Professional Documents
Culture Documents
Nicki Minaj
No.1
www.pssst.com.ph
SHOWBIZ PAHINA 6
Heart Evangelista
37 05 36 22 52 03
6/45 MEGALOTTO 22 27 05 30 13
21
1$ = P42.318
HANDS ON
Abala si Pangulong Benigno PNoy Aquino III sa pakikipag-usap sa rescue team na nangangasiwa sa search and rescue operation sa nawawalang si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo at dalawang pilotong kasama nitong bumagsak sa karagatan ng Masbate. PSSSTphotowires
SPORTS PAHINA 9
NEWS
www.pssst.com.ph
NAIS umanong paimbestigahan ng isang obispo ang mga professor ng Ateneo de Manila University (ADMU) na umanoy pabor sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill, na mariing tinututulan ng Simbahang Katoliko.
HUMARAP kahapon sa publiko sa pamamagitan ng isang press conference sa Naga City ang panganay na anak ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo at naglahad ng saloobin kaugnay sa pinagdaraanan ng kanilang pamilya.
Kasamang humarap ni Aika Robredo, panganak na anak ng kalihim, ang pinsang si Gail kung saan sinabi nitong malaking tulong ang patuloy na pagdarasal at paniniwala ng mga kababayan na buhay pa ang ama. Pahayag ni Aika, bagamat halos tatlong araw nang nawawala ang ama ay hopeful at realistic pa rin sila dahil sa pagpapatuloy na search and rescue operations at hanggang sa ngayon ay wala pang nakaaalam sa kinaroroonan ng kanyang ama. Aminado si Aika na nahihirapan silang umasa sa ganitong sitwasyon subalit napag-usapan umano ng kanilang pamilya na magpatuloy pa rin sa pagdarasal. At this point, were still hopeful pero medyo... we are also realistic at the same time. Hanggang wala pa kaming alam, hanggang nag-aantay pa kami ng balita, humihingi kami na tuloy pa rin tayong magdasal. Malay natin.. malay natin, OK pa naman talaga, wika ni Aika. Kasabay ng pagharap sa publiko ay hindi nakalimutan ni Aika na magpasalamat kay Pangulong Noynoy Aquino at sa mga miyembro ng gabinete nito na nagtutulung-tulong sa paghahanap sa kanyang ama. Labis din ang pasasalamat ng pamilya dahil sa nararamdaman umano nilang ang buhos ang suporta at dasal para sa pagnanais na mailigtas ang amang kalihim. Sa ngayon ay nananatili umanong buo ang kanilang pamilya sa gitna ng mahirap na pinagdaraanan. Ipinaabot naman ng pamilya ni Robredo ang panawagan na patuloy na magdasal na sana ay buhay pa itong makauwi. Walang humpay pa rin ang pagtutok ni Pangulong Aquino sa rescue and retrieval operations kay Secretary Robredo at sa dalawa pang piloto. Ayon kay Transportation and Communications Secretary Mar Roxas, hindi pa rin tinatantanan ni PNoy ang mga operasyong isinasagawa sa crash site at patuloy pa ring naghihintay ng detalye ang Pangulo. Sa ikatlong araw ng rescue at retrieval operation ay tumulong na ang U.S. government pati na rin ang mga volunteer diver upang mas lalong mapabilis ang isinasagawang paghagilap kay Robredo. Kabilang dito ang mga technical diver mula sa Maynila dala ang kanilang mga specialized equipment na siya umanong makatutulong sa pagsuyod sa ilalim ng dagat na may lalim na aabot sa 250 hanggang 350 talampakan. Nagpakalat na rin umano ng mga tauhan ang Philippine Air Force (PAF) at Philippine Coast Guard (PCG) na gumagalugad ngayon sa Ticao island na sinasabi rin na maaring doon napadpad si Robredo at ang dalawa pang piloto. Kaugnay din nito ay umapela si Roxas sa publiko na huwag muna aniyang magpakalat ng mga espekulasyon at maling balita kaugnay ng pagkawala ni Robredo upang hindi lubhang maapektuhan ang pamilya nito.
Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, miyembro ng permanent council ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), mayroon umanong ulat na may 160 propesor ng unibersidad ang pabor sa RH bill na malinaw na paglabag
tically and joyfully and of course the spirit of obedience to these injunction of the church, paglilinaw ni Palma. Aminado naman si Palma na may kalayaan ang mga guro na sabihin ang kanilang saloobin ngunit kailangang alinsunod ito sa turo ng simbahan. Ang freedom binabanggit nila, pero dapat nilang isipin na they can just say what they like, kung gusto nila okay but it should be in the context and jurisdiction of the Catholic schools. Kasi iyong school they should be true to their mission, sabi pa nito. Honey Rodriguez
Ni Rogine Rogelio
Aika Robredo
www.pssst.com.ph
PINOY
ni Rommel Valle
ISANG Filipino-American na miyembro ng gang sa America ang napatunayang guilty sa apat na kaso ng pagpatay nitong Huwebes, Agosto 16. Sa ulat ng Associated Press, nagtago sa Pilipinas ng 11 taon si Pierre Mercado matapos masangkot sa mga kaso ng murder noong kalagitnaan ng dekada 90. Ang gang na kinaaniban ng FilAm ay isa umano sa pinakakilabot sa Los Angeles, California, USA. Napatunayang guilty sa four counts of murder, two counts of kidnapping at five counts of attempted murder. Ilalabas ang hatol kay Mercado sa Agosto 24 at posibleng maharap ito sa
habambuhay na pagkakabilanggo. Si Mercado ay miyembro ng Asian Boyz, isang gang na itinatag ng kapatid nito na si Marvin Mercado at naghasik ng ligalig sa Los Angeles noong mid 90s. Na-convict sa walong kaso ng murder si Marvin Mercado at pinatawan ng walong habambuhay na pagkakapiit noong nakaraang taon. Binubuo umano ng Cambodian, Vietnamese at mga Filipino ang gang at ayon sa prosecution karamihan sa mga galamay nito ay gumagawa ng pera sa drug dealing habang ang iba pa ay sangkot naman sa mga insidente ng akyat-bahay at panghoholdap.
