P. 1
Buhay Bata - BAHAY at LANSANGAN Research Paper

Buhay Bata - BAHAY at LANSANGAN Research Paper

4.67

|Views: 23,390|Likes:
Published by LouielynMata
A research paper written in Filipino about the street children of the Philippines.
A research paper written in Filipino about the street children of the Philippines.

More info:

Categories:Types, Research
Published by: LouielynMata on Mar 24, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/11/2015

pdf

text

original

“Buhay Bata sa BAHAY – LANSANGAN” Isang pag-aaral sa buhay ng isang street child ALMARIO, Caryl, AUSTRIA, Patrick

, MATA, Louielyn, VILLERO, Ramses mula sa 1-7, Kolehiyo ng Nursing sa patnubay ni Prof. Zendel Rosario ManaoisTaruc, M.Ed.

Introduksyon Ang mga street children, mga batang nasa edad na labing walo at pababa, ay ang mga batang naninirahan sa lansangan. Hindi lahat sa mga ito ay kasama ang kanilang pamilya at walang permanenteng tirahan. Wala silang proteksyon, gabay, at walang siguradong direksyon na kanilang tatahakin. Sa isang pag-aaral noong ika-17 ng Nobyembre taong 2006, nasa 220,000 ang bilang ng mga batang lansangan sa mga pangunahing lungsod sa bansa. Marami sa kanila ang nagmamakaawa para sa kaunting barya upang sila’y makabili ng pagkain. Marami din sa mga ito ang tumayong “breadwinners” ng kanilang pamilya. Sa research paper na ito malalaman ang buhay ng isang batang lansangan sa pamamagitan ng interbyu. Maipapakita rin dito ang kanilang mga naging trabaho at ang kanilang bagong buhay sa pangangalaga ng Virlanie Foundation, isang organisasyon na nangangalaga ng mga batang lansangan. Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa buhay ng mga street children. Nilalayon ng pananaliksik ang mga sumusunod: • • Magbigay ng karapatang kaalaman tungkol sa mga batang lansangan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng depinisyon at kasalukuyang kalagayan ng mga ito. Maglahad ng isang storya na naglalarawan ng mga naging karanasan sa buhay ng isang dating batang lansangan na kupkop na ng isang organisasyon at isang batang lansangan na kasalukuyang naninirahan sa kalye. Suriin at ipaliwanag ang mga nakuhang datos mula panayam sa mga bata. Kilatisin ang buhay, trabaho, pananaw sa buhay, kinakaharap na suliranin at epekto ng kahirapan sa mga batang lansangan. Magmungkahi ng solusyon na maaring makatulong upang makatulong sa lumalalang kalagayan ng mga batang lansangan sa Pilipinas.

• •

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraan na pakikipanayam upang makangalap ng datos sa pananaliksik. Ito ang pinakamagandang pamamaraan sapagkat malalaman ang mga detalye mula mismo sa mga pangunahing pinagbubuhatan o primary source. Makikita rin natin ang iba’t ibang karanasan at kinalabasan ng mga ito sa mga musmos na batang lansangan.Ang isa pang kinalamangan nito sa ibang paraan ay dahil maari rin na maobserbahan ang mga non-verbal na galaw ng kinakapanayam.

May mga iba’t ibang kagamitan na ginamit upang mangalap ng datos. Kabilang dito ay ang liham na humihingi ng pahintulot sa panayam at talaan ng mga tanong o questionnaire, kung saan nakasaad ang mga tanczong na kapakipakinabang sa pananaliksik. Ipinadala ang mga ito sa kakapanayamin isang linggo bago ang panayam upang magkaroon ng panahon ang kakapanayamin na maghanda at tumugon. Gumamit din ang mga mananaliksik ng isang kamera na maari kumuha ng bidyo at sound recorder ng isang telepono. Sa pamamagitan ng mga ito, nakakuha ang mga mananaliksik ng mga rekord ng pag-uusap, sa anyo na pabidyo at patunog, at mga litrato para sa dokumentasyon.

I.

