P. 1
Ang Alingawngaw 2012

Ang Alingawngaw 2012

|Views: 303|Likes:
Published by agagfrederickc
School Publication that reaps several awards during Regional Schools Press Conference held at Tagaytay City, Philippines and one of the entry of MIMAROPA Region for National Schools Press Conference on April 2013.
School Publication that reaps several awards during Regional Schools Press Conference held at Tagaytay City, Philippines and one of the entry of MIMAROPA Region for National Schools Press Conference on April 2013.

More info:

Published by: agagfrederickc on Feb 22, 2013
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/09/2015

pdf

text

original

Amod inuwi ang medalyang silver sa larong Panlalawigan

Amod, John Ruzzel isang boksingero na kinatawan ng Pulot NHS ang numuwi ng medalyang silver sa Light Fly Weight Boxing sa Palarong Panlalawigan nitong Nobyembre 14 na idineklara sa Brooke’s Point. Sa pagsisimula ng laban para sa magiging kampeonatao ito ay sa pagitan ng koponan ng taytay at Espanola. Makikita sa mga kilos ng magkalaban ang determinasyon na masungkit ang kampeonato. Sa unang laban palang ay binigyan na ng isang matinding suntok sa tagiliran ni John Ruzzel ang katunggali dahilan para ito ay manghina. Subalit hindi nagpapatinag ang kalaban napakaming suntok rin ang nakuha ni Amod at dahil doon ay hindi na nagtagal ang manlalaro ng Espanola at ipinahinto agad ng mga hurado ang laro dahilan na rin sa matinding pagkapinsala sa

Sa ilalim ng nakapapasong sikat ng araw ay hindi nakaapekto sa mga manlalaro ang determinasyon nilang lumaban sa Palarong Pambayan nitong Septembre 26-28 stage ng Pulot NHS. Ang tensyon ay lalo pang tumaas ng magsimula na ang laro para sa magiging kampeon. Ang mga manunuod ay nagpapakita ng kanilang suporta sa mga manlalaro na kanilang hinahangaan. Ang unang naglaro para sa kampeon ng Single A ay si Marvin Alejandrino mula sa koponan ng Aboabo at sa Pulot naman ay si Derwin June Gregas. Sunod- sunod na smash ang ginawa ni Derwin sa kalaban kung kayat ay hindi na tumagal ang laro at tinanghal na panalo ang ang koponan ng Pulot. Ang sumunod na laban ay para sa Single B. Si Melmar Alejandro para sa ANHS at si Hansley Pantinolpe naman ang sa Pulot. Halos pareho lang ang naging laban sa Single A, makikita sa koponan ng pulot ang kahandaan sa laro kung kayat ito na naman ang nagwagi sa laban. Sa doubles naman ay muling nagharap ang dalawang koponan. Hindi naging madali ang laban para kina Christian Suyat at Mohammad Yusof Balahim manlalaro ng Pulot sa katunggali na sina Gian Morine at Ruzzel John Pablo ng ANHS. Sa huli ay tinanghal na kampeon ang Pulot NHS. Ang larong ito ay pinangasiwaan nina ni Gng. Melissa Fabrigas, Gng. Kreisten Bona at Gng. Ana Leah Calapini. (Al-mahmod Marajan)

Pulot rippers pinataob ang ANHS sa table tennis

Bagong Superintendent itinalaga
Si G. Servillano A. Arzaga itinalaga bilang bagong Superintendent ng Sangay ng Palawan. Siya ay dating Superintendent ng Sangay ng Puerto Princesa City. Siya ang katutubong Palaweňo na ipinanganak sa Caramay, Roxas Palawan noong Oktubre 7, 1961. Sila ay biniyayan ng isang anak na babae si Abbygale sa kanyang mapagmahal na asawa na si Dr. Carren Aliola-Arzaga. Bago siya naging School Division

Mananakbo pinakyaw ang unang parangal
Sa ilalim ng naglalagablab na araw ay hindi alintana para sa mga mananakbo ng Pulot NHS upang pakyawin ang unang pwesto sa takbuhan na idinaos sa malawak na oval ng Pulot nitong Setyembre 27 sa Palarong Pambayan.
Banda ang unang pwesto sa 400 metro. Samantalang sa takbuhang malayuan naman ay nakuha ni Bernabe Albuna ang unang parangal sa 800metro. Natamo naman nina Rogen Julasrie at Jessa mae Ang koponan ng Pulot NHS ay binubuo nina Rosel Balbutin, Madshar Ibrahim, Albert Pasignase, Romeo Arquero, Bernabe Albuna, Gerald Padrigo, Roger Julasrie, Louise Favila, Sarah Isamael, Mia Banda at Jessa Mae Magdaluyo. Naging mainit ang labanan ng koponan ng iba’t ibang paaralan. Ngunit anumang istratehiya ang gawin ng mga kalaban ay hindi nagpatinag ang mga mananakbo ng Pulot. Kaya nakamit nina Sarah Ismael at Rosel Balbutin ang unang parangal sa takbuhang malapitan na may habang 100 metro. Naisapalad rin ni Albert Pasignase ang unang pwesto sa 200 metro. Nasungkit naman nina Romeo Arquero at Mia Magdaluyo ang 1,500 metro. Sa kabuuhan nakuha ng Pulot NHS ang uang parangal sa lalaki ng (4x100) , (4x400) at nakuha naman ng mga babae ang unang parangal sa (4x400).(Mohammad Nur Marajan,Mohamed Panji Gacis)

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG PULOT NATIONAL HIGH SCHOOL, Pulot Center, Sofronio Española, Palawan • Region IV-B MIMAROPA

Alumnus kinilala bilang ‘Outstanding

Superintendent noong Marso 4, 2008 marami siyang naging karanasan. Siya ay naglingkod ng apat na taon sa The Ministry of Natural Resources sa Diliman, Quezon City. Siya ay naging Guro sa Elementarya noong Pebrero 4, 1987-Pebrero 7, 1993. Siya ay naging School Head Teacher III at naging Principal noong Oktubre 1, 2001Oktubre 31, 2004 . Sa taong 2006 siya naging Asst. Schools Division Superintendent.

Young Farmer of the Philippines’
Isang alumnus ng Pulot National High School si Gullos at sa idad na 32 ay nagtagumpay na sa larangan ng agrikultura. “Kahit isang estudyante pa lang noon si Dario ay kinakitaan ko na siya ng potensyal sa pagsasaka. Siya ay mabait at matiyaga” wika ni G. Ruby A. Carias, guro niya sa agrikultura. Siya ay residente ng Pulot Center, Sofronio Española at aktibong kasapi ng 4H Club (Head, Heart, Hand, Health), isang rural-based organization na isinusulong ng pamahalaan upang mapalakas ang sektor ng agrikultura at ang organikong pagsasaka. Isinulong niya ang agrikultura sa pamamagitan ng pagsaka ng iba’t ibang gulay sa kanyang isa’t kalahating ektaryang lupain sa Sitio Malalong, Pulot Center. Ayon kay Mila Veneranda, mula sa Office of the Provincial Agriculturist, “Ilan lamang sa naging batayan sa pagpili ng magwawagi ay ang mahusay na pamamahala ng sakahan, maayos na pagkakatala ng mga record, mga ginagamit sa pagsasaka, mahusay na pamamahala ng mga salaping kinikita at aktibong partisipasyon sa komunidad. At lahat ng iyon ay taglay ni Gullos kung kaya’t siya ang nagwagi ngayong taon mula sa pitong kalahok na nagmula pa sa iba’t ibang rehiyon ng bansa”. Ang Office of the Provincial Agriculturist sa pamahalaang panlalawigan na rin ang naghain ng nominasyon at naghanda upang mabigyan ng suporta si Dario sa naturang patimpalak. Isa rin siya sa benepisyaryo ng Japan Agricultural Exchange

Kinilala bilang Outstanding Young Farmer of the Philippines si Dario Dapat Gullos noong ika-12 ng Oktubre sa ilalim ng patimpalak ng Department of Agriculture na “Gawad Saka Search for Young Farmer”.
Program na ipinadala ng Palawan sa Japan noong 2008 upang mag-aral ng iba’t ibang bago at epektibong pamamaraan sa pagsasaka. Malaki rin ang naiambag ni Dario sa komunidad. Sapagkat ibinabahagi niya ang kanyang mga kaalaman sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagpupulong tungkol sa kung ano ang mga pamamaraan at paano mas mapapaunlad pa ang pagsasaka . Ang tagumpay ni Dario ay isa nang malaking bahagi na masasabing hindi pahuhuli ang ating bayan pagdating sa larangan ng agrikultura. Nitong Nobyembre 13, ay tinanggap niya ang naturang parangal sa Nueva Ecija kasama ang mga tropeyo at salaping gantimpala mula mismo kay Pangulong Benigno Aquino III. (Angelica Ellene Enoc)

HATAW SA TAKBO. Dahil sa matinding determinasyon, puro unang puwesto ang nakuha ng mga mananakbo sa Palarong Bayan.

Spikers ng Pulot nasungkit ang kampeonato sa Abo-abo

kanyang katawan. Sa huli, hindi rin umuwing talunan si John Ruzzel, sapagkat siya ay kinilala bilang isa sa magaling na boksingero. Siya rin ay nirereserba para MIMAROPA Meet. Sa tulong ng kanyang tagapayo na si Ryan George Toledo. “Tunay kang kahanga-hanga at isa kang magaling na tagapagsanay Sir”. Wika niya. (Benjou Villacorte, Zhaibo Niza Abdurajak)

Isang palaro ng PNP sa Sofronio Española ang isinagawa mula sa bahaging espasyo ng Pnp station. Ito ay itinaguyod ni Police Inapector Carlito R. Valdez.Ang gawaing ito ay sinusuportahan ng sumusunod na sponsors,Mayora Zeny Gomez, Don Pepito Alvarez, Kgd. Bernardo, Mr Batong Bakal,at iba pa. Ang tournament na ito ay pinapalooban ng SEMP Badminton Basketball 3 on 3 challenge at shootout cometation. Na mahigit sa 96 katao kabilang na ang koponan

Mini Olympic ng PNP tampok sa Española
nhg PNP ang nakilahok sa palarong ito. Na kung saan nakilahok ang ilang sibilyan, high school level at elementary level. Na ang bawat 4 na team ng midyet, Bantam at junior ay mayroong miyembro na tig-aanim. Ito ay isinagawa noong Nobyembre 19. Ayon kay G. Musa Roxas Police, Inspector ng PNP”layunin ng tournament na ito na magkaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng sibilyan at ng PNP at upang malayo sa mga masasamang bisyo ang mga kabataan”. (Marojie Liaso)
HUWARANG MAGSASAKA. Si Dario Gullos ay isang batang magsasaka ng gulay na nagtagumpay sa kanyang larangan.

ADM tinutukan; antas ng drop-out patuloy na bumaba
Bumaba ang drop-out rate sa taong 2011-2012 sa pangunguna ni G. Toto A. Zapanta, Punong Guro. Mula sa 4.58% ngayon ay 1.24% na lang. Ayon sa Guidance Counselor na si Gng. Melissa Fabrigas, malaki ang naitulong ng ADM o ang Alternative Delivey Mode, ang Open High School Program, at ang pag-iigting ng mga interventions tulad ng home visitation, counselling at pagtulong sa gastusing pampinansyal. Lumalabas sa datos na noong taong 2009-2010 mayroong 150 na estudyante ang nagdrop-out na katumabas ng 11.32%. na bumaba ito sa 4.58% o may katumbas na 60 estudyante ang nagdrop-out noong 2010-2011 dahil sa aksyong ginawa ng eskwelahan. Sa taong 20112012, bumaba na sa 1.245 o may 18 estudyante na lamang ang nagdropout. Ayon sa kanya, tinatarget kasi ng DepEd at ng EFA o Educaton for All, na sa taong 2015, lahat ng mga Filipino ay nag-aaral na kahit hanggang high school lang. Ang Open High School naman ay mayroong 35 na estudyante na at ang isa ay inaasahang makakapagtapos na. “Sa pangkalahatan, dapat lahat ng mga kasama dito ay makiisa upang maiwasan ang drop-out na mataas. Sa bahagi ko kailangan ko rin magdagdag pa ng effort upang makausap ang mga magulang ng mga estudyante. (Al-mahmod Marajan)

Panibagong extension ng Pulot NHS binuksan
Matapos maitatag ang kaunaunahang extension ng Pulot NHS na naipatayo sa Bgy. Punang, muli itong nagbukas ng panibagong pinto ng karunungan sa Bgy. Pulot Interior sa pangunguna ng kanilang Kapitan na si Wilfredo Arindain katuwang ang punong-guro ng Pulot NHS na si Toto A. Zapanta para sa pag-apruba ng nasabing paaralan. Ayon kay G. Arindain layunin nya na maisakatuparan ang pagbuo ng nasabing paaralan ay upang masuportahan ang edukasyon sa kanyang barangay na nasasakupan at upang hindi na mahirapan ang mga estudyante sa pagpasok sa pagkat malapit na lang ito sa kanila. Mabawasan na rin ang mga gastusin ng mga magulang at masusubaybayan na nila ang pagaaral ng kanilang mga anak. Sa kasalukuyan, mayroong kabuuang 55 estudyante ang paaralan; 33 sa unang taon at 22 sa ikalawang taon. Mayroong tatlong guro ang nasabing paaralan at ito’y sina Gng. Michelle Magallanes, Gng. at Bb. Renalyn Maceda, ang kanilang sahod ay pinuponduhan ng PTA at.Gng.Reabelle Monte. Patuloy pa ring nasa proseso ang pag-apruba ng ating rehiyon para sa PNHS extension sa Pulot Interior at sila’y naniniwala na ito’y magiging pambansang edukasyon. Sa ngayon, ang paaralang ito’y isang gantimpala para sa mga estudyanteng nais matuto at makapagtapos ng kanilang pagaaral.Upang matupad ang kanilang minimithing pangarap (John Rafael Triño at Novellete Escarcha)

MATINDING BAKBAKAN. Nagpakitang gilas at galing ang Spikers ng Pulot ng pataubin nila ang Aboabo NHS sa Palarong Pambayan.

Spikers ng Pulot nasungkit ang kampeonato kontra sa Aboabbo NHS noong Palarong Pambayan noong ika-23 ng Setyembre. Sa napakainit ng sikat ng araw sa nagsimula ng labanan sa balibol ng lalaki para sa kampeonato. Sa unang set ng kanilang pagtutuos nagpakitang gilas na kaagad ang bawat koponan. Ang matitinding palo na pinakawalan ng manlalaro ng Aboabo ang naging dahilan ng kanilang pagkapanalo sa iskor na 24-18 Sa pangalawang set ng laban hindi na nagpadaing pa ang Spikers ng Pulot. Nagpaulan ito ng matitinding sunod-sunod na palo na humantong sa iskor na 25-21. Nagkaroon ng decision game kung saan ay naging maslalo pang naging mainit ang labanan ng dalawang panig halos hindi na lumalapat ang bola sa lupa. Makailang beses na sumubok ang Aboabo NHS na makapuntos subalit dahil sa teamwork at determinasyon ng Pulot NHS sila ang hanirang na kampeon sa iskor na 25-12. Ayon sa kanilang tagapagsanay na si G. Benjie Vasquez, ang pagkapanalo ng kanilang koponan ay dahil sa kanilang teamwork. (Villacorte, Bahala, Abela)

TOURNAMENT. Ang mga PNP ng Española ay nagkaroon ng iba’t ibang palaro kasama ang mga sibilyan na naglalayong magkaroon ng magandang ugnayan ng bawat isa.

Virrey sumungkit ng panalo sa larong Lawn Tennis
Makinang-kinang na medalya ang nasungkit ni Jibrel Virrey sa Palarong Panlalawigan na ginanap sa Brooke’s Point Lawn Tennis Court noong Nobyembre 11-13.Halos hindi magkamayaw ang mga taong na nunuod sa lakas at galing na ipinapakita ng bawat manlalaro. Ang unang naging kalaban ni Jibrel Virrey ng Pulot NHS ay ang manlalarong taga Bataraza. Naging maskaabang-abang ang laro sapagkat matitinding palitan ng bola ng dalawang panig. Mga solid na forehand ang binabato ni Virrey sa kalaban kung kayat nagtapos ang laro sa iskor na 8-2 pabor sa koponan ng Espaňola. N a n g maglaro uli si Jibrel sa ikalawang pagkakataon nakatapat niya ang taga Brooke’s Point na may record na simula pa elementarya ay Pambansa na. Subalit ganun pa man ay hindi nagpasindak si Virrey. Ginawa niya ang lahat na makakaya niya, para makuha ang mga malalakas na forehand ng kalaban. Pero sa huli ay hindi nagpadaig ang kalaban kaya natapos ang laro sa iskor 9-1 pabor sa kalaban. Pinatnubayan siya ni Gng. Rinaly Pacanza at ng kanayang tagapagsanay na sina G. Teddy Talan at G. Roberto Sebido. (Jerom Brien Pacanza)

“Kailangan nating magtulungan upang sugpuin ang pambubulas sa mga paaralan”. Ganito ang tinuran ni DepEd Secretary Armin A. Luistro sa isang screening ng pelikulang “Bullying” na kaugnay sa naturang kampanya sa buong mundo. Ang pelikulang naturan ay galing sa Jesuit Basic Education Commission (JBEC) sa pakikipagtulungan ng Solar Entertainment dito sa Pilipinas. Ito ay natuon sa nakababahalang pagdami ng kaso ng pambubulas sa mga paaralan sa buong mundo kasama na ang Pilipinas. Ang DepEd at maging ang medya ay nakakatanggap ng report tungkol sa malalang kaso ng pambubulas bawat

Tama na, labanan natin ang bullying –Luistro

Itinanghal na kampeon ang Seniors Team sa iba’t ibang kompetisyon sa Jazz Chant at Spelling Bee sa ginanap na English Festival 2012 noong ika-19 ng Disyembre sa Pulot National High School. Naging tampulan ng pansin ang nasabing okasyon sapagkat ang mga mag-aaral ng Pulot NHS ay nagpakitang gilas at nagpamalas ng angking kakayahan sa wikang Ingles. Ang nasabing programa ay pinangasiwaan ng mga guro sa Engles na naglalayong higit na mapaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan sa Engles. Hinakot ng Seniors ang mga panalo una ay sa Spelling Bee nakuha ni Nurzaida Jamion ang unang pwesto, pinangalawahan ni Senneth Owen Tesorio at pumangatlo naman ay si Meriam Geronimo na kapwa IV-Rizal. Samantalang ang

Seniors nanguna sa English Festival
Jazz Chant, Oration at Word Factory. Pinangunahan ni Al-mahmod Marajan mag-aaral ng IV-Rizalan Sa kabilang banda, si Philianne Alpha Garcia ng III-SSC ang hinirang na panalo sa declamation. Nasungkit naman ni Jerahmeel Tayag Jr. ng Grade-VII ang unang pwesto para sa extemporaneous speech. Ang Sophomores naman ang nag-uwi ng kampeonato pra sa chorale reading. Sina Mohammed Panji Gacis at Arlene Escanan ng III-SSC ang

lingo. Kung kaya’t inilabas ng DepEd order 40 series of 2012 o child protection policy. Ito ay naglalayong pangalagaan ang mga mag-aaral at mailayo sa anumang pag-aabuso kasama ang bullying. Sa naturang DepEd policy ay binibigyang diin ang matinding pagtutol sa anumang paraan ng pang-aabuso, deskriminasyon at pambubulas. Gayun din, ay inaatasan ang mga opisyales ng kagawaran tungkol sa kanilang tungkulin na gumawa ng hakbang upang labanan ang karahasan sa kani-kanilang paaralan. “Kailangan nating kumilos agad para sa ating mga kabataan” dagdag pa ni Luistro.(Jerome Brein Pacanza)

pinakamagaling sa scrabble. Sa pagtatapos ng araw, nagsagawa rin ng Film-viewing kung saan bidangbida ang mga mag-aaral na Pulot sa kanilang sariling gawang pelikula na kanilang naging proyekto sa subdyek na Ingles. (Mark Darwin Abela)

ANG PALIGSAHAN. Nagpakitang gilas ang ika-pitong grado sa kanilang choral reading sa English Festival.

PNHSians kampeon sa VEGCAP Convention Center sa Española itinatayo
Tatlong mag-aaral ng Pulot NHS ang umuwi ng kampeonato sa tagis-talino sa ginanap na 3rd Annual Provincial Convention and Division Workshop of Values Educators and Guidance Counselors Association in Palawan (VEGCAP) noong Oktubre 15-16 sa Palawan National School multi-purpose hall, Lungsod ng Puerto Princesa City. 28 paaralan mula sa buong Palawan ang nagtagisan ng talino at nag-asam na masungkit ang kampeonato para sa taong ito. Unang nagbunyi ang Bato NHS sa pagkakahirang sa kanila bilang pangatlo samantalang ang Pulot NHS at San Vicente NHS ang naglaban para sa unang pwesto dahil parehong 52 ang nakuhang iskor. Sa ginanap na tiebreaker, nagdiwang ang Pulot NHS sa pagkakadeklara bilang kampeon sa tagis-talino na pinangalawahan ng San Vicente NHS. Ang nanalong koponan ay binubuo nina Rizza May Merencilla ng III- SSC, Saudia Sitti Nur-in Sunny ng III- Love at Mark Darwin Abela ng IV- Rizal na ginabayan at tinuruan nina Gng. Melissa Fabrigas, Guidance Counselor, Gng. Elvigia Rios, guro sa EP sa ikaapat na taon. “Maligaya kami sapagkat sa ikalawang pagkakataon ay nakamit rin namin saw akas ang inaasam na maging kampeon sa tagis-talino, isa naman itong karangalang ng Pulot NHS” wika ni Melissa Fabrigas, guidance Counselor. “Pagpapatibay ng ating gampanin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga sa K to 12 Kurikulum, tunguhin ang layunin sa paggabay at pagsulong ng karapatang pantao”ang tema kung saan nakatuon ang kombensyon ngayong taon. Ang mga nanalo sa tagis-talino at sayawit ang magrerepresenta ng Dibisyon ng Palawan sa nasyonal lebel na gaganapin sa Tagbilaran City, Bohol sa ika-29 ng Nobyembre. (Mark Darwin Abela) Mahigit pitong milyon na pundo ang inilaan para sa Convention Center na ipinapatayo sa bayan ng Sofronio Espaňola. Ang nasabing proyekto ay mula sa Calamity o Disaster Fund . Ito ay continuing project na kasalukuyan pang tinatapos ngayong taon. Sa ngayon ay umaabot palang sa tatlo at kalahating milyon ang ginagastos para sa pagpapatayo nito . “Layunin ng proyektong ito para may magamit sa mga gaganaping programa na nilalahukan ng pangmaramihan tulad sa mga magtatapos na mga mag-aaral, mga gagawing seminar. Magsisilbi rin itong evacuation center”.Wika ni Mayor Gomez. Ayon naman sa Municipal Engr. ng Espanola na si Engr. Isagani Virrey napakaraming proyekto ng pamahalaang lokal ngayong taon 2012 sa pangunguna ni Mayor Zenaida Gomez. Mayroong 20% Development Fund for Insfrastructure na hinati sa dalawa ang construction at maintenance. Ang mga naisakatuparan na ang pagsasaayos ng Municipal Gym (Walling)Php 500.000. Pagsasagawa ng mga sstulay at kalsada sa DelPilar St. Php 1,000.000; NIA road Pasasagawa ng Public Market (phase 1) 350,000; pagpapaayos ng Market bldg.. 120,000 (Pulot Center); OSCA Building Php 50,000 ;completion of Iraray Foot bridge Php 500,000 ; Pagsasagawa ng Punang box culvert 500,000; para sa maintenace Street lights Php 150,000; Tulay at kalsada 850,000; Heavy Equipments Php 750,000; Labog-Iniran FMR Php 150,000; (Marjorie Liaso, AlMamod Marajan)

TAGIS-TALINO. Ang mga mag-aaral ng Pulot na nagrepresenta para sa Quizz Bee na ginanap noong Oktubre 15-16 sa VEGCAP Convention.

Anim na mag-aaral humakot ng medalya sa Math Olympiad
Anim na estudyante ng Pulot NHS ang humakot ng medalya mula sa Mathematics Olympiad noong ika-24 ng Setyembre sa Aribungos National High School, Brooke’s Point, Palawan. Mula sa mga estudyanteng nakilahok, anim dito ang mag-aaral ng Pulot NHS ang nakasungkit ng una ,pangalawa at ikatlong pwesto sa kategorya ng bawat taon na kanilang kinabibilangan. Nakamit ni Al-Mahmod H. Marajan ng IVRizal at Mohamed Panji Gacis ng III-Special Science Class(SSC) ang unang pwesto .Samantala, nakuha naman nina Keziah B. Millones ng IV-Rizal at Rizza May Merencilla ng III-SSC ang ikalawang Medalya. Pumangatlo naman sina Mark Darwin C. Abela ng IV-Rizal at Herald Sala,mag-aaral ng ikapitong baitang. Pinangunahan ang mga kalahok ng Pulot NHS. Mga guro ng Matekimatika ang nagsilbing tagapagsanay. Layunin ng Sangay ng Palawan na pumili ng 50 estudyante na dadalo sa Intensive Capability Building Training Learning Mathematics (ICBTLM) upang sanayin at maihanda para sa PMO Division Elimination. (Keziah B. Millones)

PIDI nagbigay ng kaalaman sa mga Muslim Españolans
Sa unang pagkakataon,itinatag ang (PIDI) o Philippine Islamic Da’awa Incorporated Learning Center sa Pulot Center , Sofronio Española sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Mr. Sagrin D. Sakandal at ng kanyang mga kasamahan. Ito ay opisyal na binuksan noong July 7. Layunin ng Learning Center na ito Una para makatulong sa pangangala ng kalikasan para magkaroon ng magandang kinabukasan ang bagong henerasyon. Pangalawa para palakasin ang katuruan ng Islam at kultura at tradisyon ng mga Muslim. Pangatlo para tumanggap ng donasyon, regalo at iba pang gabay. Pang-apat para magbigay ng kabuhayan sa mga miyembro nito sa ika-uunlad ng ekonomiya. Panglima para makapaglingkod sa kumunidad. Panghuli magkaroon ng magandang samahan ang mga Muslim at NonMuslim. Binibigyang - diin din dito ang iba’t ibang kultura ng mga nananampalataya kay Allah tulad ng pagsusuot ng belo sa mga kababaihan, pagsamba ng limang beses sa isang araw, pag aayuno sa buwan ng Ramadhan at iba pa. May kabuuang bilang na 30 na kababaihang Muslim ang nagsasanay dito para maging mas mabuting tagasunod ng Islam. Ang kanilang tagapagsanay ay si Naziv Taha. ( Nurzaida Jamion and Neiza Geronimo)

Pagpapaganda ng paaralan mga organisasyon sumuporta
Pormal na naisakatuparan ang beautification sa PulotNHS sa pamamagitan ng tulong ng iba’t ibang organisasyon ng nasabing paaralan, sa pamumuno ni G. Toto A. Zapanta, ang kanilang punong guro. Ang pagkaroon ng mga flowering box paikot sa paaralan sa tulong ng mga guro ng Pulot NHS, iba’t ibang dish garden na isinagawa ng mga magaaral kasama ng mga guro. Paglagay ng mga bench sa paligid ng paaralan na mula sa mga organisasyon ay ang SSG, Techvoc,T.L.E. Business. Nagkaroon din ng Volley court na pinagkaloob ng Sanguniang kabatan Officials. Inayos rin at pinaganda ang harapan ng flag pole sa tulong ng PTA at iba pa.

Bansang Pilipinas namayagpag sa ginanap na UN nitong Oktubre 19 sa Municipal gymnasium. Makikita sa patimpalak na ito na halos lahat ng mga kalahok ay mapapansing mas nakararami ang mga nakasuot ng Barong Tagalog at Filipiniana bilang simbulo sa bansang Pilipinas. Sina Almahmod Marajan at Nurzaida Jamion na kapwa nagmula sa IV-Rizal ang kinurunahan bilang G. at Bb. UN. Samantala si John Rafael Triňo suot ang kanyang Barong Tagalog at si Nurzaida Jamion sa kanyang

Bansang Pilipinas namayagpag sa UN

Modern Filipiniana ang nanalo sa Best in National Costume. Nakamit naman nina TJbee Beup ng IVMabini at Mary Angelica Vicente ng III-Beauty ang nakakuha ng Mr. and Ms. personality. Ang nabanggit na patimpalak ay pinangunahan ng Apan klab sa pangangasiwa Gng. Jennilyn Palanca, Gng. Aida Mongcal, Bb. Jeanette Anigan at ibang mga guro. Umabot sa Php 91,831 ang perang nalikom na gagamitin para sa pagpapaganda ng paaralan. (Ernie Wabinga)

Anti-drug forum isinagawa; 250 seniors lumahok
Nilahukan ng Humigit kumulang 250 na mga mag-aaral ng ika-apat na taon ng Pulot NHS kasama ang kanilang mga guro ang Anti-Drug Abuse Forum sa Municipal Gymnasium ng Espanola, ika-3 ng Disyembre. Naisagawa ang nasabing forum sa pangunguna ng Municipal AntiDrugs Abuse Council o MADAC at sa kooperasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Pulis (PNP) Naroon rin ang mga kolehiyong Criminology, BSE at BS Philippine Studies, kasama rin ang mga Staff ng Palawan State University na pinangunahan ni Gng. Ruth Oriel, na umabot sa mahigit 64. Ang gawaing ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon particular na sa mga kabataan na may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot. Tinalakay ni Chief Inspector Carlito Valdez ang masasamang epekto ng paggamit at pag-aabuso ng ipinagbabawal na gamot. Tulad ng Shabu, Cocaine at Marijuana. Binigyang diin din niya ang mga sintomas na makikita sa mga taong gumagamit nito. Ibinahagi rin niya kung anu ano ang mga kaparusahan sa mga taong mahuling nagtutulak at gumagamit nito. (Benjoe Villacorte at Marjorie Liaso)

Hangarin nito ay upang maisaayos at mapaganda ang paligid ng paaralan. Isinagawa ang nasabing proyektong ito upang mapaghandaan rin ang darating na Division Execon na gaganapin dito. Samantala, nagkaroon ng patimpalak ng Search for Mrs and Miss UN ang APAN klab upang makalikom pa ng pera para sa pagpapatuloy ng mga proyekto sa pagpapaunlad ng sabing paaralan. Layon ng naturang samahan ang patuloy na makapaglunsad ng iba’t ibang makabagong proyektong makatutugon sa pangangailangan sa ikagiginhawa ng mga estudyante, mga guro at sa ikauunlad ng Pulot NHS. ( Trinio at Escarcha )

