You are on page 1of 3

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang

pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang


maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na
babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang
mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang
nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid,
may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng
interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.[1]
Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan,
pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay
ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.[2] Ito ang isang dahilan
kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga
paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga
mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang
Aeneid ni Vergil

Etimolohiya

Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’,


kung saan ikinabit ang unlaping pang- at hulaping -an sa
ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning salitang literatura
ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan.
Nagmula ang salitang literatura sa salitang Latin - littera - na
nangangahulugang "titik".[2]

Mga uri ng panitikan

Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang uri ng panitikan:


ang mga kathang-isip (Ingles: fiction) at ang mga hindi
kathang-isip (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at
babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang
imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip
lamang. Umiimbento sila ng mga kathang-isip na mga
tauhan, pangyayari, sakuna, at pook na pinangyahrihan ng
kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng mga
nobela at maikling kuwento.[1]

Para sa pangalawang uri ng panitikan, bumabatay ang may-


akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa
kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng
manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga
pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakainganyang
kuwento. Kabilang sa mga hindi-bungang-isip na mga sulatin
at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya,
talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.[1]

Mga anyo ng panitikan

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:

1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na


pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap o pagpapahayag.
2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng
pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na
pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at
nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga
pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga
taludtod sa isang saknong.

Kahalagahan ng Panitikan

Marami ang humihingi sa akin ng tulong at nagtatanong


kung ano ba ang kahalagahan ng panitikan. Sa totoo lang
wala kayong mahahanap na tamang sagot sa internet ukol
dito, pero pwede kayong magtanong sa ibang tao at doon
nyo makikita ang kahalagahan nito.

Para sa akin, ang panitikan ay mahalaga dahil ito ay


nagsisilbing salamin ng galing ng pinoy sa paglikha. Ito rin
ang nagsisilbing sukatan kung gaano kayaman ang kultura
ng isang bansa.

Kaugnayan ng Panitikan sa Kasaysayan

Malaki ang kontribusyon ng Panitikan sa Kasaysayan dahil


dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa
pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati
natin nalalaman kung ano ang obserbasyon ng mga may-
akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.

ANg panitkan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari


sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Rizal na nagpapatunay
sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng
kastila.

You might also like