P. 1
komika pakikinig

komika pakikinig

4.5

|Views: 9,139|Likes:
Published by lorelie

More info:

Published by: lorelie on Mar 03, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PPT, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/30/2012

pdf

text

original

Pangkat Isa

Mondragon, Lorelie V. Miranda, Janinne Quiatchon, Hanzel Daug, Lady Ann Zaraspe, Mairene Olimpiada, Adrian Landicho, Janel Natanauan, Andres

KALIKASAN NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ang proseso ng pagpaparinig ng tunog at salita ng nagsasalita o enkowder, ang nagpapadala ng imformasyon sa pamamagitanng isang sistema ng komunikasyon o TSANEL sa INTERPRETER na maaaring isang tagapakinig, isang mambabasa o isang manonood, ang kumikilala, tumutuklas at nagbibigay kahulugan sa mga tinanggap na mensahe na sa mahusay niyang pagsusuri at matalinong pagtataya naitatransform ito sa anyong naiintindihan na ang katiyakan ay napipiho sa kanyang pagsagot dito.

Patunog at pasalita ang pagpaparinig kapag VERBAL ang paraan ng komunikasyon. Nakasalig ang pag-intindi rito sa dalawang mahahalagang bahagi ng anatomiyang pangkomunikasyon ng tao: sa mga tenga at mga mata maliban na lamang kung may kapansanan ang mga ito na pandamang hipo na lamang ang ginagamit. Karaniwan na anyo ng Verbal na pakikipagkomunikasyon sa araw-araw na pakikipag-usap. Samantala, mga ekpresyon naman ng mukha at mga kilos o galaw ng mga bahagi ng katawan gaya ng mga mata, balikat, kamay at daliri ang kinakasangkapan sa Di-Verbal na pakikipag komunikasyon.

Kahulugan ng PAKIKINIG
Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.

 Ang pakikinig, samakatuwid, ang pagunawqa sa kahulugan ng mga tunog na napakinggan. Nangangahulugan ito ng pakikinig nang may layunin- ang pagunawa sa kahulugan ng mga salita at pangungusap na narinig. Inuunawa ang mga katotohanan at ideya na nakapaloob sa mga salitang napapakinggan.  Natatamo ang paguunawa sapamamagitan ng ating isipan. Isang aktibo itong kasanayan sapagkat may nagaganap sa isipan ng isang tao habang nakikinig. Ipinoproseso ng kanyang isipan ang mga bagay na kanyang napapakinngan hanggang sa maunawaan niya ang kahulugan ng mga ito.Napakahalaga ng pagunawa sa proseso ng pakikinig.

PAGKAKAIBA NG PANDINIG AT PAKIKINIG
Bagama’t magkaugnay, may pagkakaiba ang pandinig(hearing) at pakikinig(listening). Sa level ng pisikal na pandinig sapagkat isang kapasidad ito para matukoy ang tunog na mabubuo sa isang salita. Tumutukoy ito sa ating kakayahang marinig ang anumang tunog sapamamagitan ng ating mga tainga. Samantala, isang proseso ng pagiisip na may layunin na unawain ang kahulugang nakapaloob sa mga tunog na pinakikinggan ang pakikinig. Bagama’t magkaiba ang pandinig at pakikinig, magkaugnay ang dalwa sapagkat hindi maaaring mangyari ang tunay na pakikinig kung walang pandinig. Preliminaryong hakbang sa pakikinig ang pandinig.

PROSESO NG PAKIKINIG
Sinasabi ni Kline(2006) na ang pakikinig ay isang kompleks na proseso. Ito ay dumadaan sa tatlong magkakasunod na hakbangin: PAGDINIG, ATENSYON, at PAGUUNAWA.

PAGDINIG

ATENSYON

PAGUUNAW A

PAGDINIG
Ang unang hakbang sa pakikinig ay PAGDINIG. Ito ay tumutukoy sa pagtanggap ng tunog (salita,parirala o pangungusap) na pagdadalhan ng mensahe. Ang tunog ay nagmumula sa isang spiker o tagapagbigay ng mensahe. Ang mensahe ay pinadala sa paraang pasalita, at tinatanggap naman ito ng tagapakinig.

ATENSYON
Ang ikalawang hakbang sa pakikinig ay ATENSYON. Hindi lamang natin naririnig ang tunog na nagmumula sa spiker, bagkus, itinutuon natin ang atensyon sa mensahe na inihahatid ng tagapagsalita. Sa puntong ito, hindi sa lahat ng tunog (salita) nakapokus ang atinmg atensyon sa halip pinipili natin ang mga mahahalagang katotohanan o ideya na bumububuo sa mensahe o paksang tinatalakay . Ito ay tinatawag ni Kline(2006) na Selektibong Atensyon. Ang atensyon o interes ng tagapakinig ay nakapokus sa kabuuan ng mensahe hindi sa bawat salitang binibitawan ng tagapagsalita.

PAGUNAWA
Ang pinakahuli subalit pinakamahalagang proso ng pakikinig ay ang PAGUNAWA. Masasabi nating epektibo ang komunikasyon kapag may pagunawa ng tagapakinig sa mensaheng ipinapaabot ng tagapagsalita. Ang patunay na totoong nakikinig tayo sa nagsasalita ay kung inuunawa at nauunawaan natin ang mensahe inihahatid sa paraang pasalita. Walang komunikasyon naganap sapamagitan natin at nagsalita kapag hindi naunawaan ang kanyang sinasabi.

Mas malawak at tumpak ang ating pangunawa sa mensaheng nais ipahatid ng tagapagsalita sa pagkakataong mababatid natin ang kahulugan ng mga salitang kanyang sinasambit(VERBAL) at ang kilos at tunog(DI-VERBAL) ng nagsasalita. Ang pagunawa sa verbal at di-verbal na aspeto ng pagsasalita na nagpapalalim sa ating pagunawa sa mensaheng nais ipahatid sa atin.
Samakatuwid, Ang tatlong mahahalagang proseso ng pakikinig ang pagdinig, atensyon at pagunawa. Ang pakikinig bilang isa sa makrong kasanayang pangwika ay nagtatapos sa pagunawa sa mensaheng nais ipabatid ng nagsasalita. Bagama’t mahalaga ang pagtugon(feedback) sa buong proseso ng komunikasyon, hindi ito itinuturing bilang lohikal na bahagi ng pakikinig(Kline,2006).

Mga Salik na Nakakaimpluwensya Sa Pakikinig
1.) MGA PISIKAL NA SALIK Ang mga pisikal na nakakimpluwensay ay maaring may kinalaman sa sarili ng tagapakinig o kaya may kaugnayan sa mga panlabas na bagay.

1.1. MAY KINALAMAN SA SARILI
a) PAGKAPAGOD

Mahirap makinig kapag tayo ay pagod.
b) KARAMDAMANG PISIKAL

Ang sakit tulad ng lagnat , sipon, ubo o mas malalala pang karamdaman ay nagsisilbing hadlang sa mabisang pakikinig.
c) KAPANSANAN SA PAN-DINIG(healing dis–abilities)

Ang pagkakaroon kapansanan sa pandinig o maaring pagkabingi ay isang suliranin sa proseso ng pakikinig. Ang kapansanan sa pandinig ay nagiging sanhi ng hindi pagunawa sa mensahing nais ipabatid ng ispiker

1.2. PANLABAS NA BAGAY
Ingay sa paligid Nagsisilbing handlang samabisang pakikinig ang ingay sa paligid (maingay na katabi sa klase ,hugong ng electric fan o aircon , dumadaang sasakyan sa labas o eroplano at iba pa ). Nakakasira ang mga ito sa ating koncentration atension habang nakikinig. Temperatura Ang sobrang init sa kapaligiran(sa klasrum) ay nakakaapekto sa atin habang tayo ay naki-kinig. Ito ay maaaring sanhi sa pagkasira ng ating atensyon sa sinasabi ng nagsasalita. c.) Pananamit, paraan ng pagsasalita at boses ng ispiker May mga pagkakataong ayaw nating makinig dahil sa hindi maayos o baduy niyang pananamit. Ang paraan ng pagsasalita at boses ya maaari ding hadlang sa pagunawa natin sa kanyang mensahe: mabilis ang pagsasalita o basag ang boses ng ispiker.

2.) Bakgrawn
May mga bagay na sinasabi ng ispiker na hindi natin nauunawaan o kaya nabibigyan ng maling pag-unawa’t interpretasyon dahil hindi natin lubos na naiintindihan ang mga salitang ginagamit niya. Hindi sapat ang ating karanasan, bakgrawn at kaalaman sa paksang tinatalakay ng ispiker. Ang kalagayang ito ay nakakaapekto sa ating pakikinig. Sa pagkakataong mas malawak ang ating karanasan, bakgrawn at kaalaman kaugnay sa paksang tinatalakay ng ispiker maaaring maging sanhi ito ng pagkawala ng ating gana o interes para ituloy ang ating pakikinig. Samakatuwid, ang kalagayang ito ay nagsisilbing hadlang sa mabisa nating pakikinig.

Ang Mga Layunin Ng Pakikinig
Nakikinig ang mga tao para tumanggap ng mensahe, makapagukol ng atensyon, maayos na mainterpret o maatuklasan ang kahulugan ng mensahe, matandaan ang narinig, at makapagbigay ng kasagutan. Efektibo ang pakikinig kung malinaw na nakukuha ng tagapakinig ang mensahe at mabigyan ito ng ng tiyak na kahulugan kaya naman nasasagot na mahinusay ang tagapagsalita o kausap.

Tungkol sa Kahalagahan ng Pakikinig:
Isa sa mahalagang sangkap ng ating katawan ay ang ating dalawang tainga. Ito ay sadyang nilikha ng maykapal upang mapakinggan natin ang iba't ibang tunog, mga mensahe sa pamamagitan ng mga salita na binibigkas ng ating dila. Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita.

Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silidaralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila. 45% ay nagagamit sa pakikinig 30% ay sa pagsasalita 16% ay sa pagbabasa 9% naman sa pagsulat Anuman ang mga tanong na ipasasagot sa atin ay tiyakang matutugon natin kung maayos, malinaw at wasto ang ginagawa nating pakikinig. Magiging malawak ang kaalaman natin dahil sa pakikinig.

Anim na Kahalagahan ng Pakikinig :
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa. Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan. Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng tao ang pakikinig. Ang pakikinig sa sinasabi ng kausap ay maaaring makatulong upang maunawaan ang damdamin, kaisipan at maunawaan ang kanyang kinikilos, gawi at paniniwala. lumilikha rin ito ng pagkakaisa sa anumang uri ng grupo sa loob ng isang pamilya, pamayanan, paaralan o pamamalakad man ng isang uri ng pamahalaan. Ang hindi pakikinig ng isang miyembro sa sinasabi ng kanyang pinuno ay maaring magdulot ng di pagkakaunawaan at pag-aalitan.

Iba Pang Kahadlangan sa Mabisang Pakikinig: • Lugar o Kapaligiran
Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam. Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.

2. Oras
Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan. May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig. Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.

3. Mga Kagamitan at Tsanel
Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp. Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.

4. Distansya
Pag malayo ang kausap, anumang sigaw di maririnig, marinig ma ay bahagya’t di pa maintindihan. Pag naman sobrang lapit nagkakailangan. Yuon lamang tamang distansya.

5. Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes. Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip

6. Edad o gulang
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa. Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanila katandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig

7. Timbre Ng Boses
May mga boses na nakakatulig talaga sa natural na pagsasalita. Mayroon din sadyang malamya’t baklang-bakla na sa halip pakinggan ay pagtatawanan lamang.

8. Dami Ng Bilang
Pag siksikan, maalinsangan at maingay.

9. Kultura
Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig. Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura. Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.

10. Konsepto sa sarili
Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita. Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.

Mga Kasanayan Sa Pakikinig:
Pakikinig para sa kagandahan, kaaliwan at gamit ng musika Pakikinig para sa pagtukoy ng pamaksang diwa, aral at pagpapahalaga na napapaloob sa isang pahayag o kwentong napakinggan Pakikinig para makasunod sa tagubilin at panuto kaugnay sa sadyang gawain Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging impormasyon

Pakikinig upang matukoy ang pagkakaiba Pakikinig upang mahinuha ang mga paguugali, at upinyon para sa pahaya o textong napakinggan Pakikinig upang mailahad ang detalye ng paghahambing sa pakikipagtalo at pagpapahayag Pakikinig upang makilala ang mahahalagang kaisipan Pakikinig upang makapagbalangkas ng mga katanungan at matamo ang tamang sagot sa mga tanong

AND MGA URI NG PAKIKINIG AYON SA LAYUNIN:
Bawat tagapakinig ay may kani-kaniyang layunin sa gawang pakikinig at ito’y ang mga sumusunod:

1. KASWAL
Pampakondisyon lamang o kaya’y pampalipas oras na nakagawiang pakikinig. Halimbawa’y nagiisa’t nakasanayan nang may naririnig habang may ibang ginagawa, o sadyang walang magawa at ito ang buntunan. Hindi seryoso ang ganitong pakikinig kaya walang layunin, tuloy, wala ring matandaan sa napakinggan.

2. Imformal
Karaniwan na ang ganitong uri ng pakikinig sa mga estudyante na tipong napilitan lamang dahil may dapat isagawang rekisito ng isang kurso. Mangyari pa, may layunin pero pahapyaw lamang tuparin, basta makakuha ng konting imformasyon lamang tungkol sa itinakdang gawain.

3. Kritikal
Kaakibat ng uring ito ang pagiging analitikal, ebalwativ at apresyativ. Masinsin ang level ng pagsusuri, tinitingnan lahat ng anggulo, ang pagkakatulad at pagkakaiba, gayundin ang reaksyon dito’t paghusga, sa gayon, mabigyan ng obhektibong pagpapahalaga.

Ang mga Katangian ng Kritikal na Pakikinig:
Ang kritikal o mapanuring pakikinig ay may layuning tayahin ang mga bagay na naririnig mula sa ispiker. Kinakailangan sa kritikal na pakikinig ang pang-unawa at pagsusuri sa mensaheng narinig. Ang mga sumusunod na kundisyon ang nagpapatunay sa may mapanuring pakikinig. 1. May kakayahang maipakita ang lohikal na kaugnayan ng may detalye sa mga pangunahing ideya na bumubuo sa paksang tinatalakay; 2. May kakayahang magbigay ng tumpak na hinuha (hypothesis); 3. May kaka yahang tung kulin ang mga mahahalaga at hindi mahahalagang detalye;

1. May kakayahang ihiwalay ang katotohanan sa pawang opinion lamang : 2. May kakayahang hatulan o husgahan ang relayabiliti o katunayan ng informasyong ipinrisinta ng ispiker; 3. May kakayahang magpasya kung may kabuluhan ang mensaheng nais ipabatid ng ispiker, at 4. May kakayahang magpahalaga sa katotohanang nakapaloob sa mensahe ng ispiker.
Samakatuwid, ang kritikal na pakikinig ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng pagunawa. Nangangahulugan ito ng kakayahang magisip nang mapanuri(critical thinking) – sa katunayan, hindi natin masasabi na mayroon tayong mapanuring pakikinig kung wala tayong kakayahang magisip ng mapanuri.

Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig:
1. Maging handa sa pakikinig 2. Sikaping magkaroon ng kawilihan 3. Bigyang pansin ang pagitan ng pagsasalita at pakikinig 4. Kilalanin ang mahahalagang puntos 5. Iwasan ang maagang pagpuna sa tagapagsalita 6. Iwasan ang maagang pagpuna sa mensahe 7. Sikaping huwag pansinin ang mga bagay na makagagambala sa pakikinig

MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG
Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o dipagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig

Eager Beaver
Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.

Sleeper
Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig.

Tiger
Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang

Bewildered
Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.

Frowner
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapagpaimpres.

Relaxed
Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.

Busy Bee
Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.

Two-eared Listener
Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG
Ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan Ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay makinig Hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->