You are on page 1of 10

May dalawang uri ng kaantasan ang paghahambing: 1.

Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magsing, magkasing okaya ay ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.

2. Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian. May dalawa itong uri: a. Pasahol- kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulang nglalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino

b. Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis at di-hamak.
"ANG ALAMAT NG MINA SA BAGUIO" Tinipon at iginuhit ni Boy F. Madriguera Matagal na panahon na ang nakaraan, may isang kabataang lalaki na labis na iginagalang ng matatanda. Siya ay si Manto. Pinamumunuan niya ang isang nayon ng mga Igorot na kilala sa tawag na Suyok. Bukod sa malakas ay matapang si Manto kaya naman mataas ang pagtingin sa kanya maging ng matatandang pantas. Ang Suyok ay isang tahimik na komunmidad kung saan may tapat na malasakit sa kanilang kapwa ang mga naninirahan ditto. Malaki ang takot nila sa kanilang Bathala kung paanong malaki rin ang kanilang pagmamahal ditto dahil sa tuwina ay maganda nilang ani. Isa sa paraan nila ng pagpaparangal sa mga anito ay ang pagdaraos ng kanyao. Halong lingo-linggo ay nagdaraos ng kanyao ang mga taga-Suyok. Nagpapatay sila ng mga baboy-ramo na kanilang inihahanda. Nagsasayaw sila at umaawit bilang papuri sa mga anito.

Isang araw ay naisipan ni Manto na magpunta sa gubat para mamana ng ibaon. Eksperto siya sa pamamana at walang nakaliligtas sa kanyang busog at palaso. Nang araw na iyon, sa kanyang paglalakad ay nakakita si Manto ng isang daraanan at parang hinihintay siya. Nagtaka si Manto nang hindi man lang tuminag ang uwak nang lumakad siya palapit rito. Lalo siyang nagtaka nang mapalapit sa kinatatayuan nito. Ang ibon ay tumitig kay Manto at bago pa siya nakakilos ay tumango ito sa kanya ng tatlong beses. Pagkatapos noon ay lumipad na ito. Matapang si Manto pero ng sandaliing iyon ay kinilabutan siya. Hindi niya kayang ipaliwanag kung anon ang nararamdaman. Bumalik si Manto sa nayon. Ipinaalam niya sa matatandang pantas ang nagging karanasan. Ang sabi ng mga ito ay maaring sugo ng kanilang Bathala ang ibon. Marahil, anila, ay ipinaaalala nito na kailangan na nilang magdaos ng kanyao. Noon din ay nagpakalat ng utos si Manto sa buong nayon ng Suyok. Ipinaalam sa lahat ang pagdaraos ng espesyal na kanyao. Nagkakaisnag kumilos ang lahat. Isang magandang altar ang ginawa ng kalalakihan. Ang kababaihan naman ay naghanda ng pinakamasasarap na putahe. Isang malaking baboy ang hinuli nila at inialay sa Bathala upang kung sakali man at galit ito ay agad na mapawi. Napatda ang lahat nang masaksihan ang pagbabago ng anyo ng baboy-ramo. Nagging isa itong matandang hukluban. Maging si Manto ay hindi nakapagsalita. Tulad ng mga nasasakupan ay waring umurong din ang kanyang dila. Lumukob ang takot sa lahat ng mga taga-Suyok. Nagsalita ang matanda. Sinabi sa kanila na huwag mangatakot. Sinabi pa nitong gagantimpalaan ang kanilang kabutihan at katapatan sa Bathala. Isa lamang ang aking pakiusap, anang matanda. Maglagay kayo ng isang tasang kanin at ilagay sa aking tabi. Ipinagbilin rin ng matanda na sukluban ito ng isang malaking palayok habang ipinagdiriwang nila ang kanyao. Pinabalik sila ng matanda sa ikatlong araw.

Makakakita kayo ng isang uri ng punongkahoy na hindi pa niny o nakita sa buong buhay ninyo. Maaari ninyong kunin ang bunga nito pero hindi ninyo maaaring galawin o sugatan man lang ang katawan nito, mahigpit nitong bilin. Ang lahat ng ibinilin ng matanda ay mahigpit na tinupad ng mga taga-Suyok. Pagkaraan ng tatlong araw ay bumalik sila sa lugar kung saan nagpakita ang matanda. Makaraan nilang alisin ang pagkakataklob ng palayok ay nakita nila ang isang munting punongkahoy. Kakaiba iyon dahil isa itong gintong punongkahoy! Mula sa ugat hanggang sa pinakamaliit na sanga at dulo ng mga dahon ay lantay itong ginto. Nagdiwang ang mga tao. Malaking kayamanan ang dumating sa kanila at labis-labis ang kanilang ligaya. Unti- uni, ang mga nasasakupan ni Manto na dating simpleng mga tao ay nagging mapag-imbot at mga sakim. Nawala ang pagbibigayan at pagmamalasakitan. Samantala ay patuloy sa pagtaas ang puno. Ilang panahon pa at mabilis nitong pagtaas ay halos umabot na ang dulo nito sa langi. Nag-usap ang mga taga-Suyok. Pinagmitingan nila kung ano ang pinakamainam na gawin sa puno. May nagpanukala na putulin na ito at paghatian ng lahat ng tagaroon. Naging mahirap na kasi sa kanila ang pag-akyat ditto para kunin ang mga bunga nito at mga dahon. Pinigil ni Manto ang mga Igorot. Ipinaalala niya ang tungkol sa bilin ng matanda. Pero sa pagkakataong iyon, nangibabaw na ang kasakiman ng mga tao at ayaw nang making sa kanya. Hindi napigil ni Manto nang kunin ng kalalakihan ang kanilang mga itak at mga palakol. Ang iba naman ay kumuha ng matalas na sibat. Tinaga ng iba ang puno para mabuwal ito. Ang iba naman ay pilit na pinaluwag ang lupa sa pagitan ng mga ugat ng puno. Tuwang-tuwa ang mga tao dahil malapit nang mabuwal ang puno. Pero gayon na lang ang sindak nila nang biglang kumidlat ng napakatalim at kumulog ng ubod-lakas kasabay nang pagbuwal ng puno. Nayanig ang lupa at bumuka sa mismong binagsakan ng puno. Ginantimpalaan ko ang inyong kabutihan, pero ano ang inyong ginawa? Ibinigay ko sa inyo ang gintong puno upang umunlad ang inyong buhay. Sa halip, ito pa ang naging sanhi para sumama ang inyong mga ugali, maging sakim at mawalan ng pagmamahal sa kapwa. Sa ginawa ninyo ay parurusahan ko kayo.

Dahil sinaktan ng mga taga-Suyok ang puno, anang matanda ay hindi na nila ito basta makikia. Kailangan daw paghirapan ng mga tao ang paghuhukay bago muling makakuha ng ginto. Napagmaang na lamang ang mga taga-Suyok nang Makita nila ang unti-unting paglulon ng lupa sa gintong puno. Mula noon, nakukuha lamang sa pamamagitan ng paghuhukay ng lupa ang mga minang ginto sa Baguio.

Nakatanggap si Tuwaang ng mensahe buhat sa hangin na nagsasabi na kailangan niyang dumalo ng kasal ng Dalaga ng Monawon. Huwag kang pumunta, Tuwaang, babala ng kanyang tiyahin. Nararamdaman ko na mayroong masamang mangyayari sa iyo doon. Huwag kang mag-alala, tiyang. Kaya kong alagaan ang sarili ko sinabi niya ng matatag at determinadong pumunta.
Hindi mo naiintindihan, Tuwaang. Hindi ako natatakot sa kahit ano, tiyang. Ngayon ang tanging nalalaman ko ay gusto ko makita ang kagandahan ng Dalaga ng Monawon.

