P. 1
Mga Gabay (Markahan 1 at 2)

Mga Gabay (Markahan 1 at 2)

4.0

|Views: 150,781|Likes:
Published by Elmer Lumague
Teaching Guide for K to 12 Araling Panlipunan Grade 7- fisrt and second grading period
Teaching Guide for K to 12 Araling Panlipunan Grade 7- fisrt and second grading period

More info:

Published by: Elmer Lumague on Sep 14, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/22/2015

pdf

text

original

! Markahan 1 Gabay ng Guro 1 Gawain Sinaunang Panahon hanggang sa Pagtatag ng Kolonyang Espanyol Pagpapakilala sa Primaryang Sanggunian 1.

Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian 2. Limitasyon ng mga sanggunian 3. Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian Lima (5)

Oras

GABAY NG GURO Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa pagkatuto.

Layunin, Tema at Pamantayan sa Pagkatuto
Nilalayong ipakilala ng modyul ang mga sumusunod: • • • Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian Pagkakaiba at limitasyon ng mga uri ng sanggunian Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian sa sariling buhay at sa kasaysayan

Kaugnay ng mga paksang ito ang dalawang tema ng kurikulum sa Araling Panlipunan: Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago; at Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa. Ang mga pamantayan sa pagganap at ang kakayahang inaasahang matututunan ng mga mag-aaral ay ang sumusunod. Pamantayan sa Pagganap Nakauunawa ng kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian Natutukoy ang kaibahan at limitasyon ng mga uri ng sanggunian Kakayahan • • • Naipaliliwanag ang kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa kahalagahan ng primaryang sanggunian sa sariling buhay Nakapagbibigay ng halimbawa ng primaryang sangguniang pangkasaysayan ayon sa uri ng impormasyon Nakabubuo ng heneralisasyon tungkol sa kahalagahan ng primaryang sanggunian sa kasaysayan Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga ito mula sa pangaraw-araw o sariling buhay

• •

!

1

! Pamantayan sa Pagganap Nakauunawa ng kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian sa sariling buhay at sa kasaysayan

Kakayahan • • • • • • • • • • • • • Natutukoy ang iba-ibang anyo ng primaryang sanggunian Naisasakategorya ang iba’t ibang halimbawa ng sanggunian ayon sa uri nito Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng mga uri ng sanggunian at ang limitasyon ng bawat isa Natutukoy at naipaliliwanag ang iba’t ibang primaryang sanggunian tungkol sa sariling buhay Natatasa ang kontribusyon at limitasyon ng bawat sanggunian Nakakukuha ng impormasyon mula sa mga sanggunian Nakahihinuha mula sa impormasyon Nakapaghahambing at nakapag-uugnay ng sari-saring impormasyon mula sa mga sanggunian Nakagagawa ng buod ng mahahalagang impormasyon sa sariling salita Nakasusuri ng mga primaryang sanggunian gamit ang graphic organizer Naipaliliwanag ang graphic organizer sa klase Nakabubuo ng salaysay tungkol sa sarili base sa nasuring impormasyon Naihahayag ang salaysay na ito sa maayos na paraan

Gawain 1. Kahulugan ng Primarya at Sekundaryang Sanggunian
1. Paano nalalaman ang nangyari o nangyayari a. Naranasan ko mismo ang nangyari. b. Nabalitaan ko sa iba (magulang, kapitbahay, kaklase, kaibigan) na nandoon noong naganap ang pangyayari. c. Napanuod ko sa TV o narinig sa radyo. d. Nabasa ko sa pahayagan o magasin. e. Naroon ako noong naganap ang pangyayari. f. Natutunan ko sa silid-aralan. g. Nabasa ko sa teksbuk (aklat, magasin). h. Nalaman ko sa Internet, text sa cellphone, tweet (blogger, anumang pinagmulan online). i. Sinulatan ako ng kaibigan ko tungkol sa pangyayari. j. Naabutan ko ang pangyayari noong halos patapos na. ! 2

! 2. Kategorya ng mga sagot sa itaas

Nasaksihan

(a), (e), (j)

Nalaman sa iba

(b), (c), (d), (f), (g), (h), (i)

3.

Mga halimbawa ng dalawang uri ng sanggunian Sanggunian Primarya Sekundarya

Bandila History of the Filipino People, aklat ni Teodoro Agoncillo, historyador Pahayagan Litrato Artikulo ni Ambeth Ocampo, historyador, tungkol kay Rizal 4. Anyo Nakasulat

! ! ! ! !

Mga anyo at halimbawa ng primaryang sanggunian Halimbawa dyaryo Iba pang Halimbawa • • • • • • • • • • • • • • • • Liham Talaan sa araw-araw Pahayagan Transkrip ng pagdinig sa korte o sa Senado Interbyu Usapan sa telepono Larawan Pampulitikang karikatura Mapa Dokumentaryo Video Dyaryo online Blog Sulat sa Facebook Interbyu at transkrip online Video ng talumpati

Pasalita

teyp ng talumpati

Biswal

litrato

Awdyo-biswal Digital

pelikula email

Kumbinasyon ng mga ito

talaang larawan

may

!

3

!

Gawain 2. Limitasyon ng mga Sanggunian
1. 2. Pare-pareho kaya ang isasalaysay ng lahat? Hindi. Mga salik na makaaapekto sa pagbuo ng salaysay ng saksi a. Kung saan ako nakapwesto (sa bandang harapan, malayo, sa likod ng malaking sound system, poste o matangkad na tao) b. Kung ako ay alerto, inaantok, naiinip, o nagugutom habang nanunuod c. Kung maingay o magulo ang katabi ko d. Kung mayroon o wala akong hilig sa konsyerto, laro o pista e. Kung hinahangaan ko ang artista o manlalaro f. Kung mahina o malakas ang aking paningin o pandinig g. Kung mahina ang lighting o sound system ng palabas h. Kung mahusay o mahina ang aking alaala tungkol sa pangyayari i. Kung nadadala ako sa opinyon ng aking barkada o kasama j. Kung pinansin ko lang ang kaakit-akit o mahalaga sa akin k. Kung hindi ako interesado at nagtetext na lang ako o nakipagwento sa aking kaibigan. 3. Mga limitasyon ng primaryang sanggunian a. Hindi gaanong naalala ng saksi ang mga detalye ng pangyayari b. Maaaring may sariling pagkakaunawa ang saksi dahil sa kanyang punto de bista o personal na hilig. c. Maaaring naimpluwensiyahan ang saksi ng ibang naroroon din sa pangyayari. d. Maaaring nalimitahan ng pisikal na kapaligiran ang pagkakaunawa ng saksi. e. Maaaring naapektuhan ng pisikal at/o mental na kundisyon ng saksi ang kanyang pagkakaunawa.

!

4

! 4. Atasan ang isang mag-aaral na sumulat ng maikling salaysay ng isang konsyerto, laro o pista. (Maaari itong gawing takdang aralin ng piniling estudyante.) Hatiin ang klase sa dalawang pangkat: • • Pangkat A—grupong mananatili sa silid, na makikinig sa kwento ng nakasaksi sa pangyayari; at Pangkat B—grupong lalabas ng silid, na magbabasa ng kwento ng Pangkat A

5. Ipaliwanag sa lahat na isa lamang sa klase ang nakasaksi ng pangyayari, at malalaman ng iba ang nangyari sa isa sa dalawang paraan: a. Mula sa kwento ng kaklaseng nakasaksi (primaryang sanggunian), o b. Mula sa salaysay ng kaklaseng nakuwentuhan (sekundaryang sanggunian). 6. Palabasin sa siIid ang Pangkat B. Habang nasa labas ang grupo, ipabasa sa mag-aaral na saksi ang kanyang kwento sa naiwang Pangkat A. Matapos marinig ito, ipasulat sa mga miyembro ng Pangkat A ang kani-kanilang salaysay. 7. Papasukin ang Pangkat B at hayaang pumili ang mga miyembro nito ng isang kapares mula sa Pangkat A. Ipabasa ang salaysay na ginawa ng taga-Pangkat A. 8. Matapos marinig ang mga salaysay ng Pangkat A, ipabasa muli ang salaysay ng mag-aaral na nanuod ng konsyerto, laro o pista. Ipakumpara ito sa mga salaysay ng Pangkat A at itanong kung pareho ba ang kwento ng saksi at ng Pangkat A? Bakit magkaiba?

!

a. Sa tono ng salaysay ng Pangkat A, maaaring binigyang diin ang ibang bahagi ng kwento. b. Sa paggamit ng sariling salita, maaaring binago ang kahulugan ng kwento ng saksi. c. Hindi gaanong naunawaan ng Pangkat A ang kwento kaya maaaring mayroong nabagong detalye. d. Mahina (o malakas) ang pagkaalala ng Pangkat A kaya hindi naisama (o naisama) ang lahat ng detalye. e. Hindi pabor o sang-ayon ang Pangkat A sa nangyari kaya iniba nang kaunti ang detalye.

!

5

! 9. Mga limitasyon ng sekundaryang sanggunian a. Lahat ng mga limitasyon ng mga primaryang sanggunian b. Maaaring binago ng may-akda ng sekundaryang sanggunian ang detalye ng pangyayari. c. Sa pagsasalaysay sa sariling salita, maaaring nabago ng sekundaryang sanggunian ang kwento. d. Maaaring di naunawaan ang salaysay ng saksi o iba ang pagkakaunawa ng sekundaryang sanggunian.

10. Mga limitasyong may kinalaman sa kondisyon at pangangalaga ng sanggunian at mga halimbawa

Hindi tumatagal, madaling masira o mapunit ang sanggunian: tiket, papel, liham, resibo Nabubura: mensahe na text, email, tweet, Facebook, blog Kadalasang itinatapon: resibo, lumang papel, gamit na sira, lumang dyaryo Nawawala: ulat, rekord, liham, litrato Nasunog, nabasa: anumang sanggunian Kumukupas: bandila, damit, tinta sa papel, litrato

Kinain ng insekto: manuskrito, damit, kahoy na gamit Nasa ibang bansa o lugar: mga dokumento noong panahon ng Espanyol, Amerikano, Hapon
11. nakaraan Kung paano makaaapekto ang mga limitasyong ito sa pag-aaral ng

Kapag masira o mawala ang primaryang sanggunian, hindi malalaman o maisusulat ang kasaysayan, o hindi mapupunuan ang mga puwang sa kasaysayan. ! 6

!

Gawain 3. Kaugnayan at Kahalagahan ng Primaryang Sanggunian1
1. Mga nilikha ng estudyante at ibang rekord tungkol sa mag-aaral na maaaring gamitin ng historyador ng siglo-22 bilang primaryang pinagmulan ng impormasyon tungkol sa buhay ng kabataang Pilipino a. b. c. d. e. f. g. h. i. j. k. l. m. n. o. p. q. r. s. t. u. v. Talaan sa araw-araw (diary) Mensaheng text sa cell phone E-mail Liham at greeting card Photo album, scrapbook Video Report card at ibang rekord sa paaralan Mga ulat at ibang gawa sa silid-aralan Mensahe, larawan sa Facebook o ibang social network site Damit, palamuti sa pananamit, sapatos, ibang personal na gamit Musika Sensus Pahayagan Rekord na pangkalusugan Sertipiko ng kapanganakan, kasal, at kamatayan Resibo ng restaurant, mga bilihin Tiket sa sinehan, konsyerto, laro Katitikan ng pulong ng organisasyong pang-mag-aaral Medal, sertipiko at gawad Souvenir o alaala Pahayagan ng mag-aaral Regalo mula sa pamilya at kaibigan

Halaw ito sa “Seeing Myself in the Future’s Past” ni Ruth W. Sandwell, “Using Primary Documents in Social Studies and History,” p. 299 <http://www.learnalberta.ca/ content/sspp/html/pdf/using_primary_documents_in_social_studies_and_history.pdf> Accessed November 2011.
1

!

7

! 2. Pagmamarka ng mga sagot sa tsart a. Tama ang impormasyong nakuha sa sanggunian. b. Wasto ang paghinuha ng impormasyon (may basehan ang hinuha). c. Ang mga limitasyong inilista ay nakabatay sa nilalaman ng sanggunian (halimbawa, may punto de bista ang may-akda at nabigyang kulay nito ang kanyang salaysay), at/o sa kalagayan ng sanggunian (halimbawa, kupas na ang tinta kaya mahirap basahin). Mga primaryang sanggunian ng kasaysayan

!
3.

Ulat ukol sa kalakalan Sensus Batas, proklamasyon Mapa Dyaryo Dokumentaryo

• Estadistika, datos tungkol sa ekonomiya • Bilang ng populasyon • Patakaran at tuntunin ng pamahalaan • Lokasyon ng mga lugar • Ang nagaganap araw-araw • Pamumuhay ng tao at ugnayan sa lipunan

4. Rubric sa pagmamarka ng salaysay (isang pahina) ukol sa sarili base sa primaryang sanggunian (takdang-aralin)

!

8

! SAPAT Lahat ng sanggunian ay primarya; sapat ang impormasyong kinuha. Gumamit ng isa o dalawa lamang na primaryang sanggunian. Kaunti ang impormasyong kinuha. KAUNTI KULANG

MAHUSAY

PAGGAMIT NG

SANGGUNIAN

Lahat ng sanggunian ay primarya; sari-sari at nagkakaugnay ang mga ito. Mahalaga at marami ang impormasyong kinuha, kung kaya malaman ang salaysay.

Gumamit ng sekundarya sa halip na primaryang sanggunian. Kaunti ang datos na nakuha o hindi ito mahalaga, kung kaya maraming puwang ang salaysay. Halos walang laman ang salaysay.

NILALAMAN

Mayaman ang salaysay; marami ang detalye at halimbawa. Naituhog nang maayos ang maraming impormasyon tungkol sa sarili. Mahalaga ang impormasyon tungkol sa sarili. May ilang talata na hindi magkakaugnay. Pataluntalon ang mga ideya.

Sapat ang nilalaman ng salaysay, bagamat mayroon pang karagdagang impormasyon na maaaring magpayaman dito.

Kakaunti lamang ang detalye at impormasyong inilahad sa salaysay. Paulit-ulit ang mga halimbawa.

PAG-AYOS NG

DATOS

Lohikal ang takbo ng salaysay; mahusay ang pag-organisa ng datos. Konektado ang mga talata at maayos ang pagkabuo ng mga pangungusap.

Maayos ang pag-organisa ng impormasyon, ngunit may ilang talata na maaari pang ayusin upang maging mas magkakaugnay ang impormasyon.

Magulo ang pagkakaayos ng datos; hindi sunud-sunod ang mga ideya at walang koneksyon ang mga talata.

!

9

!

MAHUSAY Maraming aspeto ng pagsulat ang kailangang iwasto at dahil dito, mahirap basahin ang salaysay.

SAPAT

KAUNTI

KULANG Hindi nakabuo ng talata; mismo ang mga pangungusap ay hindi buo o mali ang pagkakabuo.

PAGSULAT

Mahusay ang pagsulat; makulay ang paglalarawan at tama ang paggamit ng mga salita. Sumunod sa mga tuntunin ng epektibong pagsulat; minor lang ang pagkakamali. Kumpleto ang talaan ng mga sanggunian, bagamat may ilang pagkukulang sa pagtukoy ng sanggunian. Hindi kumpleto ang talaan ng mga sanggunian at/o may pagkakamali sa pagtukoy ng sanggunian.

Sumunod sa mga tuntunin ng epektibong pagsulat at tama ang pagbuo ng mga pangungusap at talata; ngunit may ilang kapansinpansing pagkakamali.

TALAAN NG

SANGGUNIAN

Kumpleto ang talaan ng mga sanggunian at tama ang pagtukoy ng mga ito.

Hindi inilista ang mga ginamit na sanggunian.

!

10

!

Pagtataya
1. Itaya ang kakayahan ng mag-aaral na kumuha at maghinuha mula sa impormasyon. Ipabasa ang sumusunod na sipi mula sa dalawang liham ni Jose Rizal (salin mula sa Espanyol): sa kanyang ina, si Teodora Alonso, na nasa Hong Kong noong panahong iyon; at kay Manuel (Maneng) Hidalgo, asawa ng panganay niyang kapatid na si Saturnina, na nasa Maynila. 2. Ipaliwanag ang konteksto ng mga liham at ipagamit ang glosari. a. Isinulat ito ni Rizal habang siya ay nasa Dapitan (sa Mindanao). b. Tinapon siya roon ng gobyernong Espanyol dahil pinaghinalaang lumalaban siya sa gobyerno at simbahang Katoliko. c. Nanatili si Rizal sa Dapitan mula 17 Hulyo 1892 hanggang 31 Hulyo 1896.

!

Dapitan, 25 Hulyo 1892 Kay Gng. Teodora Alonso [Hong Kong] Pinakamamahal kong Nanay: Sa mga panahong ito ng kakulangan sa komunikasyon, paglalakbay, at deportasyon, lubos akong nababagabag tungkol sa inyo, at dahil dito, agad akong sumulat para sabihin na ako ay nasa mabuting kalagayan dito [sa Dapitan], na parang nagbabakasyon lamang sa isang distritong pampulitika-militar. Walang nawala sa akin kundi ang aking pamilya at ang aking kalayaan…. Ang iyong anak na buong-pusong nagmamahal sa inyo, J. Rizal

!
!

Glosari Pagtapon, … bilang parusa, ang pagdestiyero pagpadala ng tao sa isang lugar kung saan hindi siya makatatakas at makalalaban sa gobyerno

11

!

!

Distritong pampulitika-militar

… distritong pinamunuan ng militar na opisyal dahil hindi pa ito sapat na mapayapa o ligtas sa kaguluhan

!

Dapitan, 5 Abril 1893 G. Manuel T. Hidalgo [Maynila] Mahal kong bayao Maneng, …. Nandito ako, nagtatamasa hindi kasing-init dito katulad diyan [sa kinikita, kahit maliit, upang suportahan hinahanap kundi ang aking pamilya at Sumasainyo, Rizal ng magandang kalusugan; Maynila]; at sapat ang aking ang aking sarili. Wala akong ang aking mga libro….

3.

Ipasagot ang tsart sa ibaba. Ano ang impormasyong makukuha tungkol … Ano ang impormasyong mahihinuha tungkol … • • • Malungkot si Rizal. Malapit siya sa kanyang pamilya. Maayos naman ang kanyang kalagayan sa Dapitan. Mahilig siyang magbasa. Bagamat para siyang nagbabakasyon sa Dapitan, may limitasyon pa rin sa kanyang kalayaan.

Kay Rizal habang siya ay nasa Dapitan?

• •

• •

Hinahangad niya ang kanyang pamilya at ang kanyang kalayaan. Maganda ang kanyang kalusugan. Kumikita siya nang sapat upang buhayin ang kanyang sarili. Hinahanap niya ang kanyang mga libro. Para siyang nagbabakasyon sa Dapitan.

• •

!

12

!

Ano ang impormasyong mahihinuha tungkol … Sa kalagayan ng Dapitan at ng panahong iyon? • Mahina (kulang, mabagal) ang transportasyon at komunikasyon. Ang Dapitan ay isang distritong pampulitikamilitar. Hindi gaanong mainit ang Dapitan kumpara sa Manila. •

Ano ang impormasyong makukuha tungkol … Hindi gaanong maunlad ang Dapitan, ngunit maganda ang klima. Dahil isang distritong pampulitika-militar ang Dapitan, may restriksyon sa pagkilos ng mga tao.

"
4.

Bakit mahalaga o di mahalaga ang mga liham na ito bilang primaryang sanggunian? Importante ang mga liham na ito dahil ipinapakita ang sumusunod: a. Ang buhay ni Rizal bilang tapon sa Dapitan, ang pagmamahal niya sa kanyang ina at pamilya, ang hilig niya sa mga libro, at ang limitasyon sa kanyang pagkilos sa Dapitan; at b. Ang pagtrato ng gobyernong Espanyol sa mga Pilipinong lumaban sa kanya, ang distritong pampulitika-militar bilang uri ng lokal na pamahalaan sa panahong iyon. Gamitin ang rubric sa ibaba sa pagmarka ng tsart.

KAKAHAYAN Nakakuha ng tamang impormasyon mula sa dalawang liham Nakahinuha mula sa impormasyon base sa dalawang sipi Naipaliwanag ang kahalagahan ng mga liham ni Rizal bilang primaryang sanggunian

MAHUSAY

SAPAT

KAUNTI

KULANG

!

13

! 5. Maaari ring magpasulat ng salaysay ng komunidad o paaralan batay sa primaryang sanggunian, katulad ng salaysay ukol sa sarili sa Gawain 3. Gamitin din ang rubric sa sinabing gawain.

Kaugnayan sa mga Susunod na Modyul
1. Sabihin sa klase na sa taong ito, pag-aaralan ang kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga saksi, katulad ng mga naunang Pilipino, prayleng Espanyol, opisyal na Espanyol at Amerikano, manunulat, mga lumaban para sa kalayaan ng bayan at iba pa, mula sa iba-ibang panahon ng kasaysayan. Ipaalala sa klase ang iba-ibang anyo ng primaryang sanggunian: • • • • • Nakasulat Pasalita Biswal Awdyo-biswal Kumbinasyon ng mga ito

2. Banggitin na, katulad ng mga limitasyon ng mga sanggunian tungkol sa sariling buhay, ang mga primaryang sanggunian ng kasaysayan ay may mga limitasyon din. Balik-aralin ang mga limitasyong tinalakay sa mga naunang gawain. 3. Bilang pagtatapos, primaryang sanggunian. bigyang diin ang kahalagahan ng mga

Katibayan ito na may naganap, saan at kailan, ano ang nangyari, at kung sino ang naroon.

Nagdudulot ito ng sariwa, bago o naiibang pagkakaunawa ng nakaraan.

Nagbibigay ito ng buhay at kulay sa kasaysayan sa pamamagitan ng kaisipan at damdamin ng mga saksi.

!

14

!

Markahan 1 Gabay ng Guro 2 Gawain

Oras

Sinaunang Panahon hanggang sa Pagtatag ng Kolonyang Espanyol Ang Bangang Manunggul at mga Sinaunang Paniniwala 1. Ano ang artefact? 2. Mga katangian ng bangang Manunggul 3. Simbolismo ng banga 4. Mga sinaunang paniniwala Lima (5)

GABAY NG GURO Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan
Layunin ng modyul na maunawaan ng mag-aaral ang mga sumusunod: 1. Ang kahulugan at kahalagahan ng artefact sa kasaysayan 2. Ang saysay ng bangang Manunggul 3. Ang sinaunang paniniwala ng mga Pilipino Kaugnay sa mga tema ng Araling Panlipunan ang mga paksa ng modyul: • • • Tao, Lipunan at Kapaligiran Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa

!

15

! Sa pag-aaral ng mga paksa at temang ito, gamit ang primaryang sanggunian, inaasahang matututunan ang mga kakayahan sa ibaba. Pamantayan sa Pagganap • Nakauunawa sa artefact bilang primaryang sanggunian • Nakasusuri ng bangang Manunggul bilang sanggunian ng sinaunang paniniwala Kakayahan • • • • • • • • • • • • Naipaliliwanag kung ano ang artefact Natutukoy ang iba-ibang artefact at mga gamit nito sa pang-araw-araw na buhay Naipaliliwanag kung bakit ang artefact ay isang primaryang sanggunian Nakasusuri ng disenyo at katangian ng bangang Manunggul Nakasasagot ng graphic organizer tungkol sa banga Nasasabi ang gamit ng bangang Manunggul Naihahambing ang una at pangalawang paglibing Nakahihinuha ng impormasyon mula sa banga Nakauunawa ng simbolo ng bangang Manunggul Nakabubuo ng heneralisasyon tungkol sa simbolo ng banga Nailalahad ang sinaunang paniniwala ng mga Pilipino ayon sa gamit at simbolo ng banga Mapanuring nakababasa ng sipi ng mga primaryang sanggunian tungkol sa paglilibing at sinaunang painiwala Nakakukuha ng datos mula sa mga siping ito Nakagagawa ng buod ng impormasyon sa sariling salita Nakapag-uugnay ng kaalaman na nakuha sa mga sipi at sa bangang Manunggul Nakasusulat ng talata tungkol sa sariling paniniwala Nakagagawa ng heneralisasyon tungkol sa kahalagahan ng sinaunang paniniwala Nakauunawa ng konsepto ng pananatili at pagbabago Nakabubuo ng kamalayan tungkol sa sinaunang paniniwala at nakikilala ang pagkakaiba at/o pagkakatulad nito sa kasalukuyan Nakaguguhit ng mga imaheng inilarawan sa sipi Nabibigyang kahalagahan ang kultura noon at ngayon

Nakabubuo ng impormasyong nakuha at nahinuha mula sa banga at mga nakasulat na primaryang sanggunian Nakapag-uugnay ng mga paniniwala ng nakaraan sa kasalukuyan

• • • • • • •

• •

!

16

!

Gawain 1. Ano ang Artefact?
1. Mga bagay sa larawan at ang kani-kanilang gamit Bagay Kalesa Bulol Cell phone Lampara Basket Gamit Sakayan Pangrelihiyon Komunikasyon Ilawan Lalagyan

a. b. c. d. e.

2. Mga halimbawa ng artefact na ginagamit sa iba-ibang panahon at para sa iba-ibang gawain Gamit sa a. Pang-araw-araw na buhay b. Ritwal o relihiyon Panahon ng lolo’t lola Kandila Telepono Uling Rosaryo Koran Mosque Bulol Papel Liham Typewriter Lapis Pisara Kuwaderno Panahon ng mag-aaral Ilaw Cell phone Gas stove Rosaryo Koran Mosque Bulol Cellphone Email, Facebook Kompyuter Lapis Pisara Kuwaderno

c. Komunikasyon

d. Silid-aralan

3.

Bakit primaryang sanggunian ang artefact Ang artefact ay primaryang sanggunian dahil ito ay nilikha o ginawa ng tao o mga tao para sa iba-ibang gamit o paniniwala sa buhay. Nagpapahayag ang artefact ng pagsaksi o direktang patunay ng isang pangyayari, kaganapan o kapaniwalaan.

#
!

17

!

Gawain 2. Mga Katangian ng Bangang Manunggul
1. Mga katangian ng bangang Manunggul Opo, buo ang banga. Ito ay hugis pabilog na mas malaki ang gitnang bahagi. Mayroon ding takip ang banga. Walang butas sa katawan ng banga. Ang takip ay parang baliktad na mangkok na may disenyo ng bangka at dalawang taong nakasakay sa bangka. Parang alon ang disenyo sa itaas ng katawan habang walang disenyo naman sa ibaba. Dalawang tao ang nakasakay sa bangka. Ang isa sa unahan ay naka-ekis ang mga kamay sa kanyang dibdib. Sa likod niya ay taong nagsasagwan. Mahusay at matibay ang paggawa nila sa mga banga at palayok. Mayroon din silang kakayahan sa paglalayag.

a. Buo ba ang banga? b. Ano ang hugis nito? c. May mga butas ba sa katawan ng banga? d. Ano ang itsura ng takip? e. Ano ang disenyo sa katawan ng banga? f. Ilan ang nakasakay sa bangka? Ano ang ayos ng mga nakasakay? g. Ano ang masasabi mo tungkol sa kakayahan ng mga sinaunang Pilipino?

2.

Sipi mula kay Padre Plasencia ang Ito ay isinulat sa pagitan ng 1578 at 1590. Isinulat ito ni Padre Juan de Plasencia. Nalaman niya ang mga paniniwalang ito dahil nanirahan siya sa Katagalugan sa mga panahong sinulat niya ito. Bahagi ito ng mga kaugaliang napagmasdan niya. Sumunod, bilang pari na nais magturo ng Kristiyanismo, interesado siya sa mga paniniwala ng mga katutubong Pilipino.

MAY-AKDA

a. Kailan sinulat dokumento? b. Sino ang sumulat? c. Paano niya kaya nalaman?

ito

d. Bakit kaya siya interesado sa paraan ng paglilibing?

!

18

! a. Saan inilibing bangkay? NILALAMAN ang Inilibing ito sa gilid ng bahay at kung siya ay pinuno, inilagay siya sa ilalim ng maliit na bahay o balkon na itinayo para sa kanyang libingan. Hindi po. Nagluksa muna sila ng apat na araw. Inilagay siya sa bangka na nagsilbing kabaong.

b. Kaagad bang inilibing ang isang namatay na tao? c. Saan nilagay ang bangkay upang ilibing?

Gawain 3. Simbolismo ng Banga
1. Mula sa sipi, mahihinuha ng mga mag-aaral na ang bangang Manunggul ay ginamit bilang libingan ng mga patay. 2. Pansinin: Ang kaluluwa ng taong namatay Isa pang kaluluwa na nagsisilbing gabay Maaaring kabaong na pinaglibingan ng taong namatay Ang lalakbayin ng mga kaluluwa

Taong naka-ekis ang kamay Taong nagsasagwan Bangka Alon 3.

Kabuuang simbolismo ng banga Ang bangang Manunggul ay nagpapahiwatig ng sinaunang paniniwala ng mga Pilipino sa kabilang buhay. Ipinapakita nito ang paglakbay ng mga kaluluwa sa tubig gamit ang isang bangka tungo sa kabilang buhay.

#
1.

Gawain 4. Mga Sinaunang Paniniwala
Para sa Grupo 1: sipi mula kay Loarca Sinaunang Panahon a. Ano ang ugnayan ng mga ninuno kay Bathala? • Ang mga ninuno natin ay nagsilbi kay Bathala. Sa Kasalukuyan a. Ano ang tingin ninyo sa papel ng mga ninuno? • Maaaring magsilbing mga bantay at o inspirasyon ang ating mga ninuno sa buhay natin ngayon. 19

!

! Sinaunang Panahon b. Bakit iginalang ang mga patay? • Iginalang ang mga patay upang pakiusapan silang magsilbing tagapamagitan ng mga tao at Bathala. c. Paano ipinakita ang paggalang? • Ipinakita ang paggalang sa paggawa at pag-alaga ng mga idolong gawa sa kahoy na nagsilbing imahen ng mga patay na ninuno; at sa pag-alay ng pagkain, alak, at palamuting ginto. Sa Kasalukuyan b. Iginagalang pa ba ang mga sumakabilang buhay? • Patuloy pa ring iginagalang ang mga patay dahil sa ating pagmamahal sa kanila. c. Bakit at paano? • Ipinapakita ito sa pagbisita sa mga sementeryo, pag-alay ng mga bulaklak, kandila, at pati na rin ng pagkain lalo na sa anibersaryo ng kanilang kapanganakan at kamatayan o sa araw ng mga patay.

2.

Para sa Grupo 3: sipi mula kay Plasencia Ang animismo ay paniniwala na ang lahat ng bagay, may buhay man o wala, tao o hayop, ay may kaluluwa. Isinagawa ito sa pamamagitan ng paggalang sa iba’t ibang bagay, sa mga ritwal, at sa pag-alay ng gamit. Sa pamamagitan ng animismo, naipaliwanag ng mga sinaunang Pilipino ang dahilan ng mga pangyayari sa kanilang kapaligiran. Maaaring iginalang at minsa’y kinatakutan ng mga sinaunang Pilipino ang mga bagay dahil sa paniniwalang naimpluwensiyahan ng mga bagay na ito ang buhay ng tao. Gayun din, maaaring sinamba nila ang mga bagay dahil sa paniniwalang ang mga ito ay may kapangyarihan. Maaaring nananatili pa ang animismo sa Pilipinas dahil: • nakaugat ang paniniwalang ito sa katutubong kultura na hindi agad nagbabago; • sa pangangailangang maunawaan ang mga pangyayaring hindi madaling ipaliwanag; • sa ilang mga lugar, hindi pa ito nahahamon ng siyentipikong pag-iisip.

a. Ano ang animismo at paano ito isinagawa ng mga sinaunang Pilipino? b. Ano ang silbi nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao? c. Ano ang mahihinuha mo tungkol sa kaugalian ng Pilipino noon? d. Nananatili pa kaya ang paniniwala sa animismo? Bakit? Saan sa Pilipinas?

!

20

! 3. Rubric para sa pagtataya ng ilustrasyon ng Grupo 2 at 4

Marka
Kulang (0-4 na puntos) • • • • • • • • • Mahusay (9-10 puntos) • •

Pagganap
Hindi buo ang salaysay o malabo ito. Mangilan-ngilang pangungusap lamang ang naibahagi sa klase. Hindi tugma ang guhit sa salaysay. Kulang ang ilustrasyon. Manipis ang salaysay; kulang sa detalye. Walang ipinakitang pagsisikap sa pagguhit. Ang ilang guhit ay hindi akma sa salaysay. Tama ang mga detalye ng salaysay at maganda at angkop ang mga ilustrasyon. Maaari pang pagyamanin ang salaysay at pagandahin ang story board. Ang salaysay ay base sa malalim na pagkakaunawa ng sipi at malikhain ang mga ilustrasyon. Sa kabuuan, naipamalas ng grupo ang malinaw at malalim na pagkakaunawa sa sipi. Kaakit-akit din ang presentasyon sa klase.

Kaunti (5-6 na puntos) Sapat (7-8 puntos)

!

21

!

Pagtataya
1. Pagkatapos ng modyul, ipakita ang libingang banga ng Panahong Metal (mga 2000 BCE – 1000 CE) mula sa Maitum, Saranggani sa Mindanao.

Mula sa http://asianhistory.tumblr.com/post/10970260829/the-maitumanthropomorphic-burial-jar-no-13

!

22

! 2. Ipasuri ito at ipasagot ang sumusunod na tanong. • • • Hugis ulo ang takip. Makikita rin ang dalawang mata, ilong, at bibig. Ang disenyo ng banga ay maaaring paglalarawan ng taong inilibing dito. Malamang ito ay base sa sinaunang paniniwala na ang tao ay may kaluluwa. Iginagalang ng lipunang ito ang kanilang patay. Naniniwala sila sa kabilang buhay.

a. Ano ang dalawang bagay na katangi-tangi sa disenyo ng takip banga? b. Ano ang paniniwala ng sinaunang Pilipino na magpapaliwanag sa disenyong ito? c. Ano ang dalawang bagay na mahihinuha tungkol sa lipunan na pinagmulan ng bangang ito?

• •

3. Ipabasa ang sipi (at glosari) mula kay Loarca at ipasagot ang mga tanong sa ibaba.

!

To these anitos the people offered sacrifices, when they desired anything – to each according to his office. The mode of sacrifice was like that of the Pintados. They summoned a catalonan, which is the same as the baylan among the Pintados, that is, a priest. He offered the sacrifice, requesting from the anito whatever the people desired him to ask, and heaping up great quantities of rice, meat, and fish… If the sacrifice was in behalf of a sick person, they offered many golden chains and ornaments, saying that they were paying a ransom for the sick person’s health. This invocation of the anito continued as long as the sickness lasted. Miguel de Loarca, “Relation of the Philippine Islands,” 1582, sa Blair at Robertson 5: 173.

!
!

Glosari Heap up … magtambak Invocation … dasal Mode … paraan Pintados … mga Bisaya Summon … tawagin Ransom … pagtubos

23

! a. Sino ang nagbibigay ng alay sa mga anito: • katawagan ng mga Tagalog • katawagan ng mga Pintados b. Ano ang dahilan ng pag-alay sa mga anito? c. Bakit nag-aalay sa anito kung may sakit ang isang tao? Ang nagbibigay ng alay sa mga anito ay: • Catalonan (Tagalog) • Baylan (Bisaya) Nag-alay sa mga anito upang matupad ang kahilingan ng mga tao. Kapag may sakit ang isang tao, pinaniniwalaang may kakayahan ang mga anito na tulungan ang may sakit na gumaling. Sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino, ang mga anito ang nagsilbing tagapamagitan ng tao at Bathala. Maaaring nabuo ang magkaparehong kultura dulot ng pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa’t-isa.

d. Bakit hindi kay Bathala nagalay? e. Ano ang posibleng dahilan na ang paraan ng pag-aalay ay magkapareho sa mga Tagalog at mga Pintados?

3. Pagsasanay Pagsusuri sa Libingang Banga

Gamitin ang rubric sa pagtataya ng dalawang pagsasanay. Kulang 0-4 puntos Hindi naipamalas ang pagunawa sa larawan Kaunti 5-6 puntos Nabanggit ang 3 o 4 na bagay mula sa artefact, ngunit hindi nakapagbigay ng kaugnayan sa sinaunang paniniwala Nabanggit ang 2 o 3 bagay mula sa dokumento, ngunit hindi nakapagbigay ng kaugnayan sa pinag-aralan Sapat 7-8 puntos Naipamalas ang pagunawa sa katangian ng banga Mahusay 9-10 puntos Naipamalas ang pag-unawa sa katangian ng banga at nakahinuha ng kahulugan nito ayon sa sinaunang paniniwala Naipamalas ang pag-unawa sa binasa at naiugnay ito sa pinag-aralan ukol sa sinaunang paniniwala

Pagsusuri sa Sipi ukol sa Sinaunang Paniniwala

Hindi naipamalas ang pagunawa sa binasang sipi

Naipamalas ang pagunawa sa binasa

!

24

!

Transisyon sa Susunod na Modyul
Bilang paghahanda, atasan ang mga mag-aaral na tanungin ang kanilang magulang o taga-alaga kung: • • Paano sila pinangalan, at Sino ang nagbigay ng kanilang pangalan.

!

25

! Markahan 1 Gabay ng Guro 3 Gawain Sinaunang Panahon hanggang sa Pagtatag ng Kolonyang Espanyol Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon 1. Pagpapangalan sa mga anak 2. Pagpapakasal sa sinaunang panahon 3. Hanapbuhay 4. Mga uring panlipunan Pito (7)

Oras

GABAY NG GURO Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan
Layunin ng modyul na maunawaan ng mga mag-aaral ang pamumuhay sa pamilya ng sinaunang panahon, ang hanapbuhay ng mga Pilipino, at mga uring panlipunan. Makikita sa pag-aaral na ito na buo, makulay at mayaman ang kultura ng sinaunang Pilipino at inaasahang mabibigyan ito ng sapat na kahalagahan. Ang modyul na ito ay ginagabayan ng sumusunod na tema sa Araling Panlipunan: • • • • Tao, Lipunan at Kapaligiran Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo

Inaasahan din na sa pamamagitan ng mga gawain sa modyul ay matututunan ng mga mag-aaral ang sumusunod na kakayahan. Pamantayan sa Pagganap Nakauunawa ng pamumuhay, gawain at lipunan ng mga Pilipino sa sinaunang panahon Kritikal na nakababasa ng mga sipi ng dokumento at biswal na primaryang sanggunian ! Kakayahan • • • • • • Nailalarawan ang kaugalian sa pagpapangalan noong sinaunang panahon Nakapagbibigay ng pangalan batay sa gawi ng sinaunang panahon Nakasusuri ng mga sinaunang kaugalian sa pagpapakasal Nakauunawa ng kahalagahan ng babae at mga anak sa lipunan Nailalahad ang sinaunang gawain at hanapbuhay Nakikilala ang halaga ng paggawa sa buhay ng tao at ng lipunan 26

! Pamantayan sa Pagganap Nakasusuri ng nakasulat at biswal na sanggunian Naihahayag ang resulta ng pagsusuri sa klase Nakauunawa sa konsepto ng pananatili at pagbabago sa pamumuhay noon at ngayon

Kakayahan • • • Nakapaghahambing ng terminolohiyang Tagalog at Bisaya ukol sa mga uring panlipunan Naipaliliwanag ang kaayusan at mga uring panlipunan ng sinaunang pamayanan Nakagagawa ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng ritwal sa sinaunang panahon batay sa nakuhang impormasyon sa mga dokumento Nabibigyang kahalagahan ang kultura at pamumuhay sa sinaunang panahon Nakakukuha ng datos mula sa mga dokumento Nakasusuri ng lawaran Nakagagawa ng hinuha mula sa nakasulat at biswal na sanggunian Nakapag-uugnay ng mga datos at hinuha mula sa biswal at nakasulat na sanggunian Nakasasagot ng tanong base sa ebidensiya mula sa sanggunian Nakabubuo ng pangkalahatang interpretasyon ukol sa sinaunang kultura at pamumuhay Nakapaghahambing ng mga gawi, ritwal at pamumuhay noon at ngayon Nakapagbibigay ng halimbawa ng pananatili at pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino

• • • • • • • • •

Gawain 1. Pagpapangalan sa Sinaunang Panahon
1. Ang pagpapapangalan ng mag-aaral (takdang-aralin) Halimbawa Eduardo Jr. (ang tatay ay ang unang Eduardo sa pamilya); Carmencita (Carmen ang lola) Jose (Rizal), Gregorio (del Pilar) Luzviminda (Luzon, Visayas, Mindanao) Marcial (martial law o batas militar) 27 Aling kategorya ang pinakakaraniwan sa klase?

Ang pangalan ay base o hango sa pangalan ng … Magulang o kamag-anak

Bayani o kilalang tao Lugar Pangyayari

!

! Ang pangalan ay base o hango sa pangalan ng … Santo o relihiyosong tao Konsepto o bagay Personal na katangian Halimbawa Mohamed, Maria Laya Dakila Aling kategorya ang pinakakaraniwan sa klase?

2. Batayang impormasyon mula sa sipi ni Pedro Chirino, S.J., Relacion de las Islas Filipinas, 1604 Mga Susuriin a. Basehan ng pagpapangalan Sinaunang Panahon • Mga kaganapan o pangyayaring naranasan ng ina sa panganganak • Mga katangiang ninanais ng ina para sa kanyang anak Ang nanay Ngayon • Pangalan ng santo o hinahangaang tao • Pangalan ng mga ninuno o mga magulang • Iba pang binanggit sa itaas Ang mga magulang (o lolo at lola) Tatay at Nanay Papa at Mama Daddy at Mommy Ang mga magulang ko

b. Ang nagbibigay ng pangalan ng anak c. Tawag ng anak sa mga magulang kapag kausap d. Tawag ng anak sa mga magulang kapag pinag-uusapan e. Paggamit ng apelyido f. Pagpapangalan ng babae at lalaki 3.

Bapa at Bai

Ama ko, o ina ko

Hindi gumagamit Maaaring magkapareho ngunit may dagdag na “in” para sa babae

Gumagamit ng apelyido ng ama May tiyak na pangalang panlalaki at pambabae

Mas malalim na pagsuri ng sipi ni Chirino Tinawag nila ang kanilang mga magulang bilang “ama ko” o “ina ko.” Bilang paggalang din, hindi nila tinawag sa pangalan ang kanilang mga magulang, buhay pa man o hindi, dahil naniwala silang mapapahamak sila. Makikita ito sa huling talata ng sipi. !

a. Paano ipinakita ng mga anak sa sinaunang panahon ang kanilang paggalang sa kanilang magulang? Tukuyin mula sa sipi ang basehan ng iyong sagot. !

28

! b. Kung ikaw ay nabubuhay noong sinaunang panahon, ano ang magiging pangalan ng iyong mga magulang? c. Ano naman ang posibleng pangalan mo? Ipaliwanag kung bakit. d. Ano ang magiging pangalan ng iyong kapatid na lalaki o babae? e. Ano ang nakikita mong pagkakaiba at pagkakatulad sa pagpapangalan noon at ngayon? Maaaring ibigay ang mabuting katangian ng magulang; halimbawa, Mapagmahal para sa ina at Masipag sa ama.

Pakinggan ang sagot ng estudyante at ang basehan ng kanyang sagot.

Maaaring ipinangalan ang aking kapatid na lalaki na Langit, habang ang kapatid kong babae ay ipinangalang Langitin. • Noon, ang ina lamang ang nagpapasya tungkol sa pangalan ng anak ngunit ngayon, ang mga magulang, at minsan kasama pa ang lolo at lola, ang nagdedesisyon tungkol sa pangalan ng anak. ! Ang mga pangalan noon ay mula sa mga pangyayaring kaugnay sa kapanganakan ng sanggol o sa mga katangian na nais ng ina sa kanyang anak. Sa ngayon, mas marami ang basehan ng pagpapangalan: mula sa pangalan ng artista, manlalaro, isang lugar, atbp. ! Ngayon ay gumagamit na ng apelyido ang mga tao ngunit hindi ito ginawa noon.!

4.

Mga inaasahang katangian ng album na ginawa ng klase a. Base sa magandang katangian ang pangalang ibinigay kaklase. b. Iginagalang ang pagkatao ng kamag-aral. c. Malikhain ang pag-ayos ng mga letrato at pangalan. sa

!

29

!

Gawain 2. Pagpapakasal sa Sinaunang Panahon
1. Sipi ni Chirino (1609) ukol sa pagpapakasal Ang mga magulang ang nagkakasundo upang piliin ang mapapangasawa ng kanilang anak.! Opo dahil ito ay ipinagtibay sa ritwal pagdiriwang ng kasal. Ang paglabag kasunduang ito ay may kabayarang parusa. ng sa

a. Paano pinili ang mapapangasawa? b. Matibay ba ang ganitong kasunduan noong panahong iyon? Bakit mo ito nasabi? c. Paano nakatulong ang komunidad sa kasunduan sa pagpapakasal? d. Mayroon bang ipinakitang pagpapahalaga sa kababaihan ang ritwal ng pakikipagkasundo para sa kasal? Magbigay ng halimbawa. e. Ano sa tingin mo ang silbi ng dowry?

Ang pagsaksi ng komunidad sa kasunduan at ang pakikibahagi sa pagdiriwang nito ay nagpatibay sa kasal. ! Ang pagpapahalaga sa kababaihan ay nakikita sa pahintulot na kanyang ibinigay sa kasunduan, na hindi nangangahulugang panghabang-buhay. Ang dowry ay hindi nanggaling sa kanya kundi sa lalaki.

Ang dowry (bigay kaya) ay materyal na tulong sa pagsisimula ng mag-asawa sa sarili nilang buhay. Tanda rin ito ng paghangad at kahandaan ng lalaki sa pagpapakasal.

2. Maaaring gamitin ang rubric sa ibaba sa pagtaya ng sanaysay ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang reaksyon sa arranged marriage.

!

30

!

PANIMULA

SAPAT Ang panimulang talata ay tama ngunit hindi nakatatawag pansin.

KAUNTI Hindi gaanong inugnay ang panimula sa paksa.

KULANG Hindi maganda o panimula.

walang

NILALAMAN

May posisyon ang mag-aaral at naipaliwanag niya ito, ngunit maaari pang pagyamanin ang kanyang paliwanag sa pamamagitan ng karagdagang halimbawa o impormasyon.

Hindi matibay ang posisyon ng mag-aaral; may kalabuan, kung kaya nahirapan siyang masuportahan ito. Magulo ang paliwanag.

Walang posisyon ang magaaral kaya halos wala rin siyang masulat.

PAGSULAT

MAHUSAY Ang panimulang talata ay nakatatawag pansin at angkop sa paksa. Gumamit ng mahusay na kasabihan, anekdota, katanungan o isang nakatatawag pansin na pahayag. Malinaw ang posisyon ng mag-aaral sa usapin ng arranged marriage at sinuportahan niya ito sa pamamagitan ng halimbawa o sa pagtalakay ng maaaring maging epekto nito. Mahusay ang kanyang paliwanag. Mahusay ang pagsulat; makulay ang paglalarawan at tama ang paggamit ng mga salita. Sumunod sa mga tuntunin ng epektibong pagsulat; minor lang ang pagkakamali. Sumunod sa mga tuntunin ng epektibong pagsulat at tama ang pagbuo ng mga pangungusap at talata; ngunit may ilang kapansin-pansin na pagkakamali. Maraming aspeto ng pagsulat ang kailangang iwasto at dahil dito, mahirap basahin ang salaysay.

Hindi nakabuo ng talata; mismo ang mga pangungusap ay hindi buo o mali ang pagkabuo.

!

31

!

Gawain 3. Hanapbuhay
1. Sipi mula kay Loarca • • • • Pagtatanim Pag-aararo Pangingisda Pakikipagkalakal ng mga kagamitan, kumot, baka, manok, niyog, mga alipin, isda, mga produkto mula sa gubat Paggawa ng iba’t ibang uri ng sasakyang dagat Pagmimina ng ginto at pilak sa ilang mga lugar (Paracale sa Camarines, sa Ilocos, Kabisayaan, sa lugar ng ilog Butuan) Kababaihan: pagbuburda, paghabi ng mga kumot, paggawa ng sinulid na bulak, pagbayo ng bigas, pangangalaga ng mga manok at baboy Heograpiya ng isang lugar (halimbawa, pagiging daungan) Yamang lupa at dagat Laki ng populasyon

a. Ilista ang mga nakita ninyong gawain at hanapbuhay

• •

b. Anong mga salik ang nakaapekto sa naging uri ng hanapbuhay sa iba-ibang isla ng Pilipinas? c. Ano ang mga gawain ng kababaihan?

• • •

• • • • • •

Pagbuburda Paghabi Paggawa ng sinulid na bulak Pagbayo ng bigas Pag-alaga ng manok at baboy Pag-ayos ng tahanan

d. Ano ang masasabi mo tungkol sa ugnayan ng mga isla sa sinaunang panahon? e. Ano ang mahihinuha mo ukol sa lebel ng teknolohiya sa panahong iyon?

Malakas ang ugnayan ng mga isla dahil mayabong ang palitan ng mga produkto.

Iba-iba ang lebel ng teknolohiya. • Sa paggawa ng sasakyang dagat, matibay at mahusay ang kakayahan at teknolohiya. • Sa pagmina ng ginto ay payak lamang. • Ang pagsasaka ay manuwal at simple ang teknolohiya. 32

!

! f. Anong mga katangian ng sinaunang Pilipino ang mahihinuha mo mula sa impormasyon? Ang mga sinaunang Pilipino ay masisipag dahil lahat ay may gawain. • Masigasig silang nakipag-ugnayan sa mga taga-ibang lugar at isla sa Pilipinas at sa mga Tsino. • Kaya nilang matugunan ang kanilang batayang pangangailangan. • Napakinabangan ng pamayanan ang gawain ng mga Pilipino.

2.

Hanapbuhay at pang-araw-araw na produkto noon at ngayon • • • • • • • • • • ! • • • ! • Pagtatanim at pag-araro Pagbabayo ng bigas Pangingisda Pakikipagkalakalan Pag-alaga ng manok at baboy Pagmimina Pagbuburda, paghabi ng mga kumot, paggawa ng sinulid na bulak Paggawa ng sasakyang pandagat Bigas, kamote, sitaw, kamote, saging Isda, baboy, kalabaw, kambing at manok Kumot Borona, millet at bulak Damit na gawa sa saging Nagbago na ang pangangailangan ng mga tao kaya may mga produktong hindi na ginagamit ngayon. ! Natutugunan na ng modernong teknolohiya ang pangangailangan sa ibang mga produkto.! Hindi na kasing yaman ang likas na kapaligiran dahil sa pagsira nito, kaya kakaunti na lang ang produkto mula rito.!

a. Anong mga hanapbuhay noon ay ginagawa pa ngayon?

b. Anong mga hanapbuhay noon ay bihira o wala na ngayon? c. Anong mga produkto noon ay ginagawa at o tinatanim pa ngayon? d. Anong mga produkto noon ay bihira nang itanim, gawin, o gamitin ngayon? e. Ano sa palagay mo ang dahilan ng pagbabago at pananatili ng mga uri ng hanapbuhay at produkto?

• •

!

33

!

Gawain 4. Mga Uring Panlipunan
1. Mga pisikal na katangiang ipinapakita sa tatlong larawan Larawan A Babae at lalaki Larawan B Dalawang babae, isa mas matanda sa isa • Simpleng damit, hindi gaanong makulay • Simpleng palamuti sa leeg at pulsuhan ng isa, at hikaw naman sa isa Larawan C Tatlong lalaki

Ilista/Ilarawan ang Mga tao

Mga bagay

Pagkilos Pisikal na posisyon ng mga tao sa isa’t isa

• Sa lalaki: turban, gintong espada sa baiwang, makulay at magarang damit, at gintong palamuti sa leeg, pulsuhan hanggang sa dibdib, at tuhod • Sa babae: hikaw na ginto, palamuti sa leeg, makulay at magarang damit Naglalakad Nasa unahan ang lalaki ngunit halos magkapantay ang laki ng dalawang pigura

• Bahag at turban • Palamuti sa tuhod

Nag-uusap Nasa unahan ang mas batang babae at mas malaking pigura siya kaysa sa nakatatandang babae

Nag-uusap Halos pantay at nasa sentro ang dalawang lalaki at ang kausap nila ay nasa tabi

2. Mga hinuha tungkol sa katayuan o katungkulan ng mga tao sa larawan at bakit (basehan ng hinuha) Larawan A Larawan B Mukhang sila ay Maaaring sila ay nagmula sa mataas panggitnang uring na uring panlipunan. panlipunan. Magara ang mga Simple lamang ang damit at palamuti; damit at palamuti. may armas ang lalaki Larawan C Maaaring sila ay nanggaling sa mababang uring panlipunan. Walang palamuti at nakabahag lamang; wala ring armas

Katayuan o katungkulan

Basehan

!

34

! 3. Sipi mula sa ”Customs of the Tagalogs” ni Plasencia, 1589 Tungkulin • Namahala sa barangay • Namuno sa digmaan Tumulong sa dato sa pakikidigma at sa pang-araw-araw na gawain • Nagsilbi sa isang tao (dato man o hindi) • Sinamahan siya sa kanyang paglalakbay Nagsilbi sa isang tao sa bahay nito sa lahat ng mga gawain Katangian • • • • • Malaya Mapagtiwala Handang ipagtanggol ang barangay Malaya Hindi nagbabayad ng buwis ngunit nagsilbi sa dato tuwing kailangan Nakatira sa sariling bahay May sariling ari-arian na maaaring ipamana sa mga inapo

Uring Panlipunan Dato

Maharlica

Aliping namamahay

• •

Aliping saguiguilir

• • •

Hindi malaya Nakatira sa bahay ng kanyang pinagsilbihan Maaaring ipagbili ngunit bihirang ginawa maliban sa mga bihag sa digmaan na ginawang alipin

4. Tumbasan ng mga terminolohiyang Tagalog at Bisaya tungkol sa mga uring panlipunan ayon sa sipi ni Colin, 1663 Tagalog Dato (Maginoo) Maharlica Aliping namamahay Aliping saguiguilir Bisaya Dato Timauas Oripuen (Namamahay) Oripuen (Halon)

Ipaliwanag na ayon kay Padre Colin, ang pinuno ay tinawag na ”datu” ng mga Bisaya at ”maginoo” ng mga Tagalog. Ngunit sa katunayan, ang ”datu” ay gamit din ng mga Tagalog; nagmula ang datu sa uring panlipunang tinawag ng mga Tagalog na ”maginoo.” 5. Bakit commoner o karaniwang mamamayan ang tawag ni Plasencia sa aliping namamahay at ”tunay na esklabo” (”true slave”) naman ang pagtukoy ni Colin sa aliping sanguiguilir

!

35

!

!
6. Katangian ng barangay

Tinawag ni Plasencia na commoner o karaniwang mamamayan ang aliping namamahay dahil itong uri ng alipin ay may sariling bahay, ginto, at iba pang ari-arian. Ayon naman kay Colin, ang aliping sanguiguilir ay ”tunay na esklabo” dahil nanirahan siya sa bahay ng kanyang amo at maaari rin siyang ipagbili.

Mga hinuha mula sa impormasyong galing kay Plasencia • Ang barangay ay may malinaw na paghahati ng uring panlipunan—datu, maharlika, aliping namamahay, at aliping saguiguilir—ngunit hindi mahigpit ang mga paghahating ito. Ang mga aliping namamahay, halimbawa, ay may sariling ari-arian. Pati ang mga aliping sanguiguilir ay bihirang ipinagbili. Ang barangay ay isang anyong panlipunan dahil binuo ito ng mga pamilya, hindi katulad ng barangay ngayon na nagsisilbing pinakamababang pulitikal na yunit ng pamahalaan. Ang paggamit ng lupa at ibang yamang likas ay itinakda ng datu upang lahat ng miyembro ng barangay ay makagamit at makinabang sa kapaligiran. Bilang pinuno ng barangay, ang datu ang nagtakda ng paggamit sa lupa at ng pangingisda upang tiyakin na lahat ng pamilya sa barangay ay may sariling hanapbuhay at sa ganoon ay makapamuhay nang sarili. Mahihinuha dito na kaakibat sa konsepto ng awtoridad ay ang pantay na paggamit ng yamang-likas sa lugar ng barangay. Bahagi rin ng konsepto ng awtoridad ang tungkulin ng may hawak ng kapangyarihan sa mga tao na kanyang pinamumunuan. Halimbawa, ipinagtatanggol ng datu ang barangay. Kasama sa konsepto ng awtoridad ang mga pribilehiyo ng nanunungkulan. Halimbawa, tinutulungan ng barangay ang datu sa paglawig ng kanyang lupa. May paggalang din sa datu na masasabing isang katangian ng konsepto ng kapangyarihan sa sinaunang panahon.

Access ng tao sa lupa at ibang likas na yaman Konsepto ng awtoridad at kapangyarihan

!

36

!

Pagtataya
1. Pasulatin ang mga mag-aaral ng isa o dalawang talata tungkol sa kahalagahan ng mga larawan mula sa Boxer Codex bilang primaryang sanggunian ukol sa sinaunang lipunan. Hilinging magbigay ang mag-aaral ng mga konkretong halimbawa bilang patunay sa kanyang sagot. 2. Isa pang pagtataya ay ang paggawa ng primaryang sanggunian ukol sa hanapbuhay sa ating panahon. Sa ibaba ang gabay para sa mag-aaral. a. Gamit bilang gabay ang mga talata na sinulat ni Morga at ni Loarca, gumawa ng isang maikling sanaysay na may habang tatlong talata tungkol sa hanapbuhay ng mga tao sa ating lipunan ngayon. b. Iulat ang sumusunod. • • Mga produktong nakikita at alam mong itinatanim sa iyong lugar at nabibili sa palengke; at Mga gawaing panghanapbuhay o mga propesyon sa komunidad, kasama ang hanapbuhay ng iyong mga magulang at mga kapatid.

c. Isumite ang sanaysay pagkatapos ng isang linggo.

Kaugnayan sa Kasunod na Modyul
Matatag ang sinaunang kultura, ngunit humarap ito sa malaking hamon sa ika-16 siglo, nang dumating ang Espanya sa Pilipinas at sinimulan ang pananakop ng mga isla. Sa susunod na modyul ay aaralin ang mga primaryang sanggunian tungkol sa pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakaran at paraang ginamit ng Espanya upang sakupin ang Pilipinas.

!

37

! Markahan 1 Gabay ng Guro 4 Gawain Sinaunang Panahon hanggang sa Pagtatag ng Kolonyang Espanyol Pagtatag ng Kolonyang Espanyol at mga Patakarang Kolonyal 1. Pagtatag ng kolonya 2. Kristiyanisasyon bilang paraan ng pananakop 3. Reducción: ang paglipat ng mga kinaroroonan 4. Tributo at polo bilang instrumento ng pananakop Sampu (10)

Oras

GABAY NG GURO Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan
Sa pamamagitan ng mga primaryang sangguniang kolonisador, pag-aaralan sa modyul ang sumusunod: 1. 2. 3. 4. nilikha ng mga

Mga pananaw ukol sa labanan nina Lapu-lapu at Magellan Mga kolonyal na patakaran: reducción, tributo, at polo Iba’t ibang pananaw tungkol sa mga patakarang kolonyal Epekto ng patakarang kolonyal sa mga Pilipino mga paksa ay kaugnay sa sumusunod na tema ng Araling

Itong Panlipunan. • •

Tao, Lipunan at Kapaligiran Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala

Inaasahan na sa pagsusuri ng mga sanggunian ay matututunan ang mga kakayahan sa ibaba. Pamantayan sa Pagganap • Nakauunawa ng pagtatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas Kakayahan • • • • Nailalahad ang mga pangyayaring nagbigay daan sa labanan nina Lapu-lapu at Magellan Nakauunawa ng iba-ibang pananaw tungkol sa labanang ito Nakikita ang papel ng isang punto de bista o perspektibo sa pagkakaunawa ng nakaraan Nailalarawan ang papel ni Magellan sa malikhaing paraan 38

!

! Mapanuring nakababasa ng nakasulat at biswal na primaryang sanggunian Nakatataya ng epekto ng mga patakarang kolonyal sa mga Pilipino Naipaliliwanag ang kahulugan ng kolonyalismo Naipaliliwanag ang ugnayan ng Kristiyanisasyon at kolonisasyon Nakasusuri ng mga instrumentong ginamit ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas Naipaliliwanag ang kahulugan, pagsasagawa at epekto ng mga instrumentong ito sa mga Pilipino Naiuugnay ang mga instrumentong ito sa isa’t isa sa loob ng konteksto ng mga layunin ng Espanya sa Pilipinas Nailalarawan ang naging reaksyon at pagkilos ng mga sinaunang Pilipino sa mga Espanyol Nakapupuna at nakasasagot ng taliwas na posisyon o punto, batay sa impormasyon mula sa sanggunian Nabibigyang kahulugan ang kolonyalismo Nakasasagot ng mga tanong base sa sanggunian Nakahihinuha mula sa mga datos o ebidensya Nakapag-aayos ng datos mula sa sanggunian sa isang graphic organizer Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto Nakakukuha at nakapag-uugnay ng datos mula sa iba’t ibang sanggunian Nakatutukoy ng punto de bista ng mga may-akda Nakikita ang epekto ng punto de bista sa pagsasalaysay o paglalarawan ng pangyayari Nakatataya ng impormasyon sa pamamagitan ng pagkilala sa punto de bista ng awtor Nakapagpapakita ng pantay na pakikitungo at paggalang sa mga may ibang pag-iisip Nakapaghahambing at nakapag-uugnay ng iba-ibang impormasyon tungkol sa kolonisasyon ng Pilipinas Nailalahad ang impormasyong nakuha at nahinuha sa maayos at malinaw na paraan Nakasasagot ng mga argumento o posisyon laban o taliwas sa sariling pagtingin base sa ebidensiya Nakabubuo ng konklusyon base sa interpretasyon ng impormasyon mula sa mga sanggunian

• • •

• • • • • • • • • • • • • • • •

!

39

!

Gawain 1. Pagtatag ng Kolonya
1. Pagsuri ng dalawang palatandaan Palatandaan ni Magellan Namatay siya sa sugat mula sa engkwentro sa mga sundalo ni Lapu-lapu. Si Lapu-lapu ay hepe ng islang Mactan. Si Ferdinand Magellan ang unang taong lumigid sa mundo. Palatandaan ni Lapu-lapu Pinatay siya ni Lapu-lapu at ng kanyang mga tauhan sa isang labanan. Si Lapu-lapu ang unang Pilipinong lumaban sa mga Espanyol. Si Lapu-lapu ang unang Pilipinong lumaban sa dayuhang mananakop.

Pagsusuri Nilalaman a. Paano namatay si Magellan? b. Paano ipinakilala si Lapu-lapu? c. Ano ang kahalagahang historikal ng tao na pinararangalan? Pagsasakonteksto a. Kailan ginawa ang mga palatandaan? b. Anong mahalagang kaganapan sa mga panahong ito ang maaaring nakaapekto sa nilalaman ng mga palatandaan? Pag-unawa Kaninong punto de bista ang ipinahihiwatig ng palatandaan?

1941 Ito ang panahon bago naging independyente ang bansang Pilipinas.

1958 Sa panahong ito ay nagsasarili na ang bansang Pilipinas.

Punto de bista ito ng dayuhan.

Punto de bista ito ng mga Pilipino.

2. Pag-ugnay ng dalawang palatandaan sa salaysay ni Pigafetta: Alin ang mas malapit sa sipi at bakit?

!
!

Ang palatandaan noong 1958 tungkol kay Lapu-lapu ay mas malapit sa salaysay ni Pigafetta dahil parehong tinukoy ang labanan nina Magellan at Lapu-lapu, na hindi simpleng engkwentro ng dalawang tao o grupo. Ngunit ang konklusyon sa palatandaan ni Lapu-lapu ay hindi nanggaling o base sa salaysay ni Pigafetta.

40

! 3. Mga kriterya sa pagmarka ng simbolo at motto ni Lapu-lapu a. Malikhain ang simbolo. b. Kinakatawan o sinasalamin nito ang papel ni Lapu-lapu sa kasaysayan at ang kanyang mga katangian. c. Ipinaliwanag nang mahusay ang kahulugan ng bawat bagay o guhit sa simbolo. d. Angkop ang motto sa simbolo.

!

Gawain 2. Kristiyanisasyon bilang Paraan ng Pananakop
Sipi mula kay Pigafetta, mga 1525 Gabay na Tanong a. Anong mga paraan ang ginamit ng Espanya upang makontrol ang lokal na populasyon? b. Ano ang reaksyon ng mga Pilipino sa mga Espanyol? Sagot ng Grupo Kristiyanisasyon: pagbinyag ng mga Pilipino, pagsunog nila ng kanilang mga idolo, pagtayo at pagsamba sa krus; Sapilitang pagkolekta ng pagkain at tributo mula sa mga Pilipino; at Pagbanta at paggamit ng mga Espanyol ng dahas o puwersa. Pagtanggap ng ilang mga Pilipino (tulad ni Humabon) sa kapangyarihan ng mga Espanyol Di pagtanggap ng ibang mga Pilipino sa mga Espanyol (katulad ng ilang hepe ni Humabon, mga taga-islang Bulaia, at mga Muslim) Ang mga Pilipinong ayaw maging Kristiyano ay itinuring na kalaban dahil ang hindi pagtanggap sa Kristiyanismo ay tanda ng paghamon o pagtutol sa kapangyarihan ng Espanya.

• • • •

c. Ano ang tingin ng mga Kastila sa mga Pilipino sa usapin ng kumbersyon sa Kristiyanismo?

!

41

!

Gawain 3. Reducción: Ang Paglipat ng mga Kinaroroonan
1. Pagsuri sa sipi mula kay Obispo Domingo de Salazar, 1583, at Luis de Jesus at Diego de Santa Theresa, 1660-1666 a. Bakit ginawa ang reducción? • Inilipat ang mga katutubong tirahan mula sa kalat-kalat at malalayong lugar tungo sa siksik na komunidad upang mapadali ang pagpapalaganap ng Katolisismo sa mga Pilipino. Hindi sapat ang bilang ng mga prayleng Espanyol upang isagawa ang kumbersyon ng buong populasyong Pilipino, kung kaya mas madali kung nasa iilang lugar lamang ang mga lokal na komunidad. Tutol ang mga Pilipino sa reducción dahil ilalayo sila sa mga pampang ng ilog o di kaya sa baybay ng dagat o mga lugar (gubat o ilog) kung saan nila kinukuha ang kanilang ikinabubuhay. Maaari ring ayaw iwanan ng mga Pilipino ang kanilang mga ninuno na nakalibing sa lugar ng kanilang tirahan (base sa napag-aralan sa ikalawang modyul). Naghirap ang mga Pilipino dahil sa sapilitang paglipat ng kanilang tirahan.

b. Ano ang reaksyon ng mga Pilipino?

c. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino? d. Nakamit ba ang layunin ng reducción? Bakit o bakit hindi?

Ayon kina de Jesus at de Santa Theresa, nabawasan pa nga ang Kristiyanismo sa mga lugar na pinailalim sa reducción. Ito ay dahil sa pagtutol ng mga Pilipino sa paglipat ng kanilang tirahan.

2.

Ang reducción bilang instrumento ng pananakop Ang reducción ay instrumento ng pananakop paniwala ng mga Espanyol na lalo nilang mapapasunod Pilipino kapag maging Kristiyano ang mga ito. Praktikal din ang reducción sa kakulangan ng pari sa Pilipinas; kayang ikalat ang Katolisismo sa lahat ng isla. dahil sa ang mga na sagot hindi nila

!
!

42

!

Gawain 4. Tributo at Polo bilang Istrumento ng Pananakop
1. Pagbayad ng buwis sa kasalukuyan Nagbabayad ng buwis ang mamamayan • bilang tungkulin ng isang miyembro ng lipunan na nagaambag sa kapakanan ng lahat; • upang magkaroon ng iba’t ibang serbisyong pampubliko katulad ng edukasyon, kalusugan, mga daan at tulay. Presentasyon ng mga posisyon Posisyon Kahulugan at dahilan ng tributo • Ang tributo ay buwis na ibinabayad ng Pilipinong sakop ng encomienda sa pamamagitan ng produkto katulad ng bigas, manok, at ginto. • Ipinapataw ang tributo dahil nagsilbi itong pagkilala ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng Espanya at pantustos sa mga gastusin ng Espanya sa pangangasiwa ng kolonya. • Ang polo ay sapilitang pagsisilbi o pagtatrabaho sa iba’t ibang proyekto ng gobyerno tulad ng pagkuha ng kahoy para sa sasakyang pandagat, paggawa ng mga sasakyang ito, pagtayo ng tulay, kalsada, at iba pang imprastruktura. • Ang polo ay ipinataw upang magkaroon ang mga Espanyol ng patuloy at matatag na mapagkukunan ng kinakailangang trabahador sa anumang lugar at panahon at para sa anumang proyekto ng gobyerno. Reklamo sa tributo at polo • Hindi makatao ang pagkolekta ng mga encomendero sa tributo. Halimbawa ay ang pagkuha ng palay na wala nang naiiwan sa mga Pilipino, ang sapilitang pagbabayad ng tributo sa anyo ng ginto kahit wala sila nito, at ang pagkolekta ng tributo sa mga bata, matatanda at mga alipin. • Ang implementasyon ng polo ay labag sa utos ng hari. Halimbawa, hindi ipinatupad ng mga Espanyol ang patakaran na dapat hindi magtrabaho ang mga Pilipino sa panahon ng anihan o taniman; dapat silang bigyan ng sahod para sa bawat trabahong ginawa; at hindi sila dapat ipadala sa malayong lugar. • Dahil sa pang-aabuso, nais umalis ang mga Pilipino at lumipat sa ibang isla. 43

!
2.

Grupo 1. Opisyal at encomendero

2. Simbahang Katoliko

!

! 3. Opisyal at encomendero Sagot sa reklamo • Sumusunod lamang ang mga encomendero sa utos ng hari; karapatan nilang mangolekta ng tributo. Hindi naman kaibigan ang mga Pilipino kundi sakop ng Espanya. • Mayroon namang mga Pilipinong handang magbayad ng tributo batay sa mga produktong tinatanim o makukuha sa kanilang lugar. Masagana ang kapaligiran at kalakalan at hindi nagkukulang sa mga produkto gaya ng tela, bulak, banga at porselana, palamuti, ginto at alak. • Hindi tamang akusahan ang mga encomendero base lamang sa mga indibidwal na kaso ng pang-aabuso. Iba-iba ang batayan ng buwis sa mga lugar at iba-iba rin ang kayamanan ng mga Pilipino. Ang iba ay mayaman samantalang ang iba naman ay namumuhay sa pagnanakaw. Sa Bisayas, halimbawa, tamad ang mga tao at laging naglalasing. • Kung may mga Pilipinong nais umalis, ito ay dahil matitigas ang ulo nila, samantalang ang iba naman ay kadalasang lasing at sa gayon ay walang pambayad ng tributo. Pagtanggol at paggiit ng posisyon ng Simbahan • Hindi lang indibidwal na kaso ng pang-aabuso ang pinaguusapan kundi mga pang-aaping nangyayari sa iba-ibang bahagi ng kolonya. • Maaaring mangolekta ang mga encomendero ng tributo ngunit dapat nilang sagutin ang gastos sa kumbersyon ng mga katutubo sa Katolisismo. Ngunit hindi ito ginagawa. • Dapat wala ring pang-aabuso sa pangongolekta ng tributo. Dapat sundin ang utos ng hari. Hindi nga makareklamo ang mga Pilipino sa alcalde-mayor dahil inaaresto sila at sinisingil pa habang nasa preso. Nararapat ang mga patakarang tributo at polo dahil kailangang kilalalanin ng mga nasasakop ang kapangyarihan ng hari at bilang tugon sa mga serbisyo ng gobyerno katulad ng Katolisismo. Ngunit dapat ipatupad ang mga ito sang-ayon sa utos ng hari. Ang utos na ito ay: • Ukol sa polo: hindi dapat kumuha ng trabahador sa polo kung mayroong boluntaryong manggagawa; hindi dapat dalhin sa malayo ang mga trabahador sa polo; dapat silang bayaran at bayaran agad; hindi dapat maapektuhan ang taniman at anihan; pagbutihin ang mga sasakyang dagat upang hindi makapinsala sa seguridad at kalusugan ng mga manggagawa. • Ukol sa tributo: hikayatin ang mga Pilipino na magbayad… 44

4. Simbahang Katoliko

5. Hari

!

! … 5. Hari …ng tributo; dapat katamtaman nanggagaling sa mismong lugar. lamang ang singil at

Pagtataya
1. Ipasulat sa mga estudyante ang kahulugan at katangian ng kolonyalismo, mga halimbawa ng pamamaraang ginamit ng Espanya sa Pilipinas, at ang epekto ng kolonyalismo sa mga nasasakupan. Ang kolonyalismo ay ang pagsakop, paglawak, at pamamahala ng isang estado sa ibang teritoryo. Katangian • Ipinatutupad nito ang sariling interes ng mananakop. • Pinakikinabangan ang mga yamang-likas at ang pagtatrabaho ng nasakop na populasyon. • Kadalasang mapang-abuso ang relasyon ng mga mananakop at mga nasakop. Pamamaraan ng • Kristiyanisasyon Espanya sa • Reducción Pilipinas • Tributo • Polo Epekto Hindi umuunlad ang buhay ng nasakop na populasyon dahil sa pangingibabaw o pangunguna ng interes at layunin ng mananakop. 2. upang a. Ihayag ang kanilang pagtutol sa reducción o tributo at polo; b. Ipaliwanag ang mga dahilan ng kanilang pagtutol; at c. Ilahad ang mga rekomendasyong magbibigay ng solusyon sa mga suliranin. Hindi lalabis sa isang pahina ang haba ng liham. Kung may oras, maaaring ipabahagi sa klase ang mga sulat. Maaari ring atasan ang mag-aaral na sumulat sa hari ng Espanya

Kaugnayan sa Kasunod na Modyul
Nabuo na ng klase ang lahat ng modyul para sa unang markahan ng Araling Panlipunan, na nag-umpisa sa sinaunang panahon at nagtapos sa pagtatag ng kolonyang Espanya sa Pilipinas. Sa susunod na markahan ay susuriin ang iba pang primaryang sanggunian tungkol sa paghubog ng kamalayang Pilipino, mula sa mga pag-aalsa laban sa iba’t ibang pamamaraang kolonyal hanggang sa rebolusyon para sa kalayaan. ! 45

! Markahan 2 Gabay ng Guro 1 Gawain Pagsibol ng Kamalayang Pilipino Pag-aalsa Laban sa Pang-aabuso 1. Pag-aalsa ni Tamblot, 1621-1622 2. Pag-aalsa ni Maniago, 1660 3. Mga pag-aalsang agraryo sa mga Tagalog na probinsya, 1745 Lima (5)

Oras

GABAY NG GURO Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan
Inaasahang mauunawaan ng mag-aaral ang konteksto ng mga pag-aalsa laban sa Espanya, ang dahilan ng mga ito, kung sinu-sino ang namuno at lumahok sa mga pagkilos, ang takbo ng kanilang kilos at epekto nito sa mga Pilipino. Ang mga ito ay tatalakayin bilang balangkas sa pagsusuri ng mga sipi ukol sa pag-aalsa. Kaugnay ito sa mga tema ng Araling Panlipunan. • • • • • Tao, Lipunan at Kapaligiran Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo

Sa pamamagitan ng mga tema at sipi, inaasahan ding mauunawaan ang historikal na kahalagahan ng mga pag-aalsa. Sa pagsusuri ng mga ulat ng mga prayle at opisyal na Espanyol, magkakaroon ang mag-aaral ng pagkakataong matutunan ang sumusunod na kakayahan. Pangkalahatang Kakayahan Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto Nakasusuri ng sipi ng mga primaryang sanggunian tungkol sa pag-aalsa Tiyak na Kakayahan • • • Naipaliliwanag ang konteksto ng mga pag-aalsa Natutukoy ang mga historikal na aktor sa mga pagaalsa Nailalarawan sa sariling salita ang kilos ng mga lumahok sa pag-aalsa at ang reaksyon ng mga Espanyol Nakauunawa ng sanhi at epekto ng mga pag-aalsa Base sa mga sanggunian, naipaliliwanag kung bakit hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga pag-aalsa… 46

• • •

!

! Naipaliliwanag ang kalahagahan ng mga pag-aalsa sa kasaysayan ng Pilipinas …sa kasaysayan ng Pilipinas Nakakukuha ng datos mula sa mga salaysay Nakahihinuha mula sa mga salaysay Nakagagawa ng buod ng impormasyon mula sa ibaibang sipi Nailalahad ang impormasyon sa maayos na paraan Natatalakay ang resulta ng pagsuri ng mga sipi

• • • • •

Gawain 1. Pag-aalsa ni Tamblot, 1621-1622
1. Impormasyon mula sa sipi ni Francisco Leandro de Viana, 1765 Mula 1521 hanggang 1765, halos lahat ng mga lalawigan ay nag-alsa • Masasabing hindi naging mapayapa ang proseso ng kolonisasyon. Nagkaroon ng malakas at maraming pagtututol ang mga Pilipino. Hindi pinansin ang dahilan ng mga Pilipino sa pagaalsa. Bagkus ay lalo pang pinaigting ng mga Espanyol ang kanilang pagsupil sa pamamagitan ng pagtaas ng tributo.

a. Kadalasan o dami ng pag-aalsa b. Impormasyon nakuha at nahinuha mula sa sipi

2. Konteksto

Pagsusuri ng sipi hinggil sa pag-aalsa ni Tamblot Naganap ang pag-aalsa sa Bohol noong 1621-1622 habang karamihan ng mga pari ay nasa Cebu upang ipagdiwang ang beyatipikasyon ni San Francis Xavier. Tamblot kasama ang isa o dalawa pang paring katutubo (pari ng mga diwata) at apat na nayon • Ibig bumalik ng mga katutubo sa dati nilang relihiyon at talikuran ang Katolisismo. • Naniwala ang mga rebelde na kung bumalik sila sa dati nilang relihiyon, giginhawa ang kanilang buhay. • Nag-alsa ang apat na bayan sa islang Bohol; ang Loboc at Baclayon lamang ang hindi lumahok sa pag-aalsa. • Pumunta sa Bohol si Juan de Alcarazo, alcalde-mayor ng Cebu, para supilin ang pag-aalsa, ngunit hindi pumayag ang mga rebelde. Sinunog nila ang apat na nayon at mga simbahan nito. Inihagis nila sa lupa ang mga rosaryo at krus at sinaksak ng 18 beses ang imahen ng Birhen Maria. 47

Aktor Sanhi

Pagkilos

!

! … Pagkilos Sinalakay ang mga nag-aalsang Pilipino ng 50 Espanyol at isang libong alyadong Pilipino sa unang araw ng 1622. Inatake ng 1,500 na rebelde ang puwersang Espanyol ngunit sinagot ito ng mga superyor na armas ng mga Espanyol. Tumakbo sa bundok ang mga nag-aalsa at dito nakita ng mga Kastila ang isang pamayanan, templo ng mga diwata, maraming pagkain at alahas na gawa sa ginto at pilak. Nasupil ang pag-aalsa. Binitay ang ilang rebelde at pinatawad ang iba. Nasupil ang pag-aalsa sa mga karatig na nayon at isla. Iginiit ng Espanya ang kanyang kapangyarihan. Ang mga nakatakas ay nanatili sa bundok.

Epekto

• • •

Gawain 2. Pag-aalsa ni Maniago, 1660
Pagsusuri ng sipi mula kay Casimiro Diaz ukol sa pag-aalsa ni Maniago Konteksto Naganap ang pag-aalsa sa Pampanga noong Oktubre 1660. Mahalaga ang papel ng Pampanga sa kalakalan sa pagitan ng Maynila at Pampanga. Si Francisco Maniago na tubo ng Mexico, Pampanga, na siyang pinuno ng lugar at kinatawan ng hari ng Espanya, ang lider ng pag-aalsa. Kasama niya ang kanyang mga kababayan. • Nag-alsa ang mga naglalagari ng kahoy dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila. Halimbawa, hindi sila binabayaran ng sahod. • Samakatuwid, ang sanhi ng pag-aalsa ay ang polo. • Sinunog ng mga rebelde ang kanilang mga tirahan at hinarang ang daloy ng ilog upang pigilan ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Pampanga. • Sumulat sila sa mga lalawigan ng Pangasinan at Ilocos upang hikayatin ang mga ito na mag-alsa laban sa Espanya at patayin ang mga Espanyol sa kani-kanilang mga lalawigan. • Humiling ng amnestiya ang mga nag-alsa sa pamamagitan ni Padre Andres de Salazar. Ibinigay ni Gobernador-Heneral Manrique de Lara ang amnestiya at nag-alok ng bahagi ng bayad na hinihingi ng mga rebelde. • Ngunit noong isinalin sa wikang katutubo ang amnestiya ay ibinaliktad ang mga salita at binago ang nilalaman; kaya’t nagalsa muli ang mga rebelde.

Aktor

Sanhi

Pagkilos

Epekto

!

48

!

Gawain 3. Mga Pag-aalsang Agraryo sa mga Tagalog na Probinsya, 1745
Pagsusuri ng sipi mula kina Pedro Calderon Enriquez, 1739; Juan de la Concepcion, 1788-1792; at Haring Felipe V, 1751 Konteksto Naganap ang pag-aalsa sa mga Tagalog na probinsiya noong 1745. Sa mga lalawigang ito, malalaki ang lupaing pag-aari ng mga prayleng Espanyol, kung saan ipinagbayad ang mga magsasaka ng renta hindi lamang para sa lupang sinasaka kundi pati na rin sa lupang kinatatayuan ng kanilang bahay. Sa panig ng Espanya, mga prayleng Hesuwita, Dominikano, at Agostino Sa panig ng mga Pilipino, ang mga magsasaka sa lupain ng mga prayle sa Parañaque, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna at ibang Tagalog na lugar • Pagkamkam ng mga relihiyoso ng lupa ng mga katutubo • Pagbawal sa mga magsasaka na kumuha ng kahoy, prutas at iba pang pangangailangan sa mga burol, gubat, at ilog dahil itinuring ang mga ito na pag-aari ng mga prayle; o ang pagsingil sa pagkuha ng mga pangangailangan • Pagbawal sa paggamit ng lupa at burol para sa pastulan • Lumaban ang mga magsasaka ng Batangas, Cavite at iba pang probinsiyang Tagalog kung saan hawak ng mga prayle ang malalaking lupa. • Sa Batangas, sinunog ang mga bahay ng Heswita at ibang mga gusali. • Kumalat ang pag-aalsa sa ibang bayan. Inutos ng gobyerno (hari) ang sumusunod: • Pagtigil sa pagbabayad ng mga magsasaka ng di makatarungang buwis • Pagbalik ng titulo ng mga lupang kinamkam ng mga prayle • Pagbigay sa mga magsasaka ng mga lupang kinamkam ng mga relihiyoso • Deklarasyon ng ilang lupain bilang pag-aari ng hari • Imbestigasyon ng mga anomalyang may kaugnayan sa pagsukat ng lupa sa Laguna na pag-aari ng mga prayleng Dominikano

Aktor

Sanhi

Pagkilos

Epekto

!

49

!

Pagtataya
Sabihin sa klase na pagbalik-aralan ang mga sipi at tsart sa tatlong gawain upang sagutin ang matrix sa ibaba na nagsisilbing buod ng modyul. 1. Mga sanhi ng pag-aalsa laban sa Espanya a. Mithiing bumalik sa relihiyon ng mga ninuno b. Pagtutol sa sapilitang pagtrabaho o polo c. Pagkamkam ng mga relihiyoso ng mga lupang pag-aari ng mga katutubo at pagbawal sa pagkuha ng mga yamang gubat tulad ng kahoy, rattan, kawayan, prutas, at yamang ilog d. Pagbawal na magpastol sa mga burol 2. Bakit hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa a. Paggamit ng mga Pilipino laban sa kapwa Pilipino upang supilin ang pag-aalsa b. Superyor na armas ng mga Espanyol (halimbawa, mga riple laban sa mga sibat at itak ng mga Pilipino) c. Paggamit ng mga relihiyoso bilang tagapamagitan ng mga katutubo at pamahalaang Kastila d. Kawalan ng kamalayang Pilipino, kaya hiwa-hiwalay ang pag-aalsa at naging madaling supilin

Kaugnayan sa Kasunod na Modyul
Mahalaga ang mga pagtutol ng mga Pilipino sa iba’t ibang paraang pananakop, ngunit hindi pa nahuhubog ang kamalayang kumikilala sa kahalagahan ng pagsasarili. Sa mga susunod na modyul, aaralin ang pagbuo ng kamalayang ito.