SINAMANTALA ng mga Pinoy sa Saudi Arabia na makapagrelaks at makapag-unwind kasama ang kanilang mga dabarkads kasabay ng pagdiriwang ng Eid. Dahil sa okasyon ay nakatiyempo ang mga kababayan na makipagbonding sa mga mahal sa buhay at kaibigan. Ayon kay Resty Sibug, manager ng isang German company sa Riyadh, ibat iba ang paraan ng mga Pinoy sa Saudi para ma-enjoy ang Eid holidays. Mayroon umanong nasa bahay
Nananawagan ang isang kongresista sa mga nagkakainteres sa pwesto ni Robredo na huwag munang pag-awayan ang posisyon ng kalihim. Iginiit ni Quezon City Rep. Winston Castelo, miyembro ng Liberal party (LP) na dapat na magkaroon muna ng ceasefire sa ulat na pinag-aawayan na diumano ang puwesto ng kalihim gayung patuloy pang nagsasagawa ng search and rescue operations. Aniya hanggat hindi natatagpuan ang katawan ng kalihim ay malaki pa rin ang pag-asa na ito ay makaliligtas. Matatandaang si Robredo at
KAHIT wala pang balita sa tiyak na lagay ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ay tila pinapatay na siya ng mga nagnanais pumalit sa kanyang pwesto.
tatlo pa kabilang ang kaniyang aide na survivor ay sakay ng 6-seater Cessna plane nang ito ay bumagsak sa karagatan ng Masbate. Aniya, hindi rin maganda na habang naghihintay ang buong bansa sa kumpirmasyon kung ano ang nangyari kay Robredo ay patuloy na pinag-aawayan ang posisyon nito. Ginawa ni Castelo ang apela matapos makatanggap ng mga balitang pinag-aawayan na ang posisyon ni Robredo ng mga opisyal na nagnanais maupo sa puwesto nito. Kaugnay nito, nanawagan din ang mambabatas sa buong bansa na samahan ang pamilya ni Robredo na manalangin na mapabilis na mailigtas ang kalihim. Maging si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo ay patuloy na umaasa na matatagpuan at nasa maayos na kalagayan ang kalihim. Para naman kay Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento, sinabi niyang maraming bagay ang kanilang pinagsamahan ni Robredo na isa niyang kaibigan at confidante. Patuloy na umaasa si Sarmiento na matatagpuan pang buhay ang kalihim isang araw matapos bumagsak ang sinasakyang eroplano. Honey Rodriguez
NEWS
ALIGAGANG tinututukan ng Philippine Consulate General sa Saipan ang sitwasyon sa Commonwealth Health Center (CHC) para maayudahan ang mga Filipino workers na kumakayod at maaaring maapektuhan ng nangyayaring krisis sa nasabing ospital. Sinasabing ang CHC ang kaisaisang pampublikong pagamutan sa isla na hinahagupit ng problema. Kahit na wala pa umanong kababayan na lumalapit o nagpapasaklolo ay nakaalerto na ang PH post, ayon kay Consul General Medardo Macaraig, lalo na sa posibleng labor problems na kaharapin ng mga kababayang medical workers na naglilingkod sa naturang pagamutan. Sa ulat, isinailalim ang CHC sa state of emergency noong Martes at nagpasa ang Department of Finance ng Saipan ng $800,000 o natitirang halaga mula sa $5 milyong seed money para sa ospital simula nang ito ay maging korporasyon noong Ok-
tubre, 2011. Ang halaga ay sumasaklaw sa payroll ng mga hospital employee at may ilan na umanong hindi nakakatanggap ng ilang buwang housing allowance. Nang araw na ilagay sa state of emergency, pansamantala na umanong isinara ang outpatient clinics ng ospital. Nangangamba si Consul General Macaraig dahil maraming kababayan ang nagtatrabaho sa pagamutan. Sa nursing department pa lamang umano ay 85 porsiyento ng 141 bilang ng mga kasalukuyang nurse ng ospital ay pawang mga Filipino. Pinukaw naman ni Macaraig ang pangamba na mahihirapan ng makahingi ng tulong ang mga kababayan kasabay ng nakatakdang pagkandado sa opisina ng Konsulado sa Commonwealth of the Northern Mariana Islands (CNMI) sa Oktubre 31 bunsod ng cost cutting measure ng Department of Foreign Affairs (DFA).
TULOY ang takbo ng trabaho sa Department of Interior and Local Government (DILG) habang nagpapatuloy ang search and rescue operations kay Sec. Jesse Robredo. Ito ang sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, bagamat may konti umanong epekto bunsod ng pangyayari sa pinuno ng ahensiya. Ayon kay Lacierda, inaalam pa nila kung sino ang itatalagang olfficer-in-charge sa DILG. Kasabay nito, patuloy umano ang pagdarasal ng Palasyo habang walang humpay ang pagsisikap na paigtingin pa ang search and rescue operations sa Masbate. Idinagdag pa ni Lacierda na nananatiling buhay ang kanilang pag-asa na matagpuang ligtas ang kalihim. PSSSTnewswires
na aabot sa 55 kilometro bawat oras at umuusad pakanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras. Inaasahang hindi na tatama sa kalupaan ng Pilipinas ang hindi pa pinangalanang bagyo at kung hindi magbabago ang tinatahak nitong direksyon ay tutumbukin nito ang timog ng Japan at hilaga ng Taiwan. Gayunman, kung papadpad umano ito sa Philippine area of responsibility ay posibleng pagiibayuhin nito ang hanging habagat na siyang magdudulot ng mga pagulan sa bansa. PSSSTnewswires
OPINYON
BYLINES
MILKY B. RIGONAN
INIREKOMENDA na kay Pangulong Noynoy Aquino ang pagsibak sa isang miembro ng gabinete. Mabigat ang mga alegasyon sa naturang senior Cabinet member dahil mas matindi pa umano ito sa paglustay sa pondo ng bayan. Ayon sa source, kasong treason ang posibleng kaharapin ng naturang kalihim kung ipag-uutos ni Pangulong Aquino ang pagsasampa sa kanya ng kaso. Ilang buwan na rin kasi na pinaguusapan ang tensiyon na kinahaharap ng departamento ni Mr. Cabinet Secretary. Umabot na rin sa atensiyon ng Amerika ang naturang isyu pero tumanggi ang Estados Unidos na makialam. Dagdag ng source, walang nagaganap na tensiyon at ang problemang kinahaharap ng departamento ni Mr. Cabinet Secretary ay scenario lamang para masunod ang plano nito at ng kausap na isang malaking negosyante. Ang plano ni Mr. Cabinet Secretary ay napag-alaman matapos utusan ni Pangulong Aquino ang isang mapagkakatiwalaang source na magsagawa ng imbestigasyon. Ilang buwan din na nagkaroon ng imbestigasyon ang naatasang source ng Pangulo hanggang makumpirma na nakikipag-sabwatan si Mr. Cabinet Secretary sa naturang negosyante upang maisulong ang business venture sa langis na kapwa nila pagkakakitaan.
www.pssst.com.ph
Treason?
