P. 1
Noli Script

Noli Script

4.47

|Views: 67,097|Likes:
Published by roy_dubouzet
Ito, ang pinakahihintay ninyong script...HALF pa lang ito ng noli ha...go for it! BAWAL ANG MANGOPYA, EXCLUSIVE TO 3-BELLARMINE STUDENTS OF ADDU ONLY!
Ito, ang pinakahihintay ninyong script...HALF pa lang ito ng noli ha...go for it! BAWAL ANG MANGOPYA, EXCLUSIVE TO 3-BELLARMINE STUDENTS OF ADDU ONLY!

More info:

Categories:Types, School Work
Published by: roy_dubouzet on Feb 09, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC or read online from Scribd
See more
See less

10/08/2015

Noli Me Tangere Act 1- Ang Hapunan <Nakaupo si Basilio sa isang upuan sa harap ng lamesa, nagsusulat.

Sa harap niya ay isang lampara de gaas.> Narrator: Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marahil ay maraming nagdurusa. Maraming nagtatahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayo’ng mga kalaban ko, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin, NOLI ME TANGERE. <aalis si Basilio sa set, papasok ang mga tao, dayuhan, bisita; nagmumukhang sala ang background, maliwanag at masaya, mukhang mayroong pagsasalo-salo.> Narrator: Alamin ninyo ang kuwento ng mga tao dito sa bayan ng San Diego; maraming malungkot, masungit, marami din ang nagsasaya, parang walang problema, o di kaya’y nagkukunwaring walang problema. <papasok si Tiya Isabel na hawak-hawak ang basket na may kakanin at prutas, pa gala-gala sa sala.> Tiya Isabel: Diyos ko! Naririto na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagdating. Ay naku, Tiago, diyos ko, nasaan ka na! Ang mga bisita mo nandirito na, maghintay lang kayo dito ha, saglit lamang. <pa gala-gala pa rin sa set> <pa gala-gala si Padre Damaso, tiyak na nakasimangot ang mukha> Padre Damaso: Tch, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo dito sa San Diego, ngayo’y inilipat ako sa ibang bayan; napakawalang asal na mga Indio! <isang lalaki ang nakadaan sa kanya, tila kulay mais ang buhok.> Lalaking kulay-mais ang buhok: Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito! Padre Damaso: Wala akong pakealam, buwisit, napakatamad talaga ng mga Indio, at makasalanan pa! Hindi marunong magkumpisal, tch, Walang pagbabago sa kalagayan ng bayan! Lalaking kulay-mais ang buhok: Eh, Padre, ang sakit mo naman magsalita, parang hindi mong matalik na kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak niyang si Clarita. Hindi ba kaibigan mo din yung yumao na si Don Raph.. <sumabad si Padre Damaso> Padre Damaso: Tumigil ka, para kang sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin! <pumasok muli ang si Tiya Isabel, tumingin sa likod, parang may hinahanap, biglang nagulat at hinarap ang mga bisita.> Tiya Isabel:<papasok si Kapitan Tiago at si Crisostomo Ibarra sa set> Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama niyang si… <nagsabad si Don Crisostomo: “Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong makita kayong lahat.> <nagpalakpakan ang lahat, liban kay Ibarra.> Kapitan Tiago: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwanan muna kita. <umalis si Kapitan Tiago sa set.> <nakatitig ang mga bisita kay Ibarra, lalong-lalo na ang mga babae. Bukas-bibig si Padre Damaso.>

<lumapit si Crisostomo Ibarra sa mga babae, nagpakilala, tumugon sa mga binata at matataas na tao at nagpapakilala. Nakita si Padre Damaso at nagsalita> Crisostomo Ibarra: Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama na si Raphael Ibarra! <mag-shake hands n asana> Padre Damaso: Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsan ay naging kaibigan ko ang iyong ama! <binaba ni Ibarra ang kanyang kamay at nakabuka ang bibig at nagtataka> Kapitan Tiago: Ah, kilala niyo na pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan! <Lumayo si Padre Damaso at pinalitan ang props ng kainan, hindi na sala.> <pumaroon na ang mga bisita sa dining table> <umupo na ang mga bisita at sina Don Crisostomo Ibarra at Padre Damaso, ngunit wala si Kapitan Tiago, ito’y umalis sa set> <Inihanda na ang isang supera , naglagay sila ng mga pagkain> Tenyente: Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa? Crisostomo Ibarra: Pitong taon po… Tenyente: Aaaah…pitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito! Crisostomo Ibarra: Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito. Padre Damaso: Hmph, sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito? Crisostomo Ibarra: Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at malaman kung bakit at paano namatay ang aking ama. Padre Damaso: Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating lahat na mga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay ang sinadadya mo rito, walang mahalaga dito sa bayang ito! Crisostomo Ibarra: <galit> Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong bayang Pilipinas tulad ng Inang Bayang Espanya! Padre Damaso: <lumingon sa paligid> Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong! Walang asal, sinasagot pa ang reberensya, parang matalinong magsalita! Crisostomo Ibarra: <tumayo si Ibarra> Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyan na yan siya dati pa at hindi na nagbabago. Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis. <tumugon para umalis, sinamahan din ng Tenyente, hinarangan ni Kapitan Tiago> Kapitan Tiago: Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara ngayong gabi, sinundo na siya ni Isabel.

Crisostomo Ibarra: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa akong dapat asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din. <umalis si Crisostomo at ang Tenyente sa set> Padre Damaso: Tingnan ninyo! Kayabangan! Mga binatang pinapayuhan para mag-aral sa Europa, pagbalik rito ay para nang sino! Dapat ipagbawal iyan ng gobyerno! <umalis ang lahat sa set> Act 2- Ang Erehe at Rebelde <iba na ang setting, gabi na, maraming tao sa daan, at kitang-kita ang mahinang pag-unlad ng bayan> <Pumasok sina Don Crisostomo Ibarra at ang Tenyente sa set, naglalakad> Tenyente: Don Crisostomo, nabalitaan mo na ba tungkol sa iyong ama? Crisostomo Ibarra: Hindi po, hindi kop o alam kung paano at bakit siya namatay… Tenyente: <napabulalas, tiningnan si Ibarra> Ano?! Walang nagbilin ng mensahe para sa inyo tungkol sa kamatayan ng iyong ama sa bilangguan? Crisostomo Ibarra: Bilangguan? Ang ama ko namatay sa bilangguan? Baka nagkakamali ka! Matinong tao ang aking ama! Mahal siya ng lahat, marami siyang kaibigan! Tenyente: Maraming nagmamahal sa kanya, mayaman din siya, marangal din ang iyong ama, kaya nga marami siyang nakaaway na Espanyol. Crisostomo Ibarra: Ano?! Senyor, sabihin niyo po sa akin ang nangyari! Tenyente: Ayon sa mga tao, liban sa aking pagkasaksi, mayroong mangmang na artilyerong Espanyol na binastos ng isang bata, nagalit ang artilyero kaya pinagsisipa niya ang bata, noong mga oras na iyon, naabutan ng iyong ama ang insidente at sinunggaban niya ang artilyero, natumba sa lupa ang artilyero, tumama ang ulo sa isang bato at namatay. Ayon sa ibang tao, sinuntok ng iyong ama ang artilyero, ayon sa iba, tinulak raw. Ang totoo, nawalan lamang ng balanse ang artilyero kaya ito natumba. Doon, tinalikuran ng mga dating kaibigan at mga taong bayan ang iyong ama, binansagang erehe at filibustero dahil hindi siya mangumpisal sa kanyang kasalanan na hindi naman niya ginawa. Ipinatapon siya sa bilangguan hanggang siya’y magkasakit at mamatay. Crisostomo Ibarra: … Tenyente: Ako po ay nakikiramay sa iyong kasawian, ngunit, kailangan ko nang bumalik sa kwartel. <napatulala si Ibarra at mukhang nagmumok-mok, umalis na ang Tenyente sa set.> Narrator: Masaklap na karanasan ang dinanas ni Don Crisostomo Ibarra, ang ama niya’y pinagbintangan ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Ngunit, hindi ang paghihiganti ang agad inisip ng binata, nais niyang ipagpatuloy ang mga magagandang pangarap ng kanyang ama. Act 3- Suyuan sa Asoteya

<iiba ang setting, balcony na puno ng mga bulaklak, papasok sina Tiya Isabel, Maria Clara at Kapitan Tiago sa set> Kapitan Tiago: Clarita, sa palagay ko masmaganda na lumipat ka sa Malabon, hindi na kasi sa San Diego seserbisyo ang ninong mo na si Padre Damaso, inilipat na siya. Sige, maghanda ka na ng mga damit at magpaalam ka na sa iyong mga kaibigan. Tiya Isabel: Pinsan! Ano ka ba, mas-hiyang ang anak mo sa San Diego, sigurado akong masisiyahan siya doon, nandoon kasi si Ibarra. <lumingon sa likod si Maria Clara, tinabunan ang mukha ng pamaypay> Kapitan Tiago: Ah! Tama, nagpasya nga si Crisostomo dito! Maria Clara: Ano?! <napabulalas si Maria Clara, nahihiya…biglang may kumatok at palingon-lingon si Maria Clara, hindi alam kung ano ang gagawin, lumabas sa set.> <pumasok sa set si Ibarra> Tiya Isabel: Ano ba yung dalagang iyon, Clarita! Si Crisostomo nandito! Halika nga dito, ikaw talaga, pahiya-hiya ka pa! <pumasok muli si Maria Clara, parang nahihiya.> Crisostomo Ibarra: Maria Clara! Maria Clara: Crisostomo! <nagyakap silang dalawa> Maria Clara: <lumingon sa malayo> Hmph, nakalimutan mo na ata ako, sigurado ako na may nakita kang ibang babae sa bansang pinuntahan mo. Crisostomo Ibarra: <kinuha ang kamay ni Maria Clara> Maari ba kitang malilimutan? Araw at gabi ay ikaw ang aking iniisip! Maria Clara: Ikaw talaga! <tinulak ang braso ng binata, parang naglalaro> Hindi talaga kita nakalimutan, natatandaan ko pa yung mga oras na naglalaro tayo. Noong nasa beateryo ako, sinasabihan ako na kalimutan kita, pero hindi, Hindi kita makalimutan Crisostomo! Crisostomo Ibarra: Maria Clara! <niyakap si Maria Clara> Maria Clara: <binitawan na ni Ibarra si Maria Clara, inilagay ni Maria Clara ang hintuturo (pointing finger) sa bibig ni Ibarra> Bukas, Todos los Santos na…eto, mga bulaklak, ialay mo iyan sa libingan ng mga magulang mo. Crisostomo, magkita tayo sa loob ng ilang araw ha? Inaasahan kita! Crisostomo Ibarra: Ha, sige Maria Clara, aalis na ako… <aalis na si Crisostomo sa set, tumugon si Kapitan Tiago> Kapitan Tiago: Masayang Biyahe! Act 4- Todos los Santos <iiba ang setting, sementeryo at gabi na, mayroong dalawang sepulturero na parang mayroong hinuhukay sa lupa>

Sepulturero 1: Ughhh! Ayoko na! Napakaselan naman nito! Sepulturero 2: Oo nga, bagung libing pa ata iyan ah! Sepulturero 1: Tingnan mo nga, may buhok pa, ang mga buto, may bahid ng mga dugo! Sepulturero 2: Hindi yan nakakatapat sa aking hinukay , dalawampung araw pa lang na patay, pinahukay na sa akin para ilipat sa sementeryo ng mga Tsino, ngunit, umuulan at walang ilaw, nahirapan ako kaya itinapon ko nalang sa ilog. Sepulturero 1: Huh? Ibig mo bang sabihin na ipinahukay ang isang tao para ilipat sana sa sementeryo ng mga makasalanan? Sepulturero 2: Oo nga, Tiyak na may malaking kasalanan ang taong iyon. <pumasok sa set si Ibarra, ang Sepulturero 1 napatingin na lamang> Crisostomo Ibarra: <palingon-lingon sa sementeryo, nilapitan ang Sepulturero 2> Magandang gabi sa inyo, may natagpuan ba kayong libingan na may Krus gawa sa kahoy? Libingan iyon ng aking ama, pinagawan ng puntod ng aking kasambahay. Sepulturero 2: Ahh! <parang may natatandaan> Iyon? Krus ba ang sabi mo? Eh, pinasunog ang Krus ayon sa utos ng Pari noong ilang buwan. Crisostomo Ibarra: Ano?! Ang puntod ng ama ako, nasaan na?! Sepulturero 2: Senyor, pinahukay ng Pari ang bangkay sa libingan na sabi mo, ipinalipat sa libingan ng mga Tsino, pero, eh, hinulog ko nalang sa ilog. Kakilala niyo po sila? Crisostomo Ibarra: <hinawakang mahigpit ang braso ng Sepulturero 2, bahagyang natakot ang Sepulturero.> Bingi ka ba?! Ama ko iyong hinulog mo sa sapa! Wala kang hiya! Sepulturero 2: Senyor! Huwag po ninyo akong saktan! Dito sa bayang ito, kailangan kong sundin ang utos ng kura, kahit labag pa sa aking kalooban, kung hindi, baka ako din ay susunod sa libingan ng tatay mo! Crisostomo Ibarra: <pinakawalan ang braso ng Sepulturero 2> Sino? Sino ang nagpahukay ng libingan ng ama ko?! Sabihin mo! Sepulturero 2: Yung pari ng bayan, eh, hindi ko na matandaan ang pangalan, parang Padre Garotte, matagal na po iyon, ilang buwan na ang nakalipas. <umalis ang mga Sepulturero sa set, palakad-lakad si Padre Salvi sa set> <nilapitan agad ni Ibarra si Padre Salvi> Crisostomo Ibarra: Ikaw! Hindi ba ikaw ang Pari ng bayan! Walang hiya ka! Anong karapatan mong ipahukay ang bangkay ng aking ama! Padre Salvi: Binata, Hindi kita naiintindihan, wala akong pinahukay dito! <hinawakan ni Crisostomo Ibarra ang braso ni Padre Salvi> Crisostomo Ibarra: Huwag kang magsinungaling! Nagkamali ka sa paghukay ng bangkay ng ama ko!

Padre Salvi: Nagkakamali ka! Hindi ako ang nagpahukay ng bangkay ng ama mo! Ang pinalitan ko na Pari, si Padre Damaso! Crisostomo Ibarra: Hindi…hindi ako makapaniwala! <pinakawalan niya ang braso ng Pari> <umalis si Ibarra sa set na parang galit at naguguluhan, inayos ni Padre Salvi ang kanyang sarili at umalis sa set> Act 5- Ang mga Sakristan <iiba ang setting, parang “stone walls,” pumasok sina Basilio at Crispin sa set, nagdadala ng tali na halinhinan na binibira nila habang tumutunog ang kampanaryo> Basilio: Crispin, eto, hilain mo iyan, sige na, para makauwi na tayo kay nanay. Crispin: Kuya, ganito nalang ba tayo? Gusto ko nang umuwi kay nanay! Hindi akong pagbibintangan ng magnanakaw. Sana magkasakit tayo para magsama-sama tayo ni Nanay. Basilio: Hindi iyan puwede Crispin, mamatay tayong lahat sa gutom. Crispin: Kuya, paano iyan? Pinagbintangan ako na magnanakaw ng Sakristan Mayor! Tatlumpu’t dalawang piso daw! Papatayin daw ako ng Sakristan Mayor kung hindi ko mailalabas ang pera. Kung ninakaw ko iyon, mailalabas ko! Maniniwala kaya si Nanay sa akin? Basilio: Huwag kang mag-alala Crispin, <umupo sa sahig si Basilio at inilagay ang kamay sa ulo ni Crispin> pagdating nating sa bahay, siguradong tutulungan tayo ni Nanay, tapos, magtatrabaho ako bilang isang magsasaka para hindi na tayo babalik sa simbahan! <niyakap ni Basilio si Crispin> <malakas na bumukas ang pinto, pumasok ang Sakristan Mayos sa set> Sakristan Mayor: Tsk, tsk, tsk, hindi talaga aamin ang batang ito! Ilabas mo na ang pera! <kinaladkad ng Sakristan Mayor si Crispin, hinila niya sa yakap ni Basilio> Crispin: Kuya! Huwag mo akong iwanan! <hinihila na nakahiga sa sahig palabas sa set> Basilio: Crispin! <nilapitan niya at sinungganban ang Sakristan Mayor, ngunit tinutukan ng baril sa ulo si Basilio> Sakristan Mayor: Buwisit kang bata ka! <pinaputok ang baril at natumba si Basilio> Crispin: Kuya!! <hinila muli si Crispin palabas sa set> Basilio: <tumayo na dumudugo ang noo, nasugatan lang pala ng konte> Crispin! Nanay! Nanay! <palingon-lingon si Basilio sa set at umalis siya sa set> <iiba ang setting, bahay na maliit, naroon si Sisa na nagluluto, nag-iisip siya “Salamat, makakasama ko muli ang aking mga anak, ngunit, hanggang ngaun, wala pa rin sila, bakit kaya? Sana maayos ang kalagayan nila, di bale, pinag lutuan ko sila ng paburito nilang pagkain! Ngayon na kami’y magkasamasama!”> <may kakatok sa pinto at papasok sa set> Basilio: Nanay! Nanay! Sisa: Basilio! Diyos ko, anung nangyari sa ulo mo! <hinaplos ni Sisa ang noo ni Basilio at niyakap>

Basilio: Nanay, si Crispin po <umiiyak si Basilio> pinagbintangan na magnanakaw! Inosente po siya Nanay! Sisa: Oo anak, naniniwala ako, nasaan na ang kapatid mo? Anong nangyari sa ulo mo? Sinaktan ka ba? Basilio: Wala ito nanay, ah, nadapa lang ako habang papunta rito! Si Crispin po nasa simbahan, hindi siya palabasin ng Sakristan Mayor! Sisa: Ano? Diyos ko! Crispin ko! Pupuntahan ko ang simbahan ngayon din! Gamutin ko muna ang sugat mo. <kumuha ng basahan at pinahid ang dugo na nasa mukha ni Basilio> Basilio: Nanay, ayoko na maging Sakristan. <nagsimulang humikbi>

Sisa: Kumain ka muna anak, Pag-usapan natin iyan , <yumukod at hinalikan si Basilio sa ulo, at niyakap> pupuntahan ko muna si Crispin. <umalis si Sisa sa set, kasunod si Basilio> <iiba ang setting, parang “city streets”> <papasok si Sisa sa set, palakad-lakad, susunod ang gwardiya sibil> Gwardiya Sibil : Ikaw! Saan mo tinago ang pera! Sisa: Senyor! Papunta lamang ako ng simbahan para kuhain ang aking anak! Wala sa aming pamilya ang pera! Hindi dahil mahirap kami, pagbibintangan mo nalang kami ng basta-basta! <nilalapitan ng Gwardiya sibil> Layuan mo ako! Gwardiya Sibil: Anong akala mo sa akin, estupido? Ilabas mo ang pera! <hinawakan ng Gwardiya Sibil si Sisa sa kamay at ikinaladkad, sinampal at pinalo> Sisa: Senyor! Aray! Diyos ko, maawa ka! Aray! Hindi magnanakaw ang anak ko! Aray! <may naglalakad na mga tao, pasulyap-sulyap sa insidente, nahuhubad na ang sirang damit ni Sisa> Gwardiya Sibil: Hmph, <itinapon si Sisa sa Lupa> hindi bale, buhay ang magbabayad sa pagnanakaw ng anak mo! Umalis ka, hampas lupa! Sisa: <napatingin nalang sa Gwardiya Sibil, humahagulgol> Buhay?! Crispin! Anak ko! Crispiiiin! Anak ko! <humahagulgol si Sisa> <umalis na ang Gwardiya Sibil sa set> Narrator: Oo, masaklap at masakit ang dinanas ng ina, ngunit, hindi lahat ng tao ay may muwang sa mga kasamaan at pagdurusang nagaganap, tulad nalang ni Ginoong Ibarra. Act 6- Sa Gubat <iiba ang setting, gubat na may tabing sapa, nandito may bangka na sakay sina Ibarra at Maria Clara, minamaneho ni Elias, maaring live props ang mga puno, ang backdrop ay “umaga” lang, maraming tao sa gubat, mga bisita sa pagsalu-salo ni Crisostomo Ibarra, naroon din sina Sinang at Maria Clara at Padre Salvi> <nakatitig si Elias kay Maria Clara, pasulyap-sulyap din kay Maria Clara habang minamaneho ang bangka gamit ang sagwan> Maria Clara: Ibarra, ang lamig naman dito sa sapa ano? At ang linis! Crisostomo Ibarra: Ha, sa tingin ko, ang puso mo’y ‘sing linis ng tubig dito.

Maria Clara: <tinapik ang braso ng binata> Ikaw talaga Crisostomo. <napalingon siya kay Elias> Maria Clara: Senyor, baka gusto po ninyo ng pan de sal, eto, para sa iyo <inabot ang isang tinapay kay Elias> Elias: Salamat. <inabot ni Maria Clara ang tubig at pinaglaruan niya, ngunit napahinto siya, napahinto din si Elias sa pagsasagwan, nagtataka si Ibarra kung bakit.> Elias: May buwaya dito! <Napayakap si Maria Clara kay Ibarra habang sisigaw, lumabas ang isang buwaya (props) sa tubig.> Crisostomo Ibarra: Maria! <kinuha ni Elias ang sagwan at pinalo-palo ang buwaya, nang malapit na makagat si Elias, kumuha si Crisostomo Ibarra ng kutsilyo at sinaksak ang buwaya hanggang sa “mamatay” ito> Elias: Senyor, Iniligtas ninyo ang buhay ko! <kinamayan si Crisostomo Ibarra> Ako nga po pala si Elias. <lalabas sina Ibarra, Maria Clara, Elias sa bangka, palingon-lingon si Elias sa kagubatan, tapos tumakbo palabas sa set, nakahawak si Maria Clara sa kamay ni Ibarra.> Crisostomo Ibarra: Elias! <palakad na sina Ibarra at Maria Clara sa handaan, iiba ang setting, mawawala na ang bangka, papasok ang mga “bisita” tulad ng mga tenyente at Padre Salvi at mayroong lamesa na puno ng pagkain> Crisostomo Ibarra: Ako’y nasiyahan sa pagpunta ninyo rito sa aking mumunting pagsalu-salo, sana kayo din ay masisiyahan! Narrator: <kumakain sila, nasisiyahan, may nagtatawanan> Iyan ang buhay mayaman, maraming pagkain, mukhang walang dapat problemahin, malakas naman sila sa lipunan. Kaya nila bayaran ang anumang magpapasaya sa kanila. <tatayo si Maria Clara> Maria Clara: Maliligo muna ako sa maliit na batis sa gubat, saglit lang. <niyakap ni Maria Clara si Ibarra> <tumayo din si Padre Salvi> <sa tabi ng set, mayroong “bush” at isang batis> <pumunta si Maria Clara sa batis, nagtago si Padre Salvi sa bush> <nagbasa ng katawan si Maria Clara, pinagmamasdan ng pari, nakatitig sa katawan nito> Narrator: Kawalang galang, isang pari na tinatawag na banal! Ito ba? Ito ba ang nais ituro ng simbahan sa atin mga Pilipino? Kalapastangan! <umalis si Padre Salvi, bumalik sa lamesa at umupo, “nagbihis” na si Maria Clara at bumalik sa lamesa> <pumasok sa set ang mga gwardiya sibil> Gwardiya Sibil: Nasaan ang pilotong si Elias? Ayon sa mga kababayan, ay pinayuhan ni Don Crisostomo Ibarra na mamangka si Elias para sa kanya.

Crisostomo Ibarra: Oo, totoo nga yun, bakit? Gwardiya Sibil: Ipinaghahanap siya ng pamahalaan, nasaan na si Elias? Crisostomo Ibarra: Wala na siya rito, hindi ko na siya napigilang umalis ng gubat. Gwardiya Sibil: Hmmm…salamat. <umalis sa set ang Gwardiya Sibil> <pumasok sa set si Sisa, parang baliw> Sisa: Crispin! Wala na, pati si Basilio! Hindi ko na naabutan sa bahay! Crispin! Basilio! Crispin! Basilio! <pagala-gala si Sisa sa may lamesa, maraming nandiri, naawa si Maria Clara> <Tumingin si Sisa sa tenyente, sumigaw at umalis sa set> Crisostomo Ibarra: <lumingon sa direksyon kung saan tumakbo si Sisa> Huwag! Bumalik ka rito! Tutulungan kita!.. Naku, hindi ko naabutan…kawawang ina. <Tumayo na ang mga bisita, namaalam at umalis sa set.> Act 7- Sa Bahay ng Pilosopo Narrator: Nahanap ni Don Crisostomo ang oras para itupad ang pangarap ng kanyang ama, ang tumulong sa lipunan. Naisip niya na ang mga kabataan ay lumalaking mang-mang, maraming bata ay natatakot pumasok sa silid-aralan nang dahil sa karahasan ng mga guro sa pagtuturo. Ani niya na pinaniniwalaan ng mga kastila ang pagturo sa mga mag-aaral gamit ng pagpalo at karahasan. Kailangan ni Crisostomo maghanap ng paraan. <pumasok si Pilosopo Tasyo sa set, iiba ang setting, isang bahay na pang maralita, nakaupo ang Pilosopo sa may upuan, nasa harapan ng lamesa, parang mayroong sinusulat.> <kumatok si Crisostomo Ibarra, pumasok sa set. May dalang papeles> <tumingin si Pilosopo Tasyo kay Crisostomo Ibarra, naghinto sa “pagsusulat”> Pilosopo Tasyo: Ahhh, Don Crisostomo, nar’yan pala kayo, mayroon ba akong maitutulong sa inyo? Crisostomo Ibarra: Tandang Tasyo, may gagawin sana ako na gusto kong tiyakin na maganda ang resulta. Ako’y magpapagawa ng paaralan, malayo sa karahasan ng mga kura, nais ko sanang itanong kung sinu-sino ang aking kukunsultahin sa bayan. <tumayo si Pilosopo Tasyo at lumapit sa binata> Pilosopo Tasyo: <hinawakan ang balikat ng binata> Tsk, Tsk, Tsk, ang plano mo, Don Crisostomo, ay naging plano ng isang baliw na tulad ko, ang payo ko ay kalimutan niyo na ang pagpapatayo ng paaralan, mapapahamak ka lamang.< binitawan niya ang braso ng binata, hinawakan ni Pilosopo ang kanyang nguso, parang nag-iisip ng malalim, umupo muli sa upuan> Crisostomo Ibarra: pero…

<sumabad si Pilosopo Tasyo> Pilosopo Tasyo: Ahh..pero ang ikalawa kong payo ay kumunsulta ka sa mga makapangyarihan at sundin sila, magkunwari ka na sinusunod mo ang payo nila. <humahalakhak>

Crisostomo Ibarra: Ngunit, hindi kaya maipagpatuloy ko ang aking plano na hindi lumalabag sa katotohanan? Pilosopo Tasyo: Walang sinuman ang gusto ng katotohanan Don Crisostomo! Kung nais mong ipagpatuloy ang inyong plano na hindi napapahamak kailangang makisabay sa kanilang hangal na pamumuno! <tumayo si Pilosopo Tasyo> <paglakad-lakad na sa kanyang bahay> Crisostomo Ibarra: Hmmm…magaling ang hatol ninyo, hindi nabigo ang aking pag-asa sa inyong mabuting payo! Paalam! <umalis sa set si Ibarra> <nakatayo pa rin si Pilosopo Tasyo> Pilosopo Tasyo: Sana nga na hindi ka mabibigo, dahil ang pagiging marangal ang nagpahamak sa iyong ama. <umalis si Pilosopo Tasyo sa set> Act 8- Pista at Ang Sermon Narrator: <maraming naghahanda sa pista, maraming dekorasyon at tao na pagala-gala sa set, iiba ang setting “city streets” pero maraming palamuti> Panahon nanaman ng pista sa bayan ng San Diego para ipagdiriwang ang mabubuting gawain ng mga santo. Masaya at makulay ang pista, maraming naghahanda ng mga pagkain na iaahain. Kumalat <maraming dyaryo ang binigay na may pangalan ni Ibarra, mukhang mangha ang mga tao kay Ibarra> na sa bayan ang plano ni Don Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng paaralan, maraming namangha sa marangal na plano ng binata. <aalis ang mga tao> < iiba ang setting “stone walls” pero maraming upuan na pang simbahan, may altar din, papasok ang mga tao at isawsaw ang daliri sa isang agwa bendita, uupo ang mga tao sa upuan at maghanda para sa “misa,” maraming magmumura at nagiingay tungkol sa kasikipan, pag-init ng temperatura. Nandito sina Maria Clara at Ibarra> <papasok ang isang sakristan (hindi na sina Basilio at Crispin) pinapatunog ang isang bell, sunod niya ay si Padre Damaso, sabay silang papunta sa altar, ang sakristan ay may dalang kodigo ni Padre Damaso> <nahilom ang pag-iingay> <binuksan ni Padre Damaso ang isang aklat> Padre Damaso: <itinaas ang kamay at tinuro ang mga tao, habang nagsesermon, kailangan may mga galaw ang kamay , ‘di bale kung random> Makinig kayo ng taimtim, dahil ang salita ng Panginoon ay nasa aking pagsesermon! <nagtinginan ang mga tao sa isa’t-isa> Kayong mga makasalanan, pasalamat kayong lahat na nandito kaming mga kura para ipatawad ang inyong mga kasalanan! <Lahat ng nasa simbahan ay mag-amen> Isapuso ninyo lahat ng kawanggawa ni San Diego de Alcala, isapuso ninyo ang banal na kasulatan at <huminto si Padre Damaso, inilapit ang ulo sa sakristan na nasa tabi niya, magbubulong ang sakristan> at mangamba kayong mga lahi ng erehe! <sasabad ang ibang tao, may mainit ang ulo, may nagbubulungan sa simbahan, at naghilom> Yaong mga hindi nagsisi, yaong mga hindi humihingi ng patawad sa simbahan, may parusa kayong habang buhay! <huminto si Padre Damaso, inilapit na naman ang ulo sa sakristan at nagbulong muli ang sakristan> Kayo, mga nagmamarunong, nagpupumilit mag-aral sa ibang bansa, paparusahan kayo sa inyong pagmamataas! <nagluhod ang mga tao, maraming nagmumura> <nag tayuan na ang lahat, umalis na si Padre Damaso at ang sakristan sa set, palabas na si Ibarra sa set nang lapitan siya ni Elias, nakaalis na si Maria Clara>

Elias: Senyor Ibarra, magsisimula na ang pagbasbas ng pundasyon ng inyong paaralan. Huwag kayong lalayo sa tabi ng kura, huwag kayong lalapit sa bato dahil maaaring kasama rito ang buhay ninyo! Crisostomo Ibarra: Hindi ko naiintin….! <umalis agad si Elias sa set> Act 9- Ang Derik <iiba ang setting, plain grounds lang, maraming tao sa paligid, may isang malaking aparato gawa sa apat na bamboo poles na may syrofoam na bloke na nakabitay; ito’y magsisilbing “derik,” naroon sina Padre Salvi, Nyor Juan, Madilaw na lalaki, Ibarra, Pilosopo Tasyo at Elias.> <Papasok si Nyor Juan sa set pati na din ang Madilaw na Lalaki, pagala-gala sa set> Madilaw na Lalaki: <tinuturo ang derik, may nakakaibang ngiti> Tingnan ninyo Nyor Juan, nagawa ko na ang aparatong maglalagay ng unang bato sa paaralan. Nyor Juan: <hinahawakan ang nguso, mukhang namangha> Mahusay! Ginawa mo pa ito ng walang bayad? Sinong nagturo sa inyo? Madilaw na Lalaki: Ang aking ama po na namatay sa mga kamay ng lolo ni Don Crisostomo! <may tumawag kay Nyor Juan, si Padre Salvi, may pinag-uusapan, ang Madilaw na lalaki ay nasa tabi ng derik, hawak ang isang lubid, ngumingiti.> Padre Salvi: Magandang araw sa inyong lahat! Ngayon, magsisimula na ang paglagay ng unang bato sa paaralan ni Don Crisostomo Ibarra! <maraming nagpalakpakan> <pumasok sa set si Don Crisostomo Ibarra, nilapitan ni Padre Salvi> Padre Salvi: Don Crisostomo, nais naming lahat na ikaw ang lalagay ng kutsara sa butas na kalalagyan ng unang bato bilang tradisyon. <titingin si Crisostomo Ibarra sa bato> <ginabayan ni Padre Salvi si Ibarra papunta sa may butas, binigyan niya ng kutsara, lumayo si Padre Salvi> <hinigpitan ni Ibarra ang hawak niya sa kutsara, dahan-dahang lumapit pa sa butas, palingon-lingon sa paligid; mabilis na bibitawan ng Madilaw na Lalaki ang lubid, mabilis din na itulak ni Elias ang Madilaw na Lalaki para mabanggaan si Ibarra palayo sa butas at ang Madilaw na Lalaki ang mahuhulugan ng syrofoam na bloke.> <magtakbuhan ang lahat sa paligid ng set, merong iba sisigaw: “Patay na ang lalaki!”> <tatayo si Ibarra, humihingal, palingon lingon sa paligid, tumingin sa “bangkay” ng Madilaw na lalaki, aalis sa set, lalakad si Pilosopo Tasyo sa may derik> Pilosopo Tasyo: <hinahawakan ang nguso> Masamang simula! Hmmmm! <aalis ang lahat sa set>

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->