P. 1
Ang Panitikan Sa Panahong Kasalukuyan

Ang Panitikan Sa Panahong Kasalukuyan

1.0

|Views: 26,864|Likes:
Published by Val Reyes

More info:

Published by: Val Reyes on Sep 17, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/10/2015

pdf

text

original

Sarbey sa Panitikan

Panitikan sa Kasalukuyan
I. Panimula KALIGIRANG KASAYSAYAN Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin ng may labing-apat na taon. Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 nito ay namayani ang tinatawag na ―PEOPLE‘S POWER‖ o LAKAS NG BAYAN. Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nasaksihan ng mga mamamayan na tunay na tatak-Pilipino. Sa apat na makasaysayang araw ay naroon ang magkakahawak-kamay at balikat sa balikat na Barikada, higaan sa kalye, pagsalubong ng mga ngiti, pagmamakaawa, pagsasabit ng mga bulaklak sa mga taong nasa tangke na lulusob sana sa pinararatangang dalawang ―rebelde‖-ENRILE-RAMOS, ‗pagkat sumama na sa pangkat ni Aquino. Muling naipamalas ng mga Pilipino ang samahang bayanihan tulad ng pagbabahagi ng mga pagkain at inumin. Lumabas ang ganda ng pag-uugaling Pilipino. Muling nasilayan ang pagtutulungan, pagmamalasakitan, pagkakaisa, pagbibigayan, pagkamatiisin, pagmamahal sa bayan, pagsunod sa batas, pag-unawa sa kapwa, pananalig sa Panginoon at marami pang iba na iisa ang tibok ng puso, iisa ang pulso, walang relihiyon, walang rehiyon, marunong man o mangmang, mayan o mahirap. Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring PILIPINO..ang mga Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa sa salita man o sa gawa. At para sa mga mamamayang Pilipino, ito pa lamang ang tunay na bagong Republika – ―ang Tunay na Bagong Republikang Pilipinas.‖ II. Nilalaman A. KALAGAYAN NG PANITIKAN Bagama‘t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Republikang Pilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mga pagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga TULA, AWITING PILIPINO, sa mga PAHAYAGAN, sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga PROGRAMA SA TELEBISYON.

1. PANULAAN SA KASALUKUYAN Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata:

a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang may tiwaling gawin b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan. Halimbawa:

Giting ng Bayan ni Francisco Soc. Rodrigo
I Akala ni Marcos, ay pampalagiang Kaniyang mabobola‘t mapaglalaruan Ang dating maamo at sunud-sunurang Mga matiisin nating taong bayan. II Salamat sa Diyos, ngayon ay gumising Itong baying dati‘y waring nahihimbing Salamat at ngayo‘y sumiklab ang giting Nitong Bayang dati ay inaalipin. III Kaya nama‘t ngayon ay taas noo Nating Pilipinoo sa harap ng mundo Pagkat tayo‘y laang magsakripisyo Sa ngalan ng laya ng tama‘t totoo.

Himala ni Bathala ni Francisco Rodrigo
Walang bahid alinlangan, yaring aking paniwala Na himalang mahiwaga na nagmula kay Bathala Yaong mga pangyayaring hindi inakala Na nagbukas nang biglaan sa pintuan ng paglaya Para sa ‗ting inalipin at inaping Inang Bansa!

At dahil nakatamo ng kalayaan sa pamamahayag ang mga manunulat, ang galak at tuwa sa kanilang mga puso ay mababakas na nag-uumapaw. Walang pakundangan nilang naipahayag ngayon ang kanilang nais ipahayag. 2. AWITING PILIPINO Ang Magkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at E.dela Pena, ang Handog ng Pilipino sa Mundo ni Jim Paredes ay ilan sa mga awiting nagpakita ng makasaysayang tagpong naganap sa sambayanang Pilipino na hinangaan sa sandaigdigan. Ang binuhay na awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni Jose Corazon de Jesus ay ang pangunahing pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon. At dahil sa pagiging makasaysayan nito noong nakaraang matahimik na rebolusyon, iminungkahi ngayon sa ―Constitutional Commission‖ na gawin itong pangalawang Pambansang Awit ng Pilipinas. 3. SANAYSAY Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng mga Pilipino sa nakamit sa bagong kalayaan.

4. MAIKLING KWENTO Ang katangian ng maikling kwento sa ngayon ay dala o buhat sa naging nakagawiang pagsusulat ng mga makata noong panahon ng Hapon. Noong panahon na iyon ay ipinagbawal ang paggamit ng ibang salita maliban sa kanilang wika. Kayat nailimbag sa gintong pahina ng panitikang Filipino ang maikling kwento. Bagamat sa panahong ito ay naging masigasig ang mga manunulat sa kanilang katha, nanumbalik, nag-ala-dagliang kawalan ng banghay ng kwento. Nagkaroon ng iba‘t ibang pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napapansin. Naging matimpi ang sa pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy. Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa kasalukuyan at ito‘y tinawag na kontemporaryong maikling kwento. 5. Radyo at Telebisyon Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng tunay na niloloob nang walang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon. Marami na sa panahong ito ang mga komentarista sa radyo at telebisyon kung saan pawang laman ng bibig ng mga ito ang hayagang pagpuna nila sa mga gawain ng mga nasa pwesto. 6. Pahayagan, magasin, at iba pang babasahin Matapos mawakasan ang Batas-Marsyal, tila hudyat na rin ito pagpapanumbalik sa karapatan ng lahat ng mga Pilipino hinggil sa pamamahayag.     Dumami pa ang nagsulputang mga pahayagan sa panahong ito. Inquirer Manila Bulletin Manila Times Philippine Standard

ng

B. PANITIKAN SA COMPUTER AGE Chat, FB, twit, blog, jejemon, unli, website, usb, e-mail, download, wifi, connect, burn, scan, cd…. Ito ay mga salitang karaniwan nang ginagamit ngayon sa ating wika at masasabing dulot ng teknolohiya. At dahil parte na ng ating buhay ang teknolohiya, mabilis ang pagbabagong idinulot nito sa buhay at lipunan. Mabilis din ang pagbabago sa papel na ginagampanan ng impormasyon sa ating trabaho, buhay, at pag-iisip. Ang mabilis na pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala ng mabisang sandata ng teknolohiya – ang kompyuter, cellphone, at internet. Naging biswal na manipestasyon ng demokratisasyon sa internet, ng pamamahayag ang blogging—isang anyo ng pagsusulat sa espasyo sa Internet na nagbibigay ng kakayahan sa sinumang may Internet akses na magsulat ng kanyang nais isulat, at ―ipalimbag‖ ito sa isang pandaigdigang saklaw. Ang presensya ng mabilisang input at feedback sa impormasyon ay isang katangiang hindi pa kayang lubos na gayahin ng isang print-based system.

Kasunod nitong ang pagsulpot ng mga networking sites gaya ng friendster at facebook, naging madali ang pagpapahayag ng mga tao sa kanilang saloobin hinggil sa isang bagay. Sa libro (at minsan sa internet na rin), ay nakakakita ako ng mga akda na naisulat sa pamamagitan ng naghaharing paraan ng pagtetext – ang Hu-U-ismo. Kung saan ang karakterisasyon ng ganitong klase ng texting ay gumaGmit U bilng tXter ng mga kRakter n ms pNaikli at pNaarte ang dTing. Sila ang mga Pinoy na nagagawang ibahin ang Wikang Ingles sa punto na hindi na ito maunawaan. Samantala, ganito din ang pangyayari sa isang nabuong paraan ng pamamahayag, ang jejemonismo- kung saan !tÖ Ñm@n @¥ p@gp@p@l!t pÖwww Ñg k@r@kter n@ g@met zHa p@gtetetxt. Cellphone – nabago nito ang pang-araw-araw na komunikasyon; dito nabuo ang Hu-Uismo at jejemonismo. Computer- Lol, BRB Internet-dito naglipana ang mga blogging sites kung saan hayagan ang pagpapahayag ng saloobin ng sinuman na nais makisawsaw sa isyu. III. Mga Katanungan a. Kailan sinasabing nabawi na ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan? b. Ipaliwanang ang kalagayan ng panitikang Filipino sa panahong ito? c. Sa kabuuan, ano sa palagay mo ang maaaring maging kalagayan ng Panitikang Filipino sa darating pang bukas? IV. Sanggunian Arrogante, Jose A. et. al. Panitikang Filipino-Pampanahong Elektroniko (Binagong Edisyon). Quezon City: National Bookstore, Inc., 2001 Ong, Bob. Stainless Longganisa, Pasay City: Visprint, Inc., 2005 Santiago, Erlinda M. et al. Panitikang Filipino-Kasaysayan at Pag-unlad, Navotas City: National Bookstore, Inc., 2009 Caro, Jimmy – Mula sa kanyang hand-out ng Sawikaan 2010 Salazar, Zeus - Mula sa kanyang hand-out ng Sawikaan 2010 Mga Elektronikong Sanggunian www.scribd.com www.oppapers.com

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->