P. 1
Mga Kilalang Pilipino: Manunulat at Mananalumpati

Mga Kilalang Pilipino: Manunulat at Mananalumpati

5.0

|Views: 54,626|Likes:
mga kilalang pilipino: manunulat at mananalumpati
mga litrato at talambuhay
mga kilalang pilipino: manunulat at mananalumpati
mga litrato at talambuhay

More info:

Published by: Beverly Kaye Stephanie Alday on Aug 21, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/21/2015

pdf

text

original

MGA MANUNULAT

1

Dr. Jose P. Rizal
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

2

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

3

Marcelo H. Del Pilar
Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal en Filipinas at La Frailocracia Filipina. Isinulat rin niya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapang-abusong prayle. Isinilang si Marcelo H. del Pilar sa isang nayon sa Cupang, San Nicolas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaitan. Hilario ang dating apelyido ng pamilya niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isina-Kastila bilang pagsunod sa kautusan ng Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872. Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas, Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Tuksuhan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia Filipina. Nakipag tulungan si Marcelo sa kaniyang mga kakampi upang mapatalsik nila ang mga kalaban. Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin ang mga prayle sa Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang pambayang demonstrasyon at iniharap sa
4

Gobernador ng Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni José Rizal kagaya ng Noli Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo. Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat pampulitika ng La Asociacion Hispano-Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino) noong Enero 12, 1889, isang samahang pambayan na binubuo ng mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig ng Kilusang Propaganda. Naglathala din siya ng mga liberal at progresibong artikulo at sanaysay na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas. Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi kumakain at may panahong hindi natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may panahong namumulot siya ng mga nahithit na sigarilyo sa mga daan. Ang pondo para sa pagpapalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong pinansyal na dumarating mula sa Pilipinas dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong Nobyembre 15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas. Katulad ni Andres Bonifacio, naniwala siya sa paghihimagsik. Dahil dito, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio. Sa Barcelona ay nagkasakit siya ng tuberkulosis. Malubha man ang kalagayan ay tinangka pa ring magtungo sa Hong Kong upang doon man lang ay mapakilos niya ang kanyang mga kababayan. Ito'y di na niya naisagawa sapagkat namatay siya sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 45.

5

Jose Palma
Si Jose Palma ay isang makata at sundalong Pilipino. Siya ay naging tanyag sa pagsulat niya ng Filipinas, na naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong ika-6 ng Hunyo, 1876. Siya ay kapatid ni Rafael Palma na naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang mga magulang ay sina Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez. Nakatagpo ni Jose Palma noong nag-aaral siya sa Ateneo Municipal de Manila, si Gregorio del Pilar na naging pinakabatang heneral ng mga hukbong manghihimagsik. Kahit bata pa sa Ateneo Municipal, si Jose Palma ay kumatha ng mga lirikong tula at pinahanga ang marami sa pamamagitan ng pagpapalimbag ng isang aklat ng mga tula noong siya’y labimpitong taong gulang pa lamang. Ayon sa kanyang kapatid na si Dr. Rafael Palma, si Jose ay tahimik at mahiyain subalit emosyonal at romantiko. Ang kanyang pag-aaral ay naantala nang maganap ang Unang Sigaw sa Balintawak noong Agosto, 1896. Dahil sa pag-ibig sa bayan ay sumama siya sa pangkat ni Koronel Rosendo Limon at nakipaglaban sa ilalim ni Heneral Servillano Aquino. Noong ikalawang bahagi ng labanan sa pakikipaglaban sa mga Amerikano para makamit ang kalayaan ay nakasama siya sa editorial staff ng noo'y popular na pahayagang La Independencia. Dito niya napatunayan na higit siyang isang manunulat kaysa isang kawal. Sumama sa himagsikan noong ito’y maging laban sa mga Amerikano. Nguni’t kahit taglay niya ang damdamin at sigla ng paghihimagsik, ang mahina niyang katawan ay hindi mailaban sa higpit at hirap ng buhay sundalo, kaya’t ginugol niya ang kaniyang panahon sa panlilimbag sa mga kawal na manghihimagsik sa pamamagitan ng kaniyang mga kuniman. Nakilala siya sa kanyang tulang Filipinas na siyang pinaghanguan ng mga titik na inilapat sa tugtuging nilikha ni Julian Felipe bilang tugon sa kahilingan ni Heneral Emilio Aguinaldo kay Julian Felipe na gumawa si Felipe ng isang tugtuging martsa. Ang ambag niya sa panitikang
6

Pilipino, ang mga titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas, sa Kastila. Sinusulat niya ang mga titik na ito habang ang pulutong ng kawal na kinabibilangan niya ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan. Ang Filipinas na sinulat ni Palma noong buwan ng Agosto, 1899, ay nalimbag sa unang pagkakataon sa pahayagang La Independencia noong Setyembre, 1899. Ang mga letra ni Palma ay bihira nang awitin ngayon sapagka’t ang salin sa Ingles at Tagalog ang siyang lalong gamitin. Ang isa sa mga pinaka-madamdaming tula ni Jose Palma ay ang tulang De Mi Jardin (Mula sa Aking Hardin). Ang iba pang mga tulang makabayan ni Palma na nasulat ay Rizal en la Capilla, Al Album Muerto, Filipinas Por Rizal Al Martir Filipino at La Ultima Vision. Ang kanyang talambuhay na sinulat niya sa anyo ng tula ay may pamagat na Iluciones Marcitas (1893). Sa tulang ito ay idinaing niya nang paulit-ulit ang matindi niyang pagdaramdam sa kaisa-isang babaing kanyang minahal na si Florentina Arellano. Ang mga kundiman ni Jose Palma ay punung-puno ng damdamin ng pag-ibig. Pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1902 ay nagpatuloy siya sa pagsusulat. Ito ang naging hanapbuhay niya. Nagkaroon siya ng pitak na Vida Manileija sa pahayagang El Renacimiento. Sumulat din siya ng mga tula at artikulo sa mga pahayagang El Comercio, La Moda Filipina, La Patria, La Union, at Revista Catolica. Ang kanyang mga tulang madamdamin na sa ngayon ay mahalagang bahagi ng ating panitikan ay tinipon at ipinalimbag ng kanyang kapatid na si Dr. Rafael Palma. Ang kanyang mga tula, tinipon sa isang aklat na pinamagatang “Melancolicas” (Mga Panimdim) ay inilathala ng kanyang kapatid ng panahon na ng Amerikano. Maaga siyang binawian ng buhay sa edad na 30 noong Pebrero 12, 1903.

7

Apolinario Mabini
Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino theoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal. Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng "infantile paralysis" na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo". Noong 1899, si Mabini ay nadakip ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ipinabilanggo. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila. Ayon sa paglalarawan sa kaniya ni Arthur MacArthur, Jr., “Mabini is a highly educated young man who, unfortunately, is paralyzed. He has a classical education, a very flexible, imaginative mind, and Mabini's views were more comprehensive than any of the Filipinos that I have met. His idea was a dream of a Malay confederacy. Not the Luzon or the Philippine Archipelago, but I mean of that blood. He is a dreamy man, but a very firm character and of very high accomplishments. As said, unfortunately, he is paralyzed. He is a young man, and would undoubtedly be of great use in the future of those islands if it were not for his affliction.” 8

Jose Corazon de Jesus
Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre 22, 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang celio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan. Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang. Sino nga ba ang asawa niya? Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Tuliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidos. May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig Lily' Noong Marso 28, 1924, si De Jesus ay isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog na nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang pagdiriwang ng kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa Abril 2. Ang pulong ay tinawag at
9

pinamunuan ng manunulat na Rosa Sevilla. Napagpasyahan ng mga manunulat na magpalabas ng tradisyonal na duplo, o isinadulang debate sa tula na uso noong araw ngunit nalalaos na noong mga 1920. Pinalitan nila ang porma ng duplo at binansagan itong balagtasan para kay Balagtas. May tatlong pares ng mga makata na sumali sa unang balagtasan na ginanap noong Abril 6, 1924 sa Instituto de Mujeres, na itinatag ni Sevilla. Naging matagumpay ang balagtasan at nakagiliwan ng mga manonood ang pares nina De Jesus at Florentino Collantes. Sumikat ng lubusan ang balagtasan at ito ay naging karaniwang palabas sa mga pinakamalaki at pinakamahal na teatro sa Maynila hanggang noong dekada ng 1950. Pinagtapat sina De Jesus at Collantes at ginawa silang magkaribal at nagtakda ng isang tagisan ng galing noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium. Si De Jesus ang nanalo ng tagisan na iyon at binansagan siyang Hari ng Balagtasan. Hinawakan niya ang titulo hanggang mamatay siya noong 1932. Sikat na si De Jesus bilang Huseng Batute sa buong Pilipinas noong inanyayahan siyang umarte sa pelikulang Oriental Blood. Kasama niya ang mga bantog na aktres ng panahong iyon (Atang dela Rama at Maria Santos). Kasama rin sa kast ang kanyang anak na si Juliano de Jesus, na naging aktor sa ilang mga pelikulang Pilipino. Ngunit nagkasakit si Huseng Batute habang ginagawa ang pelikula at lumala ang kanyang sakit hanggang siya ay mamatay noong Mayo 26, 1932. Iniwan niya ang kanyang asawang si Asuncion Lacdan de Jesus at mga anak Teresa, Jose Jr. at Rogelio. Noong siya ay mamatay, binigay ng pamilya niya ang kanyang puso sa isang museo ng pamahalaan kung saan ito itinago hanggang ilibing ito sa libingan ng kanyang ina. Inilibing siya sa ilalim ng dagat sa Visayas, alinsunod sa kagustuhan niyang nakatala sa kanyang mga tulang Isang Malalim na Dagat at Ang Visayas.

10

MGA Mananalumpati

11

Graciano Lopez Jaena
Si Graciano Lopez Jaena ay tinatawag na Prinsipe ng Mananalumpating Tagalog. Kasama sina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar, binuo nila ang triumvirate ng Kilusang Propaganda.

12

Ipinanganak siya noong 18 Disyembre 1856 sa Jaro, Iloilo at supling nina Placido Lopez ar Maria Jacob Jaena. Sa gulang na anim, sumailalim siya sa pagtuturo ni Padre Francisco Jayne ng Colegio Provincial ng Jaro. Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Iloilo, noong Disyembre 18, 1856. Ang ina niya, si María Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang ang ama, si Plácido López, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na lamang. Subalit nagkapagaral nang kaunti si Placido samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at sa pagsamba ang tinubuan ni Graciano. Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay Fray Francisco Jayme, na noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni Padre Francisco Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at ang galing niyang magsalita. Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente. Labag sa nais ng ina, hangad ni Graciano na maging manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas ay pumayag ang mga magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomas sa Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en Artes na hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa kanya, sa ospital ng San Juan de Dios siya nagsilbi bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-aaral ni Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit niya kung ano na lamang ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid. Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot niya sa lupit ng pag-api ng mga frayle sa mga tao. Nuong 1874, nang 18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa sinulat niyang “Fray Botod,” prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya na "Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at pagsamantala sa mga tao.” Hindi ito nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang umikot-ikot sa Visayas. Lalong napuot ang mga frayle kay Graciano nang patuloy siyang kumalampag (campaña, campaign) ng katarungan para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang patayin ng Español na alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si Graciano na ipahayag na “natural” ang pagkamatay ng mga bilanggo. Nagsimula siyang tumanggap ng babala na papatayin siya ng mga frayle. Nuon siya tumakas sa España. Noong Pebrero 15, 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Ang pahayagan niyang ito ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't ibang pahayagan. Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban ang makatao at makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila. Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 40 sa Madrid, Espanya.

13

Epifanio de los Santos
Si Epifanio de los Santos ay isang manananggol, mamamahayag, mananalaysay (historian), musikero, pintor, kritiko, manunulat, pilosopo ("philosopher") at masugid na kolektor ng mga antique.

14

Isinilang siya sa bayan ng Malabon noong Abril 7, 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang hasyendero na si Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay tumugtog ng piyano at alpa. Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon ng pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa mga araling akademiko sa Ateneo, ay nag-aral din siya ng musika at pagpipinta na nanguna sa mga gantimpala. Tinapos niya sa Ateneo ang Bachiller en Artes ng may pinakamataas na parangal na summa cum laude at pagkatapos ay kumuha ng Law sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nanguna siya sa pagsusulit ng Ktt. Hukuman. Masugid siyang mambabasa ng iba't ibang babasahing pampanitikan lalung-lalo na ng mga nobelang sinulat ni Juan Valera, isang manunulat na Kastila at may-akda ng isang nobela ng pag-ibig na kanyang kinalugdan, ang Pepita Jimenez. Dahil sa mahilig siyang magbasa, nagkaroon siya ng malaking koleksiyon ng mga aklat sa Sining at Panitikan. Sa katunayan, ang unang palapag ng kanyang tirahan sa Magallanes, Intramuros ay nagmistulang laybrari at museo na naging tagpuan ng kanyang mga kaibigan na may hilig din sa Sining at pagsusulat tulad nina Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Rafael Palma, Jaime de Veyra at Clemente Zulueta. Isa rin siyang dalubwika natutuhan niya ang mga wikang dayuhan tulad ng Latin, Griyego, Kastila at Pranses. Siya ang naging unang Pilipinong naging kasapi ng Spanish Royal Academia sa Madrid at nakilalang unang Academician ng bansa. Itinatag ni Don Panyong (tawag sa kanya) at ng kanyang kaibigang si Clemente Zulueta ang pahayagang La Libertad sa Malabon. Naging editor din siya ng unang rebolusyonarong pahayagang La Independencia. Sa pagsusulat sa pahayagang ito ay ginamit niya ang sagisag na G. Solon. Naging District Attorney siya ng San Isidro, Nueva Ecija at doon din siya naging Kalihim Panlalawigan. Noong 1902 nahalal siyang Gobernador ng Nueva Ecija at naulit ng 1904 . Pagkatapos ng dalawang taon ay hinirang siyang miyembro ng Philippine Commission para sa St. Louis Exposition. Naglakbay siya sa iba't ibang bansa tulad ng Pransya, Inglatera, Espanya, Italya at iba pang mga bansa sa Europa upang bumisita sa mga aklatan at museo at mamili ng mga aklat para sa kanyang koleksyon sa sariling aklatan. Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan - Bulakan at at Bataan. Noong 1918, hinirang siya ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison na Technical Director ng Philippine Census. At noong Mayo 16, 1925 itinalaga siya ni Gobernador Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng Kawanihan ng Biblioteka at Museo bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na binawian ng buhay. Dalawang beses nag-asawa si Don Panyong. Ang kanyang unang asawa ay si Donya Ursula Paez ng Malabon at ang pangalawa ay si Margarita Toralba ng Malolos. Ang isa niyang anak sa kanyang unang asawa ang nagmana sa kanya ng mahilig sa kasaysayan at pananaliksik. Nakilala siya bilang mahusay na manunulat ng kasaysayan, talambuhay at kolektor tulad ni Don Panyong. Kung si Don Panyong ay di nakilalang tagapagsalita (speaker) siya naman ay nakakitaan ng kagalingan sa panunulat na umani pa ng papuri sa ibang bansa. Ang unang nalathalang sinulat ni Don Panyong ay ang Algo de Prosa (1909) isang koleksiyonng mga sanaysay at maikling
15

kuwento. Ilan pa sa kanyang mga sinulat ay Literatura Tagala (1911), El Teatro Tagalo (1911), Nuestra Literatura (1913), El Proceso del Dr. Jose Rizal (1914), at Folklore Musical de Filipinas (1920). Sinulat din niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Marcelo H. del Pilar, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila mula sa Tagalog ng Florante at Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa panitikang Pilipino. Isa ring mahusay na musikero si Don Panyong. Mahusay siyang tumugtog ng piyano at gitara. Sa kanyang panahon ay tatlo lamang ang kinikilalang mahusay sa pagtugtog ng gitara sa buong Pilipinas -isa si Don Panyong at ang dalawa niyang kasama ay si Hen. Fernando Canon, isang rebolusyonaryo, at si Guillermo Tolentino, kilalang iskultor. Inihambing siya ng musikong editor na si Griffith kay Segovia ng Espanya sa natatanging talento niya sa paggitara. Mahusay din siya sa pagpipinta, lamang ay hindi niya ito nabigyan ng panahon upang ang kanyang kakayahan ay lalo pang pagyamanin at paunlarin. Binawian ng buhay si Don Panyong noong Abril 28, 1928 sa Maynila sa eded na 57 dahil sa atake sa utak (cerebral attack). Bilang paggalang sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura, ang Highway 54 na nagdudugtog sa Lungsod ng Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay ipinangalang Abenida Epifanio de los Santos o kilala bilang EDSA.

Francisco Baltazar
Si Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok
16

siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Sunod, naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil. Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula dahil kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay nagsilbing hamon kay Kiko para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kikong sa larangan na panulaan. Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa pagligaw kay Celia, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Celia, ipinakulong siya ni Nanong Capule para hindi na siya muling makita ni Celia. Habang nasa kulungan siya, ipinakasal ni Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng 11 anak kay Juana Tiambeng. Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang 7 niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74, namatay siya sa pulmonya at katandaan.

Noli de Castro
Si Manuel Leuterio de Castro, Jr. o mas nakilala ng publiko bilang si Noli de Castro ay ang kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas ngunit nagsimulang sumikat bilang isang mamamahayag sa ABS-CBN.
17

Ipinanganak siya noong ika-6 ng Hulyo 1949 sa bayan ng Pola, Oriental Mindoro. Sa kanyang elelmentarya, nag-aral siya sa Pola Central School at nagtapos noong 1963. Matapos noon ay nag-aral naman siya ng hayskul sa Pola Catholic School at nakatapos naman noong 1967. Sa kanyang kolehiyo, siya ay kumuha ng Bachelor of Commerce, Major in Banking and Finance. Ikinasal siya kay Arlene Sinsuat - de Castro at nagkaroon sila ng tatlong mga anak. Sina Manueli de Castro - Arcaya, Shamier de Castro at Katherine de Castro, na isa ring mamamahayag sa ABS-CBN. Si de Castro ay isang Katoliko. Naging panata na niya ang pagpunta sa Pista ng Itim na Nazareno (Black Nazarene) na ginaganap tuwing ika-9 ng Enero. Sumasali siya sa mga bumubuhat rito. Kung kaya naman sa mga unang taon ng kanyang panunungkulan bilang Senador ay nagagawa niya pa ring sumali rito. Nagsimula ang kanyang karera bilang isang mamamahayag noong panahon ng dating Pangulong Ferdiannd Marcos, nang ang kalayaan sa pamamahayag ay lubos na ipinagkait. Nagtrabaho siya bilang isang tagapagbalita para kay Johnny de Leon, isang sikat na tagaanunsyo sa radyo noong mga panahong iyon. Hindi nagtagal ay naging tagapagbalita na rin siya sa radyo sa istasyon ng RPN sa radyo na DWWW mula 1982 hanggang 1986. Matapos mapatalsik si Marcos sa pagkapresidente, lumipat na si de Castro sa ABS-CBN. Nakuha niya ang kanyang proyekto na magpapasikat sa kanya sa telebisyon nang maging host siya sa isang bahagi ng programang Good Morning, Philippines na tinawag na "At Your Service". Sumali rin siya sa DZMM, ang istasyon sa radyo ng ABS-CBN. At dito ay naging tagapagbalita naman ng Kabayan. Nang dahil sa pagsikat ng programang ito ay nakuha niya ang bansag na Kabayan Noli. Noong 1987, nagkaroon siya ng sarili niyang palabas, ang Magandang Gabi, Bayan, at naging tagapagkilala ng mga balita rin sa TV Patrol. Noong Enero 1999, siya ay naging panguahing abala sa produksyon ng TV Patrol at naging Pangalawang Pangulo naman ng DZMM. Taong 2001 nang siya ay kumandidato sa pagka-Senador. Bagaman tumakbo siya bilang independyente, paminsan-minsan ay kumakandidato siya kasama ang oposisyon. Nakakuha siya ng higit sa 16 na milyong boto, ang pinakamataas na boto para sa pagka-Senador sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya rin ang kauna-unahang nangunang independyenteng kandidato na nanguna sa bilangan. Bilang isang Senador, sinimulan niya ang Senate Bill No. 2029 o ang tinatawag na "Local Government Transparency Act" na nagnanais na tapusin na ang korupsyon sa pamamagitan ng pagiging totoo ng lahat ng yunit ng lokal na gobyerno. Bukod dito, humawak rin siya sa tatlong komite sa Senado. Ang Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na may sakop at kapangyarihan sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sa pagsasatupad ng mga probisyon ng Konstitusyon sa lahat ng panlipunang katarungan.

18

Bukod dito ay ang Committee on Tourism, ang lupon na siyang namamahala sa pagsasatupad ng mga probisyon na may kaugnayan sa turismo at sa industriya nito. At ang huli naman ay ang Committee on Cultural Communities, na may kinalaman sa mga batas patungkol sa mga komunidad na ito. Noong 2004 naman ay tumakbo siya bilang Pangalawang Pangulo. Nakalaban niya ang isa ring nagmula sa pamamahayag at kasalukuyan ring senador noon na si Loren Legarda. Nanalo si de Castro ngunit hindi nagtagal ay nagsampa ng protesta si Legarda laban sa naging resulta nito. Ngunit ibinasura ito ng Korte Suprema, na tumatayo rin bilang Presidential Electoral Tribunal (PET). Sa kasalukuyan, siya ay nagbabalik bilang News Anchor sa TV Patrol.

Korina Sanchez
Si Korina Baluyut Sanchez, sa kilala bilang Korina Sanchez, ay isang TV host at mamamahayag na Pilipino.

19

Ipinanganak si Korina Sanchez sa Hong Kong noong ika-5 ng Oktubre, 1964. Anak siya nina Ramon Sanchez, isang tagapangasiwa sa Ambassador Hotel, at Celia Baluyut, isang mangaawit. Ang pamilya Sanchez ay bumalik ng Pilipinas ng itaguyod ng mga magulang niya ang isang kompanyang gumagawa ng mga posturyosong alpombra. Nag-aral si Korina Sanchez sa Maryknoll College (ngayo'y Miriam College) na kung saan nagtapos siya ng kursong Communications Arts. Nag-aral rin siya ng wikang Pranses sa Alliance Francaise de Manille. Sa panahon ding ito nag-aral si Korina Sanchez sa Programs Philippines Incorporated na kung saan ay nag-aral siya ng pamamahayag. Di kalaunan ay naging takapahayag siya ng balita sa telebisyon. Nagsimula si Korina Sanchez sa pag-uulat ng panahon bago siya naging tagabalita. Nang buksan muli ang ABS-CBN matapos ang Edsa Revolution noong taong 1986, si Korina Sanchez ay isa sa mga unang host at mamamahayag dito. Siya ang host at tagapangasiwang ng mga tanyag na programang pangtelebisyon tulad ng Magandang Umaga, Bayan (kasama ang kapwa mamamahayag at ang nakaraang pangalawang pangulo ng Pilipinas na si Noli de Castro), Hoy Gising!, Balitang K, Isyu 101 at TV Patrol. Nakasama niya si Kris Aquino sa programang Morning Girls with Kris and Korina at ngayo'y host siya ng sarili niyang lingguhang programa na Rated K: Handa Na Ba Kayo? at ng programang pambalita ng ABS-CBN na Bandila. Maririnig din siya sa radyo sa programa ng DZMM na pinamagatang Tambalang Failon at Sanchez.

20

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->