Mga Kaugnay na Babasahin

1. Ang Mga Street Children A. Depinisyon Ayon sa Stairway Foundation, ang mga batang lansangan ay may tatlong uri: ang mga bata sa lansangan, bata ng lansangan, at mga batang naulila ng tuluyan. (wikipedia.org/wiki/Street_children_angeles_philippines) Ang mga “bata sa lansangan” ay halos 75% ng batang lansangan sa Pilipinas. Sila ang mga bata na nagtatrabaho sa kalye ngunit hindi sila dito nakatira, sapagkat sila ay mayroong sariling mga bahay na inuuwian. Ang iba sa kanila ay patuloy na nag-aaral habang nagtatrabaho. Ang mga “bata ng lansangan” naman ay ang mga musmos na itinuturing ang lansangan na kanilang tirahan. Sila ay halos 25 hanggang 30% ng mga batang lansangan sa Pilipinas. Karamihan sakanila ay nakatatagpo ng pamilya sa mga katulad nilang batang lansangan. Ang iba rin ay mayroon pang mga pamilya ngunit halos hindi na ito magkapagkita. Ang huli ay ang mga “batang naulila ng tuluyan.” Sila ang mga bata na wala ng kilalang kapamilya. Umaasa na lamang ito sa sariling kakayahan upang mabuhay. Umaabot ng halos 5 hanggang 10% ang binubuo nila sa mga batang lansangan sa Pilipinas.(created 2008:http://www.stairwayfoundation.org) B. Statistics Ayon sa statistika ng National Statistics Coordination Board mula 2004-2008, ang mga batang lansangan sa Pilipinas ay isang mahalagang problema. Pinatunayan itong report ng UNICEF sa isang “situation study” na may 7:3 na bilang ang mga batang lansangan sa Pilipinas. Kahulugan nito na mas nakararami ang bilang ng lalaki sa babae nabatang lansangan. Ang mga edad ay mula 6-17 na gulang at karamihan dito ay mula 11-14 na gulang. Kaugnay sa report ng UNICEF, naitala na may ½ ng mga batang lansangan ay nakararanas ng 1st degree malnutrition, ¼ ay nakararanas ng moderate malnutrition at 4% ay nakararanas ng serious malnourishment. 2. Buhay ng Isang Street Children A. Batang Lansangan Mula sa Civil Society Forum on Promoting and Protecting the Rights of the Streetchildren in SouthEast Asia, may tatlong pangunahing suliranin na nararanasan ang mga batang nakatira sa lansangan, ito ang drugs,

kalusugan at batas. Ang drugs ang pinakakaraniwan na kaso sa mga streetchildren. Mga drugs tulad ng rugby, shabu at marijuana ang karaniwang ginagamit ng mga bata sa lansangan. Kabilana sa mga suliranin ay ang problema sa kalusugan. Ang mga bata sa lansangan ay payat (malnourished), marumi at walang sapat na lakas upang mapangalagaan ng husto ang sarili at mailayo sa anumang sakit o karamdaman. Ilan lamang sa mga nararanasan ng mga batang ito ang mga sugat dahil sa aksidente sa paninirahan sa daan, “street fights”, mga “harassments mula sa extorsyonista o pulis at maaaring mga taong may sekswal na intensyon. At ang huli ay ang laban sa batas. May mga batang lansangan na mayroong record ng isang kaso at paglabag sa batas - ito ang paglabag sa “Vagrancy Act.” Sa loob ng selda ay nararanasan rin nila ang hirap na naranasan sa lansangan. Ang mga karaniwang kaso ng mga batang lansangan ay pagnanakaw at paggamit ng drugs.(www.childprotection.org.ph/factsfigures) B. Organisasyon Ayon sa UNICEF katuwang ang Child Hope Asia, adhikain ng kanilang proyekto ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga street children upang matuto sila kung paano nila maiiwasan ang kapahamakan. May inatasang mga “mentors” na siyang tumutulong sa mga batang lansangan. Dinasala nila ang mga bata sa UNICEF supported centers kung saan sila nakakapag-aral.Sa tulong pa ng Soccer Aid ay lumawak ang proyektong ito. Isa sa mga organisasyong tumutulong sa mga batang lansangan ay ang Save the Children in the Philippines na proyekto ng gobyerno na naglalayon na mabigyan ng edukasyon,”emergency response”, at magandang kalusugan. Maraming naitutulong ang mga organisasyon na kumakalinga sa mga batang lansangan. Mula sa artikulo na Voices of the Filipino Children, sinabi ni Rhea Ocana – 15 taong gulang na isang street children: ‘’It is really a big help that I got to meet the street educators. They are more of like brothers and sisters. They help me as well as the other children….they helped my friend who was physically abused by the father; they filed a case of child abuse against him…..other than the sessions on CRC, I also learned how to respect elders….’’ C. Paningin sa Buhay Ayon kay Joy Prudente isang 15 na taon – street child. “Nahihiya ako tuwing namamalimos ako sa daan ngunit wala na akong ibang magagawa. Wala akong trabaho at hindi ako nakatapos . At kung hindi ako magtatrabaho ay baka mamatay na ako sa gutom. Kaya sa tingin ko mas maganda kung mamalimos na lamang ako kaysa sa magnakaw.” Dagdag pa niya: “Gusto ko rin pumunta sa isang center, pagod na ako sa ganitong buhay.” (ChildHope.org.ph/situationer.doc) Sa hirap ng buhay, karamihan ng nga bata sa lansangan ay humahantong sa pagtatrabaho kahit sa murang edad. Ang iba ay namamalimos at ang iba nama’y ay nabubuhay sa illegal na paraan. Dahil na rin sa pagkagutom at problema ay mas natatakbuhan nila ang droga na humamhantong sa pagkalulong nito.(Wikipedia.com) ayon kay Rene Casino, karamihan sa mga batang lansangan ay naghihirap mula sa emotional at psychological trauma na kadalasan ay dahil sa pangaabuso at pagwalang bahala. (The Sunbeam, Publication of Virlanie Philippines)

