You are on page 1of 16

PROYEKTO

SA
SIBIKA

IPINASA NI:
MICKAELLA SACHI MIZUNO

GURO:
DIVINE dela CRUZ
May mga saloobin at maling gawi na maaring makasama sa paggawa.
Ang mga ito ay maaaring maging hadlang sa pagsulong ng kabuhayan.

“Bahala Na”

Ang pagwawalang-bahala at kawalan ng husay na paghahanda para sa


isang gawain. Sa halip na paglaanan ng oras ang isang gawain, ipinauubaya na
lang ang swerte ang kapalaran. Ito rin ang paniniwalang ang lahat ay
nakatadhana na, kaya walang saysay ang anumang pagsisikap. Ito ay ugaling
“bahala na” na hindi nakabubuti. Hindi dapat iasa sa iba ang kinabukasan. Sa
halip, dapat isaisip na “Nasa diyos ang awa, ngunit nasa tao pa rin ang gawa.”

“Ningas Kugon”

Ang ugaling “ningas kugon” ay pagpapakita ng sigla sa simula lamang


ng isang gawain. Sa kalaunan, nawawala ang interes na tapusin ang
nasimulan. Ito ay hindi mabuti dahil ang may ugaling “ningas kugon” ay
walang matatapos na gawain. Inihahalintulad ang ugaling ito sa siga ng
damong cogon na madaling nagliliyab ngunit madali ring nawawala ang apoy.

Mapamahiin

Maraming pinaniniwalaan ang isang taong mapamahiin. Wala silang


sapat na loob dahil naaapektuhan ang kanyang pagpapasya ng mga bagay
na kinatatakutan niya. Ang taong mapamahiin ay hindi gumagamit ng
kanyang talino at napag-aralan sa pagsusuri sa mga nagaganap. Pikit-mata
siyang naniniwala sa kulam, nuno sa punso, kamalasan ng ilang numero o
bagay, at marami pang ibang paniniwala.

Kolonyal na Pag-iisip

Ang sinumang may mababang pagtingin sa mga produktong Pilipino ay


may kolonyal na pag-iisip. Sa halip na tangkilikin ang mga produktong gawa
sa loob ng bansa, pinipili niya ang mga imported na bagay. Ang ganitong
gawi ay kulang sa pagpapahalaga sa sariling bansa at mga kababayan niya.

Katamaran
Likas na masipag ang mga Pilipino. Sa simula pa lamang, sila ay
nabubuhay na sa tulong ng sarili nilang pagsisikap. Gayunpaman, ang mga
Español na minsa’y nanakop sa bansa ay siyang nagturo sa mga Pilipino ng
katamaran. Sa kanila nagsimula ang gawi na magpahinga at matulog
matapos kumain. Sa halip na magtrabaho, madalas silang magpahinga kaya
naman hindi nila agad matapos ang knilang Gawain.

Mainggitin
Madalas ihalintulad ang mga Pilipino sa mga alimangong nasa isang
mataas na sisidlan. Upang makalabas, kumakapit sila sa mga nauna sa
kanila kaya nahihila nila ito pababa. Anumang pagsisikap nila gumapang
paitaas ay hindi nagtatagumpay dahil sila ay bumabagsak nang paulit-ulit.

Ang ilang Pilipinong mainggitin ay hindi nasisiyahang makita ang iba na


nasa maayos na kalagayan sa buhay. Sinisiraan nila ang isa’t-isa dahil wala
silang makitang mabuti sa iba.

Mahilig sa Sugal
Ang pagkalulong sa sugal ay pag-aaksaya ng pera. Ang sugarol ay
patuloy na umaasa na madodoble ang perang itinaya niya sa mahjong,
huweteng, casino, loterya, lotto, at iba pang sugal. Sa halip na gamitin ang
pera sa negosyo, patuloy siya sa pagbabakasakali na magkakamit siya ng
pera sa madaling paraan. Kadalasan, taliwas sa inaasahan ang nangyayari,
dahil umuuwi siyang talunan.

Bulagsak
Ang pagiging bulagsak ay pagiging labis na magastos o galante. Hindi
marunong mag-impok ang isang bulagsak. Inuubos niya ang anumang
perang kinita. Wala siyang nararating dahil wala siyang naitatabing pera para
sa sarili niyang kinabukasan.
Mga Pangunahing Hanapbuhay

Ang Pilipinas ay isang bansang agricultural. Pangunahing hanapbuhay ng


mga tao rito ang pagsasaka. Sinundan ito ng pangingisda at pagtotroso. Ang
iba pang hanapbuhay ng mga tao ay ang pagpoproseso ng mga yaring produkto
at pagbibigay ng serbisyo.

Noong 2001, tinatayang pinakamalaki ang naging kontribusyon ng


trabahong nauugnay sa serbisyo. Kasunod nito ang mga industriya ng
pagpoprosesoo paglikha ng mga yaring produkto, at panghuli lamang ang
agrikultura, pangingisda at pagtotroso.
1. asukal
2. langis ng niyog
3. saging
4. pinya
5. copra cake/ copra meal
6. dessicated coconut
7. tuna
8. kape
9. kopra
10.abaka

Agrikultura

Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino. Lalung-lalo


na ang mga naninirahan sa Gitnang Luzon. Sa kabila ng pagkasalanta ng
lugar noong 1991 dahil sa pagputok ng Bulkang Pinatubo, nanatiling malawak
pa rin ang mga bukirin ditto. Ang iba pang lugar sa bansa na may sakahan ay
ang Cagayan Valley, Bicol, Leyte, at Iloilo, gayundin ang Agusan at Cotabato.

