You are on page 1of 8

KABANATA I

Ang Suliranin at Sandigan Panimula Ano nga ba ang OPM? Bakit maraming nahuhumaling sa mga kantang OPM? Paano nito naaapektuhaan ang buhay ng mga Pilipino? Ano ang dating ng mga mensahe ng mga kantang OPM sa atin, bilang mga Pilipino? At sino ang mga humahanga sa mga kantang OPM?

Ang OPM o Original Pinoy Music ay mga awiting orihinal na isinulat at kinanta ng mga Pilipino. Karamihan sa mga ito ay nakasulat sa wikang Filipino. Maraming nahuhumaling dito dahil ang karamihan ay nakaka-relate sa mga mensaheng nakapaloob dito. Lalo na kapag ikaw ay umiibig o nasasaktan ng dahil sa pag-ibig. Nais mong ialay ang isang kanta para sa iyong iniibig o kaya naman ay iaalay mo ang isang kanta para sa mga nasalanta ng mga kalamidad, OPM ang nararapat na kantahin mo. Habang nakikinig ka nito, hindi mo mapipigilang lumabas ang mga emosyong iyong nararamdaman. Nalulungkot, naiiyak, napapangiti, napapatawa, nagagalit, may iba pa ngang nagpapakilig sa atin at higit sa lahat may mga pagkakataong nalilimutan natin an ating mga problema ng dahil sa mga mesahe ng mga kantang OPM.

Hindi natin mauunawaan at hindi rin nating mabibigyan ng halaga ang OPM kung hindi natin alam ang mga mensaheng nakapaloob dito. Nararapat lamang na pagaralan at unawaing mabuti ang mga mensaheng hatid ng OPM sa pagkat ito ay maituturing na yaman ng ating bayan, na dapat nating pagyamanin at pag-ingatan dahil ito ay bahagi ng ating pagka Pilipino. Darating ang panahon na tatangkilikin ng lahat ng mga Pilipino ang OPM o Original Pinoy Music.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang mga mananaliksaik sa pag-aaral na ito ay naglalayong mailahad ang ibat ibang pananaw ng mga tao tungkol sa OPM. Binigyang linaw sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod: 1- Maibigay ang mga mensahe ng isang awitin. 2- Mailahad ang mga mabubuting maidudulot sa pakikinig ng OPM sa ibat ibang kondisyon;

2.1- Kasarian 2.2- Katayuang edukasyunal 2.3- Edad 3- Maikumpara ang OPM sa mga kantang banyaga (Amerika at Korea).

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik ay nakatuon sa pagbibigay ng mensahe sa mga kantang OPM. Saklaw sa pag-aaral na ito ang: 1- Ibat ibang layunin ng mga tao sa OPM batay sa kanilang kasarian, edad at pinag-aralan. 2- Mga mensahe ng awiting OPM. 3- At ang maikumpara ang mga awiting OPM sa mga awiting banyaga. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mensaheng napapaloob sa awiting OPM.

KAHALAGAAN NG PAG-AARAL
Para sa ibang mananaliksik na gusto pang bigyan ng mga malalim na interpretasyon ang pag-aaral na ito: Ang mga impormasyong nakapaloob sa pag-aaral na ito na may kinalaman sa mga mensahe ng mga kantang OPM ay magsisilbing gabay para sa kanilang pag-aaral, magsisilbing isang ilaw o tanglaw sa kanilang daan upang mas maunawaan at mas maipahiwatig ang mga mensaheng napapaloob sa OPM. Magkakaroon ng sapat na ideya sa kanilang pag-aaral sapagkat ang kahalagahan ng

pag-aaral na ito ay magbigay impormasyon at linaw sa lahat at maiangat ang bandila ng OPM sa puso ng mga Pilipino. Para sa mga guro sa kasalukuyan at hinaharap, lalo na sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang musika, malaki ang maitutulong nito sa kanilang pag-aaral sapagkat ito ay magbibigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa musikang Pilipino na maaaring ituro sa kanilang mga estudyante. Dahil sa kamay ng guro nagsisimula ang kaalaman ng kanyang mga estudyante sa mga bagay-bagay tungkol sa mundo. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mambabasa upang maunawaan nila ang totoo at tamang mensahe ng mga kantang OPM at upang malaman nila ang kahalagahan ng mga kantang OPM sa buhay ng mga Pilipino. Ito ay magsisilbing isang gabay para sa lahat ng mambabasa lalong-lalo na sa mga taong di-masyadong pamilyar sa mga kantang OPM, ito ay magpapalawig ng kanilang isipan tungkol sa mga kantang OPM, maiintindihan ng maigi ang mga mensaheng napapaloob dito at matutunang mahalin at tangkilikin ng mga mambabasa lalong-lalo na sa mga mamamayang Pilipino ang mga kantang tunay at may tatak Pilipino. Para sa mga magulang, mahalaga ang pag-aaral na ito dahil ang mga nakukuha nilang impormasyon mula rito ay maaari nilang ituro sa kanilang mga anak. Sila ang magsisilbing unang guro at sa kanila nagsimula ang kaalaman ng kanilang mga anak. Mas mainam na maunawaan ng mga magulang ang mga bagay tungkol sa OPM upang maibahagi nila ang kaalamang ito sa kanilang mga anak. Para sa mga mag-aaral, mahalaga ang pag-aaral na ito upang maintindihan ang nais ipadama at ipahiwatig ng mga kantang OPM. Ito ay magbubukas ng kanilang kaisipan tungkol sa mga kantang orihinal na sinulat at kinanta mismo ng mga Pilipino. Ito ay magbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa musikang Pilipino dahil sa panahon ngayon kami na lamang ang tumatangkilik nito. At upang magkaroon ng puwang sa puso ng mag-aaral lalong-lalo na ang mga kabataan ang OPM.

PAGPAPAKAHULUGAN NG TERMINO

1) OPM o Original Pinoy Music- tumutukoy sa mga kantang isinulat at kinanta ng isang Pilipinong mang-aawit. 2) Mang-aawit- tumutukoy sa taong umaawit. Ginagampanan nito ang mga musika na kilala bilang mga awiting maaaring awitin ng acapella (walang instrumento) o sinasabayan ng mga musikero at instrumento. 3) Pag-awit- ay isang Gawain ng paglikha ng mga tunog pang-musika ng tinig na kadalasang salungat sa pagsasalita. 4) Kanta- maikling komposisyon ng mga salita at musika. 5) Komposisyon- ang itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga

pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal ay nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon. 6) Emosyon- ay karaniwang nahahalintulad sa nararamdaman ng isang tao. 7) Kompositor- ay isang tao na nagbubuod o nagsasalaysay ng kanta o gumagawa ng kanta, siya ang nagbibigay ng mga salita ng kanta nang ito ay madaling maintindihan ang kanta o maunawaan ang ibig sabihin. 8) Sining- tumutukoy sa anumang kasanayan na kung saan ipinapakita at ipinapahayag ng isang tao ang kagandahan na nasa kanyang paligid sa pamamagitan ng natural na pandama at pang-amoy. 9) Kulturaay kabuuan ng mga tradisyon, paniniwala, kaugaliang

natutuhanan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha, sa pamayanan o sa lipunang kinabibilangan. 10) Liriko- isang gabay na ginagamit sa paghanap ng mga salita sa isang kanta.

KABANATA II
Mga Kaugnay Na Pag-aaral at Literatura

Ayon sa www.wikipedia.com, ang OPM o Original Pilipino Music ay mga awiting kabilang sa Pop Music na pinasikat noong 1970s hanngang 1990s. Sa panahon ngayon, ang OPM ay kumakatawan na rin sa kahit anong uri ng awitin na nilikha dito sa Pilipinas o sinulat ng mga Pilipinong indibidwal, hindi alintana kung kalian ito isinulat. Hango sa http:/www.musicphilippines.com/history-of-philippine-music/,

nagsimula ang pag-buo ng OPM sa Pilipinas noong 1970s nan gang mga komposisyon ng mga Pilipino ay nagging makabayan at maka-politika. Sa pagdating ng 1980s nagsimulang gamitin ang musika upang maghimagsiklaban sa gobyerno lalo na noong EDSA revolution. Ayon sa www.opm.org.ph, noong Oktubre 27, 1989 itinatag ang isang samahan na naglalayong maisalungat at mabigyan ng proteksyon ang OPM music sa Pilipinas, ang organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit o OPM. Taong 1990s nagsimulang lumabas ng parang kabute ang mga bandang Pinoy na hanggang sa ngayon ay kinikilala pa rin ng mga Pilipino. Sa kasalukuyang, marami na ang naglabasang banda at solong mang-aawit saibat ibang sulok ng bansa na gumagamit ng ibat ibang istilo sa pagbuo ng awit. Sinabi ni Walker sa Music Education: Cultural Values, Social Change and Innovation (2007), ang terminong popular sa larangan ng musika ay nagpapatungkol sa pagtangkilik ng karamihan ng tao sa partikular na musika. Sa depinisyong ito, masasabing ang pang-siyam na Simponya ni Beethoven ay Pop Music. Ngunit, sa panahon ng Pop Culture ngayon ay iilan lang ang magsasabi nito. Ito ay sa kadahilanang ang Popular Music sa kultura ngayon ay nangangahulugang musikang kumita ng malaki, nakagawa ng madaming kopya ng CD, at kinanta ng isang Pop Idol.

Tinalakay ni Navarro sa kanyang akdang Ang Bagong Lipunan , 1972-1986: Isang Panimulang Pag-aaral sa Musika at Lipunan (2009), na ang musika bilang isa sa mga taga pagbuo ng kultura ay may malalim na impluwensya sa kamalayan ng tao. Kahit sa mga naunang panahon sa ating kasaysayan, ang Kastila, Amerikano, at Hapon na nanakop sa Pilipinas ay may paniniwala sa mabuti at masamang epekto ng musika sa tao. Sa pahayag ni Garcia (2010) sa Manila Bulletin, sinabi ni Ogie Alcasid, ang kasalukuyang president ng Organisasyon ng Pilopinong Mang-aawit, napapahalagahan ng ibang kultura an gating sariling musika, ang OPM. May panahong nahilig ang mga Pilipino sa Samba, sa Brazilian. Ngunit hindi natin dapat itigil ang pagsusulat ng mga kanta. Ang mga Pilipinong manunulat ay may sapat na katalinuhan sa paglikha upang maipagpatuloy ang pagsulat ng mga nasasaloob nila, makakatulong din ng malaki ang edukasyon dahil ito ang magpapakilala ng Filipino Music sa mga kabataan. Maganda ang musika natin. Sa pag-aaral ni Legaspi (2010) sa website na

http:/www.pinaybroad.com/2010/11/pinoy-music-comfort-zone-2, ang OPM para sa mga OFW ay ang nagbibigay sa kanila ng kaginhawaan habang malayo sa kanilang kinagisnang bayan at habang nakikipagsapalaran sa lenggwahe na hindi nila nakasanayan. Ayon kay Legaspi, mas pinipili pang pakinggan ng mga OFW ang lumang OPM dahil ito ang nakalakihan nila at hindi parin kumukupas. Ang pagsasaling likha na ginawa ni Tinio (2002) mula sa kanyang aklat na Culture and Customs of the Philippines, ang kasalukuyang musika ng Pilipinas ay buhay at patuloy na namamayagpag. Ang mga orihinal na musika ay patuloy na tinatangkilik at nananatili sa interes ng mga mang-aawit at tagapakinig. Ang industriya ng Philippine Recording ay nag ulat ng animnapong bahagdan na pumatok na musika ay mula sa mga local na mang-aawit na taliwas sa isinagawang pag-aaral, sampung taon na ang nakakalipas.

You might also like