P. 1
Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

|Views: 386|Likes:
Ang pagkokonekta ng Filipino Tutorial Videos Ni Mikey Bustos sa nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube.
Ang pagkokonekta ng Filipino Tutorial Videos Ni Mikey Bustos sa nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube.

More info:

Published by: Art Philippe Bucaneg on Sep 15, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/16/2014

pdf

text

original

1

NASYONALISMO NG MGA PILIPINO SA YOUTUBE ni Art Philippe P. Bucaneg Ang internet ay isang malaking komunidad na binubuo ng madaming computers and iba pang mga gadgets na may kakayahang ma-access ito. Ayon kina Leiner et. al., sa Brief History of the Internet, sa mga taong 1960s hanggang 1990s, ang internet ay nabuo. Nadebelop ang basehan ng internet, ang ARPANET1, sa mga taong 1960s hanggang 1972. Sa taong 1972 pinakita angkakayahan ng ARPANET bilang behikulo sa paggawa ng komunidad ng mga computers. Ngunit dahil nagkaroon ang ARPANET ng limitasyon gamit ang kasalukuyan nitong ginagamit na protocol o paraan ng mga computer upang “makipagusap” sa isa‟t isa, ang NCP 2, nadeblop ang TCP/IP3. Mas pinabilis ang koneksyon sa pagkadebelop ng TCP/IP sa taong 1973 ngunit di ito ginamit hanggang umabot sa 1983. Sa pagiging pampubliko ng ARPANET, binigay ang katawagang “internet”, galing sa pinaikling “internetworking”. Lumaki ng lumaki ang internet, kaya nadebelop ang mga gateways. Gamit ang gateways, mas maayos ang pagdaloy ng datos at mas mabilis ang koneksyon sa mga computer. Pag dating ng 1985, ang internet ay naitatag na ng maayos at madaming ng gumagamit, mas lalo na sa paglabas ng electronic mail o e-mail. Hindi nalayo sa commercialization ang internet, sa simula ng 1980s ay nagkaroon na ng mga pagpulong ang mga pribadong kompanya at mga taong may alam sa paggamit ng internet at ng TCP/IP upang mapagkitaan ang internet. Sa pagdaan ng madaming taon, ang internet ay lumaki ng lumaki, lumabas ang mga websites at kuna anu-ano pa. (1999) Ang internet ay dumating sa Pilipinas sa taong 1994. Ang PHNet, na binubuo ng pribado at gobyernong mga institusyon, ay matagumpay na nakakonek sa Sprint sa US at nakakuha ng bilis na 64KBps. Ngunit bago pa ang 1994, sa taong 1986 ay may local dial-up networks na pinapatakbo ng mga taong may mga interes at mga nalalaman sa networking. Ang komunidad ay

2

tinawag na Bulletin Board System (BBS). Itong lokal na BBS ay nakakonek sa mga internasyonal na BBS gaya ng Fidonet4. Sa taong 1995, nasabatas Public Telecommunications Act of the Philippines na binigyan ng kakayahan ang mga ibang organisasyon na makakonek sa internet at gumawa ng sarili nilang “websites” at maging daan upang ang mga ibang indibidual ay makakonek sa internet. Kahit nagkaroon ng mga problema at mga skandalo, tuloy-tuloy ang paggamit at pagpapahusay ng internet sa Pilipinas.(Austin, 2007) Isa sa maraming sites na makikita sa internet ay ang YouTube. Ang YouTube ay isa website na kung saan pwede kang manuod ng mga video. Ginawa ang YouTube nina Chad Hurley, Steve Chen at Jawed Karim sa taong 2005. Nakuha nila ang ideyang gumawa ng ganitong website dahil nahirapan silang mag-e-mail ng isang video kanilang kaibigan. Hindi nagging maganda ang simula ng YouTube sa kakulangan ng pera, ngunit nabigyan din ng pondo galing Sequioa Capital. Naging problema ang mga users na naguupload ng mga video na hindi gawa nila o may mga copyrighted materials. Naayos ito sa pamamagitan ng paggawa ng kontrata sa mga kompanya na gumagawa o pinanggalingan ng “copyrighted materials”. Ang mga kompanya na mismo ang naguupload na kanilang mga video o nakakakuha sila ng kabayaran sa bawat copyrighted materials na ginagamit ng users sa kanilang mga video ng walang paalam. At sa loob lamang ng dalawang taon, sa 2007, binili ng Google ang Youtube sa halagang $1.65 bilyon. Gamit ang katanyagan ng Google, mas lalong pang lumaki ang kasikatan ng YouTube. (Sanger, 2008) Sa 2011 datos ng Internet World Stats, mahigit 44.8% ng populasyon sa buong mundo na gumagamit ng internet araw-araw ay galing sa Asya. Ang Pilipinas naman ay umabot sa 2.9% ng populasyon sa buong Asya. Ayon naman saSa 2.9% naman na ito, 98.6% ang bumibisita sa YouTube araw-araw.

3

Ayon sa Ingles na pagsalin ng sanaysay ni Renan na ang Qu'est-ce qu'une nation?(What is a Nation?), ang pagiging nasyon ay hindi nakasalalay sa lahi, sa linguahe, sa relihiyon o sa tinahak nitong daan sa kasaysayan, ito ay nakasalalay sa kung anong nakalimutan at sa mga historical errors ng nasyon. Ang nasyon ay nasyon dahil sa dumaang mga karahasan sa nasyon. Isa sa mga konkretong halimbawa ni Renan ng isang nasyon ay ang tungkol sa mga Pranses: …the essence of a nation is that all individuals have many things in common; and also that they have forgotten many things. No French citizen knows whether he is a Burgundian, an Alan, a Taifale, or a Visigoth, yet every French citizen has to have forgotten the massacre of Saint Bartholomew,’ or the massacres that took place in the Midi in the thirteenth century… Isa pang importanteng salik ng pagiging nasyon ay ang patuluy-tuloy na pagsuporta at pagpapaganda ng nasyon. (sinipi sa Ely,G., Ely, S., Grigor 41) Nang nagkaroon na ng konretong kahulugan ang isang nasyon, nabuo ang teorya tungkol sa nasyonalismo. Ayon kay Gellner, ay nasyonalismo ay nagiging epekto ng pagkakaroon ng isang nasyon at protektahan ang sarili laban sa mga dayuhan o sa mga atake galing sa ibang nasyon. Upang makatatag ng ideya ng nasyonalismo, ang nasyon ay nangangailangan ng systema ng edukasyon, isang gobyerno, pagkakaroon ng isang kultura na ibinabahagi ng lahat ng mamamayan upang maging lehitmo ang gobyernong naitatag, linguaheng alam ng mamamayan, pambansang pagkakakilanlan, at pagkilala sa ibang mamamayan ng sariling nasyonalidad. (1) Ang nasyonalismo sa Pilipinas ay may mahabang kasaysayan ngunit nagsimula lamang sa dulo ng ika-19 siglo. Ang kahulugan ng Pilipinong nasyonalismo ay hindi nalalayo sa nabanggit na kahulugan ngunit ito ay napagsama sa ideya ng pagkamakabayan 5. Ayon kay Delos Santos, ang nasyonalismo sa Pilipinas ay naglalarawan ng dalawang bagay, ang pagkakaroon ng

4

nasyonal na pagkakakilanlan dulot ng pagkakaroon ng iisang pinagmulan, lahi at pangkulturang kaugnayan at ang pagkilos ng mga mamamayan upang panatiliin ang nasonalidad at ang kumpletong autoridad sa mga lokal at pangdayuhang suliranin. Ang nasyonalismo ng Pilipinas ang nagdudulot ng tuloy-tuloy na pag-unlad at pagpapanatili ng respeto sa batas. Ang nasyonalismong Pilipino ay naging pinakatanyag sa dulo ng ika-19 na siglo at dulot ito sa mga damdaming makabayan at mga nasyonalismong uliran. Bagaman may mga naunang mga pagkikilos laban sa mga Espanya, hindi ito dahil sa nasyonalismo o pagiging makabayan kundi dahil sa personal na mga kadahilanan o dahil sa pagtanggol ng mga teritorya. Ang resulta ng pwersang pangmakabayan at nasyonalismo ay ang Filipino Propaganda Movment ng mga ilustrados sa pagitan ng mga taong 1872 hanggang 1892. Sa tagal ng pagskop ng Espanya sa Pilipinas, ang matagal na pagdebelop ng nasyonalismo sa Pilipinas ay dahil sa pagiging makarehiyon at dahil sa heograpya ng Pilipinas. (102) Ayon kay Constantino, sa panahon ng Espanya hanggang sa napaalis sila ng mga ilustrado ay ang tinatawag na nasyonalismong pang-masa. Ang layunin nito ay ang sariling pulitika ng Pilipinas, malaya sa sakop ng ibang bansa o pagiging kolonya. Mas tumingkad ito sa pagdating ng mga Amerikano at ng mga Hapon. Habang nilalabanan ang mga dayuhan at nagtatatag sariling uri ng pulitika, nakalimutan na ang kahalagahan ng ekonomiya sa pagtatag ng isang nasyon. Muling kumapit ang Pilipinas sa Estados Unidos dahil sa pagiging “proAmerican” ni Ramon Magsaysay ngunit tinutulan ito ni Sen. Claro M. Recto. Natupad ang pagkalaya muli ng Pilipinas sa kampanya ni Pres. Carlos P. Garcia na gawing “Filipino First” ang patakaran ng mga Pilipinong kompanya. Dahil sa kampanyang ito, mas humusay ang nasyonalismo at mas madami na itong benepisyo na naibibigay sa Pilipinas. Nagagawa nitong protektahan ang Pilipinas sa mga dayuhan, mas nabigyang pansin ang mga Pilipinong kompanya

5

kesa sa mga dayuhang kompanya, kinokontrol ang mga produkotng niluluwas sa ibang bansa, binibigyan ng importansya ang kabutihan ng mga mamamayan at kahit na limitado and interaksyon sa mga dayuhang mga bansa, hindi ito tumitigil sa pagtulong sa pag-unlad ng nasyon. Binibigay ng uri ng nasyonalismong nito ang mensahe sa mga dayuhan na mas interesado ang nasyon na inuunawa ng mga dayuhan at nauunawaan ang mga dayuhan. Sa ideya ng nasyonalismong ito, para mas umunlad ang nasyon, binigyan ng importansya ang edukasyon tungkol sa Pilipinong nasyonalismo sa pagkukuro ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ang nasyonalismo ay nagbabago sa daloy ng kasaysayan gaya ng pagtatag ng uri ng nasyonalismong ito na naitatag dahil sa pagiging kolonya ng madaming dayuhan, tulad ng Espanya, Hapon at Amerikano. (1; vol. 2) Sa pagunlad ng technolohiya, hindi na maipagkakaila na ang isang nasyon at ang ideya ng nasyonalismo ay hindi na nangangailangan ng aktwal na mga pagkikilos. Ang nasyonalidad ay di na nangangailangan na nakalugar sa sariling teritoryo upang magpahiwatig ng nasyonalismo. Ayon sa papel na pananaliksik ni Eriksen, ang mga gumagamit ng internet upang ipahiwatig ang kanilang nasyonalismo o ang hiling ng mas pinahusay na nasyonalismo ay nakabuo ng isang birtual na komunidad ngunit hindi pa nitatatag ng maayos ang ideya ng isang nasyon. Ang gobyerno at edukasyon ay hindi maitatag dahil sa pagkakahiwalay sa aktwal na mundo, ngunit napapabilang naman sa isang aktwal na nasyon, na may aktwal na gobyerno at edukasyon, ang bawat mamayan ng birtual na komunidad na ito. Ang “nasyonal” na linguaheng ginagamit ay ingles upang karamihan ng mga guamgamit ay maaring makipag-usap. Para sa mga mamamayan ng birtual na komunidad na ito, ang layunin ay ang ipahiwatig ang mga problema at ipakita ang kagandahan o kabutihan ng mga kanikanilang nasyon sa mga miyembro ng tinatawag na global village6. Dahil madami pang ibang birtual na komunidad na kakompitensya, mahirap

6

makakuha ng pansin galing sa global village. Ang pagkakaiba ng mga birtual na komunidad sa isa‟t isa ay ang bansa kung saan madami ng mga gumagamit ay nagmula. Nagkakaroon ng sagupaan dahil sa pgkakaibang ito. Tulad ng paglalaban ng teritoryo sa lupa, nagkakaroon na rin ng mga away ukol sa pagkakaroon ng “teritoryo” sa birtual na komunidad, karamihan ng naapektuhan ay ang mga maliliit na grupo o ang mga etnikong mga grupo. Ang resulta ay nagkakaroon ng mga diskriminasyon sa mga birtual na komunidad. Malaking sakripisyo ang kinakailangan upang ipagtaguyod ang nasyonalismo sa internet, naipapahiwatig ang nasyonalismo sa internet ngunit may posibilidad na magkaroon ng kaaway na ibang nasyonalidad o sarili nasyonalidad. May mga elitista na may masasamang plano na hamakin ang nasyon ng iba, o kahit sariling nasyon nila, sa kaalamang di nila kailangan pagbayaran ang mga kaparusahan kung tumaas man ang karahasan. Hindi katulad ng aktwal na nasyon, ang nasyong gawa sa internet ay walang pinanghahawakan na teritoryo kaya ito hindi matatag. Maari pang magpatuloy ang nasyonalismo sa internet ngunit magigiba ito sa katagalan. Ang kailangan ay ang pluralism, o ang pagsasama ng dalawa o higit pang mga nasyon. (2006) Ang nasyonalismo sa internet ay parang pag-iindorso ng isang artista sa isang produkto. Ayon kay Tolentino, ang paraan ng pag presenta ng produkto at kung sino man ang nag prepresenta nito ay sumasalamin sa mismong katangian ng produktong prinepresenta. Dahil sa pagpresenta ni Aga Mulach sa Jollibbe, nabigyang ng imahe ang Jollibbe na hindi labis at hindi kulang ang kanilang produkto at serbisyo dala ng pagiging wholesome o pagiging balanse ni Aga Mulach. (49) Kahit hindi isang produktong nabibili ang isang nasyon, ang mga kilos ng bawat isa ay nakakaapekto sa imahe ng nasyon sa internet man o sa aktwal na mundo.