!

50

! Markahan 2 Gabay ng Guro 2 Gawain Pagsibol ng Kamalayang Pilipino Iba-Ibang Mukha ng Progreso 1. Ang ideya ng progreso sa kasalukuyan 2. Pagsuri sa mga ideya ng progreso sa siglo 19 3. Tatlong mukha ng progreso: Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco, at Juan Luna Pito (7)

Oras

GABAY NG GURO Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan
Layunin ng modyul na maunawaan ang mga ideya ng progreso o pagunlad mula sa iba’t ibang pananaw—ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba— base sa mga nakasulat at biswal na sanggunian. Bibigyang interpretasyon ang mga pananaw nina Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna, at ilalahad ang mga ito sa isang talumpati matapos suriin ang kanilang mga akda. Itong mga paksa ay kaugnay sa sumusunod na tema ng Araling Panlipunan. • • • • Tao, Lipunan at Kapaligiran Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahal Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo

Sa pamamagitan ng mga gawain, sasanayin ang mga kakayahan sa ibaba. Pamantayan sa Pagganap • Nakauunawa ng ibaibang konsepto ng progreso sa ika-19 na siglo • Nakasusuri ng mga pasulat at biswal na primaryang sanggunian Kakayahan Nabibigyang kahulugan ang ideya ng progreso mula sa iba’t ibang panahon Naipaliliwanag ang pananaw ng bawat may-akda ng sanggunian tungkol sa progreso Naipaliliwanag kung bakit iba-iba ang kanilang pagtingin Naisasaayos ang kanilang mga ideya sa concept map at iba pang graphic organizer Nakasasagot ng tanong tungkol sa iba-ibang pananaw Naihahayag at naipaliliwanag sa maayos at kaakit-akit na talumpati ang mga pananaw na ito base sa interpretasyon ng kanilang mga nilikha. 51

• • • • •

!

! Pamantayan sa Pagganap • Nakapaghahambing ng iba-ibang pananaw • Nakauunawa sa konsepto ng pananatili at pagbabago Kakayahan Nakababasa sa mapanuring pamamaraan upang maunawaan ang historikal na konteksto ng sanggunian at ang motibo at pananaw ng mayakda Nakikilala ang historikal na perspektibo ng awtor o manlilikha Nakatataya ng impormasyon sa pamamagitan ng pagkilala sa punto de bista ng awtor/manlilikha Nakakukuha ng datos mula sa iba’t ibang primaryang sanggunian Nakahihinuha mula sa datos o ebidensya Nakagagawa ng buod ng impormasyon sa sariling salita Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto Nakapaghahambing ng impormasyon mula sa mga sanggunian at nakikilala ang mga punto ng pagkakasundo at di pagkakasundo Nasusuportahan ang sariling interpretasyon base sa impomasyong nakuha at nahinuha Nakabubuo ng konklusyon base sa interpretasyon ng impormasyon Nakasasagot ng tanong base sa angkop at sapat na ebidensya Naipaliliwanag ang kahulugan ng progreso sa kasalukuyang panahon Naihahambing ang kahulugang ito sa kahulugan noong ika-19 na siglo Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba sa konsepto ng progreso noon at ngayon Nakauunawa ng kahalagahan ng historikal konteksto at personal na background ng mayakda sa paghubog ng kanyang pananaw tungkol sa progreso Nakapagpapakita ng pantay na pakikitungo at paggalang sa mga may ibang pag-iisip kahit hindi ito sumasang-ayon sa sariling ideya, posisyon o pagtingin

• •

• •
• • •

• • • • • • •

!

52

!

Gawain 1. Ang Ideya ng Progreso sa Kasalukuyan
Mga halimbawa ng progreso • • • Grupo 1: Progreso sa bahay Grupo 2: Progreso sa paaralan Grupo 3: Progreso sa probinsya • • Grupo 4: Progreso sa bansang Pilipinas Grupo 5: Progreso sa mundo

Grupo 1: Progreso sa bahay

Tanda ng Progreso

Pakinabang

Mas malaking bahay para sa pamilya

Mas madaling gawin ang mga trabaho sa bahay dahil may lugar na

Mga appliance at iba pang mga gadget

PROGRESO

Gagaan at bibilis ang gawaing bahay

Pagpasok ng isang kapatid sa mataas na paaralan o kolehiyo

Makakukuha ng trabaho matapos ng pag-aaral at makatutulong sa sarili at sa pamilya

!

53

!

Grupo 2: Progreso sa paaralan

Tanda ng Progreso

Pakinabang

Malaking silidaklatan na may maraming libro

Lalawak ang pagkatuto ng mga mag-aaral

Computer sa mga silid-aralan

PROGRESO

Dadali ang proseso ng pagaaral; mas maraming magagawa

Internet na pasilidad

Magkakaroon ng isa pang paraan ng pagkatuto at bibilis ang komunikasyon

!

54

! Grupo 3: Progreso sa probinsiya

Tanda ng Progreso

Pakinabang

Mga daan at tulay

Magiging mas mabilis ang biyahe, mararating ang iba pang lugar, at menos sa oras

Modernong ospital

PROGRESO

Gaganda ang kalusugan ng mamamayan at komunidad

Industriya at pagawaan

Magkakaroon ng trabaho ang mga tao sa lugar

!

55

!

Grupo 4: Progreso sa bansa

Tanda ng Progreso

Pakinabang

Industriya sa bawat lalawigan

Trabaho para sa lahat at pag-ahon sa kahirapan

Sapat na paaralan at klasrum para sa lahat ng bata

PROGRESO

Pantay-pantay na oportunidad para matuto, makakuha ng trabaho, maging produktibo sa buhay, at tumulong sa kapwa

Mabisa at malinis na pamamalakad sa gobyerno

Kontentong mamamayan, katahimikan sa lipunan, pagtugon sa mga problema at pangangailangan ng tao

!

56

! Grupo 5: Progreso sa mundo

Tanda ng Progreso

Pakinabang

Social networking tulad ng Facebook at Twitter

Mas madali at mabilis na komunikasyon; pagkakaroon ng mga kaibigan sa ibang bansa; paglalahok sa mga kampanya para sa kalikasan at iba pa

Pagsulong ng agham at medisina

PROGRESO

Paglunas sa malulubhang sakit katulad ng kanser; mas mahabang buhay

Pagkalat ng kaalaman

Paghanap ng solusyon sa iba’t ibang suliranin; mas aktibo at responsableng mga mamamayan at lipunan

!

57

!

Gawain 2. Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo 19
1. Grupo 1: Sinibaldo de Mas Mga Rekomendasyon Limitahan ang edukasyon sa primaryang paaralan kung saan ituturo ang 3R upang manatiling mas mababa ang mga Pilipino kaysa sa mga Espanyol. Ang mga kolehiyo sa Maynila—na para lang sa lalaki—ay dapat isara. Huwag ituro sa mga Pilipino ang wikang Kastila dahil maaaring gamitin ito upang hamunin o kalabanin ang mga prayle at alkalde. Dapat may prayleng Espanyol sa bawat bayan. Huwag ibigay ang mga parokya sa mga paring Pilipino. Impormasyong Nahinuha Ang paaralan sa bawat bayan ay nasa pamamalakad ng prayle. • Limitado ang edukasyon ng kababaihan. • Ang hindi pagturo ng wikang Espanyol ay isang instrumento upang makontrol ang mga Pilipino. •

Tungkol sa a. Edukasyon

b. Pamamahala ng mga parokya o simbahan

• •

Ang parokya ay basehan ng kapangyarihan ng prayle. Mababa ang pagtingin ng mga prayle sa mga paring Pilipino. Kamiseta at salakot ang karaniwang suot ng mga Pilipino. Bihirang gumamit ng kerchief (panyong itinatali sa leeg) ang mga Pilipino. Pati ang pananamit ay naging tanda ng pagkakaiba at diskriminasyon laban sa mga Pilipino.

c. Pananamit ng mga Espanyol at Pilipino

Dapat magkaiba ang pananamit ng mga Espanyol sa damit ng mga Pilipino at mestizo. Ang mga hepeng Pilipino lamang ay maaaring gumamit ng coat (amerikana).

!

58

! d. Pagtrato ng mga Pilipino at Espanyol sa isa’t isa Ang purong Espanyol lamang ang dapat ituring na marangal. Dapat tumigil sa anumang gawain ang Pilipino o mestizo kapag makita ang isang Espanyol (maliban sa Maynila). Kung nakaupo ang Pilipino, dapat siyang tumayo kapag dadaan sa harap niya o kakausapin siya ng isang Kastila. Hindi dapat payagang umupo ang Pilipino o mestizo sa bahay ng isang Espanyol at lalong hindi dapat makikain sa mga ito. Kung may Pilipinong lalaban sa isang Kastila, kahit upang ipagtanggol ang sarili, dapat siyang parusahan. Buong buhay siya dapat magtrabaho sa gawaing pampubliko. Ang Pilipino ay itinuring na mababang uri ng tao at hindi dapat itratong kapantay ng Espanyol. Ang di pagkapantaypantay ng Pilipino’t Espanyol ay isang matingkad na katangian ng kolonyalismo.

e. Ano ang inaasahang epekto ng kanyang mga rekomendasyon? • Lalakas ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas at patuloy na mangingibabaw ang mga prayle at opisyal na Kastila. • Mananatili ang mga Pilipino sa mababang antas ng kabuhayan at kakayahang intelektuwal. f. • Ano ang pangkalahatang pananaw ni Sinibaldo de Mas tungkol sa progreso? Para kay Sinibaldo de Mas, ang progreso ay ang patuloy na pagkontrol ng mga Espanyol sa halos lahat na aspeto ng buhay ng mga Pilipino upang manatili ang Pilipinas bilang kolonya ng Espanya. Sa ganitong paraan lamang uunlad ang Pilipinas.

!

59

! 2. Grupo 2: Gregorio Sancianco Impormasyong nakuha at nahinuha mula sa sanggunian Hindi pinagtuunan ng pansin ang mga gawaing pangagrikultura. Halimbawa: • Maraming restriksyon sa pagbenta at pagkalat ng mga produkto. • Wala o kulang ang kalye o daan mula sa bukid patungo sa palengke. • Hindi sapat ang presyo sa palengke upang mabawi ng magsasaka ang kanyang gastos. • Nakasama sa magsasaka ang monopolyo sa tabako dahil sapilitan itong ipinatanim at ang presyo ay itinakda pa ng gobyerno. • Kung mayroon mang labis na ani, mababa ang presyo nito sa palengke kung ikumpara sa Maynila. • Hindi makatrabaho nang masigasig ang magsasaka dahil sa kawalan ng insentibo o tulong mula sa gobyerno at dahil sa iba’t ibang restriksyon sa kalakalan. • Naghirap ang mga Pilipino. • Alisin ang mga limitasyon sa pangangalakal ng mga produkto. • Gumawa ng daan mula sa bukid patungo sa palengke. • Itigil ang monopolyo sa tabako o ayusin ang mga tuntunin nito.

Tungkol sa a. Mga balakid sa pagsulong ng agrikultura

b. Epekto ng mga balakid na ito sa kalagayan ng ekonomiya c. Mga dapat gawin upang lutasin ang mga problema sa ekonomiya

d. Ano ang pananaw ni Sancianco tungkol sa progreso? • Para kay Sancianco, ang progreso ay ang pag-unlad ng mga Pilipino sa kanilang kabuhayan. Mangyayari ito kung makaaani nang sapat, maging maayos at mas madali ang pagbenta ng ani sa palengke, at payagan ang malayang pangangalakal ng mga produkto sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas. e. Ano ang inaasahang resulta sa ekonomiya ng Pilipinas at sa buhay ng mga Pilipino kapag naisagawa ang mga hakbang na sinabi ni Sancianco? • Gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas at aangat ang buhay ng mga Pilipino. Ito ay dahil lalakas ang kalakalan, tataas ang presyo ng bentahan ng ani sa palengke, at mahihikayat ang magsasaka na pataasin ang produksyon.

!

60

! 3. Grupo 3: Juan Luna Babae sa kaliwa: Espanya, dahil maputi at matangkad, kanluranin ang damit at ayos ng buhok, at inaakay niya ang babae sa kanan (Pilipinas) • Babae sa kanan: Pilipinas, dahil nakasuot ng baro’t saya, kayumanggi ang balat, mas mababa kaysa sa babae sa kaliwa, at ginagabayan siya ng babae sa kaliwa (Espanya) • Batay sa pamagat ng kwadro na España Y Filipinas (“Espanya at Pilipinas”), masasabing kinakatawan ng dalawang babae ang dalawang bansa. • Inaakay ang babae sa kanan (Pilipinas) upang gabayan siya ng babae sa kaliwa (Espanya). • Nangangahulugan itong ginagabayan ng Espanya ang Pilipinas. Itinuturo ng babae sa kaliwa (Espanya) ang liwanag o simbolo ng progreso na nasa kanilang harapan. • Ang hagdan ay antas ng pag-unlad o progreso. Nasa unang hagdan lang ang Pilipinas; malayo pa siya sa itinuturong liwanag o progreso. Maaaring simbolo ito ng pagkakaibigan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas at ng katahimikan ng panahon. Naniniwala si Luna na ang progreso ay ipagkakaloob ng Espanya sa Pilipinas. Kung susunod ang Pilipinas sa mga pagbabagong nagaganap sa Espanya, uunlad din ito katulad ng Espanya.

a. Sino sa inyong palagay ang kinakatawan ng babae sa kaliwa at babae sa kanan? Bakit?

b. Bakit inaakay ang babaeng nasa kanan? Ano ang kahulugan nito? c. Ano sa inyong tingin ang itinuturo ng babae sa kaliwa? d. Ano ang kahulugan ng hagdan? e. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga bulaklak sa hagdan? f. Paano makakamit ang progreso sa punto de bista ni Luna?

!

61

!

Gawain 3. Tatlong Mukha ng Progreso: Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco, at Juan Luna
Rubric sa pagtataya ng talumpati Mahusay 9-10 puntos Naunawaan at nagamit nang wasto sa talumpati ang kahulugan ng progreso ayon sa tao na kinakatawan Naipakita sa talumpati ang mga balakid at paraan patungo sa kaunlaran ayon sa iniatas na punto de bista Naisulat ang talumpati sa isang kaakit-akit na paraan at gumamit ng mga batayang tuntunin ng epektibong komunikasyon Sapat 7-8 puntos Kaunti 5-6 puntos Kulang 0-4 na puntos

Pagtataya
Ipagawa sa mga estudyante ang buod ng mga ideya ng progreso nina Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna. Dapat nilang gamitin ang sarili nilang salita sa pagsagot ng tsart sa ibaba. 1. Ano ang progreso para kay a. Sinibaldo de Mas b. Gregorio Sancianco Ang progreso ay ang Ang progreso ay ang patuloy na pagkontrol ng pag-unlad ng mga Pilipino mga Espanyol sa halos sa kanilang kabuhayan, lahat na aspeto ng buhay sa agrikultura at ng mga Pilipino upang kalakalan upang manatili ang Pilipinas guminhawa ang buhay ng bilang kolonya ng Espanya. mga Pilipino.

c. Juan Luna Ang progreso ay liwanag na maaaring mangahulugan na kaalaman, kalayaan at mga bagong ideya at pamamaraan.

!

62

! 2. Paano makakamit ang kaunlaran ng Pilipinas? a. Sinibaldo de Mas b. Gregorio Sancianco Uunlad ang Pilipinas kung Mangyayari ito kung mananatili • makaaani nang sapat; • ang kontrol ng mga • may maayos at mas prayle; madaling paraan ng • ang di pagkakapantaypagtinda ng ani sa pantay na ugnayan ng palengke, at mga Pilipino at • papayagan ang Espanyol; at malayang pagbenta ng • ang limitadong mga produkto sa ibaedukasyon ng mga ibang bahagi ng Pilipino. Pilipinas.

c. Juan Luna Uunlad ang Pilipinas kung • matatamasa niya ang mga pagbabagong nagaganap sa Espanya; at • magkasama ang Pilipinas at Espanya patungo sa progreso.

Kaugnayan sa Kasunod na Modyul
Ang mga repormang hinangad nina Sancianco at Luna ay naging bahagi ng kilusang reporma ng mga Pilipino sa Espanya. Sa pamamagitan ng pagsulat, inihayag ng mga propagandista ang mga repormang makatutulong sa pagsulong ng Pilipinas. Tatalakayin ang mga repormang ito sa susunod na modyul.

!

