P. 1
Kasaysayan Ng Demokrasya 6pgs.

Kasaysayan Ng Demokrasya 6pgs.

5.0

|Views: 9,100|Likes:
Published by Maila P. Erasga

More info:

Published by: Maila P. Erasga on Feb 19, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX or read online from Scribd
See more
See less

09/05/2015

Balangkas

I. Ang Pambansang Demokrasya bilang Pampulitikang Linyang

nagbubuklod sa KPD
A. Maikling Repaso sa Pangkasaysayang Pag-unlad ng Pakikibaka para sa

Pambansang Demokrasya
B. Ang Kahulugan ng Pambansang Demokrasya

Ang demokrasya ay, sa literal, ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala"). Nasa gitna ng iba't ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng "mga tao", ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang katagang demokrasya sa konteksto ng isang politikal na estado, ang mga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala. Ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao. Ang demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin. Isinasagawa nila ito sa maraming pagkilos o mga pagpupulong na pambayan. Di-tuwiran, kinatawan o republikano kapag ang mamamayan ay pinamamahalaan mga taong hinalal o pinili nila. Ang Switzerland ay may tuwirang demokrasya samantalang ang Pilipinas ay isang demokratikong kinakatawan ng mga halal ng bayan.

A.Proseso ng Pagsapi at Rekisito sa Pagtatayo ng Balangay ng KPD sa iba’tibang antas B. Istrukturang Pang-organisasyon
KILUSAN PARA SA PAMBANSANG DEMOKRASYA Pormal na inilunsad ang KPD noong Hunyo 10, 1998 sa Abelardo Hall ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City. Dinaluhan ito ng halos dalawang libong (2000) Pilipinong nagmumula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan. Unang nailatag ang mga balangay ng KPD sa mga probinsya ng Gitnang Luzon. Mabilis itong lumawak sa mga maralitang komunidad sa Metro Manila. Sa kasalukuyan, nakalatag ang mga pormasyon ng KPD at mga pormasyon ng mga sektoral na organisasyong kasapi nito sa kamaynilaan, timog katagalugan, hilagang luzon, sa kabisayaan at lumalawak pa. Ang pagkakatayo ng grupong pang-organisa sa Mindanao ang nagkumpleto sa pambansang katangain ng KPD. Sa matagumpay na Unang Pambansang Kongreso ng KPD na inilunsad noong Disyembre 10-12, 2001 sa Baptist Camp, Mariveles, Bataan, buo ang representasyon ng lahat ng sektor ng lipunan at mga istratehikong probinsya at syudad mula sa 200 delegado na nagsidating. Mula nang itatag hanggang sa kasalukuyan, nagkamit ng mga tagumpay ang KPD sa pagsusulong ng mga pakikibaka ng mamamayan. Dahil dito, nagtatamasa ito ngayon ng respeto ng iba’t-ibang sektor ng mamamayan bilang pwersa sa pagbabago.

Pambansang Demokrasya: Ang Pampulitikang Linyang Nagbubuklod sa KPD A. Maikling Repaso sa Pangkasaysayang Pag-unlad ng Pakikibaka para sa Pambansang Demokrasya Ang Pilipinas ay isang pampulitikang entidad na iniluwal ng pangkasaysayang pag-unlad ng pakikibaka ng sambayanan laban sa kolonyalismo. Nagkahugis ito nang mabilis sa huling bahagi lamang ng ika19 na siglo nang mailunsad ang tinatawag na Kilusang Propaganda na nanawagan ng reporma sa paghaharing teokrasyang kastila. Ang kawalan ng pambansang kamulatan at identidad ng sambayanan ang malaking salik sa mabilis na pagkakagapi ng mga Pilipino. Panghahati (taktikang divide-and-rule), espada at krus ang ginamit ng mga kolonyalistang Espanyol upang maghari at gapiin ang nasyunalismong Pilipino. Kaagad na nahimok ng mga kolonyalista ang lokal na naghahari dahil sa kanilang palasukong aktitud sa mga dayuhan. Mula sa mga lokal na

