MAKRONG KASANAYAN

:

PAGSASALITA
Lahat sila‟y may mataas na antas ng kakayahang magpahayag ng ideya ng kanilang naging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod. MGA PINUNO I. Abraham Lincoln – dating pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at nagiwan ng hindi na mabuburang bahagi sa kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi maging sa buong mundo. Hindi ,mataas ang pinag-aralan sapagkat wala siyang pormal na edukasyon at siya‟y mahirap na mamamayan lamang. Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay sa kanyang determinasyon na linangin at paunlarin ang kanyang kakayahang magsalita sa harap ng publiko. Dahil sa kakulangan ng “speech schools”, matamang inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln ang paraan ng pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa lamang siya. Hanggang sa kasalukuyan, ipiapalagay na ang kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural Speech ay ilan sa natatanging pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig. II. Franklin Delano Roosevelt – nanatali sa White House nang apat na sunud-sunod na termino mula 1923-1945.

“Ang isang taong epektib na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao.” KAHULUGAN NG PAGSASALITA  Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.  Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA 1. Naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita; 2. Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao. 3. Nakapag-aanyaya o nakikinig; at nakaiimpluwensya ng saloobin ng

4. Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito. 5. Madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao. KAHALAGAHAN NG PAGLINANG MABISANG PAGSASALITA NG KASANAYAN SA

Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may isang katangiang ipinagkatulad sa isa‟t isa. J.F. Vergara | Pagsasalita Pahina 1

F. Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamikling panahon.MAKRONG KASANAYAN: PAGSASALITA MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA 1. at balarila. kailangang alam mo ang paksa ng usapan. sa wika. Vergara | Pagsasalita . Halos lahat ng kanyang talumpati sa radyo ay praktisado ng lubusan. tinalo niya si Nixon sa nasabing halalalan.) Kailangang may sapat siyang kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tuland ng tinig. ------------------------o-------------------------J. Kailangan rin na may sapat kang kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo. KAALAMAN – Upang maging epektib na tagapagsalita. Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa iba‟t ibang genre tulad ng pagsasalaysay. paglalahad. garalgal na boses. KASANAYAN – Ang pagsasalita ay isang kasanayang maaaring linangin. galaw at iba pang anyong di-berbal. pautal-utal o ang panginginig ang kakulangan niya ng tiwala sa sarili. 3. Mapilitan man siyang magsalita paminsan-minsan. Dahil sa kanyang epektib na pagsasalita. tanyag na isang Pautal magsalita ngunit tinuruan niya ang kanyang sarili magsalita nang tuluy-tuloy at tuwid sa pamamagitan ng pagtatalumpati sa harap ng hampas ng alon sa dalampasigan. Kailangang matatag ang damdamin at malawak ang kaisipan. Pahina 2 Nilinang niya ang kanyang kakaya han sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng matamang atensyon sa mga malalayang simulain ng pagsasalita. Kennedy – Isa sa mga susi ng kanyang tagumpay ay ang husay na ipinakita niya sa serye ng mga debateng ipinalabas ng mga programang pantelebisyon. tindig. Demosthenes – dakilang orador. IV. (May mga sitwasyon kasing nangangailangan ng presence of mind. sa iyong sariling kultura at maging sa kultura ng iyong kausap. paglalarawan atbp. TIWALA SA SARILI – Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniang nagiging kimi o hindi palakibo. retorika. mabagal na pananalita. Madalas na nagsusubo siya ng maliit na bato upang maituwid lamang ang kanyang pananalita. 2. Kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika. Kailangang mayroong kasanayan. John F. inilalantad naman ng kanyang mahinang tinig. Maging ang kanyang mga kalaban sa pulitika ay umaming ang kanyang sunud-sunod na tagumpay ay nakaugat sa kanyang impluwensya sa kanyang tagapakinig. III.

Siguraduhing angkop ang kilos at ekspresyon habang nagsasalita upang ito‟y di magdulot ng kalituhan sa mga tagapakinig. May mga sitwasyong nangangailangan ng malakas na tinig ngunit may ilan na mahinang tinig lamang. balikat. „ika nga. ito ay pinaghihirapan at pinagyayaman. lalo na sa isang pagtitipon o sa mga timpalak-pambigkasan napakahalaga ng tindig. Hindi magiging kapani-paniwala ang isang mambibigkas kung siya‟y parang nanghihina o kaya‟y siya ay mukhang sakitin. nararapat na may timbre na siyang nakakakuha ng atensyon ng tagapakinig. 3.F. mula ulo hanggang paa. at ulo. PAMANTAYAN NG ISANG USAPAN Ang isang usapan o conversation ay isang prosesong pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng dalawa o higit pang kalahok na gumagamit ng verbal o senyas na wika sa pagpapalitan ng kaalaman. Kilos at Ekspresyon – Ang emosyon ng nagsasalita ay nailalantad sa kilos ng katawan at espresyon ng mukha. MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA 1. Bigkas – Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. 2. bagal at hinto ng pagsasalita. lakas. kinakailangan ang tinig ay maging mapanghikayat at nakakaakit pakinggan. Nararapat kasing maramdaman ng awdyens ang sinseridad ng ispiker Pahina 3 Ang mga ganitong tao ay mahirap na makaakit o makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig. bilis. intensidad. Ang maling pagbigkas ng mga salita ay maaaring magbunga ng ibang kahulugan.Kung wala nito. kaalaman at damdamin ng mga partikular na kalahok. Kailangang bigyang-pansin ng tagapagsalita ang bigkas ng mga salita kasama nito ang tinis. Kailangang siya ay magtaglay ng kawili-wili at kalugod-lugod na personalidad upang siya ay maging higit na mapanghikayat. 4. May bentahe ang isang tagapagsalita kung may kaalaman siya sa tamang pagtimpla ng tinig. kung kalian lumalakas at kalian humihina. ang kredibilidad ay hindi nakukuha sa mabilis na paraan.MAKRONG KASANAYAN: PAGSASALITA Kinakailangang may tikas. J. bagkus. Sabi nga. Tinig – Ito ang mahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Mahalaga ito upang paniwalaan siya ng kanyang awdyens at nakatutulong ito upang mas mapataas pa ng ispiker ang tiwala sa kanyang sarili. Pathos (Pathetic) – Tumutukoy naman ito sa emosyong hatid ng ispiker sa kanyang awdyens. Sa maraming pagkakataon. 5. Ang pananaw na ito ay isang mahalagang salik tungo sa mabisang pagsasalita. Ngunit ang kumpas ng kamay ay kailangang maging angkop o tumutugma sa diwa ng salita o mga salitang binibigkas upang maging malinaw ang mensaheng nais iparating sa mga tagapakinig. pagpapahayag ng saloobin o damdamin na kung saan ay nakaapekto sa kilos o gawi. haba. Tindig – Sa isang tagapagsalita. Ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita MGA PANANAW SA PAGSASALITA 1. 2. ang nagsasalita ay mukhang tuod o robot. Kumpas . intonasyon. paa. Ethos (Ethical) – Tumutukoy ito sa kredibilidad ng isang ispiker. diin. Ang mga mata. sikolohikal. Vergara | Pagsasalita .

Vergara | Pagsasalita . Ang pag-uusap ay likas. 5. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan. oras. hindi lamang sa pananalita. 4. PAKIKIPAG-USAP Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang: • • • • • Kailangang kakitaan ng paggalang sa isa‟t-isa. PANGKATANG-TALAKAYAN Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan. huwag solohin ng isa sa alinman sa nag-uusap ang pagsasalita. LIMANG KASANAYAN SA PAGSASALITA 1. • • • • • • Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama. huwag matakot maglahad ng katotohanan. huwag manatiling tahimik. Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayamin. pananaw at paniniwala Mga pangyayaring pareho ninyong naranasan • • • • • 3. 4.MAKRONG KASANAYAN: PAGSASALITA • • Pakikipagtipan sa kakapanayamin. Magkaroon ng bukas na isipan. Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang. PAKIKIPAGDEBATE O PAGTATALO Tungkol sa pagtuligsa: 2. gayon din naman sa pagiging makatotohanan ng kanyang sinasabi. Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu. 2. May matapat na layunin sa pakikipag-usap. Logos (Logical) – Tumutukoy ito sa pagiging rasyonal ng isang ispiker. at lugar na maluwag sa kakapanayamin. Makibahagi. makinig ng mataman at magpakita ng kawilihan. bukal at kusang-loob. Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras Maging magalang. Sa pakikipag-usap. Ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag-uusap. PAKIKIPANAYAM (INTERBYU) Mga dapat pakikipanayam: tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng • • • Ipahayag ang kamalian ng kalaban Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban Pahina 4 J. Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang paksa. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip. Mga pinakabagong balita Mga bagong impormasyon Mga kinagigiliwang gawin Mga opinyon. 3.F. Kadalasan. ang katotohanan ng mensaheng inilalahad ng ispiker ay dulot ng pagiging likas na matanong niya kaugnay sa mga nangyayari sa kanyang paligid. MGA TEKNIK SA PAGBUBUKAS NG MABISANG USAPAN 1. 3. kinakailangan ng palitan ng ideya. huwag sasalungat sa katuwiran ng higit na nakararami. pagtatakda ng araw.

may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati. Sa ibang pagkakataon. Isang halimbawa nito ay ang pagbasa ng hatol sa loob ng korte. J. Memoryadong Pagsasalita Mula sa terminong memoryado. Samakatwid. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: pagbasa ng isang itinakdang papel. PAGTATALUMPATI May apat na pangkalahatang uri ng pagsasalita o pagtatalumpati. impromptu. at ekstemporenyus.F. Pagbasa ng isang Itinakdang Papel Ito ay sinasabing pinakamahirap sa apat na paraan ng pagsasalita. 2. Tandaan ang iyong panimula at wakas. Mahirap ito dahil maaari itong makapagdulot ng pagkabagot ng awdyens. Pahina 5 Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban Tungkol sa pagtatanong: • • • Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundang tagapagsalita. Dagdag pa. Alamin kung ano ang iyong mga kalakasan. isinasagawa ng ispiker na magsalita kung saan nakaimbak na sa kanyang isipan ang lahat ng kanyang sasabihin mula sa simula. Gumawa ng balangkas. maaari itong tawaging pinaghandaang talumpati. Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati: • • • • • Pag-aralan ng mabuti ang iyong paksa. Uri ng Talumpati o Pagsasalita 1. ang isinulat 3. isa sa mga estilo ng pagsasagawa nito ay ang paggamit ng mga salitang hindi lantarang isinasangkot ang awdyens. Vergara | Pagsasalita . Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong. Bigyan ang sarili ng isa hanggang dalawang minuto para makapag-isip. 5. ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula. katawan at wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan. gitna hanggang wakas. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa iisang tagapagsalita. memoryadong pagsasalita.MAKRONG KASANAYAN: • PAGSASALITA Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya. Nagagawa kasi nitong alisin ang tuwirang kontak ng ispiker sa kanyang awdyens dahil nakapokus siya sa kanyang binabasa. Nagbubunsod din ito ng pagkawala ng eye-contact at pagiging monotone na anyo ng tinig. Sa ibang aklat. Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati. Impromptu Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda.

Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore: • • Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI 1.F. Hindi naman tiyak o lubusan ang kahandaan ng tagapagsalita ngunit mayroon pa rin o taglay pa rin niya ang limitadong kahandaan. May magandang personalidad Malinaw magsalita May malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay May kasanayan sa pagtatalumpati Mahusay gumamit ng kumpas Habang ikaw ay nagsasalita. Angkop sa mga nakikinig – iayon ang mga kumpas sa uri at antas ng tagapakinig at ang laki/dami ng mga ito ANG TAKOT SA PAGSASALITA SA HARAP NG MADLA Pahina 6 . May buhay at hindi matamlay – iba‟t-ibang sigla ang dapat taglayin ng mga kumpas 3. 4. Ang Mananalumpati Dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig. 3. 2. ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita. maging mulat sa istilo at intonasyon. Sa wikang Ingles. Maluwag at maginhawa – higit na magandang tingnan kung natural ang pagkumpas at hindi naninigas 2. hindi nauuna o nahuhuli sa dapat nitong paglagyan 5. 3. mahalaga ring malaman kung sino ang tagapakinig upang maibigay sa kanila ang talumpati at maging malinaw ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila. Ang Talumpati Kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at J. kanyang pananamit. 2. Tanging umaasa lamang siya sa mga impormasyong awtomatikong hatid ng kanyang isip. at laging dapat tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at pinanonood ng mga tao.MAKRONG KASANAYAN: • PAGSASALITA kaisipang nais iparating ng talumpati upang maipaabot ito ng malinaw sa mga tagapakinig. kanyang asal sa entablado. Vergara | Pagsasalita MGA KATANGIAN NG MABUTING KUMPAS 1. Ekstemporenyus Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas. 4. KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MANANALUMPATI 1. Nasa panahon – nasa tayming ang kumpas. kumpas ng kamay. Tiyak – tiyak ang pagtuturo sa tao o bagay na itinuturo 4. 5. Ang Tagapanood / Tagapakinig Higit na mabuting malaman ng isang mananalumpati ang uri at antas ng kanyang tagapakinig upang makapag-isip siya ng mabuting paraang gagamitin na makapupukaw sa atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati. ito ay tinatawag na spur of the moment kung saan ang ispiker ay binibigyan ng pagkakataong makapagsalita ng wala ni anumang kahandaan.

dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang segundo o minuto ng pagsasalita. Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung hindi mo susubukan. huwag mong takasan. ang iyong tagumpay at kabiguan. Ang tuwirang pagtingin sa mata ng mga awdyens ay mahalagang salik din dahil nakikita rito ang sinseridad ng ispiker. 4. pagiging kaaya-aya at kumbersasyonal na anyo ng pananalita ay nararapat ding isaalang-alang. Maging tuwiran sa nais mong sabihin. isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati. Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar. Kakulangan o kawalan ng kahandaan. Magdasal. Pagiging alerto ng katawan at isipan ng isang ispiker kaugnay sa pagsasalita at interaksyon niya sa kanyang awdyens. Ilan sa mga dapat tandaan tungo sa mabisang pagsasalita ay ang mga sumusunod: 1. 8. Vergara | Pagsasalita . Paminsan-minsan. Di kaaya-ayang karansan sa pagsasalita sa harap ng madla. masagwang tindig o postyur. Iwasan ang paulit-ulit na pagpapaliwanag. Makikita kasi rito ang pagiging pursigido niya sa buong daloy ng pakikipagsalitaan. Ang kalinawan. Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na “xenophobia” o stage fright. Pahina 7 KAHINAAN SA PAGTATALUMPATI • • • • Nauumid. Kakulangan o Kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon. isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla. ang iyong kalakasan at kahinaan. 3. Isipin ding hindi nag-iisa. 6. Tiyaking malinaw na mailalahad ang iyong mensahe sa pamamagitan ng paggamit ng mga simpleng salita at simpleng paliwanag. Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga. 2. Harapin mo ang takot.F. ang iyong J. gawing kontrolado ang kilos gayon din ang pagsasalita. IBA’T IBANG DAHILAN SA STAGE FRIGHT • • • • • • Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig. 5.MAKRONG KASANAYAN: PAGSASALITA kagandahan at kapintasan. Magpraktis ka ng magpraktis. Kaayusan ng buong kilos o galaw na inihahatid ng ispiker. Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita. Tanggapin mo ang iyong sarili. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang binibitiwan. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa malalaking madla. Damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal. kakatwang ideya o anyong pisikal. Siguraduhing nagtataglay ng malakas na impak ang iyong mensahe at paraan ng pagsasalita. maling bigkas. • • • • • TIPS SA MABISANG PAGSASALITA Ang pagsasalita ay kinapapalooban ng maraming salik upang maayos at mabisa itong maisagawa. Magtiwala sa iyong sarili. nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag nakaharap sa maraming tao. Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa mga nakikinig. 7. isiping maging ang mga taong may depekto ay maari ring magtagumpay. Kakulangan o Kawalan sa karanasan sa pagsasalita sa harap ng maraming tao. humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal. MAKAPAGSASALITA NG MGA MUNGKAHI KUNG PAANO MAAYOS SA HARAP NG MADLA: • • • Magkaroon ng positibong pananaw.

MAKRONG KASANAYAN: PAGSASALITA travelogue. P. 5. Sa paraang ito mahihinuha ang pagtalakay kaugnay sa isang simple hanggang kompleks na mga ideya. Ang lohikal na paraan ay ang pagsasagawa gamit ang tiyak tungo sa pangkalahatang pananaw o kaya naman ay ang pangkalahatang pananaw tungo sa tiyak. Ang isang mensahe ay maaari rin namang maorganisa sa paraang patuklas. R.. guide map atbp. Sino. 3. problema tungo sa solusyon o implikasyon. 6. et al.. Kronolohikal na paraan. Ang paraang ito ay tumutukoy sa paglalahad ng simula. gitna at wakas.Sosyal at iba pa 8. Inc. Ibig sabihin. Vergara | Pagsasalita Pahina 8 . Ang paggamit ng mga motibasyonal na lunsaran sa pagsasalita ay malaking tulong sa pagkuha ng atensyon ng awdyens. (2010). 7. Layunin nitong maipakita ang isang bagay sa teritoryal na paraan. Malabon City: Mutya Publishing House. Narito ang ilang uri ng pag-oorganisa ng iyong sasabihing mensahe: 1. Isinasagawa ito sa paksang maaaring maipakita ang order o ayos o di naman kaya ay ang pagkakaroon at pagkawala ng isang bagay.Politikal . Paraang spatial. (2009). Paraang motibasyonal. PARAAN NG PAG-OORGANISA NG MENSAHENG SASABIHIN Upang maging mabisang ispiker. madali hanggang pinakamahirap at iba pa na kung saan makikita ang pagsulong o debelopment ng isang bagay o pangyayari.F. Paraang papaksa. Paano at Bakit . J.. Paraang patuklas. 2. Ang mga mensahe ay maaari rin namang maorganisa sa paraang papaksa. lahat ng impormasyon ay kailangang nakaayos sa paraang organisado. Lohikal na paraan. Saan. Gamit ang paraang pabilang at paalpabetikal. Halimbawa nito ay ang paggamit ng mga sumusunod: . A. Progresibong paraan. 4. Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon. Bernales. ang mensahe ay diretso na agad sa paksang sasabihin ng ispiker. Malabon City: Mutya Publishing House. Kadalasan itong masasaksihan sa mga miyembro ng charity group kung inilalahad nila ang kanilang layunin sa paghingi ng tulong o donasyon. et al. Kailan. maaaring magamit ang pagbilang kung saan maaari mong lagyan ng bilang ang pagkakasunod-sunod ng iyong sasabihin nang sa gayon ay madali mong matutunton ang lahat ng impormasyon. puno‟t dulo ng pangyayari at iba pang mga kahalintulad na paraan.Ano. Talasanggunian: Badayos. Ginagamit naman ito kung ang impormasyong ilalahad ay may kaugnayan sa heograpiya. Sa pagsasaayos ng impormasyon. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Inc.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful