You are on page 1of 5

BAYANING THIRD WORLD Film Review

Submitted by: Gerona, Eunice P. ECE II 4 March 19, 2013

Submitted to: Ms. Estrelita Bagsic

Pamagat: Bayaning Third World mula sa direksyon ni Mike De Leon

Mga Tauhan: Ricky Davao bilang Filmmaker no.1 Cris Villanueva bilang Filmmaker no.2 Joel Torre bilang Jose Rizal Daria Ramirez bilang Teodora Donya Lolay Alonzo Joonee Gamboa bilang Paciano Rio Locsin bilang Trinidad Trining Cherry Pie Picache bilang Narcisa Ed Rocha bilang Padre Balaguer Lara Fabregas bilang Josephine Bracken

Tagpuan: Dapitan Bagumbayan Simbahan Opisina ng dalawang filmmaker

Buod: Sinasabing ang pelikulang ito ay pelikula sa loob ng isang pelikula sapagkat ito ay tungkol sa dalawang filmmaker (Ricky Davao at Cris Villanueva) na nagnanais na gumawa ng isang pelikula tunkol sa buhay ni Jose Rizal. Patungkol dito ay gumawa

sila ng pagsasaliksik upang malaman kung may potensyal na pangpelikula ba ang buhay ng ating pambansang bayani. Sa unang bahagi, nagiisip sila kung anong bahagi ng buhay ni Rizal ang magandang gawing paksa sa kanilang pelikula. Tinunghayan nila ang mga naunang pelikula na tungkol kay Rizal. Binigyang pansin ang pelikulang ginawa ni Yearsley, kung saan ang paksa ay ang paglilitis kay Rizal at ang aktwal na pagbaril sa Bagumbayan. Kasabay rin ng pag-iisip ng magiging paksa ng pelikula, naging problema ng dalawang filmmaker kung paanong paraan nila gagawin ang pelikula: ito ba ay sa paraang komersyal na inihalitulad ni Ricky Davao sa pagbebenta ng deodorant o paggawa ng pelikula kung saan itatampok ang pinakakontrobersyal na isyu sa buhay ni Rizal. May kaunting komedya ang naganap sa pelikula sapagkat habang nag-iisip ang filmmakers ng kanilang paksa, ay nakakapanayam nila ang mga mahahalagang tao sa buhay ni Pepe tulad ni: Donya Teodora Donya Lolay, Josephine Bracken, Padre Balaguer, ang mga kapatid ni Rizal na sina Narcisa at Trinidad Trining, maging si Pepe rin ay nakausap nila sa huling bahagi ng pelikula. Sa kanilang pakikipanayam sa mga mahahalagang taong ito ay napagtanto nila na marami pa ring mga katanungan ang naiwanang walang sagot ni Jose. Ang isyu ng retraksyon ni Rizal ay naging malaking diskusyon sa dalawang filmmaker. Dito ay nakapanayam nila si Padre Balaguer. Sinabi ng pari na iba ang Jose na kilala natin sa Jose nagbalik loob sa simbahang Katolika. Isa sa dahilan kung bakit nagretract si Rizal ay ang upang makapasalan niya si Josephine Bracken. Ngunit sa panayam nila sa kapatid ni Jose, si Josephine Josefina ay ipinadala ng Espanya sa Dapitan upang akitin si Jose at magbalik loob sa Espanya.

Ang pagpapakasal ni Jose Rizal kay Josephine Bracken ay kahinahinala rin ayon sa dalawang filmmaker dahil sa walang patunay na naganap ang kasalan. Ngunit ayon kay Josephine Bracken, si Rizal ay nagretract upang magpakasal sila. Sa huling bahagi ng pelikula ay inamin na rin ni Josephine na sila ay hindi nagpakasal ngunit totoo ang isyu ng retraksyon. Sa pagtatalo ng isyu ng retraksyon ni Rizal, nahati ang opinyon ng dalawang filmmaker. At upang maliwanagan sa katotohanan ukol sa retraksyon, nakapanayam nila si Jose Rizal. Sa bahaging ito ay tahasang tinanong ng dalawang filmmaker si Jose ukol sa retraksyon ngunit ang mga sagot ni Jose ay hindi pa rin sapat upang sila ay maniwala. Tahasan nilang sinabi kay Pepe ang kanilang mga damdamin ukol sa kanyang pagkabayani at ang kanyang pagkatao. Natapos ang pelikula nang walang nabuo na paksa ang dalawang filmmaker para sa kanilang pelikula. Ang kanilang paglalagom sa buhay ni Rizal ay nagsasaad na hindi magandang gawing pelikula ang buhay ni Rizal sapagkat marami pa ring butas sa kanyang pagkabayani.

Mabuting Aral: Ang pelikulang ito ay naiiba sa mga pelikulang tungkol kay Rizal sapagkat hindi tipikal na isinalaysay lamang ang kanyang buhay kundi binigyang pansin dito ang kanyang mga gawa at ang isyu ukol sa kanyang pagkabayani. Binigyang pansin ang isyu ng retraksyon sa pamamagitan ng pagkuha ng impormasyon mula sa mga taong nasasangkot dito.

Ang isyu ng pagpapakasal ni Josephine Bracken at ni Jose Rizal ay binigyang linaw rin. Isinaysay naman ni Paciano at Trinidad ang buhay ni Rizal sa umpisa ng kanyang pagiging bayani. Ang pelikulang ito ay nagbigay buhay sa mga mahahalagang isyu ng buhay ni Pepe ngunit hindi pa rin nasagot ang ilan sa mga katanungang patuloy pa ring hinahanapan ng sagot ng mga historyador sa kasalukuyan. Marahil ay malabong makakuha tayo ng tiyak na impormasyon ukol kay Rizal habang lumilipas ang panahon. Ang pagiging pagkabayani ni Jose ay isang bagay na pinagdesisyunan at pinagisipang mabuti ng mga matatalinong tao kayat nararapat na igalang ang desisyong ito. Sa lahat ng mga isyu ng buhay ni Pepe, mananatiling misteryo pa rin ang isyu ng retraksyon.

You might also like