Malayo pa man ang Palarong Panlalawigan, marami ng mga atleta ang nagpupursigeng mag-ensayo upang mabihasa ang sarili sa isang laro at makamit ang tagumpay. Namuhunan ng pawis at pagod upang mapaunlad pa ang sarili. Pagkatapos mapagtagumpayan ang Intramural Meet, mas lalo pang pinagbuti ang pag-eensayo bilang paghahanda sa palarong pambayan. Bunga ng pagsusumikap, maraming mga atleta ang nakuha upang maging kinatawan para sa Palarong Panlalawigan. Hindi lang sa Pulot NHS, maging sa iba ring paaralan. Napakaraming mga atleta ang umaasa at gustong makasali pero ang iba pala’y may malaking problema. Bagsak ang grado! Nakapanghihinayang dahil walang pag-asang makapaglaro ang mga atletang may problema sa grado. Maraming mga manlalaro ang magagaling subalit ang iba ay kulang disiplina sa sarili. Bago pa man ang mga palaro ay nagiging pabaya na sila sa mga gawaing pampaaralan.Mayroong hindi seniseryoso ang kanilang pag-aaral. Nagiging iresponsable sila. Tulad ng paggamit ng hindi tama sa kanilang oras para gumawa ng mga kabuluhang bagay o gawaing pampaaralan. Marami ang mga nahuhumaling sa ibaít ibang kalayawan, mga bisyo, at mga maling gawain. Ang resulta, bagsak na grado!! Sayang naman ang pinuhunang pagod at pawis dahil ang mga ganitong atleta ay hindi pinahihintulutang maglaro lalo na sa Palarong Panlalawigan. Sayang ang pagkakataon na maipakita ng mga manlalarong ito ang kanilang husay at galing sa larangan ng isport. Kawalang pag-asa ang mararamdaman ng isang manlalarong may ganitong problema. Ngunit ang lahat ng mga nasayang na panahon at pagkakataon ay nang dahil din sa kanilang kapabayaan. Kinakailangan nilang pag-igihin ang kanilang pagaaral kasabay ng kanilang pagpupursige sa pag-eensayo at disiplina sa sarili. Sa kabilang b a n d a , sapagkat hindi pinahihintulutang makapaglaro ang mga atletang may bagsak na grado, ito’y magsisilbing aral at hamon sa kanila upang pagigihin na ang kanilang pag-aaral. Dito sila matututong mag-aral ng mabuti upang sa muling pagkakataon makapaglaro na sila nang walang anumang iniisip ng problema. Samakatuwid, hindi lamang pampalakasan ang dapat na pagtuunan ng pansin ng isang magaling na manlalaro. Bagkus lalo nilang dapat na bigyang pansin ang kanilang Akademya. Dapat sa isang magaling na manlalaro ay alam niya kung papaano balansihin ang Isports at akademya dahil ang dalawang ito ay dapat bigyan ng pantay na pagpapahalaga. Upang ganap na masabing isa kang magaling at matagumpay na Athleta. Isa na namang kawili-wiling laro ang kinagigiliwan ng ilan sa mga Españolans. Dala nila’y kakaibang mabigat na raketa, at isang bolang kulay berde. Tila parang table tennis na tinanggalan ng lamesa at nilalaro sa sementadong palaruan. Larong maaaring laruin sa labas at loob ng ating tahanan. Isang larong masusukat ang bilis ng iyong mga paa’t braso, iyong katawan, a t talas ng iyong paningin. Halika! Tennis tayo! Tennis, isang larong pang all-around. Para sa karamihan ang larong tennis ay nilalaro pampalipas oras. Larong para sa mga bata, matanda, at sa mga may ngipin man o wala. Pwede itong isahan o dalawahan at ang layunin sa larong ito ay upang hindi makatira pabalik ang kalaban. Ayon sa mga historyador ang pinagmulan ng larong tennis ay sa France. Ito noon

Kwalipikado ka ba?

Casantosan nakapalo ng dalawang medalya
D a l a w a n g medalyang bronse ang inuwi ni Rea Casantosan, isang manlalaro ng koponan ng Pulot National High School sa larong badminton sa nakaraang Palarong Panlalawigan noong Nobyembre 11-15 sa bayan ng Brooke’s Point Palawan. Naganap ang cross over game sa pagitan ng Española at Brooke’s Point pinainit ng dalawang manlalaro ang maambon na panahon. Sunodsunod na palo ang ibinigay ni Rea sa kalaban sa uang set ng laban. Kahit na dapa-dapa na siya, pilit niya pa ring hinahabol ang bola. Lagi niyang pinapapunta ang bola sa gilid ng court. Halos madapa ang kalaban sa paghabol ng bola, kapag nagkaroon naman ng tsansa ang kalaban ay
PALO NG TAGUMPAY. Si Rea Casantosan, sa kanyang laban sa cross over game mula sa manlalaro ng Brooke’s Point sa Palarong Panlalawigan.

Pulao , Bucayan tinanghal na Mr. and Ms. Intrams
Si Angelica Bucayan ng IVMalvar at Kenneth Pulao ng IIIBeauty ang tinanghal na Ms. at Mr. Intramural meet noong Agosto 23-24 sa municipal gymnasium. Si Kenneth ay ipinanganak noong Septyembre 21, 1997 sa kanyang mapagmahal na ina na si Gng. Rosalie Pulao. Habang ginaganap ang patimpalak lahat ng mga kalahaok ay nagpakitang gilas sa pagrampa suot ang kanilang sports attire at kampanting sinagot ang mga katanungan na ibinigay sa kanila. Si Kenneth ang nakaagaw ng atensyon sa mga hurado kung kayat

gumaganti rin ito ng malakas na palo… kadalasang hindi ito nahahabol ni Rea. Natapos ang unang set 11- 21, pabor kay Rea. Sa pangalawang set, kahit pagod na, sunod-sunod pa rin na palo ang pinapakawalan ng dalawang panig. Unti-unti nang napapagod ang dalawang manlalaro pero, matindi parin ang habulan at palitan ng shuttle cock ng magkabilang panig. Unang naabot ni Rea ang 20 points pero naabutan siya ng kalaban dahilan para tabla ang laban sa iskor na 20. Kailangang magkaroon ng advantage of two. Natapos ang huling set sa iskor na 20-22 at tagumpay ang Pulot NHS. Reserbado na para sa MIMAROPA si Rea. Ang manlalaro na ito ay sinasanay ni G. Benjie A. Vasques guro sa MAPEH ng Pulot NHS. (Ernie Wabingga)

Pulot batters pinadapa ang kalaban, 12-7

Sinabayan ng nakakapasong init ng araw ang matitinding palo ng mga manlalaro ng beisbol na ginanap sa Pulot NHS Oval kaugnay ng Palarong Pambayan ng saluhin ng Pulot NHS ang kampeonato sa iskor na 12-7 kontra Panitian NHS nitong Setyembre 29. Nagpakitang gilas ang Pulot batters ng paliparin ang bola at pagtakbo ng malamilyang layo na homerun na nagpadapa sa katunggali. Dikit na dikit ang laban sa unang inning, lalo pang naginit ang laban nang pumasok ang ikalawang inning hindi na hinayaan ng manlalaro ng Pulot na mabawian pa sila ng kalaban. Sa huli tinanghal na kampeon ang koponan ng Pulot NHS. “Liksi ng kilos at talas ng isip ang kailangan upang manalo,”wika ni G. Bryan George Toledo kanilang tagapagsanay. (Fatima Fathrea, Keziah Milliones) nabuo ang modernong Tennis. Maraming kagandahang dulot ang paglalaro ng tennis. Hindi lang ito pampalipas oras kundi may mabuti ring dulot sa kalusugan ng tao. Sa paglalaro nito mahuhubog mo ang iyong pisikal na katawan. Ang isang oras na paglalaro ng tennis ay nakakabawas ng hanggang 600 calories sa lalaki at 420 calories naman sa mga kababaihan. Ito rin ay nagpapataas ng aerobic capacities, nagpapatibay ng buto, nagpapababa ng resting heart rate at blood pressure, nakakabawas ng taba, nag sasaayos ng pagdaloy ng mga kinain, at nagpapalaki din ng mga muscles, nagpapalakas, at masusukat ang bilis mo. Ang tennis ay larong walang pinipiling edad. Nakakahubog ito ng pakikipagkapwa sa iba at maaaring libangan ng inyong pamilya. Bawat laro ay mabuti para sa atin at mas mainam na laro. Huwag nating isipin na banyaga ang larong ito dahil ang karamihan sa mga pilipinong atleta ay nakilala dito. Anung malay natin ito pa ang makakapagdala sa’tin sa pag-uwi ng nagniningning na tropeyo. (Al-Mamod)

siya ang nakakuha ng best in sports wear at Mr. Intelligence. Si Sarah Ismael ng ikapitong grado at Sadun Sarail ng Seniors ang nakakuha ng 1st Runner Ups. Si Sean Valerie Padilla ang nanalo ng best in Sports Wear at Jason perez na parehong galing sa Sophomore na nakakuha ng 2nd Runner Ups. Si Cherry Ann Diaz ng Juniors team ang naging ms. Intelligence ay ipinares kay Alnasrie Suhod ng ikapitong grado ang nakakuha ng 3rd Runner Ups. Ang nalikom na pera ay gagamitin para sa pagpapaganda ng paaralan. (Ernie Wabingga)

Tennis court binuksan sa mga Españolans
Isang Tennis court ang ginawa sa bahagi ng malaking espasyo sa Munisipyo ng Espaňola. Ito ay may habang 78 na talampakan ay may lapad na 36 talampakan. Ito ay tinaguyod ng Pangulo ng tennis Club Association na si G. Eng. Elegio Y Manalon at siuportahan ni Mayora Gomez. Ito ay opisyal na binuksan sa publiko noong Nobyembre 17. Ang Tennis Club ay may miyembro na umaabot sa 38 katao at may membership fee na isang daang piso na ilaan para sa para gamitin sa mga tournament at para mapanaliti ang ganda sa nasabing court. Sina G. Teddy Talan at Rubert Sebido ang

MANINGNING NA TAGUMPAY. Sina Kenneth Pulao at Angelique Bucayan nang sila ay kinoronahan bilang Mr. and Ms. Intrams.

ay nilalaro gamit ang kamay hindi ang raketa. Si Louis X ay isa noong magaling n a manlalaro ng “jeu de paume” o ang tennis. Binago ito nang si Harry Gem at ang kanyang kaibigang s i Augurio Perera ay gumawa ng isang laro na binubuo ng raketa’t bola at tinawag nila itong pelota, na kanilang nilaro sa Birmingham, United Kingdom. Dahil dito,

mga tagapagsanay sa larong ito. Sa katunayan ang isang manlalaro ng Pulot NHS na kanilang sinanay ay nakakuha ng medalya sa palarong panlalawigan. Ayon kay G. Cardito Sambrano treasurer ng Tennis Club Assiociation “layon ng proyektong ito upang may libangan ang ating mga kababayan liban pa doon ay makakatulong din ito sa kanilang pangkalusugan at pagkakaroon ng magandang ugnayan. Lalong-lalo na para sa mga kabataang may interes at galing sa larong ito nang sa ganun lalo pa silang mahasa at makaiiwas pa sila sa mga masasamang gawain o bisyo. (Marjorie Liaso)

PAGHAHANGAD NA MATUTO. Mga babaeng Muslim na matamang nakikinig at interesado matuto upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa tagapagturo.

PAGTUTULUNGAN TUNGO SA KAUNLARAN. Ang mga mag-aaral kasama ang mga guro ang nagtulong-tulong upang maisaayos at mapaganda ang paligid ng paaralan.

ANG PAG-EENSAYO. Ang mga mamamayan ng Española na kasapi sa Tennis Club ay araw-araw na nakikita sa bagong tennis court na ito.

Bagong pampuksa sa Anay
(Ito ay Investigatory Project ng Science Class sa pangunguna ni Fathra Sahiddin)
Ang anay ay isang uri ng insekto na itinuturing na peste na pumipinsala sa mga bahagi ng bahay tulad ng dingding, haligi na kung saan ay gawa sa mga light materials. Maging sa iba pang mga gamit ay kanilang sinisira. Marami ang Napakabilis magdami ang mga insekto na ito kaya marami ng mga pamatay insekto ang ginagamit para sa pagpuksa nito. Isa na dito ang termite Exterminator na kung saan ay mula sa ekspiremento ng mag-aaral ng Special Science Class. Isa itong eco-friendly na insecticide. Sapagkat ito ay gawa sa mga natural na sangkap at walang halong kemikal. Ito ay gawa lamang sa natural na katas ng dahon ng punong Neem. Ito ay sinimulan sa pangungulekta ng mga dahon ng Neem tree. Piliin lamang ang mga sariwang dahon ng mga neem tree. Pagkatapos ay gupit-gupitin saka dikdikin ang mga ito. Sunod ay pigain ito gamit ang isang tela o sa lumang kulambo para hindi masama ang sapal. Lagyan ng kaunting tubig ang pinigaan na katas ng neem. Pagkatapos ay ilagay ito sa spray at maaari na itong gamitin.

Neem Tree Leaves:

Ekstraordinaryong Kalan
Ang ideyang paggawa ng ekstraordinaryong kalan ay pinasimulan sa bahay ni Jonel Jerez Bantan ng Pulot Interior. Ang konseptong ito ay kanya ng naiisip habang nag-aaral sa TESDA at lalong pinaunlad ng siya ay makapagtapos. Nagsimula siyang walang capital at umaasa samang sa downpayment ng mga nag-oorder sa kanya. Nagsilbi lamang itong sideline hanggang sad umami at dumami ang order dahil na rin sa kalidad ng kanyang produkto. Sa proseso ng paggawa, inuuna ang framework. Sa kabilang banda, sabay – sabay naming isinagawa ang paglalatero, welding, electronics, pagmamasaon at machinery na umaabot sa dalawang araw bago matapos.Ang kabuuang materyales ay umaabot sa 1,500 at hindi pa kasama ang labor. Ang kalang ito ay kakaiba sa ordinaryong kalan na aating ginagamit. Ito ay pinapaandar gamit ang kuryente, pwede sa solar at mabilis makaluto, maaring magkontrol ng init. Ito ay tipid sa uling. Aprobado ng DTI ang power supply ngunit wala pang sapat na dokumento sapagkat wala pa dalawang taon ang kanyang proyekto. Lifetime quality rin ang ginagawang power supply at may anim na buwang warranty pa. Mahigit sa 50 kalan na ang kanyang nagawa sa loob ng kalahating taon na nakaabot na sa Puerto Princesa, pito sa mga ito ay nakarating na ng Maynila. Ang halaga ng bawat isa ay naglalaro mula 2,000 kung hulugan at 1,800 kapag cash. Inaasahang pagkaraan ng ilang taon ay makikila na ito sa Palawan gaynudin sa buong Pilipinas.

Obra Maestra ng taga Española:

Pagpapatayo ng Coal Power Plant Birthing, TB-DOTS Centers nag-ugat ng pagtatalo sa Palawan binuksan ng Health Office
mapigil ang planong pagpapatayo nito. “Walang lugar ang Coal sa Palawan dahil napakarumi nito,” tugon ng Environmental Legal Assistance Center (Elac) sa inihaing pormal na oposisyon patungkol sa proyekto na ngayon ay nasa Preliminary stage ng Pagpepermit. Ang pinagpaplanuhang lokasyon ng planta-sa isla ng Rasa sa bayan ng Narra-ay nakatawag pansin din sa mga environmentalists. Kilala ang isla ng Rasa bilang isa sa mga protected area ng Palawan at ang natitirang tirahan ng Palawan cockatoo, isang uri ng ibong ilegal na binebenta sa mga pet shop. Ang tumataas na demand sa kuryente ay nagtulak sa PALECO upang magset ng isang taong deadline para magdagdag ng adisyunal na 25 MW sa kuryente. Ang sitwasyon ay napansin na rin ng pamahalaan ng siyudad. Nagpasa na ng ordinansang isasailalim ang siyudad ng Puerto Princesa. (AlMahmod Marajan) Dalawang bagong pasilidad ang idinagdag sa Municipal Health Office ng Sofronio Española. Ang BEMO o ang Basic Emergency Obstetric and Newborn Care at ang TB-DOTS Center o ang Tuberculosis-Directly Observe Treatment Shortcourse Chemotherapy. Ang dalawang programang ito na proyekto ng Kagawaran sa Kalusugan (DOH) at kabahagi din ng LGU. Ito’y sinimulan noong taong 2011 sa buwan ng Abril. Ang BEMO ay para sa pagpapaanak o ang birthing center at ang TB-DOTS Center ay para sa koleksyon ng Sputum ng mga taong may TB. Ayon kay Catherine Barroma, Nurse II at OIC ng Municipal Health Office, layon ng BEMO na mabawasan ang mataas na porsyento ng mga namatay sa panganganak, ang mga naipapanganak na namamatay, at ang Stillbirth o ang pagkamatay ng bata sa loob ng sinapupunan.

http://www.palawan.nfo.ph/coal-fired-power-plants-stir-debate-in-palawan/

Apat na silid-aralan pinatayo
Apat na bagong silid-aralan ang ipinatayo sa Pulot National High School na kung saan kasalukuyan tinatapos pa rin ang ikaapat na silidaralan. Galing sa iba’t ibang pundo ang ginamit sa pagpagawa ng mga ito. Ang unang silid na pinatayo ay kasalukuyan ng ginagamit ng grade 7-Special Class na nagkakahalaga ng 600,000 pesos na nagmula sa DepEd.Ang ikalawa naman ay ang sa III- Love na nagkakahalaga ng 850,000 pesos na galing sa CDP (Congressional Development Fund). Ang ikatlo naman ay ginagamit na rin sa kasalukuyan ng grade 7- Sampaguitana nagmula naman sa Development fund ni Senador Loren Legarda na nagkakahalagakalahating milyon. Ang huling silid naman ay nasa 650,000 pesos na halagang pundo na mula sa DepEd. Ang pagtatayo ng mga silid na ito ay ang unang hakbang ng depEd para sa bagong kurikulum, na K+12 at magkaroon ng mas magandang silid-aralan para sa mga estudyante at guro.

