Professional Documents
Culture Documents
MEB23
Pinuno at Pamumuno Ang pamumuno ay isang proseso kung saan ang isang indibidwal ay epektibong nakakapanghikayat ng iba pang mga indibidwal upang matupad ang isang layunin. Ang pamumuno ay inaaral ngunit ang mga personal na katangian ng isang pinuno tulad ng kaniyang kakayanan at kaalaman ay maaaring naiimpluwensyahan ng kaniyang personal na paniniwala, pagpapahalaga, etiko at karakter. Ang kaalaman ay direktang nakakatulong sa proseso ng pamumuno, habang ang mga katangian ng isang pinuno ay ang nagbibigay sa kaniya ng katangitanging karakter na naghihiwalay sa kaniya sa iba pa. Ang pamumuno ay mayroong apat na . Ito ay ang mga sumusunod:
Sitwasyon
Pinuno Komyunikasyon Tagasunod
1. Pinuno Ang isang pinuno ay naiintindihan ang kaniyang mga kakayanan. Tandaan na hindi ang
pinuno mismo kundi ang mga tagasunod ang nagdedetermina kung siya ay isang epektibong pinuno. Kapag hindi nagtitiwala at walang lakas ng loob ang mga tagasunod sa kanilang pinuno, hindi sila magkakaroon ng inspirasyon. Upang maging isang epektibong pinuno kinakailangang mahikayat mo ang iyong mga tagasunod na ikaw ay karapat-dapat na sundin.
4. Sitwasyon Magkakaiba lahat ng sitwasyon. Kung ano man ang ginawa mo sa isang sitwasyon
ay hindi laging gagana sa iba pa. Kinakailangan gamitin ang panghusga upang mapagdesisyonan ang pinakamabuting gagawin at pinakaepektibong paraan ng pamumuno na gagamitin. Halimbawa ay kukumprontahin mo ang isang tagasunod sa kaniyang maling pag-uugali. Kung ang pagkukumpronta ay masyadong huli o maaga, masyadong malakas o mahina, ang mga resulta ay maaaring hind imaging epektibo.
Kahalagahan ng pamumuno Mahalaga ang pamumuno sapagkat ito ang nagpapalawak sa organisasyon at tumutulong sa pagtutupad ng mga layunin ng isang grupo. Ang mga sumusunod ay ang mga punto upang patunayang ang kahalagahan ng pamumuno.
2. Motibisyon Ang pinuno ang nagbibigay motibisyon sa kaniyang mga tagasunod upang matupad
ang isang layunin.
3. Nagbibigay gabay Ginagabayan ng pinuno ang kaniyang mga tagasunod sa paraan kung paano
nila gagawin ang kanilang layunin ng wasto at epektibo.
5. Nagbibigay moral Ang moral ay ang sanhi ng kooperasyon ng mga tagasunod sa kanilang
layunin at pagbibigay lakas ng loob na makuha ang kanilang tiwala.Ang isang pinuno ay makakapagbigay moral sa pamamagitan ng pagbibigay ng buong kooperasyon ng sa gayon ay kikilos ang mga tagasunod sa kanilang makakaya upang matupad ang kanilang layunin.