpatnubay, pagkamatay kaya ng isang katutubi? At dinadaluhan nila ang ganitong canao at naiisip niya ang matandang kubang iyon ay isa sa naaakit dumalo; isa ring intugtukon sa ili na sumakop sa ato nila. Ama, pumukaw ang tinig si Sabsafung. Ihahanda ko na ang mga tap-pey at fayas. Binabalingan ni Lifu-o ang anak na nakalapit na nang hindi niya namamalayan. Sa makulay nitong lufid na nabibigkisan ng wakes, naisip niyang isang tanging canao ang idinaraos. Naiiba ang ganda ng anak niya ngayon. Makintab ang buhok nito na sinusupil ng ap-pong. Sa malikot na liwanag ng mga sulo at siga, ang fatek sa braso, balikat at leeg ng anak ay nagiging magagandang guhit na hindi makapagkukubli sa katotohanang dalaga na rin ang anak; malusog na ang dibdib nito na naiitiman din ng iginuhit na fatek. Naisip ni Lifu-o na makakatulong na sa kanya ang anak sa pangangasiwa sa pagtatanim at pag-aani sa kanilang kaingin... at sa pagdaos ng canao. ihanda mo na... Tulungan mo ang iyong ina... Bigla ang bulalas na sigawan. Hinahabol ng mga kabataang igorot ang baboy na papatayin sa canao. Sa paghahabulan ay napadako sa lusong na kinauupuan ng matanda. Sa biglang daluhong ng mga nagsisihabol, natumba ang lusong kasama ang matandang kuba. Natanaw ni Lifu-o kung paano tinulungang makatayo ang matanda. Muli itong naupo sa lusong. Sa saglit na iyon, may nakita si Lifu-ong na tila kakaibapang-akit Wari sa katauhan ng matanda. Nagsalita iyon Bayaan na ninyo ako... Nakiumpok si Lifu-o sa mga intugtukon. Siyay nag-iisip. Ang mga am-ama ay umaawit na ng ay-eyeng malalakas a nananawagan: iligtas kami sa anumang panganib... iligtas kami sa mga kapahamakang darating, kadakilaan... O, Kabunian! Sa kalooban ni Lifu-oy naroon din ang piping dakilang dalangin: bigyan mo: Bigyan mo, Dakilang Kabunian, ng masagana at mahabang buhay ang mga nasa ato s ailing ito. Napatay na ng matatanda ang baboy at kasalukuyang dinadarang na sa apoy. Mamamasid-masid lamang ang matandang kuba sa pagkakaupo. Nahiwalay na siya sa karamihang ngayoy nakapaligid sa kinakalusang baboy. Ang ningas ay kumain na sa tinipong kahoy; mga baga na lamang iyon ng sigang kanginay nakatanglaw sa matanda. Nasa dilim na siya... Binalikan ni Lif u-o ang matanda. Doon ka, am-ama. Makiisa ka sa amin. Babalik din sila riyo... Ibig mo bang ngumata ng tabako habang naghihintay? Dumukot si Lifu-o sa nakasuklob na tinuod at iniabot na tuyong dahon ng tabako. Salamat... Ngunit bumalik ka na roon. Itinaboy siya ng matanda. Bumalik na nga sai Lifu-o sa bahay. Kailangang roon siya sa pagdaraos ng ritwal. Hinahanap na nga siya. Nasaan si lifu-o? Si Lifu-o? Lifu-o...? Bumalik pagkaraan ng mga sandal ang lahat sa labas ng bahay na malapit sa binuhay na mga siga... bumalik silang masasaya... at lumalakas ang awiitan... ang tunog ng gangsa, ng kalos, ng koongan. Nasiyahan ang mga anito... ang apdo ng baboy ay nakaturong palabas... Tuhugin sa patpat...suksok sa bubungan... sa malapit sa pintuan! Magbibigay ng magandang kapalaran ang mga anito sa patnubay ni Kabunian...! Dulatan ng karne ang mga anito: ilagay sa kiyag... paanyayahan muna ng panalangin! Lifu-o, bahagyang nagulantang ang tinawag. Idudulot na ang tap-pey, Lifuuo. Nasa tabi na ni Lifu-o ang asawang si Napat-a. Dinulutan din ni Lifu-o ang matandang kuba. Inilagay sa isang kiyag ang karne at ang kanin. Noon nagsalita ang matandang kuba sa isang makapangyarihang tinig na naririnig ng lahat. Ang pagdiriwang ay natigil. Ang tunog ng gangsa ay napipi at ang mga katutubo ay bumaling sa biglang nagsalitang matatanda. Ngayoy natitiyak na ni Lifu-o na ang tinig ng matanda ang higit na makakatawag pansin. Ang idinaraos ninyong Canao ay bibiyayaan ng mga anito. Dininig iyan ni Kabunian. Ngayon ay ibig kong maghandog sa inyo ng aking alaala. Ang tinig niyay malamig, tila dumarampi sa hubad nilang katawanpinatitindi ng malamig na simoy na itinataboy ng mga puno ng pinto at hindi makabawas ang salab ng ningas ng siga. Naging lalong malilikot ang liwanag ng mga sulo; lumikha iyon ng mga anino sa

dingding ng mga nakapaligid na tahanan ng mga Igorotlumakilumiit nagtatanghal wari ng isang mahiwagang sayaw. Samantala, ang tinig ng matanda ay tila nanunuot sa kaibuturan. Takluban ninyo ako ng isang malaking kawa at ipagpatuloy na ninyo ang canao. Huwag ninyong gagalawin ang pagkakataob sa akin ng kawa. Sumisigaw ang isip ni Lifu-o: O, Kabunian, kung itoy palatandaan ng isang ipagkakaloob na magandang biyaya, tulungan mong mapaayun sa katwiran. Nagsasalita pa ang matanda Sa ikatlong araw, isang kahoy ang masusupling. Huwag ninyong gagalawin ang puno. Ang magiging bunga lamang ang maaari ninyong pitasin... Iyon ay isang pagsubok. Dumating ang matandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Isa iiyong matandang kubang pipilay-pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Ngayoy nakakapangyayari na ang kanyang katauhan. Isang matipunong Igorot ang kumuha ng kawang hinihiling niya. Ang mga intugtukon, ang mga matatalinong matatanda ng ato, ay napapatangay wari sa isang nagaganap na mahiwagang pangyayaribuong pag-aalang-alang na inakay ang matanda at dinala sa tabi ni Lifu-o sa gitna ng pinagdarausan ng canao; ang ayayeng ay inaawitan ng muli;ang mga gangsa ay unti-unting sumisigla sa nalilikhang tugtugin... Naupo na ang matanda, taglay ang mga plato ng pagkain. Sa hudyat ni Lifu-o dahan-dahang itinaklob ang kawa. Lumalakas ang awitan, ang ay-yeng; bumibilis ang pagtugtog sa mga gangsa. Sa dibdib ni Lifu-o, makakas din ang pintig ng puso. Iyon din ang pintig ng buhay na naghahari sa kapaligiran. SA SILANGAN pumupusyaw na ang liwanag at nagkakahugis na ang mga puno sa pino. Sa magkabilang tabi ni Lifu-o ay walang katinag-tinag si Napat-a at si Sabsabung. Sa malapit sa nakataob na kawa ay nakapaligid ang mga katutubo. Ang hubad nilang katawang nasisikatan ng araw ay nangingintab sa pawis. Magkahalong damdamin ng pananabik at pangamba ang nakalarawan sa mukha ng lahat. Samantala, ang mga am-ama na kinabibilangan ng mga intugtugon ay bumubulong ang mga pangamba. Sa itaas, humuni ang isang ibon. Ito ang itinakdang araw ng matanda, ama, pagaw wari ang bahagyang nagkatinig ang anak; gumulantang iyo kay Lifu-o. Hindi ka ba natatakot, ama...? Ha, ina...? Sabsafung... Halos bulong iyon ng ina. Pinisil nito ang hinawakang kamay ng anak.; gumulantang iyon kay Lifu-o. Nararamdaman ni Sabsafung ang lamig niyon. Bakit kayo matatakot, ha, Sabsafung? Ha, Napat-a? Pumayapa ang tinig ng ama ngunit ang kanyang lalamunan. Lumunok si Lifu-o. Pangako niyang handog ito. Oo nga, Lifu-o... Oo nga, Ama... Kinabig bi Lifu-o ang balikat ni Napat- at Sabsafung. Ang init ng katawan ay magpapadaloy ng mainit na dugo. Humudyat si Lifu-o. Itataas na ang kawa. Apat na matitipunong igorot ang lumapit sa kawa. Ngunit... Apu Lifu-o...! Ang bulalas ay sabay-sabay halos na namulas sa bibig ng mga Igorot. Apu Lifu-o, nagkalamat ang kawa...! At nakita ba ninyo... nakikita ba ninyo? Lumalaki ang lamat... Nabasag ang kawa! May nag-uusbong na halaman... Tugtugin ang mga gangsa... nang malakas na malakas... nang mabilis na mabilis... Awitin ang ay-ayeng... Manalangin...! Silay nangangayupapa. Nananalangin, nag-aawitan. Sa saliw ng gangsa. Palakas nang palakas. May nagsisindakmga lalaki, mga babae, mga bata, matatanda. Sapagkat, kadakilaan... o, kabunian...! Isang halamang ginto ang tumuutubong ito. Natutop ni Lifu-o ang dibdib. Ang pintig niyon ay napapayanig sa kaniyang katauhan. Ginto! Puno ng ginto! Ang sigawan ay di-magkamayaw- nangibabaw na sa awitan, sa tum-tum-tum ng mga gangsa; samantala, pataas na nang pataas, palago na nang palago ang puno. Sa sikat ng araw, ang makikinabang at makislap na kataasan ay sumisilaw sa lahat. Biglang-biglang, nahinto ang tugtog... napawi ang awit... napipi ang mga panalangin. Si Sabsafung ang unang kumilos. Tila sa isang panaginip lumalakad itong apalapit na puno ng ginto. Ang kinang ng puno sa paningin ni Lifu-o ay lalong nagpaningning sa kagandahan ng anak. Ihahabi ni Napat-a si Sabsafung ng damit ng ginto. Sinundan ni Lifu-o si Sabsafung may ligaw na udyok na nanikit sa kanyang utak. Damit na ginto para kay Sabsafung. Hinaplus-haplos ni Sabsafung ang puno; Hinaplus-haplos ni Lifu-o ang puno. Ang sumusunod ay marami pang sandal ng pagpanaw ng lahat ng muni, pagkatapos ay pagkalimot, pagkatapos ay pagliwanag ng isip ng isang katotohanan... at ang pagkaunawa: ginto... kayamanan... kayamanang ginti...!

You might also like