You are on page 1of 7

Kolehiyo ng Narsing

Pamanahong Papel sa Filipino II

Mga Pananaw at Saloobin ng mga Kabataan sa mga


Pelikulang Pilipino
DOOMA, Roxanne, GABA, Sarah, PAGUYO, Inna Bianca, PANGANIBAN, Danica Marie,
PARREÑAS, Michelle Angelique mula sa I NUR 2, UST Kolehiyo ng Nursing T.A. 2008-2009 sa
Patnubay ni Gng. Zendel Rosaria M. Taruc

Panimula

Ang pelikula sa Pilipinas ay ang pinabago sa Philippine arts. Ngunit sa kabila nito,
naging tanyag pa rin ito at naging pinakapopular sa lahat ng art forms. Sa buong bansa,
mayroong 1000 movie theather. At sa 1980’s, mayroon ng higit-kumulang na 2.5 milyong
Pilipinong moviegoer, at sa Metro Manila lamang iyan. Bilang isang art form, nasasalamin
nito ang kultura at ang paniniwala ng mga taong nanonood nito. (http://www.aenet.org)

Ang mga Pilipino, kung pakaiisipin, ay hindi lamang gusto ang mga pelikula, napalapit
na din ito sa kanilang mga puso. Ang panonood ng pelikula ay ginagawang libangan ng mga
pamilya, mag-babarkada, at ng mga magsing-irog. Ang panonood ng pelikula ay nagsisilbing
panahon ng kanilang pagkakabuklod-buklod. Makikita rin kung paano na nagging bahagi ng
buhay ng mga Pilipino ang pelikula sa pagkahilig nila sa pagbili o paghiram ng Betamax,
VHS, VCD at sa panahon ngayon, ay ang DVD. Lokal man o foreign ang pelikula ay
dinadagsa pa rin ito ng mga Pilipino. (Tan, 2008)

Layunin

Ang pananaliksik na ito ay may layuning maglahad ng impormasyon magbibigay


linaw sa tunay na pananaw ng mga kabataan sa panahon ngayon ukol sa mga pelikulang
Pilipino na naisasagawa sa kasalukuyan. Gusto malaman ng mga mananaliksik kung
pumapatok ba talaga sa panlasa ng mga kabataan ang mga pelikulang Pilipino sa ngayon
dahil karamihan sa mga naipalalabas na pelikulang Pilipino sa kasalukuyan ay ibinabatay ng
mga producers sa mga inaakala nila na hilig ng mga kabataan. Nais din matuklasan ng mga
mananaliksik sa pag-aaral na ito kung mulat ang mga kabataan sa mga pagbabagong
pinagdadaanan ng pelikulang Pilipino, partikular na ang mga pagbabago sa pelikula noon at
ngayon. Ang mga kabataang may edad 16-20 taong gulang ang mga respondente sa
pananaliksik na ito sapagkat karamihan ngayon sa mga naipapalabas ay teen-oriented.
I. Mga Kaugnay na Babasahin

A. Mga Pelikula sa Pilipinas

Sa panahon natin ngayon, malayo na ang narating ng pelikulang Pilipino. Mas naging
malawak at halo-halo ang sakop ng nilalaman ng mga pelikula. Dahil sa mga pagbabagong
naganap, nagkaroon ito ng iba’t ibang uri ng pelikula. Ang mga pelikulang Pilipino ay may
iba’t ibang klase ng genre. Ang mga kailimitang genre ng mga pelikula ay aksyon, romansa,
katatakutan at komedya.

Ang inobasyon ng lokal na industriya ng pelikula sa Hollywood—ang pagsasalin ng


kolektibong ethos sa pribadong karakter at bida sa pelikula. Sa pamamagitan ng melodrama
na matatagpuan sa lahat ng genre ng pelikula—mula social melodrama hanggang aksyon na
ang bida ay lalake, sa bomba film hanggang sa horror film—ang anxiedad ng kolektibo ay
natutunghayan, mapapalawig pero sa katapusan ng pelikula, magkakaroon lamang ng
rekurso, tulad sa panlipunang antas, sa indibidwal na resolusyon. Mabigat ang mga
pelikulang Filipino—kung bomba, ito ay ukol sa gahasa at kahalayan ng babaeng bida; sa
aksyon, ang pang-aabuso sa moral na lalake, at ang kanyang panunumbas at paghahanap
ng katarungan—na sa kabigatan nito, o ang kapasidad na ilahok ang historikal sa indibidwal
na problema, ay hindi kailanman lubos na natutumbasan ng pagwawakas ng pelikula. Ilan
lang ito sa mga pelikulang Pilipino ng nakalipas na dekada. Malaki ang ipinagbago ng mga
pelikula sa ngayon. Nagsimula sa mga aksyon films hanggang sa mapunta sa mga patok na
patok na romance films. Ang mga romance films ay pinangungunahan sa ngayon ay
naglalayon na mahuli ang kiliti ng mga teenagers sa pamamagitan ng mga popular na
loveteams. (Capino, 2008)

B. Ang Kabataan: Karaniwang target ng Pelikula


Isinasaad sa Youth in Nation-Building Act na ang mga mga
kabataan ay ang mga mamamayan na 15 hanggang 30 taong gulang.
Ang mga kabataan ang bumubuo sa 40% ng buong populasyon ng
Pilipinas. Sila ang nangunguna sa pagbibigay direksyon sa pag-unlad
ng lipunan. Ang kanilang mga pananaw, prioridad at pag-iisip ang
magbibigay daan sa kaunlaran at kinabukasan ng bansa. At dahil sa
kanila iniatang ng lipunan ang responsibilidad na ito ay dapat lang na
maglahad ng mga positibong pananaw tungkol sa mga kabataan na
magpapatnubay sa kanilang daan patungo sa kaunlaran.
(Voicemaster, 2003) At dahil sa nailatad ni Voicemaster, nagbibigay ito ng ebidensiya kung
bakit ang karaniwang pelikula sa ngayon ay umiikot at sumesentro sa realidad ng buhay
bilang isang kabataan. Naging malaking salik ang bilang ng populasyon ng mga kabataan sa
paggawa ng movie industry ng mga pelikulang angkop kanilang edad.

Kasalukuyan, mas nakakaimpluwensya sa mga kabataan ang media kumpara sa


kanilang mga tahanan at paaralan (Lanuza, 2001). Ngunit kahit na ganito ang kalagayan ng
mga kabataan at ng media sa ngayon, sinasabi na sila ang pinakamapanuri sa kanilang mga
napapanood kung ihahambing sa ibang pangkat sa lipunan. May isang pag-aaral noong
taong 2001 na ipinakita na ang kabataan ay nanonood ng telebisyon ng sampu hanggang
labing-apat na oras sa isang linggo. Ang tanyag na programa sa mga kabataan ay ang mga
local drama series o teleserye dahil sa nauugnay nila ang storya at mga karakter sa kani-
kanilang buhay. Mayroong naisagawang pagaaaral na sumusuporta dito ukol sa
impluwensya ng pamilya sa pamumuhay ng kabataang Pilipino. Naipakita dito
na ang mga kabataan ngayon ang higit sa nagkokonsume ng mass media.
(Arnett, 2007)
C. Kabataan at Pelikulang Pilipino

Mga Kabataang Nanonood ng Pelikulang Pilipino


(http://winwab.com/wp-
content/uploads/2009/02/youchan
gedmylife.jpg) Ayon
sa isang sarbey, ang pagpunta sa mga sinehan para manood ng pelikulang
Pilipino ay nakaugalian na sa mga mahilig manood ng local films. Tunay na ang masang
Pilipino ay tanging sinehan ang isa sa mga libangan o pampalipas oras na maituturing na
kinagawian na natin.

Ayon kay Atienza, nakita sa isang sarbey na 63.4% sa 7% na mga tao na nanonood
ng mga pelikula ay parte ng educated classes. Mahigit 50% ng mga lokal na moviegoers ay
ang mga nagkapagtapos ng hayskul at mga nagaaral kolehiyo, samantalang 14% naman
ang nakapagtapos na ng kolehiyo at mga post-graduate students. (Cruz, 2008)

Tema ng mga Pilipinong Pelikula na Patok sa Kabataan

Mayroong lumalaganap na pagkahilig sa mga lokal na media na


patok pati na rin sa mga kabataang may mas mataas na kalagayan sa
buhay. Ito ay nagsasaad na ang mga kabataan ngayon ay nagkakaroon
ng pagkakapare-parehong kagustuhan sa mga naibibigay ng media. Ang
pinakapatok sa mga kabataan ay ang mga komedy, variety shows,
romansa at mga drama. Ang mga karaniwang nanonood ng mga ito ay
ang mga kababaihan na sa siyudad nakatira (Arnett, 2007).

Dahil sa malaking populasyon ng kabataan sa Pilipinas, ang


karaniwang nagiging tema ng pelikula ay tungkol sa pang araw-araw at
kadalasang pangyayaring nagaganap sa mga teenagers. Ang mga
ganitong uri ng pelikula ang siguradong papatok sa masa at magiging
mabenta sa mga teenagers. Tulad na lamang ng mga pelikulang When I
Met You, You Changed My Life, at When There Was You na
pinagbibidahan ng sikat na sikat na loveteams nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, KC
Concepcion at Richard Guitterez.

Sa industriya ng Philippine entertainment, ang mapunta sa box office list ay hindi


nangangahuluga n na ang pelikula na ito ay maganda. Ang mga pelikulang Pilipino na
romans ay isang halimbawa. Ang mga storya ng genre na ito ay nagamit noong golden age
ng Pilipinas ilang dekada na ang nakalipas at pwedeng ibuod sa sumusunod: (1) isang lalake
at isang babae ang magkakakilala, (2) ang babae at lalake ay mahuhulog sa isa’t isa, (3)
may mangyayari na susubok sa kanilang samahan, (4) pero sa huli ay mamumuhay sila ng
masaya at walang problema. (Ahab, 2009) Ito ang karaniwang dinadayo ng mga kabataan
sa mga sinehan upang mapanood. Ayon naman kay Javier at Moralde, ang dahilan kung
bakit dinadayo ng mga kabataan ang mga ito ay dahil sa storya, pati na rin sa itsura ng mga
tauhan nito.

II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral

A. Metodolohiya

Sa paggawa ng aming pamanahong papel, gumamit kami ng dalawang paraan upang


makakuha ng mga datos. Ang isa sa mga ito ay ang pagsasagawa ng personal na panayam.
Nagsagawa rin kami ng pananaliksik upang makakalap ng mga dokumento na
makapagbibigay suporta sa aming datos na nakuha mula sa pakikipanayam.

Sa pagsasagawa nitong pag-aaral, naging malaking tulong ang internet at mga libro
para sa aming pananaliksik. Gumamit kami ng questionnaire para sa aming panayam.

Ang aming pag-aaral ay naglalayong alamin ang mga pananaw ng kabataan sa


pelikulang Pilipino kung kaya’t ang aming mga respondente ay kabataan. Sakop ng aming
panayam ang kabataan mula 16-20 taong gulang. Ang mga respondenteng napili ay mga
kabataang madalas manood ng mga pelikula, partikular na ang mga pelikulang Pilipino. Sa
ganitong paraan namin masisiguro na may kakayahan silang magbigay ng pahayag tungkol
sa kalagayan ng pelikulang Pilipino sa ngayon. Ang aming mga respondente ay ang mga
sumusunod:

• Marie Louise Sanchez. 18 yrs. old. BS ND. UST.


• Roberto Paolo Mendoza. 17 yrs. old. BS Food Tech. UST.
• Jomar Hebreos Resano. 18 yrs. old. College of Education. UST.
• Nicole Abracosa. 16 yrs. old. 4th yr. High School. HSAM.
• Windsor Guadalupe. 16 yrs. old. BS Nursing.CEU.
• Anna Michaela Cortex. 16 yrs. old. AB Journalism.UST.
• Roseanne Diwa. 20 yrs. old. BS Tourism.UST.
• Stephanie Lorraine Zuniga. 17 yrs. old. BS Nursing. MADOCS.
• Angela Turano. 17 yrs. old. BS Accountancy.UST.
• Rachel Napa. 17 yrs. old. BS Med. Tech. UST.
• Christine Ma. Grace Salina. 17 yrs. old. AB Asian Studies. UST.
• Gemery Mae Dela Cruz. 17 yrs. old. BS HRM. FEU.

B. Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng Datos

Preperensya ngKabataan

31%

Romansa
Horror
53% Komedy
Family-oriented

8%

8%

Makikita sa graph sa itaas na sa 13 na respondente, 7 o 53% ang may preperensya


sa romansa, 4 o 31% ang may preperensya sa family-oriented, 1 o 8% ay may preperensya
sa horror at 1 o 8% sa komedy. Ang ibig sabihin nito ay ang pinakapopular sa kabataan ay
ang mga pelikula na may temang romansa. Ito ay dahil naiuugnay nila ang kanilang sariling
damdamin at karanasan sa mga istorya na kanilang napapanuod. Pumapangalawa ang mga
family oriented movies. Napili nila ito dahil maraming aral ang kanilang nakukuha mula dito
at nasasalamin din dito ang pagiging malapit ng mga Pilipinong mag-anak sa isa’t isa. Ito ay
nagsisilbing bonding time ng pamilya kaya naman ito’y patuk na patok. Sumusunod naman
ang may temang komedy at horror. Ito ang pumangatlo sa kanilang preperensya dahil ito ay
nakaaalis ng pagod at ito ang nagsisilbing pampalipas oras nila kasama ng mga kaibigan o
pamilya.

Sa mga kabataang nakapanayam, 4 o 31% sa 13 na


respondente ang may mas gusto sa mga pelikula noon kaysa
sa ngayon. Ito ay dahil mas malalim at makabuluhan ang mga
aral na naibibigay ng pelikulang Pilipino noon kaysa sa paulit-
ulit na kwento ng love stories ngayon. Bagama’t bumaba na
ang kalidad ng pelikulang Pilipino sa pananaw ng mga
kabataan. Ngunit mayroon pa ring positibong masasabi ang
mga respondente sa pelikulang Pinoy ngayon. Mayroong 9 o
69% sa mga nakapanayam ay nagsabi na naiuugnay ng mga
kabataan ang kanilang sariling mga kwento sa story line ng pelikula. May isa sa mga
respondente na nagsabi na gusto niya ang mga pelikulang may tema na tungkol sa mga
OFW dahil sa nakakarelate siya sa mga tauhan nito. Ang ama ng nasabing residente ay
isang OFW kaya na lamang ganoon ang kanyang pagkagusto at pagkarelate sa mga
pelikulang ganito.

Sa 13 respondente, 12 o 92% ang nagsabing may naitutulong sa buhay natin ang


panunuod ng mga pelikula. Tulad na lamang ng panunuod ng mga love stories, 4 o 31% ng
mga kabataan ay nakakukuha ng mga paraan upang malutas ang mga problema sa kanilang
relasyon. Sa panunuod naman ng mga family oriented movies, nakapagbibigay ito ng mga
aral na makakagabay upang mapatibay ang pagsasama ng isang mag-anak. Sa
pangkalahatan, bawat tema ng isang pelikula ay may naidudulot o naituturong aral sa mga
tagapanuod nito.

III. Konklusyon, Rekomendasyon at mga Sanggunian

A. Kongklusyon

Ang panunuod ng pelikulang Pilipino ay isa sa nangunguna at pinakasikat na pampalipas


oras ng mga Pilipino maging ito man ay sa sinehan o kahit sa sarili nilang mga tahanan.
Nagiging oras din ito upang magkabuklod-buklod ang isang pamilya at pati na rin ang mga
magkakaibigan. Marami na ang naging pagbabago sa mga pelikulang Pilipino. Hindi na lahat
ng pelikula sa ating panahon ay makabuluhan at kapupulutan ng aral kaya dapat na maging
mapanuri sa ating mga pinapanuod.

Dahil binubuo ng mga kabataan ang 40% ng buong populasyon ng Pilipinas, ang mga
naisasagawang pelikulang Pilipino ay batay sa kung ano ang hilig o kaya ay kung ano ang
papatok sa mga kabataan. Karaniwang genre ng mga pelikula ngayon ay horror, comedy,
drama at ang pinakapatok na romansa na huli ang kiliti ng mga kabataang manonood.

Ayon sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik mula sa ilang


kabataan na nakapanayam, marami na nga sa mga pelikula sa ngayon ay
puro romansa ang tema. Pumapatok at tinatangkilik naman nila ang mga
ganitong uri ng perlikula ngunit nagnanais din sila na makapanood naman ng
iba kaysa sa nakagawian na. Gusto din nila ang mga pelikulang may daloy ng
kwento na naiiugnay nila ang kanilang mga sarili tulad ng mga family-
oriented films at drama.
B. Rekomendasyon

Para sa mga kabataan, dapat maging mapanuri upang masala at malaman ang mga
aral na dapat isabuhay mula sa mga maling halimbawa na makikita sa mga pelikula.
Timbangin muna ang isang pelikula kung ito ay makabuluhan at kapupulutan ng maraming
aral bago panoorin. Hindi lahat ng makikita sa pelikula ay tama at dapat na gayahin. Dapat
ay mga pelikulang angkop lamang sa kanilang mga edad ang kanilang napapanood dahil
maaaring makaapekto ng malaki sa pag-iisip ng mga kabataan ang kanilang napapanood.
Makatutulong kung susunod sa age limit sa mga sinehan ang mga kabataan at mas
magiging mahigpit ang mga nagpapatupad nito.

Para naman sa mga producers, dapat nilang subukan na gumawa ng mga pelikulang
hindi lamang nakasentro sa Romansa dahil ayon na rin sa mga datos na aming nakalap,
gusto ng mga kabataan na makakita ng iba pang uri ng pelikula na mas makabuluhan ang
kwento at mas makapagpapalawak sa kanilang kaalaman.

Para sa mga magulang, marapat lamang na kanilang subaybayan at gabayan ang


kanilang mga anak sa panunuod ng mga pelikula dahi ito ang yugto ng kanilang buhay kung
kalian nagsisimulang mahubog ang kanilang katauhan at pag-iisip. Madalas nilang gayahin
ang kanilang mga nakikita sa media dahil hindi pa nila lubos na naiisip kung ito ba ay
nakabubuti o isang masamang halimbawa para sa kanila.

Para sa mga nagnanais magsagawa ng pag-aaral tungkol sa mga pelikulang Pilipino


at kabataan, maaari nilang kunin ang panig ng mga eksperto upang mas lumawak pa ang
maibibigay kaalaman hinggil sa paksang ito. Kasama na diyan ang mga psychologists,
direktor, producers, at ilan pang batikan na sa larangan ng pelikula. Ang pagkuha ng panig
ng mga naisaad ay tiyak na makatutulong upang mapaganda pa lalo ang papel at makakuha
na rin ng opinion nila tungkol sa mga bagay-bagay.

C. Mga Sanggunian

Ahab, F. (2009, February 15). Aiming for that Kilig Factor. Retrieved on February 27, 2009,
from http://paradoxicleyline.wordpress.com/

Arnett, J. J. (2007). Media. In International Encyclopedia of Adolescence (Vol. 1 p. 791). CRC


Press.

Capino, J. (2008). Ang Pelikula bilang Pabaong Amerikano at Inobasyong Filipino. Retrieved
February 27, 2009 from http://bulatlat.com/main/2008/10/25/ang-pelikula-bilang-
pabaong-amerikano-at-inobasyong-filipino/2/

Cruz, M. (2008, September 26). Imagine life without the movies in their mind. Inquirer.
Retrieved February 27, 2009, from
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20080926- 163006/Imagine-life-
without-the-movies-in-their-mind

History of Philippine Cinema. (W.P.). Retrieved February 1, 2009, from


http://www.aenet.org/family/filmhistory.htm

Lanuza, G. (2003). The Mediatization of Filipino Youth Culture A Review of Literature. Global
Media Journal, Volume 2, Issue 3. Retrieved on February 2, 2009, from
http://lass.calumet.purdue.edu/cca/gmj/fa03/gmj-fa03-lanuza.htm#top
Tan, M. (2008, June 1). Why Filipinos Love Going to the Movies. Sunday Inquirer Magazine.
Retrieved on February 24, 2009, from
http://showbizandstyle.inquirer.net/sim/sim/view/20080601-140076/Why-Filipinos-
Love- Going-to-the-Movies

Voicemaster (2003, July 29). The Role of Youth in the Philippines. TakingITGlobal. Retrieved
February 12, 2009, from
http://www.tigweb.org/express/panorama/article.html?ContentID=1690

You might also like