ALAMAT NG BAYAMBANG

Kapapadpad pa lamang ng mga Kastila sa ating bayan. Wala pang ngalan ang iba’t-ibang lupain na nasasakop ng Pilipinas. Sa isang maliit na bayan, kakaunti pa lamang ang naninirahan. Sa lugar na ito na lubhang napakarami ng punongkahoy. Karamihan sa mga ito ay ang puno na nagngangalang “alibangbang.” Sa bayang ito lumaki at nagkaisip si Elias. Si Elias ay maagang naulila. Natuklaw ng ahas ang kanyang ama at ang ina naman ay namatay sa pagluluwal sa kanya. Dahil ulila ay natuto si Elias na mamuhay ng nag-iisa. Pangangahoy ang kanyang ikinabubuhay. Maghapon siyang mangangahoy at kinabukasan ay iluluwas niya sa bayan ang kanyang mga nakahoy upang doon ipagbili. Sa ganitong paraan nabuhay si Elias. Noon ay panahon ng Kastila, karamihan sa mga kababayan ni Elias ay hindi gaanong naglalalabas ng bahay. Sa kadahilanang natatakot sila na makita ng mga dayuhan. Tanging ang batang si Elias lamang ang araw-araw umaalis ng bahay. Isang araw sa kanyang pamamahinga sa lilim ng punong alibangbang ay may mga Kastilang dumaraan. Katanghalian noon kaya’t ang mga dayuhan ay sumilong din sa lilim. Nasiyahan naman ang mga ito sa pamamahinga sa ilalim ng puno. Dahilan kung kaya’t tinanong nila ang pangalan ng puno. “Alibangbang,” ang sagot ni Elias. Sa kadahilanang hindi gaanong sanay ng salitang Tagalog ang mga Kastila ay hindi nila masabi ang alibangbang, sa halip ay “Bayambang”. Simula noon ang maliit na bayan ay tinawag na ‘nayon ng Bayambang’.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful