You are on page 1of 4

Ang Alamat ng Asin

Ni: Jerry B. Padilla Jr.

Noong unang panahon, kung saan ang mga tao ay nakatira pa sa mga kweba, tuktok ng mga puno, at sa mga liblib na lugar sa kagubatan, may isang bayan na tinatawag na Noah. Sa bayang ito nakatira ang ating mga bida. Sila ang mag-amang Balong at Badong. Ang batang si Balong ay isang magaling na tagahanap ng pagkain sa kanilang bayan. Habang ang ama naman ni Balong na si Badong ay ang tagaluto ng kanilang bayan. Hindi maiwasan ni Badong na magsawa sa kinakain nilang Isaw ng manok at baboy, Betamax, Adidas, BBQ, ulo ng manok, lechon, at isda na puro inihaw at prinito. Halos nangangayat na siya dahil nagsasawa na siya sa mga niluluto niya. Naisip niyang gumawa ng isang putahe na magugustuhan ng lahat. Isang putahe na bago sa paningin at panlasa sa buong bayan ng Noah. Ito rin daw ang magiging daan niya para magkaroon ng popularidad sa buong kagubatan. Syempre, suportado ni Balong ang simpleng pangarap ng kanyang ama. Kaya naman ninais niya itong tulungan. Isang araw, naghanap na ang mag-ama ng pwedeng iluto. Balong, anak, maghanap ka ng maaaring maihalo sa pagkain na ihahanda natin sa bayan ah. Tutulungan din naman kita kaya huwag kang mag-alala, sabi ni Badong. Mabilis na nagpakalayu-layo si Balong sa loob ng kagubatan. Iniisa-isa niya ang bawat lungga sa ilalim ng puno at lupa para makahanap ng mga hayop. Gumawa rin siya ng mga patibong para sa mga mas malalaki na hayop. si Badong naman ay tinitignan ang mga halaman, prutas, at gulay sa mga puno na maaaring makain. Naghanap rin siya ng mga sangkap na pwedeng magdagdag sa lasa ng kanilang putahe. Nang matapos nila maghanap sa kagubatan, sila ay nagkita sa bahay. Anak, anu-ano mga nahuli mo dyan? tanong ni Badong. Itay, marami ako nahuli. May mga langgam, bubu yog, palaka, manok, baboy ramo, Peking duck, at marami pang iba, proud na sinabi ni Balong. Kaso yung leon tsaka daga na nahuli ko, nakawala eh. Sayang naman yun, dagdag pa niya. Balong, okay lang yan. Marami ka naman nahuli eh. Pwede na ihalo yang mga yan sa putahe na gagawin ko. PWERA sa Peking duck ha. Baka may Bird flu yan. Teka, saan mo ba nakuha yan? Sabi ni Badong. Sa mga Tsino po. Inalok po nila ako ng libre eh. Sayang naman- Sabi ni Balong nang biglang tinakpan ni Badong ang kanyang bibig. Nako anak! Itapon mo na yan! Illegal kaya yan dito. Baka may makahuli pa sa atin na may hawak niyan. Pabulong na utos ni Badong kay Balong. Dali-daling tinapon ni Balong ang Peking duck sa kagubatan. Hindi nagtagal ay nilapa na ito ng mga mababangis na hayop. Namatay sila matapos ang ilang oras. Balik sa bahay ng mag-ama, sinimulan nang magsiga ng malaking apoy si Balong sa bakuran ng bahay nila. Nilabas din niya ang pinakamalaking palayok na pwede nilang gamitin sa pagluluto. Habang ginagawa ni Balong iyon, sinimulan nang hiwain ang mga karne at lamangloob ng hayop na nahuli ni Balong kanina. Hinimay niya ang dahon ng gulay, hiniwa sa mas maliliit na piraso ang sibuyas, bawang, luya, kamatis, sili, dahon ng sili, Onion chives, Baguio beans, Cabbage, Patatas, Carrots, Celery, at marami pang iba. Dinurog niya ang atchuete, paminta, at pinatuyo ang dahon ng Laurel. Nang kumulo na ang tubig sa napakamalaking palayok, nilagay niya ang karne at lamang-loob ng mga hayop para ito ay lumambot. Isinunod naman niya ang mga pampalasa, gulay, at prutas. Itay, naeexcite na ako sa niluto mo! Amoy pa lang, masarap na! Gutom na gutom na sinabe ni Balong. Special ang luto na ito, Balong. Alam

mo naman, every Sunday lang ako nakakapagluto nang masarap, payabang na sinabe ni Badong sa kanyang anak. Nang ang mga prutas at gulay ay malambot na, sinimulan na itong tikman ni Balong. Ano ba itong naluto mo?! Kulang sa alat! Reklamo ni Balong. Bareta! Dagdag pa niya. Tinikman agad ito ni Badong. Hindi rin siya nasarapan. Napaluhod na lamang siya sa sahig at humagulgol sa pag-iyak. Sira ang Sunday kooo! Paiyak na sigaw ni Badong. Paano ko ito mapapatikim sa taong-bayan? Eh hindi siya masarap. Paano na ang bayan ng Noah?! Binigo ko silang lahat! Waah! Depressed na sinabe ni Badong sa kanyang anak. Itay! Naalala niyo po ba yung sinabe niyo sa akin nung hindi ako natanggap sa varsity? Diba sabi niyo, Never say die. Try and try until you succeed. Sabi ni Balong. Dagdag pa niya, Kaya huwag kayo sumuko agad. Hayaan niyo, maghahanap ako ng solusyon sa problema mo. Kaya naman nagsimula nang maglakbay si Balong patungo sa mas liblib pang kagubatan. Nilakad niya ang Tuwid na daan patungo sa ilog na pinamumugaran ng mababangis na Pirhana. Nakipaglaban sa mga malalakas na halimaw tulad ng malaking higante na may maliit na boses na si Beibear, si Gloring, ang ahas na naka-wheel chair, nakipagjamming sa Prokya ni Edgar at One Direction, nakipagtagisan sa pagsayaw kay Psy, nagDOTA sa bayan ng Theresa, nakipagpaligsahan sa pag-ubos ng unlimited lugaw sa Sta. Mesa, at inagaw ang Panatag Shoal sa China. Umakyat din siya ng tatlong bundok, Sumakay sa malaking agila, at tinawid ang mga bulkan sa Ring of Fire. Nang matapos niyang daanan ang mga iyon, narating niya ang Paraiso. Doon niya nakita ang magsyotang sila Yanie at Brennan. Hindi na niya ito inistorbo at dumiretso na lamang sa kagubatan. Hinalughog niya ang kagubatan. Hinatak ang bawat puno at hinukay ang buong lupain. Ngunit wala sa kagubatan ang hinahanap niya. Hindi na ito nag-atubiling lisanin ang kagubatan at magmukmok sa tabing-dagat. Nako naman. Wala sa Paraiso ang sagot sa mga problema ng aking itay. Magme-meditate na nga lamang ako. Malungkot na sinabe ni Balong Sa kanyang paglalakad sa tabing-dagat, habang pinapanuod ang magandang paglubog ni Haring araw, bigla siyang natalisod. Aray! Anak ng tinapa naman oh! Anu ba namang yang batong yan?! Sigaw ni Balong. Nasira concentration ko sa iyo eh! Dagdag pa nito. Nang napalingon si Balong sa malaking bato, napansin niyang kulay puti ito. Ito ay kumikinang dahil sa sinag ng araw. Nabighani si Balong sa puting bato na iyon at tinignan niyang mabuti. May Quality check seal. Pwede ito kainin. Sabi ni Balong sa sarili. Nagtibag siya ng maliit na parte ng bato at kinain. Grabe alat nito! Pero ito na siguro ang solusyon sa problema ng aking itay. Sabi ni Balong sa sarili. Sinimulan niyang durugin ang puting bato at nilagay sa isang malaking lalagyan para madali niya itong madala. Nang siya ay pauwi na, siya ay nagtanong sa magsyota kung paano makakaalis sa lugar na iyon. Sinabe nilang may RORO na naka-schedule umalis ngayon. Nakahabol siya sa barko at nakarating agad sa bahay nila bago sumikat ang araw. Itay! Itay! Nahanap ko na ang susi sa problema natin! Sigaw ni Balong sa kanyang amang nagmumukmok sa sulok ng kusina. Biglang nabuhayan ng loob si Badong. Agad niyang sinalubong ang kanyang anak at niyakap. Anak! Totoo ba yang sinasabe mo? Tanong ni Badong, sabay singhot sa kanyang sipon. Opo, itay. Nakakita ako ng bato sa isla ng Paraiso. Ito nga po oh. Dinurog ko na po para sa inyo. Sabi ni Balong sabay bigay ng malaking lalagyan kay

Badong. Laking gulat ni Badong at sinabeng, Anak naman! Marami na tayong tawas dito sa bahay eh. Tsaka kung tawas lang din pala hinahanap mo, marami tayo dyan sa imbakan. Pero iba ito, itay. Hindi ito katulad ng tawas natin dito. May Quality check seal iyan at hindi yan lasang tawas. Kakaiba ang lasa nito. Try niyo kayang tikman. Sabi ni Balong sa kanyang ama. Nang ito na ay tinikman ni Badong, isang malaking kulot na mukha ang nakita ni Balong. Balong, grabe naman ang alat nito! Reklamo ni Badong. Dali na! Ihalo mo na iyan sa putahe natin. Nagmamadali na sinabe ni Balong. Sinimulang pakuluan muli ang putahe nila at hinalo na ang dinurog na puting bato sa putahe. Nang ito na ay tinikman ni Balong, labis na siyang nasarapan. Itay, nagawa natin! Nakagawa tayo na isang napakasarap na putahe. Natutuwang sinabe ni Balong. Oo nga, anak. Ito na ang makapagpapabago ng panlasa ng mga tao sa bayan ng Noah. Sabe ni Badong kay Balong. Ipinatikim na ng mag-ama sa bayan ng Noah ang kanilang bagong lutong putahe. Lahat sila ay nasarapan sa niluto ni Badong. Lahat sila ay nabilib sa angking galing sa pagluluto ni Badong. Kahit ang kanilang pinuno na si Sumunog-ah ay namangha sa putahe ni Badong. Ano ang sikreto mo sa napakasarap na putaheng ihinanda mo sa amin, Badong? Tanong ni Sumunog-ah sa kanya. Gusto niyo ba talagang malaman ang aking sikreto? Tanong ni Badong kay Sumunog-ah at sa buong bayan. Oo! Oo, Badong! Sigaw ng taumbayan. Osiya, sige. Ito! Ito ang sagot sa inyong katanungan! Itinaas ni Badong ang malaking lalagyan na may dinurog na puting bato. Shabu?! Tanong ng isang kababayan. Tawas?! Tanong ulit ng isa pa. Hindi, mga ungas! Sigaw ni Badong. Eh anu ba tawag diyan? Tanong ni Sumunog-ah. Tikman niyo muna. Hindi ko pa alam ang tawag dito eh. Request ni Badong kay Sumunog-ah. Nang ito tinikman ng kanilang pinuno, isang malaking kulot ang nakita ng taumbayan sa mukha niya. Anu, aking pinuno? Maalat ba? Nakangiting tanong ni Badong. Oo, Badong! As in! Sabi ni Sumunog-ah. At doon nagsimula ang pangalan ng asin.

You might also like