Ang report ay ipinarating kay Pangulong Aquino two weeks ago. Hindi rin makapaniwala ang iba pang Cabinet members na sina Executive Secretary Paquito Ochoa, DOTC Secretary Mar Roxas at Budget Secretary Butch Abad na kasama ng Pangulo nang tanggapin ang classified report.
Sa mga miyembro kasi ng official family, hindi aakalain na si Mr. Cabinet Secretary ang makagagawa ng umanoy pagtataksil sa bayan! Dagdag pa ng source, malabong kasuhan si Mr. Cabinet Secretary at baka tanggalin na lang ito sa kanyang pwesto at palalabasin na itoy bahagi ng ipinatutupad na minor cabinet revamp.
Graceful exit na lang sa halip na kasuhan si Mr. Cabinet Secretary ang malamang gawin ni Pangulong Aquino para maiwasan din ang malaking kontrobersiya sa kanyang gabinete.
-------------------- S P E C I A L R E P O R T ---------------------
www.pssst.com.ph
OPINYON
29 years ago
cos sa snap election na kung titignan hindi parehas ang laban dahil parang pinagsabong ang isang agila at isang sisiw. Sa resulta ng election iprenoklama ng Interim Batasang Pambansa si Marcos na nanalo laban kay Cory, subalit hindi ito tinanggap ng sambayanang pilipino dahil sa paniniwalang dinaya lamang ang resulta ng halalan. Nasa likod ni Cory ang nakararaming pilipino pinangunahan ang isang civil disobedience nag-ikot sa ibat-ibang panig ng bansa para iprotesta ang patuloy na pagsasamntala sa bayan ng diktatorya. Hindi nagtagal buwan ng Pebrero 1986 nagbunga ang laban ng sambayanan sa diktatorya, mismong ang mga kapanalig ni Marcos na sina nooy Defense Minister Juan Ponce Enrile at Philippine Constabulary Chief Lt. General Fidel Ramos ay nag-urong na ng suporta sa diktador. Nagtipon-tipon ang milyon-milyong Pilipino mahirap at mayaman dumagsa sa Epifanio delos Santos Avenue o EDSA para sa iisang adhikain na wakasan na ang paghahari ng diktatorya sa bansa at isinisigaw ang Tama Na Sobra Na Palitan Na.
PAGUSAPAN NATIN
VIC SOMINTAC
HINDI makakalimutan ng sambayanang Filipino ang August 21, 1983 araw ng linggo noon ng lumapag ang eroplanong China Airline na sinasakyan ni Senador Benigno Ninoy Aquino sa nooy Manila International Airport. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa Tarmac ng Manila International Airport na kumitil sa buhay ni Ninoy na siyang gumising sa kamalayan ng sambayanang pilipino na matagal ng nasa ilalim ng diktatorya ng rehimeng Marcos. Ang bayan na dati ay takot sa diktatorya ay naging matapang napatunayan ito ng ilibing na si Ninoy lumabas ang mga tao sa kalsada para pagmasdan ang isang inosenteng tao na pinaslang at sa kaunaunahang pagkakataon narinig ang sigaw ng sambayanan Ninoy hindi ka nag-iisa.
Matapos mapatay si Ninoy nagsimula ng gumuho ang pundasyon ng diktatorya sa bansa, kumilos na ang mga tao naglunsad ng mga kilos protesta sa mga lansangan hindi lamang sa Metro Manila kundi maging isa ibat-ibang panig ng bansa.
Tatlong taon matapos mapatay si Ninoy nasilo sa patibong ang diktador ng magpatawag ito ng isang snap election noong Enero 1986 para patunayan na hawak parin niya ang pagtitiwala ng nakararaming Pilipino. Nilabanan ng biyuda ni Ninoy na si Corazon Cory Aquino si Ferdinand Mar-
Nanaig ang boses ng bayan bumagsak ang diktatorya sa bansa at muling nabuhay ang demokrasya at nalasap ang pagiging malaya kaya hindi nagkamali si Ninoy sa kanyang adhikain na THE FILIPINO PEOPLE IS WORTH DYING FOR.
Para sa inyong reaksyon at inpormasyon mag email sa vicsomintac@ yahoo.com
Lady in red
BAHAGYA muna tayong lilihis ng tema, pang-tanggal umay, ika nga nila o sa ibang salita, pang himagas o pampagana. Kaya naman si Maam na isang government official ang agad naalala ko dahil sa kakaiba rin niyang diskarte.
rito ay ang panunumpa sa tungkulin o oath taking ng mga itinalagang opisyal ni Pangulong Noynoy Aquino.
Sa isang pagkakataon, hindi nakaligtas sa aking obserbasyon ang pagiging kakaiba ni Maam government official, sa iba pang mga indibidwal na nanumpa sa tungkulin sa araw na iyon. Bakit naman hindi? Siya lamang kasi, sa lahat ng mga nag oath taking ang makatakaw-pansin ang itsura. ATTY. TRIXIE CRUZ-ANGELES Kung ang halos Publisher lahat ng nanumMANUEL TRIA AUN pa sa tungkulin Managing Editor ay nakasuot ng Tru-Brew Media, Inc. ternong damit 259 15th Avenue, Cubao, Q.C. o filipiniana at Tel: 7107416 e-mail: pssstreact@gmail.com barong tagalog, Disclaimer: Ang mga opinyon o artikulo sa pahayagang ito ay personal na pananaw o ginawa ng si Maam ay mga may akda at hindi inaaako ng PSSST editorial team, publisher o managers. Hindi kinakatawan m a m u l a - m u l a ng PSSST board ang mga nakasulat at hindi gumagarantiya sa pinagmulan ng mga balita at kawastuhan nito kabilang ang mga pahayag, balita, pitak, komentaryo, litrato, cartoons, payo, at iba pang sa kagandahan. Tipong galit impormasyon.