II.

Paglalahad ng Sariling Pag-aaral

Metodo Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraan na pakikipanayam upang makangalap ng datos sa pananaliksik. Ito ang pinakamagandang pamamaraan sapagkat malalaman ang mga detalye mula mismo sa mga pangunahing pinagbubuhatan o primary source. Makikita rin natin ang iba’t ibang karanasan at kinalabasan ng mga ito sa mga musmos na batang lansangan.Ang isa pang kinalamangan nito sa ibang paraan ay dahil maari rin na maobserbahan ang mga non-verbal na galaw ng kinakapanayam. May mga iba’t ibang kagamitan na ginamit upang mangalap ng datos. Kabilang dito ay ang liham na humihingi ng pahintulot sa panayam at talaan ng mga tanong o questionnaire, kung saan nakasaad ang mga tanong na kapakipakinabang sa pananaliksik. Ipinadala ang mga ito sa kakapanayamin isang lingo bago ang panayam upang magkaroon ng panahon ang kakapanayamin na maghanda at tumugon. Gumamit din ang mga mananaliksik ng isang kamera na maari kumuha ng bidyo at sound recorder ng isang selepono. Sa pamamagitan ng mga ito, nakakuha ang mga mananaliksik ng mga rekord ng pag-uusap, sa anyo na pabidyo at patunog, at mga litrato para sa dokumentasyon. Resulta (3-8 taong gulang) Ang Virlanie’s foundation ay may labintatlong residential homes. Ayon sa staff ng isa sa mga bahay ng Virlanie’s foundation, ang mga batang kanilang kinukupkop ay may edad na tatlo hanggang walong taong gulang. Maaari lamang silang magtagal sa bahay na ito sa loob ng anim na buwan hanggang sa isang taon. Pagkatapos ng panahong ito, susuriin muna kung maaaring ibalik ang bata sa kanyang pamilya. Maaari din na iproseso ang papeles ng bata para sa pag-aampon. At kung walang makitang pwedeng umampon sa bata, ililipat nila ang bata sa ibang branches o bahay ng Virlanie’s foundation. Ang una sa dalawang residential homes na pinuntahan namin ay may kapasidad na tatlumpung bata. Kumpleto sa kagamitan ang bahay na ito ng foundation. May doktor ang bahay kaya malimit magkasakit ang mga bata dito. At kung sakaling magkasakit ang mga bata ay hindi rin sila nagkukulang sa mga gamot. Mayroon din silang lugar para makapaglaro at makapagsaya. Sa pagtulog naman, may isang kama ang bawat bata. Marami sa mga bata sa bahay ay nagmula sa mga probinsya. “Ang karamihan talaga sa kanila ay galing sa probinsya. Pagkatapos, dito na sila nanirahan sa Maynila. Pagdating dito, siguro nagkaproblema. Pagkatapos ng lahat lahat, ayan, yung iba iniiwan na lang. Karamihan talaga sa probinsya galing.”, sabi ng staff ng Virlanie. Ang pangunahing sinusuri ng mga staff sa pagdating ng mga bata ay ang kanilang kalusugan. Marami sa mga batang ito ay may mga sakit pagdating sa residential home, at ang kalimitan nilang sakit ay ang Tuberculosis. Dagdag pa niya, ang gamot sa Tuberculosis ay isa sa mga pinakamahal na gamot na kanilang binibili. Sa isang interbyu sa ilan sa mga bata, nalaman ng mga researcher na madami sa kanila ay gusto nang umuwi. “Ayoko dito eh. Andami kaaway eh.”, sabi ng isang batang nais nang umuwi. Sinabi niya ito kahit siya’y walang kaaway. Patunay na ayaw talaga nito na manatili sa Virlanie’s.

Ngunit dahil hindi na mahagilap o hindi pa masyadong maganda ang kondisyon ng kanilang pamilya, mas mainam na alagaan na lamang sila ng foundation. Ilan naman sa kanila ay inaalala pa ng kanilang pamilya. Naikwento ng isa sa mga bata na tinatawagan siya ng kanyang magulang. Ang iba naman sa kanila ay nakita na nag-iisa sa kalsada kaya dinala na lamang sila sa foundation. Masayahin ang karamihan sa mga bata, hindi pa nila lubos na naiintindihan sa kanilang mga inosenteng isip ang kinakaharap nila ngayon. Bakas naman sa ibang bata ang lubos nilang pangungulila. Iba-iba ang istorya ng mga bata ukol sa kanilang nakaraan. Isa sa kanila’y nakita ng mga staff na nakagapos sa kanilang bahay. Ang iba naman ay walang dinanas na ganitong kundisyon. Mayroon ding namatayan ng mga magulang. Pero sa mga batang ito, wala ni isa ang nalulong sa masamang bisyo at ipinagbabawal na mga gamot. Ilan sa mga proyekto ng Foundation ay ang pagpapaaral sa mga bata at pagpapabahay sa mga pamilya ng mga ito. Hangga’t kaya pa at may pondo ay aalagaan ng foundation ang mga bata. “Ang serbisyo ng Virlanie ay from womb to tomb.” sabi ng isang staff ng Virlanie. Kitang kita naman ang pahayag na ito sa facilities na meron ang foundation, sa dami ng batang inaalagaan, at sae dad ng mga ito. Sa ngayon, paliit nang paliit ang dami ng isponsor ng Foundation, at kung magpapatuloy ito, maaaring isara ang mga bahay at mawalan ng tirahan ang mga bata. Umaasa pa din ang mga staff sa mga potensyal na isponsor para maipagpatuloy ang proyekto. Pagtalakay Ang serbisyong binibigay ng Virlanie Foundation, Inc. ay sapat na para sa kapakanan ng mga bata. Sa unang bahay, tatlumpu lamang ang kapasidad kaya nagkakaroon ng 6-7 na bata bawat isang staff, sapagkat, meron 4 na staff sa isang bahay. Samakatuwid, mainam na nababantayan at nabibigyan ng atensyon ang bawat bata. Sa mga programa naman, natutugunan ng foundation ang mga pangangailangan ng mga bata, tulad ng pagkain, gamot, tirahan, edukasyon at pati na rin ang mga emosyonal na pangangailangan. Sapat na ito dahil may ibang foundations tulad ng UNICEF with Child Hope Asia ay may isang problema lamang ang pinagtutuunan ng pansin. Ito ang pagtuturo sa mga bata kung paano umiwas sa kapahamakan. Resulta (Interbyu sa Pampanga) Si Edmar o kilala bilang “Tuling” ay isang batang lansangan na nakatira sa Mansgol – isang baryo sa Pampanga. Maliit, payat at maitim ang batang ito na tindera ng sampagita. Sampung taong gulang pa lamang si Edmar at panganay sa limang magkakapatid. Ang kaniyang magulang ay parehas na walang trabaho at nabubuhay lamang sa paminsa’y-minsang pagtitinda ng kandila sa simbahan. Katulong sa paghahanapbuhay si Edmar habang siya ay nagaaral sa San. Fernando Elementary school. Sa umaga ay pumapasok sa paaralan at pagkatapos nama’y derecho na sa pagtitinda ng sampagita sa Cathedral at palengke. Madalas ay makikita siya kasama ng iba pang mga batang lansangan na nagtitinda ng kandila at sampagita.