7

Sa kasalukuyan, ang YouTube ay pwedeng ituring na isang birtwal na komunidad, tulad ng Facebook at Twitter, ngunit ang paraan ng pagpapakita o pagpresenta ng nasyonalismo sa global village ay sa pamamagitan ng pag-upload ng mga videos at pagkoment sa mga videos na ito. Kung hindi sapat ang pagkoment, pwedeng magpost ng sariling video na tugon sa videong gusting komentan. Ang nasyonalimso ay laganap sa YouYube sa mga videos na ina-upload ng mga gumagamit nito. Hindi man direktang nasyonalismo ang layunin ng video, maaring kunin ang ideya ng nasyonalismo galing sa video. Isa sa mga tanyag na mga tao sa YouTube ay si Mikey Bustos at ang kanyang channel na MikeyBustosVideos. Si Michael John Tumanguil Pestano Bustos, o mas kilala sa Mikey Bustos, ay pinanganak at pinalaki sa Canada at kalahating Pinoy, at kalahating Canadian. Bago sumikat ang kanyang mga Filipino Tutorial Videos ay una siyang nakilala sa telebisyon sa Canada bilang kalahok sa isang palabas na ang Canadian Idol. Si Bustos ay lumabas sa palabas na pangwalo sa lahat ng sumali. Kahit na tanyag siya sa ibang bansa, hindi siya masyadong nakakuha ng pansin sa Pilipinas hanggang sumikat ang kanyang mga Filipino Tutorial Videos. Si Bustos ay isang magandang halimbawa ng nasyonalismo sa internet, kahit hindi siya ipinanganak at pinalaki sa Pilipinas, pinahiwatig niya sa YouTube ang nasyonalismo niya at pinakita niya na Pilipino parin siya. Siya ang kasalukuyang tinaguriang ambasador ng Pilipinas sa YouTube dahil sa kanyang mga Filipino Tutorial Videos. Ang kanyang mga Filipino Tutorial Videos ay mga serye ng mga video na nagtuturo kung paano maging Pilipino. Kung susuriin ang tema ng bawat video, ito ay umiikot sa kultura, katanginan at mga gawaing Pilipino. Ang pagpresenta ng bawat video ay sa isang nakakatawang paraan upang gawing kawili-wili ang mga video. Kahit wala naming estatistikong basehan ang mga video, maraming Pilipino naman ang nagkokomento at sumasang-ayon. Hindi naman layunin ni Bustos

8

na seryosohin ng mga manunuod ang mga pinapakita, gusto lang naman niyang ipagmalaki ang pagiging Pilipino niya at ipahiwatig ang Pilipino nasyonalismo sa internet, na parang pagpresenta lang ng produkto. Pinaliwanag naman niya na ang mga video ay galing sa kanyang mga naobserba o mga karanasan niya. Ang unang video niya sa Filipino Tutorial Videos, ang Filipino Accent Tutorial by Mikey Bustos, at ang Mikey Bustos Pinoy Lessons -Pinoy English- ay tungkol sa pagsasalita ng mga Pilipino ng Ingles. Sa unang tingin, tila isang insulto kung paano mag-ingles ang mga Pilipino, ngunit kung susuriin ng mabuti, natutunan parin ng mga Pilipino kung paano mag-ingles at tila ginawaan ng Pilipinong bersyon. Sa Filipino Accent Tutorial, binigyang pansin na natututunan naman ng mga Pilipino ang Ingles ngunit naiiba sa pagbigkas ng mga salita: ang tunog „f‟ nagiging „p‟, ang „v‟ ay nagiging „b‟ at ang tunog „th‟ ay nagiging „d‟ o „t‟. Ang naging dahilan ni Bustos kung bakit ganun mag salita ang mga Pilipino ay dahil sa impluensya ng Espanya. Binigyang pansin din ni Bustos ang paggamit ng mga Pilipino ng „siya‟. Sinabi niyang „siya‟ ay walang pagkakaiba kung tumutukoy ng lalake o babae, tila ba parang walang diskriminasyon sa lalake at babae sa wikang Pilipino. Sa dulo ng video, sinabi niya na pinagmamalaki niya na Pilipino siya dahil ang mga Pilipino ay mapagmahal. Sa video niyang Mikey Bustos Pinoy Lessons -Pinoy English-, ipinagmalaki niyang pangalawa ang Pilipinas sa pinakamagaling mag Ingles sa buong Asya at kahit na may karaniwang paraan ang mga Pilipinong magsasalita ng Ingles ay kaya pa nilang matutuo ng ibang paraan o accent. Pinaliwanag niya na nag-iiba talaga ang Ingles ng Pilipinas sa Ingles ng mga tagakanluran dahil ang ibang mga expresyon ng mga Pilipino sa Ingles ay direktang pagsalin ng mga expresyon sa wikang Pilipino. Tulad ng „I’ll go ahead‟, ito ay direktang pagsalin sa „mauna na ako‟. Ang popular na „for a while‟ ng mga Pilipino ay mali sa Ingles ng mga tagakanluran, ngunit ito ay direktang pagsalin ng „sandali‟.

9

Paliwanag ni Bustos na ang paraan na ito ng pagsasalita ng mga Pilipino ay paraan upang makilala ang nila ang mga kapwa nila Pilipino kung nasa ibang bansa. Hindi mahirap hanapin ang mga Pilipino dahil ang mga Pilipino ay likas na madaldal o makuwento at hindi maiiwasan ang ganitong mga paraan ng pagsasalita. Ang mga Pilipino ay mahilig kumain. Ang Filipino Dining Tutorial by Mikey Bustos, Filipino Balut Egg Tutorial by Mikey Bustos, Filipino Crab Eating Tutorial by Mikey Bustos, Filipino One-Day-Old Tutorial, at Filipino Coffee Tutorial by Mikey Bustos ay ang mga video ni Bustos na nagpapakita ng pakahilig ng mga Pilipino sa pagkain. Sa Filipino Dining Tutorial by Mikey Bustos, pinagmalaki ni Bustos ang pagkaing Pilipino bilang isa sa pinaka masarap sa buong mundo at pinakita niya ang mga karaniwang naaobserba kapag kumakain ang Pilipino. Ang una niyang pinakitang gawain ng mga Pilipino kapag kumakain ay ang pagdadasal, dahil sa pagiging relihiyoso ng mga Pilipino, at pinagmalaki niya na relihiyoso pati siya. Pinaliwanag niya na kapag ang Pilipino ay inoobserba nito ang mga ito: umupo ng tuwid, dalhin ang pagkain sa sarili, hindi nilalagay ang siko sa lamesa at ngumuya ng nakasarado ang bunganga. Pinpahiwatig ni Bustos na nirerespeto ng mga Pilipino ng lubos ang mga katakaran sa hapagkainan. Ipinagmalaki ni Bustos ang kakayahan ng mga Pilipino na kumain ng may kutsara at tinidor o ang gumamit ng kamay. Kapag gumagamit ng kutsara at tinidor, ginagawang episyente ng Pilipino ang pagkain kapag kumakain naman gamit ang mga kamay, ang Pilipino ay magandang kumilos dahil ang pagkain gamit ng kamay ay isang sining na naperpekto na ng mga Pilipino. Paalala ni Bustos sa mga hindi marunong kumain ang tatlong mga P sa ingles: pack, pick, and push with the tongue o isiksik sa mga daliri ang pagkain, kunin galing sa plato at itulak sa loob ng bunganga gamit ang hinlalaki. At sa huli, ipinagmalaki niya na hindi nagsasayang ng pagkain ang mga Pilipino, pati sa ibang mga video na tungkol sa pagkain pinakita ang

10

katanginang ito. Sa Filipino Balut Egg Tutorial by Mikey Bustos at Filipino One-Day-Old Tutorial pinakita ang kakaibang imahe ng Pilipinas pagdating sa pagkain. Ang balut ay itlog ng pato na niluto bago ito pumisa at ang one-day-old naman ay sisiw na niluto makatapos ang isang araw ng pagpisa nito. Sa video ng Filipino Balut Egg Tutorial by Mikey Bustos, ipapakita sana ni Bustos kung paano kumain ng ballot ngunit din niya dahil baka magalit ang PETA sa kanya at dahil ang mga Pilipino sa tingin niya ay mapagmahal, magalang, high-class at pasipista. Pinaliwanag ni Bustos na nakakalakas ng katawang ang pagkain ng balut at one-day-old, kinumpara pa niya nag balut sa karaniwang nilagang itlog at sinabi na ang balut ay isang nutritious rainbow dahil mas madmaing kulay ang nakikita sa balut kesa sa nilagang itlog at mas masustansya ito. Sa Filipino Crab Eating Tutorial at Filipino Coffee Tutorial by Mikey Bustos ay gumawa si Bustos ng mga paghahambing ng paraan ng pagkain ng alimango at pag-inom ng kape sa ibang nasyonalidad. Sa Filipino Crab Eating, mas nasusulit ng mga Pilipino ang pagkain ng alimasag dahil ang buong alimasag ang nakakain at walang tinitirang laman, kumpara sa mga iabng dayuhang bansa na paa lang ang kinakain. Sa Filipino Coffee Tutorial by Mikey Bustos naman, pinapakita na mas madaming klase ng pagkain ang pwedeng ihalo sa kape sa Pilipinas kesa sa donut ng ibang mga dayuhan, na tila ang nagiisang uri ng pagkain na pwedeng isama sa kape. Pinatutunayan lang na kakaiba ang karanasan ng pagkain kasama ang mga Pilipino. Pinagmamalaki ni Bustos ang talentong Pilipino at ang talino nito. Sabi ni Bustos, ang mga Pilipino ay pinapanganak na may talento sa sining at likas na malikhain, ito ay dumadaloy sa kanilang dugo, nananalaytay sa kanilang buto at nagdadala ng sigla sa kulturang Pilipino. Galing ito sa video niyang Uncanny Artistic Talents of Filipinos Tutorial by Mikey Bustos na nagpapahiwatig ng kagalingan ng mga Pilipino sa pagkanta, pagsayaw at sa iba pang uri ng sining. Mahilig ang mga Pilipino sa pagkanta at napapakita sa mga karaoke/videoke sa bawat

11

tahanan. Isa ang videoke/karaoke sa limang nangungunang mga bagay na ililigtas sa isang sunog, di man wais na gawin ito, masyadong binibigyang importnasya ng mga Pilipino ang pagkanta. Sa pagsayaw naman, hindi hinangaan ni Bustos ang footwork ng mga labanang eksena sa X-men dahil sa kaya itong gawin ng mga nag-Titinikling, kinupara niya si Human Torch sa mga nagPapandango sa Ilaw at sa tingin niya dapat palitan ang titulo nga palabas na So You Think You Can Dance? sa So You Think You’re Filipino. Kung titignan naman ang palabas na America’s Best Dance Crew, kung walang Pilipino, o kahit taga-Asya, ang isang grupo tinuturing silang mga underdog. Sa bawat uri ng sining na binanggit ay nag bigay ng mga halimbawa si Bustos, na hindi lang sikat sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Sa video namang How to Be a Filipino Artista Tutorial by Mikey Bustos, ipinagmalaki niya na ang mga artista sa Pilipinas ay hindi lang isa ang alam na uri ng talento, ang mga artistang Pilipino ay well-rounded, marunong sumayaw, kumanta o mag-LS o lip-synching, magmodelo, umarte, at magpresenta ng produkto. Ngunit nakakakuha ng pansin ang sinabi niyang kung mestizo o mas hindi Pilipino ang pagmumukha ay mas mataas ang pagkakataon na sumikat. Hindi naman pinapahiwatig ni Bustos na hindi mga Pilipino ang sumisikat sa Pilipinas, ang mga Pilipinong mas sumisikat sa Pilipinas ay may halong ibang nasyonalidad. Sila ang mga katulad ni Bustos na parte lang sa kanila ang Pilipino ngunit ipinagmamalaki nila na Pilipino sila. Dahil sa mga artistang Pilipino, tunay man o parte lang sa kanila ang Pilipino, mas pinagmamalaki ang pagiging Pilipino at mas ipinapahiwatig ang Pilipino nasyonalismo. Ngunit hindi lang talentado ang mga Pilipino, sa video niyang Filipino Freebies Tutorial by Mikey Bustos, pinapakita ang imahe ng Pilipinas kung saan kilala ang mga Pilipino bilang cheap. Mahilig ang mga Pilipino sa mga bagay na libre o mga walang bayad. Paliwanag ni Bustos na hindi naman pagiging cheap ang ginagawa ng mga Pilipino, ito ang pagiging matalas at maparaan ng mga Pilipino. Ito ang pagiging wais ng mga Pilipino sa making

12

the best of what is free. Nasasayangan ang mga Pilipino kung di tinatanggap ang mga libreng bagay, at hindi naman mahilig magsayang ang mga Pilipino. Natutunan na ng mga Pilipino kung paano makahanap ng libre o kung saan sila makakatipid ngunit hindi mawawalan ng kalidad. Ang mga Pilipino ay nagpapasalamat naman ng lubos sa mga biyayang nakukuha nila, lalo na pag libre ito. At dahil mahilig sa libre ang mga Pilipino, madaling kaibiganin ang mga Pilipino sa pamamgitan ng libre. Ang mga video ni Bustos ay may temang komedya dahil ang mga Pilipino ay likas na masayahin. Ang mga Pilipino ay madaming alam na paraan para magsaya, sa ano mang edad, galing sa pagiging sanggol, maging bata, hanggang sa tumanda. Sa video niyang Filipino Baby Games Tutorial by Mikey Bustos, pinakita ang mga paraan kung paano makipaglaro kasama ang bata at mga sanggol. Hindi man pinaliwanag ang dahilan, sinabi ni Bustos na dagdag tulong ito upang mas mahasa ang natural na talent ng mga Pilipino habang bata pa sila. Ang dahilan kung bakit magaling at nangunguna ang mga Pilipino sa maraming bagay ay dahil sa mga laro at aktibidad na ginagawa ng mga bata tulad ng close/open o pagbukas at pagsarado ng kamay, Ears, Eyes, Nose, Mouth, kung saan natututunan ng sanggol kung saan sa mukha ang tenga, mata, ilong at bunganga. Madami pang ibang mga paraan para makipag-laro sa sanggol ngunit para pangkasiyahan lang at para manatiling masigla at malusog ang sanggol. Pagdating ng pagka-bata, dumadaan ang mga Pilipino sa isang laruan na tinatawag na plastic balloon. Sa kanyang Filipino Plastic Balloon Tutorial by Mikey Bustos, pinakita ni Bustos na bukod sa plastic balloon ay may iba pang laro ang mga bata tulad ng pabitin, kapag may mga kaarawan at kasiyahan, at ang mga paper games na nangangailangan lang ng papel at panulat. Pinaliwanag ni Bustos ang kasaysayan at paraan ng paggamit ng plastic balloon, kinumpara niya ito sa bula na galing sa sabon at mga rubber na mga balloon. Pinagmalaki niya ang pagiging makabago ng mga

13

Pilipino sa pagdiskubre ng plastic balloon.Kumpara sa ibang klase ng bula, ang plastic balloon ay hindi madaling pumutok, kapag nabutasan ay isasara lang ang butas gamit ang mga labi at dahil nga hindi siya madaling masira o pumutok, mas matagal mapaglalaruan ang plastic balloon. Hindi delikado na gamitin ang mga labi dahil hindi nakakalason ang plastic balloon kahit paulit-ulit na sinabi ni Bustos na puro kemikal ang ginamit sa paggawa ng nito. Sabi pa ni Bustos, wala pa namang namamatay dahil dito. Kapag lumaki ang mga bata at umabot sa tamang gulang, ay matututo silang uminom. Ang paginom ay gustong libangan sa buong mundo, ngunit napapasaya at nagiging mas maganda ang karanasan kung ang kasama sa pag-inom ay mga Pilipino. Hindi naman lahat ng nasa tamang edad ay mahilig uminom, ngunit karaniwang paraan ito ng pagsasaya kasama ang pagkanta sa karaoke. Sa Pilipinas angm unang shot ng matapang na inumin ay tinatapon sa isang sulok upang ialay sa „demonyo‟. Pinaliwanag ni Bustos na isang tradisyon ito para hindi nakakasagabal ang demonyo sa kasiyahan. Kapag karaniwang alak naman ang iniinom, na iniinom sa halos lahat ng mga kasiyahan na may inuman, ay may kasamang „pulutan‟. Ang pulutan ang nagpapasaya ng mga inuman dahil, tulad ng balut at oneday-old mga kakaibang pagkain ang hinahain tulad ng headphones o tenga ng baboy, adiddas o paa ng manok, sisig o pisngi ng baboy, isaw o bituka ng manok o baboy, kwek kwek o itlog ng pugo, at betamax o nilutong dugo. Hindi nakukumpleto ang inuman kapag walang pulutan. Sa mga inuman, masayang kasama ang mga Pilipino dahil madaldal at masayang kausap, at karaniwan naman na maglalabas ng emosyon kung naka-inom, ngunit sobra sobrang emosyon ang mararanasan kung may kasamang Pilipino, kaya hindi sayang ang oras kasama ang mga Pilipino. Sa pagdiriwang ng Pasko, naiiba at mas sumasaya para sa mga Pilipino, pinaliwanag ito ni Bustos sa Filipino Christmas Tutorial by Mikey Bustos. Sa ibang bansa, ang Pasko ay nagsisimula na sa dulo ng Nobyembre at sa sula ng Disyembre, ngunit sa mga Pilipino,

14

Septyembre pa lamang ay mararamdaman mo na ang Christmas spirit. Nagsasabit na ng mga parol ang mga tao sa labas ng kanilang mga bahay at binubuksan na ang mga Christmas lights. Pinagmalaki ni Bustos na ang pasko ng mga Pilipino ay isang „green‟ na Pasko dahil hindi pumuputol ng mga puno ang mga Pilipino, may plastic lang na puna na napaghihiwalay at binubuo lang pag pasko. Tradisyon na rin ang Simbang Gabi sa mga Pilipino, ang pagismba ng maadaling araw sa loob ng siyam na araw. Kahit nakakapagod ang tradisyong ito ay hindi pinapansin ng mga Pilipino kasi rehilyoso ang mga Pilipino. Sa Bisperas ng Pasko ay nagkakaroon ng Noce Buena ang mga Pilipino, sa Noce Buena ay madaming pagkaing hinahanda at bukas ang bahay para sa lahat nga mga bisita. Madami ng nakukuhang mga regalo ang mga bata dahil sa mga ninong at ninang, pati ang mga nakakatanda ay madaming makukuhang mga regalo dahil sa extended family ng maa Pilipino. Ang pagkain ay masasarap pag dating ng Noce Buena at hindi ka mababagot dahil ang mga bata ay kumakanta at sumasayaw pati may mga nangangaroling. Pagdating sa kalinisan, pinaliwanag ni Bustos sa Filipino Skin Tutorial by Mikey Bustos at Filipino CR Tutorial by Mikey Busto sang mga kakaibang gawain, ngunit kamanghamanghang mga gawai ng mga Pilipino pagdating sa pag-alaga sa katawan. Sa Filipino Skin Tutorial by Mikey Bustos, pinagmalaki ni Bustos ang balat ng mga Pilipino. Madaling kilalanin ang isang Pilipino sa kanyang balat, hindi dahil sa kulay nito. Pinaliwanag ni Bustos na hindi magkapareho ang kulay ng mga balat ng Pilipino, may mga katangian ito na pang-Pilipino. Ang balat ng mga Pilipino ay madaming mga beauty marks ayon kay Bustos. Ang tinutukoy ni Bustos ditto ay yung mga nunal. Ang mg beauty marks, ayon kay Bustos, ay bigay ng panginoon sa mga Pilipino dahil ang mga Pilipino ay magaganda at guwapo. Ang kinalalagyan ng beauty mark ay may kinalaman sa ugali ng tao. Binigay na halimbawa ni Bustos ang sa taas ng kanyang labi, ito

15

ay nagsasaad na madaldal siya. Ang pag-iisip na ang mga beauty mark na ito ay galing sa diyos ay dahil sa pagiging maka-diyos at rehilyoso ng mga Pilipino, na pinagmamalaki ni Bustos. May pangkaraniwang bagay na ginagamit ang mga Pilipino sa paglilinis kanilang mga balat, isang bato. Ginagamit ng mga Pilipino ang bato para mapanatiling makinis ang balat at upang pumuti. Nabibighani ang mga Pilipino sa mga mapuputi ang mga balat, tulad ng mga dayuhan dahil ito ay nagsisimbolo ng mataas na istado sa buhay, nagsisimbolo ito ng kayamanan dahil hindi kailangan tumagal sa ilalim ng araw para magtrabaho. Masama nga itong pakinggan, pero ang dahilan lang nito ay hinahanggan ng mga Pilipino ang mga dayuhan. Ngunit para sa mga dayuhan, ang mas magandang kulay ng balat ay ang mas maitim dahil mas kaya nilang magbakasyon sa mga dagat at sa mga maaraw na mga lugar. Binigyan diin ito ni Bustos dahil hindi dapat mahiya ang mga Pilipino sa kulay ng kanilang balat, dahil ang hinahangaan nilang mga “matataas ang istado”, ibang mga dayuhan, tulad ng mga nakatira sa Hilagang Amerika, ay gustong magkaroon ng kulay tulad ng sa mga Pilipino. Dapat hindi mainggit ang mga Pilipino sa mga dayuhan, dahil nasa mga Pilipino na ang minimithi ng mga dayuhan. Bagaman binigyang diin ito ni Bustos, tuloy parin ang pagbigay niya ng mga paraan upang alagaan at pumuti ang balat. Sa dulo ng video ipinagmalaki ni Bustos na ang balat ng mga Pilipino ay hindi madaling tumanda at pinayuhan ang mga Pilipino na magpakasal sa kapwa Pilipino upang panatilihin ang magandang balat ng mga Pilipino. Ang sunod ay ang Filipino CR Tutorial by Mikey Bustos, tungkol sa tinaguriang „CR‟ ng mga Pilipino. Ang karaniwang banyo ay naiibia sa Pilipinong „CR‟ o comfort room. Ang comfort room ay ang Pilipinong bersyon ng bathroom. Sa CR, hindi lang nalilinis ang katawan, dito nakakaramdam ng pagpapahinga at ginhawa. Naiiba ang CR sa banyo ng mga dayuhan, unang-una at ang pinakaimportanteng dahilan kung bakit Pilipinongpilipino ang CR, ay dahil sa tabo. Ang tabo ang spesyal na gamit pag hinuhugasan ang labasan