Naging sariwang debate ng mga environmentalist at ng iba pang sektor ng Palawan ang planong pagpapatayo ng dalawang coal fired power plants na naglalayong matugunan ang tumataas na pangangailangan ng isla ng Palawan sa kuryente. Nang manalo ang industrial

giant DMCI Holdings, sa tulong ng DMCI Power Inc., sa bidding para sa kontratang 15 taon, 45-megawatt suplay kasama ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) noong Hulyo, dali-daling gumawa ng mga kampanya ang lokal at international environmental groups upang

Layunin din nito na maiwasan ang panganganak sa hilot dahil marami ang namamatay dito. Layon naman ng TB-DOTS Center ay para maobserbahan ang mga taong may TB o ang Directly Observe Treatment Shortcourse Chemotherapy. Ayon din sa kanya, nasa pitong bahagdan lamang ang dami ng mga nanganganganak sa Center nang magsimula itong maitatag noong Abril 2011 at inaasahan pang tataas sa mga susunod na taon. Ang serbisyong BEMO ay libre, tulad ng mga gamit at gamot.Siguradong ligtas ang panganganak ng ina. “Maganda ang ganitong programa. Marami ang tumatangkilik dahil libre ang mga suplay at ligtas ang panganganak at makakatanggap pa sila ng benepisyo”, wika niya. (AlMahmod H. Marajan at Marjorie I. Liaso)

1st Operation Blessing dumayo sa Española
Dumayo sa bayan ng Sofronio Española ang Medical Mission Operation Blessing na pinangasiwaan ng tatlumpong volunteer na nagmula pa sa Maynila. Pinangunahan ni Dok. Kim April Pascual at ng kanyang mga kasamahang Nurse, Dentist at Pastor. Kaagapay din sa misyong ito ang mga Ministrial ng simbahan sa Espanola at humigit kumulang limampung sundalo na tutulong rin na mula pa sa lungsod ng Puerto Princesa City, Nobembre 5-6. Ang pangunahing layunin ng dalawang araw na gawaing ito ay upang tulungan ang mga mamayan na nangangailangan pangkalusugang medical. Ito ay may temang “Christian Broadcasting Netwok”. Pinanglingkuran ng misyong ito ang mga mamamayan ng dalawang Barangay sa Española. Ito ay ang Bgy. Pulot Intertior at Bgy. Panitian. Ang programang ito ay nagsagawa ng libreng medical check up, namigay ng mga gamot at vitamina. Nagkaroon rin sila ng mga libreng tuli para sa mga kabataan na umabot sa mahigit labing siyam. Mahigit din sa tatlumpong mga mamamayan natin ang binunutan ng ngipin. Samantalang mahigit sa 80 katao ang nabigyan ng salamin para sa mga may nanlalabong mga mata. Namahagi rin sila ng tatlong libreng wheelchair para sa mga taong may mga kapansanan at hindi makalad. Sa kabuuhan mahigit sa walong daang katao ang nabigyan ng libreng tulong at serbisyong medical. Taos pusong pasasalamat naman ang naging tugon ng mga mamamayan ng dalawang barangaysa nasabing misyon. ”Matagupay na naisagawa namin ang misyong ito sa kabila ng hirap at pagod. Masaya at napakagaan naman sa pakiramdam lalo na pagnakikita mong marami ang nabigayan ng tulong at makikita mo ang gakalakan sa kanilang mukha “wika ni Pastor Seth Alvares isa sa pastor na tumulong.Taos pusong pasasalamat naman ang naging tugon ng mga mamamayan ng dalawang barangaysa nasabing misyon. (Marjorie Liaso)

Mga patok na Gadgets sa taong 2013
Kong Hei Fat Choi, bagong taon na kaya may mga bagong gadgets naman ang kahuhumalingan ng mga tao. Isa na rito ang Smartphones, simula pa lang ng taon ay sikat na ito. Nangunguna na rito ang Samsumng Galaxy S3 ito ang sinasabing successor ng Galaxy S2 na gumagamit ng Android 4.1 jelly bean Os, may 1.4 GH2 quadcore processor, 8 mpcamera at Led flash na may mga social networkingtulad ng social tags, may 4.8 inch super AMOLED screen at 4G speedy ito. Sumunod ang HTC One X isang uri ng smart phone na may quadcore processor, isa sa may magandang kalidad na camera na gumagamit ng Android 4.0 ice cream sandwich. Ito ay may 4-7 pulgada ang lapad at may malakas na speaker. Pangatlo Google Nexus 4, isang LG smartphone na mayroong 1280x768 na resolusyon na screen na katulad din ng Galaxy S3 na buhay na buhay sa tingin pa lang. Gumagamit din Android 4.2 jelly bean, marami rin itong ads tungkol sa google at kayang kumuha ng anggulo 360 degre. Mayrron din itong Qualcomm shapdragon s4 Pro processor upang pangalagaan ang kanyang RAM at may wireless Charger pa itong kasama. Panghuli ay ang Samsung galaxy note2, pinagkamaliang isang tablet dahil ang note 2 ay may 5 pulgada na scree, may libre na rin itong S pen. May 2pen camera ito na may 1080p shooting capacity at 1.6 Hz na quadcore processor at may 260 na RAM. Talagang hindi na maawat ang mga makabagong mga gadgets ngayong papasok na taon na kung saan ay patuloy na nagiging hi-tech.

GOAT Production ng Palaweño pinapatatag

Espaňolans dumalo sa Rubber Plantation Management Training
Ang Rubber Plaantation management Training ay dinaluhan ng mga rubber tree growers mula sa Espaňola kasama ang iba pang munisipyo. Sinagawa ang nasabing pagsasanay sa Pamahalaang lokal ng Agrikultura sa pamumuno ni Dr. Eugenio Alcala, miyembro ng Board of directors ng International Rubber Development Board ang naging tagapagsalita. Kasama din si Hernani M. Lapid, Regional Focal Person on Rubber ng Department of Agriculture, Regional Field Unit ng region IV-B. Pareho nilang tinalakay ang tungkol sa rubber tree. Ang rubber tree, “Herea brasiliensis” ay isang puno na mas pinahalagahan kaysa sa mga genius nitong Herea. Ito’y tumutubo lang sa Rainfrest ng Amazon. Ngunit dahil sa mataas na demand sa pagkakatuklas ng mga magagandang dulot nito sa industriya. Kumalat ang ideya ng pamamaraan sa pagtatanim ng rubber. Sa lahat ng parte ng rubber tree, ang dagta o latex lang nito ang nabibili sa mataas na presto sa merkado. Makakaharvest ka na nito kapag ang puno ay 5-6 years old. Makukuha lang ang latex sa pamamagitan ng prosesong rubber tapping na kung saan sinusugatan ang latex vessel ng puno at dadaloy ito sa mga bucket kung saan ito iniipon. Ayon kay Gng. Frauline B. Castillo, Agriculture Technologist ng OPA, layunin ng pagsasanay na malaman ng mga nagtatanim ng rubber tree ang tamang pangngalaga sa mga ito. At kung anong kailangang gawin kung ito’y tinamaan ng sakit o peste.

Ayon kay G. Toto A. Zapanta, Punong Guro, isa rin sa mga layunin ng pagpapatayo nito ay ang pagpapaganda ng paaralan. Ayon sa kanya nais niyang magkaroon ng magkakasamang silid-aralan upang mas madali ang pagbabantay sa mga estudyante. Dagdag pa niya asahan pa ang lima o higit pang silidaralan na ipapatayo sa taong 2013. Nais niya nasana ay ingatan, alagaan at kalugdan ng mga estudyante ang mga bagong silid na ito. ( Gacis, Bahala)

Pinikilala ng Departmento ng Agrikultura ng Palawan at sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ang goat production technology bilang panibagong pagkakakitaan. Ayon kay Gng. Mila Veneranda, mula sa OPA, ang layunin ng programa ay upang turuan ang Palaweňo ng tamang pamamaraan ng pag-aalaga ng Kambing at pati na rin ang pagpaparami nito. Sa ganitong paraan, matutulungan at maiaangat pa niya ang kabuhayan at pagkakakitaan nila, dagdag pa niya. Naging posible ang lahat ng ito sa tulong na rin ni Dr. Benito del Rosario, mula sa Provincial Veterinary Office na nagsilbing tagapagsanay. Sinimulan ito sa Balabac at susunod na destinasyon ay ang El Nido para talakayin ang parehong agenda. (Mark Darwin Abel)

MGA BAGONG SILID. Humigit kumutlang sa 200 mag-aaral ang nakinabang ngayon sa apat na bagong magkakahiwalay na silid-aralan na itinayo ngayong taon.

Babaing Iskawt nagkamit ng Karangalan
Nilahukan ng humigit kumulang limang daan na mga babaing Iskawt na nagmula sa iba’t ibang pampribado at pampublikong paaralan ang Provincial Encampment nitong Desyembre 6-9. Sa Sports Complex ng Puerto Princesa City. Bahagi nito ang 17 na mga mag-aaral na nagmula sa Pulot NHS kasama ang kanilang tatlong adult leader na sina Bb. Ruby S. Fabrigas. Gng. Jennelyn palanca at Gng. Juliet N. Datiles. “The Seniors GS Focusing and leading Towards Change” ang kanilang tema. Maraming aktibidadis ang sinagawa dito, na kung saan ay napagtagumpayan ng mga babaing iskawt ng Pulot Sila ang nakakuha ng unang pwesto sa Newspapering, Flag Making at Kite Flying. Pinarangalan din sila bilang Most Jolly, Well Uniformed, At Most Cooperative Patrol. “Sa tatlong araw na camping, marami akong natutunan tulad ng disiplina na sa sarili, pakikisama at pagiging responsable. “Nakakuha rin ako ng mga bagong kaalaman na kung saan ay maari kong magagamit sa pang-araw-araw na gawain”. Wika ni Katherine Palanca pinakabatang iskawt sa grupo. Sama-sama at tulong-tulong sila sa mga gawain tulad ng paggawa nila ng tent. Sa kabila ng bumabantang bagyo, inabot man sila ng baha subalit hindi ito naging hadlang upang makamit nila ang kaalaaman at karanasan bilang isang tunay na babaing iskawt. Layunin ng camp na ito ay upang maging reponsabling mga iskawt. (Angelica Ellene Enoc)

Pulot NHS nagsagawa ng Campus Journalism Training Workshop
Bilang paghahanda sa muling pagsabak pagsabak sa larangan ng pagsulat sa pamahayagan ng Ang Alingawngaw. Nagsagawa ng Campus Journalism Training Workshop ang Pulot National High School. Ito ay isinagawa noong Oktubre 23 hanggang 25. Ang naturang workshop ay nilahukan ng humigit kumulang 31 na mga piling mag-aaral ng Pulot National High School na pinangunahan at binigyang partisipasyon nina Bb. Irene D. Gillesania ang bagong tagapayo ng Ang Alingawngaw kasama niya sina Gng. Leah Rondael, Gng. Rio Lontes C. Castro mga dating tagapayo ng Hilltop Echo at si Bb. Ma. Filipinas S. Fronda na dating tagapayo rin ng Ang Alingawngaw. Tinalakay sa nasabing pagsasanay ang mga paraan ng tamang pagsulat ng iba’t ibang artikulo sa bawat bahagi ng pahayagang pampaaralan. Kaugnay nito ay nagsagawa rin sila ng mga gawain sa pagpapaunlad pa ng kanilang kasanayan sa pagsulat ng mga artikulo. Anu-anong ang tamang pamamaraan at nagbigay rin sila ng mga halimbawa. Sa kabilang banda ay nagbigay rin ng mga tagubiling ang mga tagapagsalita upang maslalo pang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagsulat. Layunin ng gawaing ito ay upang makapili ng mga magagaling na mga mag-aaral at upang linangin pa ang potensyal ng mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang artikulo sa pahayagan at upang maihanda na rin sila sa muling paglalathala ng pahayagan ng Ang Alingawngaw sa darating ng Enero. (Arlyn S. Bahala)

KITE FLYING CONTEST. Isa sa mga napanalunan ng PNHS iskawt ay ang pinakamatayog na lipad ng kanilang saranggola.

EDITORY AL

Isang Seryosong Babala Ukol sa Kalayaan sa Pagpapahayag

CYBERCRIME PREVENTION ACT:

Samu’t-saring dulot ng punong maranggo
Ito ay batay sa ginawang pananaliksik ni Panji Gacis ng III-SSC.
nangnganib ng maubos dahil bawal na pagputol sa mga kagubatan sa India. Ang dahon nito ay may habang tatlo hangang walong sentimetro. Ginagamit ng mga Indian ang dahon nito sa mga ritwal at pagdiriwang nila. Ang muslim naman ay ginagamit itong panghugas sa mga yumao nilang kamag-anak. Ang mga dahon nito ay pinapatuyo at nilalagay sa mga damit upang hindi kainin ng mga insekto. Sa mga sinaunang kasulatan ng neem ay natukoy ang mga benepisyo ng dahon, prutas, buto,ugat, langis at balat ng puno nito sa panggagamot ng iba’t ibang sakit. Ang lahat ng mga ito ay nakapaloob sa kasulatan ng mga Indian na “Carak-Samhita” at “Susrata-Samhita” pati na rin sa aklat ng medesina nila na “Ayurveda”. Kalaunan tinawag nila itong Sanskrit“sarva roga nivarini”, na ang ibig sabihin ay “gamot para sa lahat ng sakit”. Mabisa rin itong pang-taboy ng mga lamok sa ating mga tahanan. Ang dahon ng punong neem ay panggamot sa bulutong-tubig sa pamamagitan ng paglaga ng dahon at ilagay sa pangpaligo. Ang chaa mula sa dahon nito ay mabisang pampababa ng lagnat at pangpalakas ng ating mga katawan kahit may kapaitan lasa nito. Ang pagbabad ng mga paa sa maligamgam na tubig na may halong

Cybercrime ay isa sa mga mainit na usapin sa ating lipunan ngayon kung kayat isinusulong ang Cybercrime Prevention Act or RA 10175. Subalit marami ang nangangamba dahil ito’y isang babala sa kalayaan nating mga Filipino sa pamamahayag. Sa makakabong panahon kakambal nan g tao ang kompyuter at internet. Ito ang superhighway ng komunikasyon sa mundo. Napakabilis ng malaman ang napakaraming bagay sa isang pindot lamang. Gayun pa man, sa mga pagbabagong ito ay di maiiwasan ang mga negatibong naidudulot nito dahil may mga taong talaga namang makasarili at gahaman sa maraming bagay. Subalit sila ay nagrirepresenta lang ng maliit na bahagdan ng gumagamit ng internet. Maganda ang layunin ng naturang resolusyon. Ang sugpuin ang iba’t ibang uri ng crimen sa internet gaya ng, cyberquatty, cybersex, pornograpiya, pagnanakaw ng pagkakakilanlan at illegal na pagkuha ng mga datos at impormasyon. Subalit marami sa probisyon ng batas na ito ay panganib sa kalayaan natin sa pamamahayag. Kikitilin nito ang kalayaan ng mga Pilipino sa pagbibigay ng opinyon at kuro-kuro kung kayat mas marami ay sumasalungat dito. Nakalungkot isipin na tayo’y isang demokratikong bansa ngunit sumusulong ng ganitong batas. Maganda sana ay layunin ngunit maraming bahagi ng batas ang sa tingin natin kailangang baguhin. Gaya ng pagbawal kumuha ng impormasyon. Lubhang mahihirapan lalo ng mga estudyante sa kanilang pananaliksik at iba pang kapakipakinabang na gawin sa online. Hangad natin na mapuksa ang cybercrime ngunit hindi sa paraang mawawala ang kalayaan nating mamuhay ng pantay-pantay at malaya sa pagbigay ng kuro-kuro at opinyon. Bago maging tuluyang batas, pag-aaralang maigi at baguhin ang ilang probisyon nito na kung saan di sasagasaan ang kalayaan natin sa pamamahayagan.