namumuno, umusbong ang “principalia” sa bawat pueblo at baryo. Ang mga naghaharing ito na may pribadong pag-aari at nag-aangkin ng limitadong makauring kalayaan (class freedom) ang naging katulong ng mga mananakop sa pagpapanatili at pagpapairal ng kolonyal na kaayusan. Kinailangan munang makapangibabaw ang kamulatan ng mamamayan mula sa makitid na utak-barangay (barangay mentality). Ginamit ng mga kolonyalistang Espanyol ang ganitong pag-iisip at naipatanggap ang pyudal na pagsasamantala bilang sagradong obligasyon. Magkalangkap na marahas na paghahari at paggamit ng relihiyon at kultura na inilako ng mga misyonaryo ang naglubos sa pagsikil sa kaisipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino. Gayunpaman, ang pagsasamantala’t paninikil na ito ang naging dahilan din ng paglawak ng saklaw, pagdami at pagdalas ng mga isporadikong paglaban ng mamamayan. Sa kalaunan, naibagsak ng mamamayang Pilipino ang kolonyalismong Espanyol. Mahalaga ang ambag ng mga aktibistang kumilos noon sa paglilinaw ng kalagayan ng bansa at pagpapaalab ng damdaming makabayan ng sambayanan. Ang Rebolusyong 1896 ang naglubos sa pag-usbong ng bansang Pilipinas. Bunga ito ng pagrurok ng mga isporadikong paglaban ng mamamayan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa loob ng 350 taong paghahari ng kolonyalismong Espanyol. Sa kabila ng paninikil ng kolonyal na pamahalaang Espanyol, palihim na naorganisa ang Katipunan at inihudyat ng “Sigaw sa Pugadlawin” ang paghiwalay ng Pilipinas sa kolonyalismong Espanyol nuong Agosto 23, 1896. Totoong kung babalikan ang paglaban ng Pilipino sa Espanyol, palaging nagagapi ng mga kolonyalistang Espanyol ang pakikibakang masa ng mamamayan sa loob ng tatlong siglo. Gayunpama’y hindi maitatatwa na nang mailunsad ang Rebolusyong 1896, sa pamamagitan ng kombinasyon ng tamang pwersa, kahilingan at programa, naibagsak ang kolonyalismong Espanyol. Ang masang Pilipino ay nagkapit-bisig laban sa komon na kaaway-ang pyudal na pagsasamantala sa mga magsasaka at ang pwersadong paggawa na ipinataw ng mananakop. Inagaw ng Imperyalistang Estados Unidos, na dumating sa Pilipinas sa pinakahuling yugto ng pananagumpay ng Pilipino laban sa Espanyol, ang

ating kalayaan bilang bansa. Ibayong humirap ang kalagayan ng mamamayang nagsisimula na sanang mamuhay ng nagsasarili at malaya sa pagdating ng Estados Unidos. Dahil sa mas malakas na kapangyarihang militar at industriyal na astang ‘liberal’, kaagad nalinlang ang mga ‘ilustrado’ na noo’y siya nang nasa liderato ng rebolusyon. Ang panlilinlang na itong nababalot sa mga palamuti tulad ng ‘manifest destiny’ at ‘benevolent assimilation’ ang pumaslang sa mahigit 250,000 Pilipino (sa ilang istorikong pananaliksik, triple ang laki ng bilang: 600,000) na ginugulan ng $600M at gumamit ng 126,468 tropang pandigma – na halos kahalintulad ng pwersa ng imperyalistang US sa rebolusyong Biyetnames nuong 1960’s. Ang nabubuong dugo ng sambayanang Pilipino sa mga kamay ng mananakop na Amerikano ay hindi pa ganap na nabibigyan ng pambansademokratikong katarungan. Ngunit ang kasaysayan ang magtitiyak na mapapasakamay ito ng api at pinagsasamantalahang mamamayan.