16

ng dumi pagkatapos magdumi, dahil hindi sapat ang tissue paper lamang. Kahit ano ay pwede maging tabo: platstik na lalagyan, pitsel o coffe dispenser. Ang karaniwang disenyo ng tabo ay ang may hawakan. Maliban sa tabo, ginagamit din ng mga Pilipino ang kanilang kamay at sabon para siguraduhing malinis ang labasan ng dumi. Para makatipid ang mga pampublikong CR, ang mga nasa loob lamang ay ang tabo at tubig at dapat pinupuno ng tubig ang tabo bago pumasok sa cubicle. Ang dahilan ay para makatipid sa tissue paper. Ang tissue paper ay binibili bago pumasok. Kung susuriin, matatawag na eco-friendly ang mga Pilipino dahil ayaw nilang magsyang ng tissue paper. Ang tubig kasi ay pupupunta pa sa drainage at pwedeng gamitin ulit. Makikita din sa loob ng karaniwang CR na nililiguan ang isang bato. Ang batong ito ay para matanggal ng mas maigi ang dumi sa balat ang nakakaputi ng balat. Pati malamig na tubig ang gamit para mabilis ang pagligo at hindi nakakasyang ng tubig habang naliligo. Sa pagkabata, halos lahat ay dumadaan sa tabo training. Ito ang sumasanay sa mga batang Pilipino na matutong gumamit ng tabo mag-isa. Ito ang unang responsibilidad na binibigay sa mga bata, pati upang maging disiplinado. Pagdating naman sa paglalakbay, ipinagmalaki din ni Bustos ang ang pamamaraan ng mga Pilipino pag dating sa paglalakbay sa videong Filipino Traveller Tutorial by Mikey Bustos at pinasilip ang wildlife sa Pilipinas sa video niyang Filipino Wildlife Tutorial by Mikey Bustos. Sa Filipino Traveller Tutorial by Mikey Bustos, pinakita ang mga gawain ng mga Pilipino pagdating sa paglalakbay. Sa simula ay sinabi ni Bustos na ang mga Pilipino ay nasa proseso na ng pagsakop sa buong mundo, na ang Pilipino ang super race at ang mga Pilipino ay kahit saan lamang. May katotohanan ang mga sinabi niyang ito dahil madami na sa mga Pilipino ang nangingibang bansa para magtrabaho o para manirahan sa iabng bansa dahil may napangasawang dayuhan o dahil gusto lang mag-migrate. Nakakalat na sa buong mundo ang mga Pilipino.

17

Ngunit kahit nagkahiwaly-hiwalay na, sinabi ni Bustos na malakas parin koneksyon ng bawat Pilipino kahit nagkakalyo. Kahit malayo ang mga Pilipino sa isa‟t isa, maayos parin na na napapahiwatig ang nasyonalismo ng Pilipino sa pamamagitan ng internet. Kung sakali mang naglalakbay sa dayuhang lugar, ang unang paraan para makilala ang mga Pilipino ay sa paraan ng paggamit ng „psst…‟ Kahit sinong Pilipino ay lilingon sa pagkakarinig nito dahil it ay isang uri ng pagtawag ng atensyon ng mga Pilipino. Kapag ang magtatanong ng direksyon sa mga Pilipino, mahilig ang mga pilipinong tumuro gamit ang kanilang mga labi. Hindi mapagkakaila na kung ang paraan ng pagturo ng direksyon ay sa labi, isang Pilipino. Sa paglalakbay, masisiguro na merong mga litratong kukunin, pero ang mga Pilipino ay wagas kung makapagkuha ng litrato, lalong-lalo na pag dating sa destinasyon, upang siguraduhin na nakaabot sila ng maayos. Ang mga Pilipino ay parating konektado sa isa‟t isa dahil mahilig makipagkuwento at magbahagi ng mga litrato. Kapag nalalayo sa Pilipinas, babalik at babalik din dahil sa pagamamahal nila sa inang bayan. Kahit ang gma katulad ni Bustos, mga Pilipino na pinanganak at pinalaki sa ibang bansa, ay gugustuhin na bumalik o kahit makabisita sa Pilipinas. Pagkatapos pagusapan ni Bustos ang gma Pilipino at paano sila maglakbay, pinausapan niya sa videong Filipino Wildlife Tutorial by Mikey Bustos ang kagandahan ng Pilipinas bilang isang lugar na paglalakbayan. Pinakita niya ang ilan sa mg mga kakaibang mga hayop na matatagpuan sa Pilipinas. Sinabi ni Bustos na nag Pilipinas ay puno ng kakaibang uri ng mga hayop. Ilang lang sa mga pinakita niya ang mga ibon, mga unggoy, mga paniki, ang malalaki nitong mga daga, mga langgan nito, ang napakalaking mga ipis at ang madaming mosquito. Ang pinakita niya ay halos yung mga nakakayamot na mga hayop tulad ng ipis, langgam at mosquitos. Ang dahilan ay ang mga Pilipini ay mahilig sa mga hayop. Pinepresenta parin ni Bustos ang mga hayop sa dahilan na ang mga hayop totoong nakakaiba. Sinasabi ng dalawang mga video na ito

18

na kahit sa Pilipinas o sa ibang bansa, basta‟t may Pilipino, lalalabas din ang pagiging tunay na Pilipino at mag papakita ng nasyonalismo, sa internet man o sa aktawl na mundo. Pagdating sa kakatakutan, hindi nagpapatalo ang mga Pilipino, sa Filipino Mythical Creatures Tutorial by Mikey Bustos, pinakita ni Bustos ang iba sa mga mythical creatures ng Pilipinas. Ang dahilan ng mayamang kultura ng Pilipino sa mga mythical creatures ay dahil ang nawawalng siyudad ng Lemuria ay matatagpuan sa Pilipinas. Ang moomoo ay ginagamit pangtakot sa mga bata tuwing nagiging makulit sila. Hindi alam kung anu ang itsura ng mga moomoo, pero ayon kay Bustos, dahil sa nakakatakot ng pamamaraan ng pagsabi ng kanyang magulang tungkol sa moomoo, tiyak na ito ay nakakatakot. Nauugnay sa moomoo ang aswang, ito ang kumakain ng mga hind sanggol sa tiyan ng mga ina. Ang sunod ay ang sirena, na isang kakaibang nilalang na may buntot ng isda at katawan ng tao, na nangangain ng ibang tao. Kuwento ni Bustos, habang nanunuod ng Little Mermaid, akala niya ito ay isang horror movie. Sa isang typical na batang Pilipino na namulat sa mga ganitong kwento tungkol sa mga sirena ay maiisip niya rin na nakakatakot ang Little Mermaid. Meron tanyag na duwende na naninirahan sa mga paahan ng puno. Ang mga duwende ay pwede maging mabait at pwede maging masama, depende sa pagtrato sa kanila ng mga normal na tao. Hindi na naman isang magandang karansan ang Snow White and the Seven Dwarfs para kay Bustos. At siyempre, ang pinakapopular na mythical creature sa Pilipinas ay ang white lady, na parating nakikita sa ilalim ng mga puno ng balete. Maliban sa mga nilalang na ito, madami pang mga mythical creatures ang Pilipinas. Ang bawat video na nabanggit at nasuri ay nagpapakita ng mga gawain, kultura at mga katangiang Pilipino, ang mga susunod na mga videong ay mga video na ang pokus ay ang mga kabutihan ng mga Pilipino. Pinapakita sa Traditional Filipino Courting Tutorial by Mikey Bustos ang pagiging mapagmahal at matiyaga. Madami pang ibang mga kagandahang asal ang makikita

19

sa video ngunit nakadiin sa dalawang katangiang nabanggit ang video. Kinumpara ni Bustos ang panliligaw ng mga Pilipino sa panliligaw na ginagawa ng mga taong napagmamasdan niya sa mga bar sa Canada, sa Canada, mabilis lang ang proseso ng pagkakaroon ng nobya at mataas ng posibilidad ng pagtanggi ng mga babae. Sabi ni Bustos, masyadong mabilis ang mga pangyayari pag dating sa panliligaw sa Canada, kaya niya ipinagmalaki ang istilo ng panliligaw ng mga Pilipino. Pinaliwanag ni Bustos na matagal at galante ang proseso ng panliligaw at mataas ang posibilidad na hindi tanggihan ng babae. Ito daw ay binubuo ng tatlong yugt: Teasing Phase, Serious Stage at Physical Union. Sa Teasing Phase, ito yung parte ng panliligawan kung nasa itnitatag ang koneksyon sa pagitan ng ng lalake at babae dahil sa panunukso galing sa grupo ng lalake at grupo ng babae. Tumutulong ang mga kaibigan sa yugtong ito. Upang mapahiwatig ng lalake ang interes sa babae ay mag bibigay siya ng expresyon ng pagkainteres, naging halimbawa ni Bustos ang „beautiful eyes‟. Kapag di pinansin ng babae ang epresyon ng lalake, sabi ni Bustos, wag mag-aalala dahil hindi ito pagtanggi ng babae, dahil wala pa namang kahit anung relasyon na namumuo, tinatatag lamang ang interes ng lalake sa babae. Ngunit pag tinanggap ng babae ang pagpaparamdam ng lalake, ang babae naman ang magbibigay ng expresyon ng pagkainteresado. Ang pangalawang yugto, o ang Serious Stage ang pinakamatagal. Sa yugtong ito, naitatag na ang interes ng lalake at babae sa isa‟t isa. Ngunit di pa pwedeng manligaw ang lalake dahil kelangan pa niyang tiyakin na pumapayag na ang babae na manligaw ang lalake, may mga kaso kasi na nagkakagusto ang lalake at babae sa isa‟t isa ngunit hanggang gusto lang, hindi gusto ng babae na manligaw ang lalake. Sa ganitong situasyon, pumapasok ang isang human bridge o mutual friend. Ang mutual friend ang magkukumpirma sa tunay na nararamdaman ng babae. Lalabas ang tatlo at magpapanggap na pupunta ng CR ang lalake, dito na magtatanong ang mutual friend. Kapag hindi pumayag ang babae, hindi ito pagtanggi dahil hindi pa naman

20

nanliligaw ang lalake sa babae, kapag pumayag ang babae, tuloy na ang panliligaw, ngunit may dalawa pang taong kelangan pagdaanan ang lalake: ang mga magulang ng babae. Ang lalake ang magpapakilala sa sarili niya sa unang pagkikita sa mga magulang ng babae at magtatanong kung pwede bang manligaw. Ngayon, paano kung hindi pumayag ang mga magulang? Hindi na ito mangyayari dahil kung hindi pumapayag ang mga magulang, hanggang dun lang ang lalake sa parte kung saan nagtanong si mutual friend sa babae. Ang gamit ng pagpapakilala ay paraan ng paggalang at pasasalamat ng lalake sa magulang ng bababe sa oportunidad na ligawan ang anak nilang babae. Sa mga sususnod na bisita ng lalake ay magtatanong muna ang mutual friend, na pati magulang ng babae ay kilala siya, kung pwede ng bumisita. Kada bisita ay may dalang mga pasalubong o mga regalo. Sa parte ng yugtong ito, magiging pakipot na ang babae, normal ito para subukin ang pagmamahal ng lalake sa babae. Panlabas lang naman ang pagiging pakipot, pero hindi parin maitatago ang tunay na nararamdaman. Mahaba ang ligawan bago maging magnobya ang dalawa. Kung may plano ng magpakasal ang dalawa, ang babae naman ang ipakikilala ng lalake sa kanyang mga magulang upang tanggapin ang babae na magiging parte na nag pamilya ng lalake. Magkikita naman pagkatapos ang mga magulang ng lalake at babae upang pag-usapan ang mga bagay-bagay, na sa huli ay patungo sa huling stage, ang Physical Union. Ang Physical Union ang yugto matapos ang kasal. Pinagmalaki ni Bustos na mas exciting at mas gratifying ang paraan ng panliligaw ng mga Pilipino dahil matagal nabubuo ang relasyon at mas matibay ang nagiging samahan ng lalake at babae. Sa videong Mikey Bustos Pinoy Lessons -Filipino Politeness-, pinakita ang pagsisikap ng mga Pilipino na maging magalang sa ibang tao. Ang pagiging magalang ng mga Pilipino ay galing sa „hiya‟ ng mga Pilipino. Ang „hiya‟ ay ang pagiging mahiyain ng mga Pilipino, ito ang naging basehan ng pagiging magalang ng mga Pilipino dahil nahihiya ang mga Pilipino na lamangan ang kapwa kaya nagiging

21

magalang ang mga Pilipino. Binigay na halimbawa ni Bustos ay sa tuwing bibigyan ang mga Pilipino ng pagkain, karamihan ng Pilipino ay magiging magalang at mahihiyang humingi. Wala namang mali kung kumuha, dahil nagiging magalang din naman ang nagbibigay ng pagkain dahil nahihiya siyang kumain habang ang mga katabi ay walang pagkain. Kilala pati ang mga Pilipino sa pagiging mas magalang at pagpapakita ng respeto sa mga nakakatanda. Sa Mikey Bustos Pinoy Lessons -Respect For Elders- pinakita na may mga paraan ang mga Pilipino upang magpakita ng rspeto sa mga nakakatanda. Ang pagmamano po ay isang gawain ng mga Pilipino kung saan ang kamay ng nakakatanda ay nilalagay sa noo ng nakakabata. Ang pag mano po ay impluensya ng Espanya sa Pilipinas, ito ang paraan ng pagrespeto ng mga Pilipino sa mga pari, ngunit sa halip na ilagay ang kamay sa noo ay hinahalikan ang kamay. Merong tinatawag na „po‟ at „opo‟ ang mga Pilipino. Dinadagdag ang „po‟ sa mga pangungusap upang ipahiwatig na nagbibigay respeto sa kinakausap na nakakatanda. Ang halimabawa ay ang: kumain na po ba kayo? Ang „opo‟ naman ang kombinasyon ng „oo‟ at „po‟ at isang uri ng pagtugon o pagsangayon sa sinasabi ng nakakatanda. Merong kakaibang paraan ng pananalita ang mga Pilipino ng pagtawag sa mga kaibigan ng kanilang mga magulang, ang paggamit ng tito at tita. Kahit hindi kamag-anak, sanay na sanay ang mga Pilipino na tinatawag na tito, ang mga kaibagang lalake, at tita, ang mga kaibigang babae, ng mga magulang, para ipakita ang respeto. Ipinagmalaki ni Bustos ang pamamaraan na ito dahil sa Amerika, gamit ang unang pangalan ang pagtawag at pagusap nila sa mga nakakatanda sa kanila. Taglay na mahiyain ang mga Pilipino, na nabanggit na sa pagpapaliwanag ng Mikey Bustos Pinoy Lessons -Filipino Politeness-, sa Filipino Receiving Compliments Tutorial by Mikey Bustos, pinakita ang mas mahiyain at medyo hindi mahiyaing imahe ng mga Pilipino. Pinaliwanag ni Bustos na mapagkumbaba ang mga Pilipino, at nahihiya kapag pinupuri ang good looks, natural talent at innate intellect ng mga Pilipino o sa

22

halos lahat ng uri ng papuri. Nahihya man ang mga Pilipinong makakuha papuri, sa loob-looban ay gustong-gusto nilang makauha at mas lalong gusto nilang magbigay ng mga papuri. Ang mga Pilipino ay may matalas na mata na nakakakita ng mga pagbabago sa mga kapwa Pilipino, kaya agad nakakakita ng pwedeng ipuri. Pinagmamali din natin ang kwento ng pagtagumpay ng mga Pilipino sa buong mundo. Ngunit pag binigyan na ng mga papuri ay pinapalitan ang pinaguusapan upang balewalain ang papuri o pinapasa sa ibang tao, ang ibang naman ay nagpapanggap na bingi o di pinapansin ang papuri upang ulit-ulitin ng pagsabi. May gawain din ang mga Pilipino na nagpapalitan ng mga papuri o ang yoyo method, nagiging walang katapusan ang palitan hanggang makabigay ng tinatawag na super combo na paupri na mahirap ibalik sa kausap. Merong tinawag na negation technique kung saan magbibigay ang pinupuri ng masamang komento tungko sa papuri sa kanya. Halimbawa ni Bustos ay nang pinuri ang isang lalake na lumabas sa pahayagan, ang naging komento ng lalake ay kung gaano siya kapangit din sa litrato. Bihira lamang tumanggap ng mga papuri ang mga Pilipino at minsan pinapataas nila ang lebel ng papuri at ginagawang biro. Ang pagiging aktibo ni Bustos sa YouTube at sa internet ang nagtaguyod ng nasyonalismong Pilipino sa internet. Ang mga video ni ang nagsisilbing basehan ng mga Pilipino bilang halimbawa ng nasyonalismo. Kahit madaming mga negatibong komento, nagtaguyod parin ang Pilipinong nasyonalismo sa internet dahil pinagtanggol ng mga Pilipino ang sarili nila sa mga negatibong komento. Hindi naman perpekto ang global village kaya hindi maiiwasan ang diskriminasyon. Sa ganun pa man, nanatiling matatag ang nasyonalismo ng Pilipino sa internet.

23

ENDNOTES
1

Advanced Research Projects Agency Network NetWare Core Protocol Transmission Control Protocol/Internet Protocol Ito ay network ng mga computer na ginagamit sa mga Bulletin Board System Ang direktang pagsalin nito sa ingles ay Patriotism. Ito ay hindi magkatulad sa nasyonalismo.

2

3

4

5

6

Ang tinutukoy na global village ay ang internet bilang isang komunidad

24

BIBLIOGRAPIYA "Asia Internet Usage Stats Facebook and Population Statistics." Asia Internet Usage Stats Facebook and Population Statistics. Miniwatts Marketing Group, 31 Dis. 2011. Web. 11 Set. 2012. <http://www.internetworldstats.com/stats3.htm>. "The Nationalism Project: Ernest Renan Defining the Nation." The Nationalism Project: Ernest Renan Defining the Nation. Ed. Eric G. E. Zuelow. N.p., n.d. Web. 11 Set. 2012. <http://www.nationalismproject.org/what/renan.htm>. Atienza, Bea. "Philippines - Digital Statistics." Philippines - Digital Statistics. N.p., 18 Mayo 2010. Web. 11 Set. 2012. <http://www.slideshare.net/beaa/philippinesdigital-statistics-4142217>. Austin, Jean. "The Evolution of the Internet in the Philippines." Scienceray. N.p., 21 Hul. 2007. Web. 11 Set. 2012. <http://scienceray.com/technology/information/theevolution-of-the-internet-in-the-philippines/>. Constantino, Letizia R. "What Is Nationalism?" Issues without Tears: A Layman's Manual of Current Issues. Vol. 2. Quezon City, Philippines: Karrel, 1984. 1-6. Print. Delos Santos, Andres. "Nationalism and Patriotism." Lecture. Norby's Site-NSTP Notes. 19 Abr. 2011. Web. 11 Set. 2012.

<http://images.norbybautista.multiply.multiplycontent.com/attachment/0/Ta49DQ ooCzkAACj4UU1/Lesson%208%20Nationalism.pdf?key=norbybautista:journal:2 0&nmid=436309148>.

25

Eriksen, Thomas H. "Nations in Cyberspace." Lecture. London School of Economics. 27 Mar. 2006. Nations and Nationalism. Web. 11 Set. 2012.

<http://tamilnation.co/selfdetermination/nation/erikson.htm>. Filipino Tutorial Series With Mikey Bustos. Dir. Mikey Bustos. Perf. Mikey Bustos.YouTube. MikeyBustosVidoes, 25 Peb. 2011. Web. 11 Set. 2012. <http://www.youtube.com/playlist?list=PL9B438671956F1B53>. Gellner, Ernest. "Definitions." Nations and Nationalism. 6th ed. Ithaca, New York: Cornell University Press, 1983. 1-7. Boston Colleges Library, 2006. Web. 11 Set. 2012. <http://digilib.bc.edu/reserves/po400/chris/po40003.pdf>. Leiner, Barry M., Vinton G. Cerf, David D. Clark, Robert E. Kahn, Leonard Kleinrock, Daniel C. Lynch, Jon Postel, Lawrence G. Roberts, and Stephen Wolff. "A Brief History of the Internet." A Brief History of the Internet. N.p., 23 Ene. 1999. Web. 11 Set. 2012. <http://arxiv.org/html/cs/9901011v1/>. Sanger, Steve. "Youtube Success Story. How Did It Happen?" Web log post. Youtube Success Story. How Did It Happen? N.p., 15 Hul. 2008. Web. 11 Set. 2012. <http://www.worldtvpc.com/blog/youtube-success-story-how-did-it-happen/>. Tolentino, Roland B. "Aga Muhlach at Ang Wholesome Na Pakete." Richard Gomez at Ang Mito Ng Pagkalalake, Sharon Cuneta at Ang Perpetwal Na Birhen at Iba Pang Sanaysay Ukol Sa Bida Sa Pelikula Bilang Kultural Na Texto. Pasig City, Philippines: Anvil, 2000. 49-61. Print.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->