You are on page 1of 5

II.

Ang Ating mga Ninuno Aralin 1 Ang mga Unang Pilipino

Maraming teorya ang nagbigay suhestiyon kung paano nagkaroon ng mga unang naninirahan sa Pilipinas. Ayon sa Wave Migration Theory ni H. Otley Beyer, ang pagdating ng mga naninirahan sa bansa ay dumating na parang alon: unang dumating ang tinatawag niyang Dawn Man mga 250,000 taon na ang nakalilipas. Ang Dawn man ayon kay Beyer, ay may pagkakatulad sa mga sinaunang tao tulad ng Peking Man at java man. Sumunod naman na dumating ang mga Negrito mga 25,000 hanggang 30,000 taon na ang nakalilipas. Sinundan ang mga Negrito ng mga Indones, na nakarating sa Pilipinas gamit ang kanilang mga Bangka mula sa bahagi ng kasalukuyang Indonesia mga 5,000 aon na ang nakalilipas. Sinundan naman ang mga Indones ng pagdating ng mga Malayo taglay ang kanilang teknolohiya sa paggamit ng bakal. Ganunpaman, ang Wave Migration Theory ay hindi ganap na suportado ng mga ebidensya; higit pa rito, ang pagkakatuklas ng mga buto ng Tabon Man at Callao Man na ngayon ay tinatawag na Homo Philippinensis, ay nag dulot ng maraming katanungan sa kawastuhan ng nasabing Teorya ni H. Otley Beyer. Gayunpaman, dahil hindi pa ganap na natutuklasan kung paano nga nagkaroon ng mga tao sa kapuluan, ang ating pagtalakay sa sinaunang mga Pilipino ay babatay na lamang sa mga natuklasang artifak at mga labi ng sinaunang sibilisasyon. Sinasabi na kaiba sa madalas na yugtong pinagdaanan ng mga sinaunang tao sa maraming bahagi ng mundo, ang sinaunang tao sa Pilipinas ay dumaan sa dalawang pangkabuuang yugto: ang yugtong Stone Age at Metal Stage.
Pangangasogamitangsibat

Tinawag ni F. Landa Jocano ang unang yugto ng pag-debelop ng lipunang Pilipino bilang Formative Phase [c.50,000 - c.500 BC]1. Kakikitaan ang Formative Phase ng paggamit ng stone tools o kagamitang gawa sa bato at mga seramikong gawa sa lumad. Isa sa mga pinakamatatag na ebidensya ng yugtong ito ay ang pagkakatuklas sa Tabon Man. Ang Tabon Man2 ay pinangalanan bilang natagpuan sa kweba ng Tabon sa Palawan. Siansabi na natuklasan sa kweba ng Tabon ang tatlong bungo ng sinaunang tao [22,000BCE] at ibat-ibang klase ng kagamitang gawa sa bato, Sinasabing ang mga natagpuan sa nasabing kweba ay maaring sumuporta sa pagtingin na ang kweba ay isang uri ng sinaunang pagawaan ng mga kagamitan. Maliban dito, natukasan rin ang ilang artifak na may kinalaman sa paglikha ng apoy sa layer ng lupa na kabilang sa Upper Pleistocene o mga 45,000-50,000 taon na ang nakalilipas.3

Ang ikalawang yugto ng pag-unlad ng sibilisasyong Pilipino ay tinatawag na Incipient Phase [c.500 BC- c.1 AD]. Sa mga panahong ito, nagsimula nang lumaganap ang paggamit ng kagamitang gawa sa metal/bakal sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Ang paggamit ng mga kagamitang gawa sa bakal ay nagdulot rin ng pag-unlad sa pamumuhay ng mga ito. Sa panahong ito, ang mga dating maliliit na komunidad ay umusbong sa mas malalaking komunidad na tinatawag na barangay. Ang barangay ay kapwa representasyon ng komunidad at pampulitikal na organisasyon ng sinaunang tao. Ang barangay, ayon sa historian na si William Henry Scott ay madalas binubuo ng 20-100 pamilya na kapwa magkakamag-anak. Sa bahagi ng Katagalugan,

11

Zaide, Sonia M. (1999), The Philippines: A Unique Nation (Second ed.), All-Nations Publishing, ISBN 971-642-0714 citing Beyer in the Philippine Studies, Vol. 15:No. 1 (January 1967) available in preview at Google Books, see reference for URL directions 2 Scott, William Henry (1984), Prehispanic Source Materials for the study of Philippine History, New Day Publishers, ISBN 971-10-0226-4. preview available at Google Books see reference for URL directions 3 ibid, p. 14-15

ang Datu ang siyang tinitingala bilang pinuno ng barangay. Sa ibang bahagi ng kapuluan, ang datu ay tinawag rin bilang babacnang sa ilokano, o kaya naman ay apo para sa mga Igorot, Gayunpaman, ang mga pinunong ito ang may responsibilidad sa usaping pang-ekonomiya at komersyo gayundin sa tungkuling military at pampulitikal na madalas ay kinabibilangan ng pagresolba sa mga usapin at tunggalian sa barangay. Sa ibang bahagi ng Luzon, tulad ng mga Gaddang at Zambal, ang itinuturing na pinuno ay ang pinakamahusay at pinakamatapang na mandirigma4. Bagaman ang datu ang pinakapinuno sa barangay, mayroon ring ilang pinuno na bahagi ng pamayanan. Kabilang dito ang bagani [o bayani], ang babaylan at ang panday.5 Ang mga Bagani ay mga pinunong tinitingala pagdating sa usapin ng pagtatanggol at usaping military. Madalas ito ang pinakamatapang at pinakamalakas sa barangay. Ipinaliwanag ni Salazar na
PaintingniCarlosValino,Jr[1971]naglalarawansa isangpulongnapinangungunahanngdatu

Magkaugnay ang batayang datu at ang bayani dahil sa ang bayani ay ang naituturing na tagapagtanggol sa balangay laban sa karahasan, kaya kung hindi ang datu mismo ang nagiging bayani ng balangay ay mayroon siyang iilang bayani na inaatasan bilang tagapagtanggol ng baranggay.6 Gayunpaman, kahit tinitingala ang mga bagani, silay walang maituturing na tunay na pampulitikal na kapangyarihan. Ang mga Babaylan naman ang tinuturing na pinuno sa usaping espiritwal at ng praktikal na bagay. Ito ang namamahala sa usaping astronomiya, relihiyon at medisina. Sila rin ang namamahala sa mga pagdiriwang na isinasagawa para sa mga pumanaw na

4 5

Samuel K. Tan. A History of the Philippines, UP Press 1987 p.37 available thru Google Books FPA Demetrio. Ang Demokratikong Sistema at ang mga Sistema ng Pamumuno sa Pilipinas. 2010 F. P. A. Demeterio http://www.kritike.org/journal/issue_7/demeterio_june2010.pdf [retrieved August 31, 2012] citing Zeus Salazar, Ang Babaylan sa Kasaysayan ng Pilipinas, in Bagong Kasaysayan: Mga Pagaaral sa Kasaysayan ng Pilipinas (Quezon City: Palimbagan ng Lahi, 1995) 6 Demetrio citing Salazar, ibid., page 9-10.

kababayan. Tinukoy ni Salazar ang nga babaylan bilang daluyan ng mga pangkasaysayang alala ng baranggay, tagapaglunsad ng mga ritwal, at tagapamagitan ng baranggay at ng kanilang mga diyos at diyosa. Ang mga tungkulin ng babaylan ay pangunahing isinasagawa ng kababaihan. Halimbawa ng mga sikat na babaylan n gating kasaysayan ay sina Tamblot ng Bohol at Tapar ng Panay. Ang Panday naman ang itinuturing na pinuno pagdating sa usapin ng paggawa ng sandata at kagamitan sa pagsasaka at pamamahay. Bagaman walang kapangyarihang pampulitikal, ang mga panday
AngBabaylanhabangginagamotang isangmaysakitnababae.

ay tinitingala sa barangay dahil sa kanilang kakayahan. Kabilang sa mga sikat na panday ay si Panday Pira,

ang Morong taga-panday ni Raha Sulayman na inanyayahan ng mga Espanyol na maging taga-gawa ng mga ito ng kanyon. Ngunit, sa ibang bahagi ng kapuluan, ang pamumuno sa barangay ay naka-atang di lamang sa balikat ng iisang datu kundi sa tinatawag na konseho ng mga nakatatanda [council of elders], tulad ng sa sinaunang komunidad sa Cebu at Leyte. Mayroon ring hirarkiyang maituturing sa pamunuan tulad ng matatagpuan nuon sa mga barangay sa Bohol, kung saan mayroong tinatawag na chief datu na siyang pangunahing datu sa isang kulumpon ng dalawa o higit pang barangay na pinamumunuan ng mga datu.7 Sa mga panulat ni Plascencia,8hinggil sa mga batas at kagawian ng mga tagaPampanga, mapapansin na ang konseho ng mga datu sa magkakalapit na barangay ay siya ring nagsisilbing

77 8

MgasinaunangPilipinonakabilang saMaharlikaoMaginoobataysa BoxerCodex

Tan, supra 6, page 37 Juan de Plasencia Instruccio de las Costumbres que antiguamente tenian los naturals de la Pan Panga en sus pleytos as cited by W.H. Scott in his book Barangay (1994), p. 295-297

tagapagdesisyon sa mga usaping may kinalaman sa hustisya at pagpapatupad ng mg napagkaisahang mga batas sa lugar. Ang pag-unlad mula sa mga simpleng komunidad sa pagiging maliliit na estado ng barangay ay sinasabing naganap sa pagitan ng 200AD-500AD. Bagaman di pantaypantay ang tukad ng pag-unlad dahil na rin sa katangian ng kapuluan na mabundok at maraming isla, sa pangkabuuan, mayroon nang sistema ng pamahalaan sa ating bansa bago pa man dumating ang mga kolonyal na Espanyol. Ilan sa pinaka-abanteng sistema ng pamahalaan at estado ay sinasabing matutunton sa Mindanao sa ilalim ng sultanato ng Maguindanao at Sultanato ng Sulu. Sa mga panahon ring ito, ang mga sinaunang Pilipino, mula 200 A.D. hanggang sa pagdating at pananakop ng mga Espanyol ay aktibong kalahok sa kalakalan sa mga bansang Tsina, India, Malaysia at iba pang karatig na isla. Ito ay aking tatalakayin sa ugnayang Pilipino at Asyano.

You might also like