You are on page 1of 6

Karapatang Pantao: Mga Uri

 Ang mga karapatang pantao o “human rights” ay mga karapatang kumikilala sa


pagkatao natin at sa ating pangangailangan na umunlad nang buo at ganap.
- Bagama’t ang salitang “human rights” ay nagkaroon ng unibersal na paggamit
nito lamang pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang konsepto ng
karapatang pantao na nagmumula naman sa paniniwala sa dignidad at
kahalagahan ng tao ay matagal nang kinikilala.
- Ang dignidad, kahalagahan at mga karapatan ng tao ay itinuro na sa atin noon pa
ng mga relihiyon tulad ng Budismo, Islam, at Kristiyanismo.

 Nagkaroon din ng mga deklarasyon tungkol sa mga karapatan ng mga tao sa mga
sumusunod na dokumento:
o Magna Carta (1215)
o French Declaration of the Rights of Man (1789)
o US Bill of Rights (1791)

 Nagkaroon ng mga pagsisikap na maalis ang pang-aalipin o “slavery”.

 Ang ideya ng karapatang pantao ay lumakas pagkatapos ng ikalawang digmaang


pandaigdig.
- Ang buong mundo ay nasindak sa pagpatay ng 6 na milyong Hudyo (Jews) at
mga presong pulitikal sa Alemanya sa ilalim ng mga Nazi.

 Nagkaroon ng matinding pagnanais na mapangalagaan ang karapatang mabuhay,


maging malaya, magkaroon ng pagkain at iba pa.

Ang Universal Declaration of Human Rights


 Ang mga kinatawan sa bagong tatag na United Nations ay nagkais na tutulong
upang mapalaganap ang paggalang sa mga karapatang pantao.
- Itinatag ang isang Commission on Human Rights sa pamumuno ni
Eleanor Roosevelt na inatasang bumuo ng isang listahan ng mga
karapatan.
- Ginawa ang “Universal Declaration of Human Rights” na tinanggap
naman ng lahat ng mga kasapi ng U.N. maliban sa 8 bansa, noong 1948.

 Ang Universal Declaration of Human Rights ay isang dokumento na kumikilala


sa dignidad at pantay na karapatan ng tao bilang pundasyon ng katarungan at
kapayapaan.
- Ang U.N. ay walang kapangyarihang magpatupad ng mga prinsipyo na
napapaloob sa deklarasyon.
- Bagamat ang kapangyarihan ng deklarasyon ay limitado dahil wala itong
impluwensyang legal, ang impluwensya nito ay malaki. Maraming bansa
ang nabigyang inspirasyon ng dokumentong ito. Ang deklarasyon ay isang
tawag at hamon sa lahat tungo sa katarungan para sa buong mundo.

