You are on page 1of 4

Mga Katangian ng Pilipino

Maraming katangian ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki.


Ang mga sumusunod ay deskripsyon kung paano at kailan nila
ipinakikita ang mga katangian na ito:

Pagtitiwala sa Panginoon
Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala
sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat sa
pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong
pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid din nilang
tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili.

Pagiging Magalang
Isang magandang
pag-uugali ng mga
Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa
matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa
ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa
simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o
bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong
nila ang kanilang ninong at ninang.
Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing
nakikipag-usap sila sa matanda. Gumagamit sila ng po at opo at
magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at
"Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na
pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo,
lola at iba pa.

Pagtutulungan
Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan.
Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain
dito. nagtutulungan din ang baway isa sa magkakapitbahay upang
maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay likas na
katangian ng isang Pilipino.
Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan.
Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may
malaking gawain isasagawa sa maikling panahon. Nagtutulungan
ang bawa't isa upang maging magaan ang isang mahirap na gawain.
Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani
at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar.
Mabuting

Pagtanggap at Pakikitungo
Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap.
ibig nilang masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga
panauhin. nagsisilbi sila ng pinakamasarap na pagkaing kanilang
makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga bisita.
Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag paalis na ang
kanilang mga panauhin.

Pagsama- sama ng
Pamilya
Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at
malapit na pagsasama-sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa
pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa
magulang ang nag-asawang anak kapag ito'y naninirahan sa ibang
lugar. Nagsasama-sama pa ang mag-anak tuwing may "family
reunion" kung Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang
nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino.
Inaalagaan at minamahal ng bawat miyembro ng mag-anak
ang matandang kasapi nito. Tungkulin ng bawat Pilipino na magsilbi
sa kanyang matatandang magulang, mga lolo't lola, at kamag-anak
hanggang sila'y nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng
magandang pagtingin sa matatanda.

You might also like