You are on page 1of 6

Di mo masilip ang langit

I.

panahon / tagpuan A. Pahanon a. 9:00 ng gabi Ang kwento ay nagsimula sa panahon nababalot na ng dilim ang buong kapaligiran. Hindi mapagtanto ng bidang nakukuwento ng istorya kung ano na ang eksaktong oras, subalit natantsa siyang alas nuwebe na ng gabi. b. nobyembre sa takbo ng istorya, binanggit din ang panahon ng Nobyembre . ito ang panahon na namumulaklak na ang mga talahib sa bakanteng lote.

B. Tagpuan a. Loob (Kulungan sa tagpuan ito naganap ang halos kabuuan ng kwento. Ditto nananalagi ang pangunahing tauhan sa istorya. b. Pribadong Hospital Pagamutang matatagpuan sa Quezon City. Ang bidang tauhan sa kwento ang isa sa mga gumawa sa gusaling ito. c. Barung-barong

Ang maliit na kubo na siyang tirahan ng pangunahing tauhan at ng kanyang asawa at ng ina nito. Tinawag nila itong barung-barong sa kadahilanang ito ay pinagtagpi-tagpi lamang na mga yero. d. Subdibisyon Ang lugar kung saan matatagpuan ang barung-barong ng pangunahing tauhan. Ang inhinyero ng subdibisyong ito ay pinsan ng asawa ng bida kaya napakiusapan nila itong magtayo sila doon ng maliit na tirahan. e. Tahanan ni Mr. Cajucom Isang malaking tahanan na matatagpuan sa magarang subdibisyon.

II.

tauhan A. Pangunahing Tauhan Sa kwentong Di Mo Masilip Ang Langit, hindi tuwirangbinanggit ang pangalan ng pangunahing tauhan ngunit makikitang na sa takbo ng istorya, sa buhay niya umiikot ang kabuuan ng kwento. B. Pare Sa daloy ng istorya, amg pangunahing tauhan ay makikitang nagsasalaysay sa kanyang kasamahan sa kulungan na kanyang kakwentuhan ang kayang tinatawag na pare. C. Luding Siya ang pinakamamahal na asawa ng pangunahing tauhan. Sa kwento, mababatid na ang isinasalaysay ng pangunahing tauhan ay tungkol sa

pangyayari sa buhay nilang dalawa, na kung saan nabanggit na nagdalangt tao ang kanyang asawa. D. Ina ni Luding Siya ang tanging kasama ni Luding tuwing naiiwan ito ng pangunahing tauhan sa kanilang tahanan. Ang matandang ito ay may kahinaan na ang pandinig, pati na rin sa pagkilos. E. Mr. at Mrs. Cajucom Sila ang may-ari ng magarang bahay na nilapitan ni Luding ng panahong manganganak na siya. Taga BIR ang si Mr. Cajucom, siya rin ang may-ari ng magarang kotse naghatid kay Luding sa Ospital. F. Mga Nars at Doktor Sila ang mga empleyadong sa pinagdalhang ospital kay Luding na siya ring pina-ugatan ng sama ng loob ng pngunahing tauhan. G. Sanggol Bagamat hindi nagbigay ng pagkakataong mabuhay, nahalaga ang karakter ng sanggol sa kwento. Siya ang anak ng pangunahing tauhan at ni Luding na namatay agad. H. Pulis Ang mga taga bantay sa pangunahing tauhan at kanyang mga kasamahan sa loob ng kulungan.

III.

Suliranin

Maraming suliraning makikita sa kwento ngunit ang pinakapinalutang ay ang suliranin ng pangunahing tauhan ng kanyang sunugin ang pribadong ospital na kung saan iasa rin mismo siya sa mga gumawa nito.

IV.

Tunggalian Ang tunggalian sa istorya ay makikita sa parte kung saan ang

pangunahing tauhan, matatapos mag-inum dahil sa kalagayan ng kanyang asawa matapos nilang mailibing ang yumaong anak, ay pumunta siya sa ospital upang magbayad ng naiwang utang sa ospital at pagkabayad ay sinira niya ng promissory note na ibinigay sa kaya sa harapan ng kahero. Sa tunggaliang ito ay nais ipakita ng bida ang kanyang dignidad na kahit namatayan na siya ay marunong tumupad sa napagkasunduan.

V.

Kasukdulan Ang kasukdulan ng istorya ay nang mawala sa tamang pag-iisip ang

pangunahing tauhan at siya ay nakaramdam ng matinding kagustuhang sirain ang lahat ng nasa ospital, pati ang kabuuan nito. Pumasok siya sa isang silid at walang kagatul-gatol na kanya itong sinunog, subalit sa kanyang pagkalabas sa silid ay may nakakita sa kanya. Nakita rin ng personnel na ito na may usok na lumalabas sa pinto ng silid na nilabasan ng pangunahing tauhan. Napagtanto ang kanyang ginawa sa loob ng silid dahil nga sa lumabas bg usok. Matapos nito ay nahuli ang pangunahing tauhan, siya ay pinabubugbog ng mga attendant at gwardiya.

VI.

KAKALASAN Ang kakalasan ng istorya ay makikita nang matapos ang

pagsasalaysay ng pangunahing tauhan sa kanyang kasamahan ng dahilan kung papaano at kung bakit siya napunta sa masalimuot na lugar na iyo. Ditto madarama ang pagkahupang matinding damdaming napapaloob sa pangunahing tauhan habang ikinuwento ang mga pangyayari sa kayang buhay.

VII.

WAKAS Ang wakas ng Di Mo Masilip Ang Langit ay ng hikayatin na ng

pangunahing tauhan ang kanyang kasamahan na matulog na. Sa wakas ay ipinakita ang saloobin ng pangunahing tauhan, ang kahirapan at ang paulit-ulit na buhay sa loob ng kulungan, kung saan halos di na masilip ang langit.

Sigaw sa kabundukan

I. Panahon / Tagpuan A. Panahon a. Maaliwalas na Araw Sa kwentong Sigaw sa Kabundukan, makikitang walang tuwirang paglalarawan kung panahon ng maganap ang istorya. Ngunit dahil sa paglalarawan na mainam ang araw na iyon upang mangaso, mababatid na isa iyong maaliwalas na ara

B. Tagpuan a. Kagubatan Ang halos kabuuan ng istorya ay naganap sa kagubatan kung saan ang tribong, kinabibilangan ng mga pangunahing tauhan sa kwento. b. Korte Sa tagpuang ito dinala ni Aliw-iw ang kaso ng kanyang namatay na kapatid na si Alunignig. II. Tauhan A. Aliw-iw Nakakatandang kapatid ni Alunignig

You might also like