You are on page 1of 6

Tomas, Princess Ashley S.

2012-41416

Setyembre 4, 2012

Lahing Igorot: Ating Ipagmalaki!

Sino ang mga Igorot? Ano ang kanilang itsura? Saan sila nakatira? Paano sila namumuhay? Ano ang pagkakaiba nila sa ibang mga taong nakatira sa lupa?Bakit nila piniling manirahan sa bundok? Ilan lang ito sa mga katanungang madalas sumagi sa mga taong hindi lubusang kilala ang mga Igorot. Kung ikaw ang aking tatanungin, masasagot mo ba ito? Halinat ating tuklasin kung ano at sino nga ba ang mga Igorot.

(Igorots Bontoc)

Ang mga Igorot ay isang grupong etniko na naninirahan sa kabundukan ng Pilipinas. Kadalasan silang namamalagi sa bandang hilaga ng Luzon, sa Rehiyon ng Cordillera. Sila ay karaniwang makikilala sa kanilang pananamit,pisikal na kaanyuan, kultura at tradisyon.

( Global Drift Pty Ltd,2012. Igorot Tribes People)

Ang salitang Igorot ay nangangahulugang taong naninirahan sa bundok. Bakit nga ba sila tinawag na ganito at bakit sila sa bundok naninirahan? Kung natatandaan niyo ang ating napagaralan sa kasaysayan ng Pilipinas, noong panahaon ng Kastila sinakop nila ang halos buong kapuluan ng Pilipinas maliban sa mga etnikong naninirahan sa kabundukan. Ang mga Igorot ay dating mga taga-lupa. Ngunit sila ay natakot sa pananakop ng Kastila kaya silay nagtago at nanirahan sa mga kabundukan upang mapanatili nila ang kanilang kultura at tradisyon. Binalak din ng mga Kastila na makuha ang control sa mga gintong mina ngunit sila ay nabigo sapagkat matatapang ang mga Igorot at malakas ang kanilang depense laban sa mga kaaway kaya naman nanatiling matatag at buhay na buhay ang kanilang kulturat tradisyon hanggang ngayon.

(The Philippines Matrix Project, Igorots 1)

Talaga namang nakakamanghang malaman na hanggang ngayon ay napapanatili nila ang ganitong kultura. Ngunit dapat nga bang ipagpatuloy ang mga kulturang ito? Tulad nalang ang headhunting at pangangaso? Hindi bat napakaprimitibo nito? Kung ako ang tatanungin ay hindi natin maiitatangging napakayaman natin sa kultura at tradisyon ngunit hindi ibig sabihin na kailangan nating ipagpatuloy hanggang ngayon ang mga ito. Ang kultura ay iniingatan, pinapahalagahan ngunit kelangan ding linangin upang maangkop sa modernong panahon ngayon. Sabi nga ng isang blogger, Ang kultura ay patuloy na nagbabago upang makisalamuha sa patuloy ding nagbabagong pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Maaring dahil sa ating mga tradisyon at kultura ay nakikilala tayo ngunit hindi ibig sabihin nito na panghabang buhay na ganito na ang ating uri ng pamumuhay. Atin lang linangin at huwag tuluyang limutin.

(Center for People Empowerment in Governance (CenPEG),Young Igorot Dancers 2005)

Masayang makita na unti-unti mang nagiging modernisado ang panahon, makikita parin sa atin ang paglinang ng ating kultura. Maraming kabataan ang gustong matuto ng mga sayaw ng mga Igorot at nakikisalamuha sa kanila. Patuloy din ang mga okasyong pangtribo at sila ay nakakaengganyo ng ibang taong nanonood sa kanila. Marami na rin ang mga Igorot na nagiging tanyag dahil sa kanilang talino at talento. Nakikilala rin sila sa kanilang Hagdan-Hagdan Palayan na bunga ng kanilang tiyaga at pagsisikap, sa mga kweba ng Sagada, at kay Apo Ano na isang mummy. Ilan lang ito sa mga bagay na maipagmamalaki ng isang Igorot.

(My Lot. Toddler pride, 2010)

Sana ay tuluyan ng mawala ang diskriminasyong nakalakip sa salitang Igorot. Hindi maitatangging marami sa atin ang mababa ang pagtingin sa mga taong ito. Sana ay isipin natin na tayo ay pantay-pantay lamang. Ang pagkakaiba lamang nila ay iba ang kanilang uri ng pamumuhay sapagkat pinili nilang ipagpatuloy ang kultura at tradisyon na mula pa sa kanilang mga ninuno. Alisin na natin sa ating isipan na mas mababang uri sila sapagkat iisa lamang ang ating lahing pinagmulan. Kilalanin muna natin sila bago tuluyang husgahan. Tulad natin sila rin ay taong pinagkalooban ng talento at abilidad. Pinagtataasan man sila ng kilay, ang mga Igorot ay hindi maitatangging pride ng ating bayan. Sa kabilang dako, sana ay maintindihan din ng iba na hindi nagtatapos ang mga ito bilang isang artifact ng nakalipas o mga subject ng eksibisyon. Marami tayong iba pang pwedeng ipagmalaki. Sana lang ay tuluyan nating yakapin ang sariling atin sapagkat sa pagtanggi natin ng ating sariling kultura hindi natin namamalayan na naisasantabi na natin ang ating sarili, ang ating kasaysayan at ating mga ninuno.

Talaan ng Sanggunian:

http://www.globaldrift.com.au/trips/images/PHIMIP/large/121906_igorot03.jpg&imgrefurl=http://www.globaldrift.com.au/trips/phimip&usg=__oe02shPxMUJxs_oC3q4Pa64_PVw=&h=320&w=400&sz=26&hl=fil&start=3&sig2=gndu5e5nUX4kcd4u0QcljA &zoom=1&tbnid=lPTI7x_tNjB0xM:&tbnh=99&tbnw=124&ei=iQBEUOWMGM2UiAeyqIHoBA&prev=/search%3Fq%3Digor ot%26num%3D10%26hl%3Dfil%26sa%3DN%26site%3Dimghp%26tbm%3Disch&itbs=1

http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://philcsc.files.wordpress.com/2012/07/igorots1.jpg&imgrefurl=http://philcsc.wor dpress.com/2012/07/08/on-filipinizing-cultural-studies-revised-version/&usg=__-5YegrCUWVFiO1mPLVkZ1P7Gis=&h=1081&w=1772&sz=767&hl=fil&start=29&sig2=LBBXgwNedhvw3bxzujI6hg&zoom=1&tbnid=GaoHPArTS0heDM: &tbnh=92&tbnw=150&ei=3AZEUK2lFKjAiQet6YCICA&prev=/search%3Fq%3Digorot%2Bculture%26start%3D20%26num% 3D10%26hl%3Dfil%26sa%3DN%26biw%3D1024%26bih%3D463%26site%3Dimghp%26tbm%3Disch&itbs=1


http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://bramie.com/igorot05.jpg&imgrefurl=http://bramie.com/igorot.html&usg=__9GI6fAF9V3RHuO NmOv8lvXIFDZU=&h=250&w=400&sz=39&hl=fil&start=26&sig2=oUpAWRjnqaifOjlInORXLQ&zoom=1&tbnid=EGi-l8Q76cfJM:&tbnh=78&tbnw=124&ei=wCVEUNDrC8WziQfx7oCoAg&prev=/search%3Fq%3Digorot%26start%3D20%26num%3D10%26hl% 3Dfil%26sa%3DN%26biw%3D1024%26bih%3D463%26site%3Dimghp%26tbm%3Disch&itbs=1

http://www.cenpeg.org/2010%20layout%20pages/GOVERNANCE%202010/oct2010/pics/681.jpg

http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://images.mylot.com/userImages/images/postphotos/2201663.jpg&imgrefurl=http://www.mylot.c om/w/photokeywords/2/igorot.aspx&usg=__6Rr5Hov5KTa7aa0GSXh6p4lBnK0=&h=332&w=500&sz=64&hl=fil&start=17&sig2=kuWTmmp wg6uiKU7fi2zqJw&zoom=1&tbnid=KQYs7Sq0y8vllM:&tbnh=86&tbnw=130&ei=ViZEUJn7FsmeiQeX5ICYCg&prev=/search%3Fq%3Digoro t%2527s%2Bpride%26um%3D1%26hl%3Dfil%26sa%3DN%26biw%3D1024%26bih%3D463%26tbm%3Disch&um=1&itbs=1

http://grouptwo222.blogspot.com/2008/08/igorot-ipagmalaki-natin-sila.html

http://thehistoryoftheprecolonialphilippines.wordpress.com/2011/03/16/mga-kaugaliang-igorot/

You might also like