Hindi pinakinggan ni Tuwaang ang kanyang tiyahin. Naghanda siya sa pagdalo sa kasal. Isinuot niya ang damit na ginawa ng mga diyos para sa kanya. Mayroon siyang hugis pusong basket na maaaring makagawa ng kidlat. Dala rin niya ang kanyang espada at panangga at isang mahabang kutsilyo. Sumakay siya sa kidlat at nakarating sa kapatagan ng Kawkawangan. Doon ay natagpuan niya ang Gungutan, isang nakapagsasalitang ibon. Gusto ng ibon na sumama sa kanya sa kasalan kaya dinala na niya ito. Nang makarating sa Monawon, siya ay magalang na pinapasok sa loob ng bulwagan kung saan ginaganap ang kasalan. Nagsimulang magdatingan ang mga bisita. Unang dumating ay ang Binata ng Panayangan, pagkatapos ay ang Binatang Liwanon

at ang Binata ng Sumisikat na Araw. Huling dumating ang lalaking ikakasal, ang Binata ng Sakadna na kasama ang isang daang lalaki. Nang dumating ay iniutos ng lalaki na paalisin ang mga bisitang hindi nararapat na naroon. Nainsulto si Tuwaang sa sinabi ng lalaking ikakasal na silang lahat ay pulang dahon, na ang ibig sabihin ay mga bayani. Nagsimula ang seremonya sa pag-aalay ng mga bisita ng mga mamahaling regalo. Dalawa ang natira para sa lalaking ikakasal ngunit inamin ng Binata ng Sakadna na wala silang gintong plauta at gintong gitara na maitutumbas sa mga natira. Tumulong si Tuwaang. Sa kanyang misteryosong hininga siya ay nakagawa ng gintong plauta, gitara at gong. Lumabas na ang babaing ikakasal sa kanyang silid at nagsimulang magbigay ng nganga sa bawa't isang bisita. Pagkatapos ay tumabi ito kay Tuwaang na naglagay sa lalaking ikakasal sa kahiya-hiyang sitwasyon. Pakiramdam ng lalaki ay nainsulto siya. Lumabas ito sa bulwagan at hinamon si Tuwaang sa isang laban. Ipakita mo sa akin na nararapat ka sa karangalang ibinigay sa iyo ng aking minamahal sa pagtabi niya sa iyo! sabi ng galit na Binata ng Sakadna. Labanan mo ako hanggang kamatayan! Tumayo si Tuwaang at tinanggap ang hamon ngunit hinawakan siya ng babaing ikakasal. Bayaan mong suklayin ko muna ang iyong buhok bago mo siya labanan, sabi ng babaing ikakasal kay Tuwaang. At buong pagmamahal niyang sinuklay ang kanyang buhok. Tinitigan ni Tuwaang ang babae. Nakita niya ang pagmamahal at paghanga nito sa kanyang mga mata. Mag-ingat ka sa pakikipaglaban sa kanya, babala ng babae. Hindi siya marunong lumaban ng patas. Ang Tuwaang, epiko ng mga Bagobo, ay isang mahabang tula na nagsasalaysay ng mga kabayanihan ni Tuwaang. Si Tuwaang ay

siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at kakisigan. Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na kinagigiliwan iyong tawaging Bai, ibig niyang tulungan ang nasabing dalaga. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang karaniwan niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong ito'y humingi siya ng pasintabi sa hangin na hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y nagmamadali. Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay kaugalian ng mga Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng Pangavukad sa lupain ni Batooy. Pagdating nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang ay halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng Kuaman. Pumanhik si Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa paglalakbay ay nakatulog siya sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may lambong ng kadiliman, ang dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang, dinulutan ang dalawa ng itso at sila'y ngumanga. Mula pa ng dumating sa lupain ni Batooy ay walang nais kausapin ang dalagang may lambong ng kadiliman. Hinintay niya si Tuwaang upang dito sabihin ang kanyang malaking suliranin. Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa dalaga. Malaki naman ang pag-ayaw ng dalaga, subalit nais kunin ng Binata ng Pangumanon ang dalaga sa dahas. Kaya napilitan siyang humingi ng saklolo kay Tuwaang at kay Batooy. Hindi pa gaanong natatagalan ang pag-uusap ni Tuwaang at ng dalaga ng Buhong ay dumating naman ang Binata ng Pangumanon. Walang taros na pinagtataga ng Binata ng Pangumanon ang tauhan ni Batooy. Para lamang tumatabas ng puno sa isang tubuhan at sa ilang saglit nakabulagta nang lahat ang mga kawal at tauhan ni Batooy.

Nanaog si Tuwaang at nagharap ang dalawang malakas at makapangyarihang lalaki. Ginamit ni Tuwaang ang kanyang kampilan. Sa lakas ng pagtatagaan ay naputol ito. Itinapon ni Tuwaang ang puluhan nito at kaagad na tumulong ang punong malivutu. Gayon din ang nangyari sa binata ng Pangumanon. Ginamit naman ni Tuwaang ang iba pang sandata niyang palihuma, gayon din ang balaraw hanggang nabali rin sa puluhan ang mga ito. At sabay na nagtapon ng baling puluhan ang dalawa at ito'y naging punong maunlapay. Nang magkaubusan na sila ng mga armas, sinunggaban ng Binata ng Pangumanon si Tuwaang at ibig durugin sa kanyang binti. Hindi nasaktan si Tuwaang. Sinunggaban naman ni Tuwaang ang Binata ng Pangumanon at tinangkang ihampas sa malaking bato. Nang sasayad na ang katawan, ang bato ay naging alabok. Tinawagan ng Binata ng Pangumanon ang kanyang patung. Ito'y isang dangkal na bakal na ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung ay bumuga ng apoy. Inunat ni Tuwaang ang kamay at namatay ang apoy. Tinawagan naman ni Tuwaang ang kanyang patung at nagliyab ang binata ng Pangumanon at namatay. Ngumanga si Tuwaang at ibinuga ang tabug ng nganga sa mga tauhan ni Batooy at sila'y nabuhay na lahat. Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman. Pagdating nila sa Kuaman ay may ligalig na nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang ang kalaban, minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san manirahang lahat. Inilulan ni Tuwaang sa sinalimba, isang ginituang sasakyang lumilipad ang lahat niyang tauhan. Pinasan ni Tuwaang sa magkabila niyang balikat ang dalagang Buhong at ang kapatid na si Bai at pumunta rin sila sa Katu-san, ang lupaing walang kamatayan.
~ang pang-abay na pamaraan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad kung paano ginanap ang kilos o pangyayaring isinasaad ng pandiwa~ ~yun lang p0h!!~ ~halimbawa: 1.Tiklop tuhod siyang humingi ng tawad.

2.Magalang niyang ibinigay ang libro sa matanda. ~...^_^...

Mga uri ng pang-abay [

Kabilang sa mga uri ng pang-abay ang mga sumusunod:

Pang-abay na pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas. Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda ay mayroong mga salitang katulad ng kahapon, kangina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pangabay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan."[2] LOL

Pang-abay na panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang kanilang mga kamaganak."[3] Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay na panlunan ang mga pariralang sa, kina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao. Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam ang

itinitinda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan mo."[2]

Pang-abay na pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Kinamayan niya ako nang mahigpit."

Pang-abay na pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga pariralang marahil,siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."[2]

Pang-abay na panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga,syempre at iba pang halimbawa. Halimbawa ay "Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan."

Pang-abay na pananggi [
Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di at ayaw. Halimbawang pangungusap para rito ang "Hindi pa lubusang nagamot ang kanser.". "Hindi ako papayag sa iyong desisyon".

Pang-abay na panggaano o pampanukat [


Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong na gaano o magkano ang halaga. Halimbawang pangungusap para rito ang "Tumaba ako nang limang libra."[2]

Pang-abay na pamitagan
Ang pang-abay na pamitagan ay ang pang-abay na nagsasad ng paggalang. Halimbawang pangungusap para sa pang-abay na ito ang "Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?"[2]

Pang-abay na panulad [

Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Higit na magaling sumayaw si Armando kaysa kay Cristito."[4]

You might also like