P. 1
Sagisag Kultura Ng Filipinas 001

Sagisag Kultura Ng Filipinas 001

5.0

|Views: 8,392|Likes:
Published by F.A. Buenaventura

More info:

Published by: F.A. Buenaventura on Sep 22, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

09/03/2015

pdf

text

original

UNANG 800

NG FILIPINAS
EDISYONG HULYO 2012

UNANG 800 SAGISAG KULTURA NG FILIPINAS
EDISYONG HULYO 2012
Karapatang-ari © Filipinas Institute of Translation, Inc.
Libreng gamitin ng mga guro at ipakopya para sa pagtuturo sa mga paaralan ng Filipinas. Bawal ilathala at palaganapin sa paraang elektroniko, lalo na sa layuning komersiyal, kung walang pahintulot ng may hawak ng karapatang-ari.

Proyekto ng

Sa pakikipagtulungan sa

Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ProP. FeliPe M. de leon Jr. Chairman eMelita V. alMosara Executive Director sa pamamagitan ng Subkomisyon sa Pagpapalaganap ng Kultura Subcomission for Cultural Dissemination (SCD) Alice A. PAñAres, puno; Dr. MArio i. MiclAt, kagawad; Dr. ceciliA M. Dy, kagawad

Pambansang Komite sa Edukasyong Pangkultura National Committee on Cultural Education Alice A. PAñAres, puno; Arvin MAnuel D. villAlon, pangalawang puno; roselle v. PineDA, kalihim; Glorife s. sAMoDio, pangalawang kalihim; victor c. sorellAno, JosePh J. cristobAl, GreGorio r. JuMAo-As, Jose roDriGo u. Aviles, JuAn G. GePullAno, sunnie c. noel, leonArDo rey s. cArino, Dr. beAtriz G. torno, Dr. cAtherine Q. cAstAneDA, Jennifer tuPAs, mga kasapi Pambansang Komite sa Wika at Salin National Committee on Language and Translation Dr. MArio i. MiclAt, puno; Dr. virGilio s. AlMArio, pangalawang puno; Dr. christiAn G. c. frAncisco, kalihim; ProP. Joel b. lAbos, pangalawang kalihim; Dr. corAzon l. sAntos, Dr. roberto b. torres, ProP. vinA P. PAz, Dr. severino s. cAPitAn, Dr. AurorA e. bAtnAG, Dr. iMelDA P. De cAstro, roberto t. Añonuevo, Dr. Genevieve l. AsenJo, Dr. PurificAcion G. DeliMA, mga kasapi Pambansang Komite sa Komunikasyon National Committee on Communication Dr. ceciliA M. Dy, puno; estrellitA J. tAMAno, pangalawang puno; JuAn P. DAyAnG, kalihim; leliA chuA sy; pangalawang kalihim; roDriGo G. corneJo, Dr. DAviD A. GenotivA, DAniel G. fAJArDo, ricArDo c. JuliAno, leizl A. Deloso, fr. JonAthAn r. DoMinGo, evAnGeline l. PAscuAl, Quintin P. PAstrAnA, rolAnDo oloG, mga kasapi Task Force ng Programa sa Edukasyong Pangkultura ng Filipinas Philippine Cultural Education Program Task Force (PCEP) elMAr inGles, tagapamahala Mga Namamahala sa Proyektong Sagisag Kultura virGilio s. AlMArio, punong tagaugit; Perfecto t. MArtin, tagapamahala; eilene Antoinette G. nArvAez, pangalawang tagapamahala; Mervin c. verGArA, tagapamahala sa sining at produksiyon; mga manunulat: GiAncArlo AbrAhAn (GcA), ynnA AbuAn (yA), ruby G. AlcAntArA (rGA), virGilio s. AlMArio (vsA), MerlinA AnDAlecio (MA); roMulo P. bAQuirAn, Jr. (rPb), AurorA e. bAtnAG (Aeb), GrAce benGco (Gb), GonzAlo A. cAMPoAMor ii (GAc),severino s. cAPitAn (ssc), iMelDA P. De cAstro (iPc), scheDAr Jocson (sJ), PhilliP y. KiMPo Jr., (PKJ), MArco b. lAGMAn (Mbl), cecil loPez (AcAl), JoAnne MAnzAno (JM), MArio i. MiclAt (MiM), viM D. nADerA (vDn), eilene G. nArvAez (eGn), JiMMuel c. nAvAl (Jcn), rAul c. nAvArro (rcn), bernADette v. neri (bvn), DeborAh rosAlinD nieto (Drn), lolito nunAG (lt), susAn A. onG (sAo), ADelfA M. PAscuAl (AMP), silvestre M. PAscuAl iii (sMP), JAyson G. PetrAs (JGP), rowenA v. rosAles (rvr), corAzon lAlu sAntos (cls), louie Jon sAnchez (lJs), Delfin l. tolentino (Dlt), roberto b. torres, (rbt), GAlileo s. zAfrA (Gsz); mga mananaliksik: AnGelie MAe t. cezAr, lAurence Anthony G. nArvAez, Joy villAlon, AnGeli MArie G. nArvAez; iba pang kasama:MichAel M. corozA, leuterio c. nicolAs, JonAthAn c. verGArA

PAUNAWA
Ang proyektong Sagisag Kultura ay bahagi ng programa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa edukasyong pangkultura ng mga Filipino. Sa nakaraang ilang taon ay tinipon ng NCCA ang umaabot sa 8,000 sagisag kultura mula sa mga impormant na guro at manggagawang pangkultura sa iba’t ibang rehiyon at probinsiya ng Filipinas. Mula sa naturang koleksiyon at batay sa ibang reperensiya ay pumilí naman ang isang grupo ng eksperto sa kulturang Filipino ng umaabot sa 2,000 pambansang sagisag kultura upang maigawa ng kaukulang pakahulugan at paliwanag at magamit na sanggunian ng mga guro at estudyante sa buong bansa. Yugto-yugto ang magiging pagsasapubliko ng mga pambansang sagisag kultura. Ang ibig sabihin, magsisimula ang publikasyon sa unang 800 itinuturing na pangunahing pambansang sagisag kultura, idadagdag kaagad ang ikalawang pangkat na 600 sa loob ng taóng ito, at isusunod pa ang ikatlong pangkat kapag ipinahintulot ng pananalapi at kakayahan ng NCCA. Ang kabuuang proyekto ay isang registry o listahan ng mga sagisag kultura ng Filipinas, at ang ibig sabihin, ito ay patuloy na nakabukás sa pagdaragdag at pagbabawas ng bilang kung kailangan. Ang bawat sagisag kultura ay pinilì sang-ayon sa kabuluhan nitó sa nararapat na edukasyon ng mga Filipino. Kinakatawan nitó ang mahalagang katangian, kasaysayan, kaugalian, at kulay ng kalinangang Filipino samantalang isinasaalang-alang ang kontribusyon ng bawat pook at pulô, bawat pangkating katutubo, at bawat paniwala tungo sa pagbuo ng kapaki-pakinabang na kamalayang pambansa. Isang paraan din ito ng pagpapaunlad sa nilalamán (content) ng edukasyon at maaaring gamitin sa pagbago ng mga teksbuk, maging patnubay sa pagdevelop ng kurikulum, at maging aktuwal na pantulong sa mga leksiyon sa silid-aralan ng alinmang antas at alinmang asignatura. Sa kabuuan, nilalayon ng proyektong Sagisag Kultura na mapalusog ang kaalaman ng bawat Filipino hinggil sa kaniyang sarili, na sa wakas, ay inaasahang magpapataas sa kaniyang dangal bilang Filipino at magpapatingkad sa kaniyang pag-ibig sa bayan. Unang edisyon lámang ito. Sa kabilâ ng mga paghihigpit sa saliksik, pagsulat, at editing, naniniwala kami na malaki ang puwang para sa rebisyon, dagdag na impormasyon, at pagpapayaman sa mga pambansang sagisag kultura. Inaaanyayahan ang mga guro, mananaliksik, at awtoridad para magbigay ng puná at makilahok sa pagsinop at pagpapalaganap ng proyektong ito. Ang mga guro mismo ay maaaring lumahok at magdagdag ng kanilang saliksik kapag ginamit ang impormasyon mula sa proyektong ito upang higit na makinabang ang mga estudyante. Iminumungkahi din ang pagbása sa buong koleksiyon bago gamitin upang higit na malinawan ang ugnayan sa isa’t isa at ang pambansang kabuluhan ng mga sagisag kultura. (VSA)

NILALAMAN
A 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. 18. 19. 20. 21. 22. 23. 24. 25. 26. 27. 28. Abad Santos, Jose abaka abakada Abelardo, Nicanor Abueva, Napoleon V. Abunnawas adarna adat adobo Adonay, Marcelo Q. adwana agimat Aglipay, Gregorio Agoncillo, Teodoro A. Aguilar, Faustino Aguinaldo, Emilio F. agung Agyu Aklatang Bayan albularyo Alcuaz, Federico A. Alim Almario, Virgilio S. Alunsina Alvarez, Vicente Alzona, Encarnacion A. ambahan amihan 29. 30. 31. 32. 33. 34. 35. 36. 37. 38. 39. 40. 41. 42. 43. 44. 45. 46. 47. 48. 49. 50. 51. 52. 53. 54. B 55. babaylan Amorsolo, Fernando anahaw Anak Dalita Ang Kiukok anito Antonio, Pablo S. Aquino de Belen, Gaspar Aquino, Benigno Jr. Aquino, Benigno Simeon C III Aquino, Maria Corazon C. Aquino, Melchora araro Araw ng Kasarinlan Araw ng Paggawa Arcellana, Francisco Arguilla, Manuel E. arnis Arroyo, Gloria M. Macapagal aswang asyenda Ati-atihan Avellana, Daisy H. Avellana, Lamberto V. Aves de Rapiña awit ayuntamyento

56. 57. 58. 59. 60. 61. 62. 63. 64. 65. 66. 67. 68. 69. 70. 71. 72. 73. 74. 75. 76. 77. 78. 79. 80. 81. 82. 83. 84. 85. 86. 87. 88. 89. 90. 91. 92.

Badjao Bagong Taon bagyo bahay bahay-kubo bakawan baklad bakunawa bakya balagtasan balangay balarila balete balikbayan balimbing balitaw Balmori, Jesus Baltazar, Clare R. Baltazar, Francisco “Balagtas” balut, penoy banaba Banco Español-Filipino bánda banga bangka Bangkaw bangkô bangus banig at bayong bánoy Banzon, Julian Arca baro at saya barong tagalog basket Batas Claveria Batasang Pambansa Bathala

93. 94. 95. 96. 97. 98. 99. 100. 101. 102. 103. 104. 105. 106. 107. 108. 109. 110. 111. 112. 113. 114. 115. 116. 117. 118. 119. 120. 121. 122. 123. 124. 125. 126. 127. 128. 129.

batya baul bayabas bayan Bayan Ko bayani bayanihan baybayin Bernabe, Manuel H. Bernal, Ishmael Bernal, Salvador Bernardo Carpio Biag ni Lam-ang bibingka Bibliya Bicol Express binakol Binatbatang Bakal ng Butuan Binatbatang Platong Tanso sa Laguna (LCI) binturong Birheng Maria Biyak-na-Bato Biyaya ng Lupa bodong bolo Bonifacio, Andrés Bonus, Ladislao Boracay borda Brocka, Lino O. Bucaneg, Pedro Buenaventura, Antonino bugtong buhawi buhay-alamang bulalakaw bulanglang

130. 131. 132. 133. 134. 135. 136. 137. 138. 139. 140. 141. 142. 143. 144. 145. C 146. 147. 148. 149. 150. 151. 152. 153. 154. 155. 156. 157. 158. 159. 160. 161. 162. 163.

bulawan Bulkang Hibok-Hibok Bulkang Kanlaon Bulkang Mayon bul-ul Bundok Apo Bundok Arayat Bundok Caraballo Bundok Makiling bungkaka bunot at walis buntal Burgos, Jose buro butanding buwaya

164. D 165. 166. 167. 168. 169. 170. 171. 172. 173. 174. 175. 176. 177. 178. 179. 180. 181. 182. 183. 184. 185. 186. 187. 188. 189. 190. 191. 192. 193. 194. 195. 196. 197.

Cuenco, Ernani Joson

Caballero, Federico cabeza de barangay Cabrera, Benedicto R. Camiguin Campos, Paulo C. Candaba Viaduct Carriedo Casa Gorordo Castillo, Gelia Celerio, Levi Chinatown Chocolate Hills Concepcion, Mercedes Conde, Manuel Corpuz, Onofre D. Corregidor Cruz, Apolinario de la Cruz, Lourdes J.

dagli Dagohoy, Francisco dalág dalagambukid Dalagang Bukid dalit dambana Dambanang Aguinaldo dapdap dapò darangan Darhata Sawabi Darna Dasalan at Tocsohan Death March Delgado, Martin delikadesa Diariong Tagalog Digmaang Filipino-Amerikano dilis dinuguan Divisoria diwata Doctrina Christiana Domingo, Damian Domingo, Ernesto drama simbolika dúgong dula dulang dung-aw duryan dyipni

E 198. 199. 200. 201. 202. 203. 204. 205. 206. 207. 208. F 209. 210. 211. 212. 213. 214. 215. 216. 217. 218. 219. 220. G 221. 222. 223. 224. 225. 226. gabbang gabinete gadya galunggong Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon? Garcia, Carlos P. Fabella, Raul V. Fajardo, Anselmo Jorge De FAMAS fatek Filipinas Filipino Florante at Laura Fort Pilar Fort Santiago Francisco, Carlos “Botong” V. Fronda, Francisco M. Fuentes, Jovita Edades, Victorio E. El Filibusterismo Elorde, Gabriel “Flash” Encarnacion Jr., Jose Epifanio Delos Santos Avenue epikong-bayan Escoda, Josefa Llanes Escuro, Pedro B. Espanyol Espiritu Santo, Ignacia del Estrada, Joseph E.

227. 228. 229. 230. 231. 232. 233. 234. 235. 236. 237. 238. 239. 240. 241. 242. 243. 244. 245. H 246. 247. 248. 249. 250. 251. 252. 253. 254. 255. 256. 257. 258.

Gawad Manlilikha ng Bayan Gawad Pambansang Alagad ng Agham Gawad Pambansang Alagad ng Sining gayuma Gimokudan Ginaw Bilog Gintong Kandit at Sinturon ng Butuan gitara gobernador gobernador-heneral gobernadorsilyo Gonzalez, N.V.M. Guerrero, Wilfirdo Ma. O. Guhit-Bato ng Angono gulaman gulay gumamela Guman Guro

habagat Haja Amina Appi haluhalo harana Hari Raya Haji Hernandez, Amado V. Hidalgo, Felix Resurreccion hílot Himagsikang 1896 Hinilawod hiya hota Hudhud

I 259. 260. 261. 262. 263. 264. 265. 266. 267. 268. 269. 270. 271. 272. 273. 274. 275. 276. 277. 278. J 279. 280. 281. 282. 283. 284. 285. 286. 287. 288. Jacinto, Emilio Jesus, Gregoria de Jesus, Jose Corazon de Joaquin, Nick Jocelynang Baliwag Jollibee Jose, Francisco Sionil Joya, Jose T. Juan de la Cruz Juliano, Bienvenido O. Ibalon Iglesia Filipina Inde. Iglesia ni Cristo Ilagan, Hermogenes ilang-ilang ilog Ilog Agusan Ilog Cagayan Ilog Pasig Ilustrado Imao, Abdulmari Asia Inasal Inday Indio Instrumentong Kawayan Intramuros Islam Ispiker itik-itik itlog na pula

K 289. 290. 291. 292. 293. 294. 295. 296. 297. 298. 299. 300. 301. 302. 303. 304. 305. 306. 307. 308. 309. 310. 311. 312. 313. 314. 315. 316. 317. 318. 319. 320. 321. 322. 323. kabalyero Kabayan mummy kabesera Kabungsuwan, Shariff kabyaw, kabyawan kadangyan kagwang kaingin kakanin kakaw kakawate kalabasa kalabaw kalag-luksa Kalakalang Galeon kalan kalapati kalapyaw kalaw Kalayaan kalesa kamag-anak kamagong kamanyang kamote Kampanang Balangiga kampilan kamuning kanduli kangkong kanyaw kape kapis Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas Kapisanang Panitikan

324. 325. 326. 327. 328. 329. 330. 331. 332. 333. 334. 335. 336. 337. 338. 339. 340. 341. 342. 343. 344. 345. 346. 347. 348. 349. 350. 351. 352. 353. 354. 355. 356. 357. 358. 359. 360.

kapre kapuwa kare-kare karinyosa karosa kartilya Kasilag, Lucrecia R. kasuotan Kataas-taasang Hukuman Katipunan katon kawali kawayan kayumanggi Kenkoy kesong puti Kilat, Leon (Pantaleon Villegas) kinilaw komedya komiks Komisyon sa Wikang Filipino Komonwelt ng Filipinas kopra Koran korido Kristiyano kubing Kudaman Kudarat kudeta kudkuran kudyapi Kulafu kulam kulambo kulasisi kulintang

361. 362. 363. 364. L 365. 366. 367. 368. 369. 370. 371. 372. 373. 374. 375. 376. 377. 378. 379. 380. 381. 382. 383. 384. 385. 386. 387. 388. 389. 390. 391. 392. 393. 394.

Kumbensiyong Tejeros kundiman kuratsa Kuwentong Kutsero

La Liga Filipina La Solidaridad labuyo ladino Lagmay, Alfredo Laguna de Bay lagundi laing Lakandula lalawigan lamang-lupa lamay, lamayan lambat Lang Dulay langka lansones lantaka Lantican, Ricardo Lapulapu lapulapu Lara, Hilario Laurel, Jose P. Lawang Buhi Lawang Lanao Lawang Sebu Lawang Taal lawin Legaspi, Cesar Leon, Felipe Padilla de Leon, Gerardo de

395. 396. 397. 398. 399. 400. 401. 402. 403. 404. 405. 406. 407. 408. 409. 410. 411. 412. 413. 414. 415. 416. 417. 418. 419. 420. 421. 422. 423. 424. 425. M 426. 427. 428.

letras y figuras letse plan letson Libingan ng mga Bayani lihí likha lilok Lim-Sylianco, Clara lingling-o Liwanag at Dilim Liwayway Llanera, Mariano loa Locsin, Leandro longganisa loob Look Maynila Lopez-Jaena, Graciano Lozano, Jose Honorato Lucente, Iluminado lugaw lumad Lumbera, Bienvenido lumpiya Luna, Antonio Luna, Juan lungsod Lungsod Baguio Lungsod Vigan lupaing-tulay Luz, Arturo R.

Mabini, Apolinario Macapagal, Diosdado Maceda, Jose

429. 430. 431. 432. 433. 434. 435. 436. 437. 438. 439. 440. 441. 442. 443. 444. 445. 446. 447. 448. 449. 450. 451. 452. 453. 454. 455. 456. 457. 458. 459. 460. 461. 462. 463. 464. 465.

Macli-ing Dulag madrasa Magahum, Angel Magbanua, Teresa maglalatik Magsaysay, Ramon Mahal na Araw maharlika makabayan Makabulos, Francisco Malacañang Malakas at si Maganda, Si maliputo malmag Malolos, Republikang malong Malong, Andres malunggay Malvar, Miguel mamamayan manananggal Manansala, Vicente S. mandalâ Mang manggá Manila By Night Manila Times Manuel, E. Arsenio Manunggul, Tapayang maratabat Marcos, Ferdinand E. Maria Clara Marquez-Benitez, Paz 19 Martir ng Aklan, 13 Martir ng Bagumbayan 15 Martir ng Bikol 13 Martir ng Cavite

466. 467. 468. 469. 470. 471. 472. 473. 474. 475. 476. 477. 478. 479. 480. 481. 482. 483. 484. 485. 486. 487. 488. N 489. 490. 491. 492. 493. 494. 495. 496. 497. 498. 499.

Masino Intaray masjid maya Maynila, Sa mga Kuko ng Liwanag mestiso misyonero Molina, Antonio J. Monon, Salinta B. Monopolyo Montano, Severino Montelibano, Miguela Monumento (Bonifacio) Monumentong Legazpi at Urdaneta moriones Moro mulawin multo Mundo, Fé del munisipyo musang musikong bumbong Mutuc, Eduardo mutya

500. 501. 502. 503. O 504. 505. 506. 507. 508. 509. 510. 511. 512. 513. 514. 515. 516. 517. P 518. 519. 520. 521. 522. 523. 524. 525. 526. 527. 528. 529. 530.

niyog nobela nobena Noli me tangere

Obusan, Ramon A. Ocampo, Geminiano de Ocampo, Hernando R. OFW okir Ola, Simeon Oliveros-Belardo, Luz OPM, Original Pilipino Music orasyon Organong Kawayan ng Las Piñas oro, plata, mata Orosa-Goquingco, Leonor Osmeña, Sergio Oyayi

naga Nava, Jose Ma. Navarra, Marcel M. Navarro, Jerimias Elizalde Nazareno Nebres, Fr. Bienvenido Nepomuceno, Jose Nepomuceno, Rafael “Paeng” ngangà nilad ninang, ninong

paaralan Paaralang Gabaldon Pabalan, Mariano Proceso Byron pabitin páge pagmamano pagoda Pagong at Matsing Pahiyas pakbet, pinakbet pakikisama pakô pako rabong

531. paksiw 532. pakyaw 533. palay 534. palayok 535. Palayok Calatagan 536. palengke 537. palosebo 538. pamahalaan 539. pamahiin 540. pamanhikan 541. Pambansang Aklatan 542. Pambansang Awit 543. Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining 544. Pambansang Komisyong Pangkasaysayan 545. Pambansang Museo ng Filipinas 546. Pambansang Parke ng Hundred Islands 547. Pambansâng Parké ng Ílog sa Ilálim ng Lupà ng Puerto Princesa 548. Pambansang Sinupan ng Filipinas 549. Pambansang Watawat 550. Pamulinawen 551. panata 552. Panatang Makabayan 553. pandanggo 554. pangalay 555. pangangaluluwa 556. pangat 557. Pangulo ng Filipinas 558. pansit 559. papaitan 560. paputok 561. paraluman 562. Parang Sabil 563. Parian 564. Parkeng Pandagat ng Tangrib ng Tubbataha 565. parol 566. parola

567. 568. 569. 570. 571. 572. 573. 574. 575. 576. 577. 578. 579. 580. 581. 582. 583. 584. 585. 586. 587. 588. 589. 590. 591. 592. 593. 594. 595. 596. 597. 598. 599. 600. 601. 602. 603.

Parolang Kabong Bojeador pasalubong pasiking pasiyam Pasko pasma Pasong Tirad pastilyas pasyon patadyong pawikan payyo pensiyonado People Power Pepe and Pilar perokaril PETA Philippine Airlines (PAL) Philippine Deep Philippine General Hospital Philippine Normal University Philippines Free Press pilandok Pilar, Gregorio del Pilar, Marcelo H. del pili Pinaglabanan Pineda, Macario pinipig Pinpin, Tomas pintakasi pista plasa Plaza Miranda Poblete, Pascual H. Poe, Ronald Allan K. polos y servicios

604. 605. 606. Q 607. 608. 609. 610. R 611. 612. 613. 614. 615. 616. 617. 618. 619. 620. 621. 622. 623. 624. 625. 626. 627. 628. 629. 630. 631. 632. 633. 634.

prinsipalya punyal pútong

635. 636. 637. 638. 639. S 640. 641. 642. 643. 644. 645. 646. 647. 648. 649. 650. 651. 652. 653. 654. 655. 656. 657. 658. 659. 660. 661. 662. 663. 664. 665. 666. 667. 668.

Rosario, Casimiro del Rosario, Deogracias Rotor, Arturo B. Roxas, Manuel A. Ruiz, San Lorenzo

Quezon, Manuel Luis Quirino, Carlos Quirino, Elpidio R. Quisumbing, Eduardo A.

raha Rama, Honorata Atang de la Ramadan rami Ramírez, Dolores A. Ramos, Fidel V. Recto, Claro M. Jr. Regalado, Iñigo Ed. rehiyon rekado Reporma sa Lupa retablo Reyes, Isabelo de los Reyes, Severino Reyes-Aquino, Francisca Reyes-Urtula, Lucrecia F Rizal, Jose Rizal, Paciano Roces, Alejandro R. Romero, Eddie S. Romualdez Sr, Norberto Romulo, Carlos P. rondalya Rosa, Fabian de la

sablay Saclag, Alonzo saging sakada Sakay, Macario L. Sakdal salabat salakot salambaw salapi salawikain Salcedo Jr., Juan S. Saligang Batas ng Pilipinas saling-pusa sampagita San Juanico, Tulay San Miguel Beer San Pedro, Lucio D. Sandiganbayan sandugo Santakrusan Santo Niño Santos Jr., Ildefonso P. Santos, Alfredo C. Santos, Francisco O. Santos, Lope K. Santos-Ocampo, Perla Dizon sarimanok sari-sari istor

669. 670. 671. 672. 673. 674. 675. 676. 677. 678. 679. 680. 681. 682. 683. 684. 685. 686. 687. 688. 689. 690. 691. 692. 693. 694. 695. 696. 697. 698. 699. 700. 701. 702. 703. 704. 705.

sarsuwela sawsawan saynete Senado senakulo Sentrong Pangkultura ng Filipinas sibat Sierra Madre Silang, Gabriela simbahan Simbahang Barasoain Simbahang Katoliko Simbahang Miag-ao Simbahang Paoay Simbahang San Agustin Simbahang San Sebastian Simbahang Santa Maria sinarapan singkaban singkil sinigang sipa sirena sitsaron siyokoy Soto, Juan Crisostomo Sotto, Vicente Spoliarium subli suki Sulaiman, Sumaon Sulayman, Raha sulibaw sultan suman Sumuroy sunduk

706. 707. 708. T 709. 710. 711. 712. 713. 714. 715. 716. 717. 718. 719. 720. 721. 722. 723. 724. 725. 726. 727. 728. 729. 730. 731. 732. 733. 734. 735. 736. 737. 738. 739.

sungka sutukil suyod

tabako tabo táka taklobo talinghaga talisay Talong Aliwagwag Talong Maria Cristina Talong Pagsanjan taludtod tamaraw Tamblot Tampinco, Isabelo tampipi tanaga tandikan Tanodbayan Taong Tabon Tapayang Maitum tapsilog tarsila tawad tawilis teatro Tecson, Trinidad terno Thomasites tibag Tiempo, Edith L. tikbalang tilapya

740. 741. 742. 743. 744. 745. 746. 747. 748. 749. 750. 751. 752. 753. 754. 755. 756. 757. 758. 759. 760. 761. 762. 763. 764. 765. 766. 767. U 768. 769. 770. 771. 772. 773.

timawa tinalak tinapay tingi tinikling Tinio, Manuel Tinio, Rolando S. Tiwi Hot Spring tiyanak Todos Los Santos Tolentino, Aurelio V. Tolentino, Guillermo E. Topacio Jr., Teodulo M. torogan Torre, Eugene tosino trambiya traysikel trumpo Tsino tsunami tubaw tubó tugma at sukat tulì turo-turo Tuwaang tuyo at tinapa

774. 775. 776. 777. 778. 779. 780. V 781. 782. 783. 784. 785. 786. 787. 788. 789. 790. 791. 792. 793. 794. W 795. 796. Y 797. 798. 799. 800.

Union Obrero Democratica UP Church of the Holy Sacrifice Urbana at Feliza usog utang-na-loob Uto, Datu Uwang Ahadas

vakul Valera, Ramon Vega-Mercado, Lydia de Velasco, José R. Velásquez, Carmen C. Velasquez, Gregorio T. Veneracion, Andrea O. Vergara, Benito Villa, Jose Garcia Villa, Pancho Villanueva, Anthony vinta Vinzons, Wenceslao Q. Virgenes Cristianos Expuestas al populacho

Walang Sugat waling-waling

Ullalim Ultimo Adios Umali, Dioscoro L. Unang Sigaw Unibersidad ng Pilipinas Unibersidad ng Santo Tomas

yakal yantok yo-yo Yungib Callao

Z 801. Zara, Gregorio

Jose Abad Santos
(19 Pebrero 1886-2 Mayo 1942) Si Jose Abad Santos (Ho·sé A·bád Sán·tos) ay isang kagawad ng gabinete, estadista, at ang ikalimang punòng mahistrado ng Korte Suprema. Nagsilbi rin siyáng Acting President ng bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naging martir sa kamay ng mga Hapones. Ipinanganak si Abad Santos noong 1886 sa San Fernando, Pampanga, at pampito sa sampung anak nina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Nagaral siyá bilang pensiyonado sa Estados Unidos, nagtapos ng abogasya sa Santa Clara College at Northwestern University sa Illinois noong 1908 at master sa batas sa George Washington University nang sumunod na taon. Napangasawa niyá si Amanda Teopaco noong 1918 at lima ang naging anak nilá: Jose, Jr., Osmundo, Luz, Amanda, at Victoria. Naging instrumental si Abad Santos sa pagsulat ng mga tuntunin at konstitusyon ng Philippine Women’s University, ang unang pribado at sektaryong pamantasan para sa kababaihan sa buong Asia. Siyá rin ang naging unang Filipinong abogadong pang-korporasyon ng Philippine National Bank. Naging tagapayong teknikal siyá ng misyong pangkasarinlan ng Filipinas sa Estados Unidos noong 1919, humawak ng iba pang mga tungkulin sa pamahalaan gaya ng abogado ng Manila Railroad Company noong 1920, punò ng misyong pang-edukasyon sa Estados Unidos noong 1926, at kalihim ng katarungan noong 1931. Noong 1942, isinasáma siyá ni Pangulong Manuel Quezon sa paglikas ng pamahalaang Komonwelt sa Australya ngunit pinili niyáng manatili sa Filipinas. Inatasan siyá ni Quezon na maging Acting President at mangasiwa sa mga bahagi ng bansa na hindi pa nasasakop ng mga Hapones. Nahúli siyá ng mga Hapones sa Cebu, kasáma ang anak na si Jose Jr. o Pepito, noong 11Abril 1942. Hinatulan siyá ng kamatayan dahil ayaw makipagtulungan sa mga mananakop. Bago siyá barilin noong 2 Mayo 1942 sa Malabang, Lanao (Lanao del Sur ngayon), sinabi niyá kay Pepito: “Huwag kang umiyak. Ipakita mo sa mga táong ito na matapang ka. Isang karangalan ang mamatay para sa iyong bayan.” Ilang pangunahing lansangan sa mga lungsod ng bansa ang ipinangalan sa kaniya; kabílang dito ang isang abenida sa Maynila na kinatitirikan ng Abad Santos LRT Station. (PKJ) (ed VSA)

abaká
Ang abaká (Musa textilis) ay isang halamang hemp o napagkukunan ng himaymay. Berde ang mga dahon nitó na kawangis ng dahon ng saging. Bagaman nakakatulad ang anyo ng saging, madaling makilala ang abaka sa pamamagitan ng ilang katangian nitó. Una, ang dulo ng dahon ng abaka ay mas patulis kompara sa saging. Pangalawa, ang ibabang bahagi ng dahon nitó ay hindi pantay. Pangatlo, ang magkabilâng bahagi ng dahon nitó ay parehong makintab at madulas. Ang taas ng punòng abaka ay umaabot nang apat hanggang walong metro. Katutubo sa Filipinas ang halamang ito at pinaniniwalaang nagmula sa rehiyong Bicol. Maraming kapakinabangang pang-ekonomiya ang abaka. Ang mga himaymay o hibla nitó ay hinahabi upang maging tela na ginagamit sa paggawa ng damit o kortina. Ginagawa rin itong lubid, basket, at katulad. Ang himaymay ay makukuha hindi sa mga dahon nitó kundi sa pinakakatawan ng halaman na tinatawag ding saha. Ginagamit din ito sa paggawa ng kilalang papel na kung tawagin ay papel de manila o manila paper. Ang punòng abaka pati na ang puting himaymay na nagmumula rito ay tinatawag ding ibilaw, labayo, lain, at paguwa. (SAO) (ed GSZ)

abakáda
Abakáda ang tawag sa pangkat ng mga titik o letra sa wikang Tagalog at kumakatawan ang tawag sa apat na unang titik nitó (A-Ba-Ka-Da). Ang abakáda ay binubuo ng 20 titik: A,B, K, D, E, G, H, I , L, M, N, Ng, O, P, R, S , T, U, W, Y. Lima rito ang patinig (A, E, I, O , U) at labinlima ang katinig. Ang mga titik na ito ang ginamit sa pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang pagsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon. Ginamit ang abakada sa aklat ng balarila ni Lope K. Santos at ilang henerasyon ng mga mag-aaral ang natuto ng Wikang Pambansa sa pamamagitan nitó. Sinusundan ng abakada ang papantig na pagbigkas ng mga titik ng wikang Tagalog na kalapit na kalapit rin sa mga sagisag ng baybáyin, ang sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Tagalog. Mapapansin lamang na ang E-I at O-U ay kinakatawan ng isang tunog sa baybayin kayâ tatlo lamang ang patinig ng lumang alpabetong ito. Nagdulot ito ng kalituhan noon at hanggang ngayon dahil hindi nabibigkas nang magkaiba ang E sa I at ang O sa U. Sa pagbabago ng konsepto ng Wikang Pambansa tungo sa Pilipino at sakâ Filipino ay nadagdagan rin ang titik ng abakada. Pinalitan ito ng pinagyamang alpabeto na may 31 titik noong dekada 1970. Labing-isang titik ang idinagdag mula sa alpabetong Espanyol. Kaugnay ng 1987 Konstitusyon at ng pagpapahayag sa Filipino bilang Wikang Pambansa, nirebisa at naging 28 ang titik ng alpabeto ng wikang Filipino. Pinanatili ang 20 titik ng abakada kasáma ang mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z at tinawag alinsunod sa alpabetong Ingles maliban sa katutubong NG at Espanyol na Ñ. Idinagdag ang naturang mga titik upang kumatawan sa mga tunog na wala sa orihinal na abakada ngunit nasa Ingles at Espanyol at sa ilan sa mga katutubong wika ng Filipinas. Halimbawa, ang F at V ay may tunog na nasa pangalan na ng Ifugaw at Ivatan. (JGP) (ed VSA)

Nicanor Abelardo
(7 Pebrero 1893-21 Marso 1934) Kinikilala si Nicanor Abelardo (Nikanór Abelárdo) bilang isa sa “Tatlong Haligi ng Musikang Filipino.” Kasama sa tatlo sina Francisco Santiago, unang Filipinong Direktor ng UP Konserbatoryo ng Musika, at Antonio Molina na ginawaran ng Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1973. Si Abelardo ang unang Filipinong kompositor na lumikha ng Concerto in B Flat Minor para sa piyano at orkestra noong 1923, na gumamit ng mga temang batay sa awiting-bayan. Higit na kilala si Abelardo sa kaniyang mga likhang awit na kadalasan ay siyá rin ang sumulat ng titik. Kabílang sa mga awit sa estilong kundiman na kaniyang nilikha ang Nasaan ka Irog? (titik: Nemesio Asistio), Kung Hindi Man , Magbalik Ka Hirang (titik: Filomena Alcanar), Himutok, Paghanga, Sa Libingan ng Irog (titik: Pedro Icasiano), at Kundiman ng Luha (titik: Jose Corazon de Jesus). Ang kundiman ayon kay Abelardo, ay “isang awit na nagtatampok sa isang lalaking nagmamahal na nagdedeklara ng pagkakait sa sarili upang sundin ang nasa ng babaeng minamahal.” Ang halimbawa naman ng mga awit na may makabayang titik na nilikha niyá ay Ang Aking Bayan at Ultimo Adios (titik: Jose Rizal). Lumikha rin siyá ng musika para sa mga sarsuwelang Tagalog. Kabílang dito ang Sumilang ni Basilio Lanuza at Dakilang Punglo ni Servando de los Angeles. Ang kilalang awit na Bituing Marikit ay nilikha ni Abelardo para sa sarsuwelang Dakilang Punglo. Tinagurian din siyáng “Ama ng Filipinong Sonata” para sa kaniyang mga obrang Sonata in G Major (1921), Sonata for violin and piano (1931), at Sonata for String Quartette (1932). Isinilang siyá sa San Miguel de Mayumo, Bulacan noong 7 Pebrero 1893. Ang bulto ng komposisyon niyá ay nasa anyo ng awit. Marahil, dahil kabataan pa siyá’y mang-aawit na at piyanista. Noong 1931-1932, nag-aral siyá bilang pensionado sa Chicago Musical College at dito’y lumikha siyá ng mga komposisyong pang-instrumento. Nagtangka rin siyáng lumikha ng Symphony na hindi natapos dahil sa kaniyang maagang pagkamatay noong 1934. Bukod sa pagiging mahusay na kompositor ay kinikilala rin si Ablelardo

bilang mahusay na guro sa UP Konserbatoryo ng Musika. Namatay si Nicanor Abelardo noong 21 Marso 1934 nang hindi natapos ang operang Florante at Laura, Concerto para sa biyolin at piyano, at ang nabanggit nang Symphony. (RCN) (ed GSZ)

Napoleon V. Abueva
(26 Enero 1930—) Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining para sa Eskultura noong 1976 si Napoleon V. Abueva (Na·pol·yón Vi Ab·wé·va). Sa edad na 46, siyá ang pinakabatang nagkamit ng parangal na ito. Kinikilala rin siyáng Ama ng Makabagong Eskultura sa Filipinas. Bihasa si Abueva sa iba’t ibang larangan ng eskultura. May kakayahan din siyáng gamitin ang iba’t ibang uri ng materyales tulad ng kahoy, metal, at bato. Ilan sa mga obra ni Abueva na matatagpuan sa mga espasyong publiko ay ang sumusunod: Transfiguration (1979), isang matayog na pigurang Kristo sa Eternal Gardens Memorial Park sa Caloocan; magkabilaang krusipiho, altar (1957) at busto ni Padre Delaney sa Chapel of the Holy Sacrifice sa kampus ng UP Diliman; labing-apat na estasyon ng krus ng Kapilya ng Paaralang Claret sa Teacher’s Village, Diliman at ng EDSA Shrine; Siyam na Musa sa UP Faculty Center (1994); rebulto ni Teodoro M. Kalaw sa harap ng Pambansang Aklatan; marmol na miyural sa Bantayog ng mga Bayani sa Bundok Samat, Bataan; at Sunburst sa Peninsula Manila Hotel (1994). Maibibilang naman sa kaniyang mahahalagang obra ang mga sumusunod: Allegorical Harpoon, kabílang sa limang gawa niyá na lahok ng Filipinas sa XXXII Venice Biennale noong 1964; Kaganapan (1953), itinuturing na pinakamaestilo sa kaniyang mga likha; Halik (adobe), nagtamo ng ikalawang gantimpala sa ika-4 taunang eksibisyon ng Arts Association of the Philippines, 1951; lumulutang na eskulturang Moses (1951); Kiss of Judas (kahoy), nagwagi ng unang gantimpala sa Eksibisyon ng mga Relihiyosong Likhang Sining sa Detroit, Michigan, USA (1955); Water Buffalo (Marmol), itinanghal sa St. Louis , Missouri, USA (1956); at Unknown Political Prisoner, ginawaran sa Internasyonal na Patimpalak sa Noong 1978, hinirang si Abueva bilang Dekano ng College of Fine Arts Eskultura ng Institute of Contemporary Arts, London (1953). sa Unibersidad ng Pilipinas, at nanatili sa posisyong ito hanggang 1989. Naging kabiyak niyá si Sergia Valles na naging Kalihim ng National Maaga siyáng naulila ng mga magulang na sina Kongresista Teodoro Center for Mental Health. May tatlo silang anak, sina Amihan, Mulawin Abueva ng Tagbilaran, Bohol at Purificacion Veloso ng Cebu na pinaslang at Duero. ng mga Hapones noong 1944 dahil sa pagiging mga gerilya. Nakapagaral siyá at nagtamo ng digri sa Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas sa Kabílang sa iba pa niyáng nakamit na parangal ang mga sumusunod: mga pamamagitan ng iskolarship mula kay Pura Villanueva Kalaw. Nagtapos gawad mula sa Art Association of the Philippines (1951, 1952, 1953, 1954, siyá ng Master sa Sining sa Cranbrook Academy of Art sa Michigan, USA 1958, 1974 at 1977); Natatanging Alumnus ng School of Fine Arts, UP noong 1955 bilang iskolar ng Fulbright/Smith-Mundt. Nagpatuloy pa siyá Golden Jubilee (1958); Republic Award para sa Eskultura (1959); Ten ng pag-aaral ng Ceramics sa University of Kansas at Kasaysayan ng Sining Outstanding Young Men of the Philippines (1959); Cultural Heritage sa Unibersidad ng Harvard sa Estados Unidos. Award (1966). (RVR) (ed GSZ)

Abunnawas
Si Abunnawas ang popular na pilyong tauhan sa mga katakata, kuwentong bayan ng mga Tausug at Samal. Hindi tulad ng ibang uri ng panitikang oral ng mga Tausug at Samal, isinasalaysay lamang ang mga katakata at hindi inaawit. Isinasalaysay rin ang mga ito bilang pampalipas-oras. Sa lahat ng mga kuwento ni Abunnawas, lagi niyáng naiisahan ang sultan sa mga pagsubok at pagtatangkang gawing katatawanan si Abunnawas. Isang kuwento ni Abunnawas ay pinamagatang Lumakad si Abunnawas sa Ibabaw ng Kawayan. Sa nasabing kuwento, nang napadaan si Abunnawas sa kaharian ng sultan, kaniyang ibinida na nakapaglakad siyá sa ibabaw ng kawayan. Hindi naniwala ang sultan kayâ hinamon niyá si Abunnawas na maglakad sa ibabaw ng kawayan mula sa bahay nitó hanggang sa kaharian. Kapag nagawa ito ni Abunnawas, bibigyan siyá ng salapi ng sultan ngunit kapag hindi niyá natugunan ang hamon ng sultan ay kamatayan ang parusa. Kaagad na umuwi si Abunnawas at naghanda ng tayakád, mga piraso ng kawayan na itinali nang mahigpit sa isa’t isa at may nakausling bahagi ng kawayan upang may mahawakan ang pilyong tauhan. Sunod, nagtungo siyá sa kaharian at nang matapat na sa bintana na tanaw ng sultan, kaniya itong tinawag upang tingnan siyá. Nagulat ang sultan at hinangaan na lamang ang katalinuhan ni Abunnawas. Kawangis ng pag-uugali ni Abunnawas ang iba pang popular na tauhan sa iba’t ibang kuwentong-bayan, gaya ni Juan Púsong ng mga Bisaya at Juan Usong ng mga Bikol. Ngunit, ayon sa mga iskolar ng panitikan ng Tausug, taliwas sa kaugalian ng pangkat-etniko na maging masunurin ang asal ni Abunnawas. (SJ) (ed VSA)