Ilusyon lamang ang ipinagmamalaking pampulitikang istabilidad ng kasalukuyang rehimen. Kung may antas man ng istabilidad sa poder ng gobyerno, ito’y sapagkat may inabot silang antas ng konsolidasyon sa kabila ng nagpupuyos na sambayanan. Ang ganitong pampulitikang istabilidad sa ‘poder ng kapangyarihang pampulitika’ ay bunga ng paggamit ng epektibong mga pamamaraan at kasangkapan ng Estados Unidos sa pagkontrol ng pulitika, ekonomya at kultura ng bansa. Gayunpama’y hindi ito nangangahulugang mapananatili ng kapangyarihang lokal at ng Estados Unidos ang kanilang paghahari sa habampanahon. Habang lumalakas at tumataas ang antas ng teknolohiyang ginagamit sa pagsasamantala at pandarahas, lumalakas din ang batayan para sa pag-aalsa ng mamamayan na siyang lubusang magpapahina sa imperyalistang dominasyon at katutubong pagsasamantala.

Ang pambansa-demokratikong kilusan ay di lubos na nagapi kailanman ng imperyalismong US. Pinatitibayan ng kasaysayan na ang pambansademokratikong kilusan ang tunay at seryosong nagtataguyod ng pursigidong paglaban sa pagsasamantalang dayuhan at lokal. Samantala, dahas ng kapangyarihang militar ang itinutugon ng imperyalsimong Estados Unidos at mga lokal na galamay nito sa mga lumalaban sa kanya habang nagkukunwang taggapagtanggol ng kalayaan at demokrasya sa buong

daigdig. Ang kasaysayan ng sambayanang nagtataguyod sa pambansang demokrasya ay tigib ng kadakilaan. Sa nakalipas, makikitang naisasakatuparan lamang ng US ang supresyon ng rebolusyong Pilipino sa kolaborasyon ng mga lokal na naghahari. Ang kabuhayang Pilipino na kontrolado ng Estados Unidos ay patuloy na nakalugmok dahil sa paglala ng pambansang ekonomyang ‘importdependent, export-oriented’, pag-asa sa dayuhang pautang at kapital at lansakang pagtatambak ng mga ‘imported surplus goods’ mula sa US at iba pang industriyalisadong bansa.

Ang ganitong klase ng ekonomya’y nagsasamantala sa mura at supil lakas-paggawa, nagpapahigpit sa monopolyo ng iilang asendero malalawak na lupang sakahan, at nagpapalawig ng akumulasyon kapangyarihang pampulitika sa kamay ng mga burgesya-kumprador panginoong-maylupa na pangunahing kakutsaba ng imperyalismong US pangangasiwa ng estadong nagpapanatili sa mala-pyudal at malakolonyal lipunan.

na sa ng at sa na

Ang pangunahing dagok ng pambansa-demkratikong kilusan ay sa imperyalismong Estados Unidos at lokal na mga pwersa nito dahil sila ang pangunahing nagsasamantala’t nang-aapi at nagsasadlak sa sambayanan – laluna sa mga manggagawa’t magsasaka – sa masidhing kahirapan.

B. Ang Kahulugan ng Pambansang Demokrasya
Niyayakap at isinusulong natin ang pambansang demokrasya bilang pampulitikang linya at tanging tiyak na landas tungo sa tagumpay ng masang anakpawis para sa pagkakamit ng kanilang mga kapakanan at adhikain. Pambansa dahil naglalayon ng paglaya ng lipunan at bansa sa kontrol at dominasyon ng imperyalismo. At demokratiko dahil tinitiyak ang saligang karapatan sa pag-aari at pagsasaka ng sapat na sukat ng lupa ng malawak na masang magbubukid, sa pamamagitan ng pagwasak sa pyudal na

monopolyo sa mga lupain ng iilang panginoong maylupa at pamamahagi sa mga ito sa mga magbubukid na wala o salat ang lupang sinasaka. Ginagarantiyahan din ang mga demokratiko at batayang karapatang sibil (basic civil rights) ng lahat ng mamamayan, gayundin ang kanilang malawak na partisipasyon sa pag-guhit ng kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng demokratikong pamahalaang bayan. Ang pambansang demokrasya ay kinakailangang (necessary) yugto sa pakikibaka ng mamamayan para sa katarungang panlipunan. Sa balangkas nito, maisusulong ng bansang Pilipino ang mga demokratikong karapatan at ganap na panlipunang kasarinlan ng sambayanan. Walang tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyong magaganap hangga’t hindi lubusang nalalansag ang imperyalistang paghahari sa Pilipinas.

Kasaysayan ng Demokrasya

Pangalan: Maila Erasga Guro: Binibining Buendia

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->