Sa araw-araw ay kumikita siya ng 70-120 piso na pinagkakasya nila sa kakainin sa isang araw at iba pang gastusin. Sa isang araw ay 1 hanggang 2 beses sila kumakain na tulad ng lugaw, talbos ng kamote o kung masuwerte ay tinapa o dilis. Sabi pa ni Edmar: “Minsan, lulub ku jan ala kung pera. Manyad naku mu king kaklasi kung pamangan.” (Minsan, pumapasok ako na walang pera at naghihingi na lang ako ng pagkain sa mga kaklase ko.) Sa kaniyang kamusmusan ay nagawa na niyang magnakaw ng sapatos sa tiangge sa palengke at sa kasamaang palad ay nahuli siya ng pulis. Ngunit pinalaya naman ito sa kadahilanang minor de edad at isa siyang batang lansangan. Sabi ni Edmar: “Tinakut ku. Sinabi ku king sarili ku na ali ku ne gawan ita. Marine ku.” (Natakot ako at sinabi ko sa sarili ko na di’ ko na gagawin ulit yun. Nahihiya ako.) Pagtalakay Si Edmar ay isang biktima ng kahirapan sa bansa. Nagdulot ang suliranin na ito upang maging isang street children si Edmar. Sa murang eded ay naranasan niya na magtrabaho at mahirapan. Ngunit sa kabila ng lahat ay natuto si Edmar at nabuo sa kaniyang kalooban ang maging matapang at masipag. Malaki ang pag-asa ng bawat bata na may matamong pangarap at maahon sa kahirapan. Si Edmar ay isa sa patunay na may katotohanan ang bawat hirap at suliranin ng mga batang lansangan. III. Pagtatapos A. Kongklusyon Ang pagiging batang lansangan ay mahirap. Madaming problema ang kanilang hinaharap sa buhay. Pisikal at emosyonal na paghihirap ang kanilang dinadaanan ngayon. Ang mga bata na nasa pangagalaga ng mga organisasyon ay may malaking pag-asa na umunlad sa buhay. Sila ay nabibigyan ng kanilang pangagailangan. Naipakita ito sa mga kalagayan ng mga bata sa Virlanie Foundation. Sila ay nabibigyan ng pagkakataon tumira sa isang maayos na tahanan at makapag-aral. Ang mga bata naman na nasa lansangan pa rin ang siyang nahihirapan. Sila ay may maliit na pag-asa na lamang na magtagumpay sa buhay sapagkat karamihan sa mga batang lansangan ay may mga karamdaman at nalululong sa masamang bisyo. Ang ganitong problema ay mahirap lutasin. Dahil sa dami ng mga batang lansangan, nahihirapan ang gobyerno na magbigay ng tulong sa mga bata. Ang mga mamamayan naman ang siyang inaasahan ng mga batang lansangan. Kaya, ikakabuti ng mga batang lansangan kung karamihan sa mga mamamayan ng bansa ay tutulong sa mga programa ng gobyerno, NGOs at sa mga simpleng paraan tulad ng pagbibigay limos. B. Rekomendasyon Dahil sa hindi nabibigyan ng tulong ng gobyerno ang karamihan sa mga batang lansangan, umaasa ang mga mga bata sa tulong ng mga NGOs at mga simpleng pagaabot ng abuloy ng mga tao. Makakatulong din kung magbibigay ng spiritual, emosyonal at pisikal na tulong sa mga bata. Hindi lamang makakabigay ng ginhawa sa kumakalam na sikmura, makakatulong din ito sa pagbuo ng maayos na pagkatao ng mga bata.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na gawin ang pamanahong papel sa mahabang oras. Sikapin din na maghanap pa ng iba pang pagkukunan ng impormasyon tulad ng mga departamento ng pamahalaan. Kung maaari ay maghanap ng mga kakaibang kaso upang magbigay ng interes sa mga mambabasa. Ikakabuti din ng pangkat kung susundin nila ang time table at dapat ay marunong silang mag-budget ng oras. C. Bibliograpiya Street Children. December 12, 2008 http://en.wikipedia .org/wiki/Street_children_angeles_philippines Abarico, Gil M., Big Number of street kids noted UNICEF official airs concern, sees serious problems. December 12, 2008. http://mb.com.ph/issues Welfare Centers for street children. http://www.mb.com.ph/issues/2007/09/01/MAIN20070901101772.html December 12, 12, 5, 5, 5, 2008. 2008. 2009. 2009. 2009

It takes so little time. December http://www.mb.com.ph/issues/2005/05/29/OPED200505052935646_print.html

Manila Government rescues children addicted to solvents. January http://www.gmanews.tv/story/64679/Manila_govt_rescues_children_addicted_to _solvents Information about street children, Philippines. http://www.streetchildren.org.uk/reports/Philippines%20child.doc Lee, Glaiza. Future Mist: Investing http://gvnet.com/streetchildren/Philippines.htm in street January January

children.

Viaje, Reden S. Former abandoned street child becomes a member of the BAR, December 12, 2008. http://www.mb.com.ph/issues/2005/04/18/MTTN2005041832901_print.html

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->