63

! Markahan 2 Gabay ng Guro 3 Gawain Pagsibol ng Kamalayang Pilipino Kilusang Propaganda 1. Mga repormista at kanilang adhikain 2. Mga problema ng kolonya ayon sa propagandista 3. Sariling dyaryong pampropaganda Pito (7)

Bilang ng oras

GABAY NG GURO Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan
Nilalayong ipakilala ng modyul ang sumusunod: 1. Mga repormista (na tinawag na ilustrado) at ang kanilang simulain 2. Mga problema ng kolonya sa siglo 19 ayon sa pananaw ng mga repormista (na ang tawag din ay propagandista) 3. Layunin at pamamaraan ng Kilusang Propaganda 4. Papel at kahalagahan ng kilusan sa paghubog ng kamalayang Pilipino Kaugnay ang nilalaman ng modyul sa sumusunod na tema ng Araling Panlipunan. • • • • • Tao, Lipunan at Kapaligiran Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahal

Sa pag-aaral ng mga paksa at tema, sa pamamagitan ng iba’t ibang sipi, matututunan ng mag-aaral ang mga kakayahan sa ibaba. Pamantayan sa Pagganap • Nakauunawa ng konsepto at layunin ng reporma sa ika-19 na siglo Kakayahan Nabibigyang kahulugan ang salitang ilustrado Nakatutukoy ng mga ilustrado na kasapi ng Kilusang Propaganda Nabibigyan ng historikal na konteksto ang pagkakatatag at simulain ng Kilusang Propaganda

• • •

!

64

! Pamantayan sa Pagganap Naipaliliwanag ang layunin, tunguhin at paraan ng Kilusang Propaganda Nakauunawa ng mga problema ng siglo 19 Nakapag-uugnay ng mga problema noon sa kasalukuyan Nakagagawa ng sariling dyaryo bilang aplikasyon ng mga natutunan sa modyul

Kakayahan • • • • Nakasasabi at nakauunawa ng mga layunin at adhikain ng Kilusang Propaganda Naipaliliwanag ang mga repormang hiniling ng mga repormista Nakauunawa ng papel ng mga propagandista sa pagmumulat sa mga Pilipino noong siglo 19 Naipaliliwanag sa sariling salita ang mga suliranin ng siglo 19 at mungkahing reporma sa pamamagitan ng sariling dyaryo Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga problemang ito at ang kanilang epekto sa mga Pilipino Nakapagtataya ng papel ng mga propagandista sa pagmumulat sa mga Pilipino noong siglo 19 Mapanuring nakababasa ng satiriko at sipi ng mga sanaysay Nakapagsusuri ng mga sipi at nakasasagot ng tanong tungkol sa punto de bista at nilalaman ng mga ito Naihahayag ang personal na saloobin tungkol sa sinasaad ng mga manunulat

• •

• • • •

Gawain 1. Pagpapakilala sa mga Repormista at Kilusang Propaganda
1. Halaga o gamit ng dyaryo (lokal o pahayagan ng paaralan) sa pang-araw-araw na buhay

!

Ginagamit ang dyaryo bilang pinagmulan ng impormasyon tungkol sa nangyayari sa bayan at sa komunidad sa ibaibang larangan ng buhay katulad ng pulitika, ekonomiya, kultura, at libangan. Makukuha rin sa dyaryo ang opinyon ng mga kolumnista at mambabasa tungkol sa mahahalagang isyu. Sa pagbabasa ng dyaryo, nagiging komunidad ang mambabasa dahil nangyayari at sa ganitong paraan ay isyu o suliraning hinaharap at maaari solusyon. 65 bahagi ng bayan at nalalaman niya ang nakikiisa siya sa mga rin maging bahagi ng

!

! 2. Sipi mula sa La Solidaridad, 1889: batayang impomasyon Bahagi ng Petisyong Binilugan o Kinulayan Unang linya ng petisyon (Ministro ng Kolonya) Mga pangalan sa huling talata ng petisyon (Miguel Morayta, Galicano Apacible atbp.) Unang talata ng liham (mga Pilipino at Espanyol sa Espanya) Ikatlong talata (representasyon sa Cortes, pagtigil sa pagbawal ng pahayagan at mga publikasyon, at pagtigil sa pagtapon ng mamamayan) Ikalawang talata (sa pagsulong ng Pilipinas ay naging kapantay na siya ng ibang mga probinsiya ng Espanya)

a. b. c. d.

Tanong Sino ang sinulatan ng lihampetisyon? Sino ang mga pumirma sa liham-petisyon? Ano ang mga nasyonalidad ng mga pumirma? Ano ang hiningi ng mga pumirma sa petisyon?

e. Ano ang ginamit na batayan ng mga nagpetisyon para isulong ang kanilang hinihiling? 3.

Sipi mula sa La Solidaridad, 1889: pagsuri ng nilalaman Sa tingin ng mga sumulat, hindi sila papansinin ng pamahalaan sa Maynila, kung kaya sa Ministro mismo sila nagpetisyon. Inakala nilang mas pakikinggan sila kung ang kinatawan ng Hari sa Espanya mismo ang kanilang susulatan. Maaaring mas makikinig ang opisyal ng Espanya kung makita niyang may kapwa Espanyol na nakikisimpatya sa petisyon.

a. Bakit sumulat sa Ministro ng Kolonya sa Espanya at hindi sa opisyal na nasa Pilipinas? b. Ano kaya ang impact ng sulat kung may mga Espanyol ding pumirma sa hinihinging pagbabago? c. Anong mga benepisyo ang makukuha ng Pilipinas sa mga repormang hiningi sa petisyon?

a. Magiging pantay ang karapatan ng mga Pilipino at mga Espanyol. b. Sa pamamagitan ng kinatawan sa Cortes, makalalahok ang Pilipinas sa pagbuo ng batas na makaaapekto sa kanya. c. Maihahayag nang malaya ang mga problema at perspektibo ng mga Pilipino nang walang takot na huhulihin o itatapon sila sa ibang lugar.

!

66

!

Gawain 2. Mga Problema ng Kolonya ayon sa Propagandista
1. Grupo 1 at 2: sipi mula kay Marcelo H. del Pilar a. Impormasyong nakuha at nahinuha mula sa Monarchism in the Philippines Talata a. Gabay na Tanong Aling salita ang nagsasaad ng lawak ng kontrol ng mga prayle sa mga Pilipino? Anong aspeto ang hinayaan ng gobyerno na impluwensyahan ng mga pari? Ano ang ginamit na dahilan ng mga prayle para mangolekta ng pera sa mga Pilipino? Bakit nasabing di makatarungan ang ginawang pangongolekta? Sagot “the friar handles the Filipino as he pleases” Hinayaan ng gobyerno sa mga prayle ang mga paaralan o ang edukasyon at pag-aaral ng mga Pilipino. Ginamit ng mga prayle ang mga sagradong turo at ritwal ng Simbahan (halimbawa, sa paglibing). Nasabing hindi makatarungan ang pangongolekta dahil kahit ang mga namatayan at gipit sa pera ay pinilit magbayad para malibing ang namatay. Hindi nirereklamo sa korte ang mga prayle dahil malakas ang impluwensiya ng mga ito sa pamahalaan at lipunan.

1

b.

c.

2 at 3

d.

4

e. Bakit magiging walang silbi kung ireklamo man sa korte ang di makatarungang pangongolekta? 2.

Mula sa “Aba Ginoog Barya” ni M. H. del Pilar Ang pagmamalabis ng prayle ay ang sobrang pagkuha ng pera mula sa tao. • Makikita ito sa mga salitang “aba, ginoong barya,” “nakakapuno ng alkansya,” “kaban mong mapusok,” at “santa barya.” Ang ‘dasal’ ay para sa karaniwang tao dahil isinulat ito sa Pilipino (at hindi sa Espanyol) at sa anyo ng isang dasal na kilala ng marami. • Mabisa ang paggamit ng satiriko dahil katawatawa ito ngunit may sinasabi. Kahit ordinaryong tao ay makakaunawa nito. 67

Anong pagmamalabis ng prayle ang inilantad sa sipi? Tukuyin ang mga salita sa ‘dasal’ na nagpapahiwatig ng pagmamalabis. Para kanino, sa tingin ninyo, ang ‘dasal’ na ito? Sino ang kausap ni del Pilar? Bakit mo sinabi ito? Mabisa kaya ang paggamit ng satiriko? Bakit o bakit hindi?

!

! 3. Grupo 3 at 4: sipi mula kay Graciano Lopez-Jaena Anong problema ang nakita sa Naging pabaya ang mga opisyal sa pagtupad ng kanilang tungkulin, o hindi nila alam kung paano tugunan ang mga problema. Walang oras ang gobernador-heneral para sa pamamahala ng kolonya.

Aspeto a. Pagtupad ng mga opisyal sa kanilang tungkulin

b. Kasanayan ng mga empleyado ng gobyero c. Pagpapalit ng mga opisyal at empleyado

Hindi karapat-dapat sa posisyon o may kakulangan sa kasanayan ang mga empleyado ng pamahalaan. Nagdulot ito ng korupsyon at pagkalito. Marahil ay hindi natapos o nasundan ang mga proyektong nasimulan. Hindi ipinatupad ang batas sa pag-empleyo ng mga Pilipino sa serbisyong sibil.

d. Pagtupad sa batas tungkol sa pag-empleyo ng mga Pilipino sa pamahalaan e. Kalagayan ng Pilipinas sa pangkalahatan f. Sa tingin ninyo, mayroon pa bang problema sa itaas na nananatili pa rin ngayon? Aling problema? Magbigay ng halimbawa.

Walang pagbabago o pag-asenso sa pamumuhay ng mga Pilipino. Opo, mayroon pang problemang nananatili hanggang ngayon, katulad ng sumusunod. • Nakikita pa ang korupsyon sa pamahalaan at maging sa ibang aspeto ng buhay. • May mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na walang sapat na kasanayan sa kanilang posisyon. • May mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na naging pabaya sa kanilang tungkulin. • May mga bahagi pa rin ng bansa na halos hindi umaasenso ang kanilang kalagayan.

!

68

!

3.

Grupo 5 at 6: sipi ni Jose Rizal, “On the Indolence of Filipinos” Ito ang damdaming dulot ng pagiging isang bayan katulad ng organismong may mga ugat na dinadaanan ng dugo para bumuhay at kumilos nang isa. Sa damdaming ito ay umiiral ang bayan at hindi ang indibidwal na tao. • Ang Pilipino ay isang indibidwal lamang at hindi kasapi ng bansa. • Kakaunti ang Pilipinong tumututol sa mga hakbanging nakakasama sa bayan at kakaunti rin ang lumalaban para sa kanyang kapakanan. • Tinatanggap ng mga Pilipinong pinuno ng munisipyo ang pagmamalabis ng mga prayle at Kastilang opisyal. • Interesado lamang ang mga Pilipinong opisyal sa kanilang kikitain. • Dahil walang kalayaan sa kolonya—bawal maghayag o magtatag ng asosasyon, halimbawa—naging mahina at mabagal ang mga Pilipino at nahirapan silang bumuo ng mas malawak na kamalayan. • Mahirap ding hubugin itong kamalayan dahil sa pagnanais ng Pilipino sa katahimikan at kawalan ng gulo o away. • Mahina ang mga nanungkulan sa mababang antas ng gobyerno samantalang walang pakialam ang mga nasa itaas at papalit-palit pa. • Walang pagkakaisa ang mga Pilipino. • Sariling interes lang ang habol ng mga lokal na opisyal na Pilipino. • Maraming Pilipino ang naghihirap simula pa lamang ng kanilang pagkasilang. • Inasahang magsisilbi itong basehan ng pagkabuklod-buklod ng mga Pilipino. • Ang sama-samang pagkilos ay susi sa pag-unlad ng bansa. • Mababawasan ang pangungurakot sa gobyerno kung may damdaming pambansa. • Pagtutuunan ng pansin ang mga kapos-palad na kababayan dahil di lang ang sarili ang pagiisipan. 69

a. Ano ang ibig sabihin ni Rizal sa “national sentiment” (damdaming pambansa)? b. Anong mga halimbawa ang ibinigay niya upang patunayan ang kawalan ng ganitong kamalayan?

c. Sa tingin ni Rizal, bakit wala o mahirap hubugin ang kamalayang ito?

d. Bakit mahalaga ang pagbuo ng damdaming pambansa sa ika-19 na siglo?

!

! e. Sa tingin ninyo, problema pa ba ngayon ang kawalan ng damdaming pambansa? Patunayan ang inyong sagot. (Pakinggan ang opinyon ng mga mag-aaral at ang basehan ng kanilang opinyon.)

4. Mga problemang tinukoy ng mga repormista sa siglo 19 na problema pa rin ngayon

"

• •

• • • • •

Pangungurakot sa gobyerno (at sa ibang larangan ng buhay) Pabago-bagong administrasyon lalo na sa lokal na pamahalaan, na nakaaapekto sa pagpapatuloy o pagtigil ng mga proyekto Ang hindi pagtupad ng batas Ang hindi pagkapantay-pantay na administrasyon ng hustisya Mga abusadong opisyal Mga empleyado at opisyal sa gobyerno na hindi handa o walang kakayahan para sa trabaho Kahirapan ng tao

Gawain 3. Sariling Dyaryong Pampropaganda
1. Ebalwasyon ng dyaryo a. Bahagi ng Dyaryo Pangalan Logo Motto Editoryal Mga balita Tula, karikatura, guhit o ibang malikhaing akda Mga sanggunian Kung buo ang dyaryo Grupo 1 Grupo 2 Grupo 3 Grupo 4 Grupo 5 Grupo 6

!

70

! b. Ang nilalaman ng dyaryo (1 bilang pinakamababa at 5 bilang pinakamataas); ang kabuuang marka ay ang average ng lahat ng marka. Grupo Kalidad ng Dyaryo Malinaw ang paglahad ng editoryal at ng isyung tinalakay; may halimbawang sumusuporta sa posisyon ng editoryal. Sapat ang bilang ng mga balita; sinasalamin nito ang mga pangyayari at problema noong siglo 19; kumpleto ang detalye ng mga balita. Malikhain ang tula, sanaysay, o karikatura; sinasalamin ang panahon ng siglo 19. Mahusay ang lay-out; malikhain ang kabuuang disenyo ng pahayagan. Sumasalamin ang pangalan, logo at motto ng dyaryo sa adhikain ng Kilusang Propaganda; naipaliwanag sa klase ang kahulugan ng logo at motto. Kabuuang Marka: 1 2 3 4 5 6

Pagtataya
1. Ipaliwanag sa klase na hindi naging matagumpay ang Kilusang Propaganda sa Espanya sa pagkamit ng reporma mula sa pamahalaan. Dahil dito, may ibang propagandista tulad ni Jose Rizal na minabuting umuwi sa Pilipinas upang dito isulong ang pagbabago. Sa kanyang pagbalik, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina, isang asosasyon ng mga Pilipino sa Pilipinas. 2. Ibigay ang konteksto sa ibaba. • • Inilunsad ni Jose Rizal ang La Liga Filipina noong 3 Hulyo 1892 sa Tondo, Maynila. Kabilang sa naging kasapi nito ay sina Deodato Arellano, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Ambrosio Rianzares Bautista at marami pa. Tatlo ang lebel ng konseho sa liga: Konseho Suprema, Konsehong Panlalawigan, at Konsehong Popular. Naging panandalian lamang ang samahan dahil hinuli si Rizal noong 6 Hulyo 1892 at itinapon siya sa Dapitan sa Mindanao. 71

!
!

• •

!

3.

Ipabasa ang mga layunin ng La Liga Filipina. Ipagamit ang glosari.

!

1. To unite the whole archipelago into one compact, vigorous and homogeneous body. 2. Mutual protection in every want and necessity. 3. Defense against all violence and injustice. 4. Study and application of reforms. Konstitusyon ng La Liga Filipina, sa Vicente Albano Pacis et. al. (eds.), Founders of Freedom: History of the Three Philippine Constitutions (Quezon City: Capitol Publishing House, 1971) p. 336.

#
4. a. Bakit itinatag ni Rizal ang liga sa Pilipinas?

Glosari Homogeneous … iisa Mutual protection … pagtatanggol sa isa’t isa Vigorous … malakas; buhay

Ipasagot ang mga tanong tungkol sa sipi. Itinatag ni Rizal ang liga sa Pilipinas dahil: • hindi nakuha ng Kilusang Propaganda ang kanilang ikinampanyang reporma sa Espanya; at • nakita ni Rizal na ang kilusan para sa reporma ay dapat nakaugat sa Pilipinas, at ang pagbabago ay dapat ilunsad ng kapwa Pilipino sa Pilipinas mismo. • Pang-aabuso ng mga prayle • Pagpapabaya ng pamahalaang kolonyal sa pangangailangan ng mga Pilipino • Pangungurakot at pang-aabuso ng mga opisyal ng gobyerno • Kawalan ng kalayaan • Di pantay na administrasyon ng hustisya • Kahirapan ng tao • • • • • Kalayaang maghayag Kalayaang bumuo ng asosasyon Representasyon sa Cortes Pagbabago sa edukasyon Pagtigil sa mga abuso ng prayle 72

b. Ano sa palagay mo ang karahasan at kawalan ng hustisya na itinukoy ng konstitusyon? Magbigay ng tatlong halimbawa batay sa tinalakay sa modyul na ito. c. Alin sa mga hangarin ng Kilusang Propaganda sa Espanya ang nais ipagpatuloy ng liga? !

