P. 1
Ang Sigwa (Sabayang Pagbigkas 2012)

Ang Sigwa (Sabayang Pagbigkas 2012)

|Views: 156|Likes:
Published by HanzhellJ.Campugan

More info:

Published by: HanzhellJ.Campugan on Aug 29, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/29/2012

pdf

text

original

Ang Sigwa

Ni German Villanueva Gervacio

Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dooooonggggg…. Hwoooshhhh! Hwooossshhhh! Hwoooshhhh! Wzzzzzooozzzzz…Wzzzooooozzz…Wzzzooooozzzzzzz… Hindi iyon dumating nang walang babala May tanda, may tanda! Kami’y magigiba Nawindang ang malay lahat ay tulala Pumiglas ang puso, isip ay luluwa Babala, babala: babaha, babaha! Babala, babala: babaha, babaha! Babala, babala: gigiba, gigiba! Babala, babala: gigiba, gigiba! Napabalikwas tayo noong gabing iyon Ang una’y isang napakalakas na haplit ng hangin Na sinundan ng pagkidlat at pagkulog Kumabog, kumabog Ang lupa’t dibdib, nayugyog Nag-unahan ang libong sibat ng langit Lumangitngit, lumangitngit Bahay at buhay’ nabibingit Wala tayong nagawa kundi ang pagmasdan Kung paano labusawin ng hangin at ulan ang tumana Kung paano yugyugin ang punongkahoy at halaman Kung paano haplitin ang marupok na dibdib ng bahay Kung paano dayukdukin ang ating yaman at kabuhayan Kung paano nakawin ang pangarap at pag-asa Kung paano burahin ang kahapon, ngayon at bukas Bukas, bukas…bukas… Huwasssss…hwasssssh….hwwwwasssshhhhh Huwasssss…hwasssssh….hwwwwasssshhhhh Buhok na hinangin ang nakuratang mandala
1

Xbox. simbahan.Nagpipingkiang kampilan ang talahib sa tagliran ng lambak Matutulis na kuko ang along gumagalos sa baybay Padabog ang mga trosong bumundol sa tadyang ng bahay Tuyong dahong tinangay ang mga baka. nangangatog. lapok. nilalabusaw. moske. Wii. kalabaw Balahibo ng manok na hinipan ang mga sasakyan. nangungurog Pati tuktok at tadyang ng matikas na burol Bundok. lilitaw Lulubog. mansyon Iniluwa ng lupa maging ang nangungunyapit na ugat Mga ilog ay dugong bumubulwak-bulwak Ang langit ay tila bulkang pumutok Rumagasa ang lapok. lapok! Hindi tayo makapaniwala sa nasasaksihan ng balintataw Kinakalikaw. Wii. tv. nangangatog. nagungurog Nanginginig. nangangatog. nangungurog Nanginginig. tulay. kural at poste Mga langgam na sinabuyan ng tubig ang mga buhay at bangkay Nanginginig. Wii Nabaklas ang tinaliang haligi. PSP. lilitaw… Aw…aw…aw…awwwww! Naagnas sa kumukulong tsokolate ang ref. aso. binabalisawsaw Umaalingawngaw ang halakhak ni Maria Cacao Haw haw de karabaw Utok namo nakutaw Haw haw de karabaw Pag-asa’y di matanaw Haw haw de karabaw Lulubog. lilitaw Lulubog. baboy. pusa. bubong at hagdanan Ihit ng sanggol ay nakatarak sa dibdib nating subyang Pakakak ni Kamatayan ang pumapailanlang Hindi na natin matiyak kung ano ang troso o braso Hindi na natin matiyak kung ano ang luha o ulan Hindi na natin matiyak kung sino ang buhay o patay 2 . washing machine Kompyuter.

hokus pokus dito Binulsa ang konsyensya. At kailangan natin sila bilang karamay At hindi bantay-salakay? Subalit tanto rin nating lagi na lamang Sa lupa tayo'y makadudulog— Sa lupang inabuso ng pagtotroso Sa lupang ginahasa ng pagmimina Sa lupang ginahaman ng plantasyon Sa lupang tanging kakampi natin ngayon! 3 . nagpagamit sa demonyo! Dahil bakit ang corned beef ay naging tinapa? Ang imported na kumot ay naging mumurahing katsa? Ang relief goods ay naimbak sa aparador ng iba Milyong piso at dolyar.bangkay…. nakaninong bulsa? Batid kaya nila ang pakiramdam ng isang nagpikit ng mata Ng sanggol na hinugutan ng hininga sa kanilang kandungan? Batid kaya nila ang pakiramdam ng sumalo Ng basag na bungo ng kaibigan? Batid kaya nila ang lamig ng huling pisil Ng isang kapatid? Batid kaya nila ang pakla sa puso Ng isiping hindi natin kaya. Hindi natin kayang yakapin Lahat ang humuhulagpos na hininga Ng ating mahal sa buhay.Tayong lahat ay humihinga-hinga pang bangkay Bangkay….bangkay! Hilong talilong ang mabubulaklak-ang-dilang politiko Noynoying ang may hang-over pang nasa Palasyo Kampanteng-kampante at walang paki Kinikilig sa napanaginipang si Grace Lee Hugas-kamay ang PAG-ASA at lokal na pamahalaan Parang Makapiling turuan nang turuan Ala-Harry Potter ang mga ganid at tuso! Madyikera’t madyikero kanya-kanyang akto Hokus pokus doon.

Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dooooonggggg….Go Kapilat! –Ser Gee) 4 .. Gudlak mga bata!.Natikman ng basang lupa ang alat ng ating luha Natikman niya ang anta ng ating paghikbi Natikman niya ang lansa ng ating uhog Natikman niya ang aplod ng nangungurog nating tuhod Natikman niya ang pait ng mga dibdib nating giba Natikman niya ang asim ng pagngiwi ng ating mukha Natikman niya.. (Sa awa at tulong ng Dios ay mairaos at mapagtagumpayan natin ito. ay! natikman niya! At kanyang naunawaan Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling haligi Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling buto Kayamukat mnating sinuhayan ang mga nabaling pananalig Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling kaluluwa Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling suhay At sa gitna ng tikatik ng luha at ulan Nakasilip panandali si Pag-asa Mga bituing nangangako ng panibagong panaginip Buwang sumasalamin sa mga nagampanang pagtataguyod Nalimutan na tayong tipanin ng araw Subalit hindi tayo nililisan ng silahis sa ating mata At sa pakpak ng mga aninipot muling isinakay ang lagablab ng pangarap Kung kailan maihahatid sa pinakamalapit sa pinakamalapit na bituin. Ay hindi na mahalaga Ang mahalaga'y pinili nating muli ang mangarap Ang mahalaga'y natukuran nating muli ang ating kaluluwa Ang mahalaga'y hindi napatid ang bigkis ng ating ugat Ang mahalaga'y hindi naigupo ang tiwala sa ating sarili Ang mahalaga'y may init pa rin ang ating puso't hininga Ang mahalaga'y tanto pa rin natin ang siyang pinakamahalaga.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->