Lumakad si Abunnawas gamit ang tayakad, Guhit nina Erika Sevilla at Jean Estella

adárna
Ayon sa mga paniniwala ng mga Tagalog, isang maalamat na ibon ang adárna. Batay sa mga deskripsiyon, ang tuka nitó ay hindi gaanong matulis, may makulay na balahibo at mahahabà ang balahibo sa bandang puwitan nitó. May kakayahan ang adarna na makapagpagaling ng anumang sakit kapag ito’y humuni at umawit na. Dahil dito, pílit na hinuhuli ng mga tao ang mitolohikal na ibon. Sa koridong Ibong Adarna, naging mahalaga ang ibon sa pagpapagaling sa hari ng Berbania, si Haring Fernando. Ngunit, hindi naging madali ang paghuli sa ibon. Sa tamis ng huni at pag-awit ng ibon, nakakatulog ang sinumang nakarinig nitó at kapag nataehan ng ibon ay nagiging bato. At iyon nga ang nangyari sa dalawang anak ni Haring Fernando, sina Prinsipe Pedro at Prinsipe Diego, na naging bato matapos makatulog nang marinig ang pagkanta ng ibon at mataehan nitó. Ngunit, ang bunsong anak ni Fernando na si Prinsipe Juan ay naging matagumpay matapos mapayuhan ng matandang pulubi sa dapat gawin upang hindi makatulog at maging bato at kung paanong makababalik ang dalawang kapatid niyá mula sa pagiging bato. Binigyan siyá ng labaha at kalamansi. Sa bawat awit, hinihiwa niyá ang bisig at pinapatakan ng kalamansi. Dahil sa kirot, hindi siyá nakatulog hanggang matapos ang pitong awit ng adarna.Nang mahuli na ni Juan ang ibon at bumalik mula sa pagiging bato ang dalawa niyáng kapatid, umuwi na ang tatlong prinsipe sa kaharian. Mahabà pa ang mga sumunod na pangyayari sa korido. Ginagamit na ang adarna bilang pangngalang pantangi ng iba’t ibang institusyon sa bansa. Una, ang Adarna Publishing House, ang kaunaunahang lathalaan ng mga aklat pambata sa Filipinas. Ang UP Cine Adarna (dating UP Film Center) na teatro para sa mga pelikula sa Unibersidad ng Pilipinas. Ipinangalan din sa ibon ang proyektong ADARNA o Aerial Dynamic Assessment Robot for National Advancement ng Pamantasang De La Salle. (SJ) (ed VSA)

ádat
Ang ádat sa wikang Arabe ay “kaugalian.” Sa mga pangkating Muslim sa Filipinas, ito ang kabuuan ng di-nakasulat na mga hálagáhan at pamantayan ng asal at kilos sa lipunan. May ádat ukol sa tradisyonal na pananamit. May ádat hinggil sa paraan ng paglutas ng usaping panlipunan. Halimbawa pa, sa mga Tausug sa Lungsod ng Zamboanga, ang salitâng ádat ay karaniwang ginagamit sa “pang-adatan pangalay” (kinaugaliang sayaw), “pang-adatan pagkawin” (banal na gawain na ginagawa tuwing kasal), “malingkat adat” (magandang pag-uugali) at “mangi adat” (masamâng pag-uugali). (RBT) (ed VSA)

adóbo
Isang putaheng karne na tinimplahan ng sukà, asin, bawang, at paminta. Sa Espanyol, ang orihinal na adóbo ay tinimplahan sa langis, bawang, at oregano. Ngunit marami ang nagpapalagay na ang putaheng ito ng mga Filipino ay mulang Mexico. Sa Oaxaca, Mexico ang karne ay ibinababad sa sili, bawang, sidrang sukà, tomílyo (thyme), dahon ng lawrel, dahon ng abokado, oregano, itim na pamintang buo, at kanéla. Sa kabilâng dako, marami din ang nagtuturing na “pambansang ulam” ang adobo. Narito na ito diumano at tinawag lámang na “adobo” ng mga Espanyol dahil kahawig ng alam nilá. Hindi rin magkasundo sa mga rekado nitó. Iginigiit ng mga tradisyonalista na dapat itong lagyan ng asin, isang sangkap na napalitan ng toyo at ipinalalagay na impluwensiya ng mga Tsino. Iba-iba ang adobo sa iba-ibang kusinera at iba-ibang lugar. Isang restoran ang sikát sa adobong baboy na may pritong taho, at pusit na pinakuluan sa sukà at toyo. Sa Batanes, ang lúnyis o adobo ng mga Ivatan ay may asin lámang. Mabisàng paraan ang adobo para sa pag-iimbak ng karne para hindi ito masira noong wala pang repridyireytor. At kahit ngayon kung walang imbakan. Maaaring adobuhin ang karneng baboy, báka, manok, isda, at kahit gulay. Maaasahang handa ito sa mga tahanan kung pista at báon sa piknik o mahabàng biyahe. Noong 1898, sa inaugurasyon ng Unang Republika ng Filipinas ay nása wikang Pranses ang menu ng grandeng hapunan. Isa sa handa ang “Abatis de Poulet a la Tagale” na kung isasalin ay “adobong atay at balumbalunan.” Kataká-taká bang tawaging “Adobo Country” ang Filipinas? (VSA)

Marcelo Q. Adonay
(6 Pebrero 1848-8 Pebrero 1928) Kilalang musiko sa pagtatapos ng siglo 19, si Marcelo Q. Adonay (Marsélo Kyu Adónay) ay isang kompositor, organista, direktor pangmusika, at guro. Noong 1856, walong taon lamang si Adonay nang dalhin siyá ng kaniyang tiyuhin sa Maynila upang pag-aralin sa kumbento ng Simbahang San Agustin. Sa kumbento ay pormal niyáng natutuhan ang pagtugtog ng piyano, organo, at kaalaman tungkol sa mga pangunahing tuntunin ng armonya. Noong 1870, bukod sa pagiging organista ng Simbahang San Agustin, ay iginawad kay Adonay ang titulong “Maestro di Capella.” Ang responsabilad na ito ay ginampanan niyá hanggang 1914. Noon ding 1870 ay binuo niyá ang orkestra ng kumbento na may kabuoang 20-25 miyembro, bukod pa ito sa orkestra ng Katedral na lingguhan niyáng ineensayo. Bukod sa mga gawaing pansimbahan, nagturo rin si Adonay sa mga paaralang Colegio de Santa Catalina, Colegio de Santa Rosa, Colegio de San Sebastian, at La Campañia de Jesus. Nagturo rin siyá ng solfeggio, armonya at komposisyon sa Centro de Bellas Artes. Kinikilala si Adonay bilang prinsipe ng musikang pansimbahan ng Filipinas. Panrelihiyon ang tuon ng kaniyang musika, ngunit mayroon din siyáng mga likhang sekular na musika. Narito ang ilang likhang musikang pansimbahan ng maestro: Benedictus, para sa tenor at orkestra; Libera Me Domine, para sa mga boses at doble bajo; Gazos a la Santissima Virgen (a Nuestra Sra. de la Consolacion), para sa koro at organo o harmonium; Gazos a la Santissima Virgen de Remedios, para sa koro at orkestra; Pequeña Misa Solemne sobre Motivos de la Missa Regia del Canto Gregoriano, para sa koro at orkestra; Rosario Difunto, para sa koro at maliit na orkestra; Salve Regina, para sa isang boses at piyano. Narito naman ilang musikang sekular: Martsa, alay kay Anotnio Luna; Rizal Glorified, unang itinanghal noong 30 Disyembre 1911 sa Manila Grand Opera House para sa paggunita ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal (kinomisyon ang musikang ito ni Pablo Ocampo para sa nasabing okasyon); La Procesion de Turumba en Pakil, para sa banda at mga boses; Ang Querot ng Reuma, na nilikha niyá noong 1912 marahil bilang pag-aalaala sa sariling karanasan sa sakit; Tocata para sa organo, ibinigay niyá kay Col. Walter Loving nang dumalaw ang koronel sa kaniyang bahay at humingi ng orihinal na komposisyon para sa nabanggit na instrumento. Noong 1983, bilang pag-alaala sa ika-135 kaarawan ni Maestro Marcelo Q. Adonay, ay nagtayo ng isang panandang

paggunita sa Pakil, Laguna bilang pagkilala sa kontribusyon ng maestro sa pagpapayaman ng musikang pansimbahan ng Filipinas. Ipinanganak siyá noong 6 Pebrero 1848 sa Pakil, Laguna at yumao noong 8 Pebrero 1928 sa kaniyang tahanan sa Malate, Maynila. Panganay na anak sa labing-isang magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano Adonay at Prudencia Quinteria na pawang magsasaka. (RCN) (ed GSZ)

Adwána
Tinatawag na Adwána ang ahensiya o opisina ng pamahalaan na may tungkuling mangolekta ng mga ipinapataw na buwis sa mga kalakal na ipinapasok mula sa ibang bansa at ng bayad para sa paggamit ng mga kasangkapan at serbisyo sa mga piyer at paliparan. Pinamamahalaan at kinokontrol din nitó ang pagpasok at paglabas sa bansa ng iba’t ibang uri ng produkto kagaya ng mga personal na kagamitan, sasakyan, pagkain, hayop, halaman, at iba pang gamit na maaaring patawan ng buwis. Mula ito sa Espanyol na aduana at may gayunding kahulugan. Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol nagtatag ng opisina upang maningil ng kaukulang buwis sa mga tao at kalakal na nagdaraan sa mga piyer ng Maynila. Ang Kawanihan ng Adwana (Bureau of Customs) ngayon ang may ganitong tungkuling mag-inspeksiyon at magtása sa mga kalakal na pumapasok sa Filipinas. Nagiging bahagi ang nalilikom na salapi ng pambansang pondo ng gobyerno para sa mga proyektong pambayan. Mayroon nang sariling sistema ng adwana ang mga katutubong Filipino bago pa dumating ang mga Espanyol. Nagbibigay ng buwis noon pa ang mga dayuhang mangangalakal sa naghaharing raha o datu ng barangay. Ipinagpatuloy ng mga mananakop na Espanyol ang ganitong kalakaran sa pamamagitan ng pagpataw ng buwis na ad valorem sa lahat ng kalakal. Noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos, nagbalangkas ang Philippine Commission ng mga batas na gagabay sa pangongolekta ng buwis sa mga inaangkat na kalakal. Sa kasalukuyan, ang sistema ng adwana sa Filipinas ay ginagabayan ng Tariff and Customs Laws of the Philippines. Ang Kawanihan ng Adwana sa Filipinas ang isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng gobyerno. Nakalilikom ito ng mahigit isang bilyong piso taon-taon mula sa ipinapataw ng buwis sa mga inaangkat at iniluluwas na kalakal. (SMP) (ed VSA)

Gusali ng Bureau of Customs, Maynila 1945-1947 Retrato ni John T Pilot

agímat
Agímat ang tawag sa anumang bagay na pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihang nakapagbibigay ng pambihirang lakas at iba pang kakayahang higit sa taglay ng karaniwang tao. Sinasabing nakaugat angagimat sa relihiyon ng mga sinaunang Filipino na naniniwalang ang lahat ng bagay na likas ay may kaluluwa kung kayâ’t maging hanggang sa kasalukuyan, ang maliliit na bato o piraso ng kahoy, lalo na iyong mga nakuha sa sagradong lugar o kakaibang paligid, ay itinuturing na makapangyarihan. Dulot na rin ng impluwensiya ng Kristiyanismo sa bansa, maging ang mga kuwintas na krus at eskapularyo ay itinuturing kung minsan na agimat. Sa katunayan, maraming nabibiling agimat maging sa tabi ng simbahan sa Quiapo. Tinatawag din itong anting-anting, o kayâ ay alipugpóg sa Iloko, dagón sa Sebwano, galíng sa Tagalog, Iloko, Kapampangan, at Pangasinan, samantalang ang mga terminong amuléto at birtúd ay mula sa Espanyol. Bagaman nasasaksihan na lamang sa mga pelikula at telebisyon, o nababasa sa mga kuwentong kababalaghan at komiks, bahagi rin ang agimat ng maraming epikong Filpino at kuwentong bayan. Sa katunayan, nagiging bahagi rin ito ng kasaysayan ng Filipinas. Hindi maihihiwalay, halimbawa, ang pagkabantog ni Macario Sakay sa damit niyáng kinasusulatan ng Latin at may mga dibuhong relihiyoso na sinasabing nagsanggalang sa kaniya laban sa mga bala ng kaaway na Espanyol at Amerikano. (GAC) (ed GSZ)

Gregorio Aglipay
(5 Mayo 1860-1 Setyembre 1940) Si Gregorio L. Aglipay (Gre·gór·yo El Ag·lí·pay) ay isang makabayang lider ng mga paring Filipino at unang Obispo Maximo ng Iglesia Filipina Independiente, ang simbahang kilalá ngayon sa tawag na “Simbahang Aglipay.” Ipinanganak si Aglipay noong 5 Mayo 1860 sa Batac, Ilocos Norte. Sa muràng edad ay naulila siyá at lumaki sa mga sakahan ng tabako. Sa edad katorse, nakulong siyá dahil hindi nakamit ang takdang dami ng aning tabako. Nag-aral siyá ng pagpapari sa seminaryo ng mga Agustino sa Vigan at ng mga Dominiko sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila. Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Espanyol, isa na siyáng kura paroko at hindi ito nakasagabal para kumilos siyá at tumulong sa mga Katipunero. Noong 1898, hinirang siyá ni Hen. Emilio Aguinaldo na Vicario General Castrense ng rebolusyonaryong pamahalaan. Ibig sabihin, siyá ang pinunòng espiritwal ng mga Filipino at doon nagsimula ang tinatawag ngayong rebolusyong panrelihiyon sa bansa. Nang panahong iyon, nakita niyá na walang karapatan ang mga paring Filipino, hawak ng mga fraile ang malalaking lupain, at walang hinihirang na obispong Filipino ang Papa. Dahil dito, siyá at ang iba pang paring Filipino ay humiwalay sa Simbahang Katoliko. Itinatag nilá noong 26 Oktubre 1902 ang Iglesia Filipina Independiente. Noong Enero 1903, hinirang siyá bilang Obispo Maximo ng bagong simbahan ng mga obispo ng Maynila, Cavite, Nueva Ecija, Isabela, Cagayan, Pangasinan, at Abra. Tatlumpu’t walong taon niyáng pinamunuan ang simbahang ito. Bago namatay, kumandidato siyáng presidente sa eleksiyon ng Komonwelt (kasama si Norberto Nabong ng Partido Komunista bilang bise-presidente) pero natalo kina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña. Noong 1939 ikinasal siyá kay D. Pilar Jamias y Ver. Namatay siyá noong 1 Setyembre 1940. Hanggang ngayon, ang simbahang itinatag niyá ay nananatiling simbolo ng pagnanais ng mga Filipino na maging malaya mula sa mga dayuhan. (PKJ) (ed VSA)

Teodoro A. Agoncillo
(9 Nobyembre 1912-14 Enero 1985) Pambansang Alagad ng Agham, si Teodoro Agoncillo (Tyo·dó·ro A·gon·síl·yo) ang kinikilálang ama ng makabansang pananaw sa pagsulat ng kasaysayan. Iginiit niyá na dapat sulatin ang kasaysayan ng Filipinas ng isang Filipino at sa pananaw na Filipino at ipinakita ito sa kaniyang mga aklat, upang matigil ang lubhang pananalig noon sa historyang likha ng mga dayuhan. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham (National Scientist), postumo, noong11 Hulyo 1985. Si Agoncillo ang pangunahing may-akda ng History of the Filipino People. Ito ay naging pamantayang sanggunian sa pag-aaral ng kasaysayan ng Filipinas. Bahagi ng kaniyang umaabot sa 22 aklat ang Filipino Nationalism 1872-1971, Malolos: The Crisis of the Republic, The Fateful Years: Japan’s Misadventure in the Philippines, at The Burden of Proof: The Vargas-Laurel Collaboration, na kinikilala ngayon bilang mga saligang babasahin upang maunawaan ang naratibo ng bansang Filipinas sa modernong panahon. Ang librong The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan ang itinuturing na pinakamahalagang akda ni Agoncillo sa larangan ng makabayang historyograpiya. Umani ito ng maraming papuri ngunit binatikos ng mga konserbatibong historyador ang kaniyang makabayan at radikal na naratibo ng kasaysayan. Dahil sa mga kontrobersiya, ipinatigil ni Pangulong Ramon Magsaysay noong 1948 ang pagpapalimbag sa aklat. Nalathala lámang ito noong Pebrero 1956. Nagkamit si Teodoro Agoncillo ng mga parangal, at tampok sa mga ito ang Republic Cultural Award (1967), UNESCO Prize for Best Essay (1969), at ang Diwa ng Lahi (1982) -- ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Lungsod ng Maynila. Ipinanganak si Agoncillo noong 9 Nobyembre 1912 sa Lemery, Batangas. Nagtapos siyá ng batsilyer sa pilosopiya (1934) at masterado sa sining (1935) sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagsimula siyáng makilála bilang makata at kritiko sa panitikan, naging pundador na kasapi ng Kapisanang Panitikan, ngunit higit na natuon ang isip sa kasaysayan nang magturo sa UP. Naging punò siyá ng Kagawaran ng Kasaysayan sa UP at naging University Professor, pinakamataas na ranggong akademinko sa UP. Namatay siyá sa sakít noong 14 Enero 1985. (SMP) (ed VSA)

Faustino Aguilar
(15 Pebrero 1882-24 Hulyo 1955) Itinuturing na haligi ng panitikang Tagalog bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Faustino Aguilar (Faws·tí·no A·gi·lár) ay isang nobelista, peryodista, at lider-manggagawa. Ipinanganak siyá noong 15 Pebrero 1882 sa Malate, Maynila at anak nina Claro Vergara Aguilar at Juana Ongjoc de los Santos. Sa gulang na 14 taón, nasaksihan niyá ang pamamalò ng mga fraile sa kaniyang ama at sinasabing may malaking impluwensiya sa kaniyang pakikibáka laban sa kolonyalismo. Nagsimulang maging bahagi ng Katipunan si Aguilar bilang mensahero ni Vicente Fernandez, isang Katipunerong kinupkop ng kaniyang pamilya. Pagkaraan, naging kawani siyá ng Kalihim ng Digmaan at naging Kalihim Panloob ng Republika ng Malolos noong 1899. Napiit siyá noong 1899. Nalingkod din siyá laban sa mga Amerikano sa Digmaang FilipinoAmerikano at ipinagpatuloy ang pakikibáka sa larangan ng peryodismo. Naging editor siyá ng seksiyong Tagalog ng pahayagang La Patria noong 1902; pangkalahatang editor ng pahinang Tagalog ng El Renacimiento. Siyá ang kahuli-hulihang editor ng pahayagang Muling Pagsilang at naging unang editor ng pumalit na pahayagang Taliba. Naging aktibo si F. Aguilar sa mga usaping pangmamagawa kayâ naging pangalawang direktor siyá ng Bureau of Labor noong 1913 at pagkaraan ay naging direktor nitó sa panahong 1918-1923. Naging kalihim siyá ng Senado mula Enero 5, 1923 hanggang mabalik siyá sa Kagawaran ng Paggawa at maging pangalawang kalihim sa mga taóng 1933-1939. Nagpakasal siyá kay Isidora Ortiz Alonzo noong 1904 at nagkaroon silá ng apat na anak. 1949 nang muli siyáng mag-asawa at nagpakasal kay Emilia Warren. Yumao siyá noong 24 Hulyo 1954 sa Maynila. Ang malasákit niyá sa kapakanan ng manggagawa ay nakatampok sa Pinaglahuan (1907), itinuturing na pangunahing nobela niyá at hinggil sa malungkot na kapalaran ng lider-manggagawang si Luis Gatbuhay. Tinalakay pa niyá ang masaklap na búhay ng karaniwang tao sa mga nobelang Busabos ng Palad (1909) na tungkol sa isang anak-mayamang tinakwil ng lipunan nang piliing maging mananayaw; Nangalunod sa Katihan (1911) na ukol kay ni Dimas-ilaw, isang lalaking namunò sa pakikibáka laban sa masamâng pamahalaan at simbahan; Sa Ngalan ng

Diyos (1911) na nagsalaysay naman sa mga paraan ng pamamalakad ng mga Heswita upang magpayaman; at Kaligtasan (1951) na naglalahad sa mga tunggaliang bunga ng urbanisasyon ng isang maliit na bayan. Ang Lihim ng Isang Pulo (1927) ay ukol sa alamat ng magkasintahang naging punò ng aguho ngunit katangi-tangi dahil sa ekperimento sa paggamit ng dalisay na wikang Tagalog. (JGP) (ed VSA)

Emilio F. Aguinaldo
(26 Marso 1869-6 Pebrero 1964) Si Emilio Famy Aguinaldo (E·míl·yo Fá·mi A·gi·nál·do) ang una’t hulíng pangulo ng Unang Republika ng Filipinas. Ipinanganak si Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong 26 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy. May kabuhayan ang pamilya niyá, ngunit tumigil sa pag-aaral sa Aguinaldo noong nása ikatlong taon ng segunda enseñanza at tumulong sa negosyo ng mga magulang. Noong 1895, nahalal siyá ng Kawit na capitan municipal, ang binagong tawag sa gobernadorsilyo o punò ng bayan sa ilalim ng Batas Maura. Ikinasal din siyá kay Hilaria del Rosario. Nang mabalitaan ang Katipunan, nagpunta siyá ng Maynila at nanumpang kasapi. Pagsiklab ng Himagsikang 1896, nakilála siyá sa mga matagumpay na labanan sa Cavite. Nang magkaroon ng halalan sa Tejeros noong 22 Marso 1897, siyá ang nahalal na pangulo ng binagong pamahalaang mapanghimagsik. Inilipat niyá ang himpilan ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biyakna-bato, San Miguel de Mayumo, Bulacan. Doon din siyá lumagda sa kasunduan, ang Kasunduang Biyak-na-bato noong 14-15 Disyembre 1897, na pansamantalang nagtigil sa himagsikan hábang kusa siyáng nadestiyero sa Hong Kong kasáma ang iba pang lider rebolusyonaryo. Pagkaraan ng ilang buwan, bumalik si Aguinaldo sa Filipinas, ipinahayag ang kasarinlan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 mula sa kaniyang tahanan sa Kawit, at sinimulan ang ikalawang yugto ng Himagsikang Filipino. Noong 23 Enero 1899, pormal na ipinahayag ang Unang Republika ng Filipinas sa Malolos, Bulacan. Halos kasunod nitó ang pagsiklab din ng Digmaang FilipinoFilipino noong Pebrero 1899 na nauwi sa pag-urong ng hukbong Filipino pa-Hilagang Luzon. Nadakip si Aguinadlo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901 at tuluyang bumagsak ang Republikang Malolos. Nabiyudo siyá noong 1921 at pinakasalan si Hilaria Agoncillo noong 1930. Kumandidato siyáng pangulo ng pamahalaang Komonwelt ngunit tinálo ni Manuel L. Quezon. Namatay siyá noong 6 Pebrero 1964 ngunit naabutan pa niyáng ipinahayag ni Pangulong Diosdado P. Macapagal ang Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan ng Filipinas. (VSA)

águng
Ang águng, na kilala rin sa pangalang blowon, bua, gaggung at sembakung, ay isang pares ng nakasabit na gong. Ito ay may bilog na umbok sa gitnang bahagi at may malapad na papaloob na tagiliran. Karaniwang makikita ang agung sa katimugang bahagi ng Filipinas—Palawan, Mindoro, at mga isla ng Sulu, Mindanao at sa kalookan nitó—Ata, Bagobo, Bukidnon, Hagaonon, Mandaya, Mangguangan, Manobo, Mansaka, Matigsalog, Subanon, Tagakaolo, Tiboli, at Tiruray. Kinabibilangan din ng Mamanua, Tiboli, Hanunuo, Bagobo, Magindanaw, Maranaw, Tagbanua, Tiruray at Yakan ang iba pang Filipinong gumagamit ng tradisyonal na instrumentong agung.Q Sa okasyon ng Batak sa Palawan, tinutugtog ang agung kasaliw ng gimbal, isang uri ng tambol, hábang nanggagamot ang mga babaeng babaylan. Ang gawaing ito ay halaw sa Tagbanua ng Palawan. Sa Tiboli naman, ang isang kasiyahan katulad ng moqninum, na pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal ng kilalang mag-asawa, ay okasyon upang tugtugin ang agung. May iba’t ibang uri ng agung: ang mabigat na tembag na hindi tinutugtog ngunit prominenteng makikita sa tahanan bilang simbolo ng kayamanan ng may-ari nitó. Malaking porsiyento nitó ay gawa sa tingga at maliit lamang na bahagi nitó ang tanso. Ang benegulitok ay katulad ng tembaga ngunit mas magaan. Tinutugtog ito kasama ng gong na tinatawag na sembakung. Ang blowon naman ang pinakamagaan at pinakamakinis na gong. Kompara sa Mindanao at Palawan, ang gong ng Hanunuo ay mas maliliit. Nakasabit ang pares ng agung at magkaharap ang umbok ng mga ito. Sa pagtugtog, hábang pinupukpok ng mga patpat ng isang musiko ang parehong umbok, may isa o dalawa pang pumupukpok naman sa gilid ng mga instrumento—dalawa ang ritmong lumalabas dito, ang mabilis na binalinsay at ang mabagal na dinulut. Ang tugtog na ito ay idinaraos sa sayaw ng kalalakihan. Ang musika ng agung ay tinutugtog sa kasiyahan matapos ang anihan na tinatawag na panludan. Bukod sa mga agung, ang iba pang instrumentong maririnig sa pagdiriwang ay plawta, gitara, at mga patpat na perkusyon. Sa Tiruray, ang salitang agung ay maaaring mangahulugang tono ng gong. At agung din ang titulo ng isang uri ng musikang tinutugtog sa tangunggu. (RCN) (ed GSZ)

Agyu
Si Agyu ang pangunahing bayani ng sinaunang epikong-bayan na Olaging at Ulahingan sa Mindanaw. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga Bukidnon at sinasabing ukol lámang ito sa búhay at pakikipagsapalaran ni Agyu. Sa kabilâng dako, ayon kay Elena G. Maquiso (1977), ang Ulahingan ay isang sanga ng epikong-bayang Bendigan at nakaukol sa búhay ni Agyu at kaniyang angkan. Ang Bendigan diumano ay epikongbayan ng mga Manobo at may sanga ito na tinatawag na Tulalangan at hinggil naman sa bayaning si Tulalang. Malimit na ang paksa ng Ulahingan ay ang paglalakbay ni Agyu, angkan, at mga alagad upang hanapin ang Nalandangan o Nelendangan. Nagsisimula ito sa pagdating ng isang malupit na kaaway o mananakop kayâ kailangang tumakas ng komunidad ni Agyu. May episodyo tungkol kay Mungan, asawa ng kapatid ni Agyu na si Vanlak. Nagkasakit ng ketong si Mungan at nagpasiyang magpaiwan. Ngunit pinagaling siyá ng mga naawang diwata at tinuruan pa kung paanong makaliligtas ang komunidad ni Agyu. May episodyo din sa mga kapatid ni Agyu na gaya nina Tabagka at Lena, gayundin sa anak niyáng si Bayvayan. Isang lumilipad na malaking bangka, ang sarimbar, ang sinakyan nina Agyu upang makaligtas. Sa dulo, narating nilá ang pangakong lupain, ang Nalandangan, at doon naghari si Agyu sa habang-panahon kasáma ang mga adtulusan o pinagpalà. Gayunman, may nakararating ding kaaway at ibang problema sa Nalandangan. Sa isang Olaging na nakolekta ni Ludivina R. Opeña (1972), inilarawan ang isang malaki’t madugong labanan nang lusubin ng mga kaaway ang Nalandangan. Nagwagi ang mga taga-Nalandangan dahil sa kapangyarihan ni Agyu at sa husay niyá sa pakikidigma. Ang isang katangitangi sa Olaging na ito ay ang paglalarawan sa tila-paraisong kalagayan ng Nalandangan at sa malaking bahay ni Agyu. (VSA)
-Agyu, guhit nina Erika Sevilla at Jean Estella

Aklátang Báyan
Ang Aklatang Bayan noong 1930.

Isang malaki’t pangunahing kapisanan ng mga manunulat ang Aklátang Báyan na naitatag sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano noong 1910 sa Tondo, Maynila. Naging pangulong tagapagtatag si Rosauro Almario samantalang naging kalihim naman si Gerardo Chanco. Sinundan ni Precioso Palma si Almario bilang pangulo, at pagkatapos, ni Julian Cruz Balmaceda na naging pangulo noong 1920 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1947. Maraming sumulpot na samahang pangmanunulat sa Filipinas, lalo na sa Kamaynilaan, sa panahong iyon. Ngunit sa Aklátang Báyan natipon ang mga unang haligi ng panitikang Tagalog na gaya nina Lope K. Santos, Carlos Ronquillo, Faustino Aguilar, Severino Reyes, Iñigo Ed. Regalado, Hermenegildo Cruz, Patricio Mariano, at marami pa.

Tagalog bilang wikang pambansa sa 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal. Nanguna ito sa pagdiriwang ng mga araw nina Balagtas, Bonifacio, at Plaridel, at kaipala ay pangunahing kasangkot sa pag-iisip at pagdaraos ng unang balagtásan. Sa hanay nitó hinugot ang mga kilaláng nobelista, sarsuwelista, makata, at peryodista sa bungad ng ika-20 siglo.

Nanguna din ang mga kasapi ng Aklátang Báyan sa pagsusúlong ng panitikang makabayan at laban sa Amerikanisasyon. Narito ang kontradiksiyon sa tinatawag ni Virgilio S. Almario na taglay niláng diwa ng “Balagtasísmo.” Sa isang bandá, masigasig siláng buhayin ang mga adhikang mapagpalaya ng Himagsikang 1896. Sa kabilâng bandá, sa pagsalungat nilá sa modernisasyong hatid ng mga Amerikano ay nasadlak Naging makabuluhan ang Aklátang Báyan sa pagsusúlong ng kapakanan naman silá sa lubhang konserbatibong pagkupkop sa anumang tradisyonal, ng wika’t panitikan sa Tagalog. Nagdaos ito ng mga tertulya at programa gaya ng tugma at súkat, at lubhang pagmamahal sa nakalipas. (SJ) (ed para sumigla ang mga manunulat. Nanguna ito sa pagkampanya para sa VSA)

albuláryo
Ang albuláryo ay tumutukoy sa manggagamot na gumagamit ng sinaunang paraan ng panggagamot. Kabílang sa mga pamamaraang ito ang pagtatapal ng mga halamang gamot at langis, pag-oorasyon o pagbulong, pagtawas, pagbabanyos o pagpunas sa maysakit. Bago ang pananakop ng mga Espanyol, ang tungkulin ng panggagamot ay nakaatang sa babaylan o ang pinunòng espiritwal ng katutubong pamayanan. Naisantabi ang mga babaylan nang ipakilala ng mga Espanyol ang bagong relihiyon. Kasunod nitó’y lumitaw ang mga arbularyo. Ang mga dating inuusal ng mga babaylan ay nahalinhan ng mga Kristiyanong orasyon at dasal, at sa gayo’y napaglangkap ng arbularyo ang katutubo at ang bagong paniniwala. Mga matandang babae o lalaki ang kalimitang nakikilalang albularyo na sa tuwi-tuwina ay matatagpuan sa mga liblib na lugar at malayo sa kabihasnan. Karaniwang iniaasa nila sa pananalig o pananampalataya ang bisa ng kanilang gawain kasama ang malawak na karanasan sa pagpapabuti ng isang may karamdaman. Laganap ang albularyo sa buong kapuluan ng Filipinas lalo na sa mga lugar na hindi naaabot ng makabagong medisina. Tinatawag din silang erbolaryo at baglan sa wikang Iloko. (JCN) (ed GSZ)

Federico A. Alcuaz
(6 Hunyo 1932-2 Pebrero 2011) Si Federico A. Alcuaz (Fe·de·rí·ko Ey Al·ku·wáz) ay isang prolipikong pintor, eskultor, at tanging Filipinong artista na nagkamit ng pinakamaraming gantimpala at parangal sa internasyonal sa larang ng pintura. Nominado siyá para maging Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal noong 2009. Isa siyá sa mga itinuturing na maestro ng abstraksiyon. Kung ang karamihan ng mga artist sa kaniyang panahon ay naging alagad ng modernismo at abstraksiyon dahil sa ito ang napapanahon, si Alcuaz ay nagsimula at nagpakahusay muna sa klasikong estilo bago tuluyang naging bihasa at nakilala sa abstraksiyon. Una siyáng Filipino na nagwagi ng Prix Francisco Goya (1958). Sa Espanya, natamo rin niyá ang prestihiyosong Premio Moncada (1957), nagkamit siyá ng unang gantimpala sa Pintura Sant Pol del Mar (1961), at ikalawang gantimpala sa Premio Vancell sa Fourth Biennial ng Tarrasa, Barcelona (1964). Dito, gagamitin ni Alcuaz ang apelyido ng kaniyang ina upang makilala siyá sa iba pang Aguilar na kasama niyá sa grupong La Puñalada at apelyido ng karamihan noon sa Barcelona. Sa gulang na 24, itinanghal si Alcuaz na pinakabatang nagkaroon ng eksibit sa prestihiyosong Sala Direccion General, Museum of Contemporary Art sa Madrid. Susundan pa ito sa Galerias Layetanas at Galerias Manila sa Barcelona. Sa Pransiya ay pinarangalan siyá ng Diploma of Honor sa International Exhibition of Art Libre (1961), Decoration of Arts, Letters and Awards na may ranggong Chevalier mula sa pamahalaang Pranses (1964) at Order of French Genius (1964). Si Alcuaz lamang ang tanging Filipino na nagkaroon ng mga pagtatanghal sa Alemanya, Pransiya, Amerika, at Espanya. Bagaman mahabàng panahon naglagi siyá sa Europa, di niyá nalimot bumalik sa Filipinas. Nakamit niyá dito ang maraming karangalan, kabílang ang Republic Cultural Heritage award, 1965; Araw ng Maynila Award, 1966, Outstanding Manileño, 2001; at Presidential Medal of Merit, 2006. Isang aklat na pinamagatang Parallel Texts sa panulat din ni Alcuaz at Rod isang abogado siyá ngunit nanaig ang hilig sa sining. Ikinasal siyá kay Ute Paras-Perez ay inilathala ng Artlink Group Inc. Gisela Schmitz, ang Alemang kumukuha ng kursong business at languages na nakilala niyá sa Barcelona. Nagkaroon sila ng tatlong anak—sina Isinilang siyá sa Santa Cruz, Maynila noong 6 Hunyo 1932 kina Mariano Christian Michael, Andreas Frederic, at Wolfgang Matthias. Pumanaw si Aguilar, isang abogado at Encarnacion Alcuaz. Layon ng amang maging Alcuaz noong 2 Pebrero 2011. (RVR) (ed GSZ)

Álim
Ang Álim ang isa sa dalawang epikong-bayan ng mga Ifugaw. Isa itong epikong panrelihiyon na inaawit kapag may namatay o kapag mayroong may sakit sa pamilya. Inaawit din ang Alim kapag inilalagay ang hagabi o ang bul-ul sa tahanan ng mga Ifugaw. Kasabay ng pag-awit ng Alim ay ang pagdaraos ng kanyaw. Nagsisimula ang epikong-bayan sa panahong masagana ang pamumuhay ng mga tao. Nakakukuha ng pagkain ang mga tao kailanman nilá ito naisin at naibibigay ng kalikásan ang kanilang nais. Ngunit dahil sa pagmamalabis ng tao, nagalit ang mga diyos. Nagkaroon ng malaking bahâ at namatay ang lahat ng tao, maliban kay Bugan na umakyat sa Bundok Kalawitan. Nang humupa ang bahâ, inakala ni Bugan na siyá na lámang ang natirang tao. Sa kaniyang paghahanap ng makakain, kaniyang natagpuan na buháy rin ang kaniyang kapatid na si Wigan. Magkasáma siláng naghanap ng makakain. Tumira silá sa tabi ng ilog upang mas madalî siláng makakuha ng pagkain. Ilang araw ang lumipas, nalaman ni Wigan na nagdadalangtao siyá. Nagpunta si Bugan sa tabing-ilog upang magpakamatay dahil sa kahihiyan na nabuntis niyá ang kapatid. Ngunit, nagpakita ang diyos na si Makanungan upang pigilin siyá. Ikinasal ni Makanungan ang dalawa at nagkaroon ng siyam na anak. Nagkaroon ng taggutom sa kanilang lugar. Nag-alay ang mag-asawa ng dagâ upang matigil ang kahirapan ngunit hindi pa rin nawala ang taggutom. Ipinasiya ng mag-asawa na ialay ang kanilang bunsong anak na si Igon. Hindi natuwa si Makanungan sa ginawa ng mag-asawa. Bilang parusa, kaniyang ipinaghiwalay ang mga tao sa iba’t ibang bahagi ng kalupaan at isinumpang mag-aaway silá sa tuwing magkakatagpo. (SJ) (ed VSA)

Guhit nina Erika Sevilla at Jean Estella

Virgilio S. Almario
(9 Marso 1944—) Si Virgilio S.Almario (Ver·híl·yo EsAl·már·yo) ay isa sa mga nangungunang makata, iskolar, at kritiko sa bansa, bukod sa pagiging mahusay na propesor, tagasalin, pabliser, editor, leksikograpo, at tagapamahalang pangkultura. Dahil sa mga naiambag niyá sa iba’t ibang larangan ng sining at kulturang Filipino, lalo na sa larangan ng panitikan, kinilala siyáng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 2003. Bilang makata, kilala siyá bilang si Rio Alma. Inilathala niyá noong 1967 ang kaniyang unang koleksiyon ng mga tula, ang Makinasyon at Ilang Tula. Sinundan ito ng sampu pang koleksiyon. Lahat ng nailathala niyáng tula ay tinipon ng U.P. Press at inilimbag sa dalawang tomong Una Kong Milenyum. Isa rin si Almario sa pinakamasigasig na iskolar at kritiko sa panitikan ng Filipinas, lalo na sa panulaang Tagalog. Noong 1972, inilathala niyá ang Ang Makata sa Panahon ng Makina, isang kalipunan ng mga panunuring pampanulaan. Sinundan pa ito ng mga pag-aaral hinggil sa kasaysayang pampanulaan at mga pananaliksik tungkol sa katutubong tradisyon ng pagtula, kabílang ang Taludtod at Talinghaga (1965; 1991), Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino (1981), Balagtasismo Versus Modernismo (1984), Kung Sino ang Kumatha Kina Bagongbanta, Ossorio, Herrera, atbp. (1992), Panitikan ng Rebolusyon (g 1896) (1993), at Pag-unawa sa Ating Pagtula (2006), Mahigit Sansiglo ng Makabagong Tula sa Filipinas (2006).

ng Sining (1992) ng Lungsod Maynila; Gantimpalang Quezon (1993) ng Ang kaniyang pagsubaybay sa wikang Filipino ay makikita sa Filipino Lungsod Quezon. Pinakahuling pagkilalang natanggap niyá ang Gawad ng mga Filipino (1993; 2009) at Tradisyon at Wikang Filipino (1998), Diwa ng Lahi ng Lungsod Maynila (2010). Patnubay sa Masinop na Pagsulat (1981), isang manwal sa estilo, at UP Diksiyonaryong Filipino (2001; 2010), ang maituturing ngayong Ipinanganak si Almario sa Camias, San Miguel de Mayumo, Bulacan pinakakomprehensibong monolingguwal na diksiyonaryo sa wikang kina Ricardo Almario at Feliciana Senadren. Nagtapos siyá ng A.B. pambansa. Nagsalin din si Almario ng mga halimbawa ng pinakamahuhusay Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1963 at naging guro na akda ng daigdig at inilibro sa Makabagong Tinig ng Siglo (1989). sa San Miguel High School, na kaniya ring pinagtapusan ng kaniyang Nagsalin din siyá para sa teatro, at isinalin ang Noli at Fili (1999) ni Rizal, sekundaryang pag-aaral. Pagkaraan, nagturo siyá sa Department of na kinilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagsasalin ng Manila Philippine Studies ng Pamantasang Ateneo de Manila noong 1969. Nang Critics Circle. Bukod dito, naging lider siyá sa akademya, at sa mga magturo siyá sa Philippine Science High School, kumuha siyá ng M.A. organisasyong pangkultura, at naging guro ng mga kabataang manunulat sa Filipino sa U.P. at natamo niyá ang digri noong 1974. Noong 2009, pinagkalooban siyá ng honoris causa ng University of Regina Carmeli ng gaya sa LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo). Bulacan at sa kasalukuyan, siyá ay professor emeritus sa U.P. Dahil dito, tumanggap siyá ng maraming gawad at gantimpala, gaya ng TOYM para sa panitikan (1983), Southeast Asia Write Award of Bangkok Ikinasal siyá kay Emelina B. Soriano at biniyayaan ng tatlong anak, sina (1989), Dangal ng Lipi Award (1993; 2008) ng Bulacan; Gawad Patnubay Asa Victoria, Ani Rosa, at Agno Virgilio. (GSZ)

Alunsína
Isang sinaunang alamat sa Panay ang naniniwalang walang langit at lupa noong araw hanggang biglang lumitaw sina Tungkúng Lángit at Alunsína. Niligawan ni Tungkung Langit si Alunsina, at nang magkaibigan ay nanirahan silá sa isang pook na maluwalhati. Doon sa ang tubig ay laging maligamgam at ang simoy ay laging malamig. Ngunit masipag na bathala si Tungkung Langit at malimit na naglalakbay sa malayò sa pagsasaayos ng bagay-bagay sa santinakpan. Malimit sa gayong maiwang mag-isa si Alunsina at sa dulo’y naging panibughuin. Isang araw na mag-away silá ay biglang nagpasiyang lumayas si Alunsina at hindi na nagbalik. Malumbay na naiwan si Tungkung Langit at naghintay. Nang hindi na makatiis ay hinanap niyá ang asawa. Nabigo siyá. Dahil sa pangungulila, naisip ni Tungkung Langit na lumikha ng bagay-bagay. Una niyáng nilikha ang lupa at dagat. Upang magkabúhay ang lupa, lumikha siyá ng mga hayop at halaman. Hindi pa rin niyá malimot si Alunsina. Sa wakas, kinuha niyá ang mga hiyas ng asawa at ikinalat sa langit sa pag-asa na mapansin ito ni Alunsina. Ang mga butil ng kuwintas ang naging mga bituin, ang suklay ang naging buwan, at ang putong sa ulo ang naging araw. Hindi pa rin bumalik si Alunsina. Ayon sa matatanda, kapag lubhang namamanglaw ay umiiyak si Tungkung Langit. Iyon ang bumabagsak na ulan. Kapag tumangis pa si Tungkung Langit, iyon ang kulog na umalingawngaw sa lahat ng dako upang marinig ni Alunsina. (VSA)

Vicente Alvarez
(5 Abril 1862-4 Nobyembre 1943) Matagumpay na pinunò ng Himagsikang Filipino sa Zamboanga, isinilang si Vicente Alvarez (Vi·sén·te Al·va·réz) noong 5 Abril 1862 kina Alejo Villasis Alvarez at Isidora Solis. Dahil malapit ang ama niyá kay Gobernador Heneral Ramon Blanco ay ginawa siyá nitóng segundo oficial mayor sa Malacañang. Malamit siyáng magbiyahe sa Mindanao at Sulu kayâ naging kaibigan siyá sa mga katutubo doon. Ngunit sanhi din ito ng nasaksihan niyáng pagmamalabis ng mga Espanyol sa mga katutubo, bukod sa mababàng trato sa mga Muslim. Sumapi siyá sa Katipunan at nagtatag ng sangay nitó sa Zamboanga. Dahil sa pagsiklab ng Himagsikang 1896 ay hinatak ang mga puwersang Espanyol mulang Zamboanga upang idestino sa Luzon. Sinamantala ni Alvarez ang nabawasang puwersang Espanyol at sinimulan ang pag-aalsa sa Zamboanga noong Marso 1898. Nakuha niyá ang buong peninsula maliban sa mabigat na tanggulan ng daungan ng Lungsod Zamboanga at Fuerza Pilar. Dahil sa kaniyang tagumpay, hinirang siyá ni Pangulong Aguinaldo na lider ng gobyerno sa Zamboanga at Basilan. Pinakamalaking tagumpay niyá ang pagbihag sa 13 bapor pandigma ng mga Espanyol noong 7 Abril 1898. Bahagi ang mga bapor ng plota ni Almirante Patricio Montojo na nakahimpil sa Kipot Basilan. Sa tulong ng dilim, pinangunahan ni Alvarez ang 100 manghihimagsik na lumusob sa mga bapor, pinatay ang mga opisyal, at inilipat ang mga ito sa bayan ng Mercedes. Noong 4 Mayo 1899, kinubkob ng hukbo ni Alvarez ang buong daungan at kuta ng Zamboanga at kinuha ito pagkaraan ng madugong labanan. Dahil dito, iginawad sa kaniya ni Aguinaldo ang ranggong heneral. Noong 1900, inalok siyá ng mga Amerikano ng P75,000 para sumuko. Tinanggihan niyá ang alok. Nabihag siyá sa kabundukan ng Oroquieta, Misamis Oriental noong Marso 1900, dinalá sa Maynila, at ipiniit hanggang sumumpa ng katapatan sa Estados Unidos noong 2 Agosto 1901. Minahalaga ng mga Amerikano ang kaniyang karanasan kayâ binigyan siyá ng posisyon sa pamamahala ng Moro Province. Noong 20 Oktubre 1904, naging opisyal siyá sa Konstabularya ng Filipinas. Namatay siyá sa panahon ng Hapon noong 4 Nobyembre 1943 sa gulang na 81 taón. (VSA)

Encarnacion A. Alzona
(23 Marso 1895-13 Marso 2001) Pambansang Alagad ng Agham si Encarnacion Alzona (En·kar·nas·yón Al·zó·na) bilang isang pangunahing historyador at mananaliksik sa kasaysayan. Kilala rin siyáng masugid na tagapagtaguyod ng kagalingan at karapatan ng kababaihang Filipino. Pinangunahan niyá ang paggiit sa karapatan ng kababaihan upang makaboto nang malaya. Bilang pagkilala sa kaniyang natatangi at makabuluhang pag-aambag sa larangan ng historyograpiyang Filipino at paggabay sa mga sumunod na henerasyon ng mga akademiko at historyador, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham (National Scientist) noong 1985. Nilimbag noong 1932 ang A History of Education in the Philippines 15651930. Ito ang kauna-unahang aklat na sinulat ni Alzona. Komprehensibong tinalalakay nitó ang pag-unlad at mga makabuluhang pangyayari sa sistema ng edukasyon at kultura sa Filipinas mula sa pananakop ng mga Espanyol hanggang sa kolonyal na paghahari ng Estados Unidos. Ayon sa mga dalubhasa, ang akdang pangkasaysayan ni Alzona ay maituturing na pinakakompleto at lahatang-panig na pananaliliksik hinggil sa kalagayan ng edukasyon. Naging pangunahin din siyáng tagasalin at tagapagpaliwanag ng mga akda ni Rizal. (SMP) (ed GSZ)

ambáhan
Nabanggit ni Fray Ignacio Francico Alcina (1668) ang ambáhan bilang isa sa mga sinaunang anyo ng pagtula ng mga Bisaya. Walang dagdag na impormasyon si Alcina. Ngunit naging popular ngayon ang ambáhan dahil kay Antoon Postma at sa kaniyang saliksik sa buhay at kultura ng Hanunoo Mangyan sa Mindoro. Naglabas pa ng isang aklat na koleksiyon ng mga tulang Mangyan si Postma (muling nalathala 1981). Alinsunod sa paliwanag at mga halimbawang tula, ang ambáhan ay isang katutubong anyo ng pagtula ng mga Hanunoo Mangyan at may sukat na pipituhin ang bawat taludtod. Regular ding may tugma ang bawat dalawang magkasunod na taludtod, bagaman walang tiyak na bilang ng taludtod ang bawat magkakatugmang mga taludtod. Wala ding tiyak na bilang ng mga taludtod. May ambáhang tatlo lámang taludtod ngunit may ambáhang umaabot sa 20 taludtod. Binibigkas/inaawit ang tula para sa isang okasyon, mula sa ganitong halimbawa sa mapagbirong pag-aalaga ng batà: Kaw danga maglumi Kita madnugan kuti Kuti gin sa siyangi Mag-ingaw magyangyangi Kita ud may ibawi Kantam bangkaw nabari Kita utak nalumbi. Huwag ka ngang umiyak Bakâ magising ang pusa Pusang mula pa sa siyangi Ngumiyaw at mag-ingay Wala kitang pambugaw Sibat natin ay nabali Itak natin ay nabingaw.

Hanggang pangingibig, pagtatrabaho, at paglalarawan ng kanilang daigdig. Hitik ito sa talinghaga, gaya ng sumusunod: Tigday na nawa naw-an Tigdayan sa daramgan Bag-o tigday sa kaywan Siyan nga panmanlangan Sa kiling sa kawayan. Ang tabak kung bago pa Ikiskis sa hasaan Itaga sa kakahuyan At sakâ ito subukan Sa pagkayas ng kawayan.

Tula ito hinggil sa edukasyon ng kabataan. Inihambing sa tabak ang mga karanasang kailangang matutuhan at pagdaanan ng kabataan upang higit na maging kapaki-pakinabang sa lipunan. (VSA)

amíhan
Amíhan ang tawag sa simoy mula sa hilaga o hilagang-silangan. Nagmumula ito sa bahaging Siberia at Tsina. Nagdudulot ito ng katamtamang temperatura, may daláng ulan ngunit madalas ay wala, at hanging mula sa silangan. Nagsisimula ito tuwing Setyembre o Oktubre at nagtatapos ng Mayo o Hunyo subalit maaaring magbago depende sa kondisyon ng panahon sa bawat taon. Tinatawag itong aguy-óy, balás o sabalás ng mga Tagalog at Kapampangan, at amyán ng mga Ilokano, Maranaw, at Panggasinense. Itinuturing ng sinaunang paniwala na isang mahinhin at mapagpalàng simoy ang amihan, lalo’t humihihip ito sa panahon ng anihan ng palay kung Disyembre. Sa malaking titik, ang Amihan ay isa ring mitikong ibon sa alamat ng mga Tagalog at isa sa mga nilaláng na nabuhay sa santinakpan kasáma sina Bathalà at Amansináya. Ito ang tumuka sa kawayan na nang mabiyak ay naglabas sa mga unang tao sa mundo—sina Malakás at Magandá. (AMP) (ed VSA)

Fernándo C. Amorsólo
(30 Mayo 1892-24 Abril 1972) Si Fernándo C. Amorsólo ang pinakaunang ginawaran ng karangalang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1972. Si Amorsolo ang pinakamaningning na kinatawan ng panahong klasiko sa sining biswal sa Filipinas. Kinikilala rin siyáng “Ang Maestro” at “Grand Old Man” ng sining sa Filipinas noong nabubuhay pa. Ang malikhaing paggamit ng liwanag, sa partikular, ng backlighting, ang pinakamalaking kontribusyon ni Amorsolo sa pagpipinta sa Filipinas. Ang tingkad ng maningning na liwanag na nagmumula sa likuran ng kaniyang mga paksa ay nagtatampok sa isang bahagi ng kaniyang kambas—sa mga dahon ng mga punò, tikwas ng buhok, ngiti sa mga labì, at umbok ng dibdib ng dalagang Filipina. Masaklaw ang larangan ng mga obra ni Amorsolo— mula sa mga portrait ng mga kilala at mayayamang tao, larawan ng mga tanawin, hanggang sa dibuho sa mga pabalat ng libro at magasin. Ngunit naging tatak ng likhang Amorsolo ang pagtatanghal ng mga payak, payapa, at pang-araw-araw na buhay ng mga naninirahan sa lalawigan. Ang mataas na antas ng kasiningan ay napanatili ni Amorosolo sa kabila ng dalas at dami nitó. Ang mga pinturang oleo pa lamang niyá ay tinatayang aabot na sa libo. Dahil sa mga tiyak na hagod ay mabilis na natatapos ni Amorsolo ang kaniyang mga likha. Ang tatlong malalaking pintura niyá para sa Philippine Pavillion na ginamit sa 1931 Paris Exposition ay natapos niyá sa loob lamang ng isang buwan. Ilan pa sa mga kilalang obra ni Amorsolo ay ang Maiden in a Stream, Dalagang Bukid, Lavanderas, Family in a Banca, Tinikling, Harvest Scene at Barrio Fiesta. Ang Rice Planting na ginawa ni Amorsolo noong 1922 ay naging pinakapopular na hulagway sa panahon ng Komonwelt. Lumikha rin siyá ng mga obrang nagtatanghal sa kasaysayan ng Filipinas gaya ng Early Filipino State Wedding, Traders, Sikatuna, The First Mass in the Philippines, The Building of Intramuros, at Burning of the Idol. Isinilang siyá noong 30 Mayo 1892 sa Calle Herran sa Paco, Maynila sa mag-asawang Pedro Amorsolo at Bonifacia Cueto. Ang malaking bahagi ng kaniyang kabataan ay ipinamalagi niyá sa Daet, Camarines Norte. Nagaral siyá sa Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts na pinagturuan din ng kaniyang tiyuhing pintor na si Fabian de la Rosa. Isa siyá sa mga pinakaunang nagtapos doon at nagkamit pa ng maraming karangalan.

Self-Portrait (1942)

Kabílang sa mga pagkilalang iginawad sa kaniya ang Outstanding UP Alumnus, 1940; Rizal Pro-Patria Award, 1961; Patnubay ng Sining at Kalinangan Award mula sa Lungsod Maynila, 1963; Republic Cultural Heritage Award, 1967; at Gawad CCP para sa Sining, 1972. Lumikha siyá ng mga obra hanggang sa mamatay noong 24 Abril 1972. (RVR) (ed GSZ)

anáhaw
Ang anáhaw (Livistona rotundifolia) ay katutubong palma na may makinis na bunged o punò ng kahoy at may mga dahong nakakumpol sa dulo ng bunged. Itinuturing itong Pambansang Dahon ng Filipinas. Ang dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay ng dahon ay matinik at tumutubò nang paikot sa sariling katawan nitó. Ang anahaw ay umaabot sa taas na 20 metro kung ito ay tumutubò sa likas na kaligiran sa kagubatan. Ngunit kung ito nama’y nasa hardin o iba pang artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at pagtaas ng palmang ito. Ang dahon ng anahaw ay maaaring gamitin bilang materyal sa paggawa ng bubong ng mga bahay kubo. Dahil sa kintab at hugis ng dahon nitó, nagagamit din itong pandekorasyon kapag may espesyal na pagdiriwang. Ang dahon nitó ay pinagtatagni at ginagamit noong kalapyaw, ang tawag sa sinaunang kapote. Ang buko nitó ay iginugulay at kinakain. Ang punò ng kahoy o katawan nitó ay ginagamit namang sahig ng mga sasakyang pandagat o pundasyon ng bahay. (SAO) (ed GSZ)

Anák Dálitâ
Idinirihe ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro at Pelikula Lamberto Avellana ang pelikulang Anák Dálitâ (1956). Hinggil ito sa paghihirap at pagsisikap ng isang beterano ng digmaan sa Korea sa loob ng pamayanang umusbong sa guho ng Intramuros. Nasangkot siyá sa trabahong ilegal at sa pag-ibig ng isang mang-aaliw sa nightclub. Ginampanan nina Tony Santos Sr. at Rosa Rosal ang mga pangunahing tauhan ng kuwento. Ginawaran ang pelikula ng Gantimpalang Gintong Ani para sa pinakamahusay na pelikula ng 1956 Asian Film Festival at naglunsad sa katanyagan ng pelikulang Filipino sa mga internasyonal na timpalak at festival. Bunga ng pagnanais ng ikalawang henerasyong prodyuser na si Manuel de Leon ng LVN Pictures na gumawa ng pelikulang mailalaban sa pamantayang internasyonal hindi man kumita, binigyan ng laya ang direktor sa paglikha. Sa ganitong sistema din nabigyan ng pagkakataon ang tambalan ng dáting kontrabidang si Rosa Rosal at ng dáting tagasuportang aktor lámang na si Tony Santos Sr. Kinikilála ng mga iskolar ang Anák Dálitâ bilang mahalagang pelikula ng Unang Gintong Panahon ng Sineng Filipino. Neo-Realismo ang estilo ng pelikula at naitampok na tagpuan ang sinematikong arkitektura ng mga pook ng karukhaan. Naihahambing ng mga iskolar ang ganitong padron sa ibang mahahalagang direktor sa Filipinas ng mga sumunod pang mga dekada, gaya ni Lino Brocka ng 1970s hanggang 1980s at ni Brillante Mendoza sa kasalukuyan. (GCA) (ed VSA)

Ang Kiukok

(1 Marso 1931-9 Mayo 2005) Si Ang Kiukok (Ang Ki·yú·kok) ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal noong 2001. Kinikilala siyáng pangunahing modernistang pintor sa Filipinas. Ang likhang Kiukok ay may matingkad na partikularidad sa estilo, disenyo, at pamamaran. Mayroon itong tiyak na kaisahan, identidad na biswal, at sistema ng metapora kayâ ang mga obra niyá ay kagyat na nakikilala. Tanyag sa kaniyang mga ekspresyonistang rendisyon ang karaniwang mga bagay-bagay gaya ng aso, pusa, isda, kalansay, tinik, sabong, basurangpabrika, barb wayr, gayundin ang mga kadalasang tema sa sining na magina, magsing-irog, hubad na katawan, at krusipiho. Sinasabing nagpapahiwatig ng maiigting na damdamin, tulad ng pusok, dahas, hinagpis, pagpapakasakit, at linggatong ang kalakhan ng mga larawang ipininta ni Kiukok. Mga imaheng karima-rimarim at kagila-gilalas ang mahalagang bahagi ng kaniyang mga pinta. Matingkad ang mga kulay, marahas ang hagod ng pinsel, siksik at makipot ang mga espasyo, dinamiko at tensiyonado. Mababanaag ang pagsasanib ng impluwensiyang kubismo, ekspresyonismo, at surealismo sa kaniyang mga likha. Ang mga tauhan sa kaniyang mga pintura ay mga payaso, magbubukid, manggagawa, at mangingisda. Madalas niyáng itinatampok ang tema ng pagkakabitag at pagpupumiglas. Mahalagang bahagi ng mga obra ni Kiukok ay ang serye ng krusipiho. Malayo sa taimtim o realistikong kopya ng importanteng sagisag na ito ng Katolisismo, sa sining ni Kiukok ay naging mabisang pagpapahayag ng pighati at pagpapakasakit ang krusipiho. Naging mabisang behikulo ito sa sining na nakagigitla, umaantig, at sa proseso ay nagmumulat. Hagip ng sining ni Kiukok ang konteksto ng pasismo ng batas militar. Sinagisag ito sa kaniyang mga sundalong unipormado at may aserong helmet na mabalasik at sumisinghal. Ipinahihiwatig sa kaniyang mga Kinatawan niyá ang Filipinas sa maraming internasyonal na pagtatanghal pigurang hubo’t hubad ang paghuhumiyaw, ang pagkalugmok, at pag- pansining sa Asia kayâ naman ang kaniyang mga gawa ay isa sa mga mas kilala sa bahaging ito ng daigdig. alpas. Sina Vicente Ang at Chin Lim, mga migranteng Tsino na nanahanan sa Lungsod Davao, ang kaniyang mga magulang. Nagtapos siyá ng digri sa sining sa UST (1952- 1954). Si Vicente Manansala ay isa sa kaniyang mga naging guro. Kayâ naman mababanaag ang impluwensiya ng kubismo ni Manansala sa kaniyang mga naunang pintura. Nagtamo na si Kiukok ng mga gawad mula sa Arts Association of the Philippines (AAP), pambansang patimpalak sa sining ng Shell, National Museum of Modern Art sa Hawaii, at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Kinilala rin siyáng Outstanding Overseas Chinese (1961) at pinagkalooban ng Araw ng Maynila Award (1976). (RVR) (ed GSZ)

aníto
Aníto ang tawag sa sinaunang espiritu ng mga ninuno o espiritu ng kalikasan na sinasamba ng mga Filipino noong araw. Itinuturing na mabubuting espiritu, ang mga anito ay nagsisilbing tagapagtanggol laban sa masasamang espiritu sa lawas ng kagubatan. Itinuturing rin sila ng ilang grupong etniko bilang tagapangalaga ng kalikasan at bilang bantay o kawal ng mga di-binyagan. Laganap ang mga anito sa mga agrikultural na pamayanan ng Luzon. Kalimitang nag-aalay sa mga anito ng pagkain o atang at iba pang bagay ang mga tao para magkaroon sila ng masagana at payapang pamumuhay. Mga anito ang pinaniniwalaan at sinasamba ng mga katutubong Filipino bago dumating ang Espanyol. Ang mga anito ay maaaring katawanin ng anomang bagay: imaheng kawangis ng tao na yari sa kahoy, isang pirasong kahoy, inukit na bato o maaari ring bagay na hindi nahihipo o nakikita tulad ng hangin, liwanag at dilim, o isang tinig. Nang dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristiyanismo, nahalinhan ang mga anito ng pagsamba sa Diyos at iba pang mga santo. Gayunman, masasabing ang ilang paniniwala kaugnay ng anito ay maaaring nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito, may ilang Filipinong iskolar na naglarawan sa relihiyong ipinakilala ng mga Espanyol na isinapraktika ng mga Filipino bilang Folk Christianity. (JCN) (ed GSZ)

Pablo S. Antonio
(25 Enero 1901-14 Hunyo 1975) Isang arkitekto si Pablo S. Antonio (Páb·lo Es An·tón·yo) at itinuturing na tagapaghawan ng landas para sa modernong arkitektura na umaangkop sa kaligiran, kaugalian, at pangangailangan ng mga Filipino. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura noong 1976. Sa kaniyang mahigit 43 taon sa larangan ng arkitektura, ang kaniyang mataas na kalidad ng paggawa at walang kapares na pagpapahalaga sa propesyon ay katangi-tangi at nagsilbing inspirasyon sa mga sumusunod sa kaniyang yapak. Pinili niyá na gumawa nang may pagpapahalaga sa kalikasan. Kilalá ang likhang Antonio sa paggamit ng natural na liwanag at bentilasyon at kung gayon ay walang pag-aaksaya sa enerhiya, malilinis at makikinis na mga linya, mga kurbang nakapaloob sa mga estruktura, at malalaking bukás na espasyo at mayayabong na hardin. Naniniwala siyá na ang mga Filipino ay mga bukás na tao, hindi nakagawian ang harang o hanggahan. Kayâ naman ang mga bahay na likha ni Antonio ay may malawak na sala na nakaugnay sa iba pang parte ng bahay nang walang harang o dibisyon. Binago ni Antonio ang mukha ng Kamaynilaan. Si Antonio ang namahala sa konstruksiyon ng Executive Building sa Taft Avenue kanto ng P. Burgos St. (ngayon ay National Museum). Siyá ang arkitekto ng maraming gusali ng mga paaralan-Nicanor Reyes Hall, Administration Building, Home Economics Building, at Girls High School ng Far Eastern University; Auditorium at Executive Offices ng University of the East; at Afable College of Medicine. Itinayô rin niyá ang mga opisina, ospital, at iba pang gusaling pampubliko tulad ng PNB head office at mga branch offices, Singer Sewing Machine Office, mga estasyon at terminal ng Manila Railroad Company, Cartimar Shopping Center, Bel-Air Apartment na matatagpuan sa Roxas Blvd., Taliba-Vanguardia-Times Annex Bldg, Ramon Roces Publications Building (ngayon ay Guzman Institute of Technology), Manila City Hospital (ngayon ay National Children’s Hospital), at De La Works upang matustusan ang sariling pag-aaral sa paaralang sekundarya Salle Chapel. at sa Mapua Institute of Technology hanggang makatapos ng kursong Arkitektura. Kumuha siyá ng karagdagang pag-aaral sa University of Ipinanganak siyá noong 25 Enero 1901 sa Balanga, Bataan. Nakaisang- London sa England sa tulong ni Don Ramon A. Arevalo. Sa kompanya dibdib siyá ni Marina Reyes, isang bantog na pangalan sa haute couture ni Don Ramon na Sta. Clara Lumber Company maglilingkod si Antonio noon at biniyayaan ng anim na anak. Tatlo rito ay naging mga arkitekto rin, bilang ganap na arkitekto hanggang sa maitayô nitó ang sariling kompanya. sina Pablo Jr., Luis, at Ramon. Naging draftsman siyá sa Bureau of Public (RVR) (ed VSA)

Gaspar Aquino de Belen
Itinuturing na unang pangunahing makatang Tagalog sa panahon ng kolonyalismong Espanyol si Gaspar Aquino De Belen (Gas·pár A·kí·no De Be·lén). Kinikilála siyá sa kaniyang Ang Mahal na Passion ni Iesu Christong P. Natin na Tola, ang unang nalathalang pasyong tula sa bansa. Nalathala ang nasabing pasyon bilang bahagi ng kaniyang librong Manga panalanging pagtatagobilin sa caloloua nang tauong naghihingalo (1703), na salin ng Recomendacion del alma ni Tomas de Villacastin. Naglalaman ito ng mga hakbang sa pagpapahid ng santo oleo sa maysakít at naghihingalo at iba pang ritwal at dasal para sa pagliligtas ng kaniyang kaluluwa. Ito ang dahilan, ayon kay Bienvenido Lumbera, kayâ ang Ang Mahal na Passion ni Aquino de Belen ay sumasaklaw lámang sa hulíng yugto ng búhay ni Hesukristo. Itinatag ng Ang Mahal na Passion ang anyo ng saknong ng pasyón. Binubuo ang saknong ng limang taludtod na may isáhang tugma at ang bawat taludtod ay may súkat na walong pantig. Kinilála rin ni Lumbera ang husay ni Aquino de Belen tungo sa pagsasakatutubo ng ilang diwa ng búhay ni Kristo at nakatulong upang madalî itong maunawaan ng madla. Halimbawa, sinurot ng awtor si Hudas matapos pagtaksilan si Hesus ngunit hindi dahil nagkasála sa Diyos. Sa halip, ang ipinansurot ay ang katutubong konsepto ng utang-na-loob. Ipinaalaala na lumaki si Hudas na matalik na kaibigan ni Hesus, itinuring siyáng “kasambaháy” sa bahay ni Maria, nagsálo silá sa pagkain, at ipinaghahain ng kahit bahaw kapag naligaw sa tahanan nina Hesus. Sa maikling salitâ, sa hálagáhang Filipino, si Hudas ay walang utang-na-loob: Di cayo,y, nagsasangbahay, Iysa ang inyong dulang? Cun icao ay longmiligao, May laan sa iyong bahao, Canin, at anoanoman. Walang gaanong ulat sa búhay ni Aquino de Belen. Isinilang siyá sa Rosario, Batangas at naging tagapangasiwa ng imprenta ng mga Heswita sa Maynila mula 1704 hanggang 1716. Bahagi siyá ng principalia at nagkaroon ng edukasyong naghanda sa kaniya bilang isang mahusay na tagapangasiwa ng imprenta. (VSA)

Benigno Aquino Jr.

(27 Nobyembre 1932-21 Agosto 1983) Si Benigno Simeon Aquino Jr. (Be·níg·no Sim·yón A·kí·no), mas kilala bilang “Ninoy,” ay isang Filipinong senador na naging pangunahing kritiko laban kay Pangulong Ferdinand E. Marcos noong panahon ng diktadura. Pinaslang siyá sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila pagkauwi mula sa destiyero sa Estados Unidos. Ang kaniyang pagkamatay ang nagsilbing mitsa ng pagkakaluklok ng kaniyang maybahay, si Corazon Cojuangco Aquino, bilang Pangulo na pumalit sa 20 taóng rehimeng Marcos. Isinilang siyá sa Concepcion, Tarlac noong 27 Nobyembre 1932 kina Aurora Aquino-Aquino at Benigno S. Aquino Sr., dating Assemblyman. Ang kaniyang lolo, si Servillano Aquino, ay isang heneral sa hukbong rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo. Pumasok siyá sa Ateneo de Manila upang mag-aral ng batsilyer sa sining. Hindi niyá ito natapos sapagkat pinilìng maging peryodista. Sa edad 17, si Aquino, para sa pahayagang The Manila Times ni Joaquin “Chino” Roces, ang naging pinakabatàng korespondent para sa Digmaang Korea, at sinundan niyá doon ang mga gawain ng mga sundalong Filipino (PEFTOK). Natamo niyá dahil sa Korea ang Philippine Legion of Honor na iginawad sa kaniya ni Pangulong Elpidio Quirino sa edad na 18. Kumuha siyá ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, ngunit hindi niyá rin ito natapos. Sa edad na 22, nahalal si Aquino bilang alkalde ng Concepcion, Tarlac. Siyá ang naging pinakabatàng bise-gobernador noon ng bansa sa edad na 27. Dalawang taon lang ang lilipas bago siyá maging gobernador ng lalawigan. Noong 1967, sa edad 34, siyá ang naging pinakabatàng halal na senador sa kasaysayan ng Filipinas. Di malaon ay umusbong si Aquino bilang pangunahing kritiko laban kay Marcos at sa asawa nitóng si Imelda. Nang ipahayag ang Batas Militar noong Setyembre 1972, dinakip si Aquino at nakulong ng maraming taon. Nagkaroon siyá ng sakit sa puso at pinahintulutang lumabas ng bansa upang maoperahan sa Estados Unidos. Sinubok niyáng bumalik sa Filipinas noong 1983, ngunit pagtuntong pa lamang niyá sa paliparan ng MIA, binaril siyá sa ulo. Ang pagpaslang sa kaniya ang isa sa mga pangyayaring nagdulot sa People Power (EDSA) Revolution ng 1986 na nagbalik ng kalayaan sa taumbayan, at sa pagkakaluklok sa kaniyang iniwang maybahay na si Corazon Aquino bilang Pangulo ng bansa. Noong 2010, nahalal din bilang pangulo ang kaniyang anak na si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III. Bilang pagpapahalaga, ipinangalan ang paliparang tagpo ng kaniyang kamatayan bilang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Makikita ang kaniyang imahen sa 500 pisong papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas, at matatagpuan ang kaniyang monumento sa sentrong distritong pangkalakaran ng Lungsod Makati. (PKJ) (ed VSA)

(8 Pebrero 1960—) Tulad ng kaniyang inang si Pangulong Corazon C. Aquino, isang “diakalaing” pangulo ng Republika ng Filipinas si Benigno Simeon C. Aquino III (Be·níg·no Sim·yón Si A·kí·no) nang kumandidato at magwagi sa halalang 2010. Hindi siyá kasáma sa mga pinagpipiliang kakandidato sa simula ng kampanya para sa eleksiyon. Sa gayon, bukod sa nahulí sa pagtakbo ay minaliit ang kaniyang kakayahan, mahiná ang makinaryang pampolitika, at kulang sa pondo. Ngunit sinasabing dinalá siyá sa tagumpay ng bagong silakbo ng “Cory phenomenom” dahil sa pagpanaw ng ina noong 1 Agosto 2009. Isinilang si Noynoy (ang palayaw niyá) o PNoy (ang itinawag sa kaniya pagkaraang manalo) noong 8 Pebrero 1960 sa Maynila at pangatlo sa limang anak nina Benigno (Ninoy) Aquino Jr at Corazon (Tita Cory) Cojuangco Aquino. Ikaapat na salinlahi na siyá ng mga politiko sa pamilya, mula kay Servillano Aquino na delegado sa Kongresong Malolos, lolong si Benigno Aquino Sr. na ispiker sa Mababàng Kapulungan noong 1943-1944, at mga magulang. Nagtapos siyá sa Ateneo de Manila noong 1981 at kasáma ng pamilya nang kusang madestiyero si Ninoy sa Estados Unidos. Nagbalik siyá pagkatapos paslangin si Ninoy noong 1983 at tahimik na nagtrabaho sa pribadong sektor. Nahalal siyá sa Mababàng Kapulungan noong 1998 at muling nahalal noong 2001 at 2004. Kumandidato siyáng senador noong 2007 at nagwagi. Sa panahong ito, sinabi nang dinalá siyá sa tagumpay ng magkatulong na popularidad ng ina at ng artistang kapatid na si Kris. Umugong ang panawagang kumandidato sa pagkapangulo si Noynoy nang mamatay si Pangulong Corazon Aquino, lalo na upang ituloy ang kampanya noon ni Tita Cory laban sa mapagmalabis na gamit sa kapangyarihan ni Pangulong Arroyo. Matagal bago nagpasiya si Noynoy. Kinailangan pa ang kampanyang lumikom ng sangmilyong lagda ng taguyod sa kaniya. Kumonsulta siyá ng mga tao hanggang Mindanao. Nang tanggapin niyá ang nominasyon sa Partido Liberal, ginawa niyang islogan ang paghanap ng “daang matuwid” para sa pagkakaisa at kaunlaran ng bansa. Ipinamalas niyá ang dibdibang pagsunod sa kaniyang islogan nang ipahayag niyá pagkapanumpa bilang pangulo ang kampanya laban sa ugaling “wangwang.” Sinundan ito ng pag-usig sa sari-saring katiwaliang naganap sa nakaraang administrasyon. (VSA)

Benigno Simeon C. Aquino III

Maria Corazon C. Aquino
(23 Enero 1933-1 Agosto 2009) Isang “di-akalaing” pangulo si Maria Corazon Cojuangco Aquino (Mar·yá Ko·ra·zón Ko·hwáng·ko A·kí·no) nang iluklok siyá sa Malacañang ng People Power sa EDSA at maging unang babaeng pangulo ng Republika ng Filipinas. Tinapos ng Pag-aalsang EDSA ang mahigit 20 taóng pamumunò ni Pangulong Marcos at ibinalik ng pamumunò ni Pangulong Aquino ang demokrasya sa bansa. “Tita Cory” ang popular na tawag kay Pangulong Aquino. Taglay ng palayaw ang pangyayaring tila isa lámang siyáng tahimik na maybahay ng martir na si Benigno (Ninoy) Aquino Jr. ngunit isinulong sa politika dahil sa pagpaslang kay Ninoy noong 21 Agosto 1983. Isinilang si Tita Cory sa Maynila noong 23 Enero 1933 at anak nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong na kapuwa mula sa mariwasa at politikong pamilya. Noong 1946, nagpunta sa Estados Unidos ang kaniyang pamilya kayâ doon siyá nagtapos ng mataas na paaralan at ng kursong Batsilyer sa Sining. Bumalik siyá sa Filipinas at kumuha ng abogasya sa Far Eastern University ngunit hindi nakatapos dahil ikinasal kay Ninoy. Nagkaroon silá ng limang anak: sina Maria Elena, Aurora Corazon, Victoria Eliza, Benigno III (Noynoy) na naging pangulo ng Filipinas, at Kristina Bernadette (Kris) na isang popular na artista. Bago ang 1983, isang tapat na maybahay at mapagmahal na ina ang tungkulin ni Tita Cory. Kailangan iyon upang maitaguyod ang masiklab na karera ni Ninoy bilang politiko. Si Ninoy ang itinuturing na nag-iisang tinig ng oposisyon sa panahon ng pamumunò ni Pangulong Marcos. Sa eleksiyong 1967, si Ninoy lámang ang nagwaging kandidatong senador ng tiket Liberal. Si Ninoy din ang patuloy na tumuligsa at nagbubulgar ng mga anomalya sa administrasyon. Nang pairalin ang Batas Militar, isa si Ninoy sa unang-unang dinakip at ipiniit. Pinawalan lámang siyá dahil sa karamdaman at sa kondisyong magtitira sa Estados Unidos. Saksi at nása Pebrero 1986 ay nanumpa na sa umaga ng araw na iyon si Tita Cory bilang likod ni Ninoy si Tita Cory sa buong pangyayari. pangulo. Bumuo ng Komisyong Konstitusyonal si Tita Cory upang bumuo ng bagong Saligang-Batas. Sa kabilâ ng mga kudeta, isa-isang ibinalik ng Nang tumawag ng Snap Elections si Pangulong Marcos noong 7 Pebrero kaniyang administrasyon ang mga demokratikong institusyon. Sinunod din 1986, napagkaisahang ilaban ng oposisyon si Tita Cory. Napasalin sa kaniya niyá ang bagong 1987 Konstitusyon na bumabâ sa tungkulin pagkatapos ang paghanga kay Ninoy. Nang magwagi ang protesta ng taumbayan sa ng anim na taón. Ngunit patuloy siyáng pumatnubay sa takbo ng politika pamamagitan ng mapayapang na People Power (tinatawag ngayong Pag- at hindi lumipas ang kaniyang pambihirang popularidad hanggang igupo aalsang EDSA) at mapatalsik si Pangulong Marcos noong gabi ng 25 ng karamdaman noong 1 Agosto 2009. (VSA)

Melchora Aquino
(6 Enero 1812-2 Marso 1919) Binansagang “Tandang Sora” si Melchora Aquino (Mel·tsó·ra A·kí·no) bilang pagkilala sa kaniyang paglilingkod at pagkakanlong sa mga kababayan noong Himagsikang 1896 kahit na siyá ay nasa katandaang gulang na. Itinuturing siyá bilang “Ina ng Rebolusyong Filipino,” “Ina ng Katipunan,” at “Ina ng Balintawak.” Isinilang siyá sa Balintawak noong 6 Enero 1812 sa bayan ng Kalookan (at ngayon ay matatagpuan sa Lungsod Quezon) kina Juan at Valentina Aquino, pawang mga maralita. Sa kaniyang pagtigulang, ikinasal siyá kay Fulgencio Ramos, isang cabeza del barrio. Nagsilang siyá ng anim na anak. Pumanaw si Ramos noong pitong taon pa lamang ang kanilang bunso. Kahit nag-iisang magulang, naging abala si Aquino sa mga pista, binyag, at kasal bilang hermana mayor. Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Espanyol noong 1896 ay 84 taong gulang na si Aquino. Ngunit hindi naging sagabal ang kaniyang edad upang makapaglingkod sa mga Katipunero. Naging kanlungan ng mga hapo at sugatang mandirigmang Filipino ang kaniyang tahanan at munting tindahan, na ginagamit ding lihim na pulungan ng mga ito. Pinakakain sila ni Tandang Sora at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pang-uusig ng mga Espanyol. Nangangalap din siyá ng mga damit at gamot para sa kanila. Nasaksihan niyá at ng kaniyang anak na si Juan Ramos ang pagpunit ng mga sedula sa Unang Sigaw. Dahil sa pagkakasangkot sa Himagsikan, hinúli siyá ng guwardiya sibil at dumaan sa interogasyon. Tumanggi siyáng magpahayag ng kaalaman ukol sa mga gawain ng Katipunan. Ipinatapon siyá ng mga Espanyol sa Guam sa Islas Marianas. Nang masakop ng mga Amerikano ang Filipinas noong 1898, kasama si Aquino sa mga pinalaya at pinabalik sa bansa. Namatay siyá noong 1919 dahil sa katandaan at inilibing sa sarili niyáng bakuran, na ngayon ay bahagi na ng Himlayang Pilipino Memorial Park. Ipinangalan sa kaniya ang isang distrito, isang barangay, at isang pangunahing daan ng Lungsod Quezon. Siyá ang kauna-unahang Filipina na mailagay sa salaping papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas (100 pisong papel mula 1951 hanggang 1966); lumabas din siyá sa 5 sentimong barya mula 1967 hanggang 1992.

-Guhit ni Romulo Olazo

Ipinahayag ang taong 2012 bilang Taon ni Tandang Sora bilang paggunita sa ikalawang sentenaryo ng kaniyang kapanganakan; inilipat ang mga labí ni Aquino mula sa Himlayang Pilipino patungo sa Pambansang Dambana ni Tandang Sora sa Banlat Road, Barangay Tandang Sora, Lungsod Quezon. (PKJ) (ed VSA)

aráro
Isang pangunahin at tradisyonal na kasangkapan sa pagsasáka ang aráro (mula sa Espanyol na arado). May mga varyant itong dáro sa Sebwano at dádo sa Maranaw at tinatawag na lókoy sa Pangasinan. Ginagamit ito sa pagbungkal ng malaking piraso ng bukirin, lalo na sa kapatagan, at karaniwang hinihila ng kalabaw o báka. May paniwala na ipinakilála lámang ito sa agrikultura ng Filipinas sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Hindi ito ginagamit sa pagbabakál ng bakood at kaingin. Hindi rin gumagamit ng aráro ang pagsasáka noon ng payyo sa Cordillera. Kinailangan ang aráro sa maluluwang at pinatubigang bukirin. Ang tradisyonal na aráro ay binubuo ng bahaging kahoy at bahaging bakal. Apat na piraso ng kahoy ang pinakabalangkas nitó, kasáma ang tinatawag na lúnas, ang nakaarkong kahoy na kinakabitan ng lubid na may singkaw ng kalabaw, at ang mataas na puluhan na tinatawag na úgit. Ang lúnas ay pinakatiyan ng aráro at binubuo ng dalawang maikling piraso ng kahoy na pinaghugpong sa anggulong 90 digri. Sa hugpungan ng lúnas nakakabit ang bahaging bakal, na binubuo naman ng sudsód at lípya. Ang sudsód ay patulís na piraso ng bakal at tulad ng ibig sabihin ng pangalan ay tumutusok sa lupang binubungkal. Ang lípya ay hugis-pusong piraso ng bakal at humahawi sa isang tabi sa mga tiningkal o malalaking piraso ng lupa na iniaalsa ng sudsód. Sa kasalukuyang modernong pagsasáka, pumalit na sa aráro ang mekanisadong traktora bilang pambungkal. May tinatawag na kuliglíg, na tatak ng isang maliit at popular na traktorang-kamay. (VSA)

Áraw ng Kasarinlán
Opisyal at pambansang pagdiriwang ang Áraw ng Kasarinlán tuwing Hunyo 12. Ginugunita sa araw na ito ang pagpapahayag ng kalayaan noong ikaapat ng hápon ng 12 Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Ginanap ito sa balkonahe ng matandang bahay-na-bato ni Hen. Emilio Aguinaldo na kababalik noon mulang Hong Kong upang ipagpatuloy ang Himagsikang Filipino laban sa mga Espanyol. Bukod sa pagbása ni Ambrosio Rianzares Bautista sa Akta ng Pagpapahayag ng Kasarinlan, iwinagayway sa pagkakataóng ito ang tinatawag ngayong Pambansâng Watáwat at tinugtog ang Marcha Filipina Magdalo na naging musika ng Pambansâng Áwit ngayon. Ang Akta ay nilagdaan ng 98 katao, kabílang ang isang Amerikanong koronel sa hukbo ng Estados Unidos. Noong nása Malolos, Bulacan na ang hukbong Filipino, ipinabago ni Apolinario Mabini ang teksto ng Akta dahil waring ipinaiilalim ang Filipinas sa proteksiyon ng mga Amerikano. Ang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan tuwing Hunyo 12 ay sinimulan ni Pangulong Diosdado Macapagal sa pamamagitan ng Republic Act No. 4166 noong 4 Agosto 1964. Bago ito, ipinagdiriwang sa Araw ng Kasarinlan ang pagbibigay ng kalayaan sa Filipinas ng Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946. (VSA)

Araw ng Paggawâ
Ang Araw ng Paggawâ ay ginaganap tuwing unang araw ng Mayo bilang pagdiriwang at pagpapahalaga sa mga manggagawa’t anakpawis. Ang unang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ay nangyari sa Estados Unidos noong 1882 at itinaguyod ng Knights of Labor, isang samahan ng mga anakpawis. Gayunman, nang lumaon ay ginawang unang Lunes ng Setyembre ang opisyal na pagdiriwang ng araw na ito sa Estados Unidos at Canada. Sa Filipinas, higit na sinunod ang tradisyong namayani sa Europa na ipagdiwang ang araw na ito tuwing unang araw ng Mayo. Ang araw na ito ay unang ipinagdiwang sa Filipinas noong 1903 at ang bansa ay nasa ilalim pa ng Estados Unidos. Mahigit isang daang libong manggagawa ang nagmartsa sa harap ng Palasyo ng Malacañang upang humingi ng mga kondisyon para sa ikabubuti ng lahat ng manggagawa at ito’y pinamunuan ng organisasyong Union Obrero Democratica de Filipinas (UODF). Hudyat ito ng pagtubò ng unyonismo sa Filipinas. Dahil dito ay naalarma ang pamahalaang Amerikano. Sinalakay ng mga Amerikano at Filipinong kabilang sa Philippine Constabulary ang imprenta ng UODF at inaresto ang presidente nitó na si Dominador Gomez sa salang “illegal assembly and sedition.” Pagkaraan ng limang taón, pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Blg. 1818 na nagtatadhanang isang pista opisyal ang unang araw ng Mayo bilang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Idinadaos sa araw na ito ang mga parada at palatuntunang pangmadla. Walong taón sng lumipas, 1 Mayo 1913, nabuo ang Congreso de Obrero de Filipinas (COF), na pinamunuan ni Herminigildo Cruz. Ang organisasyong ito ay naglalayon na ipaglaban ang walong oras na pagtatrabaho sa isang araw, ang abolisyon ng pagtatrabaho ng mga batàng wala pa sa wastong gulang, ang pamantayan para sa paggawa ng kababaihan, at ang paglinaw sa mga pananagutan ng mga kapitalista. Simula din noon ay nagbago na ang tradisyon ng paggunita sa Araw ng Paggawa. Kung noong mga nakaraang taón ay ipinagpipista ito sa pamamagitan ng parada, sa ngayon ay ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng pagprotesta ng mga manggagawa. Naging araw din ito ng paglalatag ng mabibigat na isyung pampolitika at suliraning pangkabuhayan at may nagaganap na mga araw ng welga’t rali bago sumapit ang Mayo 1. Karaniwang pinangungunahan ng pederasyon ng mga unyon ng manggagawa ang naturang protesta. (LN) (ed VSA)

Francisco Arcellana

(6 Setyembre 1916-1 Agosto 2002) Isang manunulat ng maikling kuwento at sanaysay, peryodista, kritiko, at guro si Francisco Arcellana (Fran·sís·ko Ar·se·lyá·na). Zacarias Eugene Francisco Quino Arcellana ang buo niyáng pangalan. Si Arcellana, na kilala rin bilang Franz, ay isa sa mga tagapanguna sa pagsusulat ng maikling kuwento sa Ingles. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1990. Nakilála ang kahusayan ni Arcellana sa pagsusulat noong 1932 at estudyante pa lámang sa Torres High School dahil sa pagkakalathala sa Graphic ng kaniyang kauna-unahang katha, “The Man Who Could Be Poe.” Ang kaniyang inilathalang Expression (1934) ay pagsisimulan ng kanilang mahabàng panahon ng pagsusulatan at samahan ni Jose Garcia Villa, isa ring Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan sa wikang Ingles. Bahagi siyá ng Veronicans na binubuo ng 13 manunulat bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sumasalungat sa tradisyonal na porma at paksa sa panitikang Filipino. Ang mga akda ni Arcellana ay naisalibro sa The Francisco Arcellana Sampler (1990). Kabílang sa mga kuwento niyáng malimit isáma sa mga antolohiya ang “Divide by Two,” “Flowers of May,” at “The Mats.” Isa namang kuwento niyáng ekperimental ang “Trilogy of Turtles.” Hinahangaan siyá ng maraming kritiko dahil sa masinop at disiplinadong gamit ng wika. Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong 6 Setyembre 1916, si Arcellana na tinatawag sa pamilya na Paking, ay ikaapat sa 18 mga anak nina Jose Arcellana at Epifania Quino. Nagtapos siyá ng Batsilyer sa Pilosopiya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1939. Naging kagawad din siyá ng Philippine Collegian. Ikinasal siyá kay Emerenciana Yuvienco, na professor emeritus sa UP at may-akda ng The Relevance of Recto Today, at nagkaroon silá ng anim na anak. (1996). Mula 1979-1982, nagsilbing guro si Arcellana sa UP Department of English and Comparative Literature, tagapayo ng Philippine Collegian, direktor ng UP Creative Writing Center, at nagpatuloy magturo hanggang magretiro at sumakabilang-buhay noong 1 Agosto 2002. (RVR) (ed GSZ)

Manuel E. Arguilla
(Hunyo 1911-Disyembre 1944) Isang pangunahing kuwentista sa Ingles si Manuel Estabillo Arguilla (Man·wél Es·ta·bíl·yo Ar·gíl·ya). Nakilála siyá sa kaniyang mga maikling kuwento na nalimbag sa iba’t ibang magasin, tinipon sa koleksiyong How My Brother Leon Brought Home a Wife and Other Stories (1940), at nagwagi ng unang gantimpala sa kategoryang maikling kuwento sa Ingles sa Commonwealth Literary Contest. Itinuturing na pinakamahalaga sa mga kuwento niyá ang “How My Brother Leon Brought Home a Wife,” “Midsummer,” “Long Vacation,” at “Caps and Lower Case.” Walang ulat sa tiyak na araw ng kaniyang pagsilang at kamatayan. Isinilang si Arguilla boobg 1911 sa La Union at anak ng magsasaka at karpinterong si Crisanto Arguilla at ni Margarita Estabillo. Nagsilbing tagpuan ng mga tanawing Ilokano ang kaniyang bayan sa mga hinahangaang kuwento niyá ng katutubong kulay. Mistulang impiyerno naman ang pagtatanghal niyá ng maralita sa lungsod sa “Caps and Lower Case.” Nagtapos siyá ng Edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1933. Hábang nag-aaral ay naging kasapi siyá ng U.P. Writers Club at editor ng The Literary Apprentice. Nagturo siyá sa University of Manila at naglingkod na editor ng publikasyon ng Bureau of Public Welfare noong 1943. Naging asawa niyá si Lydia Villanueva na isa ring manunulat. Ang kanilang tirahan sa Ermita, Manila ay tinaguriang “The Porch” dahil nagsilbing tagpuan ng mga artist, manunulat, at patron ng panitikan. Sa panahon ng Pananakop ng mga Hapones ay kumilos siyáng espiya ng mga gerilya, nadakip noong Oktubre 1944, pinarusahan sa Fuerza Santiago, at hindi na nakitang buháy. (JGP) (ed VSA)

arnís
Ang arnís ay isang sining ng pakikipaglaban ng mga Filipino na kapuwa pandepensa at pang-opensa. Bagaman kilala itong gumagamit ng sandata lalo na ng dalawang patpat na karaniwang yari sa yantok o kamagong, ang mga kasangkapang ito ay itinuturing na ektensiyon lamang ng mga kamay at kakayahan ng manlalaro. Nagsimula ang paglalaro ng arnis bago pa dumating ang mga Espanyol. Ginagamit ito ng mga tribu sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. Ipinagbawal ito nang dumating ang mga Espanyol. Sa kabila nitó, patuloy ngunit palihim na nagsanay ang mga Filipino sa paglalaro nitó. May mga pagkakataong isinasagawa nila ito sa publiko maging sa harap ng mga Espanyol ngunit sa paraang artistiko, bilang bahagi ng dulang moro-moro. Dito, nakasuot ang mga Filipino ng damit ng mga Espanyol na sundalo na tinatawag na arnes at kunwa’y nakikipaglaban sa mga kaaway. May tatlong pamamaraan sa paglalaro ng arnis: ang espada y daga (espada at punyal), solo baston (isang patpat), at sinawali (maghabi). Sa huli, gumagamit ng dalawang patpat na magkatulad ang habà at iminumuwestra ang galaw ng paghahabi tuwing nakikipaglaban. Sa kasalukuyan, itinuturo ito sa ilang paaralan bilang bahagi ng Edukasyong Pampalakasan. Kabílang sa mga kinikilalang maestro ng modernong arnis sina Venancio “Anciong” Bacon, Dan Inosanto, Cacoy Canete, Mike Inay, Remy Presas, at Ernesto Presas. (GB) (ed GSZ)

Gloria M. Macapagal-Arroyo
(5 Abril 1947—) Nang patalsikin ng Pag-aalsang EDSA II noong 20 Enero 2001 si Pangulong Estrada, pumalit ang kaniyang pangalawang-pangulo na si Gloria M. Macapagal-Arroyo (Glór·ya Em Ma·ka·pa·gál Ar·ró·yo). Tinapos ni Pangulong Arroyo ang natitirang panahon ni Pangulong Estrada, muling kumandidato at nagwaging pangulo ng Republika ng Filipinas sa eleksiyong 2004. Isinilang si Gloria noong 5 Abril 1947 sa San Juan, Rizal (Lungsod San Juan ngayon) at panganay sa dalawang anak ni Pangulong Diosdado Macapagal kay Evangelina Macaraeg. Taga-Pampanga din ang Macaraeg ngunit nagkaroon ng bahay at ari-arian sa Lungsod Iligan. Malaking bahagi ng kamusmusan ni Gloria ang ginugol sa Lungsod Iligan. Bumalik sa Maynila si Gloria noong 1957, nag-aral sa Assumption College, nag-aral sa Georgetown University noong 1964, nagtapos sa Assumption College ng Batsilyer sa Komersiyo magna cum laude noong 1968, at napangasawa si Jose Miguel (Mike) Tuazon Arroyo. Tatlo ang anak nilá: sina Juan Miguel na naging kongresista, Evangeline Lourdes, at Diosdado Ignacio Jose Maria na naging kongresista din. Nag-Master sa ekonomiks si Gloria sa Ateneo de Manila, at nagdoktorado sa Unibersidad ng Pilipinas. Maligalig ang panunungkulan ni Pangulong Arroyo. Una, marami ang naniniwala na hindi makatarungan at labag sa Konstitusyon ang pagtanggal kay Pangulong Estrada, bukod sa naging biktima lámang ang pinaalis ng sabwatan ng mariwasa’t makapangyarihan sa lipunan. Noong 2003, isang pangkat ng sundalo ang nagsagawa ng Makati Mutiny bilang pagtutol kay Pangulong Arroyo. Nangako siyáng hindi na kakandidato noong 2002 ngunit biglang nagpahayag ng kandidatura para sa eleksiyong 2004. Nilabanan siyá ng popular na artistang si Fernando Poe Jr. Nanalo man si Pangulong Arroyo, lumitaw pagkuwan ang kasong “Hello Garci” at kaugnay ng sinasabing malawakang dayaan sa eleksiyon upang manalo si Pangulong Arroyo at mga kaalyado. Noong 2003, inimbestigahan ng Senado ang kasong “Jose Pidal” at bahagi ito ng mga akusasyon hinggil sa malakihang korupsiyon at pagnanakaw na pinayagan ni Pangulong Arroyo at nagsasangkot sa kaniyang asawa. Ang malawakang pagkatálo ng mga kandidato ni Pangulong Arroyo sa eleksiyong 2010 ay itinuturing na katibayan ng pagbagsak ng kaniyang pangalan sa tingin ng taumbayan. Gayunman, tumakbo siyá at nagwaging kongresista ng Pampanga. (VSA)

aswáng
Pinaniniwalaan sa iba’t ibang lugar at bayan, ang aswáng ay isang lalang na bahagi ng kuwentong-bayan ng Filipinas. May kakayahan itong makapagpalit ng anyo, nakalilipad, at nahahati ang sariling katawan. Sinasabing nagnanakaw ito at kumakain ng bangkay lalo na ang puso at atay ng tao. Ang ninakaw na katawan ay hinahalinhan ng katawan ng punò ng saging. May aswang ding tinatawag na mandurugo o yaong parang bampirang sumisipsip ng sariwang dugo ng tao. Kabílang rin sa uri nitó ang mga manananggal at wakwak o kawakwak na nahahati ang katawan at lumilipad. Naiiwan ang baywang nitó at paa at lumilipad ang ulo at katawan upang maghanap ng mabibiktima. Pinansin ng mga kronistang Espanyol na ang aswang ang pinakakinatatakutang lalang ng mga katutubong Filipino kahit pa noong siglo 16. Laganap sa buong Filipinas ang paniniwala rito maliban sa rehiyong Ilocos. Ang katangian ng aswang at mga kakabit na salaysay tungkol dito ay nagkakaiba-iba sa bawat rehiyon. Gayunman, may matutukoy na ilang palagiang katangian. Nagbabago-bago ang hitsura ng mga aswang. Sila ay namumuhay bilang karaniwang tao, tahimik, mahiyain at palaiwas sa tao. Sa gabi, nagbabago sila ng anyo—nagiging pusa, baboy, ibon, o aso. Gustong-gusto nilang kumain ng mga sanggol sa sinapupunan o mga batang paslit. Napahahabà nila ang kanilang dila na ginagamit nila sa pagsipsip ng sanggol sa sinapupunan ng ina. Mayroon ding mapupulang mata ang mga aswang na dulot ng pagkapuyat nila sa paghahanap ng makakain sa gabi. Madalas, kapag may hindi maipaliwanag na pangyayari sa komunidad, ginagawang dahilan ang mga aswang. Halimbawa nitó ang mga nakawan sa mga libingan, pagkawala ng mga bata, di-maipaliwanag na mga ingay, o mga taong may kakaibang galaw o gawi. Pinakalaganap sa Kabisayaan, lalo na sa Capiz, ang mga kuwento tungkol Mula sa Aklat Adarna sa aswang. Sa katunayan, noong 2004, pinasimulan sa Capiz ang Aswang Festival bilang pantumbas sa Halloween. Tinuligsa ang pistang ito ng simbahang Katoliko kayâ itinigil ito ng lokal na pamahalaan noong 2007. Sa ilang bahagi ng Kabisayaan, ang aswang ay tinatawag na tamawo, tumao, kama-kama, at sok-sok. Ang ilan sa mga ito ay nag-aanyong hayop Sa kulturang popular, marami nang pelikula, programa sa telebisyon, at tulad ng tiyu-an na isang baboy, at tik-tik at silik-silik na isang uri naman komiks ang nagtampok sa aswang bilang tauhan. ng ibon. (JCN) (ed GSZ)

asyénda
Ang asyénda (mula sa Espanyol na hacienda) ay malawak na lupain na karaniwang pag-aari ng mga táong nakaaangat sa lipunan at ginagamit bilang plantasyon. Umusbong ang mga ito sa Filipinas noong ika-19 na dantaon bunsod ng dalawang pangyayari. Una, ang kolonya ay nagbukas sa kalakalang pandaigdig at pangalawa, naitatag dito ang ekonomiyang cashcrop—isang ekonomiya na nakabase sa mga kalakal na pananim tulad ng abaka, tabako, kape, bigas, at asukal. Sa unang pagkakataon, nabuksan sa kamalayan ng mga tao ang kahalagahan ng lupa. Bunga nitó, nagsimulang mag-ari ng lupa ang mga táong may mataas na estado o uri sa lipunan, at kinalaunan ay tinawag ang kanilang mga lupain na asyenda . Bukod sa mga relihiyosong korporasyon, mga Espanyol, at creoles (mga Espanyol na ipinanganak sa Filipinas), naging aktibo din sa pag-aari ng lupa ang mga mestisong Tsino na sa panahong ito ay nagkaroon na ng sapat na yaman mula sa kanilang mga negosyo upang tustusan ang pagbili ng lupa. Ang paglago ng kanilang lupain ay bunsod ng pacto de retroventa, isang kasunduan na ibinibigay ng táong nangungutang ng pera ang kaniyang lupa bilang kolateral sa táong kaniyang inutangan. Bahagi ng kasunduan ang muling pagbili ng una sa kaniyang lupa mula sa huli sa halagang katumbas ng kaniyang pagbebenta. Gayunman, sa ilalim ng kasunduang ito, hindi na nababawi ng táong nagbenta ang kaniyang lupa. Bukod sa pacto de retroventa, naging daan din ang Batas Maura noong panahong ito sa pag-usbong ng asyenda. Ayon sa batas na ito, may isang taóng palugit lámang ang sinuman upang patituluhan ang kanilang lupa. Sinumang hindi makatupad dito ay mawawalan ng karapatan sa kaniyang pag-aari. Bunsod ng kawalang-alam sa batas na ito, ang lupa na pag-aari ng mga maliliit na tao ay naglaho at napasáma sa titulo ng mga malaking nagmamay-ari ng lupa na nakakaalam sa nasabing batas. Bago pa ang dalawang nabanggit sa itaas, ang mga gawad ng monarkiya (royal grants) at pagbili sa mga lupaing pag-aari nitó (realengas o royal estates) ang nagbigay daan sa paglitaw ng malalawak na lupaing pagmamay-ari ng iilang mariwasang tao sa Filipinas. Sa simula pa lamang ng pananakop, ang mga opisyal na Espanyol ay binibigyan ng karapatang pangalagaan ang malalawak na lupaing tinatawag na engkomiyénda (encomienda). Ang mga lupaing ito ang naging pundasyon ng mga asyenda sa kasalukuyan. Sa Luzon, ang dalawang malaking asyendang Luisita at Esperanza ay bunga ng nabanggit na gawad ng monarkiya. (LN) (ed VSA)

Retrato ni Soliman A. Santos

Atí-Atíhan
Ang Atí-Atíhan ay isang pista tuwing ikalawang linggo ng Enero sa Kalibo, Aklan sa pulô ng Panay upang gunitain ang kapistahan ng Santo Niño. Ito ay karaniwang ipinagdiriwang pagkatapos ng selebrasyon ng pagdalaw ng Tatlong Hari kay Hesus sa sabsaban. Gamit ang makukulay na maskara, uling sa katawan, at iba’t ibang matingkad na kasuotan, ang mga táong kaisa sa pagdiriwang ay sumasayaw kasabay ang tunog ng mga tambol at sigaw na “Hala, Bira!.” Ang salitâng “Atí-Atíhan” ay may kahulugan na “maging katulad ng isang Ati.” Noong ika-13 siglo, pinaniniwalaang dumating sa Panay ang sampung datu mula sa Borneo at nakipagsundo sa mga katutubong Ati. Ang mga Ati ay mga Negrito o maliliit at maiitim na tao, kulot ang buhok, at naninirahan noon sa Panay. Ayon sa kuwento, binili nina Datu Puti ang ilang bahagi ng lupain kapalit ng salakot na ginto at iba pang hiyas. Magmula noon ay sa kabundukan nanirahan ang mga Ati. Bumababâ silá kapag humihingi ng tulong sa mga datu. Ang mga Ati ay sumasayaw at kumakanta bílang pasasalamat. Itinapat ang Ati-Atihan sa pagdiriwang ng pista ng Santo Niño. Kayâ bahagi ng sanlinggo’t masayáng parada sa Kalibo ang pagtatanghal at pagbubunyi sa imahen ng batàng Hesus, gaya ng ginagawâ ding pagdiriwang tuwing Enero sa “Sinulog” ng Cebu, “Dinagyang” ng Iloilo, “Halaran” ng Capiz, “Maskarahan” ng Bacolod, at “Binirayan” ng Antique. (IPC) (ed VSA)

Daisy Hontiveros-Avellana
(26 Enero 1917—) Tinaguriang “Unang Ginang” ng Teatrong Filipino si Daisy HontiverosAvellana (Déy·si On·ti·vé·ros-A·vel·yá·na). Isa siyáng aktres, direktor, prodyuser, at manunulat para sa teatro, radyo at pelikula. Lourdes Genoveva Dolores Pardo Hontiveros-Avellana ang kaniyang buong pangalan. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro noong 1999. Walang katulad sa husay ang pagganap niyá bilang Candida Marasigan sa dula at pelikulang Portrait of the Artist as Filipino ni Nick Joaquin. Binigyang-buhay rin ni Daisy sa entablado ang tauhang si Doña Lupe (1978) ni Nick Joaquin sa Tatarin; sina Lady Macbeth (1959) at Desdemona (1953) ni William Shakespeare; si Bernarda Alba (1967) ni Federico Garcia Lorca; si Joan of Lorraine (1954) ni Maxwell Anderson; si Mary Tyrone (1958) ni Eugene O’Neil; sina Medea, Eleanor of Aquitaine, Sarah Bernhardt; at, marami pang karakter ng mga dulang lokal at inangkat. Katuwang siyá ng kaniyang asawa na si Lamberto Avellana at may limampung kapanalig sa pagtatatag ng Barangay Theatre Guild (BTG) noong 1939. Ang BTG ang unang organisasyong panteatro sa Filipinas. Itinanghal ng BTG sa kanilang ang unang produksiyon ang Women are Extraordinary ni Wilfrido Ma. Guerrero, The Potboiler ni Gerstenberg, Nerves ni Farrar, at sa mga sumunod ay mga orihinal niyáng akda gaya ng And One was Valiant. Ang una niyáng akda para sa pelikula ay ang Sakay, na ginarawang pinakamahusay na iskrip noong 1939. Sumulat din siyá ng mga pinaikling dula na halaw mula sa Wuthering Heights, Joan of Lorraine, at Cradle Song na isinahimpapawid sa mga programa ng DZPI, DZHF at DZRP. Idinirihe para sa teatro ni Daisy ang Diego Silang (1968), at Walang Sugat (1971-1972). Ang pagtatanghal ni Daisy ng dula ni Severino Reyes na Walang Sugat noong kapanahunan ng pagkakasuspinde ng writ of habeas corpus ay tumugon sa pangangailangang buhayin ang kaisipan laban sa Hontiveros. Nagtapos siyá ng Batsilyer sa Pilosopiya sa Unibersidad ng panunupil. Pilipinas (1937), Master sa Sining sa UST (1938). Nagsanay siyá ng mga estudyante ng drama at nagdirihe ng mga dula sa Centro Escolar University Tubòng-Lungsod Roxas, Capiz, ipinanganak siyá noong 26 Enero 1917 (1938), St. Paul College (1949-1961), St. Theresa’s College, Assumption at panganay sa magkakapatid na walong lalaki at dalawang babae nina Convent, St Scholastica’s College, Holy Ghost College, FEU, at UST. Huwes Jose Hontiveros, huwes ng Korte Suprema, at Vicenta R. Pardo- College of Medicine.(RVR) (ed VSA)

Lamberto V. Avellana
(12 Pebrero 1915-25 Abril 1991) Si Lamberto V. Avellana (Lam·bér·to Vi A·vel·yá·na) ay isang mahusay na direktor sa teatro at pelikula. Makabuluhan ang kaniyang mga ambag sa pagpapaunlad ng anyo at laman ng pagtatanghal sa entablado at pinilakang tabing. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro at Pelikula noong 1976. Sa pelikula, tagapanguna siyá sa sinematikong paraan ng punto-de-bista at mise-en-scene sa paggamit ng kamera. Sa bawat kuwadro ng pelikula at kabuuang eksena ay napapatampok ang damdamin sa pamamagitan ng anggulo ng kamera at komposisyon. Inihatid din niyá sa iskrin ang mga imahen at naratibo ng tunay na buhay ng pangkaraniwang tao, ang kanilang realidad at pagsisikap mabuhay, at sa gayong paraan ay naghandog siyá ng salungat na tunguhin laban sa purong komersiyalismo ng pelikula. Kinilála ng mundo ang kaniyang mga pagsisikap: ang Anak Dalita (1956) ay nagkamit ng Grand Prix bilang pinakamahusay na pelikula sa Asian Film Festival sa Hong Kong; ang Badjao (1957) ay nagbigay sa kaniya ng gawad para sa pinakamahusay na direktor at tatlo pang medyor na parangal sa Asian Film Festival sa Tokyo; nagwagi ng Conde de Foxa Award sa Bilbao, Spain, ang El Legado (1960); ang, La Campana de Baler (1961) ay nagwagi rin ng Conde de Foxa Award, medalyang pilak; at, noong 1969, nakamit niyá ang gawad para sa pinakamahusay na dokumentaryo para sa The Survivor, sa Cambodian Film Festival. Si Avellana rin ang unang Filipinong nagtanghal ng obra sa Cannes International Film Festival, Ang Kandelerong Pilak (1954). May mga pelikula si Direktor Avellana na para sa pangdaigdigang pagtatanghal tulad ng Sergeant Hasan (1967), Destination Vietnam (1969), at The Evil Within (1970). Tampok sa kaniyang mga obra maestra ay ang pagsasapelikula ng ilang mga klasikong dula: ang A Portrait of the Artist as Filipino (1965) ni Nick Joaquin at Walang Sugat ni Severino Reyes. Ipinanganak siyá noong 12 Pebrero 1915 kina Dr. Jose Avellana at Rita Vera. Napangasawa niyá ang Pambansang Alagad ng Sining din na si Daisy Hontiveros at may tatlo siláng anak—Jose Mari, Marivi, at Lamberto Jr. Ang marubdob na pag-ibig sa dulaan ni Avellana ay nagsimula noong estudyante pa lámang siyá ng Ateneo. Siyá ang gumanap na Joan of Arc noong 1935 para sa Diamond Jubilee ng Ateneo sa direksiyon ni Fr. Henry Lee Irwin, S.J. Siyá rin ang katulong na direktor ni Fr. Irwin hábang gumanap na bida sa dula. Sa Ateneo siyá nagtapos ng Batsilyer sa Sining, magna cum laude.

Panandang-bato sa teatro sa bansa ang 1 Marso 1939, nang itinatag ng mag-asawang Lamberto at Daisy at ng may 50 kapanalig na mga aktor, musiko, mananayaw, manunulat, pintor, arkitekto, eskultor, at propesor ang Barangay Theater Guild (BTG). Nagkamit siyá ng maraming parangal bago sumakabilang-buhay noong 25 Abril 1991. (RVR) (ed GSZ)

Aves de Rapiña
Editoryal na lumabas sa El Renacimiento, pahayagan sa wikang Espanyol, noong 30 Oktubre 1908. Sinulat ito ng pangalawang editor na si Fidel Reyes. Matinding tinuligsa sa editoryal ang isang mataas na pinunò ng pamahalaang kolonyal ng Amerika sa Filipinas, na pinasaringang “Aves de Rapiña” (Mga Ibong Mandaragit) dahil ginagalugad diumano ang kabundukan ng Benguet, Mindanao, at Mindoro upang tuklasin ang susi sa mga yamang likás ng bansa para sa pansariling pakinabang. Wala mang binanggit na pangalan, tinamaan ang noo’y Kalihim ng Interior na si Dean C. Worcester. Nagsampa ito ng kasong libelo laban sa may-ari ng pahayagan na si Martin Ocampo, sa editor at pangalawang editor na sina Teodoro M. Kalaw at Fidel Reyes, at iba pang pinunò ng pahayagan (na inalis sa demanda nang lumaon). Nanalo si Worcester at naparusahan ng pagmumulta at pagkabilanggo ang mga akusado. Nasara ang pahayagan at naibenta ang imprenta nitó; ngunit naghabol hanggang sa Korte Suprema ng Estados Unidos sina Ocampo, Kalaw, at Reyes. Tumagal ang kaso hanggang 1914, ngunit hindi silá nabilanggo, dahil pinagkalooban silá ng lubusang kapatawaran ng naupông Gobernador Heneral Francis Burton Harrison. Hindi napatunayan ang mga paratang kay Worcester. Ngunit pinatunayan sa kasong ito, minsan pa, kung paanong ginamit ng mga Filipino ang peryodismo para isulong ang adhikang makabansa. (AEB) (ed VSA)

áwit
Ang áwit ay pangkalahatang tawag sa kanta o musikang pamboses. Sangayon sa isang matandang diksiyonaryo maraming inabutang awit ang mga mananakop na Espanyol. Kabílang dito ang diyona (para sa kasal at iba pang pagdiriwang), talingdaw (lumang awitin), indolanin (may malungkot na himig), dolayanin (awit hábang nagsasagwan), hila (awit sa pamamangka), soliranin (awit sa paglalakbay sa karagatan), holohorlo (awit sa pagpapatulog sa sanggol), at iba pang anyong pampanitikang may himig, na maihahambing ngayon sa ablon ng dumagat, bayok ng Maranaw at Mansaka, darangan ng Maranaw, at ogayam ng Kalinga. Sinasabi na may awit ang mga Filipino sa bawat okasyon ng kanilang buhay at sa lahat ng kanilang gawain komunal. May awit sa pag-aalaga ng sanggol, may awit sa kasal, may awit sa pagsasaka at pangingisda, may awit sa pangangaso, at may awit sa patay. May mga awit ding gaya ng pamatbat na pasalaysay tungkol sa kaugalian at kasaysayan ng tribu. May awit na sagutang gaya ng talingdaw at may awit na masayang gaya ng seryeng Doon Po sa Amin. Nitóng ika-19 siglo, awit din ang tawag sa isa sa dalawang naging popular na anyo ng metriko romanse. Ang isa pa ay tinatawag na korido. Kapuwa mahabàng tulang pasalaysay hinggil sa mga nakagigilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe at kabalyero o mga buhay ng banal na tao ang awit at korido. Nagkakaiba lamang ang dalawa sa sukat ng taludtod nitó. Ang korido ay may sukat na wawaluhin at ang awit ay lalabindalawahin. Hanggang ngayon, tampok ang awit sa mga kasayahan at pagtitipon katulad ng kasal at kaarawan. Maaari rin itong maging tampok na aktibidad para sa kasiyahan ng mga iginagalang na bisita. Maaari itong awitin ng propesyonal, para sa mga pormal at malalaking pagtitipon. Ngunit sa di gaanong pormal na pagtitipon, halimbawa ay simpleng kasal at kaarawan, ang mismong ikinakasal ang gumagawa nitó upang mabigyan sila ng gala na siyáng salaping regalo ng mga kaanak at kaibigan. Kung kaarawan ang okasyon, ang nagpapasimula nitó ay maaaring makihati sa regalong ibinibigay sa nagdiriwang ng kaarawan. (RCN) (ed GSZ)

ayúntamyénto
Ang ayúntamyénto (ayuntamiento sa Espanyol) ay ang sangguniang panlungsod na itinatag ng mga Espanyol. Sa balangkas ng organisayon ng ayuntamyento, pinamumunuan ito ng dalawang alkaldeng napapailalim sa awtoridad ng gobernador-heneral o alkalde mayor ng probinsiya. Kasama ng alkalde ang labindalawang konsehal at mga opisyal na gaya ng alguwasil o hepe ng pulisya at eskribano na tagahawak ng mga talaan. Matapos ang ika-17 siglo, nakapagtatag ang mga Espanyol ng anim na lungsod sa Luzon at Kabisayaan: Maynila, Cebu, Vigan, Nueva Segovia (Lal-lo, Cagayan), Arevalo (Iloilo), at Nueva Caceres (Naga). Hanggang sa kasalukuyan ay tumatayong sentro ang mga ito ng kultura, politika, kalakalan, at relihiyon sa kani-kanilang rehiyon. Ang ayuntamyento ay tumutukoy rin sa casas consistoriales, isang gusali na matatagpuan sa Aduana, Intramuros sa Maynila. Itinatag ang nasabing estruktura noong 1738, at matapos masira ng isang lindol ay muling itinayo noong 1879. Ginamit na gusali ito ng Asamblea ng Filipinas noong panahon ng mga Amerikano. (MBL) (ed GSZ)

Mula sa Philippine Picture Post Cards 1900-1920 (1994)

babaylán
Babaylán ang tawag sa mga nagsilbing manggagamot at tagapamahala ng katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Espanyol sa Filipinas. Tinatawag din silang baylan o daytan (Bisaya), katalonan (Tagalog), at maaram (Kiniray-a). Ang iba pang katawagan ay mumbaki, alpogan, anitera, balyana, bayok, doronakit, mambunong, mandadawak, mansipok, mirku, munsayaw, at shaman. Kapuwa ginampanan ng mga babae at lalaki ang mga tungkulin ng babaylan. Ang mga babaylan ang katuwang ng datu at panday sa pagpapatakbo ng sinaunang lipunang Filipino. Sila ang tagapayo sa komunidad sa larangan ng espiritwalidad at ekonomiya. Ang mga babaylan din ang namamahala sa mga ritwal gaya ng sa panggagamot at sa agrikultura. Sa kontekstong pangagikultura, nagagamit ng mga babaylan ang kanilang pagkadalubhasa sa takbo ng kalikasan. Halimbawa, sila ang sinasangguni hinggil sa panahon ng pagtatanim at pag-ani dahil sa kanilang kaalaman sa astronomiya. Sila rin ang tagapangalaga at tagapamahala sa mga salaysay, halimbawa, ng mga epiko at mitolohiya, at kabuuang kultura ng bayan. Puwersahang pinapaglaho ng mga mananakop na Espanyol ang mga babaylan. Binansagan silang mga mangkukulam at kampon ng demonyo sapagkat naging banta sila sa simbahan at pamahalaang pinatatakbo ng mga kolonyalista. Sa kabila ng banta ng kolonyalismo sa kanilang pagiral, naging bahagi ang mga babaylan sa pakikibáka para sa repormang agraryo, kalayaan sa relihiyon, at pagpapatalsik ng mga dayuhan. (SABP) (ed GSZ)

Detalye mula sa Progress of Medicine ni Carlos V. Francisco (1953)

Badjáo
Idinirihe ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro at Pelikula Lamberto Avellana ang pelikulang Badjáo (1957). Muling nagtambal dito sina Tony Santos Sr. at Rosa Rosal. Inilalahad sa pelikula ang pamumuhay ng mga katutubong magdaragat ng Mindanao at ang paghihirap ng magsing-irog na naiipit sa tunggalian ng dalawang tribu, ang mga Badjaw at mga Tausug. Iniwan ni Hassan, anak ng pinunò ng mga Badjaw, ang pananahan sa dagat kasáma ang mga Badjaw at mamumuhay kasáma ang mga Tausug dahil sa pagpipilit ng kaniyang mapapangasawang si Bala Amai, pamangkin ng datu ng mga Tausug. Pakikinabangan ng datu ng mga Tausug ang husay ni Hassan sa pagsisid ng mga perlas. Gayunman, hahamakin ng mga Tausug si Hassan dahil Badjaw. Ngunit sa hulí, si Bala Amai ang hindi makatitiis sa pang-aapi sa kaniyang bana at siyáng aangal sa kaniyang mapang-abusong tiyuhin. Tatalikuran ni Bala Amai ang mga Tausug at sasamáhang umuwi si Hassan sa mga Badjaw. Ang produksiyon ay isa sa mga pangahas na sugal sa takilya ng prodyuser na si Manuel de Leon hábang pinamamahalaan niya ang LVN Pictures. Humakot ng mga gantimpala sa 1957 Asian Film Festival ang pelikula. Nagwagi si Lamberto Avellana ng Pinakamahusay na Direksiyon, si Rolf Bayer ng Pinakamahusay na Dulang Pampelikula, si Gregorio Carballo ng Pinakamahusay na Editing, at si Mike Accion ng Pinakamahusay na Sinematograpiya. (GCA) (ed GSZ)

Bágong Taón
Ang Bágong Taón (New Year sa wikang Ingles) ay isang pagdiriwang bilang pagsalubong sa panibagong taón sa búhay ng mga Filipino. Wika nga, “Bagong taón, bagong búhay.” Ito ay ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Enero ngunit bisperas pa lámang o Disyembre 31 ay makulay, masayá, at maingay na ang paghihintay sa hatinggabi at paglipat ng taón. Ang totoo, ipinagdiriwang ito sa halos buong mundo, bagaman kung Pebrero ang Bágong Taóng Tsíno batay sa kanilang kalendaryo. Sa Filipinas, itinuturing itong ikalawang Pasko at nagtitipon ang bawat pamilya para sa isang salusalo. Ang pagdiriwang ng Bágong Taón ay mayroong pinagsámang kulturang Espanyol at Tsino. Ang pagkain kung hatinggabi, ang Media Noche (Méd·ya Nó·tse), ay Espanyol. Ang paggastos sa makukulay at malalakas na paputok ay Tsino. Sa gabi ng bisperas ng Bágong Taón, ang buong pamilya ay pagsisimba bilang pasasalamat sa biyaya ng nakaraang taón. Pagkatapos, bago sumapit ang alas-dose, ang pamilya ay nagsasálo sa Media N6che. Sinisindihan ang mga rebentador at kuwitis bilang makulay na pagsalubong sa bagong taón. Maraming pamahiin ang mga Filipino sa pagdiriwang ng Bágong Taón. Isa ang pagkompleto sa labindalawang prutas sa hapag-kainan bilang simbolo ng labindalawang masaganang buwan sa buong taón. Isa pa ang pagsusuot ng damit na may disenyong bilóg para sa suwerte. (IPC) (ed VSA)

bagyó
Ang salitâng bagyó ay nangangahulugang napakasamâng lagay ng panahon na may daláng malakas na hangin at ulan. Tinatawag ding “buháwing tropikál” (tropical cyclone). May apat na babala o warning ito kapag daraan ito sa Filipinas sa susunod na 12 hanggang 36 na oras depende sa lakas ng hangin. Ang Babala Blg 1 ay para sa hanging may bilis na 30-60 kilometro bawat oras na may kasamang pabugso-bugsong ulan. Sa Babala Blg 2, ang hangin ay may bilis na 60-100 kilometro bawat oras. Sa Babala Blg. 3, ang hangin ay may bilis na 100-185 kilometro bawat oras. At Babala blg 4, ang hangin ay may bilis na mahigit sa 185 kilometro bawat oras. Nagsimulang kasindakan ang bagyo noong 1911 pagkaraang maitalâ sa Lungsod Baguio ang 46 na pulgada ng ulan sa loob lamang ng 24 oras. Ang mga bagyo sa Filipinas ay kadalasang nabubuo tuwing buwan ng Mayo hanggang Nobyembre sa hilagang-kanluran ng Dagat Pasipiko at nagmumula sa Marianas at mga pulô ng Carolinas. Ang mga bagyong pumapasok sa loob ng Filipinas ay binibigyan ng lokal na pangalan ng Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal, at Astronomiko ng Pilipinas (PAGASA), ang ahensiya ng gobyerno na sumusubaybay at nag-aaral sa galaw ng klima ng bansa. Karaniwang umaabot sa 20 bagyo ang dumaraan sa bansa kada taón, subalit noong 1993, umabot ang bilang nitó sa 32. Sa taunang talâ, ang buwan ng Setyembre ang may pinakaaktibong galaw ng mga unos sa bansa at ang hilagang Luzon at silangang Bisaya naman ang madalas tamaan ng mga ito. Ang pinakamapinsalang bagyo na tumamà sa Filipinas ay ang Bagyong Uring noong 1991 na nagdulot ng malaking pagbahâ at kumitil ng mahigit 5,000 katao bukod pa sa ilang libo katáong nawawala. Pumangalawa ang Bagyong Nitang na nakapagtalâ ng mahigit isang libo katáong namatay. Noong Setyembre 2009, lumubog sa bahâ ang malaking bahagi ng Metro Manila, partikular ang mga siyudad ng Marikina at Pasig, at karatig probinsiya dulot ng Bagyong Ondoy. At Setyembre 2011, inilubog din ng katulad na bahâ ang Luzon, partikular ang mga bayan ng Bulacan at Pampanga, dulot ng magkasunod na Bagyong Pedring at Pepeng. (AMP) (ed VSA)

báhay
Ang báhay ay bunga ng pangangailangan, kaligiran, at kasaysayan ng Filipinas. Hinubog ito, wika ni Augusto Villalon (2001), bilang sagot na “pangkaligiran, teknolohiko, pang-espasyo, at pangkultura sa paraan ng pamumuhay na umiral sa bansa sa iba’t ibang panahon ng kasaysayan nitó.” May arkitektura ito na nakaugat lagi sa kulturang Filipino ngunit patuloy na umaangkop sa mga impluwensiyang dayuhan na nagpayaman sa karanasang pambansa. Nangangahulugan ito ng paglalahok ng katutubong Filipino, ng sangkap na Asyano, at ng pagbabagong Kanluranin. Ang paglalahok ay hindi lámang artistiko. Malaki ang papel ng kaligirang tropikal sa naging anyo ng báhay-kúbo, báhay-na-bató, at pagdisenyo ng mga kondominyo’t apartment ngayon. Nagkakaisa ang mga arkitekto na hamak na malaki at gumamit ng bato’t matitigas na kahoy ang báhay-na-bató sa panahon ng Espanyol ngunit báhay-kúbo pa rin ang pangkalahatang plano nitó bukod sa nakinabang sa katutubong talino hinggil sa pag-angkop sa klima’t lindol sa Filipinas. Samantala, di-maikakaila ang paggaya sa mga modelong Amerikano ng mga unang bahay ng mariwasa sa Forbes Park at San Lorenzo Village sa Lungsod Makati. Sa kabilâng dako, ang báhay ng karaniwang Filipino’y patuloy na nagsasaalang-alang sa praktikal na gamit ng sinaunang tahanan. Tulad ng báhay-kúbo, gumagamit ito ng materyales na madalîng makuha sa paligid: kawayan, kugon, pawid. Kailangang nakaangat ito sa lupa para hindi lumubog sa bahà at para hindi maakyat ng peste. Sa Cordillera noon, sinusuotan ang mga haligi ng oliang o pabilog na kahoy para hindi maakyat ng mga dagâ ang mga nakaimbak na ani. Kahit munti ang kubo, isang espasyo itong maluwag para sa lahat ng gawain, mula sa silungan, tulugan, palaruan, lutuan, kainan, pagawaan ng likhang-kamay, hanggang tanggapan ng mga panauhin. (EGN) (ed VSA)

báhay-kúbo
Malaon nang kinikilalang “Pambansang Tahanan” ang báhay-kúbo at sinasabing kinatawan sa katatagan ng mga Filipino dahil kaagad nakatitindig kahit magdaan ang bagyo, lindol, at ibang kalamidad. Kinakatawan din nitó ang pagiging malapit ng Filipino sa kalikásan. Presko ang kalooban ng bahay dahil maraming puwang para pumasok ang hangin. Ang pangyayaring ito ay sumasagisag diumano sa nakabukás na kalooban ng tumatahan, sa katapatang makisáma, at sa pagkakaisa ng pamilya. Munti at kuwadrado ang estruktura ng báhay-kúbo. Madalî itong maitayô dahil yari sa materyales na matatagpuan sa kaligiran. Kahoy o kawayan ang mga haligi at balangkas ng sahig, dingding, at bubong. Pawid o kugon naman ang ginagamit na pantakip sa dingding at bubong. Mababà man ito ay nakaangat sa lupa at kailangang akyatin gamit ang hagdan na may tatlo hanggang limang baitang. Karaniwang ginagawang kulungan ng mga alagang hayop ang silong. Madalas itong maging tanda ng bayanihan, dahil malimit ilarawan na pinagtutulungang pasanin ng magkakapitbahay at magkakanayon kapag kailangang ilipat ng pook. Paksa rin ito ng isang popular na awiting bayan, na naglalarawan hindi ng loob o kaanyuan ng báhay-kúbo kundi ng mga pananim at gulay sa bakuran at “paligid-ligid” nitó. (LJS) (ed VSA)

bakáwan
Ang bakáwan (Rhizopora mucromata) ay isang uri ng punongkahoy na tumutubò sa tubig alat o tabang. Karaniwan itong makikitang tumutubò malapit sa karagatan. Natatangi ang mga ugat nitó dahil maaari itong mabuhay sa ibabaw o ilalim ng tubig. Karaniwang lumalaki ang punòng ito nang mula dalawa hanggang sampung metrong taas. Ang terminong bakawan ay may isa pang kahulugan. Maaari itong tumukoy sa pook na maraming punongkahoy na bakaw o bakawan, isang lugar na pumapagitna sa lupa at karagatan na tinitirahan ng mga isda. Ang punongkahoy na bakawan ay sinasabing pinagmumulan ng materyales sa paggawa ng bangka at muwebles. Ginagamit din ito para gumawa ng uling. Ang katas ng dahon at balát ng kahoy naman ay nagagamit na sangkap na pangkulay. Maaari rin itong pagkunan ng pagkain tulad ng pulut, sukà, at mantikang panluto. Napakahalaga ng bakawan sa ating kaligiran. Nagbibigay ito ng tirahan hindi lámang sa mga isda kundi maging sa mga ibon at iba pang ilahas na hayop. Tumutulong din ito sa paglinis ng ating hangin at tubigan sa pamamagitan ng matitibay na mga dahon at ugat nitó. Bukod dito, nagbibigay ito ng proteksiyon sa mga tirahang malapit sa pampang dahil napipigilan nitó ang paghampas ng hangin at pagragasa ng alon mula sa karagatan lalo sa panahon ng bagyo. Ang bakawan ay tinatawag ding bakaw, bakawang babae, bakhaw, bako, bukaw, mangrove, at tagasa. (SAO) (ed GSZ)

baklád
Ang baklád ay isang uri ng estrukturang pangisda na inilalagay sa may baybaying-dagat. Mistula itong maluwang na bakod na nagsisilbing pangharang at panghúli sa mga isdang nagpapalipat-lipat sa malapit sa pampang at sa karagatan. Maaaring pansamantala o permanente ang isang baklad na inilalagay kung saan dumaraan ang mga isdang naglalakbay. Tulad ng isang bakuran, itinatayô ang mga poste ng kawayan nang may pantay-pantay na agwat. Karaniwang may pasukan ang isang baklad para sa mga isdang nagkakawan. May matá o bútas ang lambat sa isang baklad na hindi liliit sa 3 sentimetro. Kalimitang hugis pana ang isang baklad. Maaaring umabot ng ilang daang metro ang habà ng bawat isang tangkay sa gilid nitó. Ang kulungan ng baklad na pansamantalang itinayô ay may panghatak na pukot at dalawang dulo na nakaangkla sa baybay. Nananatili ang súpot ng pukot sa mababaw na bahagi ng tubig at nagsisilbi itong lalagyan ng mga isdang nahuhúli. May isang uri naman na gawa sa kawayan, lambat at alambre, o hibla ng kawayan na ginagamit panali. Sa Filipinas, saklaw ng pamahalaang lokal ang regulasyon at pahintulot sa pagtatayô ng baklad sa baybaying-dagat. Pinapaupahan ang isang parte ng baybay sa mga indibidwal o grupo na may sapat na puhunan para magpatayô ng baklad. Subalit may mga pagkakataóng malaki ang sukat ng baklad kayâ’t sinasakop at isinasara nitó ang malaking bahagi ng baybay. Nagdudulot ang ganitong sitwasyon ng problemang tulad ng kawalan ng espasyo para sa maayos na pagdaloy ng tubig at nabegasyon. Dahil dito, kailangan ng pamahalaang lokal ang regular na pagmonitor at pagbisita sa mga baybaying-dagat na kanilang nasasakupan. (MA) (ed VSA)

bakunáwa
Tulad ng mga kalapit na bansa ng Filipinas sa Asia, may konsepto rin ng dambuhalang ahas o dragon ang mga sinaunang Filipino. Ito ang bakunáwa o lahò. Inilalarawan ito bílang isang higanteng sawá na nakatirá sa dagat, may pakpak, pulahang dila, at bungangang sinlaki ng lawa. Iniuugnay ang bakunawa sa eklipse sapagkat may kakayahan daw itong lumamon ng buwan. Ayon sa mga mito, ang laho ang may sala kung bakit nag-iisa na lang ngayon ang buwan sa langit. Pitó raw talaga ang nilikhang buwan ni Bathala upang maging tanglaw sa mundo pagsapit ng gabi. Ngunit nilamon ng bakunawa ang anim dahil sa labis na pagkahumaling sa liwanag ng mga ito. Upang pigilan ang laho sa tuluyang paglulon sa natitiráng buwan, itinataboy ito ng mga sinaunang Filipino sa pamamagitan ng paglikha ng ingay. Ito ang dahilan kung bakit laho ang tawag ng mga sinaunang Tagalog sa eklipse. Ngunit hindi ito tumutukoy sa simpleng paglaho o pagkawala ng buwan. Bagkus, inilalarawan nitó ang mismong pagkain ng laho o bakunawa sa buwan gaya ng matatagpuan sa mga talâ ni Francisco de San Antonio sa Vocabulario Tagalo (1620): “cqinain nang Laho ang bouan,” “masaquit ang paglamon ng Laho sa buwan,”,“inaloua nang Laho ang bouan,” at “linamon pala nang Laho ang bouan caya nangamarillim.” Ganito rin ang paglalarawan ng mga sinaunang Bisaya sa eklipse gamit naman ang bakunawa. Matatagpuan halimbawa sa mga talâ ni Alonso de Mentrida hinggil sa bokabularyo ng mga Bisaya ang “binacunauahan ang bulan.” Dahil takót ang mga sinaunang Filipino sa tuluyang paglalaho ng liwanag, nagsilbing tagapaghimatong ng kasamaan at ng kabutihan ang bakunawa: kasamaan dahil panandalian nitóng pinagdidilim o binabantaang magdilim ang paligid, at kabutihan sapagkat muling nagbabalik ang liwanag pagkatapos ng ilang sandaling pagkawala nitó. (BVN) (ed GSZ)

bakyâ
Katutubong sapin sa paa ang bakyâ at yari sa kahoy ang suwelas at katad o tela ang kaluban. Maaaring impluwensiya ito ng sapin sa paa ng mga Tsino o ng mga Hapones. Gayunman, maaaring bunga ito ng naramdamang likás na pangangailangan para sapnan ang paa laban sa subyang at putik. Nagkaroon din ng masining na pag-ukit sa kahoy ng bakyâ at pagpipinta ng disenyo sa katad o telang kaluban ng paa. May panahon na isinusuot ito ng kababaihan kung pista at tanging okasyon. Ito ang nakasaad sa sentimental na awit na “Ang Bakyâ Mo Neneng”: Ang bakyâ mo Neneng, luma at kupás na Ngunit may bakás pa ng luha mo sinta. Sa pagdating ng makabagong tsinelas at sapatos ay naging sagisag ang bakyâ ng pagiging probinsiyanong makaluma. Nitóng mga taóng 1960, nagkaroon pa ito ng higit na masamâng kahulugan. Ginamit ito ng isang direktor sa pelikula, si Pambansang Alagad ng Sining Lamberto Avellana, upang tukuyin ang mga manonood na hindi diumano nakauunawa o walang wastong pinag-aralan hinggil sa mahusay na pelikula. Literal pang nakabakya noon ang mga dukhang manonood ng pelikulang Tagalog sa lalawigan. Sinundan ito ng iba upang kutyain ang “pangkaraniwan,” “probinsiyano,” at “mababàng uri.” At marahil, ang ganitong pangyayari ang hindi matanggap ng isang nagsisikap gumunita sa matamis na kahapon ng “Ang Bakyâ Mo Neneng.” (GCA) (ed VSA)

balagtásan
Ang balagtásan ay isang debate o labanan ng katwiran sa paraang patula. Karaniwang tinatampukan ito ng tatlong makata: dalawang mambabalagtas na nagtatalo sa isang paksa at isang lakandiwa na nagpapadaloy ng palitan ng katwiran. Isinilang ang balagtasan sa isang pulong ng Kapulungang Balagtas noong 28 Marso 1924. Iminungkahi ni Lope K. Santos ang pagdaraos ng makabagong duplo bílang pag-aalaala sa kaarawan ni Balagtas. Subalit pinansing di-angkop sa pagdiriwang ang duplo kayâ bumuo sila ng bagong anyo na tinawag nilang “balagtasan.” Itinanghal ang kauna-unahang balagtasan sa Instituto de Mujeres noong 6 Abril 1924. Naglaban dito sina Jose Corazon de Jesus bilang Paruparo, at Florentino T. Collantes bilang Bubuyog. Si Lope K. Santos naman ang naging Lakandiwa. May iba pang mga makata na naglaban sa naturang balagtasan ngunit sina de Jesus at Collantes ang naging paborito ng madla. Karaniwan, mga simpleng paksa ang pinagtatalunan sa balagtasan: ginto o bakal, babae o lalaki, mataba o payat, baso at tabo, sabong o kabaret, palayok o kawali. Ngunit nang lumaon, naging madalas pagtalunan ang mga makabuluhang panlipunang isyu tulad ng welgista at eskirol, manggagawa at makina, wikang Ingles o wikang Espanyol. Pagkatapos ng unang balagtasan, marami pa ang sumunod. Naging napakapopular ng anyong ito kung kayâ’t halos lahat ng mga kilalang makata noon ay lumahok sa pagtatanghal nitó. Nagkaroon din ng mga balagtasan kahit sa wikang Espanyol at Ingles. Gayundin naman sa iba’t ibang wikang katutubo. May crissotan ang mga Kapampangan na isinunod sa pangalan ni Juan Crisostomo Soto na kilala bílang “Crissot.” Tinawag naman itong bukanegan ng mga Ilokano sunod sa pangalan ni Pedro Bukaneg. Noon pang 1926 ay mayroon na ring naitalâng mga pagtatanghal ng balagtasan sa Kabisayaan. Noong 1937 naman, itinaguyod ng Kompanyang Elizalde ang balagtasan sa radyo. Maraming tinatawag na hari ng balagtasan kasunod nina de Jesus at Collantes. Ngunit si Emilio Mar. Antonio ang kinikilalang huling

Emilio Mar. Antonio

pambansang hari ng balagtasan. Patuloy ang pagtatanghal ng balagtasan hanggang ngayon lalo tuwing Buwan ng Wika. (GSZ)

balangáy
Sinaunang malaking sasakyang-dagat ang balangáy na gamit sa paglalakbay at kalakalan. Ito rin ang mga sasakyang-dagat na nahukay sa Surigao noong dekada 70 at tinawag na “balanghai.” Tawag din ito sa isang pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 magkakalapit na pamilya na pinamumunuan ng isang datu. Malaki ang posibilidad na ang nabanggit na pagtawag sa pamayanan ay batay sa pangalan ng sasakyang-dagat. Noong panahon ng Espanyol, isinulat itong barangay at walang makatiyak sa paraan ng bigkas. May haka ang ilang historyador na naging barangay ang anyo ng balangay dahil hindi mabigkas nang wasto ng mga dayuhan ang orihinal. Ngunit hindi nagbago ang bigkas (ba·ra·ngáy). Gayunman, popular ngayon ang bigkas na (ba·ran·gáy) mula sa pa-Ingles na pagtukoy na naging tawag sa lokal na pamahalaan sa kasalukuyan. Nang sakupin ng mga Espanyol ang Filipinas, ang mga nayon at ili ay tinawag na báryo mula sa Espanyol na barrio. Sa panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, ipinahayag niya ang isang “lipunang barangay” upang bigyang halaga ang tungkulin ng pinakamaliit na yunit ng pamahalaan sa gawaing pambansa. Sinimulan niyang tawagin ang mga baryo na barangay sa bisà ng dekretong nilagdaan noong 21 Setyembre 1974. (VSA)

Mula sa Aklat Adarna

balarilà
Inimbentong salitâ ang balarilà katumbas ng gramatica sa Espanyol at grammar sa Ingles, o ang pag-aaral ng estruktura ng wika. Tinatalakay nitó ang mga tuntunin ng isang wika ukol sa mga uri, pagbuo at wastong paggamit ng mga salita, at pagsulat. Si Mamerto Paglinawan ang iniulat na unang gumamit ng salitâng balarilà sa kaniyang aklat ng gramatika sa wikang Tagalog. Gayunman, naging popular ito dahil ginamit sa aklat ni Lope K. Santos at siyáng unang naging teksbuk sa pagtuturo ng Wikang Pambansa. Nalikha ang salitâng ito ng dáting Samahan ng mga Mananagalog noong mga taóng 1905-1906. Mula ito sa mga salitâng badyá, na nangangahulugang pagpapahayag, pagsasasaad o paggagad, o babalâ, na nagpapahayag ng isang kautusan, at dilà, na nagpapahiwatig ng wika. Isinasaad ng pinagsámang badya+dila o babala+dila ang paggamit ng dila sa pagsasalita upang maipahayag ang nais sabihin. Nabuo ang salitâng balarilà dahil sa panuntunang nagiging titik R ang titik D kapag napagigitnaan ng dalawang patinig. Malaki ang posibilidad na ang pagsusuri sa gramatika ng wikang Filipino ni L.K. Santos ay ibinatay sa mga unang pag-aaral ng mga misyonero. Sa ating kasaysayan, ang mga misyonero ang unang nag-aral sa estruktura ng mga wika sa Filipinas at ilan sa mga pag-aaral na ito ay nalathala. Halimbawa, ang Artes y reglas de la lengua tagala (1610) ni Fray Francisco de San Jose. May iba pang misyonero na naglathala din ng artes y reglas sa ibang mga katutubong wika ng Filipinas na nasakop ng mga Espanyol. May puna na dahil sa pangyayaring ito ay lubhang sumusunod sa mga tuntunin ng klasikong gramatikang Europeo ang balarila ni L.K. Santos. May dagdag ding mga tuntunin mula sa makabagong lingguwistika ang mga bagong aklat sanggunian sa gramatika. Bukod sa pagpapalaganap ng imbentong salita na balarila ay nagtagumpay din ang aklat ni L.K. Santos sa pagpapalaganap ng isang buong sistema ng katawagan sa gramatika, gaya ng pangngálan para sa noun, pandiwà para sa verb, pang-urì para sa adjective, pang-ábay para sa adverb, panghalíp para sa pronoun, pantúkoy para sa article, at marami pa. (JGP) (ed VSA)

baléte
Ang baléte (may varyant na balíte o balitì) ay isang grupo ng mga punò sa Filipinas mula sa genus na Ficus, fig tree o banyan tree sa Ingles at igos sa Espanyol. Nagsimula ang búhay nitó bílang isang epiphyte kapag sumibol ang butó nitó sa mga bitak at siwang ng isang punò o sa isang estrukturang tulad ng gusali at tulay. Marami ang tinatawag na strangler figs, na tumitira sa simula ng búhay nila sa isang punò, pagkatapos ay kakapitan ang buong katawan ng punò, at sa hulí ay papatayin ito. Kilala rin ito bílang hemiepiphytes na nagsimula na parang halamang hangin, maraming nakalawit na ugat, na kakapit paibabâ sa lupa, at sa dakong hulí ay pupulupot sa isang punò, yayapusin ito hanggang mamatay. Sa alamat, kasabihan, at mitolohiyang Filipino, pinaniniwalaan na maraming engkanto ang nakatira sa balete, tulad ng kapre, babaeng nakaputî, aswang, duwende, at tikbalang. Ito ay kadalasang ginagamit na tema sa mga pelikulang Filipino sa klasipikasyong katatakutan o horror. Ang ibang klase ng balete ay naglalabas ng mahinàng kalidad ng goma. Isang halimbawa ay ang India rubber (F. elastica) na inaalagaan kahit paano para sa goma. Ang ibang uri tulad ng tangisang-bayawak (Ficus variegata) ay malaking punò na maaaring gamitin sa paggawa ng palito ng posporo. May mga pananaliksik na ang isang uri ng F. elastica ay mayroong elemento na panlaban sa mikrobyo at kontra sa pamamaga. Ayon sa mga kuwento at alamat, ang balát ng species na F. benjamina, kasáma ang ugat at dahon nitó, ay maaaring pakuluan sa langis at gawing pampahid sa mga sugat at gasgas. Gamot din ito sa rayuma at sakít ng ulo. Itinatanim ang mga punò ng balete sa mga lagusan at daanan bílang kanlungan o habong laban sa matinding síkat ng araw. (SSC) (ed VSA)

balikbáyan
Isang likhang salitâ ang balikbáyan, mula sa pinagdugtong na “balík” at “báyan” upang ipantawag sa mga Filipino na umuuwi pagkatapos manirahan sa ibang bansa. Nilikha ito upang ipangalan sa programang panturismo noong 1973 ng itinayông Ministri ng Turismo. Ang programa ay tinawag mismong “Programang Balikbáyan” (Balikbáyan Program) at may layuning akitin ang mga Filipino sa ibang bansa na dumalaw sa Filipinas. Hindi lámang nais ng Ministri na pagkakitahan ang pagbabakasyon ng mga Filipino mula sa ibang bansa. Nais din ng Ministri na ipagmalaki sa kanila ang mga pagbabago sa ilalim ng Bagong Lipunan. May mga espesyal na pribilehiyo sa balikbáyan, gaya ng mababàng pasahe sa eroplano, lalo’t Philippine Air Lines ang kukunin, at palugit sa bigat ng bagahe kapag gumamit ng tinawag na “balikbáyan box.” Ang tagumpay ng programa ay makikita sa naging popularidad mismo ng salitàng balikbáyan. Naging pantawag na ito sa sinumang umuwi, kahit mula lámang sa pag-aaral sa Maynila at bumalik sa probinsiya. Sinimulan din nitó ang uso na paggamit ng “balik-“ bílang tíla unlaping re- para sa anumang aktibidad na nangangailangan ng pagbalik o paglingon: “baliksulyap” “baliktanaw,” “balik-aral,” “baliktanong,” “baliksuntok,” “balikpuna,” “balikliham,” “balikbisyo,” “balikbahay,” “baliktrabaho,” at iba pang maaaring manatili sa mahabàng panahon. (LJS) (ed VSA)

balimbíng
Ang balimbíng (Averrhoa carambola) ay isang uri ng punongkahoy na may bungang hugis tatsulok ang limang gilid. Ang punòng ito ay maliit hanggang katamtaman ang taas, karaniwang hindi tataas sa 5-12 metro. Kabílang ito sa pamilyang Oxalidaceae at kamag-anak ito ng kalamias o kamias. Madali itong patubuin at palakihin at maaaring makita sa kahit saang lugar sa Filipinas. Ang prutas nitó ay karaniwang lungtian, minsa’y manilaw-nilaw kapag hinog na at maaari nang kainin. Mataas ito sa bitamina B at C pati na rin sa Iron. Ang mga dahon at bulaklak naman nitó ay ginagamit na halamanggamot. Dahil sa anyo nitóng may ilang gilid, ang prutas ng balimbing ay inihahalintulad sa mga baligtaring politiko at pinunòng-bayan na madalas magpalit ng kinaaanibang partido ayon sa inaakala niláng makukuhang pakinabang dito. Ang ganitong uri ng mga politiko ay nakagawian nang bansagang balimbing na ang kahulugan ay “doblekara.” (SAO) (ed GSZ)

balítaw
Ang balítaw ay isang tradisyong Sebwano. Ito ay kombinasyon ng awit, sayaw, at debate ng lalaki at babae. Isang tagisan ito ng husay sa musika at katwiran. Ang debate ay karaniwang umiikot sa paksang pag-ibig. Ang sayaw ay karaniwang nagsasadula ng pag-aalay ng lalaki ng bulaklak sa napupusuang babae. Ang pagtanggap ng bulaklak ay tanda ng pagsangayon ng babae sa iniaalay na pag-ibig sa kaniya. Sinasabing nagmula pa sa sinaunang tradisyon ang balitaw, bago pa man dumating ang Espanyol sa kapuluan. Ito ay ginaganap tuwing may kasayahan at iba pang mga pagdiriwang. Sa pagdaraos ngayon ng balitaw, karaniwang sinasaliwan ito ng gitara o arpa. Lalaki ang tumutugtog ng gitara hábang idinaraos ito. Ang balitaw ay isinusulat sa tunugang mayor at menor. Ang balitaw sa tunugang mayor ay karaniwang nása estruktura at katangiang Europeo. Sa tunugang menor naman, ito ay umampon ng ritmong Espanyol na tinatawag na bolero. Ang balitaw ay tumutukoy rin sa isang uri ng estruktura ng likhang musika ng Tagalog. Isinusulat ito sa batayang kompás na 3/4. Ginagamit din ito bilang indikasyon ng bilis sa mga likhang musika ng mga klasikong kompositor. Halimbawa, ang “Arimunding-munding” nina C. Reyes at J. Benasa, at ang “Bakya Mo Neneng” nina Levi Celerio at S. Suarez ay nása tiyempong balitaw. Samantala, ang “Dalagang Filipina” nina J. Santos at Jose Corazon de Jesus at “Larawan” ni Francisco Buencamino ay nása pormang balitaw. Narito ang isang halimbawa ng balitaw mula sa rehiyong Tagalog: Inday, Inday sa balitaw Batang nabalian, Kahoy na sariwa, Saging na nilaga, Kinuha sa lungga, ‘Binabad sa suka, Gamot sa sikmura. Neneng, Neneng sa balitaw Kahoy nakahapay, Sandok nakasuksok, Siyansing nabaluktot, Palayok nakataob, Sinigang na matabang, Kulang sa sampalok. (RCN) (ed GSZ)

Jesus Balmori
(10 Enero 1887-23 Mayo 1948) Itinuturing na isa sa pangunahing makata ng Filipinas sa wikang Espanyol, halos buong búhay ni Jesus Balmori (He·sús Bal·mó·ri) ay nagugol sa pagsusulat. Kilala din siyá sa alyas na “Batikuling” na ginamit sa pagsulat ng kolum na “Vida Manileña” sa La Vanguardia na nagtatanghal sa buhay Filipino sa nakatatawang paraan bago magkadigma. Tugatog ng tagumpay niya bilang makata ang pagwawagi ng kaniyang koleksiyong Mi Casa de Nipa ng unang gantimpala sa timpalak pampanitikan ng Komonwelt noong 1938. Isinilang si Balmori noong 10 Enero 1887 sa Ermita, Maynila at nagaral sa Colegio de San Juan de Letran at sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa paaralan pa lámang ay umani na ng papuri ang kaniyang talinong pampanitikan. Napangasawa niya si Dolores Rodriguez. Noong 1904, sa gulang na 17 taón, inilathala niya ang kaniyang unang aklat ng tula, ang Rimas Malayas. Sa isang timpalak sa pagdiriwang ng Araw ni Rizal, ang kaniyang tatlong lahok na may magkakaibang sagisag ay nagwagi ng una, ikalawa, at ikatlong gantimpala. Noong 1908, ang kaniyang tulang “Gloria” ay nagtamo ng unang gantimpala sa timpalak ng El Renacimiento. Sumulat din siyá ng mga nobela, ang Bancarrota de Almas, Se Deshojo la Flor, at Pajaros de Fuego. Natapos ang ikatlong nabanggit sa panahon ng pananakop na Hapones. Sa panahon ding ito itinanghal ang ilang dula niya sa Espanyol. Ipinadalá siyá sa ibang bansa bilang embahador ng pagkakaibigan at nakarating siyá sa Espanya, Mexico, Timog Amerika, at Japan. Nása Mexico siyá nang magkasakít at bahagyang naging paralisado. Namatay siyá noong 23 Mayo 1948 sa kanser sa lalamunan. Sinasabing namatay siyá ilang sandalî pagkatapos idikta ang kaniyang tulang “A Cristo” sa kaniyang asawa. Tula pa rin ang nilalamán ng kaniyang hulíng hininga. (PKJ) (ed VSA)

Clare R. Baltazar
(1 Nobyembre 1927—) Pambansang Alagad ng Agham, si Clare R. Baltazar (Kleyr Ar Bal·ta·zár) ang tinaguriang “Ina ng Pag-aaral ng Entomolohiya sa Filipinas” at ang kaunaunahang Filipina na nagpakadalubhasa sa nasabing larangan. Sinulat niya ang librong Philippine Insects, ang unang komprehensibong pag-aaral sa mga katangian, búhay, at gawi ng mga lokal na insekto sa Filipinas. Dahil sa kaniyang natatanging kontribusyon sa pagpapaunlad ng pag-aaral ng entomolohiya sa Filipinas, iginawad sa kaniya Pambansang Alagad ng Agham (National Scientist) noong taóng 2001. Ang Hymenoptera ang isa sa pinakamalaking order ng mga insekto. Mahigit nang 130,000 na species ang natuklasan sa buong mundo at marami pa ang hindi kilála. Kabílang sa order na ito ang mga insektong putakti, bubuyog, langgam, at ilang uri ng langaw. Dahil isang tropikal na bansa ang Filipinas, napakaraming katutubong insekto na dito lámang matatagpuan. Si Dr. Baltazar ang nakatuklas ng walong genera at isang subgenus ng Hymenoptera. Nagawa rin niyang kilalanin ang 108 na bagong species ng insektong putakti na makikita lámang sa Filipinas. Siyá ang unang Filipinang nagtangka at matagumpay na nag-ayos ng taksonomiya ng mga insektong katutubo sa Filipinas. Naglathala siyá ng talaan at bibliyograpiya ng mga insekto sa Filipinas, A Catalogue of Philippine Hymenoptera (1759-1963). Ang pag-aaral na ito ay lumabas sa monograp na Pacific Insects noong 1966. Sinulat rin niya ang tatlo pang mahahalagang pag-aaral: ang New Generic Synonyms in Parasitic Hymenoptera (1961) na inilathala Philippine Journal Science, ang The Genera of Parasitic Hymenoptera (1962), at ang A New Genus and Nine New Species of Philippine Braconidae (Hymenoptera) (1963). Sa pamamagitan ng mga pananaliksik ni Baltazar, nagkaroon ng pagkakataon ang iba pang mga dalubhasa na maintindihan ang iba’t ibang bagong uri ng insekto sa Filipinas. Naging susi ito sa pag-intindi kung ano ang epektibong paraan ng pagkontrol sa insekto. Napaunlad rin ni Baltazar ang mag-aral sa Estados Unidos ay nagbalik si Baltazar sa Filipinas upang siyensiya at metodolohiya ng pag-aaral ng entomolohiya sa Filipinas. magturo ng sistematikong entomolohiya sa UP at ipagpatuloy ang pananaliksik sa mga katutubong insekto ng Filipinas. (SMP) (ed VSA) Isinilang si Baltazar noong 1 Nobyembre 1927. Nagtapos siyá ng Batsilyer sa Siyensiya ng Entomolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1947. Nakapagtapos siyá ng master sa Siyensiya (Economic Entomology) at doktorado (Systematic Entomology) sa University of Wisconsin. Matapos

Francisco “Balagtas” Baltazar
(2 Abril 1788-20 Pebrero 1862) Itinuturing si Francsico “Balagtas” Baltazar (Fran·sís·ko Ba·lag·tás Bal·ta·zár) na “Prinsipe ng Makatang Tagalog” dahil sa kaniyang obra maestra na Florante at Laura. Itinuturing din siyáng pasimuno ng mga pagbabago sa panitikan sa loob ng pananakop ng mga Espanyol. Hinangaan nina Rizal at Bonifacio ang halimbawa ni Balagtas ng mahusay at makinis na pagtula sa Florante at Laura. Hinangaan din nila at ng iba pang mga makata sa ika-20 siglo ang mga mapanghimagsik na ideang pampolitika at panlipunan ni Balagtas. Ngunit marami pang ibang nasulat si Balagtas na awit at komedya. Nakalulungkot na nasunog ang mga ito nang masunog ang kaniyang bahay sa Bataan. Isang natira ang saynete na La india elegante y el negrito amante, na tumatalakay sa komikong paraan sa pagkakapantay ng tao anuman ang lahi. Natagpuan naman kamakailan ang manuskrito ng komedyang Orosman at Zafira na nagpapatunay sa husay niya bilang mandudula at sa kaniyang mataas na paninging pampolitika. Ipinanganak siyá noong 2 Abril 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan sa mag-asawang Juan Balagtas at Juana Cruz. Noong batà pa siyá, ipinadalá siyá ng kaniyang ina sa isang malayong kamag-anak sa Tundo, Maynila, na siyáng nagpaaral sa kaniya kapalit ng paninilbihan sa bahay. Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at sa Colegio de San Juan de Letran. Ayon sa ulat, nakalista siyáng estudyante sa Colegio de San Jose ngunit sa pangalang “Francisco Baltazar”. Ito rin ang pangalan niya sa dokumento ng kasal kay Juana Tiambeng noong 22 Hulyo 1842. Walang tiyak na paliwanag sa pagbabago ng kaniyang apelyido. Noong 1835, umibig siyá kay Maria Asuncion Rivera, anak ng mayamang angkan sa Pandacan. Si Rivera ang pinag-alayan ni Balagtas ng tulang “Kay Celia,” ang pambungad na tula ng Florante at Laura. Gayunman, hindi sila nagkatuluyan ng dalaga. Sa Pandacan, nakulong siyá sa isang dimalinaw na dahilan. Lumaya siyá noong 1838, taón na sinasabing unang inilathala ang Florante at Laura. Lumipat si Baltazar sa Udyong (ngayo’y Orion), Bataan, at doon pinakasalan si Juana Tiambeng, anak ng isang mayamang pamilya. Nagkaroon sila ng 11 supling. Muli na naman siyáng nakulong noong 1856 kaugnay ng reklamo ng isang katulong na diumano’y ginupitan niya ng buhok sa di-malamang dahilan. Naghirap ang pamilya ni Balagtas dahil sa kasong ito. Pinagdusahan niya ang kaniyang sentensiya

sa Balanga, Bataan, at nang sumunod, sa Tundo, Maynila. Hábang nása Tundo, mula 1857 hanggang 1860, nagsulat siyá ng maraming komedya para sa Teatro de Tundo. Nang makalaya, bumalik siyá sa Udyong at dito niya naisulat ang marami pang tula at komedya hanggang sa mamatay siyá noong 20 Pebrero 1862. (GSZ)

balút, pénoy
Isang bantog na pagkaing Filipino ang balút, nilagàng itlog ng itik at pinaniniwalaang pampalakas ng katawan at pampasigla sa pakikipagtalik. Ginagamit itong pulutan sa inuman at katerno ng sitsaron. Kamakailan, nauso ang binalatán at ipinritong balút. Ngunit hindi ito basta nilagàng itlog ng itik. Sa bayan ng Pateros, na bantog sa industriya ng balút, maingat na pinipilì ang mga itlog ng itik na kinukulob sa isang pook halimhiman sa loob ng 17-19 araw para magkaroon ng kitî o sisiw. Ngunit hindi hinahayaang mapisâ ang itlog. Pagkatapos ng naturang paghalimhim, kinukuha ang itlog na may sisiw, hinuhugasan, at inilalaga. May mahilig sa balút sa putî, itlog na kinulob sa loob ng 16-17 lámang kayâ maliit pa ang sisiw. Karaniwang bahagyang binubuksan ang balát ng isang dulo ng itlog, binubudburan ng asin, at hinihigop ang sabaw at lamán. Ang pénoy ay nilagàng itlog ng itik na nabilíg o hindi nagkasisiw. Sa halip, nagkaroon lámang ito ng malaking masa na putî at dilaw sa loob. Kung tutuusin, para itong karaniwang nilagàng itlog ng manok. Naiiba ang penoy dahil walang tiyak na hugis ang putî at dilaw bukod sa malimit na magkahalò. May uri itong masabáw at may uring tuyô. Penoy ang pinipilì ng mga tao na hindi káyang kumain ng itlog na may sisiw. (YA) (ed VSA)

banabá
Ang banabá ay isang punongkahoy, kabílang sa pamilyang Lythraceae, at may botanikong pangalan na Lagerstroemia speciosa. Ito ay may katamtamang taas na 5 hanggang 10 metro ngunit minsan ay tumataas hanggang 20 metro. Ang kulay ng dahon nitó ay berde ngunit nagiging kulay dalandan kapag mataas ito sa corsolic acid, isang sangkap na mainam para sa may sakít na diyabetis. Ang iba’t ibang parte nitó ay may kani-kaniyang gamit bilang alternatibong gamot. Ang ugat nitó ay ginagamit para sa mga karamdaman sa tiyan at ang mga dahon naman nitó ay ginagamit sa diyabetis at bilang diyuretiko o kayâ ay pampurga. Mahusay na tabla ang punò ng banaba. Simple lang ang paggawa ng tsaa na maaaring inumin bilang gamot sa diyabetis at pampapayat. Kumuha ng mga dahon ng banaba at ibilad hanggang matuyo sa loob ng dalawang linggo. Durugin ang mga dahong tuyo at ilaga sa loob ng tatlumpung minuto. Kailangan ang isang tasang durog na dahon katumbas ng isang tasang tsaa. Salain ang nilaga para maalis ang mga durog na dahon. Inumin ang tsaa. Makikita itong tumutubò sa maraming bahagi ng Filipinas, lalo na sa Batanes, Hilagang Luzon, at Palawan. (SAO) (ed GSZ)

Banco Español-Filipino
Ang Banco Español-Filipino (Báng·ko Es·pan·yól-Fi·li·pí·no) na itinatag noong 1 Agosto 1851 ang kauna-unahang bángkong itinatag sa Maynila at sa buong Timog-Silangang Asia. Una itong tinawag na El Banco Español de Filipinas de Isabel II. Mula ang pangalan sa ina ng hari ng Espanya noon na si Haring Alfonso XIII. Ito ay naitatag 23 taón pagkaraang ideklara ni Haring Ferdinand VII ang pagtatatag ng isang pampublikong bangko sa Filipinas. Ang pangunahing gawain ng mga bangko sa bansa noon ay limitado lámang sa mga gawaing pampubliko o obras pias. Subalit sa paglago ng kalakalan sa bansa, nagkaroon ng malaking pangangailangan sa pera at pagpapautang. Layunin ni Haring Ferdinand VII na pataasin ang komersiyo at kalakalan sa bansa sa pamamagitan ng bangkong ito. Pormal na nag-umpisa ng operasyon ang bangko noong 1852 at ito lámang ang may ekslusibong pribilehiyo na makapaglabas ng perang papel noong 17 Oktubre 1854. Ang tawag sa unang inilabas ng perang papel ng bangko ay pesos fuertes o malakas na piso. Ito ay may denominasyong mula 10 hanggang 200 piso. Maaari itong ipalit sa Mehikanong sensilyong ginto at pilak. Ang unang opisina ng bangko ay nása Casa de la Aduana Real na tinawag ding Intendencia sa loob ng Intramuros. Ito ay pinamahalaan ng dalawang halal na tagapamahalang direktor na nagpapalitan kada taón. Ito ang unang bangkong nagpautang sa pamahalaan para sa pagpapatayô ng isang pampublikong pamilihan. Pinaikli ang pangalan ng bangko noong 3 Setyembre 1869 at tinawag itong El Banco Español de Filipinas pagkaraang mapatalsik sa kaniyang trono si Reyna Isabel II noong 1868. Subalit noong 1 Enero 1912, pinalitan ito ng pangalan upang mawala ang anumang koneksiyon ng bangko sa Espanya. Tinawag na itong Banco de las Islas Filipinas o Bank of the Philippine Islands. Ang unang sangay nitó ay binuksan sa Lungsod Iloilo. Sa kasalukuyan, ito ang bangkong may pinakamaraming parangal na natanggap. Noong 2005, 2006, at 2008, ginawaran ito ng The Banker bilang pinakamahusay na bangko sa Filipinas. (AMP) (ed VSA)

Mula sa Philippine Picture Post Cards 1900-1920 (1994)

bánda
Ang salitâng bánda ay maaaring tumukoy sa iba’t ibang grupong pangmusika na tumutugtog ng instrumento mula sa panahon ng Espanyol hanggang sa kasalukuyan. Sinauna man o bago, ang banda ay bunga ng impluwensiyang kanluranin sa mga Filipino. Ang mga unang grupo ng banda ng musiko ay binuo ayon sa estruktura ng bandang panghukbo ng Espanya. Naging mahalagang bahagi ito ng mga gawain ng pamahalaang militar para sa mga opisyal na pagtitipon, at ng maimpluwensiyang simbahan para sa mga prusisyon. Paglipas ng panahon ng Espanyol ay itinatag ng mga Amerikano ang Philippine Constabulary Band noong 15 Oktubre 1902 sa pangunguna ni Koronel Walter H. Loving. Ang mga miyembro ng PC Band ay nagmula sa mga nagkawatak-watak na grupo noong panahon ng labanang Filipino-Espanyol at FilipinoAmerikano. Sa St. Louis Exposition noong 1904, nakamit ng grupo ang ikalawang puwesto sa paligsahan sa pagtugtog. Nakipagtagisan sila sa pinakamagagaling na banda mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang grupo rin ang tumugtog sa paglulunsad sa pagiging Pangulo ni William Howard Taft sa Estados Unidos. Ang isa pang tanyag na banda sa bansa noong panahon ng Espanyol ay ang Banda Arevalo na kilala bilang Pasig Band, at nang lumaon ay pinangalanang Pambansang Banda dahil sa paglilingkod nitó sa gobyernong rebolusyonaryo ng Malolos mula 1898 hanggang 1899. Ang unang lokal na banda naman ay ang Banda Zabat na itinayo ni Padre Eliodoro Chico noong 22 Nobyembre 1820 sa Gapan, Nueva Ecija. Sa kasalukuyan, ang mga bándang ganito ay karaniwang maririnig na lámang sa mga serenata at mga tagisan ng galíng tuwing bisperas ng pista sa iba’t ibang bayan sa paligid ng siyudad. Ang bagong henerasyon ng banda naman ay pinanday ng popular na media. Nagsimula noong dekada 1970, ang musikang popular ng Filipinas ay pinasigla ng mga bagong sulpot na banda. Naging mga popular na banda ang Parokya ni Edgar, Pupil, Rivermaya, Spongecola, Syato, The Dawn, Truefaith, Unbandub, UpDharmaDown, at Yano. (RCN) (ed GSZ)

bangâ at tapáyan
Ang bangâ ay sisidlan na yari sa luad at karaniwang ginagamit bilang sisidlan ng tubig. Karaniwang katulad ito ng tapáyan, bagaman higit na malaking sisidlan ang ikalawa. Ang banga at ang tapayan ay ginagamit ding sisidlan ng iba pang bagay, gaya ng alak o alamang. Gamitín ang banga at tapayan hanggang sa kasalukuyan sa halos lahat ng bahagi ng bansa. Halimbawa, sa bahaging hilaga ng Luzon, iba’t iba ang hugis at gamit ng mga banga. Ang bornáy sa Ilocos ay may katawang malaki at matambok at bungangang makipot. Ang boyog naman na ginagamit sa Pangasinan, La Union, at Ilocos ay halos silindriko ang hugis, palapád ang ibabang bahagi mula sa bunganga. Gorgorita naman ang tawag sa bangang maliit na may mabilog na katawan at mahabàng leeg. Mas malaking bersiyon nitó ang pasig-pasig na ang karaniwang inilalagay naman ay bagoong o alamang. Ang banga ay tinatawag na buyóg sa Pangasinan, duláy sa Bikol, at tibód sa Hiligaynon at Waray. Hindi lahat ng sisidlan ng tubig sa bansa ay yari sa luad. Halimbawa, ang soboy ng mga T’boli (Rehiyon 12) ay yari sa pinatigas na balat ng upo. Ang kararao na karaniwang ginagamit ng mga Maranaw sa paghuhugas ng kamay bago at matapos kumain ay yari sa tanso. Marami mang gamit ngayon ang banga at tapayan. Noong araw, ang isang mahalagang silbi ng tapayan ay bilang pangalawang sisidlan ng mga butó ng katawan ng mga yumaong sinaunang Filipino. Natagpuan sa Palawan ang tinatawag natin ngayong Tapáyang Manunggul. Natagpuan naman sa Saranggani ang mga sinaunang Tapáyang Maitum. (GAC) (ed GSZ)

bangkâ
Maliit na sasakyang pantubig ang bangkâ. Karaniwan itong gawa sa kahoy at ginagamitan ng sagwan. Kung minsan, may nakakabit na kawayan sa magkabilâng gilid ng bangka upang balanse ang takbo nitó sa tubig. Tinatawag ang kawayang ito na kátig. Lundáy ang pinakamaliit na bangka, parang inukang kahoy, at isa lámang ang sakay. Maaari ding kabitan ang bangka ng láyag, isang malapad na telang nagpapausad sa bangka sa pamamagitan ng hangin. Biráy ang tawag sa maliit na bangkang may layag na ginagamit sa pangangalakal. Paráw ang higit na malaki at nagkakarga ng pasahero. Sa Butuan nahukay ang pinakalumang malalaking bangka o balangáy sa buong Asia. Ginawa ito noong taóng 320 A.D. at ginamit bilang bangkang pangkalakal sa mga sinaunang kaharian ng India, Malaysia, at Tsina. Isa ring tanyag na sinaunang bangka ang karakoa, ang malaking sasakyangdagat na ginamit ng mga Filipino sa digmaan. Ayon kay Padre Combes, isang Espanyol na fraile at historyador, mas mabilis ang takbo ng karakoa kompara sa malalaking barkong gamit ng mga Espanyol na tinatawag na galeón. Sinasalamin ng itsura ng bangka at ng paggawa nitó ang paniniwala ng mga katutubong Filipino. May mga pamahiin tungkol sa dami ng kahoy na gamit o sa paraan ng pagkakabit nitó sa bangka. Marami ding mga ritwal ang tungkol sa bangka o pagsakay nitó. Halimbawa ang pagtatanong ng mga sinaunang Filipino sa kanilang mga anito kung ligtas ang pagpalaot o ang pagbalik sa dalampasigan. Pinaniniwalaan niláng nása kibáng o pagugoy ng bangka sa tubig ang sagot ng mga anito. Isa ring mahalagang ritwal ang pagtatapon mula sa balangay o bangka ng isang baul na punô ng damit ng yumao. Ginagawa ito kapag ang anak o kamag-anak ng yumao ay nagkasakit. Bangka ang pangkalahatang tawag sa mga sasakyang pantubig. Sa Badjaw, bangka ang tawag sa mga sasakyang pantubig na hindi nila ginagamit na tirahan o lepa. Tinatawag din ang bangka na awáng sa Magindanaw, barángay sa Iloko, at baróto sa Bikol, Maranaw, Sebwano, at Tagalog. Bantog ang makulay na layag ang vínta sa Zamboanga. May tsínarém at mas malaking paluwá ang mga Ivatan. (DRN) (ed VSA)

Bangkáw
(sirka 1622) Si Bangkáw ay datu ng Limasawa at mga karatig na lugar sa Leyte na namunò ng isang pag-aalsang pampananampalataya laban sa mga Espanyol. Bilang pinunò ng isla ng Limasawa, malugod niyang tinanggap ang pagdating noong 1565 ng kongkistador na si Miguel Lopez de Legaspi. Isa siyá sa mga unang katutubong Filipino na nagpabinyag sa Kristiyanismo. Bilang pagkilála sa kabutihang ipinakita ni Bangkaw, nakatanggap ang datu ng isang liham ng pasasalamat mula sa Hari ng Espanya, si Felipe II. Noong 1622, pagkatapos ng lagpas kalahating siglo ng pagiging Kristiyano, itinakwil ni Bangkaw ang relihiyon at pinamunuan ang isang pagaaklas sa edad na humigit-kumulang 75 taón. Dahil ipinagbawal ng mga misyonerong Espanyol ang katutubong pananampalataya, halos lahat, maging batà, babae at matanda, ay lumahok sa pag-aalsang ito. Tinawag ng mga misyonero na demonyo ang mga diwata at bathala, at sinunog ang mga katutubong imahen. Winasak naman ni Bangkaw, ng kaniyang mga anak, at ni Pagali (isang babaylan na sinangguni ni Bangkaw tungkol sa pagbabangon) ang mga simbahang Katoliko at nagtayô ng sariling dambana para sa mga diwata. Nasupil lamang ang pagbabangon nang magpadalá ng isang hukbo mula Cebu ang mga Espanyol. Pinugutan ng ulo si Bangkaw at isang anak na lalaki, hábang binitay din si Pagali. (PKJ) (ed VSA)

Guhit nina Erika Sevilla at Jean Estella

bangkô
Tumutukoy ang bangkô sa mahabàng upuan para sa tatlo o higit pang tao at walang sandalan. Ang karaniwang balangkas nitó ay isang palapád at mahabàng piraso ng kahoy (ang pinakaupuan) at apat na maikli’t pabilóg na kahoy na nagsisilbing mga paa at ikinakabit nang magkapares sa magkabilâng dulo ng mahabàng kahoy. Sari-sari ang uri nitó, mula sa mga karaniwang gawa sa kahoy at hanggang sa may lilok pa’t pampagandang disenyo. Funsiyonal ang bangkô sa pang-araw-araw na búhay, lalo na sa sáma-sámang pamamahinga mula sa trabaho at pagkukuwentuhan kapag nagkakatipon. Marahil, ang unang bangkô ay isang kaputol na troso o isang nabuwal na punongkahoy. Kinailangang kinisin ang upuan upang higit na maginhawa kapag inupuan at kailangang lagyan ng mga paa upang umangkop sa pisikal na pangangailangan ng umuupô. May bangkô ang mga Ifugaw na ginagamit sa ritwal at bangkô na para lámang sa iginagálang na tao sa komunidad. Kilalá na ngayon sa ibang bansa at tinatangkilik ng mga kakaibang bangkông disenyo ni Kenneth Cobunpue ng Cebu. Samantala, bahagi na ang bangkô ng pananalinghagang Filipino. Pinaaalalahanan ang mayabang na “huwag magbuhát ng sariling bangkô.” Kinaaawaan naman ang “nababangkô”—ang atleta sa basketbol na hindi ipinapasok sa laban o ang dalagang hindi naaanyayahang sumayaw sa isang pagdiriwang. (LJS) (ed VSA)

bangús
Ang bangús o Chanos chanos ay isda na nag-iisang miyembro ng pamilyang Chanidae. Tinatawag itong sábaló kapag husto na sa gulang para makapagparami na karaniwan ay nása edad na limang taón at may habàng 50-150 sentimetro. Dinalá ang bangus sa Filipinas mula sa Indonesia o Tsina mahigit-kumulang sa 300 taón na ang nakalilipas. Matatagpuan ito sa mga baybaying-dagat na mainit (higit sa 20 sentigrado) ang tubig, malinaw at mababaw. Inaalagaan din ang bangus sa mga palaisdaan at iba pang uri ng kural pang-isda. Bihirang mahúli ang sabalo sa malalim na tubig dahil sa bilis at lakas nitóng lumangoy. Nahuhúli lang ito kapag dumadayo sa mga baybayin sa panahon ng pangingitlog. Kilaláng lugar ang isla ng Panay na dinadayo ng sabalo para mangitlog. Karaniwang matatagpuan ang mga itlog sa parteng malapit sa baybayin na may lalim na 10-20 metro. Pahabâ ang katawan ng bangus, bahagyang impis, at walang kaliskis sa tiyan bagaman natatakpan ng mga bilugan, maliliit, at makinis na kaliskis ang mga palikpik. Parang kumikinang na pilak ang katawan nitó lalo na kung bagong hango mula sa tubig. May hilatsa ng balát na tumatakip sa mga matá. Maliit ang bibig at walang ngipin ang bangus. Nakakáya ng bangus ang masasamâng kondisyon ng temperatura, alat, oxygen, ammonia, nitrite, pagsisikip, at gútom. Kayâ naman popular na inaalagaan at pinalalago ang bangus sa iba’t ibang uri ng palaisdaan. Sa Filipinas, ang bangus ang pangunahing isda na inaalagaan at napakahalaga sa ekonomiya ng bansa. (MA) (ed VSA)

baníg at bayóng
Ang baníg ang pinakasikát na produkto mula sa masinsing paglála ng hinimay na dahon ng bulé (o bulí) o pandán (pandanus). Parihabâ, maaaring pang-isahang tao, pandalawahan, o pampamilya ang súkat, at ginagamit na higaan. Ginagamit din itong sapin sa sahig upang maupuan. Mainam na higaan ang baníg dahil nakapagpapanatili ng lamig kahit mainit ang panahon. Dahil sa makukulay na disenyo ng baníg ng Samal at Badjaw, sinasabing ginagawa sa Filipinas ang pinakamagagandang baníg. Napabantog ang Laminusa, lalo na nang parangalan ang isang manlalála ng baníg dito bilang Manlilikha ng Bayan. Pinakagamitin naman ang baníg mulang Basey, Samar na ginagamitan ng himaymay ng tíkog. Sa Lanao at Cotabato, halamang sésed ang nilalála. Nilalála din nang masinsin ang bule at pandan bilang sisidlan. Pangunahin dito ang bayóng, isang malalim na sisidlan na may tambal na hawakan sa bibig. Wala itong takip. Nilalagyan ito ng gulay, prutas, at ibang binili sa pamamalengke. Lalagyan ito ng bigas ng mga Tagbanwa. Naglalála din ngayon ng ibang kasangkapan at dekorasyon. May laruang hugis isda o ibon, nakakatulad ng origami sa papel ng mga Hapones, na gawa sa bule o pandan. Nilála ding himaymay ang popular na “sombrerong Baliuag” at ang karaniwang balanggót ng mga magsasaka. (YA)(ed VSA)

bánoy
Ang bánoy (pithecophaga jefferyi) ay isa sa mga lokal na pangalan ng pambansang ibon ng Filipinas na may pangalan sa Ingles na Philippine Eagle at Monkey-eating Eagle. Kabílang ito sa pamilyang Accipitridae na dito lámang matatagpuan sa kagubatan ng Filipinas. Kulay kayumanggi ang plumahe o balahibo nitó, karaniwang may sukat na 86-102 sentimetro (2.82-3.3 piye) ang habà, at tumitimbang ng 4.7-8 kilo (10-18 libra). Tinatawag din itong agilá (mula sa Espanyol), manaul sa matandang Bisaya, mamboogook at malamboogook sa Mandaya at Manobo, tipule sa Subanon, at bánog dahil napagkakamalang lawin. Ang bánoy ay itinuturing na nanganganib nang hayop dahil sa pagkawala ng tirahan bunga ng pagkasira ng kagubatan. Matatagpuan ang ibong ito sa apat na malalaking isla na kinabibilangan ng silangang Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao. Pinakamarami ngayon ang naninirahan sa Mindanao, mga 82 at 233 parehang naglalahian. Matatagpuan ang mga ito sa Northern Sierra Madre National Park sa Luzon, at sa Mount Apo at Mount Kitanglad National Park sa Mindanao. Noong una, tinawag na Philippine Monkey-Eating Eagle ang banoy dahil pinaniniwalaang tanging unggoy lámang ang pagkain, subalit napatunayang hindi ito lubos na tama. Ang pangunahing pagkain nitó ay nag-iiba depende sa matatagpuan sa kinaroroonan. Ang buong siklo ng pagpapalahi ay tumatagal ng dalawang taón. Ang kakayahang seksuwal sa reproduksiyon ay naaabot ng babaeng banoy sa gulang na limang taón, samantalang ang lalaki ay pitong taón. Katulad ng ibang agila, ang banoy ay monogamous. Kapag ang dalawang banoy ay nagkapareha na, mananatiling magkapareha ang mga ito hábang-buhay. Naghahanap lámang ng ibang kapareha ang isa kapag namatay ang kapareha. Matagumpay nang nakapagpalahi ng bánoy hábang nakakulong at makikita ang mga ito sa parke ng Malagos sa Davao. (SSC) (ed VSA)

Julian Arca Banzon
(25 Marso 1908-14 Setyembre 1988) Pambansang Alagad ng Agham, si Julian Arca Banzon (Hul·yán ár·ka Bán·zon) ang kauna-unahang siyentistang nagsagawa ng pananaliksik at pagsubok upang pagkunan ng alternatibong panggatong ang bunga ng niyog. Matagumpay siyáng nakalikha ng ethyl esther mula sa katas ng tubó at niyog. Ang kaniyang pananaliksik at mga natuklasang proseso ay nagpaunlad sa pag-aaral ng kemistri at siyensiya sa pagkain sa Filipinas. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham (National Scientist) noong 1986 bilang pagkilála sa kaniyang ambag sa pagpapaunlad ng agham at teknolohiya ng bansa. Noong 1937, sinulat niya ang Studies on Coconut Oil: Pyrolysis at Studies on Coconut Oil: Conversion into Solids. Sa pakikipagtulungan kay Dr. Jose Velasco, sinulat niya noong 1982 ang librong The Coconut: Production and Utilization. Ang mga akdang nabanggit ang pinakaunang pag-aaral sa paggamit ng niyog upang pagkunan ng murang pagkain, kemikal, at langis. Ginamit niya ang mga prinsipyo ng kemistri upang mapaunlad at mapabilis ang proseso ng paglikha ng langis. Bukod sa pagiging imbentor at mananaliksik, si Banzon ay isa ring mahusay na administrador at dalubguro. Siyá ang unang direktor at punòng siyentista ng Philippine Atomic Energy Center. Itinatag rin niya ang Division of Food Science and Technology sa Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños noong 1970. Kinilála siyá ng Professional Regulation Commission bilang Chemist of the Year noong 1978. Iginawad rin sa kaniya ang prestihiyosong Distinguished Service Award ng Intergrated Chemists of the Philippines noong 1980. Isinilang si Banzon sa Balanga, Bataan noong 25 Marso 1908. Siyá ang panganay na anak nina Manuel S. Banzon at Arcadia Arca. Nagtapos siyá ng kursong kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1930. Isa siyá sa mga pensiyonado ng U.P. na nagtungo sa Estados Unidos upang ipagpatuloy ang mas mataas na pag-aaral. Natapos niya ang kaniyang doktorado sa biyopisikang kemistri sa Iowa State University noong 1940. Bumalik siyá sa bansa matapos ang pag-aaral upang ipagpatuloy ang pagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas hanggang magretiro. Namatay siyá noong 14 Setyembre 1988. (SMP) (ed VSA)

barò at sáya
Bago pa dumating ang mga dayuhang Espanyol, ang barò at sáya na ang maituturing na pambayang kasuotan ng mga Filipina. Ang salitâng baro na henerikong tawag sa pang-itaas na kasuotan ng mga katutubo ay laganap sa buong kapuluan bago pa man dumating ang mananakop. Bado ito sa mga Ilokano samantalang bayo naman sa Kabisayaan. Ang saya naman ay ang maluwang na pang-ibabang kasuotan. Ang baro at saya ay may apat na bahagi: ang kamísa o maikling blusang may manggas na halos kawangis ng isang bestido; ang alampáy o balabal na ipinapatong sa kamisa; ang saya o paldang mahabà na kalimita’y hanggang sakong; at ang tápis o kapirasong telang ipinapatong sa saya. Nang lumaon, isinantabi na ang alampay dahil nakagagambala ito sa paggalaw. Nawala rin ang tapis at naging mas payak ang saya. Natira na lang ang dalawang pirasong kasuotan na di nagtagal ay pinag-isa. Para sa mas pormal na okasyon, nabuo ang iisang pirasong kasuotan na may pinatayong manggas na kahalintulad ng mga pakpak ng paruparo. Ito ang tinatawag na térno. Dahil sa Amerikanisasyon, nawala sa uso ang mga terno. Ngunit muling pinasikat ito ng dating Unang Ginang Imelda Marcos na nakilala sa pagsusuot na magagarang terno na ipinasasadya pa niya sa mga batikang tagadisenyo ng damit. (JCN) (ed GSZ)
La Banca (1876) ni Felix Resurreccion Hidalgo

bárong tagálog
Simula noong panahong Komonwelt, itinuturing na pormal at pambansang kasuotan ng kalalakihan ang bárong tagálog. Ngunit kasuotan na ito ng mga Filipino noon pang panahon ng mga Espanyol at mauugat sa panahong iyon ang ilang katangian nitó. Ang bárong tagálog ay pang-itaas na damit panlalaki, may mahabàng manggas, may bukás hanggang dibdib, walang bulsa, karaniwang manipis ang tela at walang kulay, at isinusuot nang hindi nakaparagan. Pangkaraniwang kasuotan ito noon ng mga Indio. Manipis ang tela, dahil mas presko ito kung mainit ang panahon. Ngunit sinasabi ring ganito ang nais ng mga kolonyalista upang hindi makapagkubli ng patalim o sandata ang Indio sa ilalim ng damit. Hindi nakaparagan ang pagsusuot dahil praktikal ito para sa maginhawang pagtatrabaho. Ngunit sinasabi ring ganito ang nais ng mga kolonyalista upang magmukhang imperyor ang Indio at madalîng maibukod sa mga Espanyol na nakaparagan ang kamisadentro. Wala ring bulsa ang bárong tagálog upang hindi makapangumit sa bahay o tindahan. Si Pangulong Manuel L. Quezon ang nagdeklarang “pambansang kasuotan” ang bárong tagálog. Sinimulan din itong gamitan ng mámaháling telang husi at pinya at bordado upang maging elegante. Noong 1975, nagproklama pa ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng isang “Linggo ng Barong Tagalog” tuwing Hunyo 5-11, bago ang Araw ng Kasarinlan, at lalong naging simbolo ang bárong tagálog ng paglaban sa kolonyalismo. Ginagamit ngayon ito sa mga opisyal na pagdiriwang at importanteng okasyon. Pormal ang tao kapag sinabing “nakabaróng.” Nauso naman noong dekada 60 ang “pólo baróng” na maikli ang manggas at karaniwang mumurahin ang tela para sa pang-araw-araw na pagpasok sa opisina. (LJS)(ed VSA)

básket
Básket, mula sa wikang Ingles, ang karaniwang itinatawag sa sisidlang maluwang ang pagkalála, yari sa matigas na materyales, at ginagamit sa pamamalengke. Básketrí (mula sa Ingles na basketry) ang pangkalahatang tawag ngayon sa gayong uri ng likhang-kamay. Gayunman, hindi ito laging sisidlan at hindi laging yari sa mga nilapát na kawayan, mga hinimay na bule at pandan, at mga biniyak na yantok at baging. Sisidlan ang bayóng ngunit yari sa malambot na bule o pandan at masinsin ang pagkalála. Matigas ang materyales ng salakót, masinsin ang pagkalála, ngunit putong sa ulo at hindi sisidlan. Sa sining ng katutubong likhang-kamay, tinutukoy ng basketri ang sining ng paglála, na iba sa kahawig na sining ng paghábi. Magkaiba ang dalawa sa uri ng materyales na ginagamit sa paglikha. Matigas na yantok o kawayan o magaspang na baging o malapad na dahon ng bule ang materyales sa paglála samantalang pinong-pinong himaymay o sinulid ang materyales sa paghábi. Magkaiba din ang dalawa sa produkto. Tela na karaniwang kasuotan ang produkto ng paghábi; sarisaring sisidlan at kasangkapan ang ginagawa sa paglála. Isang sinaunang sining at industriya ang paglála ng mga sisidlan at may iba’t ibang pangalan ang uri, alinsunod sa laki, materyales, gamit, at pinagmulang pangkatin. Sa Tagalog, may maliit na sisidlan na maaaring sunungin at tinatawag na bákul. May malaki’t hindi mayayakap ng dalawang tao at tinatawag na mátong. Ang batuláng ay malalaki ang bútas, magaspang ang materyales, isinasakay sa paragos o kareta, at ginagamit na panghakot ng mga binigkis na punla ng palay. Biláo ang pantahip ng palay at bigas. Ang bistáy ay kahugis ng bilao, ngunit maluwang ang lála. Nilalála din sa kawayan ang mga sisidlang buslô at ang mga panghúli ng isdang gaya ng salakáb at búbo. Kauri ng bákul ang labba ng mga Ilokano bagaman higit na pino ang materyales at ang pagkalála. Mula sa Cordillera ang naging popular na pasikíng kapalit ng backpack at ang kayábang na nakasaklay sa likod at sinasaló ng isang tali na nakatapal sa noo ng bumubuhat. May mga produkto ng paglála na kinulayan ang materyales o nagtataglay ng mga disenyong bulaklak, dahon, butiki, at iba pang nagpapakilála sa pangkating pinagmulan. May mga laki at hugis na angkop para maging sisidlan ng regalo o pandekorasyon sa tahanan. (DRN) (ed VSA)

Batas Claveria
Sa bisa ng Batas Claveria (Ba·tás Kla·vér·ya) na ipinanukala noong 21 Nobyembre 1849, lahat ng Filipino ay kailangang mamili ng apelyido mula sa listahang nasa librong Catalogo Alfabeticos de Apellido. Ipinangalan ang nasabing batas sa tagapagsulong nito na si Gobernador-Heneral Narciso Claveria, tubong-Geronia, Espanya na nagsilbing gobernador-heneral ng Filipinas mula 1844 hanggang 1849. Hangarin ng Batas Claveria na mapadali ang pagpapalaganap ng hustisya, pagsesenso, pagkolekta ng mga buwis, at pagpapabuti ng pamamahala ng kolonya. Ang nasabing batas ang dahilan kung bakit maraming Filipino sa kasalukuyan ay may mga apelyidong Hispaniko o mga pangalang hinango sa mga halaman, hayop, at pook heograpiko. Bukod dito, karamihan sa mga puweblo o bayan ay hindi nakatanggap ng buong kopya ng Catalogo kundi tig-ilang pahina lamang nito kung kaya’t limitado ang mga apelyidong mapagpipilian. Bunga nito, maaaring malaman kung saang bahagi ng bansa nagmula ang isang Filipino batay sa kaniyang huling pangalan. Halimbawa, sa probinsiya ng Albay, karamihan sa mga tagalungsod ng Tabaco ay may mga apelyidong nag-uumpisa sa letrang “B” habang malimit na ang mga huling pangalan ng mga taga-Polangui ay nag-uumpisa sa letrang “S.” Ang ibang pamilyang Filipino ay patuloy na gumamit sa kanilang mga katutubong apelyido tulad ng Gatmaitan, Dimagiba, Dimaano, at Batungbakal. Gayunman, ang nasabing patakaran ay nagbunga ng isa sa pinakamalinaw na tatak ng kolonisasyon ng Espanya sa Filipinas. (MBL) (ed GSZ)

Batásang Pambansâ
Batásang Pambansâ ang itinawag sa sangay ng gobyerno na gumagawa ng batas ng Filipinas noong panahon ng Batas Militar sa ilalim ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Isa itong kapulungang may isahang kamara (unicameral) na binubuo ng mga halal na kinatawan mula sa mga probinsiya, distrito, lungsod, at mga sektoral na kinatawan ng kabataan, manggagawa, at magsasaka. Ang pangkalahatang kapulungan ng Batasang Pambansa ay may katungkulang maghalal ng Ispiker, Pangulo, at Punòng Ministro, magbalangkas ng mga batas, magpatibay ng mga internasyonal na kasunduan, magsagawa ng imbestigasyong makatutulong sa paglikha ng batas, magbalangkas ng badyet ng gobyerno, at magdeklara ng giyera. Ang Batasang Pambansa ay binuo ayon sa Konstitusyong 1973 na pinagtibay noong 17 Enero 1973 sa bisà ng Presidential Proclamation No. 1102 ni Pangulong Marcos. Pinalitan ng konstitusyong ito ang uri ng gobyernong umiiral sa Filipinas mula sa presidensiyal na sistema tungo sa isang binagong parlamentaryong sistema. Noong 16 Oktubre 1976, naglunsad si Pangulong Marcos ng isang reperendum-plebisito upang susugan ang Konstitusyong 1973 at itakda ang pagbubuo ng isang Interim Batasang Pambansa (IBP). Matapos nitó, pinulong ng pangulo ang isang Batasan noong Agosto 1977 na tumalakay sa pagbubuwag ng presidensiyal na sistemang panggobyerno at pagtatakda ng pormal na halalan upang maitatag ang IBP. Naging masalimuot ang isinagawang halalan para sa Interim Batasang Pambansa noong 16 Abril 1978. Binoykot ng ilang prominenteng personalidad sa oposisyon ang halalan subalit lumahok dito si Senador Benigno Aquino Jr. kasáma ng ilang nakapiit na oposisyonista sa ilalim ng koalisyong Lakas ng Bayan (LABAN). Sa kabilâng panig, inorganisa ni Pangulong Marcos ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ng mga Nacionalista, Liberal, at iba pang partido. Noong Abril 6, sumiklab ang espontaneong kilos protesta ng mamamayan sa pamamagitan ng malawakang pag-iingay sa mga lansangan ng Maynila. Pagkatapos ng 17 Enero 1981 at umiral hanggang Pebrero 1986. Binuwag ni Pangulong halalan, mayorya ng posisyon sa IBP ang nakuha ng KBL samantalang 13 Corazon Aquino ang Batasang Pambansa noong 25 Marso 1986 sa bisà ng Proklamasyon Blg. 3. Gayunman, nanatili ang pangalang “Batasang puwesto lámang ang napagwagian ng oposisyon. Pambansa” para sa gusali at pook sa Lungsod Quezon na ginamit ng IBP Pinasinayaan ang unang pulong ng Interim Batasang Pambansa noong 12 at ginagamit ngayon ng Mababàng Kapulungan ng Kongreso ng Filipinas. Hunyo 1978. Naging ganap na isahang kamara ang kapulungang ito noong (SMP) (ed VSA)

Bathalà
Sa mga sinaunang Tagalog, si Bathalà ang kinikilalang diyos na lumikha sa sansinukob at kumukupkop sa mga tao. Siyá ang pinakamataas sa mga diyos at diyosa na katulong niya sa papapanatili ng katiwasayan ng mundo. Sinasabing nakatira siyá sa kalangitan. Bilang dakilang lumikha at itinuturing na pinakamakapangyarihan ng mga sinaunang Tagalog, tinawag rin siyáng Maykapal. Ayon sa mga kuwento, si Bathala ay nakapangasawa ng isang mortal na nilaláng ngunit namatay ito sa panganganak. Nagkaroon sila ng tatlong anak na magagandang babae. Sila sina Mayari, ang diyosa ng buwan; Hanan, diyosa ng umaga; at Tala, diyosa ng mga bituin. Maunawain at maawain si Bathala ngunit hindi nag-aatubiling magparusa sa sinumang lumalabag sa kagandahang-asal. Gayunma’y madali rin siyáng magpatawad kung ang nagkasala’y taimtim na nagsisisi. Labis din siyáng magpakita ng kaniyang pagmamahal sa mga masunurin at mapagpakumbaba. Sinasabing ang ganitong paniniwala sa kaniyang katangian ang pinagmulan ng ugaling Filipino na malimit na pagsambit ng ekspresyong “bahala na.” Ang bukambibig na ito ay maaaring pinaikling “Bathala na” o ipinauubaya na ang lahat kay Bathala. Ang bathala, na nása maliit na titik, ay ginagamit din ngayon katumbas ng diyos at diyosa sa mitolohiyang Europeo. May paniwala na may mga bathala na nangangasiwa sa mga bahagi ng kalikasan at pumapatnubay sa bawat gawain ng tao. Halimbawa, si Ikapati ay bathala ng agrikultura. Si Balangaw ay bathala ng bahaghari. (JCN) (ed GSZ)

Retrato ni Christian Fernandez (2009)

batyâ
Isang napakahusay na pintor ng katutubong kulay ang Pambansang Alagad ng Sining Fernando Amorsolo. Nabihag niya sa pintura ang mga karaniwan at naglahò nang tanawin noon sa nayon. Isa sa mga ito ang larawan ng dalaga o mga dalagang labandera, nakatapis hanggang dibdib o nakabarò’t sáya, at maligayang nagkukuskos ng damit sa tabi ng umaaliw-iw na batis sa lilim ng lumalawiswis na kawayan. Wala pa noong washing machine at laundromat. Ngunit ano ang gamit ng dalaga sa paglalaba? Banyéra? Palanggána? Hindi babagay ang banyera o palanggana sa lumipas na panahon ni Amorsolo. Sa halip, dapat asahan ang batyâ bilang kasangkapan sa paglalaba. Katulad din ito ng banyagang banyera o palanggana, may hugis itong nakalukong upang masidlan ng tubig, ngunit yari sa inukit na kahoy. Mahirap na ngayong makakita ng batyâ katulad ng pangyayaring mahirap ding makakita ng malaking punongkahoy na maaaring ukitan ng batyâ. Isang matimyas na parangal at paggunita sa batya ang bugtong na ito ng mga Batanggenyo: Kakabiyak na dayap Sa gubat pa hinanap. Wala rin noong sabon. Kayâ sa paglalaba noon, karaniwang ibinababad ang damit sa batyâ, pagkatapos ay kinukusot. Kung matigas ang tela ay ikinukuskos sa malapad at makinis na bato, at hinahampas ng kahoy na palupalò. Anupa’t ang “batyâ’t palupalò,” wika nga sa isang kanta, ang magkaternong kasangkapan ng labandera noon. (DRN) (ed VSA)

baúl
Ipinasok ng mga Espanyol ang salitâ at konsepto ng baúl. Isang malaki itong sisidlan, parihaba, tila napakalaking kahon, yari sa matibay na kahoy (karaniwang nága o mulawin) at kayâ mabigat, at may susian o kandado. Kailangan ang dalawang hulíng nabanggit na katangian dahil ginagamit ang baúl sa mahabà at mahirap na paglalakbay noon. Kailangang napakatibay ang kahoy upang makatagal ito sa matagtag na pagtawid-dagat, lalo na’t isinasáma noon ang mga baúl sa karaniwang mga kargamentong lulan ng barko’t galeon. Kailangan ding de-susi ito para sa seguridad, lalo’t mga importanteng gamit ng may-ari ang nilalamán nitó. Napakabigat ng baúl kayâ kailangang magkatulong na bitbitin ito ng dalawang tao. Ang bitbitan ng baúl ang tila mga “tainga” sa magkabilâng gilid nitó at siyáng pinapaksa ng ganitong bugtong ng mga Ibanag: Anni nga talinga Ari makaguinna? Alin daw tainga ang hindi makarinig? Naging mahalagang gamit noon kahit sa karaniwang tahanang Filipino ang baúl. Parang status symbol kung may nakatanghal na baúl sa isang sulok ng tahanan, lalo na’t ang bahay ay walang partisyon, sapagkat nangangahulugang may nakatago doong hiyas, salapi, o kung anong importanteng ari-arian. (Lalo na noong wala pang bángko sa kanayunan.) Ito ang paboritong taguan ng damit at ibang mahalagang gamit ng mga lola. Kung minsan, nagsisilbing patungan ng mga unan at nakatiklop na mga kumot at kulambo. Binibili ito ngayon ng mariwasa sa tindahan ng antik (antique) para gawing dekorasyon sa sálas—pinapatungan ng flower vase, o diyaryo’t coffeetable book. (YA) (ed VSA)

bayábas
Ang bayábas ay kabílang sa pamilya Myrtaceae at may botanikong pangalan na Psidium guajava. Isang uri ito ng punongkahoy na ang prutas ay nakakain. Makikita ito sa buong Filipinas ngunit ang lugar na pinakasagana nitó ay sa Bundok Banahaw sa Mindanao. Ang punò ng bayabas ay kadalasang tumataas ng 3 hanggang 10 metro depende sa uri nitó. May isang magandang bugtong na ginamit ang bayabas bílang hambingan: Isang bayabas Pitó ang butas. Hipuin ang sariling mukha at ulo para malaman ang sagot. Ang bayabas ay malawak na ginagamit sa Filipinas bílang alternatibong gamot sa maraming karamdaman. Ang pinaglagaan ng mga dahon nitó ay ginagamit bílang panlinis o panlanggas ng mga sugat. Maaari ding inumin ito upang ipanlunas sa pagtatae, sakít ng ngipin, at pamamaga ng gilagid. Ang prutas na bayabas, bukod sa masarap ay may purong katas ng bitamina C. Ipinapayo lámang na limitahan ang pagkain nitó upang hindi maging sanhi ng konstipasyon. (SAO) (ed GSZ)

báyan
Ginagamit sa iba’t ibang kahulugan noon pa ang salitâng báyan. Maaari itong tumukoy sa buong bansa, o sa isang malaking pangkat ng tao, o sa isang dibisyon sa loob ng isang lalawigan. Ang hulíng nabanggit ang higit na tinutukoy ng báyan sa kasalukuyang pamahalaang lokal ng Filipinas. Opisyal itong tinatawag na munisipalidád (municipality). Ang báyan o munisipalidád ay dibisyong pampolitika sa isang lalawigan. Binubuo ito ng isang pinangkat na mga barangay. Nilikha ito upang mas mahusay na mapamahalaan ng gobyerno ang mga pamayanan at magsisilbing pangunahing daluyan ng paghahatid ng batayang serbisyo sa mga mamamayan. Tanging ang Kongreso ng Filipinas ang may kapangyarihang lumikha at magbuwag ng isang báyan at pinagtitibay ng mga apektadong mamamayan sa pamamagitan ng isang lokal na plebisito. Maaaring likhain ang isang báyan kung ito ay mayroong taunang kita na hindi bababâ sa P2,500,000.00, may populasyong umaabot 50,000, at may kabuuang saklaw na teritoryong hindi bababâ sa 50 kilometro-kuwadrado. Pinamumunuan ang isang báyan ng alkalde o punòngbayan at bise alkalde o pangalawang punòngbayan. Ang mga opisyal na ito ay direktang inihahalal ng mga mamamayan. Naghahalal din ang mamamayan ng mga konsehal o kagawad ng bayan upang mabuo ang Sangguniang Bayan. Ito ang nagsisilbing lokal na lehislatura sa isang munisipalidad. May kapangyarihan itong magbalangkas ng mga ordenansa, magpataw ng buwis, pamahalaan ang negosyo at daloy ng kalakal sa nasasakupang báyan, at iba pang tungkuling nasasaad sa Local Government Code of the Philippines. May iba’t ibang uri ng munisipalidad sa Filipinas ayon sa taunang kita: Una o primera na kumikita ng P55 milyon o higit pa; pangalawa o segunda na kumikita ng mahigit P45 milyon subalit hindi lalagpas sa P55 milyon; pangatlo o tersera na kumikita ng mahigit P35 milyon subalit hindi lalagpas sa P45 milyon; pang-apat na kumikita ng mahigit P25 milyon subalit hindi lalagpas sa P35 milyon; panlima na kumikita ng mahigit P15 milyon subalit hindi lalagpas sa P25 milyon; at pang-anim na may taunang kita na mababà sa P15 milyon. (SMP) (ed VSA)

Lumang bahay-na-bato sa bayan ng Bacolor

Báyan Ko
Ang “Báyan Ko” ay isang kundiman na nilikha noong taóng 1928 ni Constancio de Guzman batay sa titik ni Jose Corazon de Jesus. Nang likhain ito, ang awit ay napapanahong diskurso tungkol sa nararanasang kolonisasyon ng Filipinas sa ilalim ng Estados Unidos. Ikinokompara ng awit sa ibong nakakulong sa isang hawla ang Inang Bayan, at dahil sa angkin nitóng ganda ay nahumaling ang mga dayuhan. Ang awit ay maituturing na kontribusyon ng mga may likha sa literatura ng protesta noong panahong iyon na kinabibilangan ng mas maagang nilikhang Tanikalang Guinto, Hindi Aco Patay, Kahapon, Ngayon at Bukas, at iba pang akdang nagpahayag ng pagtutol sa pananakop sa Filipinas. Narito ang mga titik ng awit: Ang bayan kong Pilipinas, Lupain ng ginto’t bulaklak. Pag-ibig ang sa kanyang palad, Nag-alay ng ganda’t dilag. At sa kanyang yumi at ganda, Dayuhan ay nahalina. Bayan ko, binihag ka, Nasadlak sa dusa. Ibon mang may layang lumipad, Kulungin mo at umiiyak! Bayan pa kayang sakdal dilag, Ang di magnasang makaalpas? Pilipinas kong minumutya, Pugad ng luha ko’t dalita, Aking adhika, Makita kang sakdal laya! Ang awit na “Bayan Ko” ay hindi nawalay sa kamalayan ng mamamayan. Patuloy itong ginamit sa kilos-protesta laban sa mga mapaniil na gobyerno. Bagaman kasáma ito sa kalipunan ng awit na inilimbag ng rehimeng Marcos sa koleksiyong Mga Awit ng Bagong Lipunan, ito ay naging tampok na awit sa mga kilos-protesta sa pagpapabagsak sa diktador. Naging tampok din ito sa mga kilos-protesta laban sa mga gobyernong Estrada at Arroyo. Inawit din ito ng taumbayan sa paghahatid sa dating pangulo, si Corazon Aquino, sa huling hantungan, at sa pagsalubong sa pagiging pangulo ng kaniyang anak na si Benigno Aquino, Jr. (RCN) (ed GSZ)

bayáni
Ang unang naiisip kung mabanggit ang bayáni ay sina Jose Rizal at Andres Bonifacio. Batay sa kanila, ang bayáni ay matapang, may matinding pagibig sa bayan, at nagbubuwis ng buhay para dito. Wari namang nagmula ang salitâng “bayáni” sa “báyan.” Ang kahulugan at halaga ng bayáni kung gayon ay mahigpit na nakaugnay sa bayan. Ang kahulugan ng bayani na nakaugnay sa bayan ay nagbabago batay sa pangangailangan ng bayan sa isang tiyak na panahon. Sa sinaunang panahon, ang itinuturing na bayani ay mandirigma at pinunò. Mahusay siyáng lider o timuáy at magiting sa pagtatanggol ng kaniyang sakop. Sa ilang pangkatin sa Mindanao, tinatawag siyáng bagáni. Sa panahon ng himagsikan noong 1896, ang bayani ay hindi na lámang tumutukoy sa matapang na pinunò. Bagkus itinuturing na bayani sa Katipunan kahit ang karaniwang anak ng bayan, ANB, na nagmamahal at handang mag-alay ng dugo at pawis para sa bayan. Bunsod nitó, ang bayani ay tumukoy na sa lahat ng uri ng tao na nakilahok sa Himagsikang 1896 maging babae man o lalaki, batà o matanda, ilustrado o mangmang. Sa panahong iyon, ang kabayanihan ay nakabukás para sa lahat na tumutugon sa pangangailangan ng bayan gamit man ay tabak o panulat. Sa panahon ng kapayapaan, higit na kailangan ang mga bayani na maglilingkod sa bayan, lalo na sa serbisyo sibil, kahit maliit ang suweldo. Hinihingi ito ng panahon bunga ng nakubikóng na hálagáhang pambansa mula sa pananakop ng mga Amerikano. Bahagi ng nakubikóng na kamalayan (warped consciousness) ang lubhang pagmamahal sa banyagang kultura at ang kaalinsabay na kawalan ng malasakit sa sarili. Bahagi rin nitó ang lubhang pagsisikap para sa pansariling yaman, sukdang magnakaw at manloko ng ibang tao, at ang kaalinsabay na kawalan ng interes na makilahok sa gawaing pambayan. Dahil sa ating “napinsalang kultura” (damaged culture), kailangan ang reoryentasyong pambansa. Kailangan, wika nga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang sáma-sámang pagtahak sa Daang Matuwid laban sa korupsiyon. Bunsod din ng mga bagong pangangailangan ng bayan, ang konsep-to ng bayani ay nagkaroon ng bagong kahulugan—ito ay ang pagsasakripisyo. Tumutukoy ito sa pagsasakripisyo para sa mga mahal sa buhay; gagawin ang lahat para sa ikabubuti at kapakanan ng pamilya. Sinasalamin nitó ang pagsasakripisyo na dinaranas at tinitiis ng mga Filipinong manggagawa sa ibang bansa. Bunga nitó, ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay tinaguriang mga “bagong bayani” hindi lamang dahil sa mga tulong na naibibigay nilá sa kani-kanilang pamilya kundi gayundin sa ating bayan sa pamamagitan ng pagbuhay nilá sa ating ekonomiya dahil sa kanilang mga iniuuwi o ipinapadaláng salapi. (LN) (ed VSA)

bayaníhan
Isang kapuri-puring kaugalian ng mga Filipino ang bayaníhan o maramihang pagtutulungan para sa anumang gawain. Karaniwan itong nakikíta kapag may ililipat o bubuhating bahay sa kanayunan. Kapag kumalat ang balita, kusang dumarating ang mga kapitbahay at kanayon upang tumulong sa pagsasaayos at pagbuhat ng mga kasangkapan at sa mismong sáma-sámang pagbuhat sa bahay. Lumilitaw din ito sa mga trabaho sa bukid, gaya sa pag-aararo, pagsusuyod, pagtatanim, at paggapas. Upang bumilis ang pagtatrabaho, dumarating ang mga magsasaká sa buong nayon upang tulungan ang isang may patanim o may paararo. Tinatawag din itong ammóyo at tagnáya sa Iloko, aragláyon sa Waray, húngos sa Sebwano, dagyáw sa Hiligaynon at Aklanon, tarabángan sa Bikol, at batarisán at pasuyò sa Bulacan. Itinanghal ito sa kuwentong “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda. Sa kuwento, may tambal-kahulugan ang “suyuan.” Una, tungkol sa bayaníhan sa bukid, ang sigla ng mga magsasaká sa pagtulong sa pag-araro. Ikalawa, tungkol sa labanan nina Pastor at Ore para sa pag-ibig ng isang babae. Ipinangalan din sa bayaníhan ang Bayanihan Dance Company, isang pangkat ng mananayaw na nagtatanghal ng katutubong sayaw ng Filipinas na itinatag sa Philippine Women’s University. Inilahok ang pangkat sa Brussels Universal Exposition noong 1958, nagtagumpay, at naging bantog sa buong daigdig. (DRN) (ed VSA)

Guhit ni Carlos V. Francisco

baybáyin
Ang baybáyin ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino bago pa dumating ang mga Espanyol at maituro ang alpabetong Romano. Mula ito sa salitâng “baybáy” ng mga Tagalog na nangangahulugan ng lupaing nása gilid ng dagat at ng “pagbaybáy” na nangangahulugan ng ispeling. Ang baybayin ay nása anyong pantigan na may tatlong patinig (a,e-i,o-u) at umaabot sa 14 katinig. Makikita ang mga halimbawa ng baybayin sa Doctrina Cristiana (1593), ang pinakaunang aklat na nalathala sa Filipinas na isinulat ng mga misyonerong Espanyol. Sinasabing lahat ng mga katutubo ay marunong magbasá at magsulat sa baybayin. Balát ng punongkahoy at kawayan ang karaniwang gamit na sulatan ng mga sinaunang Tagalog at iniuukit dito ang mga titik sa pamamagitan ng matulis na bagay. May inilalagay na gitling o tuldok sa ibabaw ng katinig bilang tanda sa tunog ng “e” o “i” at sa ilalim naman bilang tanda sa tunog ng “o” o “u” na kasáma ng katinig. Isang ebidensiya ng baybayin ang iniukit na sulat sa isang matandang palayok na natagpuan ng mga arkeologo sa Calatagan, Batangas. Sa ngayon, ginagamit pa ng mga Mangyan sa Mindoro at ng mga Tagbanwa sa Palawan ang baybayin. Ginagamit nila ito sa pagsulat ng maiikling tula, awit, at paggawa ng liham pag-ibig. Minsan ding tinawag na alibáta ni Paul Rodriguez Verzosa ang sinaunang alpabeto dahil sa kaniyang saliksik na ito ay hango sa alpabetong Arabe na alif ,ba, ta. Tinanggal lámang niya ang “f” kayâ naging alibata. Gayunman, walang nakitang patunay sa kasaysayan na may kaugnayan ang baybayin sa alpabetong Arabe. Kahit ang mga wika ng mga bansa sa Timog-Silangang Asia ay hindi nagpapakita ng katangian o pagkakaayos ng mga titik na katulad ng wikang Arabe kayâ simula noon ay hindi na ipinagagamit ang salitâng “alibata” upang tukuyin ang sinaunang alpabeto ng Filipinas. (EGN) (ed VSA)

Manuel H. Bernabe
(17 Pebrero 1890-29 Nobyembre 1960) Isang premyadong makata sa wikang Espanyol si Manuel H. Bernabe (Man·wél Bér·na·bé). Ulit-ulit din siyáng kinilála sa kahusayan niya sa pagsasalin ng mga akdang pampanitikan. Naging guro siyá sa wikang Espanyol, peryodista, at naglingkod sa Kamara de Representante (Mababàng Kapulungan ng Kongreso) noong 1931. Ipinanganak si Bernabe noong 17 Pebrero 1890 sa Paranaque, Rizal. Sina Timoteo Bernabe at Emilia Hernandez ang kaniyang magulang. Nag-aral siyá sa Ateneo de Manila, at isa sa mga gawain niya dito ang pagsasalin sa Aeneid ni Virgil. Matapos sa Ateneo, kumuha siyá ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkagradweyt, pumasok si Bernabe sa pahayagang La Democracia, at pagkatapos ay sa La Vanguardia bago siyá naging kontribyutor ng Excelsior. Nagturo siyá ng Espanyol sa iba’t ibang pamantasan, kasáma na rito ang Unibersidad ng Pilipinas, Far Eastern University, at Unibersidad ng Santo Tomas. Pinarangalan siyá sa UST bilang pinakamahusay na makata sa Espanyol noong 1950. Ngunit, noon pang 1913, napanalunan na niya ang tatlong parangal mula sa tatlong magkakaibang organisasyon dahil sa mga akda niyang Himno al Sagrado Corazon de Jesus, El Zapote, at España en Filipinas. Noong 1924, napanalunan niya ang parangal na Premio Zobel nang isalin niya ang akdang La Pugna. Nagwaging muli ni Bernabe sa nasabing timpalak noong 1926 dahil sa salin niya ng Rubaiyat. Pinarangalan siyáng “Hari ng Balagtasan sa wikang Espanyol” noong 1927 at nakalaban si Jesus Balmori. Tinipon niya ang mga sariling tula sa Cantos del Tropico (1929). Nakamit ni Bernabe ang dalawang karangalan mula sa Espanya. Dahil sa kaniyang pagpupunyaging gamitin ang wikang Espanyol bílang midyum ng pagsulat, iginawad sa kaniya ang parangal na El Yugo y las Flecha s (1940) at sinundan ito ng parangal na Orden de Isabela la Catolica (1953). Nang maitalagang pinunò ng Pambansang Aklatan noong dekada 50, isinalin ni Bernabe ang mga sinulat ni Marcelo H. Del Pilar sa wikang Tagalog. Namatay si Bernabe noong 29 Nobyembre 1960. (SJ) (ed VSA)

Ishmael Bernal
(30 Setyembre 1940-2 Hunyo 1996) Si Ishmaél Bernál ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula noong 2001. Isa siyáng direktor sa pelikula at itinuturing na pangunahing haligi ng tinaguriang Ikawalang Gintong Panahon ng pelikulang Filipino. Isa siyá sa nagpaunlad at nagtaas ng kalidad ng pelikula sa pamamagitan ng paglihis sa nakagawiang pamamaraan at nilalaman sa paglikha ng pelikula. Mga mohon sa larang ng paglikha ng pelikula sa bansa ang mga obra niyang Pagdating sa Dulo (1971), Nunal sa Tubig (1976), Manila By Night (inilabas na City After Dark, 1980), Himala (1981) at Hinugot sa Langit (1985). Ilan pang mahahalagang hiyas sa mahigit sa 50 pelikulang nagawa ni Bernal ay ang sumusunod: mga tumatalakay sa kasaysayan na El Vibora (1972) at Lahing Filipino (1976); mga may temang nagpapalawig sa iba’t ibang uri ng karakter ng indibiwal at pakikipagrelasyon; Pabling (1981), Ligaw na Bulaklak (1976), Working Girls I (1984), Till Death Do Us Part (1972), Walang Katapusang Tag-Araw (1977); Galawgaw (1982), Ito Ba ang Ating Mga Anak (1982); eksperimental na pelikula, ang Scotch on the Rocks to Remember, Black Coffee to Forget (1975). Ang pelikulang Wating (1994) ang pinakahuling obra ni Bernal. Bukod sa paggawa ng pelikula ay nasangkot din siyá sa dulaan. Gumanap siyá sa mga dulang Kamatayan sa Anyo ng Isang Rosas (1991) at Bacchae (1992). Nagbigay rin siyá ng mga palihang panteatro at nagdirihe ng mga dula para sa Sining, isang pederasyon ng mga grupong panteatro ng mga kabataan sa komunidad. Kinilala siyá ng Urian bilang Pinakamahusay na Direktor sa mga pelikulang Dalawang Pugad, Isang Ibon (1977); Broken Marriage (1983); Hinugot sa Langit (1985); at Pahiram ng Isang Umaga (1989). Kinilala rin siyá bilang manunulat nang igawad sa kaniya ang Pinakamahusay na Iskrip para sa City After Dark (1980). Ginawaran din siyá ng FAMAS, Catholic Mass Media Awards (CMMA), at Metro Manila Film Festival. Sina Elena Bernal at Pacifico Ledesma ang kaniyang mga magulang. Nagaral siyá sa Mababang Paaralan ng Jose Burgos, Mataas na Paaralang V. Mapa, at Unibersidad ng Pilipinas. Nang makapagtapos sa UP ng A.B. English, medyor sa Literatura, nagpatuloy siyá ng pag-aral ng panitikan at pilosopiyang Pranses sa University of Aix-en-Provence sa France. Nagtungo rin siyá sa India para mag-aral sa Film Institute of Poona. (RVR) (ed GSZ)

Salvadór F. Bernál
(7 Enero 1945-26 Oktubre 2011) Si Salvadór F. Bernál ay isang katangi-tanging tagadisenyo sa teatro bukod sa iginagalang na makata at guro. Ang kaniyang halos apat na dekada sa pagsasagawa ng disenyo para sa teatro at pelikula ay nag-ambag ng mga obrang nanguna, orihinal, at nagtaas ng antas ng sining ng paglikha ng mga kasuotan, set sa entablado, at mga disenyong pamproduksiyon. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Disenyong Panteatro noong 2003. Nakagawa siyá ng mahigit sa 300 orihinal na disenyong pamproduksiyon, set, at kasuotan para sa entablado—teatro, sayaw,at musical—at sa pelikula mula pa noong 1969. Ang kaniyang mga obra ay nagpahusay sa mga pagtatanghal ng Dulaang UP, Tanghalang Ateneo, Tanghalang Pilipino, Philippine Ballet Theater, Ballet Philippines, Musical Theater Philippines, Opera Guild of the Philippines, at sa mga pelikulang (para sa mga kasuotan ng panahon) Aguila; Oro, Plata, Mata; Gumising Ka Maruja. Nagtampok , nakatuklas, at nagpamalay siyá ng gamit para sa disenyo at produksiyon ng mga lokal na materyales, gaya kawayan, abaka (hibla at lubid), burlap, ratan, at katsa. Nag-eksperimento rin siyá sa mga materyales, gaya ng klarong plastik na bolpen para gawing chandelier. Natunghayan ang talinong Bernal sa mga set, kasuotan, at disenyong pamproduksiyon ng mga hindi malilimutang mga pagtatanghal, gaya sa Francisco Maniago (1987, Tanghalang Pilipino), Lysistrata (1988, Tanghalang Pilipino), Walang Sugat (1991, Tanghalang Pilipino), Noli Me Tangere (1995, Tanghalang Pilipino); Tales of the Manuvu (1974, Ballet Philippines), Engkantada (1991, Ballet Philippines); sa musikal: Oliver (1978), Ang Palabas ay Bukas (1979); sa drama: Larawan (1978), Cat on a Hot Tin Roof (1980), at marami pang iba. Si Bernal ay ipinanganak noong 7 Enero 1945 at ikalima sa sampung supling nina Santiago Bernal at Ubalda Floro. Nagtapos siyá ng hayiskul sa Dagupan City High School at nagkolehiyo sa Ateneo de Manila (1962-1966). Nalimbag sa Heights, magasin pampanitikan ng Ateneo, at nagkamit ng mga gawad ang kaniyang mga tula. Nagtapos siyá ng pilosopiya noong 1966 ng may mga gawad at nagkamit ng Mulry Award para sa malikhaing pagsulat. Mula 1966 hanggang 1970 ay nagturo siyá ng Ingles sa Ateneo. Naging direktor siyá ng ilang mga dula para sa Ateneo Drama Group. Nagtapos si Bernal noong 1973 ng Masters sa Fine Arts sa Northwestern University sa Chicago, Illinois, bilang Fullbright-Hays grantee. Si Bernal ay naging residenteng tagadisenyo ng mga produksiyon ng Ballet Philippines (1975-1990) at ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (1987-1989); at direktor para sa Sentro ng Disenyong Pamproduksiyon ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (1990-1994). Sa pamamagitan ng kaniyang mga programa sa Sentro ng Disenyo at sa mga klase na tinuturuan sa Unibersidad ng Pilipinas at sa Ateneo, nabahagihan niya ng kaniyang talento ang ang mga bagong henerasyon ng tagadisenyo sa teatro. (RVR) (ed VSA)

Bernardo Carpio
Ang Bernardo Carpio (Ber·nár·do Kar·pi·yó) o Historia Famosa ni Bernardo Carpio sa Reinong Espana, na Anak ni D. Sancho Diaz at Dona Jimena ay isang awit o mahabang tulang pasalaysay na isinulat noong siglo 19. Ipinapalagay na sinulat ang Bernardo Carpio ni Jose dela Cruz o Huseng Sisiw. May limang edisyong Tagalog ito, ang pinakamatanda ay ang edisyong 1860. Isinalin din ito sa mga wikang Bikol, Ilonggo, at Iluko. Batà pa si Bernardo ay nagpamalas na siyá ng pambihirang lakas. Matapos niyang talunin sa isang duwelo ang nagbalatkayong ama niyang si Don Rubio, siyá ay itinalaga bilang heneral ng hukbo ng Espanya. Kasunod nitó’y nalupig ni Bernardo ang kaharian ng isang makapangyarihang emperador na nagngangalang Carpio. Bilang pagkilala sa kaniyang galíng, tinawag siyáng Don Bernardo Carpio. Pagkaraa’y natuklasan na rin ni Bernardo ang totoo sa kaniyang pagkatao—ang tunay niyang mga magulang at ang kinaroroonan ng mga ito. Sandali niyang nakapiling ang kaniyang magulang—ang kaniyang ama ay pumanaw at ang nagluluksa niyang ina ay bumalik sa kumbento. Si Bernardo naman ay patuloy sa paglupig sa mga bansang di binyagan. Dahil sa paghabol sa kidlat, nakulong siyá sa isang bundok. Natapos ang romanse ngunit may alamat na si Bernardo ay nakahimlay sa isang marmol na kama sa loob ng kuweba. Diumano, balang araw ay babangon siyá para sagipin ang bayan. May mga alamat na si Bernardo Carpio ang Haring Tagalog na nakatanikala at nakaipit sa dalawang nag-uumpugang bundok. Kapag nakawala si Bernardo Carpio ay mangunguna siyá sa pagpapalaya ng bayan. Bago mag-20 siglo, may kuwento pa tungkol sa pagtatagpo ni Bernardo at ni Rizal. Maaaring binása ito ng taumbayan bilang talinghaga ng mithiin nilang lumaya. Ang Bernardo Carpio ay naisalin na rin sa pelikula noong 1951, sa entablado noong 1976, at sa mga kuwentong pambata. (GSZ)

Bíag ni Lám-ang
Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni Lam-ang ay nagmula sa Hilagang Luzon, partikular na sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union. Nag-iisa itong Kristiyanisadong epikong-bayan at pruweba nitó ang paggamit ng mga pangalang naimpluwensiyahan ng Katolisismo. Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang nagtalâ ng epikong-bayan noong 1889 at si Canuto Medina na nagtalâ noong 1906. Sinundan ito ng bersiyon na nailathala sa La Lucha, ang bersiyon ni Parayno noong 1927 at pinagsáma niya ang unang dalawang bersiyon at ang bersiyon ni Leopoldo Yabes noong 1935. Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lamang. Bago siyá ipanganak ni Namongan, inutusan ng kaniyang ina ang kaniyang ama na si Don Juan Panganiban na manguha ng mga kahoy. Ngunit hindi na bumalik si Don Juan hanggang ipinanganak niya si Lamang. Pambihirang batà si Lam-ang dahil káya na niyang magsalita at may taglay siyáng kakaibang lakas. Itinanong ni Lam-ang kung nasaan ang kaniyang ama. Nang sinabi ng kaniyang ina na umalis ang kaniyang ama upang labanan ang mga Igorot, nag-ayos si Lam-ang at pumunta sa lugar ng mga Igorot kahit hindi pumayag ang kaniyang ina. Nakita niya na nagsasagawa ng sagang ang mga Igorot. Nang lumapit siyá, nakita niya ang ulo ng kaniyang ama. Pinagpapatay niya ang mga Igorot. Nang bumalik siyá sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya upang paliguan siyá. Nang maligo siyá sa Ilog Amburayan, namatay ang mga isda sa baho ng kaniyang libag. Hinanap niya ang dalagang nagnangangalang Ines Kannoyan, anak ng pinakamayamang tao sa Kalanutian. Pumunta siyá sa nasabing lugar, kasáma ang tandang at aso niya. Nakarating siyá matapos ang pakikipaglaban kay Sumarang at pang-aakit ni Sarindang. Nasindak sa kaniya ang mga lumiligaw kay Ines Kannoyan. Naibigay din niya ang lahat ng mga hiling ng magulang nitó kayâ ikinasal ang dalawa. Minsan, nangisda si Lam-ang at nakain siyá ng berkakan, isang malaking isda. Isang maninisid ang nakakuha ng kaniyang labí at sa tulong ng kaniyang tandang, muli siyáng nabuhay at namuhay nang matiwasay. (SJ) (ed VSA)

Mula sa Aklat Adarna

bibingká
Isang uri ng kakanin ang bibingká na gawa sa giniling na bigas at iniluto sa gatâ ng niyog at may timplang asukal. Kinakain itong kasáma ang bagong kudkod na niyog. Kung espesyal, nilalagyan ito ng mga piraso ng itlog na maalat at kesong putî sa ibabaw. Tinutukoy ng pangalan nitó ang paraan ng pagluluto sa naturang kakanin. Wika nga ng isang kanta, tumutukoy ang bibingká sa bagay na iniluluto nang may apoy sa ibabaw at may apoy sa ilalim. Inihuhurnong tulad ng tinapay o keyk ang bibingká. Ngunit dahil walang hurno sa kanayunan noon, inimbento ng mga Filipino ang bibingkahan. Inihuhurno ang kakaníng ito sa isang platong metal na may sapíng dahon ng saging at isinasálang sa kalan ng nagbabágang uling. Pagkatapos, ipinapatong sa plato ang sampirasong kuwadradong yero na may nagbabágang bunót ng niyog. Bibingká sa galapóng ang karaniwang iniluluto sa Kamaynilaan, lalo na kapag panahon ng Pasko. May gilingang bato noon para gawing galapóng ang bigas. May bibingká ngayong gawâ sa kamoteng-kahoy. May timplang tubà ang bibingkáng Mandaue. Samantala, may nagtuturing na bibingká ang bíko dahil inihuhurno din ang bigas na may gatâ at asukal na may timplang anis. (GCA) (ed VSA)

Bíbliyá
Ang Bíbliyá (Bible sa Ingles at Biblia sa Espanyol) ang banal na aklat ng mga Kristiyano. Nakapaloob dito ang Salitâ ng Diyos at ang Mabuting Balitâ na binabása sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Sa Katolisismo, binubuo ito ng dalawang bahagi, ang Lumàng Tipán at ang Bágong Tipán, na may 73 aklat. Ang Lumang Tipan ay naglalaman ng mga salaysay hinggil sa paglikha ng santinakpan at ukol sa pagkahirang ng Diyos na si Yahweh sa bayang Israel bilang pinilìng pangkat ng mga tao. Ang Bagong Tipan naman ay naglalamán ng mga salaysay ukol sa búhay at pangaral ni Hesus, na anak ng Diyos at isinugo sa lupa ang tubusin ang tao sa kasalanan, lalo na yaong alinsunod sa kaniyang mga apostol at unang ebanghelista. Ang salitâng “bibliya” ay nagmula sa Griyego na ang ibig sabihin ay “maliit na aklat.” Si Moises ang nagpasimula ng pagsulat ng Bibliya noong 1513 B.C.E. Si Juan naman ang hulíng nagbahagi ng kaniyang aklat. Inabot nang halos 1,610 taón bago napagsáma-sáma ang mga aklat na bumubuo sa Bibliya sa kasalukuyan. (IPC) (ed VSA)

Bicol Express
Tinaguriang “Bicol Express” (Bí·kol éks·pres) ang rutang Maynila-Bikol ng Philippine National Railways (PNR), isang kompanyang pagmamayari ng pamahalaan. Itinatag ang PNR noong 1875 bílang Ferrocaril de Manila-Dagupan at nagsimula sa rutang papunta ng Pangasinan. Paglaon ay dinugtungan ang riles pahilaga ng linyang Maynila-Legaspi. Naganap ang unang biyahe pa-Bikol noong 1931, at pitóng taón ang lumipas bago naman nabuo ang daambakal mula Dagupan hanggang Legazpi. Sa loob ng ilang dekada, naging popular ito sa mga manlalakbay na pinili ang mas mura at mabilis na biyaheng tren kaysa mamahaling eroplano at mabagal na kotse. Gayunman, mula dekada 70 ay kinaharap ng Bicol Express ang sunod-sunod na hamon sa popularidad at kaligtasan nitó: pagpapaunlad sa bahaging Maynila-Bikol ng Maharlika Highway, paglago sa bílang ng mga air-conditioned na bus, pagbaba sa presyo ng biyaheng eroplano, at pagsabog ng Bulkang Mayon noong 1993, at iba’t ibang bagyo at baha. Nagdulot ng malaking pinsala sa daambakal ang mga bagyong Milenyo at Reming noong 2006, at tuluyang nahinto ang biyaheng Bikol ng PNR. Pagkatapos ng ilang taón ng masugid na rehabilitasyon ng riles, binuksang muli ang Bicol Express noong 2011. Sa panahon ng pagkakasulat ng artikulong ito, araw-araw ang biyahe ng mga treng mulang Maynila patungong Naga sa Camarines Sur; hindi pa naibabalik ang serbisyong patungong Legaspi sa Albay. Ipinangalan din ang popular na maanghang na pagkaing “Bicol Express” sa rutang ito. (PKJ) (ed VSA)

binakól
Maaaring isadula ang posibleng kasaysayan ng binakól sa ganitong paraan. Maaaring magsimula sa nilagàng manok. Ang pinakasimpleng sinabawang piraso ng manok na may luya bílang pampalasa. Nilagyan ng paminta, nilagà pa rin. Nilagyan ng repolyo at patatas, nilagà pa rin. At saging na saba, nilagà pa rin. Maaari pa ngang ihanda nang hiwalay ang mga nilagàng repolyo, patatas, saging, at kahit kamote’t sitaw at kainin kasabay ng paghigop ng sabaw ng manok. May nakaisip ng pagbabago. Ang nilagàng manok na may luya’t bawang ay nilagyan ng mga piraso ng hilaw na papaya at úpo. Nakilála itong tinóla. Isang higit na matipid na putahe ngunit may linamnam ang mainit na sabaw na hihigop-higupin kung malamig ang panahon. Tandaan ang tinóla sa malaking piging na handog ni Kapitan Tiyago sa pagdating ni Crisostomo Ibarra. Nagustuhan din ng mariwasa sa panahon pa ni Rizal ang linamnam ng sabaw ng tinóla. Mula sa paghahanap ng bagong linamnam ng sabaw ng manok maaaring pumasok ang binakól. Nagsisimula din ito sa ginisang luya’t bawang at ang mga piraso ng manok. Kapag halos luto na ang manok ay magbuhos ng ilang tasa ng hugas-bigas. Sa wakas, kapag maaari nang ihain ang manok ay idagdag ang malalaking piraso ng kinayod na lamán ng búko ng niyog, ilang tasa ng sabaw ng búko, at mga dahon ng sili. Ang mga sariwang piraso ng lamán at sabaw ng búko ang ikinaiba ng binakól sa mga sabaw ng iba’t ibang nilagàng manok. Karaniwan din sa binakol ng mga Ilonggo na inilalagay ang putahe sa loob ng niyog kayâ lalong nagdudulot ito ng lasang niyog sa ulam. (LJS) (ed VSA)

Binatbatáng Bákal ng Butúan
Ang Binatbatáng Bákal ng Butúan o Butuan Paleograph ay tumutukoy sa isang piraso ng parihabâng metal na may ibinatbat o iniukit na sinaunang mga titik ng pagsulat. Ang nasabing metal ay may tinatáyang edad na mula ika-12 hanggang ika-15 siglo at naglalamán ng 22 simbolo na inukit gamit ang matulis na bagay. Nahukay ito noong kalagitnaan ng 1970 sa Butuan, lalawigan ng Agusan. Hindi pa naisasalin ang kahulugan ng inskripsiyon dahil hindi ito katulad ng mga sinaunang baybayin sa Filipinas. Ayon sa paleographer na si S.S. Boechari ng Indonesia, maaaring nag-ugat ito sa sistema ng panulat sa Java. Isa itong patunay sa kasanayan ng katutubong mga Filipino sa pagsusulat at pakikipag-ugnayan sa ibang mga kabihasnan sa ibayong dagat. (JM) (VSA)

Binatbatáng Plátong Tansô sa Lagúna
Ang Binatbatáng Plátong Tansô sa Lagúna o Laguna Copperplate Inscription (LCI) (La·gú·na Ká·per Pleyt Ins·kríp·syon) ay mga sulat sa sinaunang baybayin na nakalimbag sa manipis na pirasong tanso na may sukat na 20 x 30 sentimetro. Kahawig ito ng sistema ng panulat sa Java, Indonesia noong 750 hanggang 950 A.D. at naglalamán ng Taóng Saka 822 o 900 A.D. Nalipat sa pangangalaga ng Pambansang Museo ng Filipinas ang LCI noong dekada 1990 pagkatapos itong bilhin mula sa isang kolektor ng antigong mga kasangkapan. Sa pag-aaral nina Antoon Postma at Johan de Casparis, mga eksperto sa sinaunang pagsulat, ang wikang ginamit sa pagsulat ay matandang Tagalog na may halòng Sanskrit, matandang Malay, at Java. Ang teksto diumano ay tungkol sa isang mahalagang tao na hindi pa nababayaran nang buo ang pagkakautang ng ginto kayâ nahaharap sa panganib ng pagkakaalipin. Noong Taóng Saka 822, Marso hanggang Abril, Lunes, ibinigay kay Binibining Angkatan kasáma ang kamag-anak na si Bukah ang dokumentong nagpapawalang-sála sa Kagalang-galang na si Namwran. Kasáma sa napalaya ang mga kamag-anak ng nagkautang na dapat ay magiging kabayaran din. Sinuportahan ng ilang mga pinunò ang pagpapawalang-bisà sa kaso bagaman nakasaad na sa hinaharap, posibleng may táong hindi sasang-ayon sa desisyong ito. Pero hindi na maláman ang kongklusyon dahil putol ang inskripsiyon sa ika-10 linya. Maaaring nása ibang piraso ng tanso ang karugtong nitó na kailangan pang makita upang mabuo ang kuwento. Gayunman, ang LCI ay isang materyal na patunay ng isang maunlad na katutubong sistema hindi lámang ng edukasyon kundi ng batas at konsepto ng katarungan. (JM) (ed VSA)

binturóng
Ang binturóng (Arctictis binturong), na kilalá rin sa wikang Ingles na Asian Bearcat, Palawan Bearcat, o simpleng salita na Bearcat, ay isang species sa pamilyang Viverridae, at kasáma ang alamid (civet) at isa pang uri ng hayop na kung tawagin ay genet. Ito lámang ang miyembro ng genus nitó. Ang binturóng ay hindi isang bear. Likás na tirahan nitó ang mga punongkahoy sa malalawak na kagubatan ng Bangladesh, Bhutan, Burma, Cambodia, Tsina, India, Indonesia, Laos, Malaysia, Filipinas, Sri Lanka, Thailand, at Vietnam. Nokturnal ang binturong. Sa gabi ang mga gawain at natutulog sa mga sanga kung araw. Pangunahin nitóng pagkain ang prutas, ngunit kumakain rin ito ng itlog, dahon, mga usbong ng halaman, maliliit na hayop, insekto, dagâ, at ibon. Ang pagdálang ng bílang ng binturong ay maliwanag na bunga ng pagkasira ng kagubatan. Mailap ang binturóng at maaaring lumaban at manakit kapag ito ay nasukol o walang pupuntahan. Ang buhay nitó ay maaaring tumagal ng higit pa sa 20 taón. Malaki ang binturóng, karaniwang 60-96 sentimetro (24-38 pulgada) ang habà ng katawan, at tumitimbang ng 9-14 kilo (20-31 libra). Nababalot ng makapal at maitim na balahibo ang katawan nitó, samantalang ang mukha ay maputla o kulay pilak. Ang buntot ay halos singhabà ng katawan at nagsisilbing panlimang paa nitó. Mahabà ang siklo ng reproduksiyon (estrous period) ng binturong, tumatagal ito ng 81 araw, samantalang ang pagbubuntis ay hanggang 91 araw. Karaniwang dalawa ang iniaanak nitó, subalit puwede rin naman na manganak ang isang babaeng binturóng ng hanggang anim. Umaabot sa 15 taón ang pertilidad o kakayahang magsilang. Nakikipagkomunikasyon ang binturong gamit ang mga gland na nagbibigay ng mapang-akit na amoy (scent gland). Makikita ito malapit sa dakong puwit o anus. May karagdagang scent gland ang mga babae na matatagpuan sa vulva. (SSC) (ed VSA)

Bírheng Mariá
Ang Bírheng Mariá (Bír·heng Mar·yá) ay isang babaeng Hudyo mula sa Nazareth, Galilea. Sa Bagong Tipan ng Bibliya, siyá ang itinuturing na ina ni Hesus. Nakasaad sa mga Mabuting Balita nina Mateo at Lucas na si Maria ay isang birhen. Ang Kristiyano ay naniniwala na himalang ipinagbuntis ni Maria si Hesus sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sa Bagong Tipan, ang búhay ni Maria ay nagsimula nang ipahayag ng anghel Gabriel ang kaniyang pagdadalang-tao. Sa tradisyon ng Simbahan, ang mga magulang ni Maria ay sina San Joachim at Santa Anne. Matatagpuan din sa Bibliya ang pag-aakyat ng mga anghel kay Maria sa langit nang ito ay mamatay sa lupa. Ang salitâng “Maria” ay base sa orihinal na pangalan niyang Hebrew na “Miryam.” Sa Bagong Tipan, mapapansin na ang ginagamit na pantawag sa kaniya ay Maria. Sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas, labindalawang beses tinawag si Maria sa kaniyang pangalan samantalang limang beses kay San Mateo. Ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Maria tuwing ika-8 ng Setyembre samantalang ang kanyang kamatayan at pag-aakyat ng mga anghel sa kaniyang katawan sa langit ay tuwing ika-15 ng Agosto. Ang kanyang asawa ay si Jose na siyá ring kasáma niya nang isilang si Hesukristo sa sabsaban. Ang kaniyang pinsang si Elizabeth ay nabuntis din sa kabilâ ng kaniyang katandaan. Si Maria ay itinuturing na ina ng Simbahang Katoliko. (IPC) (ed VSA)

Biyák-na-Bató
Matatagpuan sa bayan ng San Miguel, Bulacan, ang Biyák-na-Bató ay bahagi ng bulubunduking Sierra Madre. Nagmula ang pangalan sa pangyayaring dinadaanan ito ng isang ilog at may mga yungib sa magkabilâng panig na mabato. Sa panahon ng Himagsikang 1896, kaagad itong nagsilbing pugad ng mga Katipunero ng San Miguel at mga karatig bayan. Noong Hunyo,1897, nakarating sa Biyak-na-Bato ang hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo na umiiwas mula sa Cavite na magipit ng mga Espanyol. Nagandahan si Aguinaldo sa silbing pangmilitar ng pook at ipinasiyang ilipat dito ang kaniyang himpilan. Noong Nobyembre 1, itinatag niya ang isang pamahalaang tinatawag ngayong Republikáng Biyák-na-Bató batay sa isang konstitusyong binalangkas nina Isabelo Artacho at Felix Ferrer. Nakasaad sa saligang-batas ang patuloy na pagpapalaya sa Filipinas mula sa mga mananakop. Hindi napasok ng hukbong Espanyol ang Biyák-na-Bató. Gayunman, noong Disyembre, isang kasunduan tungo sa pagtigil ng paglalaban ang naisulong sa pamamagitan ni Pedro Paterno. Pinirmahan ni GobernadorHeneral Fernando Primo de Rivera ang kasunduan noong Disyembre 14 at ni Paterno bilang kinatawan ni Aguinaldo kinabukasan. Noong Disyembre 20, pinagtibay ng kapulungang rebolusyonaryo sa Biyák-na-Bató ang papeles na tinatawag ngayong Kasundúang Biyák-na-Bató. Itinatakda dito ang pagbabayad ng pamahalaang Espanyol ng halagang 800,000 piso kapalit ng boluntaryong pagpapatapon kina Aguinaldo sa Hong Kong at pagsuko ng rebolusyon. Binayaran ito sa tatlong bahagi: 400,000 para kay Aguinaldo matapos itong umalis sa Biyak na Bato patungo Hong Kong; 200,000 kapag naisuko na ang mga armas; at 200,000 matapos maisagawa ang Te Deum sa katedral ng Maynila at maiproklama ang pangkalahatang amnestiya. Sa araw ng Pasko, ipinroklama ni Aguinaldo ang pagwawakas ng rebolusyon bago siyá tumulak patungong Hong Kong. Sa kabila nitó, nagpatuloy ang pakikipaglaban ng mga rebolusyonaryo. (LN) (ed VSA)

Biyayà ng Lupà
Pelikulang idinirihe ni Manuel Silos at sa panulat nina Celso Carunungan at Pablo Naval, ang Biyayà ng Lupà ay produksiyon ng LVN Pictures noong 1959. Tinampukan ito ng tambalang Tony Santos Sr. at Rosa Rosal, kasáma sina Leroy Salvador, Carmencita Abad, Carlos Padilla, Jr. Marita Zobel, at Joseph de Cordova. Nagwagi ang Biyayà ng Lupà ng parangal mula sa FAMAS bilang pinakamahusay na pelikula ng 1959 at kinilala sa Asian Film Festival noong 1960 nang matamo ni Leroy Salvador ang pinakamahusay na tagasuportang aktor bilang pipi-binging anak. Natamo din ni Celso Al Carunungan ang gawad FAMAS para sa pinakamahusay na kuwento. Tungkol ito sa pagsisikap ng isang pamilya (Santos at Rosal) na mapaunlad ang búhay sa lalawigan sa pamamagitan ng pagtatanim ng lansones. Nagkaroon sila ng apat na anak at higit pang bumuti ang kanilang ugnayan sa mga kababayan. Ngunit nasirà ang kanilang katahimikan nang kainggitan ng isang masamâng loob (de Cordova) ang ama ng tahanan. Ginahasa ng kontrabida ang dalagang anak at nagpakamatay ito. Napatay ang ama nang magtangkang maghiganti. Isa sa binatang anak ang umalis upang maghanap ng kapalaran sa lungsod. Samantala ipinagpatuloy ng ina ang pagsasaka. Inutusan ang kontrabida ng isang sakim na may-lupa para sirain ang mga punòng lansones na kasalukuyang namumulaklak. Nagtanggol ang maganak sa tulong ng taumbayan. Sa wakas, napakinabangan ng mag-anak ang bunga ng kanilang paghihirap. (RPB) (ed VSA)

bódong
Ang bódong ay ang tradisyonal na kasunduang pangkapayapaan sa lipunang Kalinga. Ang bodong ay isang tratado ng dalawang tribu na nagkasundong bumalangkas ng mga pagta (batas) na aareglo sa pakikipag-ugnayan nila sa isa’t isa. Ang bodong ay isinasagawa upang tapusin ang away ng dalawang tribu at siguruhin ang kapayapaan at seguridad sa kanilang lugar upang hindi maapektuhan ang kalakalan at iba pang gawaing pangkabuhayan. Sa pamamagitan ng bodong, sineseguro ang kaligtasan ng mga tao kapag sila’y naglalakbay, at ang pag-iral ng hustisya kapag may miyembro ng tribu na nakagawa ng bagay na masamâ sa isang miyembro ng kabilâng tribu. Mahabàng proseso ang pagbalangkas ng pagta. Ilang araw na mag-uusap at magtatalo ang mga papangat (konseho ng matatanda) ng magkabilâng tribu. Ang nabuong pagta ay naglalaman ng mga probisyon ng kasunduan, ang hangganan ng tribu o ili na sakop nitó, at ang mga táong may responsabilidad sa pagpapatupad at pagtataguyod ng mga napagkasunduan. Dati-rati ay minimemorya ang mga pagta at sa pamamagitan ng salimbibig ay ipinapasa ang mga ito sa bawat bagong henerasyon. Nagsimula ang tradisyon ng bodong noong panahon na madalas magkaroon ng mainit na away ang mga tribo o ili. Karaniwang nauuwi ang awayang ito sa pamumugot ng ulo o pagsalakay sa lugar ng kaaway, na nagiging simula naman ng isang mahabàng serye ng benggansa o gantihan. Isang bodong lamang ang makapagbibigay-wakas sa ganitong sitwasyon. Hindi lamang ang mga Kalinga ang may tradisyon sa kasunduang pangkapayapaan. Matatagpuan din ang mga kawangking institusyon sa iba pang grupo sa Cordillera. Ang mga Tingguian ay mayroong kalon, samantalang ang mga Bontok ay may petsen. (DLT) (ed GSZ)
Pagta-Kalinga Bodong, mula sa Treasures of the Baguio Mountain Provinces Museum (2000)

bólo
Nakalagay ang bólo sa mga diksiyonaryong Espanyol at Ingles bilang tawag diumano ng mga Filipino sa mahabà at mabigat na patalim na may isahang talim na ginagamit bilang pantabas ng dawag at bilang sandata. Gayuman, wala ito sa lumang bokabularyo ng wikang Filipino. Sa halip, nakalagay naman ang mga singkahulugang gúlok, iták, at sundáng. Marami pang ibang uri at tawag sa patalim na ito sa ibang katutubong pangkatin ng Filipinas. Sa mga retrato at ilustrasyon ng karaniwang magbubukid o mangangahoy noong panahon ng Espanyol ay malimit na may hawak ito o nakasuksok sa baywang na bolo. Dahil isa itong patalim na maraming gamit. Sa panahon ng kapayapaan, sagisag ito ng lalaking masipag at nagtatrabaho. Puwede itong pandikdik, pansungkit, panghukay, at iba pa. Nagiging sandata lámang ito sa panahon ng kagipitan at pagtatanggol sa sarili. Sa El filibusterismo, napilitang humawak ng gúlok sa Kabesang Tales nang pagbawalan siyáng magdalá ng eskopeta upang bantayan ang kaniyang bukirin. Sa panahon ng Himagsikang 1896, naging sagisag ng kagitingan ang Katipunerong may hawak na puláng bandila sa isang kamay at isang sundáng sa kabilâ. Ganito ang imahen ng bantayog ng Unang Sigaw sa Balintawak. Ito rin marahil ang pinagmulan ng tulang-pambatà nitóng ika-20 siglo tungkol sa Supremo ng KKK: Andres Bonifacio Standing on the bato Holding a bolo Cutting the ulo. Ang totoo, may tulang-pambatà rin na nagtatawa sa tao na mistulang isang armadong mandirigma ngunit makikikain lámang palá: Ako’y ibigin mo lalaking matapang Ang baril ko’y pito, ang sundang ko’y siyam. Ang lalakarin ko’y parte ng dinulang, Isang pinggang pansit ang aking kaaway. (DRN)(ed VSA)

Andres Bonifacio
(30 Nobyembre 1863-10 Mayo 1897) Si Andres Bonifacio (An·drés Bo·ni·fás·yo) ang tagapagtatag ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng Himagsikang Filipino.” Tinatawag siyáng “Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng kapisanang mapanghimagsik. Isinilang siyá noong 30 Nobyembre 1863 sa Tundo, Maynila at panganay sa anim na anak nina Santiago Bonifacio, isang sastre, at Catalina de Castro. Mga kapatid niyang lalaki sina Ciriaco, Procopio, at Troadio at mga kapatid na babae sina Espiridiona at Maxima. Naulila siláng lubos noong 14 taón si Andres kayâ binúhay niya ang mga kapatid sa pagtitinda ng bastong kawayan at papel na abaniko at pagtatrabaho bilang mensahero at bodegero. Una niyang malaking trabaho ang klerk-mensahero sa kompanyang Ingles na Fleming and Company. Lumipat siyá pagkuwan sa Alemang Fresell and Company. Isa siyáng alagad ng sining. Bukod sa pagguhit ng poster ay mahilig din siyáng mag-artista at naging kasapi ng samahang pandulaan sa Palomar, Tundo. Noong 1887, kasáma ang ibang kaibigan ay itinayô nilá ang El Teatro Porvenir. Isa siyáng mahusay na makata at manunulat. Isinalin niya sa tula ang sanaysay na El Amor Patrio ni Rizal at siyá ang unang nagsalin sa Tagalog ng tulang Ultimo Adios ni Rizal. Ang sanaysay niyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ay isang napakaikli ngunit matalim na kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na damdaming makabayan. Ang hilig niyang mag-aral ng wika ay natumbasan ng hilig niyang magbása. Una niyang asawa si Monica na namatay sa ketong. Sa isang pakikipamista sa Kalookan ay nakilála niya at niligawan si Gregoria de Jesus. Ikinasal silá noong 1893 at muling ikinasal sa loob ng Katipunan. Itinatag niya ang mapanghimagsik na Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK noong 7 Hulyo 1892. Bunga ito ng kabiguan ng mapayapang kampanya para sa reporma ng La Solidaridad at ng naganap na pagdakip at pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Ang lihim na kapisanan ay lumago na sa Kamaynilaan at ibang mga lalawigan bago natuklasan at sumiklab ang Himagsikang Filipino noong Agosto 1896.

noong 22 Marso 1897. Nahalal ditong pangulo si Heneral Emilio Aguinaldo at ministrong panloob si Andres. Hindi minabuti ni Andres ang pagmaliit sa kaniyang kakayahan ng isang Magdalo kayâ pinawalang-bisa niya ang halalan sa isang dokumento noong Marso 24. Kasáma ang dalawang kapatid, asawa, at ilang tauhan ay sinikap niyang bumalik ng Maynila. Sinundan ng mga Magdalo ang pangkat niya at dinakip. Sa labanan ay namatay si Ciriaco at nasugatan si Andres. Dinala silá sa Maragondon, Dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng Katipunero, ang Magdiwang at Cavite at nilitis. Nahatulan siyáng nagkasala ng sedisyon at pinarusahan ang Magdalo, sa Cavite ay inanyayahan siyá doon upang mamagitan. Nauwi ng kamatayan. Noong 10 Mayo 1897, dinalá siyá at kapatid na Procopio ang lahat sa pagtatayô ng isang bagong pamahalaan ng manghihimagsik sa Bundok Buntis at pinatay. (VSA)

Ladisláo Bónus
(22 Hunyo 1854-28 Marso 1908) Isang bantog na kompositor at konduktor pangmusika noong magtatapos ang ika-19 siglo si Ladisláo Bónus (La·dis·láw Bó·nus) at tinaguriang “Ama ng Operang Filipino.” Ipinanganak siyá noong 22 Hunyo 1854 sa Pandacan, Maynila kina Pedro Bonus at Maria Mariano. Batà pa’y mahilig na siyá sa musika at maagang naging bihasa sa pagtugtog ng biyolin, cello, viola, at iba pang instrumentong de-kuwerdas. Sinasabing dahil sa gayong kahusayan ay mabilisan siyáng naipapalit sa alinmang miyembro ng orkestra. Noong 1887, nagtatag si Bonus ng isang kompletong kompanya sa opera sa Pandacan. Binuo ito ng kompletong mga musiko at mangangantang Tagalog kabílang sina Teodoro San Luis at Josefa Tiongson, mga soprano; Victoria Medina, mezzo soprano; Andres Ciria Cruz, Pedro Alcantara, at Alejo Natividad, mga tenor; Pedro Alcantara at Domingo Guazon, mga baritono; Eduardo Ciria Cruz at Jose Canseco, mga basso; at Carmen Mendoza, Juna Natividad, Remigio Natividad, Rufina Bonus, Agustin Natividad, Marcela Barroga, Simon Natividad, Valetin Natividad, at Mariano natividad, mga miyembro ng koro. Si Bonus ang naglingkod na direktor at konduktor ng orkestra. Si Jose Canseco ang direktor ng tanghalan. Isang malaking tagumpay ang unang pagtatanghal ng pangkat sa sabungan ng Pandacan. Sinundan ito ng mga paanyaya sa ibang pook ng Maynila. Umakit ito ng mga patron at hindi naglaon ay naging bukambibig ang husay ni Bonus sa buong lungsod. Noong 1888, sumapi si Bonus sa orkestra ng Katedral ng Maynila. Nagturo din siyá ng piyano sa anak ng mga mariwasa at naging konduktor ng mga bánda sa Marikina, Pasig, at Quiapo. Sa ilalim ng kaniyang pamumunò, nagwagi ng unang gantimpala ang Bándang Arevalo ng Quiapo sa Exposisyong Panrehiyon sa Hanoi noong 1901. Ang bándang ito ay naglingkod sa Republikang Malolos noong 1898-1899. Sinulat din ni Bonus ang musika ng operang Sandugong Panaginip ni Pedro paterno na itinanghal sa Teatro Manila noong 16 Agosto 1902. Sumulat pa siyá ng musika para sa ibang sarsuwela at ng martsa para sa pagbubukás ng Unang Asamblea ng Filipinas. Napangasawa ni Bonus si Rosalia Guazon at nagkaroon silá ng walong anak. Nása kasikatan siyá nang mamatay noong 28 Marso 1908 sa gulang na 54 taón. (EGN) (ed VSA)

Si Ladislao Bonus at ang kaniyang pamilya

Boracay
Isa sa mga pangunahing pulông bakasyunan sa Filipinas ang Boracay (Bo·rá·kay) lalo na kung panahon ng tag-init. Sakop ito ng Aklan at nása dulong hilagang-kanluran ng Panay. Ang baybayin nitó, na may mga pinong puting buhangin, ay umaabot sa mahigit pitóng kilometro. May 115 kilometro ang layò nitó sa Kalibo. Binubuo ito ng tatlong barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak, na bahagi ng bayan ng Malay. Mararating ang pulô mula sa Caticlan, na isa ring barangay ng Malay, sa pamamagitan ng pagsakay sa mga bangkang de-motor. Isa ito sa mga sikat at paboritong pasyalan ng mga turista dahil sa malinis nitóng dalampasigan, mapuputing buhangin, at maraming makikitang isda at lamandagat. Kinilala na ang pulong Boracay bilang isa sa mga pinakamagandang baybayin sa buong mundo at maraming mga dayuhan ang bumibisita dito. Dahil dito, malaki ang naging ambag ng pulô ng Boracay sa pag-angat ng industriya ng turismo sa Aklan at sa bansa. May dalawang pangunahing baybayin sa pulô na popular sa mga bakasyunista—ang White Beach at ang Bulabog Beach. Ang White Beach ang pangunahing baybaying panturismo. Halos apat na kilometro ang habà nitó at maraming establisimyento tulad ng mga hotel, restoran, at iba pang negosyong panturismo. Nása kabilâng baybayin naman nitó ang Bulabog Beach, pangalawang sikat na puntahan ng mga bakasyonista lalo na ng mga windsurfer. Bukod dito, marami pang ibang maliliit na baybayin ang isla. Bago naging isang sikat na bakasyunan ang Boracay, ang komunidad nitó ay payak lamang. Pangingisda at pagtatanim ng niyog ang pangunahing hanapbuhay. Ang orihinal na naninirahan dito ay ang mga Ati ngunit nahaluan ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng bansa dulot ng pandarayuhan. Sa pagitan ng 1960 at 1970, naging puntahan ito ng mga taga-Panay. Ngunit noong 1978, nang mabanggit at mailarawan ng isang manunulat na Aleman ang Boracay sa kaniyang aklat hinggil sa Filipinas, naging interesado sa isla ang buong mundo at nagsimula nang puntahan ng mga turista. (AMP) (ed VSA)

bordá
Isang sining ang bordá (may varyant na burdá) ng paglikha ng disenyo sa tela sa pamamagitan ng karayom na may sinulid. Sa Filipinas, kadalasang ginagawang palamuti ang bordá sa kasuotan at mga kagamitang pambahay. Marami sa mga dibuho nitó ang hango sa kalikasan, tulad ng araw, mga bulaklak, dahon, punongkahoy, prutas, baging, at hayop. Sinasangkapan din minsan ang borda ng ibang materyales, tulad ng mga abaloryo at takupis. Para sa karamihan ng katutubong Filipino, malalim ang kahulugan ng bordá bilang disenyo. Bukod sa pagiging palamuti, karaniwan itong sumasagisag sa kanilang kultura at tradisyonal na mga paniniwala. Ang paraan ng pagsuot ng bordá ay halos kasinghalaga rin ng paglikha nitó. May ilan sa kanilang ginagamit ang bordá bilang pananggalang sa masasamâng tao at kaluluwa. Para sa ilang katutubong Filipino, mas kaaya-aya ang magsuot ng mga damit na maraming bordá at abaloryo. Sagisag ito ng kanilang pagiging malapit sa kanilang mga poon. Nagpapahayag din ito para sa kanila ng birtud, katapangan, at tagumpay. Naging higit na tanyag sa ibang bansa ang borda ng Filipinas nang itanghal ni dáting Pangulong Ferdinand E. Marcos ang barong tagalog bilang pambansang kasuotan. Kasunod nitó ang pagtalaga rin sa báro’t sáya bilang pambansang kasuotan para naman sa kababaihan. Kapuwa bordado ang mga kasuotang ito na yari kadalasan sa mamahaling hinabing husi o pinya. Itinuturing na mataas ang uri ng mga bordadong barong, lalo na ang tinatawag na may pinong-pinong bordang kalado, sa Lumban, Laguna at sa Aklan. (RPB) (ed VSA)

Lino O. Brocka
(7 Abril 1939-21 Mayo 1991) Postumong ginawaran ng pagkilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula si Lino O. Brocka noong 1997. Isa siyáng direktor, manunulat at prodyuser ng pelikula. Ang kaniyang mga obra ay kinilala sa Filipinas at sa buong daigdig. Maituturing na mapangahas ang kaniyang paglikha dahil sa paglihis niya sa nakagawiang motibo at pormula ng paggawa ng pelikula. Ipinanganak sa Pilar, Sorsogon kina Regino Brocka at Pilar Ortiz si Catalino Brocka. Nagtapos siyá nang may maraming karangalan sa Nueva Ecija North High School at kasunod nitó’y nakatanggap ng iskolarsyip sa Unibersidad ng Pilipinas. Kumuha siyá ng Bachelor of Arts in English Literature sa UP at patuloy na nag-aral sa Estados Unidos. Namatay siyá sa isang aksidente noong 22 Mayo 1991 sa Lungsod Quezon. Ang una niyang pelikula ay ang Wanted: Perfect Mother ng Lea Productions. Tumabo ito sa takilya kayâ sinundan pa ng Santiago (1970); Tubog sa Ginto (1970); Stardoom (1971); at iba pa. Nagtayo rin siyá ng sariling produksiyon, ang Cine Manila na lumikha ng mga pelikulang pinuri ng mga kritiko gaya ng Tinimbang Ka, Ngunit Kulang (1974) at Tatlo, Dalawa, Isa (1974). Ang pagsangkot ni Brocka sa pagsusulong ng isang lipunang malaya ay hindi lamang sumentro sa paggawa niya ng pelikula. Itinatag niya at pinamunuan ang Free the Artist Movement, na kalaunan ay mas nakilala bilang Concerned Artist of the Philippines (CAP). Nanguna ang CAP sa paglaban sa pagpataw ng sensura ng gobyerno sa pelikula at sa paggigiit ng malayang pagpapahayag. Produkto ng kaniyang makalipunang pananaw ang Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag (1975), Insiang (1977), Ang Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1984), at Orapronobis (1989). Kinilala si Brocka bilang pinakamahusay na direktor ng maraming institusyon sa larangan ng pelikula gaya ng FAMAS, Manunuri ng Pelikulang Pilipino, Film Academy of the Philippines (FAP), Philippine Movie Press Club, Catholic Mass Media at ng taunang Metro Manila Film Festival. Ipinalabas din ang mga obra niya sa internasyonal na eksibisiyon: Insiang (1977), Jaguar (1980), Bona (1981), Bayan Ko: Kapit sa Patalim na pawang ipinalabas sa Cannes Film Festival sa Pransiya. Ang Bayan Ko ay tinanghal na pinakamahusay na pelikula ng British Film Institute. Ang Angela Markado naman ay nagwagi bilang pinakamahusay na pelikula

sa Nantes Film Festival. Kinilala rin si Brocka bilang isa sa sampung pinakamahuhusay na direktor ng dekada 1980 sa ginanap na Toronto Film Festival noong 1986. Tinanggap din niya ang Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature, and Creative Communication Arts (1985), at ang FAP Lifetime Achievement Award (1992), isang taón pagkatapos niyang pumanaw. (RVR) (ed GSZ)

Pédro Bucanég
(sirka 1591-1626) Kinikilála si Pédro Bucanég (Péd·ro Bu·ka·nég) bilang “Ama ng panitikang Iluko” dahil sa kaniyang ambag sa pagsasalin ng mga akdang Espanyol at Latin patungong wikang Iluko. Higit sa lahat, dahil sa pagsasatitik niya ng epikong-bayang Iluko na Bíag ni Lam-áng (Búhay ni Lam-ang), ang unang bersiyon ng naturang epikong-bayan na binubuo ng 294 na saknong at mga 1,500 na taludtod. Tinulungan ni Bucaneg si Padre Francisco Lopez na isalin sa wikang Iloko ang Doctrina Christiana noong 1621, gayundin sa paghahanda ng Arte de la Lengua Yloca (Sining ng Wikang Iluko) noong 1627. Nagsalin siyá ng mga sermon mula sa wikang Latin at Espanyol patungong wikang Iluko at ng mga katutubong awitin at tulang Iluko patungo sa wikang Espanyol. Bilang pagkilála, ang bucanégan—isang debateng patula sa Iluko at itinulad sa balagtásan sa Tagalog—ay ipinangalan sa kaniya noong 1930. Noong 1936, naging bahagi ng Dallang ti Amianan , isang antolohiya ng tulang Iluko ni Leon Pichay, ang kaniyang tulang “Pampanunot ken Patay” (Pag-iisip ng Kamatayan). Nabúhay si Bucaneg noong 1591 hanggang 1626. Misteryoso ang kanyang pinagmulan. Ipinanganak siyáng bulág na Tinggian o Itneg kayâ sinasabing noong sanggol siyá’y ipinaanod sa ilog sakay ng isang kahon at napadpad sa Rio de Abra. Nakita ng isang babae ang kahon at dinalá ang sanggol sa isang Padre Geronimo Cavero, ang koadyutor ni Padre Montoya, kura paroko sa Bantay, Ilocos Sur. Bininyagan siyáng Pedro Bucaneg, at ang apelyido’y nagmula sa katagang “nabukaan nga Itneg” na nangangahulugang “natagpuang Itneg.” Natuto siyá ng Latin at Espanyol mula sa mga paring Agustino sa Bantay. (JGP) (ed VSA)

Antonino R. Buenaventura
(4 Mayo 1904-25 Enero 1996) Pambansang Alagad ng Sining sa Musika, 1989, si Antonino R. Buenaventura (An·to·ní·no Ar. Bu·we·na·ven·tú·ra) ay kompositor, konduktor, at guro. Bilang Kompositor, lumilikha ng mga musikang gumagamit ng mga katutubong himig at tunog. Matapos ang masusing pananaliksik, ibinabatay niya dito ang mga nililikhang obra gaya ng Minuet (1937) na hinalaw sa himig Igorot; Pandanggo sa Ilaw (1936); Echoes from the Philippines (na itinanghal ng PC Band sa Golden Gate Exposition sa California noong 1939); Mindanao Sketches (1947) na gumamit ng himig Manobo; Variations for Piano and Orchestra (1959) likha para sa isang buong orchestra na halaw sa isang katutubong awit sa kabundukan; at Greetings (1978) na para sa isang banda ay batay naman sa Kumintang. Bilang Konduktor, gamit ang mataas na pamantayan ay pinamunuan niya at ibinalik sa kasikatan ang Philippine Army Band (dating Philippine Constabulary Band) sa loob ng 16 na taón. Inilapit ang kanilang musika sa masang Filipino na nanood ng pagtatanghal nitó sa Luneta. Bilang guro, pinanatili niyang buhay ang makabayang tradisyon sa musika sa pamamagitan ng paglalantad sa kanyang mag-aaral sa katutubong musika. Siyá ang pumalit sa pagtuturo sa UP sa pagpanaw ng kanyang guro na si Nicanor Abelardo noong 1934. Nagsilbi rin siyáng direktor ng musika ng UST Conservatory of Music (1961) at UE School of Music and Arts (1964). Ginawaran ng maraming pagkilala at karangalan si Buenaventura: 1951 Band Conductor of the Year, Music Lovers Society; 1961 Republic Cultural Heritage Award for Music; 1971 Araw ng Maynila Cultural Award; 1976 Award of Merit for Oustanding Contribution to Philippine Music mula sa Philippine Army; 1981 Director Emeritus, UE; 1991 Doctor of Humanities, UP; 1995 Diwa ng Lahi Award, Araw ng Maynila. Isinilang siyá noong 4 Mayo 1904 sa Baliuag, Bulacan kina Leocandia Ramirez at Lucino Buenaventura, punòng musikero ng bantog na Spanish Artillery Band ng Intramuros. Sa murang edad, naging mahusay siyáng tumugtog ng klarinete, naging konduktor ng Banda Buenaventura at lumikha ng mga musika. Ikinasal siyá kay Rizalina Esconde, guro ng violin sa UP at biniyayaan ng apat na anak. Natamo niya ang teacher’s diploma (major in science and composition) noong 1932 sa Unibersidad ng Pilipinas Conservatory of Music at post-graduate diploma sa Composition sa ilalim ng Alemang Propesor na si Jeno von Tackacs. Namatay siyá noong 25 Enero 1996. (LJS) (ed VSA)

bugtóng
Ang bugtóng ay isa sa pinamaikling tula sa Filipinas. Karaniwang binubuo ito ng dalawang maikling taludtod at may tugma. Gayunman, may bugtong na mahigit dalawang taludtod at kung minsan ay walang tugma. Ang paksa nitóng pinahuhulaan ay dapat na pambalana, kayâ ang nasusubok dito ang husay humanap ng hambingan para magtila hindi alam ang isang bagay na alam ng lahat. Ordinaryong paksa ng bugtong ang katawan ng tao, gaya sa sumusunod na bugtong tungkol sa mga bahagi ng mukha: “Isang bayabas/ Pito ang bútas.” O kayâ ang kalikasan at kaligiran, gaya ng bugtong na ito sa Bikol tungkol sa niyog: “Si tubig kan langit/ Si langit kan unit.” (Tubig na binálot ng langit/ langit na binálot ng balát.) O ng bugtong na itong Waray tungkol sa mga bituin: “Halu-ag nga kapatagan/ Ginpugasan hin bulawan. (Malawak na kapatagan/ tinamnan ng mga ginto.) Ginagamit itong aliwan at paligsahan kapag may pagtitipon o namamahinga. Nilalaro ito kapag may lamay para sa namatay. Ngunit sa ilang pook, may pamahiin laban sa paglalaro nitó kung gabi o kung kumakain. Ang bugtong ay tinatawag ding paktákon at patugmahanón sa Aklanon, bugtong, paukúkudán, at patukód sa Bikol, antukí sa Higaonon, paktákan o palantí sa Hiligaynon, kabánek sa Ibaloy, burburtiyá sa Iloko, palantû sa Kiniray-a, antoká sa Maranaw, bugtóng sa Pampanggo, bonikéw sa Panggasinense, tigmô sa Sebwano, katakatá at pagtukúd sa Tausug, patitguón o patigó sa Waray. (VSA)

buháwi, buhawì
Ang buháwi ay tumutukoy sa malakas at papaikot na bugso ng hangin na may dalang ulan at kadalasang naglalakbay sa direksiyong kanluran at hilagang-kanluran mula sa Karagatang Pasipiko. Tinatawag itong tornado sa Kanluran. Nabubuo ito kapag umiinit o tumataas ang temperatura ng hangin mula sa lupa at dagat na nagiging dahilan ng pagsingaw ng tubig mula sa karagatan. Sa ganitong paraan nabubuo ang mga kulumpon ng ulap na pinanggagalingan ng mga pagkulog at pagkidlat. Kapag lumamig ang hangin mula sa mga kaulapang may kulog at kidlat, nagsisimulang humalò ito sa mainit na hangin mula sa kalupaan at dito mabubuo ang bugso ng hanging gumagalaw nang paikot hanggang sa lumaki at maging ganap na buhawi. Ang buhawi ay lumilikha ng malalaking alon at nakasisira ng pananim at bahay. Nararanasan ito sa Filipinas at sa iba pang bahagi ng mundo maliban lamang sa kontinente ng Antartika. Pangkaraniwang 12 hanggang 24 na buhawi ang tumatama sa bansa kada taón. Pinakamalalakas ang buhawi noong 14 Hunyo 1990 na tumama sa isang nayon, nagwasak ng umaabot sa 50 bahay, at maraming pininsala; ang buhawi noong 2 Hunyo 1994 na dumaan sa ilang nayon ng Cagayan de Oro at pumatay ng ilang tao; ang buhawi noong 16 Oktubre 1994 na gumulo sa sentro ng ebakwasyon sa San Fernando, Pampanga. Maaaring tumama ang isang buhawi sa anumang lugar sa bansa, lalo na sa mga kalupaaan ng Mindanao at Gitnang Luzon. Subalit ayon sa mga siyentista, parami nang parami ang buhawing nararanasan ng Filipinas, halos apat na buhawi kada buwan, bunsod ng global warming. (AMP) (ed VSA)

búhay-alamáng
Isang kasabihan at ekspresyon ang búhay-alamáng upang ipahayag ang kawalan ng kabuluhan ng búhay ng isang mahirap. Inihahambing ang naturang sitwasyon ng tao sa maliit na alamáng (Acetes spp.), isang lamandagat na hugis hipon, na kapag nahúli at iniahon mula sa tubig ay kumikislot nang malakas at namamatay. Mula ang kasabihan sa salawikaing: Búhay-alamáng: Paglukso, patay. Ang ekspresyon ay tila isang himutok ng nagsasalitâ hinggil sa kawalan ng pag-asa dahil waring wala siyáng nakikitang paraan upang umasenso o lumigaya anuman ang gawing pagsisikap. Sa kabilâng dako, hindi ito purong desperasyon. May kalakip din itong pagtitiwala sa bahalà na, o ang pikitmatang pakikipagsapalaran upang masabi sa sarili na may ginawang mahalaga sa búhay. Upang tulad ng alamáng ay “lumukso” bago namatay. (EGN) (ed VSA)

bulalákaw
Maliliit na partikulo sa loob ng sistemang solar ang bulalákaw at nahuhúli ng paningin sa gabi at kapag nagdulot ng biglang kislap ang pagpasok nitó sa atmospera ng Lupa. Malimit na ipinantutukoy din ito sa tila buntot ng liwanag na gumuguhit sa langit at tulad ng nabanggit na ay bunga ng pagkiskis ng partikulo sa atmospera. Tinatawag din itong “taeng-bituin.” Bahagi ng pinag-aaralan ng mga arkeologo ang koleksiyon ng mga piraso ng bulalákaw na nagtagpuan noon sa Lambak Cagayan. Isang malaganap na paniwala ang pagtingala sa langit kung gabi upang mag-abang ng bulalákaw. Alinsunod sa paniwala, matutupad ang anumang hilingin kapag naisip o nabigkas ito bago maglahò ang kislap ng bulalákaw. Nagiging laro ito ng paligsahan at paliksihan ng paningin sa panig ng mga musmos. Paramihan ng natatanaw na bulalákaw. Isang romansa naman ito ng magkasintahan upang humiling ng magandang hinaharap sa kanilang pag-ibig. (EGN) (ed VSA)

bulangláng
Sa mga Tagalog, ang bulangláng ang pinakapayak na lutuing gulay. Nangangahulugan lámang ito ng paglalagà ng sari-sari’t anumang gulay na maaaring iluto. Bukod sa malinamnam ang mainit na sabaw ay taglay nitó ang lahat ng sustansiya mula sa halamanan ng pamilyang magsasaká. Karaniwang nakatampok sa palayok ng bulanglang ang kangkóng, sítaw, bátaw, patanì, sigarílyas, kalabása, ókra, úpo, patóla. Kahawig na kahawig ito ng laswá ng mga Ilonggo. Kauri din ng bulanglang ang dinengdéng kung hindi ito tinitimplahan ng bagoong at luya ng mga Ilokano. Paboritong agahan ang bulangláng, laswá, at dinengdéng ng mga magsasaká at nais humigop ng mainit na sabaw bago magtrabaho sa bukid. Sa mga Kapampangan, ang bulanglang ay sinigáng sa bayábas. Nakasahog pa rin ang mga nabanggit na gulay, na maaaring dinadagdagan ng gábe o mustasa, tinatampukan ng hipon, isda, o karne, at pinaaasim sa hinog na bunga ng bayabas. Isang espesyal na putahe ito kung Linggo at nagtitipon ang pamilya sa Pampanga. (DRN) (ed VSA)

buláwan
Ang buláwan ay tawag sa gintô ng mga Sebwano, Hiligaynon, Bikolano, Tagalog, at iba pang pangkatin sa Filipinas. Ang “gintô” ay sinasabing isang salitâng Tsino. Tinatawag itong balítok sa mga wika ng Hilagang Luzon. Tumutukoy ito sa isang uri ng metal na kulay matingkad na dilaw, hindi kinakalawang, at nahuhubog. Dahil sa katangiang ito, ginagamit ang bulawan sa paggawa ng mga alahas, palamuti, at bilang daluyan o konduktor ng koryente. Bilang elementong kimikal sa talaang peryodiko, may sagisag itong Au (mula sa Latin na aurum) at may atomikong bilang na 79 at timbang na 196.967. Hindi naihahalò o nagkakaroon ng reaksiyon ang ginto sa maraming kimikal. Ngunit maaari itong matunaw sa cloro, floro, aqua regia o nitrohydrochloric acid, at cyanide. Natutunaw din ito sa mercury na siyáng ginagamit sa mga minahan. Isang kemikal ang hindi nakatutunaw ng ginto bagaman nakatutunaw ito ng maraming ibang uri ng metal. Ito ang nitric acid. Ginagamit itong pansubok sa pagiging tunay ng ginto. Ang pangunahing mga distrito ng minahan ng ginto sa Filipinas ay matatagpuan sa Paracale, Camarines Norte, Masbate, Bulacan, Surigao, at Masara, Mindanao. Ngunit ang may pinakamalaking reserba ng ginto ay matatagpuan sa Baguio. Ang ginto ay ginamit bilang salapi ng ating mga ninuno sa porma ng mga gintong butil na tinawag na pilonsitos. Ito ay nanggaling sa salitang pilon, isang lokal na sisidlan na kawangis ng sinsilyong ito. Ang Casa de Moneda de Manila ang unang nagbubo noong 1861ng gintong sensilyo na tinawag na Isabelinas at Alfonsinos. Ang mga sensilyong ito ay may nakalimbag na salitâng “Filipinas.” Sa kasalukuyan, ang ginto ang ginagamit na batayan ng sirkulasyon ng salapi sa bawat bansa. Ito ay ginagamit din ng pamahalaan, sa pamamagitan ng bangko sentral, na pantuos sa pagkakaiba-iba ng paglalabas at ng pagangkat ng mga kalakal ng bawat bansa. (AMP) (ed VSA)

Bulkáng Híbok-Híbok
Aktibong bulkan sa pulo ng Camiguin ang Bulkáng Híbok-Híbok na may taas na 1,332 metro at paanan na 1,000 metro ang diyametro. Kilala rin ito sa tawag na Catarman. Isa ang bulkang ito sa mga aktibong bulkan sa Filipinas at bahagi ng “Pacific Ring of Fire.” Mayroon itong anim na bukal na naglalabas ng mainit na tubig, ang Ardent, Tangob, Bugong, Tagdo, Naasag, at Kiyab. May tatlo rin itong bunganga na pinagmulan ng mga nakaraang pagsabog, ang Kanangkaan (1948), Itum (1949), at Ilihan Crater (1950). Dahil rin sa mga nakaraang pagsabog nitó, nabuo ang Mt. Vulcan na nása hilagang kanluran ng HibokHibok; ang Mt. Mambajao na nása gitna ng Camiguin at kasalukuyang namiminahan ng asupre; ang Mt. Ginsiliban na nása pinakatimog na bahagi ng Camiguin; at Mt. Uhay na nása hilaga ng Mt. Ginsiliban. Nabuo rin ang Campana Hill, Minokol Hill, Tres Marias Hill, Mt. Carling, Mt. Tibane, at Piyakong Hill. Unang pumutok ang Bulkang Hibok-Hibok noong 1827 at nasundan noong 1862. Parehong nagdulot ng malaking pinsala sa mga taniman ang mga pagsabog na ito. Noong Enero 1871, ang mga lindol at pagyanig sa ilalim ng bulkan na tumagal hanggang Abril ay sinundan ng pagbuga ng mga bato at abo na sumira sa kalupaan at mga plantasyon sa dulong hilaga ng Camiguin. Sa pagsabog na ito nabuo ang isa sa mga simboryo ng bulkan na tinawag na Vulcan at umabot ang taas nitó sa 457 metro. Ang kasalukuyang simboryo ng bulkan ay nagbuga ng maputing usok ng asupre na sumisira sa mga pananim sa lugar. Tumagal ang ganitong aktibidad ng bulkan hanggang 1902 at naulit ang ganitong pagbuga ng asupre noong 1948 na nagresulta sa pagkakaroon ng panibagong butas sa bulkan. Nang sumabog ito noong 4 Disyembre 1951, may 500 katao ang namatay, nasunog ang maraming bahay, at maraming nasirang pananim. Dahil sa pagiging aktibo, maraming naninirahan sa paligid nitó ang lumipat sa ibang kalapit na pulo. (AMP) (ed VSA)

Bulkáng Kanlaón
Ang Bulkáng Kanlaón ang tinaguriang kambal na bulkan sa pulo ng Negros, sa pagitan ng Negros Oriental at Negros Occidental at nása layòng 36 kilometro mula sa Bacolod. Ito ang pinakamataas na bulkan sa pulô ng Negros, may taas na 2,465 metro ang isa at 2,200 metro naman ang ikalawa. Aktibo o buháy ang una, ang Lugud crater, samantalang ang ikalawa, ang Margaja Valley ay isa nang lawa na dinadayo ng mga turista. Ang bulkan ay may tatlong bukal na pinanggagalingan ng mainit na tubig na nása dalisdisan nitó, ang Mambucal Hot Spring, Bucalan Hot Spring, at Bungol Hot Spring. Bahagi ito ng tinatawag na “Negros Volcanic Belt” at kilalá rin sa tawag na “Cuernos de Negros.” Marami ring talon ang nása loob ng kagubatan ng Kanlaon, kabílang ang Talong Sudlon at ang Talong Quipot. Ang Bulkang Kanlaon ay 25 beses nang sumabog mula 1866. Ang unang naitalâng pagputok nitó ay noong 1866 at sinundan ng iba pang mga pagsabog ng mga sumunod na taón. Pinakamalakas ang pagputok noong 1893 nang umulan ng abo at umagos ang kumukulong putik sa kinalalagyan ngayon ng Lungsod San Carlos. Ang pinakahuling pagputok nitó ay noong 1985. Subalit noong 1996, bigla itong nagbuga ng mga bato at abó na ikinamatay ng tatlong mountain hikers na naipit sa tuktok ng bulkan. Ginawang pambansang parke ang paligid nitó noong 8 Agosto 1934 at may lawak na 246 kilometro kuwadrado ang nasasakop. Ang parke ay may masukal na kagubatan at dinadayo ng mga mountain climbers. Maraming uri ng hayop at bulaklak ang makikita sa nasasakupan ng parke. Ang parke ay may mahigit 40 kilometrong daanan papunta sa pinakatuktok ng bulkan. Ang pinakamaiksing ruta paakyat ng bulkan ay ang daang Masulog na may walong kilometro ang layò at ang pinakamahabàng ruta ay ang daang Wasay na aabutin ng dalawang araw na paglalakad sa masukal na kagubatan ng parke bago makarating sa tuktok ng bulkan. (AMP) (ed VSA)

Bulkáng Mayón
Kilalá sa kahanga-hangang halos perpektong hugis apa ang Bulkáng Mayón. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng lalawigan ng Albay at may 300 kilometro sa timog-silangan ng Maynila. Ang Bulkang Mayon ang pangunahing halina ng rehiyong Bikol. Ito ay may taas na mahigit 2,462 metro mula sa ibabaw ng dagat at may lawak na 314.1 kilometro kuwadrado na sumasakop sa mga bayan ng Camalig, Malilipot, at Sto. Domingo. Ang Bulkang Mayon ay isang kompositong bulkan at nabuo sa pamamagitan ng pagkakapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Ang pangalan ng Bulkang Mayon ay halaw sa maalamat na kuwento ni Daragang Magayon. Sa nakalipas na 400 taón, ito ay nagkaroon ng 47 beses na pagputok. Ang unang naitalâng pagputok ng bulkan ay noong 1616. Noong Pebrero 1, 1814, naitalâ sa kasaysayan ang pinakamabagsik na pagsabog nitó nang matabunan ng lahar at lava ang buong bayan ng Cagsawa, Camalig, at Budiao at may 1,200 mamamayan ang sinasabing namatay, samantalang gumuho naman ang kalahati ng Guinobatan. Nagsisilbing palatandaan ng nalibing na mga bayan ang kampanaryo ng simbahan ng Cagsawa na matatagpuan sa Barangay Busay sa munisipalidad ng Daraga, Albay. Noong ika-23 ng Hunyo 1897, naitalâ ang pinakamatagal na pagsabog ng bulkan na umabot ng pitóng araw na walang tigil sa paglabas ng apoy at lava. Ang hulíng malakas na pagsabog nitó ay noong 1993 at 77 katao ang namatay dahil sa ibinugang mainit na abo nitó. Ang pinakahulíng pagsabog ng bulkan ay naganap noong Pebrero 24 hanggang Marso 7, 2000. (AMP) (ed VSA)

bul-úl
Ang bul-úl ay estatwang kahoy na anyong-tao at kumakatawan sa diyos ng palay ng mga Ifugaw. Kung minsan sinasabing kinakatawan din nitó ang espiritu ng mga yumaong ninuno. Isang mahabàng serye ng mga ritwal ang kailangang idaos upang pumasok sa estatwa ang espiritu. Nagsisimula ito sa paghanap sa gubat ng kahoy na lililukin at nagtatapos sa isang marangyang pista. Sa pistang ito idinadaos ang konsekrasyon ng nililok na estatwa na isinasagawa ng mga mambunong (katutubong eksperto sa pagdaraos ng ritwal). Hanggang hindi ito natatapos, hindi maituturing na sagrado ang bul-ul. Sapagkat magastos ang pagdaraos ng mga kailangang ritwal at pista, ang mga may malalawak na taniman ng palay lamang ang may kakayahang mag-ari ng bul-ul. Ang mga bul-ul ay kailangang bigyan ng iba’t ibang alay at hingan ng tulong upang pangalagaan nila ang mga tanim, tiyakin na magiging masagana ang ani, at bantayan ang mga inaning palay. Ginagamit din ang bul-ul sa mga ritwal na walang kinalaman sa mga gawaing agrikultural. Sa mga bagay na ginagamit sa mga tradisyonal na ritwal ng Ifugaw, ang bulul marahil ang pinakamahalaga. Karaniwang pares ang mga estatwa—isang lalaki at isang babae na nakatayo o nakatalungko. Makikíta sa mga bul-ul ang iba’t ibang estilo ng lilok. Batay sa estilo, malaláman kung saang parte ng Ifugao nagmula ang bul-ul. Ang mga nakaupong bul-ul ay karaniwang makikíta sa BanaueMayoyao, at ang mga nakatayo naman ay makikíta sa Hapao. Sa Kiangan, mayroong “nagsasayaw” na bul-ul na doon lamang matatagpuan. Sinasabi na iilan na lamang ang sagradong bul-ul na natitirá sa Ifugao. Ang mga bul-ul na ipinagbibili sa mga turista o kolektor ng souvenir ay mga produktong komersiyal na walang kabuluhan sa ritwalistikong búhay ng mga Ifugaw. (DLT) (ed GSZ)
Retrato ni Maria Armie Sheila Boco Garde

Bundók Apò
Pinakamataas na bundok sa Filipinas ang Bundók Apò na nása mga lalawigan ng Davao del Sur at North Cotabato, at may layòng 32 kilometro mula sa bahaging kanluran ng Lungsod Davao. May taas itong 2,954 metro (9,690 talampakan). Bagaman isa ring bulkan, wala pang naitatalâng pagputok níto. Ang Bundok Apo ay patag sa ibabaw, na may tatlong taluktok. Sa bahaging timog, sa ibabâ ng bunganga ay may uka o vent na nilalabasan ng singaw na asupre. Tinatawag din itong Sandawa (Bundok ng Asupre) ng mga táong naninirahan sa paanan nitó. May anim na katutubong pangkating nagtuturing sa Bundok Apo bilang sagradong lupain: ang mga Manobo, Bagobo, Ubos, Atas, Kalagan, at Tagakaola. Sa lugar na ito nilá sinasamba si Apo Sandawa na kinikilála niláng dakilang ninunong ama o apò at pinagmulan ng pangalan ng bundok. Ang bunganga ng bundok na may 500 metrong lawak ay nagsisilbing isang malaking lawa, ang Lawang Venado, na pinagkukunan ng enerhiyang heotermal. Ang Mindanao Geothermal Production Field, na nása barangay Ilomavis sa Lungsod Kidapawan, North Cotabato, ang pinagmumulan ng koryenteng ginagamit sa Kidapawan at mga karatig lalawigan. Noong 1936, idineklara ang Mt. Apo National Park na may 80,864 ektarya sa paligid ng bundok, upang mapangalagaan ang maraming dipangkaraniwang hayop at halamang matatagpuan dito. Makikita rin dito ang pinakamalaking agila sa mundo—bánoy o Philippine Eagle, ang pambansang ibon ng Filipinas. Mayroong 270 uri ng mga ibon na naninirahan sa kagubatan ng bundok at 100 sa mga ito ay tanging sa bansa lamang matatagpuan. Dahil dito, isa ang Bundok Apò sa UNESCO World Heritage Site. (AMP) (ed VSA)

Bundók Aráyat
Nag-iisang bundok sa kapatagan ng Gitnang Luzon at matatagpuan sa lalawigan ng Pampanga ang Bundók Aráyat. Ang kanlurang bahagi nitó ay nasasakupan ng bayan ng Arayat hábang ang hilagang bahagi ay nása bayan ng Magalang. Walang naitalâng pagsabog nitó at ngayon ay isa na itong patay na bulkan na may taas na 1,030 metro. Nalilibot ang bundok ng malawak na bukirin ng tubó at palay. Sa ibabaw nitó ay makikita ang pabilog na bunganga ng bulkan na may mahigit dalawang kilometrong lawak. Ito ay may dalawang taluktok, ang North Peak at ang Pinnacle Peak. Sa kanlurang tuktok nitó ay mamamalas ang magandang tanawin ng Gitnang Luzon, lalo na ang Ilog Pampanga at ang mga kabundukan ng Zambales at Bataan hábang sa bahaging silangan nitó ay matatanaw ang mga hanay ng kabundukang Sierra Madre. May tatlo hanggang apat na oras ang lalakarin upang makarating sa pinakatuktok ng bundok. Noong 1933, itinayô ang Mt. Arayat National Park na kinapapalooban ng mga natural na lawa, pook pasyalan, at daanan paakyat sa tuktok ng Arayat. Mayroon itong 3,715 ektaryang sakop na kalupaan na itinalaga para sa eko-turismo upang mapangalagaan ang natural na kaayusan ng lugar. Pinaniniwalaan itong isang misteryosong bundok at maalamat na tahanan ng diwatang si Mariang Sinukuan na siyáng nagpoprotekta sa lahat ng uri ng halaman at hayop ng kabundukan. May kuwentong-bayan na kapatid siyá nina Mariang Makiling sa Bundok Makiling ng Laguna at Mariang Banahaw sa Bundok Banahaw ng Quezon. Tulad ng dalawa, diwata siyá ng mga tula at awit. May pangkating Rizalista na nagtatagpo sa paanan ng bundok tuwing Disyembre at sumasamba kay Mahal na Inang Birhen Sinukuan, na pinaniniwalaang babaeng reengkarnasyon ni Rizal. (AMP) (ed VSA)

Bundók Makíling
Ang pinakamalaking pambansang parke ng Filipinas at maalamat na tahanan ng diwatang si Mariang Makiling, matatagpuan ang Bundók Makíling sa lalawigan ng Laguna. Kilala rin ito sa pangalang Bundok Maquiling. Ito ay isang di-aktibong bulkan na may taas na 1,143 metro mula sa ibabaw ng dagat at may kabuuang sukat na 4,250 ektarya. Maraming maalamat na kuwento ang bumabalot sa bundok na ito, lalo na ang kuwento tungkol kay Mariang Makiling na pinapaniwalaang diwatang nagbabantay sa bundok. Ang hugis ng bundok na ito ay sinasabing ang nakahigang posisyon ng diwata. Ang Bundok Makiling ay paboritong lugar na dinadayo ng mga umaakyat sa bundok. Ang dalawang pangunahing daan paakyat dito ay nagsisimula sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos (UPLB) sa bahagi ng College of Forestry at sa Barangay San Miguel, Sto. Tomas, Batangas. Ang daan mula sa UPLB ay kadalasang umaabot ng apat hanggang limang oras para marating ang pinakatuktok nitó. Sa bahagi naman ng Sto. Tomas, na mas mahirap ang daan, umaabot ng anim hanggang pitóng oras bago makarating sa tuktok ng bundok. Halos 3,000 iba’t ibang uri ng halaman ang matatagpuan dito kung kayâ paborito itong estasyon ng pananaliksik ng mga naturalista. Ito ay idineklarang mahalagang lugar para sa mga ibon noong 23 Pebrero 1933 batay sa Proklamasyon Bilang 552 at Bilang 692 noon namang 2 Agosto 1960. Nasasakop nitó ang Mt. Makiling National Park na may sukat na 3,328 ektarya. Ang kagubatan sa bahaging ibabâ nitó ay nahawan na o kinaingin upang pagtaniman ng mga produktong pangkalakal, subalit nananatiling may magandang kalidad ang natitira nitóng gubat sa palibot ng harding botanikal at sa loob ng kampus ng Unibersidad ng Pilipinas. Maraming pananim sa dalisdis ng Bundok Makiling, katulad ng niyog, kape, saging, pinya, mga sitrus, mais, at mga gulay. Ang kagubatan ng Bundok Makiling ay nagbibigay ng mahalagang balanse sa sistema ng ekolohiya ng lalawigan. Pinipigilan nitó ang pagguho ng lupa at nagsisilbing santuwaryo ng mga ilahas na hayop. Ito ay mahalaga ring imbakan ng tubig na pinagmumulan ng mga natural na bukal ng mainit na tubig para sa mga pook paliguan na isang pangunahing atraksiyon at malaking negosyo sa Laguna. (AMP) (ed VSA)

bungkakâ
Kabílang ang bungkakâ sa mga instrumentong kawayan na nása kategoryang baser at makikita ito sa Hilagang Luzon. Gawa ito sa isang túbo ng kawayan. Hinahati ang itaas na bahagi hanggang bandang ibaba. Sa paghahati, nagiging pahabâng letrang U ang itaas na magkabilâng bahagi nitó. Ang resulta—isang espasyo sa pagitan ng dalawang nabuong hugis. Sa bandang ibaba ng túbo ay may maliit na butas na tinatakpan ng kanang hinlalaki upang mabago ang kalidad ng tunog at tono ng instrumento. Para patunugin, gamit ang kanang kamay, inihahampas sa matigas na bahagi ng palad ng kaliwang kamay ang itaas na bahagi ng bungkaka. Sa isang pangkat ng bungkaka, maririnig ang umuulit na melodiya na epekto ng sabay-sabay na pagpapatunog ng instrumento. Ito ay resulta ng magkakaibang timbre, yari, kapal o nipis ng kawayang ginamit, at pagsabay sa kompás ng pagsara at pagbukas ng butas na inukit sa bungkaka. May iba’t ibang tawag sa bungkaka ang mga etnolingguwistikong grupo sa hilagang Filipinas. Bungkaka ang tawag dito ng Itneg, avakko para sa Bontok, balimbing para sa Kalinga. Tinatawag din itong bilbil ng mga grupong Itneg, Tinggian at Kankanaey. Pahinghing ito para sa Isneg, pakkung sa Ibaloi, at ubbeng naman sa Kalinga. (RCN) (ed GSZ)

bunót at walís
Sa kabilâ ng modernong vacuum cleaner, pinagtitiwalaan pa ring panlinis sa sahig ng karaniwang bahay ang tambalang bunót at walís. O kahit may vacuum cleaner na, lagi pa ring may walís para sa mga gawaing hindi káya ng mekanisado at de-koryenteng panlinis. May mga singit na maaari lámang kutkutan ng dumi sa tulong ng walís. Ang sabi din, mas makintab ang sahig na “binunót.” Dalawang klase ang walís. Una, ang walís tingtíng na tinaliang kumpol ng mga tingting o tadyang ng dahon ng niyog. Mainam itong pangkutkot ng dumi, pang-alis ng agiw, at karaniwang panlinis sa bakuran. Ikalawa, ang walis tambô na tila pamaypay na kumpol ng mga dahon ng tambó o talahib at nilagyan ng tagdan. Mainam itong panlinis ng alikabok at maliliit na dumi sa sahig. Ang bunót ay kalahati ng balát at báo ng bunga ng niyog. Binubusalsal ang balát upang magmukhang ulo ng sepilyo. Pataob na inilalapat ito sa sahig, “sinasakyan” ng naglilinis, at ulit-ulit na pinadadaan sa bagong wax na sahig hanggang kumintab. Sinusundan pa ito ng pagpapadaan ng tuyô at malinis na basáhan upang maalis ang mugmog ng bunót at lalong kuminis at magningning ang kintab. Bukod sa múra, ang paglilinis sa pamamagitan ng bunót at walís ay matipid dahil hindi kumukonsumo ng elektrisidad at mahusay na ehersisyo. (GCA) (ed VSA)

buntál
Ang buntál ay isang pino at kulay putîng hibla o himaymay na ginagamit sa paggawa ng sombrerong buntál sa Filipinas. Mula ang himaymay na ito sa katawan at dahon ng halamang palma talipot (Corypha umbraculifera). Ang halamang ito ay kilalá rin sa tawag na bulé o buri. Kabílang ito sa pitong species ng palma na likás sa India, Malaysia, Indonesia, Filipinas, New Guinea, at sa hilaga-silangang Australia. Malalaki ang palmang ito, hugis pamaypay ang mga dahon, at may matatag na tangkay na may sukat na 2-5 metro ang habà. Lumalaki ito nang 20-40 metro, may diyametro ang punò na 1-2.5 metro. Lahat ng species ay namamatay pagkatapos makapamulaklak. Mabagal lumaki ang halamang ito, maaaring mangailangan ng maraming taón bago magkaroon ng malaking punò. Ayon sa kasaysayan, ginagamit sa maraming kultura sa timog-silangang Asia ang mga dahon ng palmang talipot na sulatan, sa pamamagitan ng panulat na yari sa bakal, upang makagawa ng mga manuskrito. Ang dagta ay ginagamit sa pagawa ng isang uri ng alak. Kabílang sa produkto na mula sa dahon ng talipot ang tradisyonal na páyong. Ang mga dahon ay karaniwang ginagamit sa pagdadatig o paglalála ng mga basket, sombrero, at iba pa. May tatlong klase ng himaymay ang maaaring makuha mula sa halamang ito: ang buri, raffia, at buntal. Naging popular ang paggawa ng sombrerong buntal sa Bulacan. Nagkaroon ng negosyo sa paglalála ng buntal at paggawa ng buntal hat, handbag at iba pa. Magandang halimbawa nitó ay ang Baliuag Buntal Enterprises. Naging bahagi na ng turismo ng Bulacan ang pagdaraos ng taunang Buntal Hat Festival upang ipakita ang magagandang sombrerong buntal, kasama na rin ang paggunita sa una at orihinal na buntal hat na ginawa pa noong 1910—noong panahong nauso sa buong mundo ang sombrerong buntal at mahigpit na naging kakompetensiya ng panama hat. (SSC) (ed VSA)

Jose Burgos
(9 Pebrero 1837-17 Pebrero 1872) Si Jose Burgos (Ho·sé Búr·gos) ay lider ng kilusang sekularisasyon, iskolar, manunulat, at isa sa tatlong paring martir (tinaguriang “Gomburza”) na binitay ng mga Espanyol kaugnay ng Pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Ipinanganak siyá noong 9 Pebrero 1837 sa Vigan, Ilocos Sur kina Jose Tiburcio Burgos, isang Espanyol na opisyal, at Florencia Garcia, isang Filipina. Nag-aral siyá sa Colegio de San Juan de Letran at Unibersidad ng Santo Tomas, at nagpakadalubhasa sa pilosopiya at batas ng simbahan. Ang kaniyang dunong at galing ang naging dahilan ng mabilis niyang pag-akyat sa organisasyon ng Simbahang Katoliko. Nasaksihan niya ang pagwawalang-bahala ng mga pari at pagtangkilik ng mga ito sa pang-aapi ng mga Espanyol kayâ sa isang bukás na liham na isinulat niya noong 1871 ay binatikos niya ang labis na kapangyarihan ng simbahan at humingi ng reporma para sa mga Filipino. Isa sa mga sinasabing akda niyang hindi nalimbag ay ang Mi Obrita Novela Historica La Loba Negra (1871) na inihandog niya sa lahat ng inang Filipino. Dahil sa kaniyang mga pagtatanggol sa karapatan ng mga paring sekular (ang mga Filipino) ay marami siyáng naging tagahanga bagaman kinainisan sa kabilâng dako ng mga paring regular (ang mga fraile). Naging kampeon siyá ng kilusan para sa sekularisasyon. Dumating ang pagkakataon ng mga fraile nang maganap ang Pag-aalsa sa Cavite noong 20 Enero 1872. Isinangkot at ipinahúli ang maraming mayaman at edukado. Marami sa kanila ang ipinatapon sa Guam, Marianas, at ibang pook. Isa si Burgos sa isinangkot, at kasáma ang mga paring Mariano Gomes at Jacinto Zamora ay mabilisang nilitis at hinatulan ng bitay sa pamamagitan ng garote. Binitay silá sa Luneta noong 17 Pebrero 1872. Si Burgos ay malapit na kaibigan ni Paciano Rizal, kuya ni José Rizal. Lubhang nakaapekto kay Rizal ang pagbitay kina Burgos at nagsilbing isa sa mga inspirasyon ng pagkakasulat ng El filibusterismo. Ilang bayan ang ipinangalan kay Burgos, at ilan dito ay matatagpuan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, La Union, Pangasinan, Quezon, Southern Leyte, at Surigao del Norte. (PKJ) (ed VSA)

Guhit ni Sammy Sta. Maria

búro
Ang búro ay isang paraan ng preserbasyon sa isda, karne, gulay, o hilaw na prutas sa pamamagitan ng asin, angkak, salitre, at ibang panghalò. Hanggang ngayon, itinitinda sa lansangan ang mga garapon ng búrong hilaw na mangga o santol na nakababad sa tubig na may asin. Ang mga dahon ng mustasa ay medyo ibinibilad, pinagkukumpol, at ibinababad sa bangang may hugas bigas at asin para maging búrong mustasa. Isang mahirap na trabaho ang pag-iipon upang ilamas sa kanin ang tabâ ng búrong talangka. Sa Pampanga, ang búro ay hipon o isdang may kanin at inasnan. Tinatawag din itong bálawbálaw o bálubálo. “Binubulok” ito nang ilang araw. Bago kainin, iniluluto ito at nilalagyan ng kaunting sabaw. Maaari itong kainin sa pamamagitan lámang ng paglalamas sa kanin o kayâ, tulad ng karaniwang gawain ng mga Pampanggo, gamiting sawsawan. Sa mga Pampanggo, ang búro ay pinakamasarap na sawsawan ng inihaw na dalág o pritong hitò. Inihahanda ang naturang isda na naliligid ng ensaladang sariwang dahon ng mustasa o pinakuluang ampalaya, okra, talong, at sigarilyas. Isinasawsaw ang isda at ang mga pinukuluang gulay sa búro. Samantala, maaaring ibálot na parang lumpiya ang búro sa dahon ng mustasa. (DRN) (ed VSA)

butandíng
Ang butandíng o Rhincodon typus ang pinamakamalaking isda sa mundo. Lumalaki ito hanggang 20 metro at may bigat na hanggang 34 tonelada. May mga natatanging mapusyaw na batik at guhit sa tagiliran ang katawan ng isang butanding. Nagkakaiba ang pattern na ito sa bawat uri ng butanding kayâ maaari itong gamitin na pagkakilanlan ng uri nitó. Kitang-kita rin ang mga pahabâng gulugod sa likod ng katawan nitó. Malapad at sapad ang ulo ng isang butanding na may malaking bibig sa dulo at maliliit na bibig at ngipin. Dahil sa kaliitan ng bibig at ngipin nitó, hindi nakakakagat o nakangunguya ang butanding. Sinisipsip at sinasalà lang nitó ang pagkain mula sa tubig. Mumunting hayop (1 milimetro), maliliit na isda, pusit, alimango, at hipon ang karaniwang kinakain ng isang butanding. Gumagalà ito sa iba’t ibang dako ng mundo, kabílang ang malamig at mainit na mga dagat ng Atlantiko, Pasipiko at Indian, sa pagitan ng latitude na 30oHilaga at 35oTimog at paminsan minsan, sa 41oHilaga at 36.5oTimog. Mabagal lumaki ang isang butanding at maraming taón ang lilipas bago dumating ang panahon ng panganganak nitó. Mahahabà rin ang patlang sa pagitan ng panganganak. Pagkapanganak, pinababayaan na ng ina ang mga anak na mamuhay nang sarili. Dahil sa mababàng kakayahang magparami at mabuhay, malamang labis na bumabà o maubos ang populasyon ng butanding sa mga susunod pang taón. Tradisyon sa Filipinas ang panghuhúli ng butanding. Sa kasamaang palad, mas dumami ang mga nanghuhúli noong tumaas ang pangangailangan para sa laman, balát, at palikpik nitó. Upang labanan ang pagkaubos, nagpalabas ang Filipinas ng mga batas na nagbabawal ng malawakang pagpatay at pangangalakal ng butanding. Sa katunayan, idineklara ng pamahalaang lokal ng Donsol, Sorsogon na santuwaryo ng butanding ang buong lawak ng kanilang baybayin. Sa ngayon, dinadayo ng mga turista ang Donsol dahil dito. (MA) (ed VSA)

buwáya
Ang buwáya ay isang reptil na kabílang sa pamilya Crocodylidae (minsan ay nauuri bilang subpamilya Crocodylinae). Tinatawag din na buwáya ang mga kabílang sa orden ng Crocodylia gaya ng mga kabílang sa pamilya Alligatoridae (alligator at caiman) at pamilya Gavialidae (gharial). Ang buwaya ay naninirahan sa mga matubig na lugar, lalo sa mga ilog na mabagal ang agos. Matatagpuan ito sa malaking bahagi ng tropikal na rehiyon ng Asia, Aprika, Amerika, at Australia. Maaari itong kumain ng iba’t ibang uri ng buháy at patay na mga mammal at isda. Ang ilang uri, tulad ng Crocodylus porosus (Saltwater Crocodile) ng Australia at ng mga pulô sa Pasipiko, ay napag-alamang nakikipagsapalaran at tumatawid ng mga dagat. Ang buwaya ay tinatawag na dapi, dapu sa Kapampangan, krokodilyo (Espanyol: cocodrilo), at vaya sa Ibanag. Sa wikang Tagalog, kapuwa tinatawag na buwaya ang mga miyembro ng Crocoylidae (crocodile) at Alligatoridae (alligator). Sa Bibliya, tinagurian itong isang leviathan. Ang Crocodylus mindorensis ay isang buwáya na matatagpuan lámang sa Filipinas. Sa Ingles, tinatawag din itong Philippine crocodile (buwáya ng Filipinas), Mindoro crocodile (buwáya ng Mindoro) at Philippine freshwater crocodile (buwáyang tubig-tabang ng Filipinas). Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpatay ng buwáya, dahil lubhang nakababahala ang mabilis na pag-unti nitó. Ang pinakamalaking buwáya (Crocodylus porosus) sa buong mundo ay nahúli sa Filipinas noong Setyembre 2011. Ang habà nitó ay 21 piye (6.4 metro) at tumitimbang ng 1,075 kilo (2,370 libra). Mas malaki ito sa napatalâng dáting pinakamalaki sa buong mundo na may habàng 17 piye. Nahuli ito sa Nueva Ira, Bunawan, Agusan del Sur. Ito ay isang lalaki, tinatayâng mahigit nang 50 taóng gulang, kayâ pinangalanang “Lolong.” (SSC) (ed VSA)

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->