You are on page 1of 16

Mga kasangkapan sa gawaing kamay.

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. Mga kasangkapang panukat Mga kasangkapang pamutol Mga kasangkapang pamukpok Mga kasangkapang pambutas at pang-ukit Mga kasangkapang pampihit Mga kasangkapang pangkinis Mga kasangkapang pang-ipit

Kasangkapang panukat- ito ay karaniwang ginagamit sa mga gawaing kamay na yari sa kahoy, plastik o metal. Ang ruler, metrong tiklupin, at medidang asero ay mga ksangkapang angkop gamitin sa pagsusukat ng laki, lapad, haba at kapal ng mga materyales na gagamitin sa gagawing proyekto.

Yari sa plastik o kahoy ang ruler at kalimitang may isang talampakan ang haba. Natitiklop kayat magaan at madaling gamitin. Kung gagamitin naman ay medidang asero, ito ay hinahatak nang palabas at kusang at kusang bumabalik sa loob ng lalagyan.

Ang iskwala ay isa ring uri ng kasangkapang panukat na karaniwang ginagamit sa gawaing kamay lalo ng mga karpintero. Ginagamit ito sa pagsukat ng mailing distansya, pagtiyak sa lapad at kapal ng tablang makitid, at kung nais tandaan kung iskwalado ang bawat bahagi ng kahoy. May hugis itong titik L na ang bawat panig ay nagtataglay ng iskala o maliliit na guhit.

Kasangkapang pamutol- Matapos masukat nang wasto ang materyales na gagamitin sa gagawing proyekto, maaari na itong putulin gamit ang kasangkapang pamutol. Isa sa kasangkapang pamutol sa gawaing kamay ay ang lagari na ginagamit sa pagputol ng kahoy, tabla at iba pang uri ng metal.

Ibat ibang uri ng lagari:


Rip saw-ginagamit sa pagputol ng kahoy na paayon sa hilatsa. Cross cut saw- ginagamit sa pagputol ng kahoy na pahalang sa hilatsa. Back saw-ginagamit sa paggawa ng mga hugpong at pagputol ng maliliit na piraso. Lagaring kuping- ginagamitsa pagpuputol ng manipis na kahoy at kung pakurba ang linyang puputulin.

Key hole saw- ginagamit kung gagawa ng butas sa sahig, dingding o kisame para paglagyan ng tubo o gagamitin sa gawaing electrikal. Lagaring bakal- ginagamit sa pagpuputol ng bakal. Maaring palitan ang talim kung mapurol na.

Gunting- ginagamit sa pagpuputol ng papel, sinulid, tela, at iba pang materyales. Plais- ginagamit sa pagputol ng alambre at kawad. Bukod sa pamputol pwede din itong gamiting pamigil, pampilipit, panghigpit, at pambunot ng pako.

Mga kasangkapang pamukpok


Martilyo- pangkaraniwang ginagamit na pamukpok sa pako upng ibaon ito sa kahoy. Malyeteisa ring kasangkapang pamukpok na yari sa kahoy. Ankop itong gamitin na pamukpok ng pait kung ginagamit upng mapangalagaan ang hawakan ng pait na yari sa kahoy.

Mga Kasangkapang Pambutas at Pang-ukit

Balbike- ginagamit ito sa paggawa ng malalaking butas sa kahoy. Mayroonitong talim sa dulo na siyang ginagamit na pambutas. Tinatawag itong anger bits at maaaring palitan ayon sa laki ng butas na kailangan. Magagamit din itong pambutas sa ibat ibang uri ng metal.

Barena o Hand drill- ginagamit kung maliliit na butas ang gagawin. Pait- ito ay ginagamit na pang-ukit sa kahoy upang mabigyan ito ng hugis at upang alisin ang bahagi ng kahoy na hindi na kailangan.

Mga Kasangkapang Pampihit


Disturnilyador- uri ng kasangkapang ginagamit upang luwagan at higpitan ang mga turnilyo. Liyabe- ankop namang gamitin kung ang pipihitin ay tuwerka o nut upng itoy higpitan o luluwagan.

Mga Kasangkapang Pangkinis


Katam- ginagamit upang kuminis at mapantay ang ibabaw na bahagi ng kahoy. Spokeshave- ginagamit kung may kurba o baluktot ang kahoy na kikinisin. Kikil- ginagamit upang kinisin ang gilid ng kahoy at may uri di ang kikil na ginagamit sa pagkikinis ng metal

Mga Kasangkapan sa Pagpapatalim o paghahasa


Hindi maiiwasan na ang mga kasangkapang may talim ay pumurol at upng magamit muli ay kailangan itong hasain upang tumalim. Hasaan ang tawag sa kasangkapang ginagamit sa pagpapatalim.

Mga kasangkapang Pang-ipit


Ang gato ay isang uri kasangkapang ginagamit na pang-ipit sa mga materyales tulad ng kahoy at bakal kung ito ay bubutasan, kakatamin o puputulin. Yari ito sa metal na kadalasang inilalagay sa isang sulok ng ibabaw ng mesang gawaan, maaaring permanente o pansamantala.

Kung walang gato maaaring gumamit ng C-clamp. Yari ito sa metal at may hubog na titik C Mainam din itong gamitin sa dalawang piraso ng kahoy na pinagdikit sa pamamagitan ng glue upang maging mabilis ang pagkadikit ng mga ito.

You might also like