Professional Documents
Culture Documents
By Rhodilee
Ang kilalang kuwento ni Florante at Laura ay likha ni Francisco Balagtas, isang magaling
na manunulang Pilipino. Narito ang isang maikling talambuhay ni Francisco Balagtas sa
tagalog:
Ang buhay ni Francisco Balagtas ay nagtapos noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74.
Nakilala siya bilang Prinsipe ng mga Manunulang Pilipino.
Alaalang handóg kina Padre José Burgós (30 taón), Padre Jacinto Zamora (35 taón),
Padre Mariano Gómez (85 taón) at sa nadamay na si Miguel Zaldua, lubós na
dinaya ng mga fraile. Inihahandóg ko itong abang alaala sa kanilang pagkamatay
sa bitayáng itinayó sa Bagumbayan nuong iká-28 ng Febrero 1872.
-- Honorio Lopez
“Ang kanyang mga larawan ay sumasabog sa dilaw at mapulang liwanag ng araw kaya nabihag niya ang
lubusang ganda ng kalikasang Pilipino...” --Eloisa May P. Hernandez, The American and Contemporary
Traditions in Philippine Visual Arts
“Itinanghal niya ang magbubukid sa isang sukdulang paraiso, kung saan laging mapagbiyaya ang kalikasan, at
walang nakakaranas ng gutom o gulo. Inibig ng lahat ang kanyang dalagang Pilipina, nakangiti, maputi,
nakabihis ng lumang gawing damit na hindi kumukupas sa araw o nasisira sa paggawa sa bukid...” --
Thinkquest
Nuong 1922 natapos ni Amorsolo ang unang sikat niyang larawan, ang
“Rice Planting,” natanyag sa buong kapuluan at America, at nalathala
sa mga calendario, mga karatola (carteleras, billboards) at mga lathalang pang-turista.
Sumikat siya at nagmistulang gigante ng pagpinta sa Pilipinas mula nuong 1930s hanggang
1950s nang gumihit siya ng marami, at iba’t ibang larawan ng mga tao, kalikasan at mga
yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Umabot ang palabas ng kanyang mga guhit hanggang sa
New York, sa America, at sa Belgium, sa Europa. Gumuhit din siya para sa mga aklat
paaralan, mga nobela, mga disenyo (designs) para sa mga bahay kalakal (comerciantes,
companies), at mga cartoon para sa mga pahayagan at magazine, tulad ng The Independent,
Philippine Magazine, Telembang, Renacimiento Filipino at Excelsior.
Siya ang unang naglarawan at nagpalawak ng pagpinta ng mga gawi ng mga Pilipino, - fiesta,
pangisda, pagtanim at pag-ani, pamimili, paglalaba, pagluluto. Ginuhit din niya ang mga
kabanata sa kasaysayan ng bayan, tulad ng Sikatuna, Early Filipino State Wedding, First
Mass in the Philippines, The Building of Intramuros at ang Burning of the Idols. Hindi
mabilang ang dami ng kanyang mga katha kahit ngayon. Ang kanyang mga paglarawan ay
nalathala sa maraming aklat paaralan at mga calendario, at kinagisnan ng maraming bata
bilang sining ng Pilipinas.
Itinangi si Amorsolo dahil ‘nabihag’ niya ang uri ng liwanag sa Pilipinas. Gumamit pa siya
ng paraang tinawag na ‘backlighting,’ - sa likuran ng tao inilagak ang araw kaya naguhit sila
sa ginintuang liwanag. Naging favorito siya ng mga Amerkano na nais ipakita sa mga nasa
America ang anyo ng kanilang sakop na kapuluan. Marami ang nagbayad nang mahal upang
magkaruon ng kanyang mga larawan, o ipaguhit ang kanilang mga larawan sa kanya. Sapat
na ang kita niya mula nuong 1930 kaya hindi na siya tumanggap ng trabajo mula sa mga
bahay kalakal.
Yumao si Amorsolo sa Manila nuong Febrero 26, 1972. Nuong 1973, siya ang kauna-unahang
hinirang ng pamahalaan na Taga-likha ng Pilipinas (National Artist of the Philippines).
Kung daan-daan ang mga larawang pininta niya, marami ay nawala na o hindi na matunton,
libu-libo naman ang mga drawing at sketches na ginawa niya. Buong buhay, walang tigil ng
pagguhit si Amorsolo - kamay, paa, kampay ng bisig, tungo ng ulo, pihit ng leeg. Marami ay
pag-aaral ng paglarawan ng mga karaniwang gawain sa bahay at bukid - dose-dosena ang
mga larawan niya ng pagtanim at pag-ani.
Makaluma ang hilig sa pagpinta, makaluma din ang kilos at anyo ni Amorsolo. Pinarangalan
niya ng ‘po’ kahit ang mga estudiante niya. Aninaw ito sa kanyang mga larawan. Mahinahon
at marangal ang kanyang mga larawan, kahit na ang mga babaing naglalaba, naliligo at
nagpapaligo ng mga anak sa ilog, o nakababad sa putik at nagtatanim sa bukid. Magalang at
tahimik, bihira magsalita, tinangka niya, maniwaring matagumpay, na maunawaan ang
kanyang larawan sa una at isang tingin.
Tinanggihan niya ang ‘ganda’ na tanghal sa Europa at ibang bayan. Humugis siya ng sariling
wari ng ‘gandang’ Pilipina: Bilugan, hindi pahaba ang mukha. Buhay, hindi mapungay ang
mga mata. Maigsi subalit pansinin ang ilong. Matambok, hindi nakausli, ang mga labi. Hindi
maputi ang balat tulad ng taga-Europa, hindi madilim na kayumanggi ng karaniwang Malay,
kundi makinis at malinaw na hambing sa mga pisnging namumula sa hinhin. Walang galit o
pangit sa mga larawan ni Amorsolo, ang nagbigay buhay sa ‘ginintuang’ Pilipino.