P. 1
Masama at Mabuting Naidudulot Ng Makabagong Teknolohiya Sa Kabataan

Masama at Mabuting Naidudulot Ng Makabagong Teknolohiya Sa Kabataan

4.76

|Views: 203,946|Likes:
Published by esquivelazzej
DOWNLOAD HERE: http://adf.ly/ZrxfI
==========
"Masama at Mabuting Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Kabataan"
DOWNLOAD HERE: http://adf.ly/ZrxfI
==========
"Masama at Mabuting Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Kabataan"

More info:

Categories:Types, School Work
Published by: esquivelazzej on Jan 20, 2009
Copyright:Traditional Copyright: All rights reserved

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
See more
See less

12/15/2015

ESQUIVEL I-BSCOE / EE MASAMA AT MABUTING NAIDUDULOT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MGA KABATAAN Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral

. Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphone o di kaya’y makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang ito na hatit ng teknolohiya ay maaaring magdulot masama at mabuting epekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring magdulot ng mabuting epekto dahil ang laptop at cellphone ay magagamit pandagdag sa kaalaman ng mga mag-aaral. Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod at PSP sa kadahilanang maaari itong maging sanhi ng pagkatamad ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ang maglaro na lamang sila buong hapon imbis na mag-aral. Isa sa mga patok na gamit teknolohiya ngayon ay ang cellphone. Ito ang isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain kapag ginagamit. Marami rin itong modelo na mas lalong naghihikayat sa mga kabataan upang bilhin at tangkilikin. Isa sa mga features ng cellphone ay ang usong-usong text messaging. Sa ngayon kasi ito na ang pinaka-mabilis na komunikasyon. Naipapadala sapamamagitan nito ang lahat ng gusto mong sabihin sa iyong kausap kahit saan at kahit kailan. Ang cellphone din ay mayroon na ngayong multimedia. Na kung saan pati litrato ng mga tao ay pwede na rin maipadala sa kausap nito. Talagang marami nang magagawa ngayon kapag mayroon kang cellphone. Lalo na ngayon na kung anu-ano ang mga nauuso na features ng mga lumalabas na mga bagong modelo nito. Nandyan na ang tv phone na kung saan live mong mapapanood ang bawat palabas sa telebisyon. Ang I-Phone na kung saan all in one cellphone na ang gamit. Mayroong i-pod, internet, at telepono sa iisang modelo. At video phone na kung saan magagamit mo ito na parang video camera. Ito ang mga ilang positibong bagay na naidudulot ng pagkakaroon ng cellphone. Pero mayroon din naming negatibo itong dala sa bawat isa sa atin. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, nagiging dahilan o mitsa na ng buhay natin ang cellphone. Marami na kasi ang mandurukot na gagawin ang lahat makuha lang ang kagamitan na ito. Madali kasing mabenta. Isa pa sa mga negatibong bagay ay ang pagkasira ng kinabukasan ng mga kabataan. Sa cellphone kasi lagi napupunta ang halos lahat ng oras nila na sana’y sa pag-aaral na lang. ginagamit kasi ang cellphone sa hindi mabuting paraan kagaya na lamang ng panliligaw. Madali kasi na paraan ang naidudulot nang paggamit ng cellphone. Ang pangalawang patok na gamit teknolohiya ay ang kompyuter. Halos lahat ata ng mga tahanan ay mayroong kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga kabataan ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay ng internet. Alam naman nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayon sa internet. Bukod sa mga libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag ng impormasyon. Ang kompyuter din ay mayroong mga Microsoft Word, Powerpoint, Excel at marami pang iba na tumutulong sa paggawa ng mga research work, reports sa eskwelahan o trabaho. Mas napapabilis kasi ang paggawa ng mga sulatin kapag kompyuter ang ginamit. Ang kompyuter din ay nagagamit sa mga paglalaro ng mga video games. Ito’y patok na patok lalo na sa mga kabataan. Nadadownload na kasi ang halos lahat ng mga laro sa kompyuter kaya maraming

kabataan ang nahihikayat na maglaro nito. Ngunit, may masamang epekto rin ang paggamit ng kompyuter. May mga kabataan na masyadong nalululon sa mga gamit nito kaya madalas ay puro laro na lamang sila at nakakalimutan na ang pag-aaral. Ang iba din naman ay masyado na ring dumedepende sa pagkuha ng impormasyon sa internet kaysa sa mga libro. Na nagdudulot minsan ng plagiarism o pagkopya ng ibang gawain. Ang PSP o Portable PlayStation ay isa pa sa mga gadgets na nauuso sa mga kabataan ngayon. Malamang ay maraming kabataang katulad ko na pilit kinukulit ang mga magulang na bilhin ito. Marahil isang dahilan kung bakit marami ang nagkakamit na magkaroon nito dahil sa marami itong “features” na nakakaakit sa mga kabataan. Ang ilang “features” nito ay ang Multimedia Playback kung saan ay maaaring makapanood ng mga pelikula. Audio Player kung saan ay may maaaring makinig ng mga musika. Camera kung saan ay maaaring makakuha ng litrato. Wireless Networking dahil ang PSP ay nakakakonekta sa “wireless network” sa pamamagitan ng W-IFI na kung saan ay nagagawa nitong magkaroon ng network para sa isang “multiplayer gameplay”. Maaari rin itong makapagpadala ng mga litrato mula sa isang PSP papunta pa sa isa pang PSP. Internet Connectivity na kung saan ay nagagawa nitong makagamit ng internet sa pamamagitan ng wireless connection at maaaring makapanood ng live television broadcast. At Games kung saan maaaring makapaglaro ng iba’t- ibang klase ng laro. Ito rin ay nagbibigay aliw sa mga gumagamit nito at nakakatangal ng pagkabagot. Halimbawa nalamang kung ikaw ay isinama ng magulang mo sa isang selebrasyon na wala kang kainteres interes ay maaari mo itong gamitin. Ang PSP ay napakadaling dalhin kung saan saan. Napaka user-friendly nito kaya madaling gamitin. Hindi rin naman mawawala na may mga magaganda at masasamang dulot ang gadget na ito. Ang isa sa mga mabuting naidudulot nito ay nagiging responsable at maingat ang may-ari sa kanyang kagamitan dahil ayaw nitong mawala at alam nitong mahal ang kagamitan na ito. Natututo na magipon at magtipid para makabili nito. Sa ngayon ay hindi natin maikakaila na maraming kabataan ang mayroon ng PSP, tulad na lamang sa mga eskwelahan at unibersidad. Dahil sa madalas na paglalaro ng PSP ay masasabi din nating may naitutulong ito. Tulad ng pagpapatalas ng isip sa pagiisip ng mga estratehiya na gagamitin upang matapos ang laro. Ang isang halimbawa ay ang mga RPG games. Magandang tulong din ng PSP ay nakakabuo ng pagkakaibigan dahil sa kaalaman sa gadget na ito o dahil sa mga bagong lagay na laro, kanta o pelikula sa PSP. At higit sa lahat ay nakakaiwasang mga kabataan sa impluwensiya ng droga dahil mayroon silang pinagkakaabalahan. Kung mayroong magandang dulot… Malamang ay may masama rin ito. Tulad ng dahil sa sobrang paggamit ng mga kabataan ay nagiging adik ang mga ito. Adik sa paraan ng lubos na paggamit ng kagamitan na ito. Maaaring kalabasan nito ay magkaroon ng malaking posibilidad ng maging obese ang mga kabataan. Nakakasira sa kalusuagan lalo na sa mata. Alam nating maraming kabataan ang nagaasam at naghahangad na magkaroon nito… Dahil dito ay nagdudulot ito ng sakit sa ulo sa mga kabataan sapagkat sa kagustuhan nilang magkaroon nito ay minsan nagiging dahilan ito ng pagnanakaw. At higit sa lahat ay naisasantabi nila ang kanilang pagaaral. Halimbawa nalamang na mas inuuna nila itong gawin kesa sa paggawa ng kanilang takdang aralin o kaya naman magaral para sa mga pagsusulit. Isa pang gadget na patok sa mga kabataan ay ang IPOD na tila ay hindi nila maiwan iwan sa bahay kapag umaalis o bumabyahe. Tulad ng PSP ay may magagandang “features” ito kaya sobrang lakas ng hatak nito sa kabataan. Ang mga “features nito ay Games na kung saan ay nakakapaglaro ng iba’t-ibang klaseng laro. Contacts kung saan ay maaaring mailagay ang mag numero ng mga tao. Notes kung saan maaaring ilagay ang mga importanteng gawain. At ang iba pa ay Calendar, Alarm Clock/Clock, Photos kung saan ay makikita ang mga ilang larawan na inilgay at Stopwatch. At ang pinakamahalagang feature nito

ay ang Music, dito nakalagay ang madaming genre ng musikang pinapakinggan ng mga kabataan. Hindi natin matatanggal sa mga Pilipino na kung mayroon kang kagamitan na ganito ay masasabi nilang sunod ka sa uso kaya marami din ang naghahangad na magkaroon nito. Nakakaalis din ito ng pagkabagot at nagsisilbing libangan. Napakadali din nitong dalhin at gamitin. Madalas ay ginagamit ito upang magsilbing paraan ng pagpapahinga, pantanggal ng stress at magkaroon ng oras ang mga kabataan sa kani-kanilang sarili. Ang mga kabataang mayroon nito ay naaappreciate ang mga iba’t-ibang genre ng musika at sila ay lubusang nahihilig sa musika kaya nakakatulong sa pagangat at pagpapaunlad ng industriya ng musika. Masasabing isa yan sa mga magandang dulot sa mga kabataan. Tulad ng PSP ay natututong magipon ang mga kabataan upang makabili ng ganitong kagamitan o nagiging dahilan ng pagnanakaw ng mga kabataan at nagiging maingat at responsable ang mga kabataan sa pagaalaga ng gamit. Nakakabuo ng pagkakaibigan at nakakadagdag sa paghahalubilo sa iba’tibang tao. Ang mga masamang dulot naman ng IPOD sa mga kabataan ay nagdudulot ito ng pagkabingi sa dahil sa malakas na volume. Nagiging adik din ang mga ito sa sobrang paggamit. Hindi alam ng mga kabataan na dahil sa paggamit ng IPOD ay lumiliit ang kita ng mga Flipino at Foreign artist dahil imbes na bumili ng orihinal na album o cd’s ay nagdadownload nalang ang mga kabataan sa limewire o itunes. Bilang konklusyon, masasabi natin na napakarami ng naitulong ang teknolohiya sa ating buhay. Lahat ng sektor sa ating komunidad ay madarama ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay. Kahit na ang mga trabahador na nasa ibang bansa ay madali lamang makausap ang kanilang mahal sa buhay, at madali ding makaratingang pera para sakanilang mga pamilya. Ang mga imposible dati ay kaya nang gawin ngayon. Ang mga sakit na dati ay napaka hirap gamutin ay madali lamang mapagaling dahil sa sobrang bilis ng teknolohiya sa medisina. Kailangan lamang ay magkaroon ng disiplina ang bawat isa upang lalo tayong umunlad. Sa ngayon ay marami pa tayomg gusting gawin na teknolihiya kagaya ng kloning. Nagawa na natin ito sa hayop subalit gusto pa natin magkloning ng tao mismo. Kung magtatagumpay ang paggawa ng tao sa pamamagitan ng cloning, ano nalamang ang mga mangyayari sa mundo. Kaya ang Vatican ay nagsabi na ito ay malaking kasalanan sapagkat ang mga tao ay para nang gusting lampasan ang Diyos. Kaya ang tao ay kailangan magkaroon ng hangganan ang pagiisip ng mas abgong teknolohiya, isipin natin kung ito ay may itutulong bas a ating kapwa at sa ating mga kapaligiran.

http://www.xanga.com/teknolohiya/647672068/epekto-ng-ipod-laptop-cp-at-psp-sa-kabataang-pilipino.html

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->