Madalas akong magcover ng mga aktibidad sa Palasyo ng Malakanyang. Ilan sa mga madalas mangyari
na galit ang emosyon, dahil sa pulang pula nitong ternong damit at mamulamulang mga pisngi sa kolorete. Pero hindi naman talaga siya galit, kundi gigil na gigil lang. Gigil marahil sa pagkakataong makapagpakuha ng litrato kasama si Pangulong Noynoy Aquino. Pano ba naman, nang buksan na ang event para sa photo opportunity sa Punong Ehekutibo, kandarapa si Maam na nauna pa kesa sa iba niyang mga kasamahan sa pinamumunuan nitong opisina. Halos patakbo pa nga nang lapitan nito sa entablado si Pangulong Aquino at kuntodo ang pose ni Maam sa harapan ng mga photographer sa palasyo. Saka naman nagsisunuran nang pumunta sa entablado ang maraming mga tauhan ni Maam na kasama sa mga nag oath taking. Pansin ko lang, parang nagtaka pa ang Pangulo nang lapitan siya ni Maam at yayaing magpa picture. Bigla kong naalala, kaya naman pala tila nagtataka ang Pangulo, eh ilang buwan na ang lumipas nang una nang panumpain nito sa tungkulin si Maam.
(Pitik at Sundot)
TUESDAY NIU
PST
Ibig sabihin, matagal nang tapos na nagoath taking si Maam.. Sumaydline na lang ito sa pagpapa-photo ops nang araw na ang mga tauhan naman niya ang panumpain sa pwesto.
Kaya naman pala kaiba ang itsura ni Maam, kaya pala pulang pula para may dintinction sa ibang naka filipiniana at barong, dahil pinaghandaan talaga niya ang araw na iyon para sa photo ops. Im sure ipinagyayabang na ngayon ni Maam ang larawan nila ni Pangulong Aquino, naka bitin sa dingding ng kaniyang opisina, na tambak ng mga sulat at mga pakete.
www.pssst.com.ph
Hollywood Bitz
Robert Pattinson Megan Fox
SHOWBIZ
Denial queen, DEADLINE bagong titulo ni Heart Evangelista
JANINE BARRIOS
TODO deny pa pero action speaks louder than words, mukhang may basehan ang tsismis na nagli-link kay Heart Evangelista sa simpatikong senador na si Chiz Escudero. Sa wake ng ama nI Chiz na si dating Congressman Salvador Escudero, laging napagkikita si Heart na tinutulungan pa ang senador sa pag-istima sa mga bisitang nakikiramay. At nagtatagal daw ito ng hanggang madaling-araw ha. Halata ring very close na ang aktres sa mga anak na kambal ni Chiz, sa pamilya nito at pati na rin sa mga kaalyado sa pulitika. Nung dumalaw sa burol si Christine, ang estranged wife ni Chiz, pormal silang pinakilala ng senador sa isat-isa. At dahil parehong edukado at may magandang breeding, civil ang dalawang babae at naghi at hello lang. Nang mabalitang nakikitang magkasama sina Chiz at Heart sa mga dinner dates, agad itong idinenay ng aktres at wag daw yun lagyan ng malisya. Hindi daw nya itinuturing na date yun dahil magkaibigan lang sila ng senador. Samantala, umamin si Chiz na talagang nagdi-date sila ng aktres at wala naman daw masama dun dahil single naman siya matapos ang kanilang paghihiwalay ng asawang si Christine. Ang mga artista nga naman, gusto pang masabihan ng denial king or queen at hindi na lang umamin. Wala namang masama kung aamin sila para maglubay na ang mga intrigero at intrigera. Nauna nang natsismis sa Senador sina Kris Aquino at ang biyudang si Berna Romulo Puyat pero hindi raw totoo ang mga ito at pawang kaibigan lang nya sina Kris at Berna. WITH her intimidating beauty and sharp tounge, la, hindi naman hindi kataka-taka kung bakit noong una ay kina- lingid sa mga takutan ng mga kasama nyang bagets sa The tao na mas prePrincess and I itong si Gretchen Barretto, ang La fer ni Enrique Greta ng Philippine showbiz. ang mestiza tuBENJO LEDESMA Tulad ni Kathryn Bernardo, nangatog din lad ng ex-girlpala noong una si Enrique Gil nang una nyang friend nyang si makaeksena ang beteranang aktres. Coleen Noong una lang po, noong nasa Bhutan pa kami, talagang ninerbyos ako. Kasi naman syem------------- oOo -------------pre, imagine, first time naming magka-eksena SARADO at nananatiling tikom ang bibig ni tapos ibang bansa, rush yun, tapos ibang leng- Pauline Luna sa napaulat na break-up nila ni Vic gwahe, pa,sabi nya. Bossing Sotto. But as days went by, nakampante naman daw Nang tanungin ang seksing aktres/ TV host, siya kay La Greta at hindi na siya natatakot sa sinabi nito na masaya siya ngayon dahil tahimik kanilang mga eksena. ang kanyang buhay. Mother and son ang role Walang binanggit si Paunila sa teleserye kung kayat line sa estado ng kanilang lihim natural lang na marami talaga na relasyon ni Vic. silang eksena na magkasama. Ayon kay Pauline, basta Meanwhile, aware din si masaya ngayon ang kanyang Enrique na mas kinakikiligan at puso at inspirado sa mga ginatinitilian ng mga fans ang love gawang proyekto. team nina Kathryn at Daniel Magugunitang sa isang segPadilla. ment ng Eat Bulaga kung saan Okay lang naman sa akin nakasama nina Vic ang mga yun kasi sa totoo lang, sila nahost ng Eat Bulaga Indonesia, man talaga ang mas bagay, biniro pa nito ang isang laladagdag ng ex-boyfriend ni keng host na huwag pakialaman Coleen Garcia. si Pauline. Bukod kasi sa parehong Pabiro nitong binanggit Gretchen Pinoy features nina Daniel at ang kasabihan sa bansa na ang Barreto Kathryn, halos pareho lang sila kay Pedro ay kay Pedro. Pero, ng age bracket wala pa ring kaya patok na pag-amin sina patok sila sa Vic at Pauline mga fans. kung sila nga Samantatalaga.
www.pssst.com.ph
GaKa
Shaina Magdayao
Nicki Minaj
lumalabas pa rin ang balitang isa si Nicki MInaj sa mga pinagpipilian na maging American Idol judge sa season 13 nito. Marami naman fans ang nae-excite pero wala pa rin naman kumpirmasyon galing sa singer.
Channing Tatum
ISA sa mga hangarin ng aktres na si Katie Holmes pagkatapos ng divorce sa aktor na si Tom Cruise ay maging normal ang childhood ng kanilang anak na si Suri Cruise. Sa report ng Radar Online, personal na pumunta ang aktres sa Toldeo, Ohio kasama si Suri para makita at makilala ng bata ang mga kamag-anak partikular ang mga pinsan niya na halos mga kasing-edad niya. She worries that Suri doesnt get enough exposure to kids her own age and Katie wants her to be brought up in a similar environment to which she was raised in, ang sabi ng insider. Noong una ay naging aloof si
NGAYONG happy ulit ang kaibigan nyang si Ai-Ai delas Alas dahil sa bago nitong asawang si Jed Alvin Salang, ang lovelife naman ni Pokwang ang inaabangan ngayon ng buong showbizlandia. Aminado naman si Pokwang na hanggang ngayon ay wala pa siya uling nagiging karelasyon at naniniwala raw siyang hindi naman ito talaga hinihintay o hinahanap. Kusa yang darating, kahit hindi mo hanapin, kung darating, darating yan, sabi ni Pokwang. Basta happy ako for Ms. Ai-Ai. Sa dami ng pinagdaanan nyang sakit dahil sa mga failed relationships nya, deserve naman nyang lumigaya ngayon, lets be happy for my friend. Feel daw ni Pokwang na malapit na siyang magka-lovelife at naniniwala rin syang magiging masaya siya balang araw. Hindi naman ako naghahanap, okay lang ganun talaga. Kita mo si Ms. Ai, hindi niya hinanap yun, pero binigay ni God. So, ganun lang. Tulad ng comedy queen, hindi rin issue kay Pokwang ang edad, kung mas bata man sa kanya ang magiging susunod na karelasyon. Basta feel nyong love nyo ang isatisa, go lang ng go. sabi pa nito. Sa ngayon ay ine-enjoy ni Pokwang ang company ng mga kaibigan at hindi naman daw tutol ang anak niya kung saka-saka-
La Greta, terror sa mga bagets na artista? Pokwang zero pa rin ang lovelife Grace Lee: Disenteng tao si PNoy
Heart Evangelista
ling magkaboyfriend siya ngayon. Recently lumabas kami nila Angel [Locsin], ng Toda Max. Kami ni Ms. Kris [Aquino], Pokwang nanood kami ng The Healing. Lumalabas ako pero puro mga kaibigan lang. Sa edad ng anak ko na 15, nakakaunawa na siya, deadma lang siya. Kasama si Pokwang sa pelikulang The Healing, na pumatok sa takilya. Masaya rin si Pokwang na ang pagsasama nila sa The Healing ng Star For All Season na si Gov Vilma Santos ay naging simula ng kanilang matalik na pagkakaibigan. Of course, tuloy-tuloy na yun. Grabe si Gov. Vi, ibang klase talaga pag tinext mo, dalawa agad ang sagot at agad-agad. Leading ladies sina Solenn Heussaff at Pokwang sa pelikula nina Jose Manalo at Wally Bayola na Ikaw Na, The Best Ka. Itinutukso siya kay Jose na single ngayon dahil hiwalay sa asawa. Ang sagot ni Pokwang,Pwede, wag na siyang umarte, no. May chance! sabay tawa niya. UMARAY si Grace Lee sa tsismis na binayaran siya ng Malacaang para maki-ride-on sa naudlot na romansa nila ni Pangulong Noynoy Aquino na aniya ay masyado namang unfair dahil disenteng tao ang Presidente. Parehong unfair sa amin ni Pnoy ang tsismis na yan. Disenteng tao si Pnoy at hindi rin tamang akusahan ang mga tao sa paligid nya na naki-pagsabwatan daw sa akin para makisakay sa isyung ligawan na yan, sabi ni Grace. Naunang ikinairita ng Koreanang TV host ang umanoy iniregalo sa kanya ni Pnoy na Ferrari noong kasagsagan ng panliligaw nito sa kanya. Kung may Ferrari ako, sana yun na ang dinadrive ko, kung gamit kong kotse ay yun pa ring
dati kong ginagamit for three years now, dagdag nito. Bad joke raw yung bayaran issue para makipag-date siya kay Pnoy. Oh, my God, thats so bad. All these things are actually so vicious. May nagsabi sa akin nun, kasi I think Kris Aquino tweeted about it. Aniya, maaaring high sa drugs ang mga taong responsable sa pagkalat ng malisyosong balita dahil hindi raw gawain ng matitinong tao ang magkalat ng ganung karuming tsismis. Sabi pa ni Grace, every single cent na nakatabi sa bank account nya ay kanyang pinagpaguran. Wala akong perang nakuha nang madalian, yung tipong nahulog lang sa akin or anything like that. Ngunit hindi natuloy ang ligawan ng dalawa at natigil Papa Chen na rin ang isyu sa kanila. Naudlot ang kanilang romansa dahil may mga bagay daw na hindi ukol. We dated for a couple of months and, you know, sometimes you date and it works out, and you go to the next level, you become a couple, and you are in an exclusive relationship We never got there, sabi ng tsinitang bagong miyembro ng Kapatid Network. Pres. Noynoy Aquino at Grace Lee
puso para sa panibagong pag-ibig. Wala raw munang lovelife at career muna ang kanyang focus. Ayoko muna, Im very much enjoying my life. Ganun muna tayo, sagot ng young actress. Nakakatulong din daw ang magandang feed back ng KUNG AKOY IIWAN MO na afternoon soap nya sa Dos para ma-occupy ang kanyang oras at isip. Sabi pa ni Shaina, Dapat matagal na kaming tapos. The time na umuwi si Sarah na kanyang role sa soap sa Doha, tapos na sana. And then nabless yung show namin, na-extend, and ngayon na-extend ulit. Sobrang nagpapasalamat kami dahil, at least, may happy Christmas ang crew, ang aming staff..
NAKAKAAWA ang singer/actress na si Zsa Zsa Padill dahil hindi pa tuluyang naka-recover sa pagkawala ng comedy king na si Dolphy ay siya naman ngayon ang nakumpirmang may matinding karamdaman. Kaya hangad natin kagaya ng dasal ng mga mahal nito sa buhay na malagpasan nya ang panibagong pagsubok na ito sa kanyang buhay. Bagamat larawan ng isang katatagan ang singer/actress kagaya ng ipinamalas niya noong mga panahong nasa banig ng karamdaman ang longtime partner nitong si Dolphy ay iba pa rin ang pakiramdam kung mismong ang sarili mo na ang iyong ipinaglalaban. Nauna dito ay ginulantang ang publiko ni Zsa Zsa nang bumalandra sa status ng Facebook account nito kahapon ang Ms. Zsa Zsa Padilla diagnosed with Stage 1 kidney cancer. Lets pray for ZZPs recovery. Ang Facebook account ni Zsa Zsa ay minamanage ng mga kaibigan niya. Kasunod ng nasabing balita ay lumabas sa PEP na kumpirmadong may cancer si Zsa Zsa pero posibleng gumaling daw siya kapag matanggal ang polyp na tumubo sa kanyang kidney na siyang dahilan ng pagtungo nito sa US kasama
si Dra. Vicki Belo at anak na si Zia para magpacheck-up. Nakatakda raw operahan si Zsa Zsa para tanggalin sa August 27.
METRO NEWS
PANIBAGONG pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay bubungad sa mga motorista ngayong linggo.
www.pssst.com.ph
MAKARAAN ang halos isang araw na pakikipambuno kay kamatayan, tuluyan nang bumigay ang katawan ng isang binata matapos na resbakan ito ng hambalusin sa ulo ng isang binatilyo na dati nitong nakaalitan sa Malate, Maynila kamakalawa ng gabi.
Ang paggalaw sa presyo ng langis ay kinumpirma ng Department of Energy (DOE) bunsod ng paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado. Sinisilip ding dahilan ng panibagong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ay ang pag-
Dakong alas- 7:30 ng gabi nang ideklarang patay ng mga doktor ng Ospital ng Maynila ang biktimang si Bernardo Manago, helper, at naninirahan sa 584-102 San Andres St., Malate, Maynila sanhi ng matinding tama ng palo ng bote sa ulo. Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alias Justin, 17-anyos na agad ding tumakas matapos ang insidente. Batay naman sa report na isinumite ni Det. Gerardo Rivera ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, alas- 7:30 ng gabi din noong August 17 naganap ang
LUMAKAS ang bagyong Igme at mabagal na umuusad habang nasa hilagang silangan ng Luzon.
Kinumpirma ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration(Pagasa) na taglay ng bagyong Igme ang lakas ng hangin na aabot sa 105 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 135 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa direksyon ng pahilaga ngunit mabagal sa pitong kilometro bawat oras. Nakataas pa rin ang signal number one sa Isabela at Cagayan kung saan ay inaasahang pag-iibayuhin ng bagyo ang hanging habagat na siyang magdudulot ng mga pag-ulan sa partikular sa lalawigan ng Pangasinan, Zambales, Bataan at Mindoro. Samantala bukod sa bagyong Igme, isa pang bagyo
insidente sa harapan ng Shopwise Department Store sa Harrison Plaza, Malate, ng nasabing lungsod. Nabatid na nakatayo ang biktima sa nasabing lugar nang bigla na lamang itong lapitan ng suspek at walang sabi-sabing hinambalos ng bote ng alak sa ulo at dali daling umeskapo. Agad din namang isinugod ang duguang biktima sa ospital subalit makaraan lamang itong lapatan ng paunang lunas at gamutin ang kanyang sugat sa ulo ay pinauwi rin ito. Gayunman, ayon sa live in partner ng biktima na si Sarah Salih, 32-anyos, noong gabi nang August 18 ay nagsuka ang biktima kaya ibinalik ito sa Ospital hanggang sa tuluyan din itong binawian ng buhay. Napag-alaman naman na may alitan na ang dalawa kaya pinaniniwalaan ng pulisya na niresbakan ito ng suspek hanggang sa matiyempuhan nito ang biktima sa lugar. Honey Rodriguez
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Reynaldo Corpuz, 40-anyos, parking attendant sa 261 Area A gate 1 Pier 2 sa nabanggit na lugar at pinsan diumano ni SPO1 Jimmy Soriano ng Manila Police District (MPD) District Special Operations Unit ( DSOU). Base naman sa ulat na isinumite ni SPO2 Ronald Gallo kay MPDHomicide Section Chief Senior Inspector Joey de Ocampo , alas 6:35 ng gabi nang maganap ang pama-
ang nabuo sa silangan ng Pilipinas o sa hilagang kanluran ng Guam. Sa ulat ng Japan Meteorological Agency (JMA), taglay ng hindi pa pinangalanang bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras at kumikilos sa direksyon ng hilaga hilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras habang tinutumbok ang pagitan ng Taiwan at Japan. Kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo hindi ito direktang tatama sa kalupaan ng Pilipinas ngunit maaring pag-iibayuhin nito ang hanging habagat na siyang magpapaulan sa Luzon. Patricia Oamil
BINISTAY ng bala ang isang lalaki ng mga tinaguriang mga galamay ng riding-in-tandem na umatake sa San Pascual street, Barangay Commonwealth, Quezon City kahapon.
Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang Liwag, 26-anyos na nagtamo ng apat na tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo at ilan sa dibdib at balikat. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police na na-
Riding-in-tandem umatake
katayo lamang sa naturang lugar ang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng hindi naplakahang motorsiklo. Matapos ang pamamaril ay agad na umeskapo ang mga salarin sa hindi na nabatid na direksyon. Samantala,nakarekober ang mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ang apat na basyo ng kalibre .45 baril na ginamit sa krimen habang patuloy pang pinaghahanap ang mga suspek. Honey Rodriguez
KAARAWAN NI DA KING Dinalaw ng mga mahal sa buhay ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr., ang puntod ng action king sa North Cemetery sa Lungsod ng Mayunila kaugnay ng paggunita sa ika-73 kaarawan nito kahapon sa pangunguna ng anak nitong si MTRCB Chair Grace Poe Llamanzares. Jhay Chavez
www.pssst.com.ph
SPORTS
sabing SMC executive ang manager ng SMB na kunin bilang No.3 pick si Tiu para punan ang kakulangan sa outside shooting ng Beermen. The SMB coaching staff really wanted to bring Tiu in the team because they lack shooters but...upon instruction of the annoyed SMC executive, it did not happen, kwento pa ng source. Maging ang coaching staffs ng Ginebra Gin Kings at B-Meg Llamadas ay interesado kay Tiu subalit wala silang nagawa kundi sumunod na lang sa utos ng nasabing SMC executive. Noon pa may nagpahiwatig na si Tiu na gusto niyang maglaro sa Ginebra, ang pinakasikat na team sa PBA. He [Tiu] really wanted to play Ginebra. He even talked to Ginebra coaching staffs about his intention but it did not happen because napikon nga si executive sa kanya, dagdag pa ng source. CC NADISKARIL ang hangarin ni Venus Williams na maka-abante sa finals ng Cincinnati Open, matapos itong dispatsahin ni Li Na ng China sa kanilang laro kahapon sa MasonOhio. Sa panalong iyon ni Li Na, awtomatikong abanse na ito sa finals at makakaharap nito para sa title si Angelique Kerber ng Germany. Malalakas na palo ang pinawalan ng Chinese player na hindi nasalo ni Williams at itala ang iskor na 7-5, 3-6, 6-1. Nabatid na may iniindang injury si Williams sa labang iyon. Just in my warm-up it was bothering me. I was like Oh, no. I tried to fix it between the warm-up and the match, but it didnt work, ani Williams. Ella C. Linde
BAGAMAT interasado na noon pa si dating Smart Gilas I skipper Chris Tiu sa Ginebra San Miguel, hindi pa rin kinuha ng sinuman sa tatlong teams ng San Miguel Corp. (SMC) ang naturang basketbolista sa katatapos na PBA Rookie Draft. Ang dahilan? Ang pang-iisnab ni Tiu sa isang executive ng SMC. Ayon sa source, napikon umano ng todo ang top executive na ito ng SMC kay Tiu nang dedmahin ito sa isang event ilang araw bago ang PBA rookie draft. Balak sanang kausapin ng nasabing SMC executive ang dating national player at sabihin dito na interesado sila sa kanya sa PBA rookie draft subalit tiningnan at dinaan-daanan lang siya nito sa nasabing event. He [Tiu] just looked at him [SMC executive] and passed him by.