Reproductive Health Bill, isang isyu na magpahanggang sa ngayon ay patuloy pa ring pinagtatalunan ng ating gobyerno at ng simbahang Katoliko ukol sa pagsasabatas dito. Ang RH Bill ay ang paggamit ng mga contraceptive sa pagtatalik upang mapigilan ang pagbubuntis ng isang babae. Ang pinakapangunahing layunin ng batas na ito ay upang mabawasan ang bilang ng dami ng populasyon na naging sanhi ng kahirapan ng ating bansa. Sa panahon ni pangulong Ferdenard Marcos ay isinulong ang RH Bill ngunit hindi ito nagtagumpay. Subalit ngayon ito ay naging mainit naman na usapin sa bansa. Hati ang opinyon ng mga Pilipino ukol dito, sabi ng ilan ito ay nakakabuti sapagkat malaki ang maitutulong nito sa kalusugan ng mga kababaihan lalo na sa mga ina. Dahil din dito magkaroon ng sapat na bilang ng anak ang mag-asawa

Deal or No Deal sa RH Bill

Sin tax bill katulong sa pagputol ng masamang bisyo
Mohammad Nur Marajan

Desyembre 20 nang isabatas ni Pangulong Benigno Aquino III ang sin tax bill. Ang bill na ito ay ang pagpataw ng mga karagdagang buwis sa mga sigarilyo at mga alak sa ating bansa. Sa pagsasabatas nito marami ang umalma. May pabor at tutol dito. Subalit sa kabila ng lahat napakaraming mabubuting dulot nito hindi lang sa karagdagan ang pundo ng pamahalaan para sa serbisyo. Maiiwasan na rin ang pagkasira ng kalusugan ng mga taong may ganitong uri ng bisyo lalo sa mga kabataan. Sa kasalukuyang panahaon ay talamak na sa ating mga kabataan ang nalululong sa

bisyo tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo. Lalo na dito sa atin napakaraming mga estudyante ang nagugumon sa ganitong uri ng bisyo. Dahil sa batas na ito sanay makatutulong ito upang tuluyan ng tumigil ang mga kabataan sa kanilang bisyo. Sapagkat hindi na sila makakabili ng basta-basta ng mga ito kung wala silang sapat na pera dahil sa pagtaas ng presyo nito. Mga kabataan nawa magbago na kayo iwasan na ang bisyo sapagkat alam nating lahat wala itong mabuting maidudulot sa ating kalusugan, at maari pang maging dahilan ng pagkasira ng ating buhay.

PATNUGUTAN 2012-2013
Punong Patnugot:Al-mahmod Marajan Ikalawang Punong Patnugot:Mohamed Panji Gacis Tagapamahalang Patnugot : John Rafael Triño Patnugot sa Balita: Mark Darwin Abela Mga Tagapagsulat ng Balita: Keziah Milliones, Arlyn Bahala, Benjo Villacorte, Neiza Geronimo , Sitti Fathra Sahiddin Patnugot sa Lathalain: Angelica Ellene Enoc Mga Tagapagsulat ng Lathalain: Nurzaida Jamion, Maricel Toledo, Jynel Kyle Ruiz, Mohammad Nur Marajan, Mary Leian Grace Abela Patnugot sa Palakasan: Ernie Wabingga Tagapagsulat ng Palakasan: Jerom Brian Pacanza, Zhaibo Niza Abdurajak , Fatima Fathrea Sahiddin Mga Tagakuha ng Larawan: Fardia Ibrahim, Claude Lyka Villarin Mga Tagaanyo ng Pahina: Mohamed Panji Gacis Dibuhista: Louie Blanko Mga Tagapagbalita: Kimberly Blanco,Novellete Escarcha, Lovey Palacios Mga kontribyutor: Marjorie Liaso, Alqusayer Taha, Jovelyn Bahala. Bb. Irene D. Gillesania- Tagapayo Gng. Leah Rondael - Tagapayong Teknikal Toto A. Zapanta – Principal II

“ Ang batas dapat laging sundin ”. Iyan ang laging sinasabi kapag orientation, unang araw ng pasukan. Ipinapaliwanag ng ating guidance counsellor ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral sa paaralan. Napagkasunduan ang mga batas ng ating paaralan upang maging maayos ang kalakaran dito sa loob ng campus. Ang bawat pagsuway mula sa magaan hanggang sa mabigat na kasalanan ay may karampatang parusa sa mga di sumusunod. May minor offense at major offense pang nakasaad. Ano nga ba ang pagkakaiba ng minor sa major? Ayon sa batas ng paaralan, mas malala raw ang major offense kaya mabigat din ang kaukulang parusa samantalang ang minor ay di naman daw ganun kalala. Ibig sabihin ba nito, pwede na itong suwayin? Ginawa ba itong mga batas para suwayin at magka-thrill ang buhay estudyante? Nasaan na ang disiplinang dapat na mahulma sa pagpasok sa paaralan kung simpleng batas lang ay di kayang sundin? Hanggang sa ngayon talamak ang mga sumusuway rito. Kahit na lang sa pagsuot ng uniporme at ID ay marami ang di sumusunod dito. Ang pinakamalalang ginagawa ng mga mag-aaral ay ang pagdala o paggamit ng cellphone sa loob ng klase. Dahil doon, ipinagbawal na ang pagdadala ng cellphone ng mga mag-aaral sa paaralan ayon sa napagkasunduan ng mga magulang at ng administrasyon sa pagpupulong upang sa ganun ay hindi maging hadlang sa kanilang pag-aaral sa pagkat napakaraming gumagamit nito sa hindi tama. Sabi nga nila panahon ngayon di ka “in” sa pangkalahatan kapag wala ka pang gadgets tulad ng cellphone. Mahalaga ito lalo na pagdating sa komunikasyon

Pansin ko lang

na kaya nilang tustusan ang mga pangangailangan nito. Subalit ang simbahang katoliko at mga taong salungat dito ay naninindigan na ito ay hindi dapat isa batas sapagkat ito’y kasalanan at labag sa harapan ng ating Diyos. Para sa kanila ang RH Bill na ito ay isang uri ng aborsyon, Diyos ang siyang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo kaya siya rin ang tanging may karapatan bawiin ito. Isa din sa mga nais ipaliwanag ng mga katoliko ay ang pag-abuso sa bill na ito. Sapagkat maari itong gamitin ng mga Pilipino ang upang magpakalibang lamang at maari ding gawin. bilang batayan sa kanilang

mga kilos sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Tama nga sila ngunit ayon naman sa mga senador na pabor sa RH Bill ay higit na mas makabubuti sa lahat ng pamilyang Pilipino dahil magkakaroon sila ng sapat na bilang ng mga anak na makatutulong sa kanila upang mabawasan ang kanilang mga problema’t gastusin. Liliit din ang bilang ng populasyon sa ating bansa kung saan masmapapadali ang pagresulba sa mga problema sa lipunan lalo na ang kahirapan. Sa kasalukuyan ay ganap ng naisabatas at naaprubahan ang panukalang RH bill. Kung ating pakalilimiin mayroong maganda at di magandang dulot ang bill na ito. Bilang kabataan dapat nating isipin at pakatatandaan na lahat ng ating mga desisyong ginagawa sa buhay ay may kaakibat na responsibilidad na maaring makaapekto sa ating buhay at sa lipunang ating ginagalawan.

Ang puno ng neem o ang azadirachta indica ay matatagpuan sa bansang tropikal partikular na sa India. Karaniwan sa mga indian na ito ay tawaging “puno ng medisina” dahil sa kakayahan nitong magpagaling ng mga sakit. Ang punong ito ay lumalaki ng 15 hangang 20 metro. Ang mayabong dahon nito ay maaaring silungan sa tag-init dahil hindi agarang nanunuyot ang mga dahon nito. Ang bunga nito ay hugis parihaba at kulay berde kapag hilaw at dilaw naman kapag nahihinog at pwede naman itong kainin kahit hindi ganoon kasarap. Ang amoy nito may pagkakatulad sa bawang at mapait ang lasa. Ang mga prutas at buto nito ay mayaman sa langis. May isa hangang tatlong buto meron sa bunga nito. Napatunayang ang balat ng puno at ang dahon nito ay panguntra sa lason, virus, pamamaga, ulcer at punggos. Ang puno ng neem ay kabilang sa pamilya ng Mahogany (Meliaceae) at isa sa

dalawang uri ng azadirachta indica. Ang mga puno ng neem ay karaniwang nakikita saan man sa India. Tinuturing nila itong puno ng himala hindi lang dahil kakayahan nitong magpaginhawa kundi dahil sa kakayahang magpagaling ng iba’t ibang sakit. Sa wikang Ingles kilala ito bilang Margarosa. Ang bawat bahay sa India ay may tanim na neem sa kanilang bakuran dahil sa mga biyaya nito at tinuturing nila itong lugar ng pagsamba. Mayroon tatlong uri ng Azadirachta, A. indica (Indian Neem tree), A. siamensis (Thai Neem tree at ang A. excelsa (Maranggo o Philippine Neem tree). Ang tatlong ito ay may pagkakapareho ngunit kitang-kita ang pagkakaiba ng mga nito. Ang A. indica ay tumutubo sa mainit at tuyot na lugar habang ang A. siamensis at ang A. excelsa ay namumuhay naman sa mga mabababang lugar at nangangailangan ng mas maraming ulan. Ngunit ang A. indica ay

dahon ng neem ay pangtanggal ng mga fungi sa paa. Inilalagay din ito sa parte ng katawan na may neuromuscular pains upang maibsan ito. Ginagamit din itong pangpreserba sa mga grains. Ang sanga ng neem ay ginagamit na toothbrush sa bansang India at Africa. Ang mga toothpaste na may neem extracts ay mabibili na sa mga tindahan. Ang ugat at ang balat ng puno nito ay marami ring biyayang ibinibigay. Kapag ito ay ginawang pulbos, ito ay mabisang pang tanggal ng mga pulgas ng mga hayop.Ang pinigang dahon at dinikdik na buto ay magtataglay ng pangontra sa mga bacteria na kayang manggamot ng mga inpeksyon sa balat tulad ng acne, scabies, psoriasis, eczema at iba pa. Nakakagamot din ito ng mga sugat, paso, bali at sakit ng ulo. Ayon sa mga eksperto kaya rin nitong makapagpagaling ng diabetes, AIDS, cancer, herpes, allergies, ulcers, hepatitis, sakit sa puso at marami pang iba. Ginagamit na rin ito ngayon para sa mga contraceptives. Ang langis naman mula sa buto ng neem ay isa sa sangkap ng shampoo, cream, pulbo, sabon, losyon at kapsula na ginagamit sa pampaganda ng balat at pampalusog ng buhok. Ang langis nito ay nagtataglay ng bitamina E, amino acids at ilang fatty acids. Ang taglay nitong “Salannin” ay napatunayang mas ligtas at epektong pamatay insekto kaysa sa komersyal na pamatay peste na nagtataglay ng napakaraming kemikal. Kapag ibinilad sa araw ang dahong nilagyan ng langis mula sa neem, ito ay nasusunog din. Ginagamit libong taon na ang

nakakalipas ang katas mula sa iba’t ibang parte ng neem para pamuksa sa mga peste at medisina sa iba’t ibang sakit. Ang taglay nitong kemikal na Azadirachtin ay pumipigil sa mga insektong maging mas agresibo sa pagkain ng dahon. Ang mapait na lasa ng neem ang nagtutulak sa mga insekto na magutom na lamang kaysa sa kumain ng dahong inisprihan ng pinigang neem. Madaling madunot ang neem kaya ito ay biodegredable. Hindi rin ito nakakalason sa mga ibang hayop tulad ng ibon, aso o maging sa mga uod. Hindi rin ito nakakaapekto sa mga insektong nagbibigay ng benepisyo tulad ng pulotpukyutan at mga ladybug. Ang pagpapatubo ng neem ay napakadali lamang dahil nangangailangan lamang ito ng kaunting tubig upang mabuhay. Kaya ng puno ng neem na ibalik ang mga nutrisyon ng lupang wala gaanong mineral. Napakaganda ring panggatong ang puno ng neem. Nakakapagpaalis rin ito ng mga lamok at ibang peste sa ating bahay sa pamamgitan ng pagtatanim natin ng neem sa ating mga bakuran. Sa pagalis ng mga lamok sa ating tahanan ay makasisigurado tayong wala isa man sa ating pamilya ang magkakaroon ng sakit na Malaria at Dengue. Alam din natin na ang mga puno ang siyang makakapagbawas ng dumaraming carbon sa ating kapaligiran kaya mas maraming puno mas maganda para sa ating Inang Kalikasan. Kaya ano pa ang hinihintay nating laha,t magtanim na tayo ng puno ng neem - “Medisina para sa lahat ng sakit”...

at mga emergengy. Ngunit kung hindi ito ginagamit ng tama at inaabuso ang kahalagahan nito, magiging isang malaking sagabal o balakid ito sa pagaaral. Dahil sa ipinagbawal ito sa klase, marami na ang nahuli at naparusahan. Ang tanong ko lamang, hanggang kalian mapapatupad ang batas na

Mahal kong anak, Alam mo sobra akong natutuwa sa tuwing umuuwi ka ng nakangiti at labis din akong nakikinig sa mga pagkakataong naglalahad ka sa akin ng mga magagandang resulta ng iyong mga eksamin araw – araw ngunit ang lahat pa iyon ay puro mga kasinungalingan lamang nang maikwento sa akin ng iyong kaklase ang mga totoong ginagawa mo sa loob ng inyong paaralan. Naibalita rin sa akin na muntik ka nang mapatalsik sa inyong paaralan dahil nakikisali ka daw sa mga away at mga gulo sa inyong eskwelahan, binanggit din ng iyong guro na lubhang mababa ang iyong grado sapagkat may mga pagkakataong di ka raw pumapasok sa inyong klase, dahil ika’y nakikisama sa iyong mga barkada’t kaibigan na tumatambay sa mga computer shop o di nama’y naninigarilyo sa mga kanto sa tabi – tabi. Pagpasensyahan mo sana kung hindi na kita naaalalayan sa iyong mga takdang-aralin dahil alam mo naming gabi na ako kung umuwi at pagod na ako sa paglalako ng mga kakanin sa kalye para lamang may maisuporta ako sa iyo at sa mga kapatid mo. Nagsisikap ako anak kahit sumsusuko na ang mahina kong pangangatawan subalit hindi ko initindi iyon bagkus lalo pa akong sumisikap upang mabigay lahat ng mga pangangailangan mo sa iyong pagaaral. Sapagkat lagi mong sinasabi na napakarami ninyong mga gastusin sa paaralan sa paggawa ng mga proyekto. Lagi ko namang pinapaalala sa’yo na lahat ng paghihirap ko ito’y para din naman sa iyong magandang kinabukasan at para sa’yong kabutihan at kapakanan. Sana’y huwag mong baliwalain ang aking pagsasakripisyo. Nagmamahal, Iyong Ina

Bukas na Liham

ito? Baka ito ay isang ningas-kugon lamang at paglipas ng ilang buwan ay makikita na naman na naglilipana ang gumagamit nito. Mababalewala na naman kung ano ang napagkasunduan sa napagpulungan. Tayong mga mag-aaral ay may karapatan ngunit may kaakibat itong responsibilidad na dapat nating gawin. Labag man sa gusto natin, ito ay itinalaga para rin sa ating kapakanan. Ang kaayusan ng isang institusyon ay nagsisimula sa kooperasyon ng bawat isa. Simulan natin lahat ito sa maayos na pagsunod sa batas at tiyak na ang lahat ay magiging matagumpay.

IRRI nagbahagi ng makabagong kaalaman sa produksyon ng manga sa Palawan
Sa SEARCA’s Agriculture and Development Seminar, ibinahagi ni G. Justin Mckinley na nagmula sa Social Sciences Division of the International Rice Research Institute (IRRI) ang mga paraan kung paano mas mapapaunlad ang produksyon ng manga sa Palawan sa kabila ng mga peste rito. Sa kanyang presentasyon, isiniwalat ni Mckinley na dahil sa paghihiwalay ng mga manggang may pesteng Sternochetus frigidus o mas kilala bilang mango sa Palawan. Dahilan din ito kung bakit bumababa ito sa ranggo mula sa ika-15 sa mga lalawigan na may pinakamataas na produksyon na manga sa buong Pilipinas. Ang MPW ay nagdulot din ng pagbaba ng kita ng mga magsasaka. Sa pag-aaral ni Mckinley, nabawasan ang kita ng mga magsasaka ng halos 120.82 milyong USD, kaugnay nito, apektado rin ang ekonomiya ng Palawan. Para malunasan ang problemang ito, ang pagtangkilik ng bagong teknolohiya tulad ng x-ray ay kailangan . Ang paggamit ng x-ray sa pagsusuri ng mga manggang MPW upang mapanatiling ligtas ang produkto sa paglunas ditto ay di- nakakasira. Ayon pa rink ay Mckinley, kailangan ang paghihiwalay ng mga manga may peste at iminungkahi niya na mas paigtingin ang

DAMONG COGON alternatibong papel
Ang cogon ay isang damo na tinuturing na kabilang sa listahan ng mapanirang damo. Ito ay tumutubo kahit saang bahagi ng mga bakanting lugar lalo na sa mga sakahan. Ito ay isang seryosong suliranin na nangangailangan ng isang kapakipakinabang na solusyon. Ang paggawa ng papel mula sa cogon ay isang produktibong paraan upang magamit ang mapanirang damo. Ito ay nangangailangan ng mabusising paghiwa-hiwalay ng mga fibers upang makalikha ng isang material na kinakailangan sa paggawa ng papel. Ang produkto ay magiging ganap sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang at paraan pati na rin sa tamang proseso ng ukol sa paggawa ng nasabing produkto. Sinisimulan ang paggawa sa pagkuha ng damo (cogon) sa mga sakahan. Piniputol sa haba ng 2 pulgada gamit ang gunting at pakukuluan ng mahigit sa apat na oras. Sumunod ay dudurugin ito ng pinong-pino gamit ang mallet at sinasala upang makuha ang malapulbos na bahagi nito. Ang pulbos nito ay maari nang ihalo sa solution na mayroong tubig at glue at ibabad

(Ito ay Investigatory Project ng grupo nina Angelica Ellene Enoc ng IV-Sun na hinirang na kampeon sa ginanap na Science Fair)

pagsasanay ng striktong pagsusuri ng mga iniluluwas na manga nang sa ganu ay maiwasan ang pagkalat ng MPW. Ang pagpapatayo ng mga pribado ng bahay-kalakal para sa pagsasagawa ng mga produkto gaya ng mango juice, dried mangoes, mango pulp, at mangoe puree ay makakatulong sa pagpapaunlad ng industriya. Ito rin ay magbibigay ng bagong opurtunidad para sa mga Palaweňo na magkaroon ng trabaho. “Palawan has room improvement”, wika ni Mckinley. Sa pagtatapos ng kanyang presentasyon, hinikayat niya ang mga nagsasagawa ng mga alituntunin at mga biotechnologist na kumikilos para sa pagpapanatili ng industriya ng manga sa Palawan. Ayon pa sa kanya, di lamang ang Palawan ang makikinabang ditto bagkus kapwa rin naman ang industriya ng manga sa Pilipinas. (Keziah Milliones)

ito sa limang minute pagkatapos ay sasalain ulit upang maihiwalay ang liguid solution. Pinakahuling proseso ay ang pagmold nito sa hugis na nais ninyo. Hayaang nakalagay sa isang kwartong mayt sapat na temperature sa loob ng pata hanggaang limang oras. Kapag naisagawa na lahat ng hakbang, tiyak na matagumpay an gating alternatibong papel. Ang produktong ito ay naglalayong tulungan ang mga taong

nasa malayong lugar na walang sapat na pinagkukunan ng kanilang mga gamit sa paaralan lalo na ang papel. Ang cogon sa “Noxious Weeds list” na pumipigil sa paglaki ng halaman. Kami ay umaasang sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mabawasan ang paglago ng nasabing damo.Kalakip nito ang pag-aasam na sanay makapagaambag ito ng kahit sa maliit para sa hinaharap na pag-unlad ng ating lipunan.

I

ka-4 ng madaling araw ng Nobyembre 27 nagsimula ang aking paglalakbay papuntang “Home of Tarsiers ang Chocolate Hills” upang irepresenta ang Dibisyon ng Palawan sa Tagis- Talino at Sayawit kasama ang 22 iba pa. Tanghali ng araw ding iyon ang lipad namin tungong Queen City of the South (Cebu). Kinabukasan sumakay kami fast craft papuntang City of Friendship (Bohol). Napakarami naming kasabay na foreigner at karamihan ay mga Tsino. Napakainit ng pagtanggap sa amin ng mga Boholano. Namalagi kami sa Bohol Tropics Resort and Hotel sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi. Sa kasamaang palad ika-18 kami mula sa 32 kalahok sapagkat ang “Sulo ng Buhay” na gamit ng Palawan ay dalawang taon ng hindi ginagamit ng ibang dibisyon samantalang ang Roxas National Comprehensive High School ay

pang-apat mula sa pitong presentasyon. Bago umuwi ay nagpasya kaming libutin ang Bohol. Nagpakuha ng litrato sa mga tarsiers at umakyat sa isa sa mga burol at marami pang iba. Inaabot kami ng isang araw upang mapuntahan ang lahat ng iyon. Excited na kami pauwi ngunit nagkataong paparating si Bagyong Pablo at naitaas sa signal no. 1 ang buong lalawigan ng Bohol. Dahil dito ay kinansila lahat ng sasakyang pangdagat at panghimpapawid. Hanggang sa umabot ang signal sa no. 3, sa madaling sabi kami ay naistranded sa pantalan ng tatlong araw at dalawang gabi na kung saan ay nakita ko ang aking sarili na pumipila para sa noodles at libreng pagkain handog ng Red Cross-Bohol, DSWD-Bohol, LGU at Provincial Government

ng Bohol. Doon ko naranasang maligo ng may bayad, matulog sa upuan at sahig at maghintay ng sasakyan para makacharge Doon ko rin lalo pang nakita ang pagkakaisa ng mga Boholano sa oras ng sakuna. Buti na lamang at hindi kami tinamaan ng mata ng bagyo sa halip ay buntot lamang. Pagkatapos ng tatlong araw pinayagan na kaming bumiyahe patungong Cebu. Subalit pagdating doon ay cancelled din ang aming flight patungong Puerto Princesa City. Kinabukasan dumating kami ng Palawan salamat na lang at wala na ang bagyong si Pablo. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa kabila ng ganoong karanasan ay nakabalik kaming ligtas.

“Honesty is the best policy”, ang kasabihang ito sa wikang Ingles ay partikular ng naisalin sa mga henerasyon mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon. Isa rin itong pamilyar na kasabihang napakinggan nating mga Pilipino at sinusubukang isabuhay sa araw-araw. Maging ang mga bata nga ay alam na alam ito ngunit hanggang pagkaalam lang nga ba? Ang katapatan ito ay nangangailangan ng pagiging tapat, tunay at toto. Ito rin ang dahilan, kung bakit pinagkakatiwalaan tayo ng isang tao lalo na sa usaping trabaho. Ito rin ang dahilan kung bakit tumatagal ang isang relasyon bilang magkaibigan, lalo na sa magasawa. Isa rin ito sa mga kaugaliang pinapahalagahan ng mga Pilipino. Sa ngayon, ganun pa rin nga ba? Sa bilis ng pag-inog ng mundo maraming

Batang Juan tapat parin nga ba?

mga pagbabago kasama na rito ang katangian na unti-unti na rin kinakalimutan ng mga kabataan ang katapatan. Katapatan? Hindi na raw uso ‘yan sabi ng karamihang kabataan sa ngayon. Pagdating ng isang pagsusulit sa mga paaralan, asahan mo na ang kopyahan, pangungudigo at pandaraya tapos ok na ang lahat. Hindi naman daw ‘yon sigurong ganun kasama kasi ginagawa naman ng karamihan o kaya normal lang iyon. Nakalulungkot, pero ‘yon ang totoong nagyayari na ating nakikita.

Ni Mark Darwin Abela

Pabor kaba sa Reproductive Health Bill?
Benjou Villacorte - Nang maisabatas ang RH Bill, nahati ang pananaw ng mga Pilipino ukol sa pinagdedebatihang batas. Narito ang ilan sa mga opinyon ng mga mamamayan ukol dito.
G. Cyrille C. Jerez - isang Guro- Hindi ako pabor sa RH Bill, sapagkat marami sa mga kabataan ang mag-isip na okey lang ang premarital sex dahil may contraceptive naman na maaaring gamitin. Anita Gauranoc- isang tindera – Para sa akin, sumasangayon ako sa RHBill dahil mas makatutulong ito upang mabawasan ang tuloy-tuloy na paglobo ng populasyon sa bansa ganun narin ang mga mahihirap na pamilya. Billy Bandales –isang BHW -- Pabor ako para sa batas ito. Dahil sa hirap ng buhay sa ngayon marami na sa mga pamilyang Pilipino ang nahihirapan kung papaano nila buhayin at mabigyan ng tamang edukasyon ang kanikanilang mga anak. Dahil sa kahirapan sa buhay at sa laki ng pamilya ang ibang mga magulang ay hindi na nila nagagampanan ng tama ang kanilang mga responsibilidad. Kung kayat masmakabubuti ang Bill na ito upang sa ganun maiwasan ang pagdami ng naghihirap na pamilya. Mary Chris Malapit – Bilang isang mag-aaral hindi po ako pabor sa batas na ito sapagkat ayon sa bibliya ang Diyos lang ang may karapatan na bumawi ng mga bagay dito sa mundo. Isa pa maraming mga kabataan sa ngayon ang mag-aabuso sa batas na ito.

Nakapanghihina dahil mahirap para sa isang tao ang manindigan na maging tapat lalo na kung nariyan ang tukso, panggigipit . Ang totoo, ang katapatan ang isa sa mga katangiang tutulong sa atin para magtagumpay sa buhay. Sabi nga ng bibliya sa Lukas 16:10 na “Ang taong tapat sa pinakakaunti ay tapat din sa marami at ang taong di-matuwid sa pinakakaunti ay hindi rin tuwid sa marami”. Kaya malinaw rito na ang unang hakbang para maging tapat tayo ay una maging tapat tayo sa ating sarili at matutuhan nating gawin ito sa anumang paraan ngayon. Syembre pa, ang di katapatan ay may negatibong mga bunga. Una, nakakaapekto ito sa ating pagsulong, kung tayo ay aasa na lang sa pandaraya at panloloko. Hirap na din tayong pagkatiwalaan ng mga tao. Hindi basta-basta ibibigay ng isang tao ang kanyang tiwala sa taong alam niyang wala namang tiwala sa sarili. Kaya marahil pagdating ng panahon kabilang na tayo sa henerasyong tiwali at kurakot. Mga kabataan, tapat na sana tayo. Paano natin maiaayos ang kinabukasan kung ngayon pa lamang ay hindi na tuwid na landas ang ating tinatahak? Paano tayo magiging produktibong mamamayan kung ayaw natin harapin ang katotohanan at tanggapin ito? Tandaan nating,” Honesty is still the best policy”.

Talamak na at hayagang nakikita ang pangunahing suliranin sa bawat paaralan. Ang pang-aabuso sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pananalita, pisikal o emosyonal man ay tinatawag na pambubully. Ito ay isinasagawa ng kanyang abusadong guro o di kaya’y nang-aasar na kapwa estudyante. Maraming dahilan kung bakit nabu-bully ang isang magaaral. Marahil ito’y sa estado ng buhay, pisikal na kaanyuan, at kung minsa’y ang kakulangan/ kapansanan ng isang kabataan. Si Peter Bea, 20, ay isang biktima ng “bullying” sa kanilang paaralan. Dinapuan siya ng sakit na Meningitis noong 2005 at napilitan tumigil sa pag-aaral. Maraming naging epekto ang kanyang kapansanan sa kanyang buhay, naparalisa ang kalahati ng kanyang mukha. Nang siya ay bumalik sa pag-aaral, matitinding pangugutya at pang-aapi ang tinanggap niya. Binatikus siya ng masasakit na salita at bansag, liban riyan ay tiniis niya rin ang matitinding pisikal na pananakit mula sa kanyang mapang-aping kamag-aral. Labis na pagkalumo at kahihiyan ang nararamdaman ng mga kabataang ito. Hindi malaman kung ano ang dapat na gawin upang tigilan ng mga abusadong maton. Mayo nang mabatid ng mga magulang at mga biktima ang isang magandang balita. Naisakatuparan

Solusyon sa Pangamba

na ang batas ng DepEd na naglalayong proteksyonan ang mga kabataan laban sa mga pang-aabuso at pang-aapi. Ito ay tinawag na AntiBullying Act of 2012 na napabilang sa House Bill 5496. Sa alituntuning ito, panatag na ang mga magulang para sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga anak. Ang Anti-Bullying Act of 2012 ay higit na makatutulong sa pagkitil at pagpigil sa mga kabataang nang-aabuso sa kanilang mga kapwa na higit pang mahina kaysa sa kanila. Ang alituntuning ito ay nararapat lamang na sundin at palaganapin. Subalit ang pagpapatupad nito ay higit na responsibilidad ng paaralan kalakip nito ang pagpapanatili ng kaayusan, pagpigil sa deskriminasyon, at pagkakaroon ng pantay na karapatan ng bawat isa. Kailangang siguraduhin ng institusyon ang matibay at matatag na paninindigan upang puksain ang nasabing suliranin. Ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan din ang magdadala sa atin at sa ating paaralan sa isang mapayapa at maayos na kinabukasan.

PagGALANG sa RELIHIYON ng bawat isa
Sinabi ni Cardinal Timothy M. Dolan ng New York, presidente din ng U.S. Conferrence of Catholic Bishops na kailangan ang pagrespeto ng bawat isa sa ibang relihiyon dahil napansin niya na kailangan na nating magbago kung pag-uusapan ang tungkol sa relihiyon. Ang mga nangyayari sa Egypt at iba pang lugar sa Middle east ay dulot ng pagdidiskrimina tungkol sa relihiyon. Simula ng tayo’y maliliit pa tinuruan tayo paano respetuhin ang relihiyon ng bawat isa. Tandaan natin na isa ito sa susi ng tagumpay. Lulan nito, ako ay sumasangayon sa pagrespeto ng bawat relihiyon. Karamihan hindi nila ramdam ito, sapagkat ang diskriminasyon ay kakambal na ng tao. Palaging tatak ng isipan ng mga indibidwal na kalaban ang ibang relihiyon. Pagmagkasama pa ang isang muslim at kristiyano, hindi rin sila magkakasundo sa pagkain agad at sa kung ano pang mga bagay-bagay. Ang ganitong sistema ay isyu magpahanggang sa ngayon na kung saan ay laganap sa Pilipinas. Nagpalala pa ditto ay ang pagpapakalat ng isang bidyung tungkol kay Propeta Mohammad na siyang propeta ng natin. Makikita’t maririnig ang mga katagang “kapatid” pag-nagharap ang kristiyano at ang muslim. Kinakailangan ang paggalang, tulad sa isang pagkakaibigan. Karamihan ng mga magkakaibigan ay may iba’t ibang relihiyon. Ayon sa isang magkakaibigan na aking nainterview, “Wala namang bastusang nangyayari sa pagitan naming mga muslim at ang aming mga kaibigang kristiyano. Ginagalang at nirerespeto naman namin ang isa’t isa. Nararamdaman naming ito kapag nasa tahanan kami ng aming kaibigang kristiyano, tinatakpan nila ang mga pagkaing ipinagbabawal sa amin tulad ng baboy.” Ang ganitong pag-uugali ng mga mamamayan ng Pilipinas ay ang tinatawag na mga tunay na Pilipino. Lahat tayo’y mga Pilipino na isinilang sa bansang mayaman sa mga yamang likas at bansang matapang na kumawala sa kapit ng mga Español. Kung babalikan natin ang nakaraan, parte ng pagtatagumpay ng Pilipinas mula sa mga mananakop nito ang mga Muslim, na tinaguriang mga matatapang. Kaya’t magkaisa tayo upang umunlad ang bansang PILIPINAS.