Pangingisda

Pangalawang pangunahing hanapbuhay sa Pilipinas ang pangingisda. Ito ay bunga ng


malawak na mapangingisdaang mga bahagi ng tubig sa bansa. Napapalibutan ang bansa ng
iba-ibang anyong tubig na mapangingisdaan. Maaaring hatiin ang mga ito sa tatlong uri: (1)
panloob na pangisdaan (2) baybaying pangisdaan at (3) pangisdaan sa laot.
Ang panloob na pangisdaan ay mga anyong tubig na nasa loob ng bansa na
pinagkukunan ng mga isda at iba pang yamang dagat.

Ang ilog ay maaaring pangisdaan din. Nakahuhuli rito ang mga mangingisda nga mga
isda, alimango, at hipong tabang. Ang mga ilog, latian, at baklad ay ilan sa mga pangisdaan sa
loob ng bansa.

Ang mga baybaying pangisdaan at matatagpuan naman sa loob ng tatlong milyang layo
mula sa dalampasigan. Gumagamit ang mga mangingisda rito ng mga maliliit na bangka. Ang
mga pangisdaang ito ang pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga mangingisda.
Sentro ng pangisdaang kostal ang Navotas at Malabon kung saan dinadala ang mga huli ng mga
mangingisda, tulad ng galunggong, matang baka, bisugo, alimasag, pusit, at iba pang isda.

Malaking isda naman ang nahuhuli sa mga pangisdaang laot kung saan malalaking
barko ang gamit. Ito ang mga pook pangisdaang bahagi ng katubigang internasyonal. Mula sa
mga pook na ito, nahuhuli ang mga isda tulad ng salmon, tuna, makarel, at iba pang malalaking
uri ng isda.

Pagtotroso

Pumapangatlo ang pagtotroso sa mga hanapbuhay ng mga Pilipino. Ito


ay isinasagawa sa kagubatan. Ang lupaing gubat ng bansa ay pinagkukunan din
ng ikinabubuhay ng mga taong naninirahan sa paligid nito. Dito kinukuha ang
mga material sa pagpapatayo ng mga bahay at gusali.
Magubat ang bansa. Noong 1990, itinuturing ang Palawan sa
nangungunang rehiyon sa kapal at lawak ng gubat. Sumunod ang Mindanao.
Pumangatlo ang pinagsama-samang gubat ng mga lalawigan ng Cagayan,
Cordillera Administrative Region (CAR), Quezon, Isabela, at Nueva Vizcaya.
Pang-apat naman ang mga lalawigan ng Samar, Negros at Leyte.

Pagtotroso ang tawag sa pagpuputol ng mga puno sa gubat. Mayaman


ang bansa sa mga puno ng Molave, yakal, nara, katmon, almaciga, tangili at
lauan. Tabla, yantok at nipa ang mga produktong nagmumula sa gubat.
Nakakakuha rin ditto ng gum, uling, buri, at mga halamang gamot at ornamental.

Serbisyo

Sa taong 2001, ang sector ng mga taong nagkakaloob ng serbisyo ay


nakapagbibigay ng pinakamalaking kontribusyon sa pambansang kita ng
bansa. Nabibilang sa sektor nito ang mga taong naglilingkod at nagbibigay
ng serbisyo, tulad ng mga guro, abogado, doctor at iba pa. Malaking bahagi
nito ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) natin tulad ng mga domestic
helpers, entertainers, construction workers, at iba pa. Sila ang mga bagong
bayani ng bansa na nakapagbibigay ng malaking tulong sa kabuhayan ng
bansa.

Ang Industriya ng Pagpoproseso

Ang pagyari (manufacturing) ng mga produkto ay isa ring pangunahing


hanapbuhay s Pilipinas. Mula sa mga hilaw na materyal, nakalilikha ang mga tao
ng mga produktong tulad ng sigarilyo, tabako, tela, pintura, inumin at iba pa.
Upang makaagapay sa mga umuunlad na bansa sa Asia tulad ng South
Korea, Singapore, at Taiwan, itinataguyod ng Pilipinas ang pagsulong ng mga
industriyang nauugnay sa komunikasyon, makinarya, elektroniks, at kemikal.
Sinisikap nito pataasin ang sistema ng pananaliksikat paglikha ng mga
makabagong imbensyon.

Ang pagsulong ng Industriyalisasyon at ang pagpapaunlad sa sektor ng


pagsasaka, pangingisda, at pagtotroso ang napapanahong paraan para
makaagapay ang Pilipinas sa globalisasyon na pinagtutuunan ng mga bansa sa
daigdig. Ito ay isang sistema kung saan higit na malaya ang mga produkto ng
bansa sa pakikipag-ugnayan at pakikipagpalitan ng mga produkto sa pamilihang
pandaigdig.

You might also like