SPORTS BITZ
IBINUNYAG ni Miami Heat star LeBron James na gusto niyang maglaro sa 2016 Rio Olympics sa huling pagkakataon. Hindi pa pormal na sinabi ni James kay USA Basketball chairman Jerry Colangelo ang kanyang balak pero iginiit ng 27-year-old basketball player na nais niyang sumali sa Olympics kung malakas pa siya. We havent had that conversation, sinabi James . But if Im healthy, I did the math and Ill be 31, and if I have the opportunity to be
Nina:
Mara at Clara
LeBron James
MAPAPANOOD ng basketball fans ang pagbabalik ni Chicago Bulls star Derrick Rose sa isang dokumentaryo. Pansamantalang umalis si Rose noong nakalipas na NBA season dahil sa isang pilay sa tuhod. Nasa gitna ng rehabilitasyon si Rose dahil sa kanyang torn ACL at umaasa siyang malapit na siyang gumaling. Inilunsad ng Adidas ang series ng videos tungkol sa pagbabalik ni Rose sa NBA kabilang na ang kan-
Derric Rose
MULA sa pagrepresenta sa US mens basketball sa London Olympics, naglakad naman si Kevin Durant sa red carpet para sa kanyang bagong pelikula. Si Durant ay ang star ng kidfriendly basketball movie na Thunderstruck na nagkaroon ng premier
kasama niya sina Nickelodeon star Taylor Gray, Brandon T. Jackson at Jim Belushi. Gaganap si Gray na Thunder fan na himalang nagkaroon ng all-star skill set ni Durant. Of course, people are going to look at it a little different because Im a basketball player and Im doing something different. A basketball player is what I do. Its not really just solely who I am. I like to do other things, sinabi ni Durant. Im just blessed. Im just blessed to be alive, first of all. Blessed to be here, to have this opportunity. Not too many people can say they starred in a movie as a basketball player, with a lot of different things theyre juggling, but Im glad I did it, dagdag pa ni Durant.
SA kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Western & Southern Financial Masters, naglaban ang No. 1 at No. 2 ATP-ranked players sa finals. Tinalo ni Roger Federer, ang world No. 1, si No.2 ranked Novak Djokovic sa score na 6-0, 7-6 sa tennis tournament. Dahil sa kanyang tagumpay, may record-breaking fifth title na si Federer sa Cincinnati at recordtying 21st Masters 1000 level ATP tournament title kasama si Rafael Nadal. Nanalo si Federer laban kay Djokovic sa lahat ng sets. Looking back, its just unbelievable, sinabi ni Federer sa panayam ng mga re-
Roger Federer
TSISMIS
www.pssst.com.ph
10
Dahil ingat na ngayon sa pagkain, halatang medyo matamplay ang katawan nito, `ika nga powerless. Hindi tulad ng dati na matindi ang adrenaline dahil masarap itong kumain ng kahit ano. Kung noon, mahilig sa lechon at steak, ngayon fruits, less rice at soda crackers na lang ang kinakain nito kaya naman kapansin-pansin na rin ang pagbaba ng kanyang weight. Ang dyeta ng senador, bow! Clue: Isa sa bigatin ng senado ang solon na ito na may letrang D sa kanyang pangalan as in diet mode si sir Candido C
HI po sa inyong lahat. Im Mary Anne, from Pasig City. Gusto ko lang itsismis itong neighbor ko. Nasagap ko lang ito kaya gusto ko ring i-share sa inyo. Im sure magugustuhan nyo to. Ang tsismis ko is about sa mag-inang Leila and Kate. Leila, is biyuda na, 49, byuda pero may asim pa, maganda pa rin kahit pa 50 na. Ito namang si Kate, 23, may asawa na, si Norman, 28, gym instructor po ito. Bale, magkasama sa iisang bubong. Kate works as call center agent, siyempre umaga na umuuwi. Ang nangyayari, mas madalas pa ngang magkita at magkasama si Norman at ang biyenang niyang si Leila. Sabay kumain, magkasama sa pag-grocery etc etc. Dahil sa ganoong situation, naging close si Norman sa biyenan niyang si Leila. Natuwa naman si Kate ok na sila, noong una daw kasi, ayaw ng mommy niya pero nang tumagal, naging oks na sila. Pero sa kwento ng kanilang housemaid, si Inday, may milagro raw na nangyayari sa mag-byenan. Duda raw niya may relasyon sina Leila at Norman. Kwento ni Inday, one time daw, madaling araw daw iyon, narinig niyang may umuungol sa kwarto ni Mam Leila niya. Curious kaya umakyat siya sa second floor. Doon niya narinig ang mga kaluskos at ungol sa room ni Leila. At mula raw noon lalo pang naging close ang magbyenan. Madalas magkasamang ku-
KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO! Mag-dyowang ma-el, Gym instructor, ka-relasyon nahuling nag-si-sex sa din ang biyenan CR sa campus