Ni Ernie Wabinga

Ang Palawan ay kilala sa aking kagandan nito pagdating sa mga likas yamang taglay na maipagmamalaki sa buong mundo. Isa sa ipinagmamalaki nito ang Undergroud River. Kamakailan lang ay pumasok ang isla ng Palawan sa naitalang top 10 list for World’s best region for 2013, ayon sa sikat na travel guide na lonely Planet. Sa inilabas na listahan ng Website na ito noong ika-23 ng Octobre, pangwalo ang Palawan sa top 10 list ng mga pinakamagandang rehiyon sa daigdig na magiging sikat sa susunod na taon. Binansagan din nito ang Palawan na “the ultimate archipelago for adventures”.”Palawan incorporates thousand of sparking, rugged islands and is fringed by 2,000km of pristine coatline. So far, Palawan’s natural marvels have only been sampled by plucky backpackers. Not for much longer. The trail these pioneers have blazed is set to explode, with regional airlines waking up to Palawan’s potential and chambering to schedule direct flights to the capital. Throw in the mushrooming growth of style- conscious boutique hotels normally found in places like ko Samui or Bali, and you can fell that Palawan is ready to hit the big-time in 2013,” ayon pa sa Lonely planet. Pinangunahan ng Corsica sa France ang listahan kasama pa ang Yukon sa Canada, Gult Coast sa U.S. at Inland sea sa Japan. Ang Lonely planet ay naging popular bilang backpacker guide ng mga turista, naglabas rin ng talaan ng top cities at top countries for 2013 sa listahan ng top countreies, naguna ang Srilanka at San Francisco naman sa top cities.

Ang sayaw na sikat ngayon sa takilya ay nagmula sa bahagi ng timog korea. Sinimulan itong makitang ng ireleased ito noong ika-15 ng hunyo. Bago pa lamang ay naging sikat na agad ito at naging una sa Gaon,chart, ito ay pinakasikat na Gaon chart sa bahagi na timog ng korea. Ang Gangnam style ay sayaw na pinangungunahan na nangangalang Psy.Sa araw ng ika-8 ng kasalukuyang taon ay ang musika na Gangnam style ay napanood na ng 670 million beses sa bagong teknolohiya na youtube. Ang gamnam ay hindi lang pangalan ng isang sayaw ito ay isang distrito na makikita sa seoul. Ang sayaw na ito ay Korean neologism na tumutukoy sa uri na mamumuhay sa lugar ng Gangnam. Ito ay worldwide phenomenon, ang iba ay pinupuri ang Gangnam style dahil na rin sa kakaiba at nakalilibang na galaw ni PSY sa music video .naging Best video ito noong ika-17 na septembre. isa sa naging manghahanga sa popular na sayaw ay ang mga Pilipino. Mismong tayo ay gumawang ng sariling video na Gangnam style. Gangnam ay collaboration sa pagitan ni Psy at Yoo Gun-Hyung na nagtratrabaho sa proyekto sa musika. Ang Gangnam style ay tungkol o napapalooban na awit, sayaw, looks at ang music video na ito ay malayo na ang narating sa pagiging high class nito. Ang ay tumutukoy sa perpiktong kasintahang

Nina Gacis at Ruiz

babae kungsaan na refined at naging mabangis. Na naging “Big brother is Gangnam style”, kasama si Psy na tinutukoy ang kanyang sarili. “Oppa” ay Korean na hayag o sabi na gumamit ang babae na tumutukoy sa matandang lalaking kaibigan o matandang kapatid na lalaki. Korean popular music (K-pop), ay isang pinamahalagang aspekto ng Korean Wave. Ang Gamnam Style ay malaki ang naging impact nito sa mga tao dahil na rin sa maraming bahagi ng video na kung saan makikita ang isang horse dance. Dito sa pilipinas , ang sikat na gumagawa na horse dance ay ang gabu-gabo na si Vice Ganda. Kung saan nakita rin natin sa kanya ang pagsikat ng Gangnam Style. Ang sayaw na ito ay walang pinipiling antas ng tao o uri ng kasarian, mabata,matanda, pulitiko at artista ay alam ang sayaw na ito. Lalong-lalo na kung naririnig ang awit na ito ay napapaindak ang ating mga baywang. Kaya lahat ay nahuhumaling sa pag sayaw na nito . Sa pagiging masayahin ng mga Pilipino ay hindi na kataka-taka na naimpluwensyahan tayo. Kaya ang Gangnam style ang di makakalimutang “horse dance” sa bansa.

MINAskarahang Palawan
Napakalaking dagok ang pinsala sa kagubatan ang patuloy na pagmimina sa Palawan. Ang pagkakalbo ng kabundukan, pagkasira ng kalikasan, at pagkaubos ng mga buhay ilang. Ayon sa mining act of 1995, lahat ng kalupaan sa Pilipinas ay bukas para sa anumang uri ng pagmimina liban na lamang kung naideklara itong protected area o isinara para sa publiko. Ang nasabing batas ay pumapayag sa pagmimina kahit na sa mga kilalang pugaran ng biodiversity tulad ng Southern Palawan. Kilala ang Palawan bilang last ecological Frontier ng Pilipinas. Ngunit patuloy ang ginagawang paninira at paglapastangan sa kagubatan ng Palawan ng mga mining companies. Malaking pangamba rin para sa mga magsasaka ang heavy metals na dumadaloy sa mga irigasyon na nagreresulta ng malalang pagbaba ng ani nito. Habang patuloy ang pagbaba ng produksyon at tataas naman ang presyo. Kung patuloy ang pagmimina paulit-ulit ding mangyari ang ganitong senaryo.

mga muslim. Marami ang nagalit dito at bunga nito ay ang walang humpay na kaguluhan. Sa Pilipinas, ang ibang muslim ay hindi nirerespeto. Hinahainan sila ng mga pagkain na alam naman na bawal sa kanila. Ang mga nangyayari ngayon, ang mga giyera sa mga bansa sa Gitnang Silangan, at ang mga kaguluhan sa Mindanao, iisa lang ang tanging problema, ang pakikialam ng bawat isa sa relihiyon ng bawat tao. Huwag nating isipin na mahilig sila sa giyera kundi maroon silang ipinaglalaban ang kanilang paniniwala at ang relihiyon. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin ito natitigil. Ang Mindanao, Iraq, Iran, Egypt, Pakistan, at iba pa ay hindi rin titigil. Kung gusto natin ng kapayapaan at pag-unlad, hindi na dapat natin itong gawin. Maraming mga ibubungang mabuti ang pagrespeto sa relihiyon ng kapwa

Ayon naman sa isang environmentalists hindi pagmimina ang sagot sa paglago ng ekonomiya. Kailangan ng Palawan na pagyamanin ang at paunlarin ang turismo, agrikultura at pangisdaan upang mapasigla ang ekonomiya ng Paraiso sa Silangan. Subalit bakit sa kabila ng kampanya tungkol sa pagbabawal ng pagmimina ay patuloy parin ang operasyon nito sa lalawigan kasama na ang sa Espaňola Mining. Sana kung seryoso ang Pamahalaan sa pangngalaga sa kalikasan di na ito pahihintulutan pa. Nang sa ganun ay patuloy na tatamasain ng susunod pang henerasyon ang kagandahan ng Palawan. Lahat tayo ay magtulungan at makiisa sa kampanya laban sa pagmimina.

KOMENT ARYO SA KAMPUS

P

agsasaka ang pangunahing hanap buhay ng mga mamayan ng Española. Marami sa ating mga magsasaka ang sumisikap para matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya at para makatulong sa pamayanan.. Tulad nalang sa isang simple at ordinaryong tao na bagamat hindi karangyaan ang buhay, ay mayroong tiwala at sariling paninindigan para makamit ang kanyang mga pangarap. Si Dario Dapat Gullos 30, ay nakapagtapos ng kanyang pag-aaral ng sekondarya sa Pulot NHS taong 1999s. Noon pa man ay kakikitaan na siya’y magtatagumpay sa buhay. Nagpatuloy si Dario sa kanyang kolehiyo at kumuha ng kursong Diesel Mechanic

nya ang iba’tibang teknolohiyang kaugnay sa pagtatanim ng mga gulay. Maraming buwan din ang kaniyang inilagi roon. Ngunit lahat ng iyon ay kaniyang tiniis dahil alam niyang ang karunungan at karanasan na mapupulot niya dito ay makatutulong sa kanya upang maging isang mas mahusay pa sa pagsasaka. Kalahating ektaryang kanyang lupain ay tinamnan niya ng talong at ¼ nabahagi nito ay kamatis. Mula sa mga pananim na ito, siya ay umaani ng hanggang 7000 kilo ngTalong at 2000 kilo ng Kamatis. Ibinibenta niya ang mga ito sa mga pamilihang b a y a n ngSofronio Espanola at

Ni Angelica Ellene Enoc

Technology sa PPCI. Natanggap niya ang kanyang diploma noong 2005. Datapwat nagtapos ng ganoong kurso, mas pinili at minahal pa rin niya ang pagsasaka kaysa pagtatayo ng kanyang sariling talyer. Nagsimula siyang magtanim ng gulay noong 2004 at sa nasabing taon din ay naging aktibo ng kasaping 4H Club (Head, Heart, Hand, Health) at nabigyan ng pagkakataong maging pangulo ng naturang organisasyon sa kanilang baranggay. Maliban sa mga paraan ng pagsasaka na itinuro ng kanyang ama, siya ay dumalo rin sa iba’t ibang pagsasanay at seminar na pinangunahan ng opisina ng agrikultura sa kanilang bayan. Taong 2008 nang siya ay napili upang obserbahan at alamin ang mga paraan ng pagsasaka sa Japan sa pamamagitan ng Young Filipino Farmers’ Training Program at Foreign Young Farmer-Leaders Training Program na ipinagkaloob ng Japan Agricultural Exchange Council. Dito’y natutunan

Brooke’s Point. Sa mga panahon na mataas ang produksyon, umaabot ang kanyang mga ani sa pamilihan ng Puerto Princesa. Pinapanatili ni Dario sa kanyang sarili ang positibong pananaw sa pagsasaka ng gulay sa kabila ng hindi permanenteng presyo ng kayang mga produkto. Siya ay naging miyembro ng Vegetable Growers Association sa kanilang bayan noong 2009. Hindi lamang pansariling kapakanan ang iniisip ni Dario, malaki rin ang naitutulong niya sa kanyang pamilya. Siya ay nagpapaaral sa kanyang mga kapatid. Bilang pangulo ng 4H (Head, Heart, Hand, Health) sa kanilang baranggay, siya ay nag babahagi rin ng karunungan na kanyang natutunan mula sa mga dinaluhang pagsasanay at seminar. Mahigit dalawang taon na ang nakalipas nang siya ay magsanay ng limang miyembro ng 4H ukol sa pagsasaka ng gulay. Nakatulong silang pangalagaan ang greenhouse (taniman ng gulay) na ipinagkaloob ng DA-RFU4B sa pamamagitan ng GMA-HVCC Program.

Ang kanyang mga sinanay ay nakakuha ng insentibo mula sa kanyang kinita. Ginawa niya ito upang hikayatin ang iba pang kasaping 4H upang bigyang pansin ang pagsasakang gulay at patunayan na ito’y isang magandang hanapbuhay. Sa mga tagumpay na kanyang natamo sa pagsasaka at kontribusyon sa pamayanan, si Dario ay nakatanggap ng pagkilala mula sa local na pamahalaan ng Sofronio Española sa pamamagitan ng Marsito Acoy Achievers Award na Outstanding in Agriculture Sector. Siya ay nag-uwi na rin ng napakaraming karangalan. Mula sa Municipal, Probinsyal at Rehiyunal na lebel ng kompetisyon ay kinilala siyang Outstanding Young Farmer. Bunga ng kanyang pagsisikap, nakamit niya ang tagumpay noong ika-12 ng Oktubre at pararangalan sa Nobyembre sa Nueva Icija bilang “OUTSTANDING YOUNG FARMER OF THE PHILIPPINES” ni Pangulong Benigno Aquino III. Ang mga tagumpay at karangalang kanyang nakamtan ay hindi posible kung hindi dahil sa mga karanasan at kaalamang kanyang natutunan sa bawat pagsubok na dumating sa kanyang buhay. “Sa likod ng mga karangalang aking natanggap ay ang mga bagay na aking natutunan sa Pulot NHS. Hinubog nito ang buo kong pagkatao. Dito ko natutunan ang maging isang mabuti at responsableng indibidwal. Nililok nito ang aking katauhan mula sa mahina patungo sa pagiging matapang at matatag na nilalang. Kalakip ng mga bagay na kanyang natutunan sa Pulot NHS ay ang teknikal na kadalubhasaan mula sa Kagawaran ng Agrikultura. Ngunit ang anumang tulong galing rito ay hindi rin magkakaroon ng magandang bunga kung hindi rin siya magtitiyaga at magsisikap. Pinatunayan lamang ni Dario na ang anumang tagumpay ay hindi makakamit kung hindi dadaan sa paghihirap at pagtitiis. Ang kanyang paniniwala at pagmamahal sa pagsasaka ang nagdala sa kanya at sa kanyang pamilya sa isang masagana at marangyang buhay na higit pa sa buhay na kanyang pinapangarap lamang noon.

Basi sa dokyumentaryo ni Sandra Aguinaldo)
Ni Al-Mahmod Marajan

alawan, tirahan ng pinakamayamang yaman ng bansang Pilipinas. Mayaman sa iba’t ibang uri ng hayop, halaman, at insekto, puno ng masaganang kagubatang hindi pa nagagalaw ng tao, mahiwaga ang kailaliman ng karagatan, may mga pambihirang kultura at kaugalian na di makikita saan man, himlayan ng mga misteryosong isla na naghihintay lamang na mapuntahan, at tahanan ng isa sa pinagmamalaking hiwaga ng mundo(wonders of the world). Sa isang kubling isla ng Palawan sa Balabac matatagpuan ang isang kahanga-hangang tribo, ang mga MOLBOG. Upang marating ang kasulukan ng Palawan, magbibiyahe ka pa ng halos limang oras at sasakay sa bangka ng anim na oras. Sa pagbibiyahe, madadaanan ang isang latian na puno ng mga buwaya at mga ahas. Mapapawing lahat ang iyong pagod dahil sasalubong sa iyo ang mga kamangha-mangha at nakakabighaning hitsura ng pagkahubog ng kalikasan ng isla. Sa islang ito, ang oras ay tila hindi gumagalaw. Mapapansing malayong malayo sa kabihasnan ang uri ng pamumuhay ng mga Molbog.

P

Dito, tanging sa Brgy. Pasig, Balabac, Palawan, sa bahay ng mga gurong sina Remelyn at Johnny ang may solar panel. Tumutugtog ng mga tradisyonal na instrumento ang mga kabataang Molbog upang i-welcome ang bawat taong dumarating para sila’y bisitahin. Dahil malayo sila sa kabihasnan, ang mga kababaihan ay komportable na sa paggawa ng mga gawaing bahay ng walang

lupa at kanila itong Ayon sa kanila, ang uri ng ritwal ay

a n g uugali. ang tribo n a walang konsepto ng kaarawan. Sa kanila, ang mga kabataang Molbog na

dadasalan. ganitong mahuhubog sa katauhan ng bata maayos na pagS i l a

sila sa mga suplay panggamot at kahit kutsilyo ay wala rin. Kung mayroon man ay wala silang pambili nito. Sa kadahilanang walang mga

aon taon ay mayroong mga bagong mukha at personalidad ang dumadagdag sa Pulot NHS. Sila ay inaasahan na makatutulong sa patuloy napaglago at pag-unlad ng nasabing institusyon para higit na makilala ang ating paaralan. Ang mga nabanggit ay ang mga sumusunod si Binibing Janette S. Anigan 23 taong gulang ipinanganak noong Septembre 26, 1989 sa Buligay, Brooke’s Point, Palawan. Siya ay nagtapos ng High School sa Western Aklan Academy at nakapagtapos ng Bachelor of Secondary Education sa Western Philippines University. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng

T

Ni Mary Leian Abela

Araling Panlipunan sa ikatlong taon. Anak nina G. Francisco at Gng Helda Gregas ang Clerical Aid ng Pulot National High School na si Gng. Maricel Castro. Ipinanganak noong Setyembre 20, 1982 sa San Juan, Metro Manila. Siya ay nagtapos taong 2005 sa WPU. Ngayon siya ay may isang anak, si Hebron Castro sa kanyang asawa na si Ennezaril Castro. Ang 20 taong gulang na librarian ng Pulot NHS si Estela Cacatian, ipinanganak sa Punang noong Oktubre 7, 1992. Siya ay nagtapos sa PPSST noong 2010-2011. Enero 16, 1977, isinilang si Ham Manolo sa Pulot Center, Sofronio Española. “Manong Guard” ang tawag ng karamihan sa

kanya. Siya ay nagtapos ng Bachelor of Technology sa Bible Missionary Institute sa Narra at mayroon ng asawa na si Hylla Rose Manolo at may tatlong supling. Isang BSIE (Bachelor Science in Industrial Education) ang ipinanganak noong Hunyo 19, 1981 sa Lucbuan, Magsaysay, Palawan ng kanyang mga magulang na sina G. Goerge at Gng. Aurora Lagrada. Sa kanyang kolehiyo siya ay nag-aral sa PSU-PCAT at nagtapos noong 2004.

suot pang-itaas. Sa kabila ng kahirapan, para sa kanila, ang puri ng isang babae ay pinapahalagahan. Ang bawat isinisilang na supling sa isang pamilya sa mga Molbog ay isang biyayang ipinagkaloob sa kanila bunga ng matamis na pagmamahalan. Sa kanilang tribo, matapos isilang ang isang bata, ang inunan nito ay kinukuha. Ang inunan ay kanilang inililibing sa

lalaki’t babae ay ipinagkakasundo na para ikasal. Sila ang mga tipo ng tao na walang masyadong pakialam sa pulitika at sa gobyerno. Nakatutuwang malaman na hindi nila alam kung sino ang presidente ng Pilipinas sa kasalukuyan. Nakakawiling madiskubre na sa kasulukan ng Pilipinas ay mayroong hindi pa nakakakilala kay PNOY. Walang eleksyon sa kanila. A n g komunidad nila ay nangangailangan din ng mga kagamitan sa medisina. Si Tarjana, isang manghihilot na Molbog , sinabi na kulang talaga

doktor na nagseserbisyon sa mga Molbog, umaasa na lamang sila sa mga ritwal, panalangin, at mga anting-anting. Bawat isa sa 7,107 isla ng Pilipinas ay may natatagong misteryo. Ang mga Molbog sa Balabac, Palawan ay isang simbolo ng ating makulay na kultura noon at kanila itong napreserba sa mga dumaang taon. Sila ma’y walang sapat na kaalaman at kagamitan, hindi naman ito hadlang para sa kanila upang makipagsapalaran sa mabilis na pag-ikot ng mundo. Si Remelyn, isang guro, ang tinuturing nilang tanging pag-asa ng kanilang tribo sa pag-unlad. Ang bawat isa ay nangangarap ng pagbabago. Para kay Madjun, isang batang Molbog , pangarap niyang maging isang guro upang tulungan at turuan ang iba pang batang Molbog na uhaw sa karunungan at sabik sa kaunlaran.

Ni Nurzaida Jamion

B
anuman na kanyang ipinag-utos mula sa mga ganitong magagandang pag-uugali at mabubuting asal, at iwasan na ninyo ang anumang paguugali ng kamangmangan na mga masasamang pag-uugali; upang kayo ay magtagumpay ng kabutihan dito sa daigdig at gayundin sa kabilang buhay.” Sinasabi ng verse na ito na ang hijab ay hindi lamang para maitago ang ulo, ito ay para manamit sa paraang hindi makaaakit o makakukuha ng atensyon ng mga lalaki. Naaalala ko pa rin ang pinagaralan namin noon sa aming Islamic lessons. Pinag-usapan namin ang mga pagsubok at problema na maaaring dumating sa mga kababaihan. Sinabi ng aming guro, “Huwag kayong maging masaya na kayo’y may magandang mukha dahil maaaring ito ang magdala sa inyo sa impiyerno.” Ang pagiging kaakit-akit ay magiging dahilan upang magkagusto ang mga kalalakihan at maaari itong magdala ng panganib. Ngunit hindi ibig sabihin nito na galit si Allah sa maririkit. Gusto lamang ni Allah na matuto ang mga kababaihan na huwag hayaang mapansin ang kanilang kagandahan upang hindi sila maabuso ng mga lalaking walang puso at awa. Sinabi ni propeta Muhammad: “Isa sa mga sinyales bago ang araw ng paghuhukom ay may mga babaeng

Ni Al-Mahmod Marajan

Ang karagatan ay isa sa mayamang kayamanan ng mundo. Batbat pa rin ng mga misteryong kailangang suungin upang masagot ang mga katanungang kaakibat nito na naghihintay lamang na madiskubre upang ipagsigawan sa mundo ang kayamanang natuklasan. Isa sa mga kayamanang ito ay ang halamang dagat na tinatwag sa“agaragar” o ang Agar tawag ng mga Malay sa red algae, na kung saan ay kinukuhanan ng mga gel, o ang malapot na katas nito kapag nilaga. Kilala din ito sa mga katawagang Kanten, China grass, Japanese isinglass, Ceylon moss, o ang Jaffna moss. Binubuo ang agar ng halos 80% ng fiber, ibig sabihin pwede rin itong magsaayos ng tamang daloy sa bituka ng tao. Sa Asya, ang kanten (ang katawagan ng mga Japanese sa Agar), ay kinakain para sa kanilang diet. Napatunayan na kapag nalunok ang kanten, tumitriple ang laki nito at sinisipsip nito ang mga tubig sa

ating katawan. Ang ganitong uring Diet ay napatunayan nang mga Amerikano. Nakikitaan din ito ng magandang epekto sa pagpapapayat ng mga obess. Sa Japan, kilala ang putahing “anmitsu” na ang pangunahing sangkap ay ang agar-agar. Ang anmitsu ay isang panghimagas ng mga Japanese. Ang agar din ang pinakamahalagang sangkap ng mizuyokan ng mga taga-Japan. Sa hapag ng mga Pilipino, ang gulaman nito ay hinahalo sa iba’t ibang inumin at panghimagas tulad ng sago’t gulaman, buko pandan, agar flan, halohalo, at sa fruit salad. Sa ibang bansa, hindi rin mawawala sa kanila ang mga pagkaing may agar. Sa Vietnam, thach, sa India, ginagawa itong panghimagas, sa Burma, kyaukkyaw, at sa Russia, ginagamit itong pamalit sa pectin upang makagawa ng mga soufflés at custards. Sa buong mundo, agar ang ginagamit nilang tirahan ng mga inaalagaan nila ng mga bacteria dahil hindi nila ito kayang lunukin dahil sa taglay nitong mga gels. Masustansya din ang agar.

Taglay nito ang calcium, iodine, phosphorus, at ang iron. Wala itong taba, sugars, calories, at carbohydrates. Sinisipsip ng agar ang mga glucose sa ating katawan, na makakapatigil ng katawan sa pag-iimpok ng mga hindi kailangang taba at sugars. Maliban sa glucose, sinisipsip din nito ang bile, upang mabawasan ang mga kolesterol sa ating katawan. Ito rin ay mainam na laxative o pampatae sa mga taong may mga sakit sa digestive system, tulad ng constipation. Maliban sa ito ay masustansyang pagkain. Ito ay isa ring sangkap na ginagamit para sa paggawa ng mga plastic. Napakaling biyayang mapakinabangan ang halaman at mapagkakakitaan lalo dito sa Española, isa ito sa mga kabuhayan ng mga mamamayan at ginawa nitong programa ng ating butihing Mayora . Maraming pakinabang sa atin ito ngunit wag nating limutin na kalakip ng biyayang ito ang isang pananagutan. Ang alagaan ang kayamanang ipinagkaloob ng Poong Maykapal.

Napakaraming mga Muslim a n g naninirahan dito sa Espanola. Mapapansin sa kanila ang kaibahan ng kanilang paniniwala tradisyon lalo na sa kanilang kasuotan. Tulad nalang ng pagsuot ng “Hijab” ng mga babaing Muslim. Marahil ang iba ay nagtataka ano ang kahalagahan ng kasuotan na iyon para sa kanila. Sa diksyunaryo, ang hijab ay isang “headscarf” na sinusuot ng mga babaeng Muslim. Naniniwala ang ibang hindi Muslim na ang mga nananampalataya kay Allah ay gumagamit lamang ng hijab para takpan ang kanilang mga ulo. Ngunit ang hijab ay mas higit pa sa “head cover” o pantakip ng ulo. Ayon sa Qur’an, surah 24, verses 30-31 : “Sabihin mo rin sa mga mananampalatayang kababaihan na ibaba nila ang kanilang mga paningin sa anumang hindi ipahintulot sa kanila na mga pribadong bahagi ng katawan, at pangalagaan nila ang kanilang mga pribadong bahagi mula sa anumang mga ipinagbawal ng Allah, at huwag nilang ilantad ang kanilang kagandahan sa mga kalalakihan kundi pagsumikapan nila na ito ay nakalantad na kasuotan, kung ito ay hindi nagdudulot ng anumang “fitnah” (o panghalina na makagawa ng kasamaan) at ibaba nila ang panakip ng kanilang ulo hanggang sa matakpang ang kanilang mga dibdib na natatakpan nito ang kanilang mga mukha upang mabuo ang kanilang panakip, at huwag nilang ilantad ang anumang kagandahan na nakatago maliban lamang sa kanilang mga asawa na mga kalalakihan; dahil maaari nilang

makita mula sa kanila na mga asawa ang hindi maaaring makita ng iba. At huwag itapak nang malakas ng mga kababaihan ang kanilang mga paa habang sila ay naglalakad upang narinig ang anumang palamuti sa paa na tulad ng singkil(nakasabit na mga palamuti sa paa) at iba pa, at magbalik kayo, o kayong mga naniniwala tungo sa pagsunod sa Allah s a

magsusuot ng damit ngunit para paring nakahubad, ito’y sumpa at parusa sa kanila dahil sila’y talagang kasumpasumpa at makasalanan! At kahit kailan ay hindi na nila maaamoy pa ang mabangong paraiso.” Ayon sa katuruan sa Islam, ang babaeng hindi naghihijab ay walang pagkakataon na makapasok sa langit. Karamihan sa mga babae ay pupunta sa impiyerno dahil hindi nila kayang magkontrol ng sarili. Hindi alam ng ibang babae kung paano maging maganda sa mata ni Allah. Ang kababaihan ay may kalayaang ipakita ang kanilang katawan subalit may kalayaan din silang itago ito. Hindi natin matatakbuhan ang katotohanang ang mga konserbatibong babae ay mas nakatatanggap ng respeto kaysa mga hindi.Ang bawat babaing Muslim na may takot kay Allah ay naghihijab ng wasto at tama dahil nais nilang marating ang pinapangarap na mundo sa kabilang buhay. Naniniwala ang mga Muslim na kapag pumanaw na ang isang tao, magkakaroon pa ng araw ng paghuhukom. Titimbangin rito ang ahat ng kabutihan at kasamaang nagawa ng isang tao, kapag mas marami ang kabutihan, pupunta siya sa “jannah”o langit.

awat tao, kung pagkain lang ang pag-uusapan, ay may kanyakanyang paborito’t nakaugaliang pagkain. Ang pinakbet ng mga Ilocano, Bicol Express ng mga Bicolano, ang litson tuwing piyesta, tunay ng mga Bulakenyo, at sa Mindanao nakaugalian na ang Tindatag, plil, putrid mandi, at sinigang na baka sa pista sa Shariff Kabunsuan. Likas tayong mahilig sa pagkain. Kahit mga pagkaing dayuhan ay tinangkilik na rin natin. Pinasosyal na lang ang mga lutong Pilipino upang maskatakam -takam ang sarap. Sa kanluran ng Pilipinas matatagpuan ang Palawan na himlayan ng yaman ng bansang Pilipinas. Dito sa Pulot, kilala ang ilang kakaibang pagkain ng muslim tulad ng Hall of Famer na Jah. Ang pagkaing ito ay hindi lang nakilala at tinangkilik sa bayan Espanola kundi pati narin sa ibang lugar. Ang jah na siguro ang pagkaing pang-masa para sa mga taga Española. Kakaiba ang itsura nito sa ibang mga kakanin. Kung ikukumpara mo naman ang lasa walang katumbas ang lasa nito. Sa katunayan, ito ang paboritong pagkain hindi lng ng mga kapatid nating Muslim kundi pati sa mga kapatid na kristiyano. Alamin natin

ano ba ang mga sangkap nito at paano ba ito ginagawa bakit at bakit kakaiba ang sarap na taglay nito. Upang mas malaman ang orihinal na proseso’t sangkap, isang matandang pangutaran ang nilapitan ko. “May kahirapan ang paggawa ng Jah. Mahirap kasi ang pagtiming sa init ng apoy. Kailangang mabantayan ang apoy upang matupitupi ito sa kagustuhang disenyo ng nagluluto. Kung maayos itong naluto masarap ang Jah.” Sa paggawa nito, ito ang ilan sa mga sangkap. Ibabad ang 1 salop na bigas sa katamtamang tubig magdamag, pagkatapos ay ipagiling na maging galapong. Isunod ang paglagay ng asukal na pula 1kilo at dagdagan ng tamang dami ng tubig, pagkatapos haluin hanggang sa maging malapot. Para masubukan na tama na ang addun o ang paghahalong ginawa, ibuhos ito sa ulayan. Ulayan, isang buong bao na may pare-parehas na mga maliliit na butas. Kapag lumusot na ang addun ibig sabihin tama na ang ginawa mong addun. Sumunod dito ay isalang na sa pugon ang kawaling may malapad na ibaba. Lagyan iyon ng mantika na ang dami ay kalahati ng laki ng kawali.

Kapag mainit na ito ay kunin na ang hawakan ng ulayan. Kapag mainit na ang mantika, ibuhos ang addun sa ulayan at habang binubuhos ito ay pupukpukin ito ng balance upang kumalat sa kawali. Kapag ngbrown na malapit na itong maluto, itupi-tupi ito ayon sa disenyo’t laki na iyong nais. Kapag luto na ito at malutong, handa na ang iyong mistulang bihon na Jah. Masarap itong kainin na mainit dahil sa taglay nitong lutong at sarap. Ang lutong na nagpapakahulugan ng mayaman nating kulturang hindi mabura-bura sa paglipas ng matagal na panahon. Talagang bawat lugar sa Pilipinas ay mayroong ipinagmamalaking bagay na taas noo nilang ipinagsisigawan sa mundo. Narito sa Española makikita ay makikita rin ang mistulang bihon na malutong, ang Jah. Kalakip ng modernisasyon ang pagbabago ngunit hindi ang naiwang lasa’t linamnam ng Jah.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->