1
Pinaikling artikulo na napapaloob sa
Universal Declaration of Human Rights

Artikulo 1: Karapatang maging pantay-pantay


Artikulo 2: Kalayaan laban sa diskrimisnasyon
Artikulo 3: Karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan sa sarili
Artikulo 4: Kalayaan laban sa pang-aalipin
Artikulo 5: Kalayaan laban sa malupit at di-makataong parusa
Artikulo 6: Karapatang kilalanin bilang tao sa harap ng batas
Artikulo 7: Karapatang maging pantay-pantay sa harap ng batas
Artikulo 8: Karapatan sa mabisang lunas ng mga hukumang pambansa
Artikulo 9: Kalayaan laban sa di-makatwirang pagdakip o pagpapatapon
Artikulo 10: Karapatan sa makatarungang paglilitis
Artikulo 11: Karapatang ituring na walang sala hanggang hindi napapatunayang
nagkasala
Artikulo 12: Kalayaan laban sa di-makatwirang panghihimasok sa pananahimik,
pamilya at pakikipagsulatan
Artikulo 13: Kalayaan sa pagkilos at paninirahan sa loob ng mga bansa
Artikulo 14: Karapatang magtamasa ng pagpapakupkop laban sa pag-uusig (asylum)
Artikulo 15: Karapatan sa isang pagkamamamayan (citizenship)
Artikulo 16: Karapayang mag-asawa at magpamilya
Artikulo 17: Karapatang mag-angkin ng ari-arian
Artikulo 18: Kalayaan sa pag-iisip at relihiyon
Artikulo 19: Kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag
Artikulo 20: Kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan
Artikulo 21: Karapatang makilahok sa pamahalaan at sa malayang pagboto
Artikulo 22: Karapatan sa kapanatagang panlipunan
Artikulo 23: Karapatan sa paggawa at pag-anib sa union
Artikulo 24: Karapatan sa pamamahinga at paglilibang
Artikulo 25: Karapatan sa sapat na kalusugan, pagkain, pananamit at paninirahan
Artikulo 26: Karapatan sa edukasyon
Artikulo 27: Karapatang makilahok sa buhay pangkalinangan
Artikulo 28: Karapatan sa kaayusang panlipunan kung saan ang pahayag na ito ay
maisasakatuparan
Artikulo 29: Tungkulin ng pamayanan tungo sa ganap na pagkaunlad ng tao
Artikulo 30: Kalayaan laban sa pagsira ng pahayag na ito mula sa alin mang Estado o
pangkat

2
Artikulo III:
Katipunan ng mga Karapatan
(buod mula sa Filipiniana.net1)

SEKSYON 1.
Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ariarian ang sino mang tao nang hindi sa
kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.

SEKSYON 2.
Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili,
pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at
pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng
warant sa paghalughog o warant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na
personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga
testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang
lugar na hahalughugin, at ang mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.

SEKSYON 3.
(1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban
sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiibang kaligtasan o kaayusan ng
bayan ayon sa itinakda ng batas.

(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis
ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito o sa sinusundang seksyon.

SEKSYON 4.
Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita,
pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang
magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.

SEKSYON 5.
Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa
malayang pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang
pagsasagamit at pagtatamasa ng paghahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang
pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihyon sa
pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika.

SEKSYON 6.
Hindi dapat bawahan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw
ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni hindi
dapat bawahan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng
kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa maaaring
itadhana ng batas.

1
<http://www.filipiniana.net/ArtifactView.do?artifactID=C00000000001&query=null&page=5>

3
SEKSYON 7.
Dapat kilalanin ang karapatan ng taong-bayan na mapagbatiran hinggil sa mga bagay-
bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga opisyal na rekord, at sa mga
dokumento at papeles tungkol sa mga opisyal na gawain, transaksyon, o pasya, gayon din
sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa
pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring
itadhana ng batas.

SEKSYON 8.
Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang ang mga naglilingkod
sa publiko at pribadong sektor na magtatag ng mga asosasyon, mga unyon, o mga
kapisanan sa mga layuning hindi labag sa batas.

SEKSYON 9.
Ang pribadong ariarian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit pambayan nang walang
wastong kabayaran.

SEKSYON 10.
Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng mga kontrata.

SEKSYON 11.
Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga
kalupunang mala-panghukuman at sa sapat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan.

SEKSYON 12.
(1) Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon ng karapatang
mapatalastasan ng kanyang karapatang magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong
may sapat na kakayahan at malaya na lalong kanais-nais kung siya ang maypili. Kung
hindi niya makakayanan ang paglilingkod ng abogado, kinakailangang pagkalooban siya
ng isa. Hindi maiuurong ang mga karapatang ito maliban kung nakasulat at sa harap ng
abogado.

(2) Hindi siya dapat gamitan ng labis na pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot,
pagbabanta, o ano pa mang paraaan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya.
Ipinagbabawal ang mga lihim na kulungan, solitaryo, ingkomunikado o iba pang katulad
na mga anyo ng detensyon.

(3) Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa kanya ang ano mang pagtatapat o pag-
amin na nakuha nang labag sa seksyong ito o Seksyong 17 nito.

(4) Dapat magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag sa
seksyong ito at gayon din ng bayad-pinsala at rehabilitasyon sa mga biktima ng labis na
mga paghihirap o katulad ng mga nakagawian, at sa kanilang mga pamilya.

SEKSYON 13.
Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag na pinarurusahan ng
reclusion perpetua kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala, bago mahatulan, ay

4
dapat mapyansahan ng sapat na pyador, o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa
maaaring itadhana ng batas. Hindi dapat bawahan ang karapatan sa pyansa kahit na
suspendido ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus. Hindi dapat kailanganin ang
malabis na pyansa.

SEKSYON 14.
(1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang hindi
kaparaanan ng batas.

(2) Sa lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang sala
hangga't hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang magmatwid
sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal laban
sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at hayagang paglitis, makaharap
ang mga testigo at magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng
mga testigo at paglitaw ng ebidensyang para sa kanyang kapakanan. Gayon man, matapos
mabasa ang sakdal, maaring ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling
marapat na napatalastasan siya at di makakatwiran ang kanyang kabiguang humarap.

SEKSYON 15.
Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus, maliban kung may
pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasang pambayan.

SEKSYON 16.
Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng kanilang
mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, mala-panghukuman, o
pampangasiwaan.

SEKSYON 17.
Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.

SEKSYON 18.
(1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang mga paniniwala at
hangaring pampulitika.

(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung
kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala.

SEKSYON 19.
(1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di-makataong
parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang Kongreso ng parusang
kamatayan sa mga kadahilanang bunsod ng mga buktot na krimen. Dapat ibaba sa
reclusion perpetua ang naipataw nang parusang kamatayan.

(2) Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal, sikolohikal, o imbing
pagpaparusa sa sino mang bilanggo o detenido o ang paggamit ng mga kaluwagang penal
na di-makatao.

SEKSYON 20.

5
Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng
sedula.

SEKSYON 21.
Hindi dapat na ang isang tao ay makalawang masapanganib ng kaparusahan sa iisang
paglabag. Kung pinarurusahan ng batas at ng ordinansa ang isang kagagawan, ang
pagkaparusa o pakaabswelto sa ilalim ng alin man dito ay magiging hadlang sa iba pang
pag-uusig sa gayon ding kagagawan.

SEKSYON 22.
Hindi dapat magpatibay ng batas ex post facto o bill of attainder.

Karapatan ng Mga Bata

 Karapatang mabuhay.
 Karapatang magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
 Karapatan sa kalusugan.
 Karapatang magtamasa ng lubos at maayos na pamumuhay kahit na ako’y may
kapansanang mental o pisikal.
 Karapatang alagaan ng aking mga magulang.
 Karapatang ampunin kung ito ang higit na makabubuti sa akin.
 Karapatan na malayang ipahayag ang aking sarili.
 Karapatan sa sapat na pagkain, paninirahan at pananamit.
 Karapatan sa malayang pag-iisip, budhi at relihiyon.
 Karapatan sa sapat na edukasyon.
 Karapatan sa impormasyong kapakipakinabang at makakatulong sa aking
pagtanda.
 Karapatang maprotektahan laban sa diskrimininasyon.
 Karapatan sa malayang pag-anib sa asosasyon at mapayapang pagpupulong.
 Karapatan na bigyang proteksyon laban sa pagdukot at pagbebenta ng mga bata.
 Karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa malulupit na parusa.
 Karapatan na mabigyan ng proteksyon laban sa armadong laban.
 Karapatan na mapangalagaan laban sa sekswal na pagmamalabis.
 Karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa bawal na gamut.
 Karapatang mapangalagaan laban sa pagsasamantalang pangkabuhayan.
 Karapatang mapahinga at maglaro.

o Ang listahan ng karapatan ng mga bata ay base sa Pandaigdigan na


Kasunduan sa mga Karapatan ng Bata (convention on the Rights of the
Child) na pinagtibay ng UN General Assembly noong 1989.
o Ang ilustrasyon (sa libro) ay iginuhit ni Norman Isaac para sa UN
Information Center ng Pilipinas

You might also like