! d. Ano pa kayang mga pagbabago ang nilayon ng liga na may kinalaman sa damdaming pambansa na isinaad ni Rizal? Magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino Tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino Tumulong sa isa’t isa Kumilos bilang bansa at hindi bilang indibidwal na Pilipino

• • • •

Transisyon sa Kasunod na Modyul
Hindi man nagtagumpay ang Kilusang Propaganda, naimpluwensiyahan nito ang Katipunan na itinatag pagkatapos itinapon si Rizal sa Dapitan. Ang organisasyon ng Katipunan, halimbawa, ay katulad ng istruktura ng La Liga Filipina. Sa mga unang buwan ng Katipunan ay dinalaw si Rizal ni Pio Valenzuela, isa sa mga lider ng Katipunan, upang hingin ang kanyang opinyon at payo para sa pinaplanong himagsikan. Tatalakayin ng susunod na modyul ang rebolusyon laban sa Espanya.

!

73

! Markahan 2 Gabay ng Guro 4 Gawain Pagsibol ng Kamalayang Pilipino Himagsikan para sa Kalayaan 1. Ang Katipunan at ang pagmamahal sa bayan 2. Deklarasyon ng kalayaan sa Kawit 3. Ang Saligang Batas ng Malolos Walo (8)

Oras

GABAY NG GURO Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan
Nilalayong ipakilala ng modyul ang mga layunin ng himagsikan at ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng Pilipinas. Lima ang primaryang sangguniang susuriin sa mga araling nakapaloob sa modyul: 1. Kahulugan ng pagmamahal sa bayan 2. Layunin ng himagsikan at ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng Pilipinas 3. Kahulugan ng kalayaan mula sa pananaw ng himagsikan at mga kaugnay na konsepto katulad ng soberanya at kasarinlan 4. Konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago 5. Konsepto, uri at kahalagahan ng karapatan 6. Kahulugan ng kapangyarihan sa pananaw ng himagsikan Inaasahang matututunan ang sumusunod na kakayahan. Pamantayan sa Pagganap Nakauunawa ng kahulugan ng pagmamahal sa bayan Nakauunawa ng mga aral ng Katipunan at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan Naipaliliwanag ang mga konsepto ng kalayaan, kasarinlan at soberanya Nabibigyang kahulugan at kahalagahan ang konsepto ng karapatan Naipaliliwanag ang konsepto ng kapangyarihan base sa mga sinulat ng mga rebolusyonaryo 74 Kakayahan Naipapakita ang pag-unawa ng pagiging kasapi ng Katipunan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong, pagpili ng pangalan, at panunumpa bilang katipunero Naipaliliwanag ang ibig sabihin ng tula ni Bonifacio tungkol sa pagmamahal sa bayan Nasusuri ang mga aral (Kartilya) ng Katipunan at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan

• •

• •

!

! Pamantayan sa Pagganap Mapanuring nakababasa at nakasusuri ng mga sipi mula sa sinulat ng mga rebolusyonaryo Nakapag-uugnay ng mga problema noon at ngayon Nakapagtataya ng kahalagahan ng mga simulain ng himagsikan Kakayahan Nakasusuri at nabibigyang interpretasyon ang deklarasyon ng kalayaan, ang kahulugan nito at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan Nakakukuha at nakahihinuha ng impormasyon mula sa mga primaryang sanggunian Nabibigyang kahulugan ang mga batayang konsepto ng Saligang Batas ng Malolos katulad ng kalayaan, kasarinlan, soberanya, republika, karapatan Nakakukuha at nakapag-uugnay ng datos mula sa iba't ibang sanggunian Nakapaghahambing ng kahulugan ng kalayaan mula sa iba-ibang sipi Nakabubuo ng heneralisasyon tungkol na kahalagahan ng kalayaan sa mga kilusan sa ika-19 na siglo at sa kasalukuyan Nakapag-aayos ng datos mula sa sanggunian sa isang graphic organizer at naipapaliwanag ito sa klase Naipaliliwanag ang kaugnayan ng mga simulain ng himagsikan sa pagbubuo ng bansa sa kasalukuyan

• •

• •

!

75

!

Gawain 1. Ang Katipunan at ang Pagmamahal sa Bayan
1. Sagot sa mga tanong para sa nais maging miyembro ng Katipunan

a. Ano ang kalagayan ng Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol?

Maayos at matiwasay ang pamumuhay ng mga Pilipino. Mayroon silang mga hanapbuhay tulad ng pagsasaka, pangingisda, at pangangalakal.

b. Ano ang kalagayan ng Pilipinas ngayon sa panahon ng Espanyol?

Naghihirap ang mga Pilipino. Pinilit silang lumipat ng tirahan sa proseso ng reducción, magbayad ng tributo at magtrabaho sa polo. Inagaw ang kanilang lupa.

c. Ano ang magiging kalagayan ng Pilipinas kapag mapatalsik ang Espanya?

Magiging malaya ang mga Pilipino at giginhawa muli ang kanilang buhay. Makapagpapasya sila tungkol sa sarili nilang buhay.

!

76

! 2. Mga (nakasalungguhit) pangungusap na tumutukoy sa pagmamahal sa bayan

N.

K. K. K. M. A. N.

B

BRGY. _________________________ Aking ipinahahayag na sa kadahilanan ng pagkapasuk ko sa K. K. K. NG MGA A. N. B. ay naghandog ako ng isang mahalagang panunumpa sa ngalan ng Bayang tinubuan, at sa harap ng isang kagalanggalang na kapulungan nitong katipunan, na gugugulin ang lahat ng maigugugol at lahat ng minamahal ko sa buhay, sa pagtatangol ng kaniyang banal na Kadahilanan, hanggang sa abuting magdiwang, sukdang ikalagot ng hininga. Sa bagay na ito, isinumpa ko ring lubos na tutupad at susunod sa kaniyang Patnugutan at mga kautusan. Sa katunayan nito, aking itinala ang aking pangalan ng tunay na dugong tumatagbo sa aking mga ugat sa pahayag na ito. Ika ____________ taong 189__. araw ng buan ng ______________ ng

Tinaglay ko ang pamagat na __________________________.

3.

Sipi mula sa “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio Sagot sa Sariling Salita • • • • • • • • Dalisay Dakila Matatag, pangmatagalan Buong loob Hindi makasarili Inihahandog ang sarili para sa bayan Ipinagtatanggol ang bayan Kung kailangan, pati pamilya ay tatalikuran upang pagsilbihan ang bayan 77 Saknong a, b, c, d

Para kay Bonifacio a. Ano ang mga katangian ng pagmamahal sa bayan? b. Paano ipinapakita ang pagmamahal sa bayan? !

b, c

! Para kay Bonifacio c. Bakit mahalagang mahalin ang sariling bayan? 4. Sagot sa Sariling Salita Mahalagang mahalin ang bayan dahil ang ginhawa ng bayan ay para sa ikabubuti ng lahat. Saknong d

Sipi mula sa Kartilya ni Emilio Jacinto

Alituntunin (c): Ang kahalagahan ng tao ay hindi nanggagaling sa kanyang katayuan sa lipunan o edukasyon, o kulay ng kanyang balat at pisikal na anyo, kundi sa mabuting asal, paninindigan at pagmamahal sa bayan.

a.

b.

a. b.

a. b. a. b. a. b. !

Lahat ng Grupo Mahalaga ang Kartilya sa Katipunan dahil • sinaad nito ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan at kapwa at ang mga asal na nagsilbing pundasyon ng bansang Pilipino; • nagsilbi itong gabay sa pag-iisip, pagkilos at ugnayan ng mga miyembro ng Katipunan sa isa’t isa; • ito ang naging basehan ng kanilang pagkakaisa dahil iisa lang ang tunguhin at layunin ng kapatiran. Grupo 1 Walang kahulugan at kahalagahan ang isang buhay kung hindi ito iaalay sa isang makabuluhang layunin na mas malaki sa sarili at sa sariling pamilya at kaibigan. Hindi dapat gumawa ng mabuting bagay para lamang purihin ng iba kundi dahil sa sariling pagnanais na gumawa ng kabutihan at kahusayan. Grupo 2 Ang tunay na pagkatao ay makikita sa pagtulong sa kapwa at sa matuwid na isip at gawa. Lahat ng tao ay pantay-pantay anuman ang talino, pisikal na katangian at yaman ng bawat isa. Grupo 3 Para sa taong may mabuting kalooban, mas mahalaga ang puri at dangal kaysa sa pagpapakitang tao. Panindigan ang sariling salita upang magkaroon ng karangalan. Grupo 4 Ang oras ay napakahalaga at hindi maibabalik kapag lumipas; kaya hindi ito dapat iaksaya. Ipagtanggol ang mga inaapi at labanan ang mga umaapi. Grupo 5 Ang taong matalino ay maingat sa kanyang mga salita at marunong maglihim kapag kailangan. Sa buhay ang lalake ang nagsisilbing gabay. Kung tatahakin niya ang landas tungo sa kapahamakan, dito rin tutungo ang kanyang asawa at mga anak. 78

! Grupo 6 a. Ang babae ay dapat ituring na kasama sa bawat hakbang ng buhay. Dapat siya irespeto tulad ng pagrespeto sa sariling ina. b. Ang ayaw mong gawin sa asawa, anak, at kapatid mo ay huwag mong gawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba.

Gawain 2. Deklarasyon ng Kalayaan sa Kawit
Sipi mula sa deklarasyon ng kalayaan noong 12 Hunyo 1898 a. Ano ang ibig sabihin ng kasarinlan o kalayaan? Ang kalayaan ay ang pagsasarili ng bansa. • Hindi na kolonya ang Pilipinas. • May kakayahan ang Pilipinas na magdeklara ng digmaan o magpursigi sa kapayapaan. • Kapangyarihan din niyang makipagsundo sa ibang bansa at bumuo ng alyansa. • May kakayahan siyang magtakda ng patakaran sa kalakalan at lahat ng mga bagay na ginagawa ng isang independyenteng bansa. • Puting tatsulok: tanda ng Katipunan • Tatlong bituin: Luzon, Mindanao at Panay • Araw: landas na tinahak ng mga Pilipino tungo sa progreso at sibilisasyon • Walong sinag ng araw: mga lalawigang unang nag-alsa laban sa Espanya (Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, at Batangas) • Kulay asul, pula at puti: mga kulay ng bandilang Amerikano at tanda ng pasasalamat ng Pilipinas sa Estados Unidos dahil sa itinuring na tulong nito nang walang pansariling interes o motibo • Simbolo ito ng pagsasarili ng isang bansa. • Ito rin ay pormal o opisyal na simbolo ng republika sa harap ng mamamayan at sa mundo. Ang Estados Unidos ay itinuring na kaibigang nagpoprotekta at tumutulong sa Pilipinas. Mahalaga ang Estados Unidos dahil sa sumusunod na pagtukoy sa kanya sa deklarasyon ng kalayaan. • Dineklara ang kalayaan “sa ilalim ng proteksyon ng Malakas at Makataong Bansa, ang Estados Unidos.” 79

b. Ano ang mga sinisimbolo ng bandila: kulay, hugis, tatsulok, araw at bituin?

c. Ano ang kahalagahan ng bandila sa isang republika? d. Ano ang tingin ng Republika ng Pilipinas sa Estados Unidos? e. Ayon sa mga may-akda ng deklarasyon, mahalaga ba ang Estados Unidos sa Republika ng Pilipinas? !

! Tukuyin ang bahagi ng siping nagpapatunay ng iyong sagot. f. Paano kaya ipinagkasundo ang papel ng Estados Unidos at ang independensiya ng bagong republika? Ano ang tingin mo dito? Itinuring ang mga kulay ng bandila ng Estados Unidos na kulay din ng bandila ng Pilipinas bilang pasasalamat ng Pilipinas sa pagkakaibigan ng dalawang bansa. Sa tingin ng mg lider noon, hindi taliwas ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos sa kalayaan ng bansa. Naniwala sila na kaalyado ng mga Pilipino ang mga Amerikano sa rebolusyon laban sa Espanya. Nakapagtataka lang na inihayag ang kalayaan “sa ilalim ng proteksyon” ng dayuhang bansa. Kung tunay na nagsasarili ang Pilipinas, bakit siya umasa sa proteksyon ng iba?

Gawain 3. Saligang Batas ng Malolos
Sipi mula sa Saligang Batas ng Malolos, Enero 1899 Probisyong Nagpapatuna y ng Sagot Titulo I

Tanong a. Sino ang may hawak ng kapangyarihan? Paano ito naiiba sa kalagayan ng isang kolonya? b. Ano ang mga katangian ng Republika ng Pilipinas? c. Ano ang mga katangian ng gobyerno ng Pilipinas?

Sagot sa Sariling Salita Sa isang republika, ang kapangyarihan ay nasa taumbayan. Sa isa namang kolonya, ang kapangyarihan ay nasa dayuhang bansa. Ang republika ay malaya at nagsasarili; ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mamamayan. • Kinakatawan ng gobyerno ang taumbayan at ang tungkulin ng mga opisyal ay sa mamamayan. • Iginagalang at ipinagtatanggol ng gobyerno ang karapatan ng lahat. • Tatlo ang kapangyarihan ng gobyerno: gumawa ng batas, mamahala sa mga ahensiya ng goberyno, at magbigay ng hustisya. • Hiwalay ang gobyerno sa simbahan. 80

Titulo I

Titulo II, III, at IV

!

! d. Ano ang ibig sabihin ng karapatan? Ito ay kakanyahan ng isang tao na mag-isip, kumilos at magpasya nang malaya sang-ayon sa konstitusyon at batas at para sa ikabubuti at ikasasaya ng kanyang sarili, kapwa at bansa. • Pumili ng sariling relihiyon • Maghayag ng sariling opinion • Sumapi sa isang asosasyon • Magpetisyon sa pamahalaan Titulo IV

e. Dalawa ang uri ng karapatan: karapatan ng tao at ng lipunan o bansa. Magbigay ng tatlong halimbawa karapatan ng tao. f. Magbigay ng tatlong halimbawa ng karapatan ng lipunan o bansa.

Titulo III at IV

g. Base sa Konstitusyon ng Malolos, ano ang ibig sabihin ng kalayaan?

h. Ano ang kahalagahan ng Saligang Batas? Bakit ito kailangan?

Bilang grupo, magpadala ng Preambulo, petisyon sa gobyerno Titulo IV, VIII • Bilang grupo, bumuo ng sariling asosasyon • Maghalal ng kinatawan sa gobyerno Ang kalayaan ay ang pagtamasa Titulo I, II, at ng lahat (hindi lamang ng iilan) sa IV karapatan at kakayahang magpasya para sa kabutihan ng sarili at ng bayan. • Pinoprotektahan ng Saligang Batas ang mga karapatan ng mamamayan. • Ang Saligang Batas ay gabay sa ugnayan ng mamamayan at pamahalaan. • Ang Saligang Batas ay basehan din ng mga batas at patakaran ng bansa. • May nagsasabing ang Saligang Batas ay kaluluwa ng isang bansa dahil dito nakapaloob ang mga batayang simulain at hangarin ng sambayanan. •

!

81

!

Pagtataya

Ipakumpara ang kahulugan at katangian ng kalayaan ayon sa apat na siping sinuri sa modyul. Ipasagot ang tsart sa ibaba. Hayaang basahin ng mga mag-aaral ang mga sipi habang sinasagot ang tsart.

• •

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa • Ang kalayaan ay bunga ng pagmamahal sa bayan at dapat ipaglaban ito ng bawat isa. • Kapag malaya ang bansa, giginhawa ang lahat. • •

Deklarasyon ng Kalayaan • Ang kalayaan ay karapatan ng bansa na magpasya para sa sarili, at magtakda ng iba’t ibang kasunduang susulong sa bansa. • Kapag malaya ang bansa, ang kapangyarihan nito ay nanggagaling sa sambayanan at hindi sa ibang bansa. • Bilang simbolo ng kalayaan, may sariling bandila ang bansa na sumasagisag sa kanyang mga simulain.

Saligang Batas ng Malolos Ang kalayaan ay ang pagsasarili ng bansa. Ang kapangyarihan ng bansang malaya ay nanggagaling sa taumbayan. Bawat mamamayan ay may karapatan. Ang mga nanunungkulan ay inihahalal ng mamamayan at tungkulin nilang paglingkuran ang sambayanan.

Mga Aral ng Katipunan Ang kalayaan ng bayan ang nararapat na layunin ng bawat isa, na mas malaki pa sa kabutihan ng sarili at sariling pamilya. Upang lumaya ang bansa, kailangang labanan ang umaapi at ipagtanggol ang mga inaapi. Itong pagkilos ay ginagawa nang walang inaasahang pagpuri. Isang katangian ng kalayaan ay ang pagkapantay-pantay ng tao, anuman ang kanyang uring panlipunan, antas ng edukasyon o pisikal na katangian. Isa pang katangian ay ang magandang ugnayan ng mamamayan, kasama ang paggalang sa kababaihan.

!

82

!

Kaugnayan sa Kasunod na Modyul
Dito nagtatapos ang ikalawang markahan, simula sa mga pag-aalsa laban sa Espanya hanggang sa himagsikan noong 1896. Sa ikatlong markahan ay pag-aaralan ang susunod na kabanata ng kasaysayang Pilipino, mula sa pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas hanggang sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagtatag ng Republika ng Pilipinas noong 1946.

!

83

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->