main tapos madalas raw makita ni Inday si Norman na minamasahe si Leila sa room niya. HELLO to all followers of PSSST. Im Karen, a college student. I have a tsismis lang po about my two classmates na natsismis dito sa campus namin na nahuling nagsi-sex sa loob ng comfort room. Lets call them, Dianne and Tom. Bago pa lang po silang mga-dyowa, mga two weeks pa lang yata silang mag-on. Bagay po silang dalawa, kasi pareho silang ma-L. Hehehe. Dito po sa campus, sobra kung mag-PDA (public display of affection) itong si Dianne and Tom. Masyadong maharot sila. Minsan nga ho nagkikizz sila sa classroom kapag wala pa professor namin. Hindi ho sila nahihiya. Kahit sa canteen, sa library ganoon din. Naglalandian sila. Minsan nga nahuli ko paTapos madalas daw nagpapasama si Leila simpleng nilalamas ni Tom ang boobs ni Disa pag-shopping kay Norman at siya daw minanne. Kadiri talaga, di na makatiis si Tom. san ay nagbibigay ng pang-shopping sa kanEto na, last week may nakarating sa aming yang manugang. Kwento ni Inday ang bagong tsismis based sa kwento ng kaibigan namang Ipad daw ni Norman ay bigay sa kanya ni security guard sa campus. Ang kwento ng Leila. Sinabi na lang ni Norman sa wife nyang sekyu, nahuli raw si Dianne and Tom na nagsisi Kate na second hand daw iyon at binili sa sex sa CR ng mga lalake. kanyang kasama sa gym. Gabi raw iyon after ng Sa ngayon wala pa raw night class namin. Nagalam si Kate sa relasyon ng Kung kayo ay may kakaiba, nastay pa raw sa campus ang kanyang asawa at ng kanyang kakagulat at nakakaawang kwento dalawa tapos nang maobmommy. Iyan ang kwento ni ng inyong kapit-bahay i-share dito serbahan nilang wala nang Inday. Lagot kapag nabuking, sa Kapit-bahay Mo, I-Blind Item Mo at i-email sa pssst.blind@yahoo. mga estudyante, nagpunta malaking gulo. Hehehe! raw ang dalawa sa CR ng com at manalo ng mga sorpresang mga lalake. papremyo. Lou of Mandaluyong City Ni-locked po nila ang
door ng CR tapos pumasok iyong dalawa sa isang cubicle kung saan sila nag-sex. Eksakto namang maglilinis ang utility ng oras na iyon. Dahil may susi, nabuksan niya ang door. Pero laking gulat ng utility namin nang makitang nakapataong si Dianne kay Tom na nakaupo naman that time sa bowl. Hindi raw tinanggal ni Dianne ang damit niya, panty lang ang tinanggal. Tapos si Tom nakalilis ang pants niya.
Hindi nga raw malaman kung anong gagawin ng dalawa. Ito naman utility tumalikod na lang at lumabas, medyo nahiya rin siya. Sina Diane and Tom dali-daling nagbihis at lumabas ng CR. Kinabukasan kumalat na ho ang tsismis, at iyon, di muna pumasok ang magdyowang ma-L. Thats all. Patty of Sampaloc, Manila
11
www.pssst.com.ph
Sa Mga Mahal Naming Pasahero: Ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ay patuloy na makikinig sa inyong opinyon at suhestiyon kaugnay ng panukalang fare adjustment. Inaanyayahan ang sinuman na ihayag ang saloobin sa nasabing isyu sa pamamagitan ng pagpadala nito sa amingwebsite o email address, lrtamain@lrta.gov.ph o pro_lrta@yahoo.com at hotline numbers 854-0984 / 647-3452. Mahalaga ang inyong opinyon para sa pagbalangkas ng makatuwiran na desisyon ng LRTA Board. Maraming Salamat. MRT-3 operates from 5:30 AM until 10:00 PM all days a week. It is closed for annual maintenance every Maundy Thursday, Good Friday, Black Saturday and Easter Sunday. At the discretion of its operators, it is also closed during All Saints Day (November 1). First / Last Train Service Regular Operation Station North Avenue Station Shaw Southbound Shaw Northbound Taft Avenue Station First Train 5:30 AM 5:45 AM 5:45 AM 5:30 AM Last Train 10:00 PM 10:30 PM 10:45 PM 10:30 PM
Wirdo
CENTRO SERBISYO
ni M & C
Balita
December 24 and 31 Station North Avenue Station Shaw Southbound Shaw Northbound Taft Avenue Station First Train 5:30 AM 5:45 AM 5:45 AM 5:30 AM Last Train 8:00 PM 8:30 PM 8:45 PM 8:30 PM
December 25 and January 1 Station North Avenue Station Shaw Southbound Shaw Northbound Taft Avenue Station First Train 7:00 AM 7:15 AM 7:15 AM 7:00 AM Last Train 10:00 PM 10:30 PM 10:45 PM 10:30 PM
Weekday Revenue Service Period Morning AM Peak/ Rush Regular Hours PM Peak/ Rush Night Time 5:30 AM 7:30 AM 7:00 AM 9:00 AM 9:00 AM 5:00 PM 5:00 PM 7:00 PM 7:00 PM 11:00 PM Headway 5 Minutes 3 Minutes 4 Minutes 3 Minutes 5 Minutes No. of Trains 12 Trains 20 Trains 15 Trains 20 Trains 12 Trains
Weekend Revenue Service Period Saturday Sunday Time 5:30 AM 11:00 PM 5:30 AM 11:00 PM Headway 5 Minutes 6 Minutes No. of Trains 12 Trains 11 Trains
CENTRO SERBISYO
Para sa inyong reklamo sa ibat ibang ahensya ng gobyerno at mga abusadong opisyal o tauhan ng gobyerno, e-email lamang ang inyong rek- lamo na may kasamang larawan sa www.pssstph@gmail.com
www.pssst.com.ph
De-salpak!
HINDI lang ang mga umaandar na sasakyan ang puwedeng sumingit. Sa Agham Road, Diliman, Quezon City ay nasentrohan na naman ang mga terminal na ito ng tricycle na tila basta na lang isinalpak sa sidewalk. Nagamit na naman ng hindi tama ang bangketa tulad ng mga dati nang problema. Liban dito ay mayroon ding tricycle terminal na nakapuwesto naman sa mismong sakop na ng pampublikong daan kaya naman kung may titigil na pampasaherong jeepney ay heto at tila naka-ekis na ang postura sa kalye. Ngunit alin nga ba sa dalawa, tumigil dahil sa nakasagabal na ilegal na terminal na ito o sadyang dating gawi ng pagpapababa ng pasahero sa hindi tamang lugar. Pero teka, hayun at pati pala mga pampribadong sasakyan ay join na rin sa sigang pagparada. Sabit na naman ang mga ito! PSSSTphotowires
ANO BA YAN?